MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 Pangalan: ________________________________Taon-Seksyon: ________________Petsa:___________ PANUTO: Bilugan ang titik ng wastong sagot. 1. Ito ay tekstong naglalarawan sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at tao. a.naglalarawan b. naglalahad c. nagsasalaysay d.nanghihikayat 2. Ano ang salitang ugat ng kabayanihan? a. kaba b. bayan c. bayani d. ani 3. Alin sa sumusunod ang ekspresyon ng posibilidad? a. ba b. nga c. tunay d. sapagkat 4. Siya ang may aklat ng ABNKKBSNPLKo. a. Bob Ong b. Eros Atalia c. Rio Alma d. Fanny Garcia 5. Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. a. Anak ni Rizal b. Clowns c. Geeks d. Spice Girls 6. Ito ay panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop. a. alamat b. pabula c. parabola d. tula 7. Ito ay tekstong may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. a. naglalahad b. naglalarawan c. nangangatuwiran d. nagsasalaysay 8. Siya ag may akda ng Sandaang Damit. a. Rio Alma b. Fanny A.Garcia c. Bob Ong d. Rogelio R. Sikat 9. Sino ang umawit ng awiting Batang- Bata Ka Pa? a. Apo Society b. Apo Liking Society c. Apo Hiking Society d. Apo Hike 10. Siya ang nagsulat ng kwentong Impeng Negro. a. Rio Alma b. Fanny A.Garcia c. Bob Ong d. Rogelio R. Sikat Para sa mga bilang 11-15. “ Baka makikipag-away ka na naman,” tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit iyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. “Hindi ho”,paungol niyang tugon. 11. “ Baka makikipag-away ka na naman”. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap? a. nananakot ang nagbilin. c. masayahin ang nagsasalita b. madalaas makipag-away ang kausap d. pag-awat sa isang sitwasyon 12. Anong uri ng pamuuhay ang mailalarawan sa mag-ina? a. mapanuri b.mahirap c. mayaman d. palaaway 13. Ang giray ay nangangahulugang ________________. A. saway b. sira c. tibay d. buo 14. Anong uri ng panitikan ang masasalamin sa bahagi ng akda? a. alamat b. pabula c. tula d. maikling kuwento 15. Ano ang maaaring maging suliranin sa akda? a. bully b. kahirapan c. kayabangan d. kahinaan PAGKILALA: Tukuyin kung ano ang tinutukoy sa bawat pahayag. ______________16. Ang Matalinong si Pilandok ay kwentong- bayan mula sa anong lugar? ______________17. Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. _______________18. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. _______________19. Siya ang nagsulat ng Kuwentong “Sundalong Patpat”. _______________20. Ang official kenkoy ng klase. KSP sa klase na dahil hindi naman matalino idinadaan na lang sa patawa ang pagpapansin. Panuto: Piliin at bilugan ang titik sa mga pagpipiliang salita ang kahulugan ng salitang nakasulat ng pahilig. 21. ipinagkit a. idinikit b. isinama c.itinalaga d. iniwan 22. sumidhi a. tumindi b. umangat c. sumailalim d.lumiyag 23. tatangkain a. iisipin b. sasadyain c. gagawin d. susubukin 24. batid a. nais b alam c. gusto d. hatid 25. masusulyapan a. makikita b. mahahanap c. matitingnan d. masisiyasat ENUMERASYON ( Isulat sa likod ng papel ang inyong kasagutan.) 26-27: Bumuo ng 2 pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga.
28-30: Ibigay ang pagkakatulad ng “Sundalong Patpat” at ng “Prinsipe Bantugan”. 31-35: Magbigay ng 5 iba’t ibang klase ng High School Students.