KAGAWARAN NG FILIPINO
Antas Sekondarya-Panuruang Ingles
Chiang Kai Shek College
1274 Padre Algue St. Tondo. Manila
Panuruang Taon 2013-2014
BILANG BAHAGI NG KATUPARAN NG MGA PANGANGAILANGAN PANG-AKADEMIKO
SA ASIGNATURA FILIPINO IV
PAGKILALA SA PAGSASAKRIPSYO NG MGA OFW SA IBANG BANSA
UPANG MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA
SA PATALASTAS NA "OPEN HAPPINESS" NG COCA-COLA: ISANG PAG-AARAL
Sinakiksik para kay
G. JHOVEN JACOB SY
Guro sa Filipino IV
Sinaliksik nina
(4) Dale Aldrich Dy
(16) Rendell Aviel Tiu
IV-2
Marso 3, 2014
A. PANIMULA:
Kapag ang pag-uusapan ay pangingibang bayan, ang unang naiisip ng mga
tao ay Pilipino. Ito marahil ay dahil sa dami ng OFW na nakakalat ngayon sa
buong mundo. Ayon sa tala ng sarvey ng IBON Foundation halos dalawang
milyong Pilipino ngayon ang nasalabas ng Pilipinas na nakarehistro. Kaya
naman, hindi nakapagtataka na sa bawat malalaking bansa sa anim
nakontinente ng Pilipinas ay may matatagpuang komunidad ng mga Pilipino.
Ayon rin sa nasabing sarvey, iba-iba ang dahilan ng mga OWF kaya
nangingibambayan ang mga ito. ang iba sa kanila ay nangibambayan dahil sa
matinding kawalan ng hanapbuhay sa Pilipinas, samantalang ang marami sa
kanila ay nangibambayan upang hanapin ang kanilang kapalaran sa ibang bayan
nang walang kasiguraduhan kung may mapapasukan ba silang trabaho o wala.
Hindi rin nakapagtataka kung bakit dumarami ang bilang ng mga
napagsasamantalahang OFW sapagkat ang marami sa mga ito ay hindi naman
nakapag-aral at marami rin sa kanila ay hindi marunong magbasa o magsulat.
Dahil sa usaping ito, ang Kumpanya ng Coca Cola Corp. at ng San Mig
Incorporated ay lumikha ng isang patalastas na tumatalakay sa ilang usapin
ng mga OFW's na Pilipino. Kilala ang Coca Cola bilang isang kompanya na
nagbebenta ng inuming pampalamig. Itinatag ito noong Marso 27, 1944 sa
pangunguna ni John Pemberton at inirehistro sa Amerika. Nagsimula ito sa
Atlanta Georga bilang isang tindahan ng carbonated na inumin at napalawak
ang negosyong ito hanggang sa tumawid ng dagat at magbenta ng iba't ibang
flavor ng inumin.
Sa Pilipinas, ang Coke ay dinala ng Coca-Cola Bottlers Philippines,
Inc. (CCBPI) noong 1981. Ngunit noong 1997, ang Coke ay binili ng San
Miguel Corp. at isinama ito sa Australia-based Coca-Cola Amatil Limited
(CCA) kaya't lalong lumakas ang kompanyan at nasama sa top 100 corp. ng
bansa.
Bilang isa sa primyadong kompanya sa panahong ito, ang Coke ay
lumilikha rin ng mga patalastas na dekalidad at tumaalakay sa mga usaping
panlipunan. Ang isa sa mga patalasta na ito ay "Open Happinest Coca cola-
OFW'S" na tumatalakay sa tatlong OFW na hindi makauwi ng Pilipinas dahil sa
kawalan ng perang ipapamasahe pauwi o di naman kaya ay dahil sa pagtitipid
bunga ng mga nakaambang babayarin gaya ng bahay, matrikula, at gamot ng
amang may sakit sa mata. Ipinakita sa patalastas ang halaga ng kulturang
Pilipino tungkol sa matibay na pagsasama-sama ng pamilya gaano man kalayo
ang isang miyembro nito. Pinatingkad rin sa patalastas na ito ang
pagsasakripisyo ng mga OFW's na hindi kumakain o namamasyal para
makapagpadala lamang ng salapi sa mga pamilyang nasa Pilipinas. Ang iba sa
mga ito ay hindi umuuwi ng bansa sapagkat tinitipid ang salapi sa halip na
ipamasahe pauwi ay ipadadala na lamang sa mga kapamilya.
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN:
Mula sa patalastas na "OPEN HAPPINESS" NG Coca-Cola Corp. minabuti ng
mananaliksik na bigyan ng malaking pansin ng mga suliranin ng mga OFW's na
mapapanuod sa sinasabing patalastas. Namasid sa patalastas na itu ang
suliranin hinggil sa kahirapan ng mga OFW's sa paghahanap buhay at
pagtitiis sa kalungkutan laban sa dolyar na kikitain upang maipanggastos sa
pamilya. Ang ilan sa kanila ay hindi umuuwi ng Pilipinas ng may mahigit
walong taon na sa pagkat ang kanyang mga anak at asawa ay sakanya lamang
umaasa. Bamagat hindi ipinakita ang pagkasira ng pamilya sa patalastas ay
hindi maitatanggi na maaring bumangon ang suliraning moral sa pagitan ng
mag-asawa.
Gayunpaman, ipinakita sa patalastas ang katatagal ng pamilya na
nanatiling magkakasama bunga ng paguwi ng isang miyembro ng pamilya mula sa
ibang bansa. Kapansin pansin din ang labis na init na pagmamahal na
ipinakita ng pamilya sa pagsalubong sa kanilang kamag-anak na dumating mula
sa ibang bansa. Natanong ang isang miyembro ng pamilya kung namimiss ba
niya ang kaniyang na OFW at sumagot ang anak nang oo ngunit hindi nabakas
ang kasiguruhan ng sagot ng bata. Makikita ang ganitong suliranin sa mga
kwento ng mga OFW's na sila ay hindi nakikilala ng sarili nilang anak o
asawa.
Dahil dito ang mananaliksik ay minabuting bigyan ng isang pag-aaral
ang suliranin bumangon.
