Dengvaxia. Sino ang Dapat Managot?
Kamakaraang taon 2017 ng pumutok ang balita diumano’y sa kumakalat na nakamamata y na bakuna kontra dengue, ang Dengvaxia. Ito’y nagmula sa Sanofi Pasteur isang malaking kumpanya na pagawaan ng mga gamot at bakuna na aprubado ng World Health Organization (WHO). Ayon pa World Health Organization (WHO), ang bakuna ay dapat ibigay sa mga komunidad kung saan higit sa 70% ng populasyon ay nagkadengue na. Hindi bababa nang 9 na taong gulang ang babakunahan at tatlong beses dapat ibibigay ang bakuna. Malinaw na ipinahayag ng institusyonal na ito ang hinggil sa pamamaraang ng paggamit ng bakuna subalit sa kabila nito ay may mga mamamayan paring umaalma dahil na nga sa sunud-sunod na insidenteng pagkakamatay ng mga batang nabakunanan ng gamot sa mga pampublikong pampaaralan. Pahayag ng Sanofi Pasteur sa kanilang pagsasagawa ng bakuna bago ito makarating sa Pilipinas ay nilinaw nilang walang ni isang namatay sa mga nagkaroon ng side effects at lahat naman ay gumaling. Wala pa talagang naiulat na namatay dahil sa mga napagbigyan nila nito kung kaya’t agaran itong ipinatupad sa ating bansa na pinagunahan ng Department of Health (DOH). Sa katunayan, ang paglulunsad ng nasabing bakuna ay nagsimula noong kasagsagan ng termino ni Noynoy Aquino na ngayon ay nabalot ng kontrobersiya. Inamin din ni Aquino na nagpunta siya sa Paris noong 2015 para sa COP21 conference (climate change summit), at doon nakipagpulong siya sa iba't ibang kumpanya, kabilang na ang Sanofi Pastuer (manufacturer ng Dengvaxia) upang pag-usapan ang bakuna laban sa dengue. Giit ni Aquino, dumaan ang bakuna sa pamamagitan ng “local and international processes.” “Kaya natin inilunsad ito sa NCR, Calabarzon, at Central Luzon, dahil ayon sa datos ng DOH, ito po ang tatlong pinaka-apektadong rehiyon nung 2015 kaugnay kaugna y ng dengue, pahayag pahayag ni Aquino Sa tala na Department of Health (DOH), umabot na sa 733,713 ang nabigyan ng dengue vaccine pero hindi naman "at risk" o nasa peligro a ng lahat ng mga ito. Paliwanag pa ni Dr. Lyndon Lee Suy ng DOH, nasa walo hanggang 10 porsiyento ang "at risk" base sa kanilang datos. Nanindigan din silang na walang dapat ipangamba ang mga magulang at patuloy pa rin ang
kanilang pakikipag-usap sa World Health Organization (WHO) at Sanofi Pasteur ukol sa isyu. Ipinatigil na rin muna ng DOH ang kanilang dengue immunization program matapos lumabas sa pag-aaral ng manufacturer nito na Sanofi Pasteur na maaaring magkaroon ng mas malalang dengue infection ang mga nagpabakuna na hindi pa nagkakaroon ng dengue. Dahil dito’y Ipinasuspinde na ng Food and Drug Administration (o FDA) ang pagbebenta ng nasabing bakuna. Pansamantala ring ipinahinto ng DOH ang dengue vaccine program nito habang kinokonsulta nito ang mga eksperto. Dahil sa nangyari at naging kilos ng DOH, nangangahulugan lamang na may pangamba silang kamaliang nagawa bago pa iimplementa ang nasabing programa kung kaya’t sila rin ang may malaking pananagutan sa nasabing isyu. Ang handog sanan g bakuna ay magdududlot pala ng malaking sakuna. Kung gayoon ang tanong ng nakararamin, sino ba talaga dapat ang managot? Ang administrasyong Duterte ba na nasa kasalukuyang pwesto o ang dating administrasyong Aquino na siyang nagpanukala ng malakawang pagbabakuna sa buong bansa? Madaling isisi sa tao ang sakunang ito subalit ang tuna y na problema ay hindi sa tao kundi sa lason na pumapatay sa katawan ng tao. Ito ang tunay na anggulo ng isyu at kwento ng bakunang Dengvaxia na ibinahagi rin ni Anton Pascual, isang manunulat sa kanyang kolum na Veritas Editorial Gayunman, mahalagang subaybayan ang isyung ito tungkol sa Dengvaxia dahil nakasalalay rito ang kalusugan ng mga batang nabakunahan. Bagamat may mga kailangang papanagutin na mga opisyal ng pamahalaan sa dati man o sa kasalukuyang administrasyon na dahil sa kanilang mga maling hakbang, ang papanatagin ang kalooban ng publiko ang kailangang tutukan ng pamahalaan. Sa halip na ubusin ang oras at pera ng bayan para sa pagbubuo at paghahain ng kaso, mas mainam na tipunin ng pamahalaan ang mga eksperto upang alamin kung ano ang pinakaepektibong paraan ng pagsubaybay sa magiging epekto ng Dengvaxia sa mga nabakunahan nito. Dapat mabigyan ng angkop na tulong ang mga batang binakunahan ng Dengvaxia kapag dinapuan sila ng mas malalang klase ng dengue. Sa halip na gatungan ang mga mapanlinlang na impormasyon, dapat makipag-ugnayan ang pamahalaan sa World Health Organization (o WHO) at iba pang organisasyon upang malinawan sa epekto ng Dengvaxia.
Sa pangkalahatan, ang isyung ito tungkol sa Dengvaxia a y hindi dapat hayaang mabahiran ng pamumulitika. Isa itong isyu ng pampublikong kalusugan na nangangailangan ng pagtutulungan ng mga experto sa maraming larangan, lalung lalo na ng medisina. Karapatan ng lahat ang magkaroon ng maayos na pangangatawan at kalusugan, at malaki ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod nito sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan na ligtas, epektibo, at naaayon sa mga etikal na pamantayan. Ngunit karapatan din ng lahat na malaman at maunawaan ang mabubuti at hindi mabubuting epekto ng anumang gamot. Dahil ang pamahalaan ang nagpapatupad ng dengue vaccine program, tungkulin nitong tiyaking hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan at buhay ng mga mamamayan.
Sanggunian:
Claudio S. (2017). [OPINYON] Hinggil sa Dengvaxia. Rappler. Retreived February 12, 2018 from https://www.rappler.com/thought-leaders/191626-hinggil-sa-dengvaxia-denguevaccine
Nishimori A. (2017). Bakuna at dengue: Paano malalaman kung ano ang ikinamatay n g isang pasyente? ABS-CBN News. Retrieved February 12, 2018, from http://news.abscbn.com/focus/12/07/17/bakuna-at-dengue-paano-malalaman-kung-ano-ang-ikinamatayng-isang-pasyente
Pascual, A. (2017). Tamang impormasyon, panlaban sa pangamba sa D engvaxia. Veritas Editorial. Retrieved February 12, 2018, from https://www.veritas846.ph/tamang-impormasyon panlaban-sa-pangamba-sa-dengvaxia/
Quintos, K. (2017). Higit 700,000 nakatanggap ng 'delikadong' dengue vaccine. ABS-CBN News. Retrieved February 12, 2018, from http://news.abs-cbn.com/news/12/01/17/higit-700000nakatanggap-ng-delikadong-dengue-vaccine