KAYAMANAN AT KALINANGAN: PAG-AARAL NG SIBILISASYON NG MARANAO NG GRADE 11 ABM SA XAVIER UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
Isang Papel Pampanaliksik Na Iniharap sa Mga Kaguruan
Ng Kagawaran ng Filipino sa Antas ng Senior High School
Pamantasan ng Xavier University- Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro
Bilang Bahaging Katuparan sa mga Pangangailangan
Ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino
Akademikong Taon 2017-2018
Izzabella Marie Alamban
Anne Zeta Alvarez
Princess Marie Dalupere
Carylle Del Rosario
Miles Navales
Shimea Pagurayan
Jon Clark Paner
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata 1
Panimula
Ilang taon na ang lumipas ng mabuo ang kabihasnan ng Pilipinas. Mula noon, ang mga Pilipino ay may pagkakaiba na, sa paniniwala, pananalita, at gawi. Ang naging bunga nito ay ang pagkabuo ng iba't-ibang pangkat etniko na sumisimbolo na ang ating bansa ay masagana hindi lamang sa likas na yaman kundi pati na rin sa kultura. Ngunit sa pagdaan ng panahon, mayroong mga katutubong pangkat na unti-unti nang nawawala dahil sa mga makabagong paniniwala at teknolohiya na naging dahilan sa paglaho ng kanilang mga kinaugalian, tradisyon at iba pa. Bagama't ganito ang nangyari mayroon pa ring mga pangkat na nanatili at hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanilang kultura. Isa na rito ang pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim, ang mga Maranao.
Ang mga Maranao ay naninirahan nung una sa kabundukan, ngunit ngayon ay mayroon na ring namamahay sa baybayin. Sila ay karaniwang mga magsasaka at mangingisda. Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto. Kilala rin sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal. Subalit maraming mga Maranao ang mahigpit na tumututol sa isang sentralisadong pang-gobyerno ng Pilipinas na naging dahilan sa pagrebelde ng iba laban dito. Kung kaya't "mga rebelde", ito ang karaniwang naihahambing natin sa kanila.
Ang Xavier University Senior High School, bagama't isa itong Katolikong Pamantasan, hindi nalilimita ang mga estyudanteng nag- aaral dito sa mga Katoliko lamang. Isa ang Xavier sa mga paaralang kumopkop sa mga Maranao na estyudante mula Marawi noong nagsimula ang kaguluhan sa nasabing lungsod. Kaugnay nito, nais mapag-aralan ng mga mananaliksik ang kayamanan at kalinangan sa kabihasnan ng Maranao noon at paano ito nabubuhay sa kasalukuyang panahon.
Paglalahad ng Suliranin
Naglalahad ang kabanatang ito ng kahalagahan at mga kahulugan sa papel. Layunin ng pag-aaral na malaman ang impluwensiya ng kultura sa mga estyudanteng Maranao ng Grade 11 ABM sa Xavier Unversity Senior High School
Mga Tanong:
Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa kanilang:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Strand
Ano ang mga kultura sa Maranao ayon sa:
1.1 Tradisyon
1.2 Relihiyon
1.3 Wika
Paano nakakaimpluwensiya ang kultura sa kanilang pang araw-araw na gawi batay sa kanilang:
1.1 Pakikipag-ugnayan
1.2 Pag-aaral
1.3 Pananamit
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kayamanan at kalinangan sa kabihasnan ng mga magaaral na Maranao ng Xavier University- Ateneo de Cagayan Senior High School. Ang saklaw na ito ay nakapaloob din sa kanilang paniniwala, pananalita, at gawi.
Ang mga mananaliksik ay naglalayon na makabuo ng 20 respondanteng babae o lalaki mula sa baitang 11, partikular na yaong nasa STEM. Dito nakabase ang pagsakatuparan ng pananaliksik na ito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik tungkol sa mga bagay-bagay ay isang mahalagang tungkulin. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng malawak na pang-unawa ukol sa isang partikular na paksa para sa kapaki-pakinabang ng mga mananaliksik, mambabasa at maging ng komunidad. Sa pamamagitan nito, nadadagdagan ang ating kaalaman na magbubukas ng mga mata sa mga impormasyong nakalap, bagkus magpapabatid ng kamalayan sa mga mamamayan. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang higit na maunawaan ang kultura ng mga Maranao na itinuturing na isa sa mga kayamanan ng bansang Pilipinas. Sa kanilang kultura nakapaloob ang kanilang mga tradisyon, relihiyon at ang wikang ginagamit ng bawat isa sa paaralan, partikular sa Xavier University Senior High School, at kahit saanman sila naroroon. Sa pag-aaral na ito, inaasahang lubos na maiintindihan ng mga tao ang kanilang mga kaugalian, pag-uugali, maging ang kanilang mga araw-araw na gawain.
Sa mga mananaliksik. Ang papel pananaliksik na ito ay maging silbing gabay ng mga mananaliksik para makahanap at makakalap ng mga mananaliksik ng mga karagdagang impormasyon at datos sa hinaharap, tungkol sa kultura ng Maranao. Magamit din ang papel pananaliksik na ito para mapatunayan at magamit ito para sa paghahambing nga mgs datos.
Sa mga mambabasa. Nakakatulong ang papel pananaliksik na ito sa mga mambabasa upang maging mas nalalaman ang mga tao ang iba't ibang mga aspekto at mga salik na nakaapekto sa kultura ng Maranao.
Sa mga kommunidad. Malaki ang bunsod ng magandang epekto ang papel pananaliksik na ito sa mga komunidad, dahil pag may alam na ang mga tao tungkol sa kultura ng Maranao, ang mga mamamayan ang silbing nakaimpluwensya sa mga tradisyon at kultura ng Maranao.
Depinisyon ng mga Terminolohiya