C.LAYUNIN NG PAGAARAL:
Ang pangkahalatang layunin ng pagaaral na ito ay suriin ang
patalastas na "OPEN HAPPINESS-OFW's" ng Coca-Cola Corp. na nagpapakita ng
nagpapahalaga sa sakripisyo ng mga OFW's na nagtratrabaho sa ibang bansa
upang mabuhay ang pamilya at masigurado ang kinabukasan ng kanyang mga
kamag-anak.
Sasagutin ng pagaaral na ito ang mga sumusunod na tanong:
1. Pagpapakita sa patalastas ng paghihirap ng mga OFW's sa ibang bansa
A.Paano pinahalagan ng Coca-Cola ang paghihirap at pagsasakripisyo
ng mga OFW?
B.Anu-Ano ang naitutulong sa pamilya ng pagkakaroon ng miyembro na
nagtratrabho sa ibang bansa?
2. Mga sanhi ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga manggawang
nangingibang bansa
A.Bakit napipiltan ang mga Pilipino na makpagsapalaran sa ibang
bansa?
B. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pamilya at sa
bansa ng pagkakaroon ng OFW?
3. Pagiging epektibo sa manunuod ng patalastas
A.May natutunan ba ang mga manunuod sa patalastas?
B.Dahil sa patalastas nahikayat ba ang mga manunuod na bumili ng
produkto?
D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral na makita ang mga
paghihirap na dinaranas ng kanilang mga magulang na nangingibbang bansa
nang sa ganoon ay mas pagsikapan pa nila ang kanilang pag-aaral. Ito din ay
mahalaga sa mga guro sapagkaat ito ay maari nilang maituro sa kanilang mag-
aaral bilang isang magandang paksa tungkol sa mga nangingibang bansa.
Mahalaga rin ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sapagkat
nakapgmumulat ang pag-aaral na ito na mga usapin hinggil sa kahirapan,
relasyon ng pamilya, suliraning pangkabuhayan at relasyong moral sa kasapi
ng mga pamilya. Mahalaga rin ang sistema ng pagbuo ng pag-aaral na ito
bilang huwaran ng susunod na magsasaliksik tungkol sa paksang ito.
Samantala mahalaga rin sa guro ang pag-aaral nito sapagkat madaling
makikita ang mga kahinaan at kalaksan ng mga mag-aaral na kumukuha ngayon
ng pananaliksik. Mabibigyang pansin rin ang mga kahinaan sa pagaanalisa ng
mga mag-aaral kaya makakatulong ito sa mga guro na bumuo ng bagong estilo
sa pagtuturo.
E. BATAYANG KONSEPTWAL
F.SAKLAW AT LIMITASYON:
Ang lawak at limitasyon ng pananaliksik na ito ay pagpapahlaga sa
kalayaan ng OFW. Saklaw din nito ang mga mag-aaral ng Visendos na siyang
pagkukuha ng servey ukol sa mga tatanungin ng mga mananalikssik sa kanilang
pag-aaral. Sakop din nito ang internet na siyang pinagkuhaan ng patalastas
mula sa Coca-Cola.
G.KAHULUGAN NG MGA TERMENOLOHIYA:
Ang mga sumusunod na katawagan ay ipaliliwanag ng mga mananaliksik
nito upang higit na makatulong sa mga mambabasa.
1. Australia-based Coca-Cola Amatil Limited (CCA)
Branch ng Coca Cola sa Australia na nagdala ng
produktong Coke sa Pilipinas
2. Coca Cola Corp. Isang Kompanyang itinitag noong 1941
ni John Pemberton na nagbebenta ng mga inumin
pangpalamig
3. IBON Foundation Isang organisation na nagsasagwa ng
sarbey hinggil sa mga paksang napapanahon at
panlipunan.
4. OFW (Overseas Filipino Workers) ang mga pilipinong
nagtratrabaho sa iba't ibang bansa para buhayin ang
kanilang pamilya
5. Patalastas Ang patalastas ay isang pananaliksik
upang higit pang mahikayat ang mga tao
6. San Miguel Incorporated Isang kompanyang
nagbebenta ng mga bote sa iba pang kompanyang pang
inumin sa Pilipinas
Kabanatang II
Kaugnay na pagaaral at literatura
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na pag-aaral at
literatura hinggil sa paksang pagpapahalaga sa mga OFW's
A. Kaugnay na Pag-aaral:
Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson
Philippines,"Portrait of the Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500
kabataan mula sapamilya sa Metro Manila na nakapanayam ay wala ang isa
(nanay o tatay) odalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58%
ng mga kabataangmay nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na may
trabaho sa labasng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas
workers. (Dy, 1994)Nagdaos ng isang pag-aaral ang Scalabrini Migration
Center noong 2003,ang
2003 Children and Families Studies.
Mula sa nabanggit na pag-aaral, lumalabas ang mga datos, batay sa mga
batang may edad 10 -12. Ang mgabatang ito ay kabilang sa mga sumusunod na
pamilya:
NM - mga batang hindi OFW ang mga magulang
MM -mga batang OFW ang ina
FL – mga batang sa OFW ang mga ama
FS –mga batangseafarers o nagtatrabaho sa barko ang mga ama
BP- mga batang nagtatrabaho pareho ang mga magulang.
(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may
pamagat na "The Relationship of Single Parent Familyhood and Two
ParentFamilyhood on School Discipline and Academic Performance", lumalabas
namas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang pamilya kaysa
samga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang
makabuluhangpagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa perpormans
ng mga mag-aaral, ang mga mag-aaral ay hindi apektado ng mga sirang tahanan
sa kanilangpag-aaral. Isinasaad din na ang mga parehong magulang ay hindi
nagkukulang olumiliban sa mga obligasyon sa eskuwelang dapat nilang punan.
Ang pag-aaralna ito ay ginawa sa 400 mag-aaral ng Saint Louis University
Laboratory HighSchool sa 1994-1995.
(http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)
B. kaugnay na Literatura:
1. Lokal:
Marami Pilipino ay nagtratrabaho sa iba't ibang bansa dahil sa
kakulangan ng pera sa kanilang pamilya, upang masolusyon ang suliranin
sila'y magtratrabho sa ibang bansa.
