Mga kailangang kagamitan: MSI AFTERBURNER 4.4.0 Beta 15 SPEEDFAN 4.52 (opsyonal) atikmdag-patcher ATIFLASH GPUZ POLARIS BIOS EDITOR (bersyon gumagana sa inyong GPU) Claymore 9.7 pataas 1.) Kung kayo po ay gumagamit na ng special timing gaya ng nasa nasa TABLE 1 Maari po lamang na dumiretso na sa ika6 na hakbang TABLE 1 Memory Brand
4.) Sa tab ng VRAM palitan ang VALUE ng TIMING mula 1750 pataas (mapa 4GB o 8GB 1750 pataas lang ang papalitan) gamit ang isa sa value na nasa table 1 na naayon sa memory mo.
5.) Isave ang bios iflash at irestart ang system 6.) Iset po muna sa batch file ang sumusunod “-cclock 1180(pansamantala lang po muna ito) –mclock (ibase ayon sa memstrap na ginamit mo at gamitin muna ang pinakamababang range)” 7.) Paandarin ng 20 minuto ang Claymore at GPUZ at itodo muna ang fanspeed gamit ang “–fanmin 100” sa “Claymore” o sa “MSI Afterburner” o sa “Sapphire Trixx” o sa “Speedfan”. (Siguraduhin din na wala po munang “-tt o “-tstop” sa batch file ninyo). 8.) Pag Stable po sya dumiretso po sa ika12 na hakbang. Pag sya po ay naghang ulitin po ang ika4 na hakbang gamit ang ibang memstrap. Pag taas baba ang hashrate pagmasdan ang sensor tab ng GPUZ at tingnan ang “GPU Memory Clock” kung ito ay taas baba din. 9.) Pag stable ang “GPU Memory Clock” ulitin ang ika4 na hakbang gamit ang ibang memstrap. Pag taas baba ang “GPU Memory Clock” tanggalin ang “-mclock” sa batch file at subukan iset ito gamit ang “MSI Afterburner” o “Sapphire Trixx”. (Memory Clock lang po ang papalitan wala nang iba) 10.) Pag ayaw paren gumana sa afterburner Iedit muli ang BIOS at iset ang memory pinaka mataas na frequency gaya ng nakabilog sa taas. 11.) Ulitin ang ika7 hakbang.
12.) Buksan muli ang bios editor at palitan ang mga value ng Gpu Frequency at voltage mula sa pangatlong hanay hanggang sa pinakababa gamit ang value sa table 2.
TABLE 2 GPU MHZ 850 940 975 1130 1167 1191 13.) Isave, Iflash, at irestart ang system. 14.) Iset sa 1191 ang coreclock. 15.) Patakbuhin muli ang Claymore at ang GPUZ 20 minuto.
GPU Core Volage 900 910 920 930 940 950
16.) Pagmasdan ang VDDC Sa sensor tab ng GPUZ. Pag di tumataas ng .9500V ang kasulukuyang boltahe ay ibig sabihin ay gumana ang undervolt sa bios. 17.) Pag tumakbo ng 20 minuto ang Clyamore ng walang problema subukang bawasan ng -25mv gamit ang trixx o afterburner at hayaan muling tumakbo ng 20 minuto at bawasan muli pag walang problema. (pagmasdan ng maigi ang VDDC sa gpuZ kung talgang bumababa ang value) 18.) Pag tumakbo ng walang problema sa -50/-48mv buksan muling buksan ang bios editor at palitan ng 900mv ang katapat ng 1191 coreclock at sunod sunod ding bawasan ng 10mv ang mga masmababang coreclock. (Hanggang 900 mv ang mareregister sa bios editor sa pinakamalaking core frequency pag binabaan pa ito maaring di gumana ang undervolt) 19.) Isave, Iflash at irestart ang system. 