PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN A. Pangangailangan at Hilig na Pantao Likas sa tao ang pagkakaroon ng mga pangangailangan upang mabuhay. Ang pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay ay ang pagkain, damit at bahay. Ang pagnanais nating matamo ang mga ito ang dahilan kung bakit laging abala ang tao sa paghahanapbuhay. Hindi nakukuntento nakuku ntento ang tao sa isang simpleng buhay, pagkain o damit kaya naghahangad pa ito ng ibang bagay upang magkaroon siya ng kasiyahan sa buhay. Dito papasok ang tinatawag na kagustuhan ng tao. Ito ang nagsisilbing luho ng tao na kahit hindi niya makamtan ay maaari siyang mabuhay. Sa paglipas ng panahon, ang ating mga pangangailangan ay nagbabago. Ang lahat ng panibagong pangangailangan, minimithi at pagnanais ng tao na mabuhay at masiyahan ay tinatawag na na hilig pantao. Iba’t ibang salik ang nakakapagpabago sa ating mga pangangailangan. Mga Salik na Nakakapagpabago ng mga Pangangailangan 1. Edad- Ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang isang sanggol o bata ay nasisiyahan sa pag-inom ng gatas at pagkain ng mga cereals, paggamit ng mga lampin. Ngunit pagsapit sa pagiging teenager, nawiwili na siya sa pagsusuot ng mga napapanahong damit tulad ng mga T-shirts, mini skirt, pantalong maong, shorts at iba pa. Ang kanilang pangangailangan ay patuloy na nagbabago hanggang sa pagtanda. (May mga bagay na itinuturing na kagustuhan lamang noon ngunit ito ay nagiging bahagi ng mga pangangailangan ng tao sa kasalukuyan.)
2. Edukasyon - Ang pangunahing pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng edukasyon na natamo. Ang isang may mataas na pinag-aralan ay higit na mapamili kumpara sa mga taong may mababang pinag-aralan. 3. Panlasa - Isa pang salik na nakakapagpabago sa pagtugon ng pangunahing pangangailangan na nabanggit na natin ay ang panlasa ng mga kabataan na higit na kakaiba sa panlasa ng mga lolo’t lola sa pagkain o sa damit man. Maging ang mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ay nagkakaiba rin batay sa kanilang panlasa. Ang mga Pilipino ay mahilig sa bagoong at patis. Ang mga Hapones ay sa toyo, ang mga Tsino ay sa oyster sauce bilang bahagi ng kanilang pagkain. 4. Kita- Sa pagbibigay-pansin sa mga pangunahing pangangailangan ay nagbabago at nagkakaiba , batay sa kitang tinatanggap ng bawat tao. Ang isang mahirap na pamilya ay nagkakasya na lamang sa isang simpleng bahay samantalang ang mayamang pamilya ay nag-aangkin ng magaganda at magarbong tahanan. Ang pagtugon nila sa pagkain at pananamit ay lubhang malaki ang pagkakaiba, gayundin sa iba p ang kailangang materyal. 5. Hanapbuhay o Trabaho- Ang paghahangad na magkaroon ng sariling sasakyan ay masasabing di-gaanong mahalaga sa isang side-walk vendor, janitor at laborer ngunit ito ay mahalaga para sa isang negosyante, manedyer ng kompanya at superbisor. Ang uri ng pagkain ng isang may mataas na katungkulan ay may pagkakaiba sa pagkain ng isang
ordinaryong manggagawa. Sa maikling salita, ang kalagayan ng tao sa lipunan ang higit na nagpapabago ng mga pangunahing pangangailangan. May mga bagay na itinuturing na kagustuhan lamang noon ngunit ito ay bahagi na ng pangangailangan ng tao sa ngayon. Mga Batayan ng Hilig Pantao A. Mga Herarkiya ng Pangangailangan (Hierarchy of Needs)
Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang bawat indi bidwal ay may iba’t ibang pangangailangan. Ayon kay Abraham Harold Maslow, isang sikologo, ang mga pangangailangan ng tao ay may iba’t ibang digri ayon sa kakayahan ng tao na maisakatuparan ito upang magtamo ng kasiyahan. Batay sa teoryang ito, dapat munang matugunan ng isang tao ang kanyang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong o bigyang-pansin ang mga matataas niyang pangangailangan.