Ayon sa MabuhayCity.Com noong nakaraang taon, ang opisyal na dami ng
OFW remittances umabot sa US $ 14400000000, Higit sa 10 porsyento ng GDP ng
bansa. Ang Pilipinas ngayon ang ikatlo sa mundo pinakamtaas ng pagpadala ng
bayad-tatanggap bansa pagkatapos Indya at Mexico.
Ayon kay Nathalie Blanco sa kanyang Artikulong 2013 Artikulong
Krusada: Bayani ng Pamilya(2012). Kung tatanungin ang mga Overseas Filipino
Workers matatag tayong mga Pilipino. Maaring may mga kwento ng kalungkutan,
Pero sa kabila nito, Marami rin namn ang mga kwento ng tagumpay. "Mpapanood
ang Krusada: "Bayani ng Pamilya", Ulat ni Henry Omaga-Diaz sa ika-13 ng
Setyembre, 9:15pm ng gabi sa DZMM Teleradyo (Sky Cable Channel 26) at
pagkatapos ng Bandila sa Channel 2. Mapapanuod namn ang replay nito sa
Setyembre 15 (Sabado), 1:30pm ng Ha[pn sa ANC.
Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki
ngsolong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaringmagkaroon
ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga batang naninirahankasama ng
nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang karanasan sa mga batangnaghiwalay ang
mga magulang o hindi kinasal depende sa kasunduang napag-usapan ng dalawang
kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng maayos,nakatatapos ng pag-aaral
at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sakabila ng mga pagsubok na
dinaranas sa pagkakaroon ng single-parentfamilies.
2 Global:
Ayon kay Campbell, 1932,ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang
tahanan na kung saanang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira
kasama ang bata sa isangnormal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay
maaaring dahil sakamatayan, diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga
dahilan. kung angisang abnormal na bahay ay isang permanenteng epekto sa
mga bata, angkakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa paaralan, ito ay
dapat namakikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang
kapaligirankumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang
normal napamilya. (Campbell, 1932)
Ayon naman kay Mc Linn 1985, mayroon ding mga negatibong epekto sa mga
bata ang pagkamulat sahiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga
siyentipikong higit na marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang
pinalaki ng single parentskaysa sa mga batang ginabayan ng parehong
magulang. Ang mga hindimabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na
tyansya ng mgasumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang
pagtigil sa pag-aaral,pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik at
pagbubuntis ng maaga, pagkalulongsa droga at alak, pagsali sa mga gang,
pangangailangan ng tulong ukol sa mgaproblemang emosyonal, paggawa ng
krimen, pagkitil ng sariling buhay at sahinaharap, pakikipaghiwalay rin sa
asawa. Ginagawa nila ang mga ito dahil angitinatatak nila sa isipan nila ay
wala nang nagmamahal sa kanila at wala nanghalaga ang kanilang buhay.
Ayon kay Will, 2003, maraming negatibo at positibong epekto ang mga
OFW. Ayon kay Lara Angela Magulta ang mga positibong epekto ay nagbigay ng
tao sa Pilipinas na magkaroon ng pagkakataon upang magtrabaho sa ibang
bansa. May problema sa kakulangan ng mga trabho sa Pilipinas ngayon, At sa
pamamagitan ng globalization, Higit pa at higit pang mga Pilipino Nakakuha
ng pagkakataon na magkaroon ng kanilang sariling mga trabaho. (OFW) kung
bakit nila pinipiling umalis ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa abroad,
Halos iisa lamang ang isasagot nila, Para matulungan ang pamilya at
makapagpundar ng pera para sa kanilang pangangailangan. Sa kasalukuyan,
Halos 15 milyon na angg mga OFW na nagsisikap upang makamit ang kanilang
mga pangarap. Ngunit marami sa kanila, Sa kabila ng matagal na pagkakawalay
sa pamilya para kumita ng malaki, Umuuwi pa rin sa Pilipinas na walang
nakakamit na pag-asenso.
Ayon sa ATKHA, Isang non-government organization na nagbibigay-
serbisyo sa mga pangangailangan ng mga OFW, 30% lang sakanila ang talagang
naiaahon ang pamilya. Hindi kasi sapat na malaki lang ang sweldo kailangan
matuto rin kung paano hahawakan ang pera. Kamakailan lang, Binisita ni
Henry Omaga-Diaz ang mga OFW sa Iqaluit, Northern Canada. Personal niyang
dinokumento ang kanilang mga kwento at pati na rin ang kanilang mga kwento
at pati na rin ang kanilang pamumuhay sa Arctic Region. Isa sa mga OFW doon
si Boonie Berzamina, Dating caregiver at ngayon ay staff sa isang pharmacy.
Dahil sa kanyang pagpupursige sa buhay, Napagtapos niya ang kanyang mga
kapatid at nakabili na din ng bahay sa Pilipinas. Magkakaroon na rin ng
sariling negosyo sa Canada. Pinuntahan din ng Krusada ang pamilya ni Bonnie
sa Davao. Para sa mga magulang niya, Mahirap ang mawalay sa kanilang anak
pero malaki ang pagsasalamat nila sa sakripisyo ni Boonie. Kaya naman
sinusuklian nila siya ng matinding suporta. Paano kaya ito nagawa ni
Boonie? Ano nga ba ang dapat gawin sa isang OFW at ng kanyang pamilya upang
hindi mappunta sa wala ang kanyang mga sakripisyo? Ano nga ba ang tunay na
kahulugan ng tagumpay? Para kay Henry, Mahalaga ang maipakita ang mga
kwenatong tulad ng kay boonie upang kapulutan ng aral at upang magsilbing
inspirasyon din sa iba pang mga OFW. "Kahit saan mang sulok ng mundo,
Kilala sa pagiging masipag.
KABANATA III
PAMARAAN NG PAG-AARAL AT PAGSUSURI NG DATOS
I. PAMARAAN NG PAG-AARAL
A. PAGPILI NG PAKSA
Nagsimula ang proseso ng pananaliksik na ito sa paghahanap
ng mga mag-aaral ng patalastas na susuriin. Pinagtuunan ng
pansin ng mga mananaliksik ang pagpili ng paksa. Naghanap ang
mga mananaliksik ng paksa na maaring gamitin sa pananaliksik na
ito sa pamamagitan ng panonood ng iba't ibang patalastas na
hindi masyadong nabibigyang pansin ngunit kapupulutan ng mga
mensaheng nagtuturo ng kabutihan asal. Sapagkat ang napili ng
mga mananaliksik na patalastas ay Open Happiness – OFW's ng Coca
cola Corp. , binigyang tuon sa pag-aaral na ito ang mga
pagsasakripisyo ng mga OFW's.
