Talaan Ng Nilalaman p.1
Talaan ng Nilalaman
p.2
Panimula, Pasasalamat, Paghahandog
p.3
Mga tula
p.9
Mga Bugtong
p.11
Maikling Kwento
p.10
Sanaysay
p.13
Kasabihan
p.14
Salawikain
p.15
Kantahin
p.16
Talumpati
p.17
Balita
Mga Tula "Likod ng Bawat Medalya" Cassandra Gales
Ako'y isang mabuting ehemplo Bawat estudyante estudyante ako'y iniidolo Sa klase ako'y parating nangunguna Mga guro'y sa akin laging kay saya
Ngunit sa likod ng karangalang karangalang nakukuha Ay isang estudyanteng estudyanteng pinagkaitan ng pag-aaruga pag-aaruga Araw't gabi laging nakaharap nakaharap sa libro Pinipilit na makuha makuha ang atensyon ninyo
Tropiya, mga medalyang sa leeg nakasabit Lahat ng ito'y pinagtyagaan, walang iniindang sakit Nais kong itanong, "di pa pa ba sapat lahat?" lahat?" Mga pambabalewala nyo sa akin nay, tay, salamat
Estudyante Buhay estudyante ay hindi madali Mga mag-aaral na nagpupursigi Makamit lang ang kanilang minimithi Sila'y nag aaral ng maigi
May pinagdadaanan man Tuloy pa rin ang pagpasok sa paaralan Pinaghihirapan lahat para maabot ang pangarap Mga mag-aaral, tunay na nagsusumikap
Mga estudyanteng nag sumikap Ngayon ay nabubuhay sa kanilang pangarap Pangarap na akala'y hindi matutupad Edukasyon ang susi sa kanilang pag unlad.
Calhighian Ako Jireh Jimenez
Caloocan Highschool ay puno ng mga estudyante Na mababait, masisipag at matatalino Magalang kahit man kanino Laging umaabante Tatalunin ang ibang paaralan Dahil sa mahuhusay na guro Na magagaling ang mga itinuturo Nagkakaroon ng maraming karangalan Wala nang hihigit sa paaralang ito Pati sa disiplina ay walang makakatalo Wala kang makikitang mga basura dito Dito ka makakakita ng ganitong mga tao
Diskriminasyon Ang mga nangbubully Ay nakakasakit ng mga tao Tayong lahat naman ay hindi perpekto Kaya itigil na ang ginagawa niyo Walang awa talaga ang iba Kung makapagsalita ay akala mas lamang sila Di ba lahat tayo ay pantay-pantay? Please, wag na kayong mangdamay Madami na ang nabiktima nito Ang iba talagang ugali ay masama Kahit sino man ito Ito pa rin ay di tama.
Ang Aming Guro Daniela Macalindong Pangalawang tahanan ang paaralan, Dito ay marami kang matututunan. Edukasyo'y sagot nga sa kahirapan, Mga natutuna'y di kakaligtaan. Nagkukumahog papuntang paaralan, Para dimahuli sa kanyang tuturuan. Mga mabuting asal,mga nalalaman, Ibinabahagi nyo kahit kanino man. Kahit ang mga bata'y magol't maingay, Inyong tinitiis, pinapatahimik,sinasaway. Hindi sa paraang marahas ang ginawa mo, Para magkaroon ng disiplina't respeto. Gamit ang yeso, panulat sa pisara, Ang mga marka'y iyong inililista.
Pagsulat at pagtuturo ng aralin, Ika'y nagsasakripisyo para sa amin. Madalas pa nga'y nagpapatawa, Minasa'y garlgal nagkukwento pa. Makakalimutan ang problema, Pag ang estudyante'y tuwang-tuwa. Sa aming paglaki,ika'y natatanging gabay, Talas ng iyong isipan, sa amin ay inaalay. Pagiging huwaran at malumanay, Sa bawat mag-aaral,inspirasyong tunay. Maraming salamat sayo aking guro, Sa inyong sakripisyo, ako'y saludo. Bawat isa'y ikaw ay iniidolo, Di ka malilimutan sa puso't isip ko.
