POSISYONG PAPEL SA MALAYANG PAGGAMIT NG INTERNET AT SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL AT PAGPAPAHAYAG Sa paglipas ng panahon, malaki na ang makikitang kaunlaran sa ekonomiya ng bansa. Kasabay ng pag unlad nito ay ang pagusbong ng makabagong teknolohiya na siyang nagsisilbing libangan at kasangkapan sa komunikasyon. Ilang halimbawa nito ay ang internet at social media. Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. Ang social social media naman naman ay tumutukoy tumutukoy sa sa sistema ng pakikipag-ugna pakikipag-ugnayan yan sa mga mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito ang nagsisilbing tulay sa pakikipag-kapwa tao, pagkonekta sa mga kamag-anak, pagpapakita ng mga natatanging talento at higit sa lahat, sa pag-aaral at pagpapahayag. Sa madali’t sabi ay mas dumadali ang pangaraw-araw na gawain ng tao lalong lalo na ang mga estudyante. Ang paggamit ng internet at social media sa pag-aaral at pagpapahayag ay nararapat lamang na maging malaya dahil nakakatulong ito sa pagsasaliksik ng mga bagay, pakikipagusap sa mga kamag-aaral, paglalahad ng opinyon tungkol sa mga isyu ng bansa at higit sa lahat nagsisilbi itong libangan ng mg tao mula sa kani- kanilang trabaho at responsibilidad. Ang internet internet at social social media media ay maaring magresulta magresulta sa sobrang sobrang adiksyon adiksyon hanggang sa mawala na ang interes sa pag-aaral. Sinasabi ng iba na ito ang nagiging dahilan upang mawala sa pokus ang mga estudyante. Sa halip na nagaaral ay nasasayang ang oras ng mga mag-aaral dahil hindi na nila mapigilan ang paggamit nito. Sinasabing ito rin ay umaagaw o bumabawas sa atensiyon at oras na dapat nilalaan sa pakikisalamuha sa pamilya, kaibigan, at sa lipunan. Hindi namamalayan ng taong gumagamit nito na unti-unting lumalayo ang loob niya sa totoong mundo. Ang internet at social media ay napakalawak. Maraming mga bagay ang nakikita dito tulad na lamang ng mga samu’t-saring “posts” at “videos” na kung minsan ay masama na sa nakakapanuod at nakakabasa. Maaring ang mga nakitang videos sa Facebook ang maging dahilan upang magkaroon o makagawa ng masasama o di kaaya-ayang mga bagay ang nakapanuod. Ang paggamit paggamit ng internet internet ay mas nagpapadali nagpapadali sa mga gawain gawain ng mga mga estudyante sa pag-aaral. Ang paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga aralin o pananaliksik ng mga estudyante ay naisasagawa sa ilang pindot lamang sa tipaan ng computer. Kahit nakaupo lamang ay makikita na agad ang mga hinahanap na may koneksyon sa leksyon na tinatalakay. Kung noon ay kailangan pang pumunta sa mga
silid-aklatan sa pangangalap ng datos, ngayon ay titipa na lamang sa kompyuter ng mga salita at lalabas na ang mga resultang sing-dami o mas madami pa sa mga impormasyon na nasa silid-aklatan. Ang paggamit naman ng social media ay nakakatulong sa pagkonekta o pakikipagusap ng mga mag- aaral sa isa’t-isa. Kung may mga hindi kaagad naintindihan sa eskwelahan ay maaring matalakay muli kahit nasa bahay. Maaaring itong gamitin na isang paraan para mas madaling matuto ang mga estudyante. May mga guro din na gumagamit ng “social networking site” tulad ng Edmodo at messenger, sa pagbibigay ng “powerpoints” at sa ngayon, ang mga ito ay malaki na ang tulong sa mga mag-aaral. Ikaapat, sa pagpapahayag, ang twitter, f acebook at Instagram ang pangunahing daluyan ng mga impormasyon sa iba’t ibang isyu ng bansa at maging ng mga tao. Dahil dito, mas napapadali ang pakikinig ng gobyerno sa mga hinaing ng mga tao at ang mga posibleng solusyon sa problema ng bansa. Ika-lima, ang mga “social networking sites” ay isa sa mga nagsisilbing libangan ng mga tao mula sa kani-kanilang trabaho at responsibilidad. At sa paglaganap ng depresyon at stress ay maaring magsilbi itong sariwang hangin dahil dito nila maiilabas ang kanilang mga saloobin. Ang paggamit ng internet at social media ay may masasamang epekto ngunit kung titingnan na mabuti ay mas lamang ang mga positibong epekto nito basta tama ang paggamit. Ang internet at social media ay maraming pakinabang kaya naman nararapat itong gamitin sa pag-aaral at paghahayag ng malaya para sa mas maunlad na mundo, kasabay ng pag-unlad ng mga bagay na mayroon ang mga tao ngayon.
Ang pagkagumon sa social media ay nasa gumagamit nito, nasa sa kanya kung paano ito kokontrolin at paano itatakda ang kanyang oras. Ang paggamit nito ay nangangailangan lamang ng tamang pagdisiplina sa sarili. Ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pang ginagamit sa komunikasyon sa social media at pagpapahayag ay nagagamit ng mas madali at mabilis kung kaya’t s inasabi ng iba na ito ay mali pero masosolusyunan ito sa pagkamulat sa mga prayoridad, kung ano ang dapat unahin at hindi. Kung iisiping mabuti, madaling makakakonekta ang mga tao kahit pa gaano kalayo sa isa’t isa. Higit sa lahat, madali din na makakapagp ahayag ng saloobin sa isang isyu at makakapaghanap ng mga bagay-bagay na kailangan para sa iba’t ibang responsibilidad ng mga tao.
Sa kabila ng lahat ng ito, dapat lamang piliin ang mga binabasa at nakikita at i angkop sa edad ng gumagamit. Gaano man ito kalawak, nasa “users” pa din ang pagbabalanse ng mga bagay-bagay at kung paano siya magpapaapekto dito. May mangilan-ngilan man na masamang epekto, sa isang banda ay makatwiran namang gamitin ang internet at social media sa pag-aaral at pagpapahayag upang mas mapadali ang pagsasaliksik sa mga bagay na gustong malaman at makapagpahayag ng sariling paninindigan.