DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011 Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:
_____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)
_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges (Guro sa Filipino)
PASASALAMAT Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa pagbibigay ng suporta upang aking mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito: – Unang- una ako’y nagpapasalamat sa Diyos na maykapal sa pag-gabay sa akin sa paggawa ng pananaliksik na ito at maisakatuparan ang mga bagay upang mabuo ito. – Sa aming butihing guro na si Bb. Jessilyn Ranges, sa pagtulong at
pagbibigay ng mga ideyang makakatulong sa paggawa ng pananaliksik na ito. – Sa mga awtor, mga teorista at iba pang mga mananaliksik na aking kinuhanan ng mga impormasyon at proposisyon na ukol sa aking paksa. – Sa aking mga respondente, na sumagot sa aking mga tanong para sa sarbey at interbyu na nakatulong ng malaki upang mas maging epektibo ang pananaliksik na ito. – Sa aking pamilya at kaibigan, na naniwala sa akin sa pagtapos ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng suporta na nakatulong rin sa akin para maisagawa ng tama ang aking pananaliksik.
MARAMING SALAMAT PO.
TALAAN NG NILALAMAN PASASALAMAT KABANATA 1 “ANG SULIRANIN
O
SALIGAN NITO”
A. INTRODUKSYON B. LAYUNIN
NG
PAG-AARAL
C. KAHALAGAHAN
NG
PAG-AARAL
D. SAKLAW AT LIMITASYON E. PAGLALAHAD
NG
SULIRANIN
F. PARADIGM
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY KABANATA 3 “DISENYO A. DISENYO
NG
AT
NA
PAG-AARAL
PARAAN
NG
O
LITERATURA”
PANANALIKSIK”
PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK D. TRITMENT
NG
DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON
AT
INTERPRETASYON
KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON A. LAGOM B. KONKLUSYON C. REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYA
AT
NG MGA
REKOMENDASYON”
DATOS”
KABANATA I ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at maunlad. Ngunit kay raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang Edukasyon. Isang problemang nais ng matuldukan ng ating gobyerno. Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirap ang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakakapagtapos dahil nagiging rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada. Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga sa mga maling metodolohiya na naituturo sa mga kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil nga kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling asignatura. Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi maayos ang paggamit nito, hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.
B. LAYUNIN
NG
PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito’y naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng mga mamamayan ng bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa ating bansa. Itatalakay rin dito ang mga problema, dahilan at epektibong solusyon sa mga suliranin na tungkol sa Edukasyon. Ang mga impormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isang mas epektibong proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao na ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa isang masagang buhay at kinabukasan. C. KAHALAGAHAN
NG
PAG-AARAL
Sa mga researcher. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng mga impormasyon at makagawa ang isang researcher ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito. Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon. Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang makuro na may malaking kinakaharap na problema ang ating bansa tungkol sa Edukasyon. Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng mga magulang upang kanilang madalumat ang katotohanang malaki ang problema ng ating bansa lalong-lalo na sa Edukasyon. Sa pamahalaan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pamahalaan upang mas mapalawig pa nila ang kanilang kaisipan at hanggang sila’y makagawa ng iba’t ibang solusyon at paraan upang masolusyunan ang problema sa Edukasyon ng ating bansa. Ang pag-aaral na ito’y makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa ating bansa.
Sa komunidad. Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang mga isip at makagawa ng mga iba’t ibang kuro-kuro para makatulong sa estado ng D. SAKLAW
AT
Edukasyon ng ating bansa.
LIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at
paggawa ng mga kongkretong impormasyon at datos na ukol sa mga Problema sa Edukasyon ng Bansang Pilipinas lamang. Ako’y mangangalap ng mga datos sa Flos Carmeli Institution of Quezon City at sa Don Fabian, Commonwealth Ave. Q.C. na makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. E. PAGLALAHAD
NG
SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga kinakaharap na Problema ng ating bansa tungkol sa Edukasyon. Sa pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang Edukasyon? Paano ito nakakatulong sa isang bansa? 2. Anu-ano ang mga nararanasan na mga Problema sa Edukasyon ng ating bansang pilipinas? 3. Malaki ba ang nagiging epekto nito sa ating bansa? 4. Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa mga problemang ito?
F. PAGPAPAKITA
NG
PANANALIKSIK
SA
PAMAMAGITAN
NG
PARADIGM
Problemang Panlipunan : Mga Problema sa Edukasyon sa Bansang Pilipinas.
Hindi natututukan ang edukasyon sa Mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral Kulang na pondong ibinibigay ng gobyerno. Kakulangan ng Kagamitan
Kakulangan ng Dulotklasrum. ng lubhang
kakapusan sa buhay (kahirapan).
mga lib
Korupsiyon Kalayuan ng pook. Maling paggamit ng pondo ng gobyerno.
t at iba pang kagamitang pang-eskuwela tuladPagrerebelde ng lapis at mga kwaderno.
