Posisyong Papel ng Senior High School ng San Juan National High School Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Unibersidad at Kolehiyo
PANATILIHIN ANG WIKANG FILIPINO AT GAMITING PANTURO SA KOLEHIYO. HUWAG PATAYIN ANG KARAPATAN NG MGA WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAYANG PILIPINO
Posisyong Papel na Nauukol sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 (1987) Paninindigan ng Senior High School ng General Academic Track ng San Juan National High School, Samahan ng mga guro sa Filipino at Samahan ng mga Kabataang Nag-aaral ng Wikang Filipino at mga mamayang Pilipino
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng tunog o kaya ay mga pasulat na letra na naiuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabati sa ibang tao (Emmert at Donagb Don agby, y, 1981). 19 81). Ayon Ayo n
naman nam an kay ka y Henr Henry y Glea Gleaso son n (198 (1988) 8),, ang ang wika wika ay isang isa ng siste si stemati matikon kong g
balangkas na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo, na ginagamit sa komunikasyon komun ikasyon ng tao na kabilang kab ilang sa isang kult kultur ura. a. Ang kahulugan kahulu gan ni Gleason tungkol tun gkol sa wika ay tinaguriang
unibersal
na
kahulugan
ng
wika,
nakapaloob
sa
kany kanyaang pagpapakahulugan ang bawat katangian ng wika na nananaig sa daigdig. d aigdig. Maituturing na masistemang balangkas ang wika dahil lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng pag pagkaka kakabu buo. o. Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga komponent ng bibig. b ibig. Ang nalilikhang tunog sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o makabuluhang tunog. Arbitraryo dahil nagbabago bag bago ang ang wika ika depen epend de sa pook pook,, pana panah hon, at kul kultur turang kinab nabibi ibilang langan an ng tao. ao. Kabuh abuho ol ng kul kultur tura, yuma yumay yabon abong g at nagbabago ang wika dahilsa taong gumagamit gumagamit nito na kabilang sa isanglipunang isanglipunang may umiiral na kultura, kultura, at ang panghuli and wika ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon. Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy napagg napaggam amit it dit dito ng tao sa komu komuni nika kasy syon on..
Ang wika ay ginagamit sa maraming paraan at ito ay ang mga sumusunod; Una, ginagamit sa pakikipagtalastasan. Pasalita man o pasulat, ang wika ang pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Pangalawa, lumilinang ng pagkatoto dahil ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat henerasyon, tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas na nililinang at sinusuri upang mapaunlad ang kaisipan. Pangatlo, saksi sa panlipunang pagkilos, sa panahon ng Rebolusyon, mga wika ng rebolusyon ang nagpalaya sa mga Pilipino. Ito ang nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para sa ating kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat, talumpati, at mga akda. Pang-apat, lalagyan o imbakan, ang wika ay hulugan, taguan, o deposito ng kaalaman ng isang bansa. Panglima, tagapagsiwasat ng damdamin, ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman. Maaari itong pag-ibig, pagkagalit,o pagkapoot. Panghuli, gamit sa imahinatibong pagsulat, ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kuwento, at iba pang akdang pampanitikan na nangangailangan ng malikhaing imahinasyon. Nakasaad sa Kontitusyon sa Artikulo XIV, Section 6:“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang wika.” Ang wikang Filipino ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipakapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wikang Filipino sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha ng tao sa kanyang tahanan, paaralan, pamayanan at lipunan. Ang wikang pambansa ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa, kaisipan, at damdamin natin. Naipadarama ng wika Filipino ang sidhi at damdamin, lalim ng lungkot o pighati, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang layunin, ang kaibuturan ng pasasalamat, at paghanga. Isa sa pinag-uusapan at pinagtatalunan ng mga tao ngayon ay ang tungkol sa pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Ang tanong sino ang may karapatang tanggalin ang wikang Filipino? Nakalimutan na ba ng karamihan na ito ang pambansang wika ng Pilipinas at isa ito gingamit na pagsulat noon ng ating mga bayani natin para lamang maipagtanggol ang inang bayan sa mga mananakop? Sa sanaysay na ito ipaglalaban namin na dapat panatilihin ang wikang Filipino sa Kolehiyo at Unibersidad. Ilan man sa mga tao ang hindi sumasang-ayon at pinipilit na tanggalin ang wikang Filipino, hindi kami papayag at patuloy pa rin naming ipaglalaban ang Wikang Filipino panatilihin sa Kolehiyo at Universidad.
