Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region XII Division of Sarangani
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5 Pangalan:______________________________________________________________________ Guro:__________________________________________________________________________ I.
Basahing mabuti ang balita at sagutin nang malinaw ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
May malakas na bagyong si Osang sa Batanes Group of Islands mula pa alas dos ng madaling araw at patuloy ito sa Timog Luzon. Binabalaan ang mga mangingisda na magiging maalon ang karagatan at mapanganib ngayon ang mangisda dito. Sa lupa naman, ang malakas na bagyong ito ay magdadala ng lakas ng hangin na mahigit sa 100 kilometro bawat oras. Binabalaan ang publiko na maghanda sa pagdating ng bagyong si Osang. ____________ 1. Ano ang paksa ng balita? a. Batanes Group of Islands b. Ang Bagyong si Osang c. Ang mangingisda d. Malakas na Bagyo ____________ 2. Ano-ano ang mahahalagang babala sa kabuuan ng balita? a. Binabalaan ang mangingisda na mapanganib ang mangisda sa karagatan at sa lupa naman ay dapat mag-ingat dahil malakas ang bagyo. b. Maaari nang ipagpatuloy ang pangingisda. c. Papalayo na ang bagyo kaya ligtas na ang mga tao. d. Papasok sa paaralan kahit may bagyo ____________ 3. Kung may bagyo, alin sa sumusunod ang ligtas na gagawin ng mga tao? a. Huwag paniwalaan ang balita at ipagpatuloy ang gawain. b. Magpatayo ng bagong bahay na mas matibay. c. Sundin ang babala at paghandaan ang darating na bagyo. d. Tatakbo at ipagkalat ang balita ____________4. Alin ang hindi dapat gawin sa panahon ng bagyo? a. Maghahanda ang mga tao upang maging ligtas b. Iwasang lumabas ng bahay at sa halip ay siguraduhing maging maayos ang lahat. c. Maglalaro sa labas at hindi susundin ang babala. d. Makinig sa balita sa radio o telebisyon _____________ 5. Lahat maliban sa isa ay tumutukoy sa balita. Alin ang hindi? a. Ang Bagyong si Osang ay papalapit sa Timog Luzon. b. Ipinaalam sa mga tao na ligtas ang lahat sa bagyo. c. Magdadala si Bagyong Osang ng malakas na hangin na mahigit sa 100 kilometro bawat oras. d. Binabalaan ang mga mangingisda na huwag pumalaot
II.
Panuto: Piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Hindi bató ang puso ng mayamang Don. a. maawain b. mabagsik c. kuripot d. mahirap 7. Malakas na hagulgol ang narinig niya. a. iyak b. hikbi c. tawa d. sambit 8. Salat kami sa mga pangangailangan sa araw-araw. a. Magkasangga b. Magkalaban c. Magkaibigan d. Sagana 9. Maganda si Linda ngunit ______ naman ang ugali. a. mahinhin b. pangit c. masipag d.masaya 10. Malapad ang kalye sa lungsod ______ naman ang sa bukid. a. malawak b. makitid c. malinis d. marumi III.
Kaukulan ng panghalip na panao: Isulat sa patlang ang PY kung palagyo, PL kung palayon at PR kung paari ang nasalungguhitang panghalip.
____________________ 11. Aalis tayo mamayang tanghali, pupunta tayo sa mall para kumain. ____________________ 12. Sinusuportahan ako ng aking pamilya sa paligsahan ng pagkanta. ____________________ 13. Sa kanila ang mga libro na ginagamit natin. ____________________ 14. Sila ang matatalinong mag-aaral sa klase. ____________________ 15. Ang lahat ng mga nakikita mo ay amin.
IV.
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng mga salitang nagsasaad ng katuturan ng salita sa bawat bilang.