B. PAGPAPATIBAY NG PAKSA
Pangunahing sangkap ng pagpapatibay ng paksa ang pagkalap
ng mga impormasyon at pagsang-ayon ng gurong tagapayo. Upang
mapatibay ang paksang napili, lumikom ang mananaliksik ng iba't
ibang esensyal na datos na nagmula sa mga pahayagan, aklat,
magazine at internet. Ang mga impormasyong ito ay nakatulong sa
pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik. Nagawa ng sarbey
ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng ikaapat na taon pangkat
dalawa ng Chiang Kai Shek College upang makakuha ng mga
impormasyon ukol sa paksa.
C. PAGBUO NG LAYUNIN
Bumuo ang mga mananaliksik ng mga tanong na gagabay sa pag-
aaral na ito at sa mga mambabasa tungkol sa lalamanin ng paksang
tatalakayin. Ang mga layunin ay ginabayan ng mga datos na
nakalap ng mga mananaliksik.
D. PAGSASAAYOS NG MGA NAKALAP NA DATOS
Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay isinaayos
sa paraang pagbubukod ng mga impormasyon batay sa pinagkuhaang
source. Ang mga panglokal at pangglobal ay binukod ng mga
mananaliksik upang maging malinaw ang mga idea.
E. PAGBUO NG PAMAGAT
Ang mga mananaliksik nito ay bumuo ng pamagat sa pamamgitan
ng resulta ng pagsusuri at pag-aapruba ng gurong tagapayo sa
patalastas na inihain ng mga mananaliksik. Ang layunin rin ay
naging batayan sa pagpili ng pamagat. Ang kinalabasan ng pamagat
ay "PAGKILALA SA PAGSASAKRIPSYO NG MGA OFW SA IBANG BANSA UPANG
MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA SA PATALASTAS NA
"OPEN HAPPINESS" NG COCA-COLA: ISANG PAG-AARAL"
F. PAGBUO NG KABANATA I
1. PANIMULA
Ang pananaliksik na ito ay sinimulan sa pagtalakay sa
suliraning panlipunan ng mga OFW's at paglilinaw sa mga
kahirapang nararanasan ng mga ito. Binigyang pansin rin sa
panimula ang kompanya ng Coca cola at kasaysayan nito kung paano
nagsimula sa Pilipinas. Pagkatapos ay nilinaw ang mga susuriin
sa patalastas at ipinakilala ang suliranin
2. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sapagkat ang napiling patalastas ay nagpapakita ng mga
suliraning panlipunan, inisa-isa ang mga problemang ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong hinggil sa suliraning
binibigyang diin sa pananaliksik na ito.
3. LAWAK AT LIMITASYON
Tinitiyak sa pag-aaral na ito ang tanging lawak lamang ng
pananaliksik at sasaklawin ng mga impormasyong nakalap ng mga
mananaliksik. Inalis ang mga bahaging hindi tatalakayin at
nagtanggi ang mga mananaliksik sa mga bahaging hindi bibigyang
tuon ng pananaliksik.
4. KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL
Inilahad sa bahaging ito ang kahalagahan ng pananaliksik sa
mga mambabasa tulad ng guro,estudyante at mamayaman. Nilinaw sa
bahaging ito ang makikinabang sa pag-aaral na ito.
5. KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN
Upang ang pananaliksik na ito ay maging madali sa mga
mambabasa, inisa-isa ang mga terminolohiyang mahirap maunawaan
sa bahaging ito.
G. PAGBUO NG TSAPTER II
Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga datos sa aklatan
upang mapunan ang mga impormasyong hinahanap at kakailanganin sa
pananaliksik na ito. Kumalap ang mga mananaliksik ng mga
impormasyon sa pahayagan, aklat, magasin at internet. Inisa-isa
rin ng mga mananaliksik ang iba pang pag-aaral na isinagawa na
kapareho ring paksa.
H. PAGBUO NG TSAPTER III
Inisa-isa ang prosesong isinagawa ng pananaliksik sa
bahaging ito. Ang pagsasagawa ng sarbey at pagbuo ng mga tanong
at pagpili ng paksa ay nilinaw sa bahaging ito kung paano binuo
ng mga mananaliksik.
I. PAGSUSURI NG DATOS
Sa tulong ng mga datos na kinalap ng mga mananaliksik, ang
mga tanong na binuo ay masasagot upang mapaglinaw ang
kalalabasan ng pag-aaral na ito.
II. PAGSUSURI NG DATOS
1. Pagpapakita sa patalastas ng paghihirap ng mga OFW's sa ibang
bansa
A.Paano pinahalagan ng Coca-Cola ang paghihirap at pagsasakripisyo
ng mga OFW?
Ang patalasta ng Coke ay nagpakita ng bahaging pagpapasaya sa
mga OFW's sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga ito na
makasamang muli ang mga mahal sa buhay ng mga nabanggit na OFW's.
Inisa-isa ang mga suliraning kinaharap ng mga ito at tinukoy ang
mga naging sanhi ng pagbangon ng mga suliranin.
B.Anu-Ano ang naitutulong sa pamilya ng pagkakaroon ng miyembro na
nagtratrabho sa ibang bansa?
Ayon kay Brillantes, ang mabuting epekto ng pangingibangbansa
ay: uunlad ang pangpinansyal na stado ng pamilya. Makakapag-aral
ang mga anak sa isang pribadong eskwelahan. Makakakain nang tama at
masustansya ang pamilya. May kontribusyon ang OFW sa kita ng dolyar
ng bansa.
Samantala, may mga di mabuting epekto ang pangingibangbansa
dahil sa iisa lang ang gumagabay sa mga bata at maaaring mapariwara
ang buhay ng mga bata. Puwdeng mauwi sa broken family ang pamilya
dahil sa tukso ng pangungulila ng mag asawa.
