PANANAW NG MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 UKOL SA KANILANG UNANG TAON SA SENIOR HIGH SCHOOL NG PILAR COLLEGE PARA SA AKADEMIKONG TAONG 2016-2017
_______________________________________
Nina:
Said, Aisha
Barraca, Miladanica
Del Castillo, Sean Vincent
Mukaram, Shaira
Domingo, Bianca Faye
De Castro, Deon Joven
Askalim, Benawar
Isnang, Czarianne
Karanain, Shamie Joy
Javier, Erhildianne
Glodove, Mary Loreine
Alih, Fernieza
Dal, Mark
KABANATA I
PANIMULA
Sa kabanatang ito makikita ang mga dahilan kung bakit napiling pag-aralan ng mga mananaliksik ang ganitong uri ng paksa, mga kaligiran ng paksa, layunin ng mga mananaliksik, ang sakop at delimitasyon ng buong pag-aaral, at ang kahalagahan ng pagsasagawa ng naturang pag-aaral. Ito ang mga tanong na hangad mabigyang kasagutan ng mga mananaliksik.
Sanligan ng Pag-aaral
Ang edukasyon ay ang susi tungo sa magandang kinabukasan—ito ang isa sa mga kasabihang pinanghahawakan ng karamihan sa ating lipunan kung kaya labis ang pagpapahalaga dito. Dahil sa pagnanais na maitaas ang pamantayan at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang isang panibagong kurikulum, ang K-12.
Ang K-12 ay isang programang nagnanais na mapalawig ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa pang taon sa kurikulum ng mga mag-aaral. Layunin nitong hasain ang iba't ibang abilidad ng mga mag-aaral base sa kanilang pipiliing strand upang maging ganap na handa kung tutuloy man sa kolehiyo o agad na magtatrabaho ang magtatapos sa kurikulum na ito. Bagkus, ito rin ang pandaigdigang antas ng edukasyon na hinahanap ng mga employer sa anumang bahagi ng mundo sa mga mamamasukan. Ibigsabihin, mas magiging kwalipikado at madaling makakahanap ng trabaho sa hinahanarap. Ang dalawang karagdagang taong ito ay ang Senior High School.
Kasalukuyang iniimplimento ang unang taon sa Senior High School sa mga mag-aaral ng Grade 11 para sa taong 2016-2017. Ang pangkat ng mga mag-aaral na kasama rito ay ang una ring sumailalim bilang Grade 7 noong taong 2013-2014.
Kabilang sa mga paaralang nagbukas ng Senior High School nitong taon ay ang Pilar College kung saan ay mayroong apat na strand na maaaring tahakin— ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Accounting, Business and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic Strand (GAS). Maoobserbahang pinaghandaan ng paaralan ang pagbubukas na ito sa paglaan ng gusali, pagdagdag ng mga kagamitan, pasilidad at karagdagang mga guro para sa panibagong departamento.
Bunsod nito, ay nangangailangan ng masusing pananaliksik kung sapat at mabisa na ba ang kasalukuyang estado at kalidad ng Senior High School ng Pilar College ayon sa mga pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 na siyang kasalukuyang sumasailalim dito. Ito ay upang matukoy ang mga kakulangan at magawan ng paraan ang mga ito nang sa gayon ay maituwid at masiguradong makamit nang maayos ang layunin ng K-12 kurikulum na dekalidad na karanasang pang-edukasyon para sa mga mag-aaral nito.
Hangad ng mga mananaliksik na magsilbing daan ang panag-aaral na ito upang matulungan ang nasabing institusyon sa pagpapatupad at pag-iimplimento ng mas mabisa at maayos na edukasyong K-12, partikular na sa Senior High School sa pamamagitan ng pagkalap ng iba't ibang impormasyon at datos mula sa mga mag-aaral sa ilalim ng departamentong ito. Bagkus, gawin itong pamantayan sa ibibigay na mga solusyon at rekomendasyon na inaasahang maaaring maging sagot sa mga suliranin ng Senior High School.
