ANG IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN
PANITIKAN- NAGPAPALIWANAG NG KAHULUGAN NG KALINANGAN AT KABIHASNAN NG LAHING PINANGGALINGAN NG AKDA. BANAL NA KASULATAN O BIBLIYA- ITO ANG NAGING BATAYAN NG KAKRISTIYANUHAN. MULA SA PALESTINO AT GRESYA. KORAN- ANG PINAKABIBLIYA NG MGA MUSLIM. GALING ITO SA ARABIA. ANG ILIAD AT ODYSSEY- ITO ANG KINATUTUHAN NG MGA MISTOLOHIYA AT PAALAMATAN NG GRESYA. AKDA ITO NI HOMER. ANG MAHABARATA- ITO AY IPINALALAGAY NA PINAKAMAHABANG EPIKO SA BUONG DAIGDIG. NAGLALAMAN ITO NG KASAYSAYAN NG PANANAMPALATAYA NG INDIYA. CANTERBURY TALES- NAGLALARAWAN ITONG PANANAMPALATAYA AT PAGUUGALI NG MGA INGLES NOONG UNANG PANAHON. GALING ITO SA INGLATERA AT SINULAT NI CHAUCER.
UNCLE TOM’S CABIN- AKDA ITO NI HARRIET BEECHER STOWE NG ESTADOS UNIDOS. KABABASAHAN ITO NG NAGING KARUMAL-DUMAL NA KALAGAYAN NG MGA ALIPIN AT NAGING BATAYAN NG DEMOKRASYA. ANG DIVINE COMEDIA- AKDA NI DANTE NG ITALYA. NAGPAPAHAYAG ITO NG PANANAMPALATAYA AT PAG-UUGALI NG MGA ITALYANO NANG PANAHONG YAON. ANG EL CID COMPEADOR- NAGPAPAHAYAG NG MGA KATANGIANG PANLAHI NG MGA KASTILA AT NG KANILANG KASAYSAYANG PAMBANSA. ANG AWIT NI ROLANDO- KINAPAPALOOBAN ITO NG DOCE PARES AT RONCESVALLES NG PRANSYA. NAGSASALAYSAY NG GINTONG PANAHON NG KAKRISTIYANUHAN SA PRANSYA. ANG AKLAT NG MGA PATAY- NAGLALAMAN ITO NG MGA KULTO NI OSIRIS AT NG MITOLOHIYA AT LEOLOHIYA NG EHIPTO. ANG AKLAT NG MGA ARAW- AKDA ITO NI CONFUCIO NG TSINA. NAGING BATAYAN NG MGA INTSIK SA KANILANG PANANAMPALATAYA.
ISANG LIBO’T ISANG GABI- MULA ITO SA ARABIA AT PERSYA. NAGSASAAD NG MGA UGALING PAMPAMAHALAAN, PANGKABUHAYAN, AT PANLIPUNAN NG MGA ARABO AT PERSYANO. ANG MGA AKDANG TULUYAN
NOBELA- ITO’Y ISANG MAHABANG SALAYSAYING NAHAHATI SA MGA KABANATA. HANGO SA TUNAY NA BUHAY NG TAO ANG MGA PANGYAYARI AT SUMASAKOP SA MAHABANG PANAHON. GINAGALAWAN ITO NG MARAMING TAUHAN. MAIKLING KUWENTO- ITO’Y SALAYSAYING MAY ISA O ILANG TAUHAN, MAY ISANG PANGYAYARI SA KAKINTALAN. DULA- ITO’Y ITINATANGHAL SA IBABAW NG ENTRABLADO O TANGHALAN. NAHAHATI ITO SA ILANG YUGTO, AT S A BAWAT YUGTO AY MARAMING TAGPO. ALAMAT- ITO’Y MGA