Mga Kasabihan Dhoreve Munar
“Hindi dahilan ang mga kapalpakan at balakid para sumuko sa mga hamon ng buhay”
“Ang kaalaman ay huwag madaliin, tulad ng sinaing matiris at hilaw kapag kinain”
“Ang tunay na sikrto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali”
“Gawing inspirasyon ang kahirapan. magaral para sa kinabukasan”.
“Kahit gaano pa kapait ang danasin natin sa buhay, wag kakalimutang ngumita at tandaang lagi nating kaagapay ang Diyos.”
Mga Bugtong Hans Lumasang May siyam na buhay. Kaya hindi mapatay patay
Kung si Kupido ay tatawagan Ang tibok nito ay hindi maiiwasan
Ito’y bayaning Pilipino Gumamit ng panulat bilang pamatay
Sinasabing pampapangit Pagkinain lalong hehenyo
Piniplas buwan-buwan Pinapalitan taon-taon
”
Maikling Kwento Research Paper Krisha Coloma "Ano ba yan! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!" Sabi ko sa lalaking nakabunggo ko na nakashades pa, naku naman na nalaglag tuloy lahat ng papel na dala ko "At hindi ka pa nagsorry ha!" Tahimik lang siya at hindi nagsasalita atsaka umupo sa kabilang table dito sa food court sa mall. Doon nalang ako umupo sa kabilang table.
"Hi Andrea, buti naman on time ka na dunating sa usapan natin" bungad sakin ng kaibigan ko dahik may paguusapan kami tungkol sa gagawin naming project na ipapasa sa isang araw. Bago kami umorder ng pagkain ay nagkwento muna ako tungkol dun sa nakabunggo ko. Nakakainis talaga. "Ay talaga sis, baka naman hindi sinasadya ang suplada mo naman." Sabi sakin ni Lexa. "Eh kasi naman yung mga resesrch paper ko nagsiliparan".
Papatayo na sana kami ni Lexi para pumunta sa bookstore nang biglang pumunta sa harapan ko yung nakabunggo sa akin kanina. Binigyan niya ako ng papel at binasa ko iyon. "Pasensya na kung nababgga kita kanina. Hindi ako makaoagsorry kanina kasi pipe't bingi ako at may problema ako sa nata kaya ako nakashades". Saad niya sa akin.
Nagulat ako at nakatulala. "Sis, pipe't bingi pala siya"
Journal Cassandra Gales "Pa, malapit na graduation ko. Sa Marso na. Gusto ko sanang humingi ng regalo mula sayo hehehe" sabi ni Zeno. "Ano bang gusto mo nak?" Sagot ng kanyang ama. "Tay gusto ko sana ng bagong kotse. Pwede po ba yun nalang graduation gift ko, since malaki naman yung kita ng kumpanya natin" wika ni Zeno. "Sige anak". Dumating ang buwan ng Marso, araw ng graduation ni Zeno. Pag uwi ni Zeno ay nadatnan nya ang kaniyang ama na nasa sala. "Pa, asan na yung kotse na hinihingi ko?" Dali daling lumapit ang kaniyang ama at tinapik ang braso nya "Im proud of you my son, Ito buksan mo muna to" inabot nya ang isang bagay na naka balot sa isang magandang pambalot. Dali dali itong binuksan ni Zeno at nadismaya sya sa nakita nyang journal na may naka tatak na pangalan niya sa harap. "Pa!? Ang gusto ko yung kotse diba!? Bakit ito ang binigay mo!? Ano namang gagawin ko dito." Bumulusok ng takbo papalabas si Zeno at tinapon sa harap ng kaniyang ama ang journal at pumunta sa parke. Makalipas ang limang oras ay tumunog ang kaniyang cellphone. "Sir, inatake po sa puso ang iyong ama. Maari po bang bumalik kayo dito" Umuwi si Zeno at pumunta sa sala nakita niya duon ang journal at ito'y kaniyang binuksan. May nahulog na susi at nakasulat sa journal ay "Nak, kung san ka man mapunta gamit ang kotseng ito ay nais kong gamitin mo ang journal na ito para isulat ang iyong mga napuntahan, love Dad" sabay ng pagtulo ng kaniyang luha.