Ang mga mananaliksik ay sang-ayong nagsisimula pa lamang ang ipinatutupad na Senior High School ng Pilar College kung kaya ay mas malaki ang pangangailangang mabigyan ng ebalwasyon ang kabuuang departmaneto sa unang taon nito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay handang gumawa ng daan upang mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon sa pagbigay ng interpretasyon sa pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 batay sa kanilang sari-sariling karanasan.
Layunin ng Pag-aaral
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na:
Pangkalahatang Layunin
Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11ukol sa kanilang unang taon sa Senior High School ng Pilar College at mabigyan ng ebalwasyon at solusyon ito.
Tiyak na Layunin
Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 ukol sa kanilang karanasan sa unang taon ng Senior High School sa aspeto ng kasapatan ng mga pasilidad, aklat, akitibidad, guro at angkop na mga paksang naaayon sa napiling strand.
Matukoy kung aling mga larangan sa Senior High School ng institusyon ang mayroong suliranin na nangangailangan ng pagpapabuti at pagbabago.
Mabigyan ng masusing ebalwasyon at angkop na solusyon ang mga naturang suliranin sa Senior High School.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa kahalagahang hatid, ang pananaliksik na ito ay naghahangad na iukol ang hangarin at intensyon sa mga sumusunod:
Para sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang ang kanilang mga opinyon at pagpuna base sa kanilang taunanang karanasan sa Senior High School ay maipaabot sa administrasyon nang sa gayon ay magawan ng aksyon ang mga aseptong mayroon pang pagkukulang. Bagkus, mahalaga ito upang ang susunod pang mga taon sa departamento ay mapabuti upang maipamalas sa mga mag-aaral ang isang dekalidad na edukasyong K-12. Ibigsabihin, mas lalaki ang posibilidad na mapabuti pa ang paghubog ng mga produktibo at huwarang mag-aaral sa hinaharap.
Mahalaga rin ang pag-aaral na ito para sa Administrasyon ng paaralan sapagkat partikular na matutukoy ang mga aspeto ng kanilang sistema na nangangailangan ng iilang pagbabago o pagpapabuti nang sa gayon ay maging mas mabisa at dekalidad ang edukasyong pang-Senior High School na kanilang alok sa mga mag-aaral. Mahalaga ang puna ng mga mag-aaral sa ilalim nito sapagkat masasapul ang pangunahing mga suliranin nang magawan ang mga ito ng agarang solusyon. Bunsod nito, ang institusyon ay magiging mas kaaya-ayang paaralan para sa mga mag-aaral ng Senior High School dahil tataas ang kawilihan ng mga mag-aaral dulot ng mas mabisang sistema ng edukasyon.
Mismong para sa antas ng edukasyon sa ating bansa—ang isang pagbabago at pagpapabuti ng edukasyon sa loob ng isang paaralan ay ang simula ng mas marami pang paaralan na susunod dito at mas mataas na hangarin ng ating bansa upang patuloy na mabigyan ng dekalidad na pagkatuto ang kabataan nang sa gayon ay lumawak pa ang sari-sariling kakayahan at kahusayan ng mga mag-aaral na siya ring maisasabuhay sa ating lipunan nitong hinaharap. Dahil sa pag-aaral na ito ay mas mabilis at epektibong matatamo ang mga pangunahing layunin ng K-12 na humubog ng mga produktibong indibidwal sa ating bansa. Magsisimula lamang iyon sa bawat paaralang magiging bukas sa pagbabago at pagpapabuti dahil sa huli ay ang buong bansa din ang isa sa manginginabang.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay magbibigay diin at pagtutuunan lamang ng pansin ang mga makakalap na pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 sa Senior High School ng Pilar College para sa akademikong taong 2016-2017. Ang nabanggit na departamento at baitang lamang ang magiging saklaw ng pag-aaral kung saan ay doon rin manggagaling ang mga kalahok.