Gayunman, maaaring maiwasan ang masamang epekto ng pagiging OFW
kung pagkatapos pa lang sa kolehiyo ay aasikasuhin na ang mga
papeles upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Minsan lang tayo
magiging binata o dalaga kaya dapat itong samantalahin. Mag-ipon ng
kalahati ng iyong kinikita para pagkatapos ng 10 o higit pang taon,
pwede nang umuwi sa Pinas, mag-asawa, at magsimula ng bagong buhay.
May matatag na trabaho si mister, may negosyo naman si misis, sa
gayon, buo ang pamilya na hindi kinakapos sa pera.
2. Mga sanhi ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga manggawang
nangingibang bansa
A.Bakit napipiltan ang mga Pilipino na makpagsapalaran sa ibang
bansa?
Maraming sanhi ng paglabas ng mga manggagawang Pilipino sa
bayang sinilangan. Batay sa teorya ni David Ricardo, ang 'labor
theory of value', ang halaga ay nagmumula sa paggawa, ngunit paano
nga ba gagawa kung wala rin namang posisyong nakalaan para sa mga
manggagawa? Isa sa mga pangunahinng salik nito ay ang "malala" nang
kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng
bansa.
Ayon kay Susan Ople, isang undersecretary sa 'tulay' program at
ng Ople Center, totoo nga marahil na kulang pa rin sa pondo ang
inaalok ng gobyerno sa sektor ng serbisyo, industriya at paggawa.
Dahil sa kawalan ng trabaho sa bansa, natutulak na mangibang-bayan
ang mahigit sa 8.3 milyong Pilipinong migranteng manggagawa o ang
mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Araw-araw 3,400 OFWs ang
naipapadala sa ibang bansa para magtrabaho, at nakabatay naman ito
sa 2009 estatistika ng DOLE ukol sa bilang ng mga umaalis na OFW sa
bansa. Patunay ito na paparami pa ring manggagawa ang naghahanap ng
trabaho sa ibang bansa dahil sa kawalan ng sapat na trabahong
lokal.
Ayon kay Romeo Lagman, kasalukuyang undersecretary for
employment and manpower development ng DOLE, napakalaking kawalan
ito sa parte ng Pilipinas dahil karamihan ng mga umaalis ay mga
bagong tapos pa lamang sa kolehiyo at napipilitang magtrabaho sa
ibang bansa sa pag-asang doon matatamasa ang seguridad sa trabaho.
Itinuturing namang "brain waste" para sa mga bansang pinupuntahan
nila dahil ang mga OFW ay pumapasok sa mga trabahong mas mababa sa
antas ng kanilang kasanayan. Ilang halimbawa nito ay mga doktor na
namamasukan bilang nars, at mga guro na ngayon ay mga caregiver at
domestic helper. Ito ang masalimuot na katotohanan: hindi isinasama
ng lokal na pamahalaan ang mga OFW sa pagtataya ng bilang ng
empleyo at disempleyo kahit na ang penomenon ng migrasyon ng
paggawa ay bunga ng kawalan ng trabaho sa bansa. Pero kung talagang
susukatin ang lawak ng kawalan ng trabaho sa lokal na ekonomiya,
dapat isaalang-alang na kung sana'y may mapagkukunang hanapbuhay na
sumasapat sa kanilang pangangailangan ay hindi gugustuhin ng mga
migranteng manggagawa na iwan ang kanilang pamilya para lang
mamasukan sa ibang bansa.
Isa pang salik ng pagdami ng mga Pilipinong migranteng
manggagawa ay ang mababang pasahod. Paulit-ulit na nababanggit ang
realidad na kulang ang sweldo para tugunan ang pangangailangan ng
mga manggagawa at pamilya nito at ito na lang ang laging idinaraing
ng mga miyembro ng Federation of Migrant Workers sa pangunguna ng
kanilang Pangulong si Francisco Aguliar Jr. Inililinaw na hindi ito
pangunahing bunga ng kagustuhan ng indibidwal na maghanap ng iba
pang trabaho, kundi dahil itinutulak siya ng pangyayaring mababa
ang sweldo at 'di sapat ang kinikita para mabuhay ang pamilya.
Mahalagang talakayin kung bakit sa kabila ng mga batayan para sa
makatwirang pagtataas ng sahod ay higit na mababa ang pinagkaloob
ng pamahalaan. Sa totoo lang, sadyang pinabababa ang halaga ng
paggawa sa bansa dahil ito ang esensya ng "cheap labor policy" ng
gobyerno.
B. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pamilya at sa
bansa ng pagkakaroon ng OFW?
Marami nang masasamang epekto ang naidudulot sa mga OFW sa
paglisan nila sa kanilang bayang sinilangan. Sa katunayan, sa
nakalipas na anim na taon, 537 kaso na ang dumaan sa mabusising
kamay ng mga opisyales ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Dahil sa
mga nakaaalertong pangyayaring ito, ilan sa mga tulong na ginagawa
ng ahensiya ay ang pagtatalaga ng mga lokal na konsul at embahada
ng Pilipinas na susuporta at handang umagapay sa mga kasalukuyang
kondisyon ng mga OFW sa bansang pinagtatrabahuhan. May ibang
nabigyan ng 'pardon' ukol sa ipinataw na death penalty at may ibang
umuwi na lamang sa bansa na 'tuwid na ang paa.'
Ayon kay Raymark Altrejo, isa sa mga propesor ng Ekonomiks sa
isang paaralan, ilan sa mga kasaklap-saklap na kasong lagi na lang
kinakaharap ng mga OFW ay ang tulad ng mga pangingidnap, hindi
makatwirang pagmaltrato sa kanila ng amo, iba't ibang uri ng pang-
aabuso at ang matindi ay ang pamamaslang dahil sa ipinagtanggol
lamang nila ang kanilang karapatan. Isa pa sa tila 'kaaway' na ng
mga nangagarap na maging OFW ay ang mga tinatawag na 'illegal
recruiters.' Ayon sa librong Gabay Bago ka umalis ng Bansa, ang mga
ito ay nangagako ng mga bigating trabaho at kahina-hinalang mabilis
ka kaagad matatanggap gawa na rin ng mabilis na pagproseso ng iyong
mga papeles, partikular na sa kontrata upang makaalis ka kaagad ng
bansa. Magagawa ka pa nilang maglabas sa bulsa ng mga katakot-takot
na malalaking pera na lagpas na sa itinalaga ng labor and
employment bilang paunang bayad o loan.