Pinas Cassanda Gales "Ano ba!? Anong gagawin ko!?" Sabi ni Karen, isang matalinong estudyante ng Caloocan High habang paikot ikot na naglalakad sa sala ng kanilang bahay. "Karen? Anong nangyari kay nanay?" Sumbat ng kuya nya sakanya. "Kuya, anong gagawin ko nangangayayat na si mama dahil sa cancer" nangingiyak na sabi ni Karen sa kaniyang kuya. "KAREN, DALHIN MO NA SI MAMA SA OSPITAL NGAYON DIN. KUNG PERA LANG AY NAPAKARAMI KONG PERA PARA SA PANG-OSPITAL NYA!!" Pasigaw na sabi ng kanyang kuya. "Ayaw nga ni mama na bumalik sa ospital ayaw nya daw na may nakatusok sakanyang mga karayom" sagot ni Karen. Bumukas ang pinto sa likod ni Karen. Iniluwa nito ang buto't balat na katawan ng kanilang ina. Humarap si Karen sa monitor ng laptop "kuya hindi na kaya ni mama, ang gusto nya lang ay mayakap kang muli, kelan ka ba uuwi ng pinas?". Unti unting tumulo ang luha ng kaniyang kuya na nasa Saudi.
Mga Sanaysay Tulungan natin ang ating mundo Pasira na ang ating mundo sa kasalukuyan. Bagaman maraming tao ang gustong protektahan ang mundo, hindi pa rin ito sapat. Sadyang napakarami talagang tao ang sumisira ng ating mundo. Hindi natin alam na kahit ang mga malilit na ginagawa natin araw-araw ay dahilan na rin upang masira ang mundo natin. Kasama na rito ang mga naninigarilyo. Bukod sa masama ito sa ating katawan, isa na ring dahilan kaya ayaw ito ng iba ay dahil ang usok nito ay nabubutas ang ozone layer. Ang pagtapon ng pagkain o anumang kalat sa lababo ay hindi rin tama dahil ang mga bagay na ito na itinatapon lang sa lababo ay dumidiretso sa mga anyong tubig. Ang pagpuputol ng mga puno upang gumawa ng lamesa, upuan, papel, at marami pang iba ay nakakasama rin sa ating kalikasan. Ang pagtapon kung saan-saan ay pwedeng maging malaking problema kapag bumaha at bumara ang mga kanal. Bagaman alam nating masama ang mga ginagawa nating mga ito ay tuloytuloy pa rin tayo. Para sa ating mga pangangailangan at kagustuhan rin kasi ang ating nakukuha. Mayroong nga tayong mga resources ngunit nababawasan at pumapanget naman ang ating kalikasan. Mayroong rin namang mga paraan na hindi masisira ang ating kalikasan ngunit makuha rin natin ang ating gusto kaya sikapin na lang natin na huwag sirain an gating mundo.
Bilang Estudyante Cassandra Gales Bilang estudyante, nakakaranas tayo ng saya, lungkot, galit, takot, kilig at iba pa. Yan ay kadalasang nangyayari sa ating paaralan. Isang makabuluhang bagay ang pagiging estudyante halos kalahati o dito umiikot ang mundo natin ngayon. Sa pagiging isang mabuting estudyante. Habang tayo ay estudyante ang paaralan ang naging ikalawang tahanan, guro ang ikalawang magulang. Ano pa nga ba ang mga kaganapan bilang isang estudyante? May iba't ibang uri ng estudyante merong tahimik, makulit, madaldal, matalino, mabait at may iba ding matitigas ang ulo. May mga estudyanteng kapag tapos na ang klase ay diretso na sa bahay ang iba naman ay hala! Lakwatsa dito lakwatsa doon. Bilang estudyante di maiiwasan na tayo ay gumawa ng mga kalokohan, hindi na ito maiwasan ito ay bahagi na ng ating pagiging estudyante. Minsan ay nakakalimutan na rin natin ang ating limitasyon. Nagagawa nating mag sinungaling sa mga guro o matuto ng pang bubully. Alam ng lahat na ang pagiging estudyante ay napakahirap. Assignments dito, proyekto doon, performance dito, at activity duon. Pero kinakaya ito ng mga estudyante sapagkat walang mahirap sa taong nagsisipag, sabi nga nila "kung may tiyaga, may nilaga". Nakakasawa din ang maging estudyante, gigising ng maaga, uuwi ng pagod at maraming gagawin pero kailangan natin itong gawin sapagkat dapat natin pahalagahan na tayo ay pinag aral ng ating magulang upang tayo ay may silbi sa ating pamayanan. Ganyan ang buhay estudyante pare-pareho lang lahat ang ginagawa sa isang buong linggo. Sa panahon natin ngayon kinakailangan talagang mag-aral ng mabuti para sa darating na panahon hindi ka maghihirap. Yan ang buhay estudyante "the root of education is bitter but the fruit is sweet" sabi nga ni Aristotle. Lahat ng ating pag hihirap ngayon ay mag bubunga ng isang magandang kinabukasan. Sana ay ipagpatuloy ng Bawat estudyante ang kanilang magagandang katangian, kakayahan at ang kanilang pagpupursigi.
