Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY
Don Severino de las Alas Campus
Indang, Cavite
PHILIPPINE LITERATURE
WRITTEN REPORT
REHIYON XII: CENTRAL MINDANAO
Camacho, Rachelle Ann N.
Gabilo, Mark G.
Laurel, Ermeel
Martinez, Roilan P.
Saguirel, Maria Vanessa C.
FEBRUARY 2016
REHIYON 12: CENTRAL MINDANAO / SOCCSKSARGEN
Matatagpuan sa Gitnang Mindanao at opisyal na Rehiyon 12. Akronimo ang pangalan na nangangahulugang para sa 4 na lalawigan ng rehiyon at isa sa mga lungsod nito.
makikita sa kanluran ng Rehiyon XII ang Maguindanao, sa silangan nito ay ang lalawigan ng Davao del Sur, sa timog ay ang Dagat Celebes at sa hilaga nito ay ang lalawigang Bukidnon. Matatagpuan ang Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Hango ang pangalang SOCCSKSARGEN sa simula ng mga titik ng mga lalawigang South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City.
Ang Lungsod ng Koronadal ang sentrong pang-rehiyon na matatagpuan sa Timog Cotabato
sa rehiyong ito ngunit bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang Maguindanao. Binubuo ang rehiyon ng mga katutubong tribong Tiboli (T'boli o Tagabili) at Bilaan sa Timog Cotabato at Saranggani, Manobo sa Hilagang Cotabato, at ang mga mandarayuhang Iluko, Ilonggo at Sebuwano.
MGA LALAWIGAN NA BUMUBUO RITO AY;
1.) SOUTH COTABATO- KORONADAL CITY –
May 11 na bayan at isang lungsod.
2.) COTABATO- KIDAPAWAN CITY – ang pangalang Cotabato ay nakuha sa salitang maguindanao na "Kutawato" na ang ibig sabihin ay kutang bato o stone fort. Ang lalawigan ng Cotabato ay isa sa pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas – Tinatawag itong "Melting Pot" dahil ang mga tao dito ay naninirahan sa ibat-ibang lugar.
ito ay tinaguriang "Rice Bowl of Mindanao" o "Kamalig ng Palay sa Mindanao"- sagana sa mga pananim.
3.)SULTAN KUDARAT- ISULAN
ito ay ipinangalan mula kay Sultan Mohammed Dipatwan Qudarat na siyang namuno sa lugar na ito mula 1635 – 1671 A.D.
Sumasaklaw ay sumasaklaw sagawing hilaga ang kanlurang bahagi ng orihinal na lalawigan ng Cotabato.
Ang tatlong munisipalidad ay- kalamansig,Lebak at Palimbang ay nakahanay sa "Mountain Ranges" na siyang naghihiwalay sa gitnang bahagi ng lalawigan sa dagat.
4.)SARANGGANI- ALABEL
Binubuo ng malawak na kapatagan at mga lupaing bulubundukin.Matatagpuan dito ang mga naggagandahang lalawigan dalampasigan at mga pook pangisdaan- Nakakarami sa lugar na ito ang mga Cebuano at tagalog.
FESTIVAL: Lubi-Lubi Festival pinagdiriwang ang pista ni Sta. Catalina de Alexandria, ang kanilang patron – Sa panahon din ng mahal na araw, mayroon din silang pabasa,prusisyon sa Sta. Entierro. Flores de Mayo nagdaraos din at Santakrusan.
5.) GENERAL SANTOS-
kinikilala ang lalawigan ng General Santos hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo dahil sa kanyang malinamnam at saganang isdang tuna.Tinaguriang "Tuna Capital of the Philippines".
LIKAS NA YAMAN:
Malaki ang kinalaman ng katangiang pisikal at klima ng isang rehiyon sa mga produkto at ikinabubuhay ng mga taong naninirahan dito. Ito ay ang pagkakaroon ng matatabang lupa ng rehiyon, may mga lambak, ilog at dagat na nakapaligid dito. Maulan at malamig ang klima rito. Hindi rin nadarama ang bagyo dahil sa matataas na bundok ang dito'y matatagpuan.