Kapag napawalang bisa ang kaso o di naman kaya ay peke ang
Visang ibinigay sa mga OFW ay uuwi na lamang sila sa bansang
sinilangan ng luhaan. Ito ay dahil sa mahihirapan nang makabalik
ang mga manggagawa dahil may rekord na ito sa kanilang pinirmhang
kontrata pati na rin sa bansa kung saan nagawa krimen. Maaaring
sabihin na kung lagi na lang ganito ang kahihinatnan ng mga OFW,
bababa ang perang naipadadala na sumusuporta sa pagiging matatag ng
ekonomiya at lubusan itong manghihina.
Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi
kailanmanmababago sa mundo Tunay ngang napakalaking impluwensya ng
pamilya sapaghubog ng pagkatao ninuman. Sinasabi ng marami na ang
isang mapayapa atmatatag na pamilya ay isang hakbang tungo sa
matagumpay na buhay ngsinuman. Ngunit sa pagkakataong ito na ibang
klase ng pamilya ang pinagmulanng mga respondente, masusong nasuri
ang mga sumusunod na konklusyon:Halos kalahati ng mga magulang na
maagang nagpakasal ay nauwi sapagkakawatak-watak ng pamilya. At ang
nangungunang dahilan ng paghihiwalayng mga mag-asawa ay ang
pagkakaroon nila ng ibang karelasyon. Sa kabila ngpagkakawatak-
watak ng pamilya, lumalabas na hindi naman nito naaapektuhanang pag-
aaral ng mga respondente.
May makabuluhang pagkakaugnay ang mga baryabol na edad,
kabuuanng pamilya, presensya at gabay ng mga magulang, trabaho ng
ama at ina,gulang ng pag-aasawa ng mga magulang, at tirahang
tinutuluyan ng mgarespondente at ang mga malayang baryable na may
mahalagang naiambag sa mga sikolohikal at sosyal na paniniwala,
gawi at perpormans sa pag-aaral ngmga respondente.
3. Pagiging epektibo sa manunuod ng patalastas
A.May natutunan ba ang mga manunuod sa patalastas?
Ang mga mananaliksik nito ay sumasang-ayon na ang patalastas ng
Coke "Open Happiness" ay naging epektibo sapagkat umani ito ng
maraming mabubuting komento sa opisya na website ng Coca Cola.
Kawili-wili rin ang patalastas sapagkat inaantig nito ang damdamin
ng mga manonood lalo na noong nagkasama-samang muli ang pamilya
mula sa matagal na pagkakawalay.
B.Dahil sa patalastas nahikayat ba ang mga manunuod na bumili ng
produkto?
sumasang-ayon rin ang mga mananaliksik na ang patalastas na
ito ay nakaapekto sa pagtaas ng pursyento ng kita ng Coca cola
sapagkat ang isinusulong nito ay tungkol sa pagkakabuklod-buklod
ng pamilya.
Ani Roland Tolentino,isang mamamahayag, wala namang di
matitinag sa bagong viral video ng Coke (Coca-cola ang formal
nitong pangalan) . Nagsisimula sa opening title na may 11
milyong overseas Filipino workers. At may tatlo itong tutukan:
si Joe Marie Ballon, isang X-ray technologist, limang taon nang
hindi nakauwi nang matagal at may amang maysakit, halos bulag
na; si Leonie Villanueva, caregiver, siyam na taon nang hindi
umuuwi, may binabayarang bahay at lahat ng anak ay umaasa sa
kanya; at Joey Doble, isang baby sitter, 11 nang taong hindi
nakakauwi, at ang pangunahing pasakit ay ang pag-iwan sa bunsong
anak noong ito ay edad isa pa lamang.
Matapos, ang mungkahing proyekto ng Coke: paano kung
mangyayari ang pinakakaasam ng tatlo? Pinadalhan sila ng e-mail,
at halos by magic, nakaimpake na't pauwi na. Isa-isa nga silang
pinalipad at ibiniyahe ng Coke vans sa kani-kanilang bayan sa
bansa. Sorpresa dapat ang pag-uwi kaya tiyak ang galak at luha
ng reunion.
Walang Filipino na hindi maaantig sa video. Sa katunayan,
pati ako ay naiyak bago ko narealisa ang manipulasyong
nagaganap: isang multinasyonal na kompanya sa bansa at ang
"collateral damage" kung bakit at paano sila namamayagpag.
Ang idea ay nakabatay sa ekstrasyon o paghugot ng
pinakamalaking kita sa negosyo. Ang Coke at anumang
multinasyonal na kompanya ay kumikita sa pamamagitan ng
ekstrasyon ng yaman ng bansa, na napapabili ang mamamayan ng mga
produkto ng Coke at ang Coke naman ay nireremita ang bahagi ng
kita sa kanyang mother unit o headquarters.
Para mayroon kapasidad na bumili ng konsumeristang produkto
ang mamamayan, marami ay kailangan magtrabaho sa ibang bansa.
Sila naman ay mga katawang ine-extrak ng kita ng dayuhang
kapital, lalo na sa domestikong sityo nito tulad ng tahanan,
ospital, at serbisyong sektor.
Ang kinita ng OCWs (overseas contract workers dahil mas
tampok ang katangian at hindi nasyonalidad sa paggawa) ay
ibabalik sa bansa para ang mga mahal sa buhay—ang surrogates ng
sila (OCWs)—ay makatamasa ng gitnang uring buhay. Ang isinasaad
nito, ang surrogates ay nagiging gitnang uring mamamayan dahil
nakakabili ng gitnang uring produkto at serbisyo, tulad ng Coke.
Pero ang Coke at iba pang multinasyonal na kompanya ay
bahagi ng "suliranin," na nga may proyekto ito ng happiness ay
para maibsan ang tatlong natatanging katawan ng OCWs bilang
pinakarepresentate ng ethos ng multinasyonal na kapital: matagal
nang di nakakauwi, matagal nang miss ang pamilya, at
pinakamorally upright para sa charity project ng Coke.
