1
Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katwiran Ni: Bartolome del Valle Lakandiwa: Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik Nananalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsa’y ang ating puso,at kung minsa’y ang isip, Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit Kung minsan ay sa ligaya at tagumpay na malinis At kung minsa’y sa siphayo at masaklap na pagtangis Dahil diya’y naisip ko na ang dapat pagtalunan Ay kung alin ang marapat sa ating buhay Ang isip ba o ang puso! Ang pag-ibig o katwiran! Alin diyan ang talagang dapat maging panuntunan! "ayroong nagsasabing isip ang dapat na maging mamatnubay Ngunit upang makilala ang higit na kailangan, Ngayo’y aking tinatawag ang may kaya sa tulaan At yayamang binuksan na ang hapag ng balagtasan, Ang nasa panig ng isip ang uuna sa tindigan Isip at Katwiran: #a simula, ang daigdig na madilim$alang anyo, walang buhay, malungkot na parang libing #a gitna ng kalawaka’y nakabalatay ang lagim At ang %nang-Kalikasa’y luksang-luksa, naninimdim Datapuwat nang ipukol ng Diyos ang Kanyang tingin, Ay natakdang ang daigdig sa katwira’y balangkasin: Nayanig ang buong lupa& at sa kidlat na matalim, Ang karimla’y itinaboy ng liwanag na dumating& "ula noon ang katwiran ay liwanag nang nagningning, %law na di namamatay&di lumalabong salamin' #a katwiran ng matatag, itong buong sanlibuta’y Nagkakulay, Nagkakulay, at umayos, at nagbihis ng kariktan Bawat bagay na nalikhang may dahilan, At nalagay sa sarili’t kanya-kanyang kaukulan $alang hamak, ni dakila, na mayroong kakanyahan, $alang munti ni "alaki, na di mayroong katuturan' (umagawang isa-isa’y yumayaring sabay-sabay& Bawat kilos ng daigdig, nawa’t pihit, bawat galaw, Ay may tinutuntong batas, at katwirang sinusundan Ang langit na dati’y wala, ngayo’y parang isang aklat Nababasa ng katwiran sa bituing kumikislap )arang sinasabi nilang*Kami’y dito sa itaas, +pang kayo, sa ibaba’y tanglawan sa inyong hangad Kapag kami’y hihiwalay sa katwirang nilalandas, Ang daigdig ay guguho, at magkakawasak-wasak' At ang lupang dati-rati’y sa ligamgam naksadlak, Ay naligo sa kariktan at nagbalot ng bulaklak Bawat dahon, bawat sanga, bawat usbong, bawat ugat, Nagsasabi ng katwirang sila’y buhay nating lahat' Nakikita ang katwiran sa pagsikat at paglubog Ng sa liwanag na sa ati’y buhay ang inihahandog
Araw araw sa paggawa ang katwira’y nag-uudyok, (abi-gabi, tayo’y kanyang pinalalapit sa Diyos Nababasa ang katwiran sa tubig at mga bundok, Ang una’y sa nauuhaw, at ang huli’y sa dayukdok "ay katwiran bawat puso ay tumutibok, Katwiran din tayong lahat ay mabalik sa alabok Di kung gayon ang katwiran katwi ran ay Bathalang nakukupkop, akas na dapat maghari haring dapat na masunod'