Nililimitahan ng mga mananaliksik ang pag-aaral ng paksang ito sa tuwiran at pangunahing pananaw lamang ng mga mag-aaral ng Grade 11 batay sa ilalaang sarbey. Bagkus ay nililimitahan ang pag-aaral na ito mula sa makakalap lamang na resulta batay sa isasagawa at ipasasagot na sarbey-kwestyoneyr sa mga mapipiling kalahok sa bawat seksyon ng Grade 11 hanggang sa ibibigay na ebalwasyon at rekomendasyon sa matutukoy na suliranin.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Sa kabanatang ito makikita ang mga dahilan kung bakit napiling pag-aralan ng mga mananaliksik ang ganitong uri ng paksa, mga kaligiran ng paksa, layunin ng mga mananaliksik, ang sakop at delimitasyon ng buong pag-aaral, at ang kahalagahan ng pagsasagawa ng naturang pag-aaral. Ito ang mga tanong na hangad mabigyang kasagutan ng mga mananaliksik.
Lokal na Pag-aaral
Banyagang Pag-aaral
Isa sa mga kaugnay na pag-aaral na ginawa sa Western Michigan University sa Estados Unidos ukol sa pananaw ng mga mag-aaral sa unang karanasan sa isang bagong kurikulum ay ang disertasyon ni VanderJagt, Douglas D. na may pamagat na "Student Thoughts and Perceptions on Curriculum Reform" noong taong 2013.
Ayon kay VanderJagt, ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri kung paano tumugon at ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral nang ipatupad ng Michigan ang karagdagang pamantayan at kakailanganin bago makapagtapos. Ang pag-aaral ay isinagawa sa isang malaking suburban high school na nagpatupad ng pagbabago sa sistemang trimester bilang tugon sa mandate ng estado. Isang criterion-based sample na binubuo ng 80 na mag-aaral, may plano mang tumungo sa kolehiyo o hindi ang naging mga kalahok sa pakikipanayam ukol sa kanilang kaalaman, pang-unawa, at karanasan sa panibagong Michigan Merit Curriculum at paano nito naapektuhan ang mga desisyon ng mga mag-aaral sa kanilang tatahakin matapos ang sekundaryang edukasyon. Dagdag pa dito ay isinama rin ni VanderJagt sa isang grupo ang iilang mga magulang ng mga kalahok at ilang kinatawan ng institusyon para sa pag-aaral.
Isang masusing pagsusuri ang isinigawa at ang mga resulta nito ay ginawan ng
cross-analysis sa nabanggit na isa pang grupo, Apat na tema ang lumitaw mula sa pag-aaral: (1) Ang mga mag-aaral ay nakaranas ng limitado hanggang sa walang pakikilahok sa panibagong pamantayan ng kurikulum bago makapagtapos; (2) Ang mga magulang, mag-aaral at mga tauhan ng paaralan ay nagpahayag ng kanilang pagkabahala at pag-aalala na maaaring ang mga panibagong pamantayang ito ay hindi matamo ng lahat ng mga mag-aaral na magdudulot ng hindi pagtatapos ng lahat; (3) Ang paaralan na nagsilbing lokal ng pag-aaral ay gumamit ng isang maikhaing pakikitungo o pamamaraan upang magbigay ng flexibility upang makamit ang panibagong pamantayan bago magtapos; at, sa kabuuan, (4) Sinusubukang pang masanay ng mga mag-aaral sa mga pagbabagong ito, bagkus maayos ang ipinapakita sa grado.