Positibo at Negatibong dulot ng Teknolohiya Sinasabi ng iba na ang mga tao ngayon ay puro na lang gumagamit ng teknolohiya. Puro na lang selpon at computer. DOTA at LOL . Puro na lang Facebook at Twitter. Bagaman meron ngang negatibong dulot ang teknolohiya, meron rin naman itong positibong dulot sa atin. Nakakatulong ang computer at internet sa paggawa ng ating mga takdang aralin. Nakakatulong rin ang internet upang makipag-usap sa ating mga malalayong kaibigan at kamag-anak. Nakakatulong naman ang aircon at electric fan tuwing tayo ay naiinitan. Ang mga kotse at iba pang transportasyon upang makarating tayo ng mabilis sa ating pupuntahan. Ang teknolohiya ay nakatulong rin sa ating pagkain, dahil dito hindi na tayo kakain ng mga prutas na may uod at hindi na makakain ng mga pests ang mga prutas na ito. Talagang gumaan ang ating pamumuhay sa tulong ng teknolohiya. Huwag lang natin abusuhin ang paggamit nito dahil makakasama na ito sa atin.
Edukasyo’y Susi sa Tagumpay Daniela Macalindong Bilang mga mamamayang nabibilang sa papaunlad na bansa ay marami sa atin ang naniniwalang ang edukasyon ay siya pa ring susi sa tagumpay. Kaya t ganoon na lamang ang pagpupursiging mga magulang na mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan. Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng tao. Subalit ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi sapat upang maituring na edukado ang isang tao kaya t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga Pilipino. Ngunit saan nga ba nagbubuhat ang de kalidad na pagkatuto? Itinatakda ng House Bill No. 1875 o mas kilala bilang An Act to strengthen Teacher Education in the Philippines by establishing Lead Teacher Teaching Institutions, appropriating funds therefore and other purposes , isang batas na naglalayong mapaigting ang edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga guro ng mga pagsasanay na makakatulong upang mapaunlad ang kaalaman na kanilang ibabahagi sa paaralan. Hindi biro ang hinaharap na krisis ng ating bansa. Walang nakaaalam kung ang pag-unlad ay kailan ba matatamasa. Maaaring hindi sapat ang pagiging edukadong tao. Subalit sa krisis na hinaharap ng buong mundo, iba pa rin kung ikaw ay isang titulado. ’
’
“
”
PANIMULA May pinanggagalingan ang lahat ng mga bagay. Ika nga ni Santo Tomas, “Now whatever is in motion is put into motion by another...” At ganoon ang isang teksto. Gumagalaw ito sa panahon at may sariling buhay pagkatapos mailatag sa papel. Ngunit hindi maikakailang nanggaling mula sa mga kagrupo ko at sa internet ang lahat ng mga nakasulat sa literary folio na ito. Bagaman, hindi kagaya ng Diyos, hindi naman babalik sa akin ang lahat ng sinulat ko. Kaya maraming pagbasang maaaring makuha mula sa mga likha at pagsasaliksik naming ginawa.
PASASALAMAT Nagpapasalamat kaming magkakagrupo sa isa’t isa dahil sa pagtutulungan naming maisagawa o matapos itong Literary folio, ay makakakuha kami ng marka mula sa aming guro. Kung hindi rin dahil sa sipag at tiyaga ng bawat isa, ay di naming makukumpleto ito.