Puso at Pag-ibig: Ako’y puso&)uso akong sinasamba’t nilalangit, )intakasi ni kupido, at dambana ng pag-ibig #a damdamin at isipan, ako’y sulong umuungit, Ako rin ang sumusuri sa tiwalang pag-iisip Kapag ako ang nasunod, walang likong pagnanais, $alang hidwang pagkukurong maghahatid sa panganib #a paano, ako’y balon ng pagsintang nagbabatis, At sa akin nakasandal ang mabuting si pananalig Kapag ako ang nawala, ang maghahari ay hapis, ikong-katwiran ang siyang mananaig nang malabis Ako’y templong tinatawag ng butihing si Bathala Na larawan ng pag-ibig nalikha ang langit, lupa, ahat-lahat sa daigdig, sampung katwiran at diwa )alibhasa ang isipan, karaniwa’y madaraya, Kaya laging gising ako at natatanod nang kusa Katulad ko ay orasang tumitiktak ng payapa, Naghuhudyat sa balana kung may mapapanganyaya Ang katwirang liko’t baluktot ay lagi kong sinasala At ang isip na madilim ay ayokong maminsala Bago muna magkaroong ano mang bagay-bagay, Ang pag-ibig nating Diyos siyang tanging umiiral Kung bagaman at madilim ang lawak ng kalawakan, Ang angeles ng pag-ibig ay nangasa kagalakan Ang liwanag nila noon ay ang gawang kabanalan At di nila nababatid na ano mang kaguluhan Aleluya kay Bathala* ang awit sa araw-araw, $alang likong naghahari& walang hidwaan kalagayan )alibhasa ang pag-ibig ay sa saliga’t patuntungan, Kaya naman sa pag-ibig silang lahat nabubuhay nabubuhay %sang dakot na alabok na kinapal ni Bathala, .inubog na kanyang kamay at kinupkop nang payapa )inatibok sa pagsuyo at damdaming walang sawa, At ginawang templong banal ng malinis niyang diwa %sang kaban ng pagsintang sa paglingap ay sagana, #a katwira’y tumitimbang, at sa isip i sip sumasala Dinidilig ng pagmamahal, tinamnan ng gintong nasa At tinawag itong )usong sa )ag-ibig ay dambana& Ang katwiran ay nagiging pambihira’t mabiyaya Kung ang maghahari’y pusong mahabagin at dakila&
Isip at Katwiran: Ang pag-ibig ay may kulay, kulay, may pabango at marikit, Ngunit mayroon namang lason ang nag-usli niyang tinik' Ang pag-ibig, sa katwiran, kapag ating ipapalit, "ay buhay ma’y sa pangarap na marupok masasandig Ang katwiran, sa pagsinta, kapag ating inalis, Ang pagsinta’y may patnubay na matuwid, umalao’y lalo’t lalong sumasamyo&tumatamis
2
Di ang katwiran nga pala, sa pagsinta’y rima’t pantig #a langit ay siyang bughaw& sa katawa’y siyang damit' Kung ang tao ay halaman, ang pag-ibig ay bulaklak, #amantalang ang katwiran, sa kanya ay siyang ugat Ang bulaklak, pitasin man at durugin sa pagpitas, Ngunit ugat ang putuli’t makikita nating lahat Ang kalansay na natuyo’t unti-unting malalansag' Kaya nga na ang pag-ibig, habang buko ay matimyas, #amantalang ang katwira’y parang kahoy na matigas, umalaon ay nagiging tila pulot na nagbalas' Dantaon mang ibaon mo’y buo ri’t di-naaagnas' "ula sa ating pagsilang, hanggang sa ating pagtanda Bawat guhit ng panaho’y katwiran ang nagtatakda "agbuhat sa duyang bughaw, hanggang sa libingang luksa, Katwiran ang maghahatid at sa ati’y magbababa #a pag-usad, sa pag-upo, sa paglalakad, sa salita, Katwiran ang gabay natin sa atin ay natutugma %tong puso’t pag-ibig na parang bula'