Sa panukala ng Commission on Higher Education (CHED) ng Memorandum No. 20 Series of 2013 (CMO no. 20 series of 2013) kasabay ng implementasyon ng Assocation of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration 2015, ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum sa kolehiyo ng CHED. Nilalaman ng CMO No. 20 Series of 2013 ng CHED na inilabas noong Hunyo 28, 2013 ang pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, gayundin ang Panitikan at Konstitusyon sa ilalim ng Revised
General Education Curriculum
at
paglipat nito sa sa ika-11 at ika-12 na baitang o Senior Hayskul. Ipinaliwanag ng CHED na hindi naman tuluyang tatanggalin ang Filipino sa kurikulum sapagkat magiging bahagi pa rin ito ng pag-aaral sa ika-11 at ika-12 na baiting. Isa pa ginagawang opsyon na lamang ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo. Gayumpaman, nadismaya ang maraming guro nang mapagdesisyunan ng CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sa kadahilanang malalagay sa panganib ang trabaho ng mahigit 78,000 guro sa. Bunga nito itinatag ang Alyansa ng mga Tagapagtanngol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) na binubuo ng mga guro ng Filipino mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong pamantasan kasama ang ilang mambabatas, mga manunulat, mag -aaral, progresibong organisasyon, at pribdong indibidwal upang manguna sa panawagang panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino at paggamit ng wikang Filipino sa bagong kurikulum na isasakatuparan sa taong 2018-2019 sa kolehiyo. Noong Abril 22, 2015 naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema na nagpapaliban sa pagsasakatuparan ng bagong kurikulum. Maituturing na isang napakahalagang hakbang ang inilabas na desisyon upang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Para sa ating Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Dr. Bienvenido Lumbero, ito ay isang tagumpay para sa mga Pilipinong nanawagan at nagsusulong ng isang makabayang edukasyon, alinsunod sa layunin ng pagpapatibay nga ating pambansang
pagkakakilanlan
at
pagkakamit
ng
pambansang
kaunlaran
(“Victory,”Bulatlat.com,2015) Ayon kay San Juan, propesor sa departamento ng Filipino sa De La Salle University, at isa sa mga pinuno ng alyansa, nanganganib na bumaba ang kalidad ng wikang pambansa kapag inalis ang asignaturang Filipino sa mas mataas na antas ng edukasyon. Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektwalisado o nagagamit sa iba’t ibang larangan. Upang maging ganap ang intelektwalisasyon nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang
pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo. kinakailangang gawing mandatory ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad dahil "kung iaasa sa mga unibersidad ang opsiyonal na pagkakaroon nito, malabong magkaroon ito ng espasyo sakurikulum." Kinakailangan rin umanong magkaroon ng matibay na wikang pambansa, kultura at
pagkakakilanlan
ang
bansa
para
sa
napipintong
ASEAN
integration.
"Mahalagang ambag sa edukasyong sosyo-kultural ng maraming estudyanteng inaasahang darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa mga kasapi ng ASEAN, ang asignatura sa wika, kultura at identidad ng Pilipinas,". Ayon din kay Jonathan Geronimo, propesor ng asignaturang Filipino mula sa UST. Kawangis ng mga hakbang na isinagawa ng DLSU, nagkaroon din ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga guro sa kanilang pamantasan ukol sa pagmumungkahing magdagdag pa rin ng asignaturang Filipino labas sa itinakdang minimun courses ng CHED. Dagdag pa ni Geronimo, binuksan din sa taong ito ang programang BSE Filipino upang mapalakas ang pundasyon ng departamento. Aniya, nagsimula ring makiisa ang mga guro sa UST sa mga dayalogo na pinangunahan ni Crizel Sicat, propesor ng asignaturang Filipino sa UST. Nakasaad din sa konstitusyon ng Pilipinas ang batas ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon. Kaakibat nito ang kahalagahan ng paggamit ng Filipino bilang epektibong salik ng pagkatuto. Nananatiling sentro ng kurikulum ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapaigting ng intelektwalisasyon ng wikang ito upang higit pa itong maging epektibo at higit pang yumabong. “Gusto namin ‘yung mananatiling Filipino sa tertiary level ay intellectual, at magagamit ng mga estudyante” ani San Juan. Taliwas sa paniniwalang hindi na kakailanganin ang wikang Filipino sa ASEAN integration, ipinaliwanag ni San Juan na mayroong mahalagang papel na gagampanan ang wikang Filipino sa integrasyong ito. Ani San Juan, layunin ng ASEAN integration ang pagbabahagi ng kultura. “Sharing and caring community ang ASEAN, so pati kultura ay may sharing,” giit pa niya. Ayon naman kay Geronimo, “hindi tayo gaya sa mga mauunlad na bansa na mayroong malaking pagpapahalaga sa kanilang wika at hindi kailanman naging “opsyonal” ang wika ng kanilang pagkakakilanlan at kasaysayan.” Kaugnay nito, nararapat lamang na matibay ang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa sariling kultura, lalo na sa sariling wika