_________16. kaban _________17. klaro _________18. angkop _________19. tadhana _________20. dalisay
a. ito ay batay/tuntuning sinusunod b. daan o landas na tinatahak c. malinis d. maliwanag na usapan e. sukat ng sansakong palay/bigas f. mahalimuyak
V. Panuto: Uriin ang pangngalang may salungguhit kung pantangi, pambalana o lansakan. Isulat ang sagot sa patlang. ______ 21. Maraming nabibiling pagkain sa supermarket. ______ 22. Nagpunta sa Luneta sina Edna at Albert. ______ 23. Maganda ang pelikulang napanood ko sa Ever. ______ 24. Nakakita sila ng mga pulutong ng tao. ______ 25. Tutulungan ko ang lolo sa pagkuha ng mga buwig ng saging. VI.
Panuto: Uriin ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang Payak, Maylapi, Tambalan o Inuulit. ______ 26. Maraming bulung-bulungan kaming naririnig pagkatapos ng halalang pambansa. ______ 27. Ayaw niyang pakasal sa isang anak-pawis. ______ 28. Nagdaos sila ng salu-salo kahapon. ______ 29. Nagdasal sila sa simbahan. ______ 30. Maraming dahon sa lupa.
VII. Bilugan ang salitang panlarawan na ginagamit sa pangungusap. ___________ 31. Kay linis-linis ng aming paaralan ngayon. ___________ 32. Mahina na ang katawan ng aking lola. ___________ 33. Mabagal lumakad si Aling Salud. ___________ 34. Magandang magtrabaho ang nakuha kong pintor. ___________ 35. Ang mga tao ay masunurin sa batas. VIII. Basahin ang sumunod na kuwento at unawaing mabuti ang inihatid nitong mensahe. Kapuri-puring Bata Nag-aaral ng leksiyon si Daniel nang marinig niya ang sunudsunod na katok sa pinto. “Sino po, iyan?” tanong niyang parang nabigla.“Ang Kumareng Etang ng nanay mo,” sagot ng panauhin.Binuksan ni Daniel ang pinto at pinapasok ang panauhin.“Maupo muna kayo, Aling Etang. Tatawagin ko po si Inay,”magalang na sabi ng bata.Bago pumasok sa kuwarto upang tawagin ang ina, inabutan pa niya ng pahayagan ang panauhin upang di mainip. “Inay… Inay… naghihintay po sa labas ang Kumareng Etang ninyo,” balita niya sa kanyang ina.“A, ganoon ba, sige, sabihin mong sandali lang at lalabas na ako,” sagot ng ina.Lumabas ng kuwarto si Daniel at lumapit sa panauhin na nakita niyang nagbabasa.“Mawalang-galang na po sa inyo, sandali lang po at lalabas na si Inay.”“Sige, iho, salamat sa iyo,” ganting tugon ni Aling Etang. Isunud-sunod ang pangunahing diwang bumubuo sa kuwento. Isulat ang bilang 1 -5 ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. ______ 36. Lumabas si Daniel sa kuwarto at lumapit sa panauhin. ______ 37. Inabutan ng pahayagan ang panauhin upang hindi mainip. ______ 38. Binuksan ni Daniel ang pinto at pinapasok ang panauhin. ______ 39. Nag-aaral ng leksiyon si Daniel nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pinto. ______ 40. Nagpakilala ang panauhin at pinaupo niya ito, bago pumasok sa kuwarto upang tawagin ang ina. IX.
Bilugan ang salitang panlarawan na ginagamit sa pangungusap.
___________ 41. Kay linis-linis ng aming paaralan ngayon. ___________ 42. Mahina na ang katawan ng aking lola. ___________ 43. Mabagal lumakad si Aling Salud. ___________ 44. Magandang magtrabaho ang nakuha kong pintor. ___________ 45. Ang mga tao ay masunurin sa batas. X. Sagutin ang sumusunod na bugtong. Piliin ang sagot sa kahon. ______46. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. ______47. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay. ______48. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ______49. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay. ______50. Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan. anino
ampalaya ilaw
aso kandila
langka