PAGHAHANDOG
Inihahandog naming ito sa aming guro na si Gng. Elizabeth Baldovino bilang isa itong proyekto o Gawain na kanyang iniatas sa aming grupo.
Mga Salawikain Krisha Coloma at Daniela Macalindong
"Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan" "Ang panahon ay samantalahin, sapagkat ginto ang kahambing" "Ang taong matanong, daig ang marunong" “Ang magandang asal,ay kaban ng yaman” “ANg ibinabait ng bata, ay nagmula sa matanda”
Mga Balita Ang bagong sistema ng edukasyon By APOLINARIO VILLALOBOS Nakakakuba ang mga libro ng mga bata sa elementarya dahil sa bi gat ng mga ito na kailangang dalhin araw-araw. Bawa’t katapusan ng tsapter kada libro ay may mga tanong batay sa mga napag-aralan. Kaya mas angkop na tawaging “work book” ang mga ito. Pero, may magandang layunin ba ang pagbago sa porma ng mga textbook? May magandang layunin – para pagkitaan. Maliwanag ang dahilan na ito ay para pagkitaan ng mga tiwaling opisyal na nakipagsabwatan sa mga suppliers. Pati junk shops kumikita dahil ang mga librong it o na hindi na mapapakinabangan pa sa mga susunod na pasukan dahil sa mga tanong sa bawat katapusan ng mga tsapter ay hahakutin sa kanila para ibenta por kilo. Dati, ang mga magulang ng mga bata na magkakasunod ang pagtuntong sa mga antas o grado ay nakakatipid dahil namamana ng mga nakakabatang kapatid ang mga libro. Mga librong nagamit na ng mga nakakatanda basta pag-ingatan lang. Ngayon, hindi. Obligado silang bumili ng mga bagong libr o o magbayad sa mga eskwelahan na siya na ring nagbebenta ng mga it o tuwing pasukan. Maraming librong ginagamit ngayon sa elementarya kaya, sa halip na may matutunan ang mga bata, lalo lang nagdudulot ng kalituhan kaya wala ring silbi. Ibig sabihin, hindi makatotohanan ang sistema. Ang dagdag kalbaryo sa mga bata at mga magulang ay ang karagdagang antas na kailangang tuntungan ng mga estudyante pagkatapos ng Grade Six. Hindi pinakinggan ang reklamo ng mga guro na siyang apektado, na hindi nakahanda ang sistema ng edukasyon. Ang kailangan ay kagalingan sa pagtuturo na makakamit kung may mga programa sa pagpapakadalubhasa ng mga guro at may kaakibat na suporta ng sapat na budget, hindi dagdag na antas. Nakakalungkot isipin na upang madagdagan ang kaalaman, may mga guro na, para lang makadalo sa mga training o seminar o makabili ng mga libro, ginagamit nila ang sarili nilang pera. Hindi maaasahan ang budget ng mga eskwelahan dahil, kadalasan, pambili nga ng chalk ay inaabunuhan pa ng mga guro. Upang makabili ng mga walis at iba pang gamit panlinis, nag-aambag ang mga estudyante at mga magulang. Ang mga kabataang nakakapag-aral sa malalaking bayan at siyudad naman ay bihira ang nakikitaan ng pagkaseryoso sa pag-aaral dahil sa mga nakakalat ng computer shops na ang iba nga halos ilang dipa lang ang layo sa mga paaralan.