MOUNT APO -
CAGRARAY ECO PARK -
KUTAWATO CAVE -
TINOTO REEF -
LAKE SEBU:
RIO GRANDE DE MINDANAO:
MGA KILALANG MANUNULAT AT TAO:
1.) JAIME AN LIM - Ilan sa mahahalagang bunga ng kanyang panulat ay: Puna sa Noh Me Tangere ni Rizal; Sanaysay sa Pamumuna sa Akda ni Bienvenido Santos na The Man Who Likes Robert Taylor, Sanaysay Tungkol sa Poon ni F. Sionel; sanaysay tungkol sa mga nobela nina Maximo Kalaw, Jaime Laya, Steven Javellana, Edilberto Tiempo at Wilfredo Nollado na siyang nilalaman ng kanyang aklat na pinamagatang Literature and Politics: The Colonial Experience in nine Philippine Novels noong 1993.
2. ) EULOGIO DUA- isinilang sa Pampanga, Cotabato (ngayon ay Lungsod ng Cotabato, Maguindanao) noong 11 Marso 1909. Isa siyang manunulat ng sanaysay. Kinagiliwan niyang magsulat ng mga sanaysay tungkol sa mga napapanahon at kontrobersiyal na isyu ng kanyang panahon. Gaano man kakontrobersiyal ang mga isyung kanyang tinatalakay sa kanyang mga sanaysay, iyon ay nilalagyan niya ng bahid katatawanan. Naniniwala rin siya na ang pag-aaral ay hindi nagiging kabagut-bagot kung ito ay sasamahan ng kaunting katatawanan.
4.) MANNY PACQUIAO –itinanghal bilang unang 8-division world champion sa boksing.Siya ay kongresista sa Saranggani.
5.) SHAMCEY GURREA SUPSUP- 3rd runner up sa Ms. Universe 2011
MGA LITERATURA:
1.) EPIKO
A.) DARANGAN (EPIKONG MARANAO)
Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan.Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na pumatay sa ilang taong bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.
Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.
Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.
Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan.
Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.
Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.
EPIKO
B.) INDARAPATRA AT SULAYMAN
Noong unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo'y namumuhay. Maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati'y payapa.Apat na halimaw ang doo'y nanalot. Una'y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka't sa pagkain kahit limang tao'y kayang nauubos.
Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na nakakatakot kung ito'y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli'y agad nilalapang at ang laman nito'y kanyang kinakain na walang anuman.
Ang ikatlo'y si Pah na ibong malaki. Pag ito'y lumipad ang bundok ng Bita ay napadilim niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao'y sa kuweba tumatahan upang makaligtas. Sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pito ang ulo; walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng tao.
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa maraming baya't mga kaharian; si Indarapatra na haring mabait, dakila't marangal ay agad na nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
"Prinsipe Sulayman, ako'y sumasamo ng inyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo't habag"
"O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak."
Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinasabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit:
"Ang halamang ito's siyang magsasabi ng iyong nasapit."
Nang siya'y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit isang taong tumatahan.
"Ikaw magbabayad, mabangis na hayop!" yaong kanyang wika.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si Kuritang sa puso'y may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang tangang hiningi niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang Tagumpay kaya't sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ang kanyang namalas ang nakahahambal na mga tanawin:
"Ngayon di'y lumabas nag ika"y mamatay."
Noon di'y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa'y nagkaharap silang puso'y nagpupuyos. Yaong si Sulayma'y may hawak na tabak na pinag-uulos. Ang kay Tarabusaw na sandata nama-sangang panghamablos.
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
"Ang takdang oras mo ngayo'y dumating na," sigaw ni Sulayman at saka sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw.
Noon di'y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita. Siya'y nanlumo pagkat ang tahanan sa tao ay ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayon maaga pa at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumarating na.
Bird_Monster_by_shellypants (deviantart.net)
Siya ay lumundag at kanyang tianga ang pakpak ng ibon datapwa't siya ring ang sinmang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya'y sa lupa bumaon kaya't si Sulayman noon ay nalibing na walang kabaong.