sapagkat iyon ang magiging kontribusyon ng bawat isa sa mundo. Bubuo sa ASEAN identity ng Pilipinas ang sarili nitong wika’t kultura, kaya naman labis ang kahalagahan ng pagtuturo ng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon sa bansa. Dagdag naman ni Geronimo, Kasabay ng pagbuwag sa Filipino ang pagkakabuwag sa pangarap ng bansang magkaroon ng isang edukasyong makabansa at malaya na patuloy na huhubog sa mga kabataang magnanais na magambag sa bayan. Tugon ng rehimeng Aquino ang pagtatanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo sa dikta ng mga imperyalistang bansa na hubugin ang sistema ng edukasyon upang makasagot sa kanilang pangangailangan
para
sa
murang
lakas-paggawa,
ayon
sa
League
of
Filipino
Students(LFS).“Layunin nila’y lumikha ng kabataan na walang pagmamahal sa sariling bayan, maging sunud-sunuran na madaling siilin. Ito ang mga katangian na kailangan ng mga dambuhalang korporasyon,” ani LFS national spokesperson Charisse Bañez. Ayon kay Bañez, isang malaking tagumpay ang TRO sa CMO 20 ngunit patuloy pa rin ang laban upang ipagtanggol ang wikang Filipino laban sa mga atake ng K-12 at para isulong ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon.
Ang wika Filipino ay isa sa pinakamagandang handog ng Diyos sa sangkatauhan. Nararapat lamang na pagyamanin natin ang ating pambansang wika dahil nagsisilbi itong midyum para maintindihan at maka-usap natin ang isa’t isa. Ito rin ay napakahalaga sa pangaraw-araw nating pamumuhay sapagkat ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pag-unlad ng bansang Pilipinas. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wikang Filipino, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman. Dapat nating tangkilikin ang sarili nating wika, sa kadahilanang ipinaglaban ito ng ating mga ninuno at bayani sa panahong pilit na tinatanggal ng mga mananakop ang karapatan ng mga Pilipino na gamitin ang sariling wika. Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbulo ng ating pagiging bansa. At ani nga ni Geronimo,”Kailangang linangin ang Filipino bilang matibay na sandata sa panahong binubura ito ng globalisasyon at hinahati ang mga mamamayan ng ating bansa bunga ng lumalalang sosyo-ekonomikong kalagayan”.
Biblyograpya Pasion, Pher (2014). Pagtanggal Ng Wikang Filipino Sa Kurikulum Ng CHED, Binatikos Ng Mga Guro, Kabataan. Nahanap noong February 2, 2017 mula sa http://pinoyweekly.org/new/2014/06/pagtatanggal-ng-wikang-filipino-sa-kurikulum-binatikosng-mga-guro-kabataan/ Fajardo & Piad, (2014). Pagtanggal Ng Asignaturang Filipino Sa Kolehiyo: Filipino Department, Umapila Sa CHED. Nakuha noong February 2, 2017 mula sa http://plaridel.ph/2014/06/19/pagtanggal-ng-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo-filipinodepartment-umapila-sa-ched-2/ Anonymous, (2015). Pagtanggal Ng Wikang Filipino Sa Kolehiyo, Itinigil Ng Korte Suprema. Nakuha noong February 2, 2017 mula sa http://www.anakbayan.org/pagtanggal-ng-wikangfilipino-sa-kolehiyo-itinigil-ng-korte-suprema/ Umil, Anne (2015). Educators, Students Form Alliance To Defend Filipino Language Subject. Nakuha noong February 2, 2017 mula sa http://bulatlat.com/main/tag/ched-memorandum-orderno-20-series-of-2013/ Fernandez, Amanda (2014). Dapat Bang Alisin Na Ang Asignaturang Filipino Sa Mga Kolehiyo At Unibersidad? Nakuha noong February 2, 2017 mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/367090/news/ulatfilipino/dapat-bang-alisin-na-angasignaturang-filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad Anonymous. Kahalagahan Ng Wikang Filipino Sa Edukasyon. Nakuha noong February 2, 2017 mula sa http://filipinotermpaper.blogspot.com/
Nuncio et. al. Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino. Nakuha noong February 2, 2017 sa Batayang Aklat sa Filipino sa Senior High School.