Kung may mga estudyante mang nagsisikap matuto sa kabila ng mga problema sa sistema ng edukasyon at kahinaan sa pagtuturo sa kanilang paaralan, iilan lang sila na maituturing na pag-asa ng bayan. Sana, bago maging huli ang lahat, ay mabigyan ng kaayusan ang kasalukuyang sistema sa edukasyon at pagtuturo na siyang inaasahan huhubog sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan. – KDM, GMA News
Malungkot na balita ngayong pasukan By Pino Weekly Staff Pasukan na naman. Tapos na ang bakasyon, pati ang eleksiyon. Balik-eskuwela ang mga bata. Balik-pasakit sa mga nakatatanda. Aabot sa 24 milyong kabataan ang pumasok sa mga paaralan ngayong pasukan. Ang mga inulat sa midya: ang paghahanda ng mga bata, magulang at mga eskuwela para sa pagbubukas ng bagong akademikong taon. Pero ang kulang sa ulat, iyung problemang kinakaharap ng mga bata, guro at magulang ngayong pasukan. Kasama na rito ang kakulangan ng mga guro, klasrum, libro, pasilidad sa pag-aaral, at maraming iba pa. Naikukubli sa mga ulat hinggil sa paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa pasukan ang grabe at malungkot na mga problemang ito. Sa maraming pampublikong mga eskuwelahan, umaabot sa puntong pinaghahati ang mga klasrum sa dalawa, para maipagkasya ang dalawang klase. Umaabot sa puntong sa ilalim ng puno na lamang nagkaklase. Umaabot sa puntong pinagdadala na lang ng sariling bangko ang mga bata, dahil kulang na kulang sa upuan ang siksikan nang mga klasrum. Pasakit sa mga guro ang pagkalaki-laking mga klase. Hamon ng mga guro sa elementarya sa DepEd at maging sa nagmamarunong na mga opisyal ng administrasyong Aquino, subukan nilang magturo sa isang siksikang klasrum na may 50 malilikot na estudyante sa elementarya. Napakalubha na ng problema ng kakulangan sa guro, halos itinuturing na ito sa midya at sa gobyerno na pangkaraniwan. Pero hindi pangkaraniwan ang problemang ito. Kaya sanang masolusyonan. Pero ang problema, napalalala pa ng mga polisiya ng administrasyong Aquino. Nitong nakaraang buwan, matapos ang eleksiyon, minadaling ipasa ni Aquino ang batas sa programang K-12. Bagamat kinikilala ng progresibong organisasyon ng mga guro tulad ng Alliance of Concerned Teachers o ACT na may pangangailangan ngang iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, malinaw sa kanila at sa iba pa na hindi solusyon dito ngayon ang pagdagdag ng taon ng pag-aaral ng mga bata. Malinaw sa oryentasyon ng K-12 na nakatuon ito sa pagtugon sa mumurahing lakas-paggawa (cheap labor) para sa dayuhang mga kompanya, sa loob at labas ng bansa. Samantala, ipinagpapatuloy ng administrasyong Aquino ang neoliberal na polisiya nito sa edukasyon – ang pagbigay ng maliit, at di kasya, na badyet sa sektor ng
edukasyon. Nasa likod ng polisiyang ito ang tunguhing itulak ang mga instisusyong pang-edukasyon na maghanap ng paraan para mapunan ang kakulangan sa badyet. Ibig sabihin, itinutulak nito ang mga pampublikong eskuwelahan at institusyon na magsapribado, bawasan ang akses dito ng dumaraming mahihirap at ituring na prebilehiyong maaaring pagkakitaan ang edukasyon. Ipinagmamalaki ni Aquino ang record growth daw ng Gross Domestic Product ng ekonomiya ng bansa (isang “pag-unlad” na malayo sa katotohanan ng pangkaraniwang mga mamamayan). Pero ang hindi niya sinasabi, umaabot lamang sa 2.26 porsiyento ng GDP ang nakukuhang badyet ng DepEd (mula taong 2001 hanggang ngayong 2013). Gamilya ang layo nito sa sinasabi ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o Unesco na dapat daw gumastos ng di-babaa sa 6 porsiyento ng GDP sa edukasyon ang mga bansa. Hindi tumataas ang sahod ng mga manggagawa, at pati na ang mga guro. Samantala, sa pribado at pampublikong sektor ng edukasyon, inaprubahan ng Commission on Higher Education ang taas-matrikula sa 354 na kolehiyo at pamantasan, at ng DepEd ang taas-matrikula sa 260 eskuwela sa elementarya. Siksikan sa pampublikong mga paaralan at nagtataasan ang matrikula sa mga pribado, di nakapagtatakang halos 4.6 milyong kabataan na ngayon ang out-ofschool youth. Sabi ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, mayroon lamang isang hayskul sa bawat limang elementarya. Ibig sabihin, tanggap at kinukunsinti ng gobyerno na di lahat ng nag-aaral sa elementarya ang makakatuntong ng hayskul. At higit pang liliit ang bilang ng makakapagkolehiyo. Ang gusto ng administrasyong Aquino, magtapos na lamang ng vocational courseso mag-enrol ng skills training sa Tesda ang mahihirap na walang pangmatrikula sa hayskul at kolehiyo. Ginigiya ng gobyerno ang maraming bilang ng maralitang Pilipino na maging alipin – kung hindi man sa ibang bansa, kahit dito. Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan, naganap ang isang nakalulungkot na balita: Winakasan ng isang Iskolar ng Bayan ang kanyang buhay. Ayaw niyang maging alipin, pero dahil sa kahirapan, itinutulak siya ng sistema ng edukasyon na magpakaalipin na lamang. Malungkot na balita sa mga magulang at mga mamamayan na may mga trahedya pang nangyayari tulad ng trahedya ni Kristel Tejada. Panahon na marahil para iwaksi ang ating lungkot at wakasan ang sistema ng edukasyon na ito na nagpapalungkot sa atin at sa ating kabataan.