Samakatuwid, ang isang komponent ng multinasyonalistang
kapitalismo ay nagiging tagasalba sa proyekto ng philanthropy
nito. At ito ang panganib na nagpapatingkad na nananatili pa rin
(at mapanganib) ang kultural na imperialismo kaysa sa postmodern
joissance ng kay daming pagpipilian at mabibiling produkto't
serbisyo: na kaya nitong hapisin ang ating kaisipan para sa
pagpabor at aproba ng katiwaliang kabahagi naman sila.
Hindi ito hiwalay sa corporate mission: "To refresh the
world…, To inspire moments of optimism and happiness… To create
value and make a difference." Hindi nabago ang kwento ng 11
milyong OCWs pero naantig tayo ng komersyal, napaluha sa ligaya
ng muling pagtatagpo at sa generosity ng Coke, at lumikha ito ng
literal na pagbabago sa buhay ng tatlo sa 11 milyong OCWs.
Nang maagang bahagi ng 2011, nauna na ang komersyal ng Coke
na ang trak nito ay ipinaparada sa mataong lugar. May push
button sa likod at bigla na lang maglalabas ng regalo sa paisa-
isa't liga-ligang nakapila: simula ay botelya ng Coke, magiging
stuffed toy, foldable chair, lechon, skateboard, robot at remote
controlled na racing car na mga laruan. Lahat ay depende sa
pumipindot. Matapos ay aalis na't magkakalat ng happiness sa iba
pang lugar.
Sa U.S., ito ay Coke machine dispenser, na sa isang
cafeteria ng mga estudyante ay bigla itong namimigay ng
higanteng submarine sandwich, pizza, lobong binuhol para maging
aso, bulaklak, at iba pa. Sa U.S., everyday objects ang
pinamimigay ng dispenser. Sa Pilipinas, ito ay mga Christmas
gift-type na siyang mas nagpapaigting ng happiness, dahil napaka-
rare ng pagkakataon ng dating.
KABANATA IV
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa kabanatang ito lilinawin ang konlusyon at rekomendasyon ng mga
mananaliksik tungkol sa patalastas na sinuri at tinalakay kasama na rin ang
mga suliraning panlipunan na nakapaloob dito.
A. KONKLUSYON
Matapos ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik lumabas sa
pag-aaral na ito ang mga sumusunod na konklusyon:
1. Ang mga OFW's na naghahanap buhay ay nakatutulong sa bansa
dahil sa malaking bahagi ng dolyar na naipapasok nila sa kita
ng gobyerno.
2. Ang mga OFW's ay nakatutulong rin sa pagpapalaganap ng
kulturang Pilipino sa labas ng bansa.
3. Ang marami sa mga OFW's ay nakararanas ng pangmamaltrato sa
kanilang mga amo dahil sa mga bagay na pinagmumulan ng gap
gaya ng wika at kultura.
4. Ang pamilya ng mga OFW'S ay nakararanas ng malaking kaluwagan
sa usaping pinansyal samantalang humaharap sa malaking
suliraning pangrelasyon ng pamilya.
5. Ang mga OFW'S ay madalas na niloloko sa ibang bansa sanhi ng
kawalan o kakulangan ng kaalamang legal.
6. Ang marami sa mga OFW'S ay nakararanas ng matinding hirap sa
trabaho ngunit napipilitang huwag magreklamo dahil sa tindi
ng pangangailangang makapagtrabaho.
7. Napatunayan rin sa pag-aaral na ito na ang sweldo sa
Pilipinas ay napakababa kung ikukumpara sa sweldo sa ibang
bansa.
8. Mas madaling humanap ng trabaho sa Ibang bansa kumpara sa
Pilipinas at mas maraming bakanteng trabaho sa labas ng
Pilipinas
9. Malaki ang posibilidad na masira ang pamilya kapag ang isang
OFW ay hindi umuwi sa pamilya nito sa loob ng dalawang taon.
10. Kawalan ng maayos na gobyerno at planong sosyo ekonomikal ang
pangunahing dahilan kung bakit napipilitang mangibang bansa
ang mga Pilipino.
B. REKOMENDASYON
Ang Pananaliksik na ito ay naghahain ng mga rekomendasyon para
sa mga sumusunod:
1. Para sa mga mag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik na
ipagpatuloy ang pag-aaral sa paksang ito at pagtuunan ng
pansin ang mga paksang nagpapahirap at solusyon sa mga
suliranin ng OWF's.
2. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik nito na lumikha ng
masmalawak na pag-aaral sa pagbuo ng programang makatutulong
sa mga OFW's na makauwi agad sa bansa tuwing sasapit ang
ikalawang taon nito sa agtatrabaho sa labas ng Pilipinas
upang manatili ang tibay ng pamilya.
3. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik sa mga mambabasa nito
na bigyang pansin ang mga suliraning kinakaharap ng mga OFW's
upang makabuo ng mga panibagong paksa ng pananaliksik na
makatutulong sa pagpapaganda ng kabuhayan ng mga kababayang
nangingibambayan.
4. Ang mga mananaliksik nito ay nagmumungkahi rin na bumuo ng
isang patalastas o infomercial na makatutulong sa pag-unawa
ng solusyon sa mga suliranin ng mga OFW's
5. Para sa paaralan, iminumungkahi ng mga mananaliksik nito na
bumuo ng isang seminar hingiil sa pagpapakilala ng mga
sakripisyo ng mga OFW's sa labas ng Pilipinas upang lalong
mabuo ang pagtingin at pagkilala sa mga ito ng mga mag-aaral
6. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik nito sa pamahalaan na
bumuo ng isang matibay sa batas na pumop[rotekta sa mga
kababayang gustong maging OFW laban sa mga manloloko upang
maiwasan ang pagkapahamak.
7. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik nito sa Kompanya ng
Coca cola corp. na lumikha pa ng mas maraming patalastas na
tumatalakay sa mga usaping panlipunan upang magkaroon pa ng
mga kaalaman ang mga makapapanood nito.
TALASANGGUNIAN
Anonymous. Philippine Star. "Isalba ang kabataan". Hunyo 27, 2011.