20.) Patakbuhin ang claymore muli gamit ang 1191 na coreclock. Pag di tumataas ng .9000v ang VDDC sa GPUZ ibig sabihin gumana muli ang BIOS. 21.) Kung gumagana ang undervolt sa “MSI afterburner” o “Sapphire Trixx” iset muli sa 0 ang core voltage at bawasan ng bawasan muli ng 25mv haggang sa magerror/hang. Ang huling value na di nagkaproblema un na ang pinaka mababang voltage pwedeng marating ng inyong gpu sa 1191 na coreclock. Pagdi gumagana ang undervolt sa “MSI Afterburner” o “Sapphire Trixx” taasan ng taasan ng 15mhz ang coreclock sa claymore hanggat hindi ito nagkakaproblema. Ang huling value na di magkakaproblema ay un na ang pinakamataas na coreclock na pwedeng marating sa .9000V. (Pagpinalitan ang cclock sa claymore at sumipa lagpas sa .9000 mv ang VDDC ay maari nating iedit ito sa bios editor) 22.) Kung gumagana ang undervolt sa “MSI afterburner” o “Sapphire Trixx” maari po tayong gumamit ng mas mababang coreclock at voltage. Saaking RX 570 eto po ang mga resulta kung nais po ninyo ng pwedeng pagkumparahan. 1130 @ .8250 V 1167 @ .8500 V 1191 @ .8750 V Maaring masmakakuha kayo ng mas mababa o masmataas na halaga. // Pwede rin po bawasan ang MVDDC sa bios editor ngunit konting paalala. Ang GPU ay pwede nating tratuhin bilang tao. Kung araw araw nagtatrabaho ang isang tao at isang beses sa isang araw mo lang ito pakakainin at iikli ang buhay nito. Nais ko magbigay pugay sa mga sumusunod: Mind163 – para sa orihinal na gumawa ng mga special memstrap Jom Angeles – para sa pagbibigay ng link sa memstrap ni Mind163 Boysie – unang nagturo ng undervolt sa bios
Mga karaniwang katanungan Q> Pareparehas lang ng model at memory ang gpu ko bakit iba iba ang stable na settings A> Hindi po parehas ang pagkakagawa ng bawat gpu kahit ito ay pareparehas ng modelo. Tulad po saakin ang 3 rx 570 ko ay parepareho ngunit ang isa hindi kaya ang 1130mhz sa .8250v. May dalawa akong pwedeng gawin sa sitwasyon na ito. Taasan ko ang corevoltage sa .8500v para pareparehas sila na stable sa 1130mhz o bawasan ko ang coreclock para lahat sila stable sa .8250v. nasasainyo po kung alin sa dalawa ang pipiliin ninyo kung sapat ba ang .150 na dagdag sa hashrate para sa dagdag na 5watts sa konsumo. (ang konsumo ng 1130 mhz @ .8500v ay parehas lang ng konsumo ng 1167mhz @ .8500v) Q> Gumagana po ang special memstrap sakin ngunit di paren po ako maka abot sa 30mh sa 1130 na coreclock A> Inuulit ko hindi po pareparehas ang pagkakagawa ng gpu. Maaring makakuha kayo ng masmataas o masmababa sa karamihan. Subukang taasan pa ang memory clock sa maximum range ng inyong napiling memstrap. Pag stable ito subukan din taasan ang coreclock. Kung naka dual mine ka at sa tingin mo ay mababa paren ang iyong hashrate subukang taasan o bawasan ang –dcri gamit ang “+” o “-“ habang tumatakbo ang claymore. Ang dapat po nating target ay ang pinaka mataas na hashrate ng ikalawang coin na hindi bababa ang hashrate ng ethereum. Para sa nais may mapagkumparahan: Decred – sa rx 480/580 ang pinaka magandang –dcri ay mula 28 hanggang 36 Sa rx 470/570 ang pinaka magandang –dcri ay mula sa 22 hanggang 29 Siacoin sa rx 480/580 ang pinaka magandang –dcri ay mula 14 hanggang 22 Sa rx 470/570 ang pinaka magandang –dcri ay mula sa 10 hanggang 16 Salamat po ng marami sa inyong oras. Kung ang guide na ito ay nakatulong sa inyo ako po ay tumatanggap ng donasyon bilang kaunting tulong. Bitcoin Ethereum
Paninja move naren ako po ay nagbebenta din ng VER007S na riser sa halagang 400php may libre shipping kung lagpas 5 na piraso. Sa mga magagandang babae na miyembro naten ako po ay tumatanggap ng NUDES!!! Wag po kayo magalala di ko ipagkakalat. =p joke lang magagalit misis ko.