Kantahin Pag aaral Lamang Verse 1: Pag aaral lang, ang makatutulong sa ‘tin, Upng makamit natin ang ating mga pangarap. Pag aaral, ang tanging pamana sa ‘tin n gating mga magulang na dapat nating ingatan. Di natin inaasahan, sa tahanan lahat ang simula, mabuting asal at pakikipagkapwa, pati na rin ang bilang na dalawa, isa. Chorus: Mag aral tayong lahat, Sabay sabay abutin mga pangarap. Pag asa’t opurtinadad, na nagbigay sa ‘tin ng paaralan. Dapat natin itong malaman. Dapat pag aaral lamang…. (2x) Verse 2: Pag aaral lang, ang sagot sa kahirapan, na magdadala sa atin tungo sa kaginhawaan. Pag aaral, lang, ang magbibigay sa atin ng kaalaman ukol sa ating buhay. Di natin inaasahan, sa tahanan lahat ang simula, mabuting asal at pakikipagkapwa, pati na rin ang bilang na dalawa, isa.
Karununga’y Ingatan Verse 1: Karunungan ay mahalaga, Ito’y nagbibigay ng pag asa. Sa lahat ng mga nangangarap upang mayroong kinabukasan.
Chorus: Karununga’y ating ingatan, Wag pabayaan. Tayo ay magsikap, sa pag aaral.
Para sa pamilya, Gustong matulungan Tayo nan gang magsipag na mag aral.
Repeat…
Talumpati Ating mga Magulang Lahat tayo ay may magulang. Sila ang laging sumusuporta sa atin tuwing may haharapin tayong problema. Ang ating mga Ina na nagsasakripisyo para sa atin tuwing tayo ay may kailangan, ang gumigising pa ng gabi upang tignan kung ok ka lang. Ang ating mga Ama na gumigising ng umaga upang maihanda lang tayo ng pagkain, ang ating mga Ama na sesermonan ka pa ng napakahaba para lang alam mo na kung ano ang gagawin mo sa susunod. Naranasan natin tong mga kabataan ang ganitong mga pagkakataon. Talagang malaki ang ipagpapasalamat natin sa kanila, sa bawat sakripisyo na ginawa nila para sa atin. Ngunit naranasan rin natin ang mga palo at sigaw nila sa atin, tuwing may nagawa tayon mali. Minsan nakakainis sila, parang gusto mo na lang sumigaw sa mga mukha nila. Pero buti ginagawa nila yon. Buti na lang naranasan natin ang iba’t ibang pagkakataon kasama sila, maganda o panget man ito. Buti na lang nandyan sila, na kasama mo sila. Kasi ang ibang mga kabataan ay wala silang magulang, dahilan man ng paghihiwalay o namatay na noong bata pa sila. Ang iba ay hindi man lang nila nakita ang mukha ng kanilang ina o ama, o pareho. Kaya magpasalamat na lang tayo na meron tayong magulang kasi ang iba wala.
Pangkat 2 8-STE 1 Althea Gamboa Krisha Coloma Daniela Macalindong Kim Repol Dhoreve Munar Hans Lumasang Jireh Jimenez Cassandra Gales
Literary Folio Pangkat 2 8-STE 1