Philippines
Anonymous.Mapanggulong Pagkilos Sa Mga Bata. Mayo 21, 2013. Tl.
Wikipedia.org/wiki/mapanggulong_pagkilos_sa_mga_bata.
Agoncillo, Ryan. Smart Parenting. "The 10 Life Lesson of Parenthood".
2013.pp. 54-57.
Aria,Delemar. Smart Parenting. "What I Know Now". 2013 p. 12.
Austin & Braeger. (http://en.wikipedia.org/wioki/Mother). "Social Role"
1990.
Brown. Smith. (Http://en.wikipedia.org/weiki/Mother)."Social Role". 1996.
Berang.Mga Suliranin ng Mga Kbataan at mga karanasan Namin. Enero 12, 2012.
Vampiresucks08. Blogspot.com.
Campbell, Ross. How to Really love your Children. Manila: Lighthouse
Inpirational Books and Gifts. Inc.
Crossway Bibles.(http://www.openbible.info/topic/mothers).2001.
Conniejosh. Kasamaang Idinudulot sa Kalsugan ang Masamang Bisyo. Enero 23,
2012.conniejosh-myblogspot.blogspot.com/2012/01/kasamaang-idinudulot-
sa kalusugang.html.
Craig,Sideny D. "Rising Your Child, Not by Force But by Love". Westmintser
John Knox Press. 1981.
Darlin, Tammy.
(http://todayschristianwoman.com/articles/2012/december/learning-from-
mother-of-bible.html).2012.
De Castro , Bhaby. Philippine Information Agency. "Barakda Kontra Droga,
Inilunsad PNP sa Balete National High School". Set 20,2013. Quezon
City, Philippines.
Dr,Love Philippine Star. "Ikalawang Pagkakataon". Mayo 27, 2008.
Philippines
Emmanaller. Tamang gabay at pagsubaybay sa anak. Okt 30, 2013.
Angkasanag.journ.ph/2013/10/30/tamang-gabay-at-pagsubaybay-sa-anak/.
Fleischer,Barbar J. "Facilitating for Growth: A guide for Scriputre Study
Groups and Small Christian Communities. Liturgical Press. 1993
Franche, Barbara J. "Facilitating for Growth: A guide for Scripture Study
Groups and Small Chrsitian Communities. Liturgical Press. 1993.
Franche, Doris M. Philippine Star. "3-taong gulang na Bata Hinalay ng 12
anyos. "Set 24,2011.
Ginott, Haim. Between Parent and teenager. "They and Us". New York: Avon
Books. 1971
Gould, Helen at Harmon White. "Child Guidance". Review and Herald
Publishing Association.2012.
Herst, Charney. For mother of Difficult Daughters. "So What is My
Daughter's Problem?". United States: Villard. 1999.
In Direct Essays.com. (http://directessays.com/viewpaper/103682.html) .
"The Important Role of a Mother" . 1969.
IslamHouse. Ang pagpapalaki ng mga Bata. Mar. 26 2007.
www.islamhouse.com/6273/tl/tl/articles/ang_pagpapalki ng_mga_bata.
Longlois,Christine.(htttp://www.canadianliving.com/moms/family_life/two_pare
nt_families_3.php).21013.
Kay. Ang kabataang Pilipino Sa Makabagong Panahon. 2013. Kkk.
Wave.net.ph/blogs/19-ang kabataang-pilipino-sa-makabagong-
panahon.html.
KonseptongPapel. Masamang Epekto ng Bisyo . Enero 5, 2007.
Konseptongpapel.blogspot.com/2007/01/masamang-epekto-ng-bisyo.html.
KuyaRom. Ang Tamang Paggabay Sa Anak 2.Peb. 20, 2013.
www.abunate.com.ph/opinion/index.php/payong-kapatid/655-ang-tamang-
paggabay-sa-anak-2.
Miller,Darla Ferris " Positive Child Guidance". 6th Edisyon. Woodsworth
Pub. Co. 2009.
Lee, Irven. Truth Magazine. "A Mother's Contribution to the Society".
(http://www.truthmagazine.com/archives/volume27/GOT027274.html).1983.
Quennie. Ang Bawal Na Gamot, Sa buhay Ng Isang Kabataan. Peb. 19, 2010.
www.scribd.com/doc/27091887/ang -bawal-na-gamot-sa-buhay-ng-isang-
kabtaan.
Romana. Dimples. Smart Parenting. "What I Know Now". 2013. Pp. 15.
Seriols, Mickey. Yes Magazine.2008
Sta.Maria, Jodi. Smart Parenting. "What I Know Now". 2013. P. 14.
Stoddard, AlEXANDRA. Mothers A Celebration. "What Does a Mother Do for her
Children?". New York: Avon Books. 1996.
Teodero, Henry S. Manila Bulletin. Breakthrough Education: "Recognizing
Your Child's Unique Strenght".
Teody23. Ang Pagtaas Ng Bilang Ng mga Kabataan Na nalulubong sa Alak,
Peb.2011. www.studymode.com/essays/paksa-ang-pagtaas-ng-bilang-ng-
576190.html?topic.
Villaroel, Carmina. Smart Parenting. "What I Know Now". 2013. p. 13.
Walters, Tongi. Smart Parenting. "What I Know Now". 2013. P. 12.
Zigler,Zig. "Raising Postive Kids In A Negative World." REV. Thomas Nelson
Inc. 2002
http://ibon.org/ibon_surveys.php
http://en.wikipedia.org/wiki/Coca-Cola_Bottlers_Philippines,_Inc.
http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-
dynamicsga4.htm
http://www.census.gov.ph/statistics/survey/labor-force/sof-index
http://www.youtube.com/watch?v=x_9fQEqZCWs
http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-
dynamicsga4.htm
-----------------------
Pagpili ng komersyal ng mga mag-aaral
Pag-iisa-isa sa mga pagpapahalagang makikita sa komersyal
Pagbuo ng mga tanong hinggil sa suliraning nakita
Pagbabalida sa sarvey
Pagpapasagot ng isangh sarvey
Pagbuo ng Pamagat
Pagaanalisa ng mga datos
Pagtatala ng mga datos
Paghahanap ng impormasyon
Pagbuo ng Rekomendasyon
Pagbuo ng konklusyon