Ang mga karanasan ng mga mag-aaral, base sa paglalarawan ng kanilang mga magulang at mga kinatawan ng paaralan mismo, ay nagdulot ng panibagong pananaw kung paanong maaaring magpatuloy ang paghubog at ebolusyon ng lebel ng kurikulum na iyon at ano ang ganap ng mga mag-aaral sa ebolusyong iyon
Bilang kabuuan, ang pag-aaral ni VanderJagt ay sumusuporta sa mga nagdaang literatura ukol sa ng mga pagsisikap para sa pagbabago ng mga paaralang kasisimula lamang sa pagpapatupad ng isang panibagong kurikulum. Ang mga mag-aaral, magulang at administrasyon ay humantong sa isang kasunduan na ang mga mag-aaral ay nararapat na magkaroon ng isang pangunahing ganap sa mga pagbabago sa paaralan. – VanderJagt, Douglas D., "Student Thoughts and Perceptions on Curriculum Reform" (2013). Dissertations. Paper 154.
Konseptwal na Balangkas
DVPananaw at karanasan ng mga mag-aaral DVPananaw at karanasan ng mga mag-aaral IVMga mag-aaral ng Grade 11IVMga mag-aaral ng Grade 11
DV
Pananaw at karanasan ng mga mag-aaral
DV
Pananaw at karanasan ng mga mag-aaral
IV
Mga mag-aaral ng Grade 11
IV
Mga mag-aaral ng Grade 11
MV Mga Pasilidad Uri at dami ng aklat Bilang ng mga guro Mga aktibidad Angkop na paksa ayon sa strandMV Mga Pasilidad Uri at dami ng aklat Bilang ng mga guro Mga aktibidad Angkop na paksa ayon sa strand
MV
Mga Pasilidad
Uri at dami ng aklat
Bilang ng mga guro
Mga aktibidad
Angkop na paksa ayon sa strand
MV
Mga Pasilidad
Uri at dami ng aklat
Bilang ng mga guro
Mga aktibidad
Angkop na paksa ayon sa strand
Talahanayan 1
Ipinakikita sa Talahanyan 1 ang baryabol na makapag-iisa, baryabol na di makapag-iisa at ang modereyt na baryabol. Ang pananaw at karanasan ng mga mag-aaral ang dependent na baryabol dahil ang opinyon o ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakadipende o nakabase sa mga kalahok na nabibilang sa indipendent na baryabol. Ang mga aspeto sa Senior High School gaya ng mga pasilidad, uri at dami ng aklat, bilag ng mga guro, mga aktibidad at angkop na paksa ayon sa strand ang mga modereyting baryabol sapagkat ito ang mga bagay na nakaaapekto sa kalalabasan ng magiging pananaw at karanasan ng mga mag-aaral sa pag-aaral na ito.
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
Pananaw – Ito ang mga opinyon, puna, paninindigan ng mga kalahok hinggil sa paksa
Strand – Ito ang hanay ng mga magkakaugnay na kurso na nais tahakin ng mag-aaral sa Senior High School
Sarbey – Isang paraan ng pagkalap ng mga datos kung saan ay mayroong pagtugon sa mga katanungan o instruksyong nilalaman ng papel
Grade 11 ng Senior High School – Ito ang unang taon ng Senior High School matapos magtapos sa Grade 10 ng Junior High School
Pasilidad – Ito ang mga kagamitan, instrumento at mga eksklusibong silid para sa Senior High School
Uri at dami ng aklat – Ito ang iba't ibang barayti at angkop na aklat para sa Senior High School
Bilang ng mga guro – Ito ang dami o kasapatan ng mga guro sa departamento
Aktibidad – Ito ang sari-saring mga gawain para sa mga mag-aaral
Paksa ayon sa strand – Ito ang mga angkop na leksiyon sa napiling strand para sa Senior High School
Ebalwasyon – Ito ang kabuuang pagsusuri.
KABANATA III
METODOLOHIYA
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pagaaral at paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan, ipapakita dito ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.
3.1 Lokal ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Departamento ng sekundarya ng Pilar College, partikular na sa Senior High School.