Puso at Pag-ibig: #a katwiran ay hindi ako tumututol kung katwiran )agka’t iya’y bungang hinog ng puso at kalooban Kung ang puso’y siyang puno at ang bunga’y ang isipan, "ahalaga kayang lalo ang bunga sa punong tunay! %yang bunga pag pinitas, ang puno ay naiiwan, Ngunit puno ang putulin, bunga’t daho’y di gigitaw )ag ang puso’y bumababa pa sa uri ng diwang tangan, Ang katwiran magiging laging hamak, walang ilaw Baligtad na ang daigdig pag sa puso’y nangingibabaw Ang isip na nanghihingi sa puso’y ng kanyang buhay' Kung may mga lalong mahalaga at dakilang matatawag Ay wala nang uuna pa kay Bathalang mapaglingap #i Bathala ay pag-ibig, kaya ating mahahagap Na ang pag-ibig ay Diyos&at Diyos na walang sukat Nahihibang ang magsabing may hihigit at papatas #a halaga ng pag-ibig sa ano mang pag-uusap "ayroon tayong kinakailangan na )ag-ibig ang panlunas #a ano mang salaghati’t sa damdaming nagkasugat )ag-ibig ang bumubuhay sa pag-asang tumatakas' )ag-ibig din ang patnugot sa landasing tinatahak* Ang pag-ibig ay nagiging isang wagas na pag-ibig Kapag ang puso sa kanya’y may hawak at umuugit Ang pag-ibig ay nagiging hamak nga lang at marungis, )ag sa kanya ang nanguna ay maruming pag-iisip' Ang katwiran ay magiging makatwiran at malinis, Kapag puso ang nagpasiya at sa puso nakasalig Datapuwa’t ang katwira’y naliligaw na malimit, )ag ang puso ang naghari’t di ang isip na makitid'
Isip at Katwiran: Kahit saang dako tayo pumaroo’t makarating #a kislap ng ating diwa lagi tayong titimbangin; )umapasok man sa paggawa, ang malimit na tanungan Ay ang anak, upang sila’y matutuwid na tanghalin; Ay isip ang hinahasa sa katwirang nagniningning
Katwiran ang ginagamit ng ama sa kanyang supling )agkat iyan ang sa tao’y tanging ilaw at salamin'
Puso at Pag-ibig; #a pagtingin ng magulang sa kanilang mga anak Ay ang puso ang timbanga’t pag-ibig kaya nila natutupad, )ag nawala ang pag-ibig ay hindi maitutumpak Ang kanilang mga bunso sa matuwid nilang landas #a pag-ibig kaya na ang bunso ay lumaking magtapat, Kaya sila maaaring mapakasakit nang ganap Ang parusa sa mga kamaliang nagaganap Kaya nga ba ang wika ko ang puso at pagliyag Ang dapat na pagharii’t pahigitan hanggang wakas Isip at Katwiran: #i Balagtas ang may sabing sa liko raw na pagmamahal At pag-aamo ang pagsama ng bata ay bumubukal At ang iba ay sa labis na pagpapabaya naman Ng dapat namangaturo ay magulang na buhalhal Kahulugan ang pag-ibig kung minsan ay nasisinsay Kaya ang dapat maghari ang katwira’t kaisipan Puso at Pag-ibig: Diyos naman ang nagsabi na ibigin ang kapuwa Na katulad ng sarili at banal ang gayong gawa Diyos din ang nagpahayag na ang isip masama, At ang bawat kasamaan ay sa isip nagmumula Kung ganoo’y itong puso ko at hindi ang isip mo nga Ang dapat paghariin at tuntunin sa adhika Isip at Katwiran: "arangal na lakandiwa, palagay ko ay sapat na Ang buntong ng katwiran ko upang kayo’y magpasya Puso at Pag-ibig: Ako man po ay gayon din ang aking naipahayag #a pag-ibig na ko’y binibigyan na ng wakas Lakandiwa: )agkatapos kong marinig ang katwiran na dalawa, Ako’y nangangamba ngayon na pagpasiyahan sila #apagkat ang puso’t isip, ang katwiran at pagsinta #a buhay na bawat tao ay kapuwa mahalaga )ag ang tao ay walang puso sinusumpa ng balana At kung walang isip nama’y tinatawanan ng iba Alisin mo an pag-ibig at magiging malupit ka, Alisin mo ang katwira’t sa masama ka hahangga Kaya kayo sa sarili ang bahalang magpasya Kung sino ang may higit na matuwid sa kanila