Kakulangan ng mga titser na nais ma Ginagamit ng pulitiko ang pondo ng gobyerno para sa kanyang sariling kadahilanan.
Kawalan ng atensiyon ng mga magulang.
Impluwensiya ng masasamang barkada
Natututong magbisyo
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa, Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa private schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyon ang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas na ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na bilihin (Ellen Tordesillas, journalist). Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa bawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin sa
edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataang Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon, Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon (Mylene Padua). Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay mayroong 34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad anim hanggang dalawampu’t apat. Sa kabuuang ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng silid, ang “ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t dalawang estudyante (cyndi18) . Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sa sinasabing subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing na “basic tool subject” katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa, at pagsulat nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan, pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansa bilang Pilipino. Sa kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya upang maging mabubuting mamamayang Pilipino -- sa loob at labas ng bansa. Ngunit kung “short cut” ang gagawin nating pagtuturo nito sa kanila, hindi malayong “bansot” din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mga sarili.Bukod pa rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro dahil sa sinasabing pagsasama-sama ng mga aralin. Kailangan ding maglabas ng bagong babasahin at educational aides na aakma sa tinaguriang “revised subject nomenclature.”Ito’y ilan lamang sa kagyat na makikitang problema sa solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sa
badyet para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ng pamahalaan dito(Bro. Eddie Villanueva,2009). Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansa ang tig-isang taong dagdag sa elementarya at high school kundi ang pagdagdag ng silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano natututukan ng isang guro ang kanilang mga estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral sa isang silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito, kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo na ang mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silidaralan at mga guro (Bernard Taguinod, 2010) Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabing ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang bansa sa Africa na mas mahirap pa sa ating bansa.Malubha na talaga ang kalagayan ng edukasyon sa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyon ng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng 66,881 na classroom ang ating bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyo ay para lamang makapagtayo ng 5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulang pa din ng 61,343 na classrooms ang ating bansa. Kulang din ng 816,291 na silya para sa mga estudyante. Kung kaya naman kung hindi standing room only o SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa sahig ang maraming estudyante. Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang hiningi ni Mrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung kayat 54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang ng estudyante, para bang sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ng mahigit dalawang milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punongguro ay makunat si Mrs. Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa 2,000 punong-guro. Ngunit ang pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538 na punong-guro(Jejomar Binay).
Out of School Youth Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral, walang trabaho at hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng 852,000 mula 3 milyon noong 1989 naging 3.8 milyon noong 1994 (NSO,1994)
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK A. DISENYO
NG
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatib kung saan inilalahad ang mga sanhi at dulot o epekto ng mga problema sa edukasyon. Pang-edukasyon na pananaliksik na sinasakupan kung paano natututo ang mga tao. B. MGA RESPONDENT Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mga kalalakihan at mga kababaihan na edad 12-42 na may sapat na kaalaman sa mga nangyayaring problema sa Edukasyon sa ating bansa ngayon. C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga aklat, diyaryo, dokumento, at ng internet. D. TRITMENT
NG MGA
DATOS
Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kuwestiyoner na ipinamigay na naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabing paksa. Ang pagkuha ng porsiyento at bahagdan ay batay at ang basehan ay ang mga sagot ng aking mga respondente sa aking mga nagawang kwestyoner.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS MGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NG PANANALIKSIK Ano ang pinakamalaking sanhi ng problema sa edukasyon? a. Kahirapan b. Kakulangan ng pondo c. Hindi ginagawang prayoridad ang edukasyon ng ating pamahalaan. d. Wala sa nabanggit / Iba pa
Sa labing-siyam na aking nasarbey Anim ang sumagot ng titik A. Siyam ang sumagot ng titik B .Lima naman sa titik C at dalawa sa D. Ayon sa mga datos na ito karamihan sa kanila ay naniniwala na ang problema sa Edukasyon ay ang lubhang kahirapan ng bansa. Dahil nga maraming nagsisipaglipat na mga estudyante na nag-aaral sa pribadong paaralan sa mga pampublikong paaralan (ayon na rin kay Ellen Tordesillas). Sa tingin niyo ba may ginagawang proyekto o programa ang ating pamahalaan sa ganitong isyu? a. Meron b. Wala
Ayon sa aking sarbey sa labing siyam, labing-isa ang sumagot ng titik A na kung saan ang pamahalaan ay mayroong isinasagawang mga programa’t proyekto na nakakatulong sa bansa at walo ang sumagot sa titik B na kung saan walang programang isinasagawa ang pamahalaan. Ayon sa grap ipinapakita na mas nakakalamang ang titik A. Sa katotohanan ito’y totoo kay raming mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan tulad ng pagpapagawa ng mga silid-aralan at mga pampublikong paaralan ayon na rin sa mga sagot ng aking mga nasarbey. Bakit sa tingin niyo may mga estudyante o kabataang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral? a. Dulot na rin ng kahirapan b. Dahil sa Pagrerebelde c. Natututong Magbisyo dahil sa barkada d. Iba pa.