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon di'y nalanta't sanga ay nangabali:
"Siya ay patay na!" ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
"Ang kamatayan mo'y ipaghihiganti buhay ma'y masawi."
Nang siya'y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas. Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala. Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay. Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao'y nagbibigay lagim a nagpapahirap. Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang kuko-matalas. Subalit ang kalis ni Indarapatra'y nagwagi sa wakas.
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang:
"Salamat sa iyo butihing bayani na upd ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo'y mabubuhay."
At kanyang namalas ng maraming taong noo'y nagdiriwang.
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya't sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ng sumpa na sila'y ikasal. Noon di'y binuklod ng adhika ang kanilang puso,
"Mabuhay ang hari!" ang sigaw ng madla.
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan; si Indarapatra'y hindi na bumalik sa sariling bayan at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.
2.) KWENTONG BAYAN:
SI PILANDOK AT ANG BATINGAW
Minsa'y iniwan ni Pilandok ang kanyang mga magulang upang maghanap ng pagkain. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa pagod niya'y hindi na niya maigalaw ang kanyang mga paa. Ipinasya ni Pilandok na magpahinga sa ilalim ng isang puno na may bahay-pukyutan. Ipininid niya ang isa niyang mata.
Di naglaon dumaan si Somusum sa Alongan na nakasakay sa isang magandang kabayo. Marami siyang dalang bagay-bagay na nakuha niya sa mga baying dinalaw niya.Nang Makita niya si Pilandok na nakaupo sa ilalim ng puno, tinanong ni Somusum sa Alongan.
"Ano ang ginawa mo sa ilalim ng punong iyan?".
"Binabantayan ko ang mana't manang gamit ng solotan.
Tanong ni Somusum sa Alongan , "Anong uri ng mana't manang gamit niyang binabantayan mo?'
"Isang maharlikang batingaw," sagot ni Pilandok.
"Maari ko bang patunugin?", tanong ni Somusum sa Alongan.
"hindi,hindi " sagot ni Pilandok",parang piñata mo na rin ako. Ang mga kamag-anak lamang ng Solotan ang maaaring magpatunog ng batingaw na ito".
"Ako'y maharlika", ang sabi ni Somusum sa Alongan kay Pilandok. 'ako ang anak ng Solotan sa Agama Niyog. Kung pababayaan mong patunugin ko ang batingaw ay bibigyan kita ng isang ginto."
"Tatanggapin ko iyan kung pababayaan mo muna akong makaalis bago mo patunugin ang batingaw".
"Sige, sabi ni Somusum sa Alongan. Ibinigay niya kay pilandok ang sako ng ginto at nagpapatakbo si Pilandok na paalis.
Nang Makita ni Somusum sa Alongan.Ibinigay niya kay Pilandok,kumuha siya ng ginto at nagtatakbo si Pilandok na paalis.
Nabiyak ang bahay-pukyutan. Nagpalabasan ang mga pukyutan at sinugod si Somusum sa Alongan. Pinagkakagat nila si Somusum sa Alongan hanggang mawalan ito ng malay.At saka lamang siya iniwan ng mga pukyutan. Sa kabutihsng –palad ay may dumating na mga mandirigma't dinala siya sa solotan. Isang linggong ginagamot si Somusum sa Alongan.
3.) PANULAAN - 2 uri ng panulaan sa panitikan ng mga Muslim-1. Pasalaysay 2.Liriko.
Ang mga tulang pasalaysay ng mga Muslim ay kilala sa tawag na "Darangan". Ito ay may 25 salaysay na epiko na nauukol sa isang dakilang bayani na si "Bantugan". Si Dr. Frank Lauback,isang iskolar na nagsalin ng isa sa mga salaysayin sa Darangan. Ang bawat salaysay sa bantugan ay nagtataglay ng katangian ng isang epiko.
Ang mga Muslim ay may "panambitan" na tinatawag. Ito ay inaawit upang ipakilala ang pagdadalamhati,pagtangis at pagkilala ng pagluluksa kung sila'y namatayan.Kilala ito ng mga Muslim sa tawag na Tabe Noma.