3.2 Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng paraang deskriptiv-analitik na pananaliksik. Nagtatangkang itala at bigyang halaga ng pag-aaral na ito ang mga pananaw, opinion at karanasan ng mga mag-aaral ng Grade 11 sa pamamagitan ng talatanungan o sarbey kwestyoneyr upang makalikom ng mga gagamiting datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksa sapagkat mas mapadadali nito ang pangangalap ng datos mula sa dami ng magiging kalahok.
3.3 Pagpili ng kalahok
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay manggagaling mula sa Grade 11 ng Senior High School ng Pilar College at pipili sa pamamagitan ng pormyulang: n=N*20% kung saan ang N ay tumutukoy sa kabuuang populasyon ng Grade 11; ang 20% ay ang bahagdan na kailangang kunin mula sa populasyon upang makuha ang n, ang sample size. Mayroong kabuuang 319 na mag-aaral sa Grade 11 at gamit ang unang pormulya, ang lumabas na bilang ng kalahok ay 64. Matapos nito ay hahatiin ang bilang ng kalahok sa 7 na seksyon ng Grade 11. Ang kalabasan ay 9.14, ibigsabihin, ang bilang ng mga kalahok para sa bawat seksyon ng nasabing baitang ay 9 na mag-aaral upang buuin ang 64 na kabuuang kalahok sa buong departamento.
3.4 Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o sarbey kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos para sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang hanay: Paglapat ng tsek sa kahon ng mga sapat o mabisang aspeto sa departamento at ang sarbey kwestyoneyr na naglalaman ng dalawang katanungan ukol sa kanilang mga naging ekspektasyon noong unang markahan pa lamang na hindi gaanong napunan hanggang pagtatapos at ang kanilang kabuuang pananaw sa kanilang taunang karanasan sa Senior High School ng Pilar College.
Alaming maigi ang pag-aaral at magtalaga ng mga layuninAlaming maigi ang pag-aaral at magtalaga ng mga layunin3.5 Daloy ng Pag-aaral
Alaming maigi ang pag-aaral at magtalaga ng mga layunin
Alaming maigi ang pag-aaral at magtalaga ng mga layunin
Lumikha ng sarbey na naglalaman ng mahahalagang tanong ukol pag-aaralLumikha ng sarbey na naglalaman ng mahahalagang tanong ukol pag-aaral
Lumikha ng sarbey na naglalaman ng mahahalagang tanong ukol pag-aaral
Lumikha ng sarbey na naglalaman ng mahahalagang tanong ukol pag-aaral
Tukuyin ang bilang ng mga kalahok para sa pag-aaralTukuyin ang bilang ng mga kalahok para sa pag-aaral
Tukuyin ang bilang ng mga kalahok para sa pag-aaral
Tukuyin ang bilang ng mga kalahok para sa pag-aaral
Isagawa ang pamamahagi ng sarbey sa mga mag-aaralIsagawa ang pamamahagi ng sarbey sa mga mag-aaral
Isagawa ang pamamahagi ng sarbey sa mga mag-aaral
Isagawa ang pamamahagi ng sarbey sa mga mag-aaral
Simulan ang pagkalap ng mga datos at impormasyonSimulan ang pagkalap ng mga datos at impormasyon
Simulan ang pagkalap ng mga datos at impormasyon
Simulan ang pagkalap ng mga datos at impormasyon
Isaayos, suriin at bigyan ng interpretasyon ang mga datosIsaayos, suriin at bigyan ng interpretasyon ang mga datos
Isaayos, suriin at bigyan ng interpretasyon ang mga datos
Isaayos, suriin at bigyan ng interpretasyon ang mga datos
Magbigay ng solusyon at rekomendasyong naaayon sa resulta ng pag-aaralMagbigay ng solusyon at rekomendasyong naaayon sa resulta ng pag-aaral
Magbigay ng solusyon at rekomendasyong naaayon sa resulta ng pag-aaral
Magbigay ng solusyon at rekomendasyong naaayon sa resulta ng pag-aaral