Ayon sa aking nakalap na datos, sa labing siyam na aking nasarbey, walo ang sumagot ng titik A. Walang pumili sa titik B. Anim naman ang sumagot ng titik C. Lima naman ang pumili sa titik D. Lahat ng nasa pagpipilian ay nagiging dahilan kung bakit may mga estudyanteng hindi nakakapagtapos. At ayon sa aking datos pareho ang bilang ng pumili sa titim Titik A at C. Sa tingin mo, sino ang dapat sisihin kung bakit nagkakaroon ng problema sa Edukasyon? [
] Mag-aaral
[
] Guro
[
] Gobyerno
[
] Lahat ng ito
[
] Iba pa.
Sa labing- siyam na aking nasarbey tatlo ang nagsasabing mag-aaral ang dapat sisihin sa mga problema ng edukasyon. Tatlo naman ang sumagot ng titik B. Anim ang sumang-ayon at pinili at titik C. Samantala ang lima ang nagsasabing dapat mag-aaral, guro at gobyerno ang dapat sisihin sa mga problema ng edukasyon. Batay na rin sa aking pananaliksik lahat ng ito ay nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga problema sa ating bansa sa larangan Edukasyon. Sa tingin mo, maganda ba ang kalidad ng pagtuturo sa kasalukuyan? [
] Oo
[
] Hindi
Sa labing siyam na aking nasarbey, Sampu ang sumagot ng Oo at sumasang-ayon na maganda pa rin ang kalidad ng pagtutro sa panahon ngayon. Walo ang sumagot na hindi maganda ang kalidad ng pagtuturo at may nag-iisang nagsabi na depende ito sa eskuwelahan. Sa problemang ito naman ang guro an gating problema dahil sa kanilang pagtuturo o dahil sa kurikulum ng isang eskuwelahan.
KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON A. LAGOM Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pangedukasyon ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y nakakabuti o nakakaganda sa isang bansa. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong na magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kuro na nanggaling sa aking nasarbey. A. KONKLUSYON Maraming problemang pang-edukasyon an gating bansa isa na rito ang mga mag-aaral na di nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan, problema sa pamilya, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang landas. May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon at hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa bawat paaralan, Dahil nga sa malaking populasyon ng ating bansa nagkukulang ang mga kagamitang ito tulad ng mga libro,
kwaderno, bolpen maging silid-aralan o kaya’y paaralan. Kung nagkukulang ang kagamitan ng ating bansa puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo. Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nagiging dahilan ng maling pagkatuto nito. Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ng mga guro na nagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga Estudyante ngunit sa panahon ngayon tayo’y nahihirapan kung maganda ba ang natuturo ng mga ito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyon sa mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ng mga titser na nais magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo nito. B. REKOMENDASYON Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ng isang mas epektibong pag-aaral pa sa mga problemang pang-edukasyon ng ating bansa upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga tao tungkol na rin sa Problemang Pang-edukasyon na nararanasan ng ating bansang Pilipinas.
BIBLIOGRAPIYA http://www.abante.com.ph/issue/sep1909/op_ev.htm http://cyndi18.multiply.com/journal/item/10/Edukasyong_Pilipino_Binabaliw ala_Misedukasyon. http://www.ellentordesillas.com/?p=279
http://www.abante.com.ph/issue/june2710/news04.htm http://www.abante.com.ph/issue/jan2410/op_jb.htm
PATUNGKOL SA AWTOR I.Contact Information Pangalan : John Kevin S. Baldovino Tirahan : 2146 Don Fabian St. Commonwealth Avenue Q.C. Telepono/Cellphone Number : 430-60-54/09997158010 E-mail Address :
[email protected] II.Personal na Datos Edad: 15 Kapanganakan : Hunyo 27, 1995 Lugar ng Kapanganakan : Quezon City, Metro Manila Lahi : Filipino Kasarian : Lalaki Pangalan ng Ama : Joel C. Baldovino Pangalan ng Ina : Vivian S. Baldovino III.Educational Background Paaralan : • Preparatorya : Immaculate Mother School • Elementarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City • Sekondarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City I.Mga interes at pangarap Ang aking tanging pangarap simula ako ay ipinanganak ay makapanggamot ng kapwa. Nais ko rin makapunta sa iba’t ibang lugar sa ating bansa o kung papalarin ay sa buong mundo upang lumawak ang aking kaalaman. Nais kung magkaroon ng masayang buhay, gusto kong magkaroon ng marangal at maayos na trabaho at makabuo ng isang pamilya. Sa aking paglalakbay sa hinaharap, nais kung makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao na makakatulong sa pagkamit ng mga pangarap na aking inaasam.