SALAYSAYING HUBAD SA KATOTOHANAN. TUNGKOL SA PINAGMULAN NG BAGAY ANG KARANIWANG PAKSA RITO. ANG PABULA- MGA SALAYSAYIN DIN ITONG HUBAD SA KATOTOHANAN NGUNIT ANG LAYUNI’Y GISINGIN ANG ISIPAN NG MGA BATA SA MGA PANGYAYARING MAKAHUHUBOG NG KANILANG UGALI AT PAGKILOS. NATUTUNGKOL SA MGA HAYOP ANG KUWENTONG ITO. ANEKDOTA- MGA LIKHANG-ISIP LAMANG NG MGA MANUNULAT ANG MGA MAIKLING SALAYSAYING ITO NA ANG TANGING LAYUNIN AY MAGKAPAGBIGAY- ARAL SA MGA MAMBABASA. MAAARING ITO’Y ISANG KUWENTO NG MGA HAYOP O BATA. SANAYSAY- ITO’Y PAGPAPAHAYAG NG KURU-KURO O IPINYON NG MAY-AKDA TUNGKOL SA ISANG SULIRANIN O PANGYAYARI. ANG
PINAKAMAHUSAY NA HALIMBATA NITO’Y ANG BAHAGI NG EDITORYAL NG ISANG PAHAYAGAN. TALAMBUHAY- ITO’Y TALA NG KASAYSAYAN NG BUHAY NG ISANG TAO. MAAARING ITO’Y PANG-IBA O PANSARILI. BALITA- ITO’Y ISANG PAGLALAHAD NG MGA PANG-ARAW-ARAW NA PANGYAYARI SA LIPUNAN, PAMAHALAAN, MGA INDUSTRIYA AT AGHAM, MGA SAKUNA, AT IBA PANG PAKSANG PAGAGANAP SA BUONG BANSA O MAGING SA IBAYONG DAGAT.
TALUMPATI- ITO’Y ISANG PAGPAPAHAYAG NA BINIBIGKAS SA HARAP NG MGA TAGAPAKINIG. ANG LAYUNIN NITO AY HUMIHIKAYAT, MAGBIGAY NG IMPORMASYON, MANGATWIRAN, MAGPALIWANAG, AT MAGBIGAY NG OPINYON O PANINIWALA. PARABULA- ITO’Y MGA WSALAYSAYING HANGO SA BIBLIYA NA TULAD NG ANEKDOTA. ANG LAYUNIN NITO’Y MAKAPAGBIGAY-ARAL SA MGA MAMBABASA O NAKIKINIG. MGA URI NG TULANG PASALAYSAY
EPIKO- ANG MGA EPIKO AY NAGSASALAYSAY SA MGA KABAYANIHANG HALOS HINDI MAPANIWALAAN PAGKAY NAUUKOL SA MGA
KABABALAGHAN. ITO’Y NAGBUBUNYI SA USANG ALAMAT O KASAYSAYAN NA NAGING MATAGUMPAY LABAN SA MGA PANGANIB AT KAGIPITAN. EPIKO-ANG MGA EPIKO AY NAGSASALAYSAY NG MGA KABAYANIHANG HALOS HINDI MAPANIWALAAN PAGKAT NAUUKOL SA MGA
KABABALAGHAN. ITO’Y NAGBUBUNYI SA ASNG ALAMAT O KASAYSAYAN NA NAGING MATAGUMPAY LABAN SA MGA PANGANIB AT KAGIPITAN. AWIT AT KORIDO- ANG MGA ITO’Y MAY MGA PAKSANG H ANGO SA PANGYAYARING TUNGKOL SA PAGKAMAGINOO AT PAKIKIPAGSAPALARAN,
AT ANG MGA TAUHAN A Y MGA HARI’T REYNA, PRINSIPE’T PRINSESA . ANG DALAWANG ITO’Y NAGKAKAISA SA KAHARIAN. ANG AWIT AY MAY SUKAT NA 12 PANTIG AT INAAWIT NANG MABAGAL SA SARILING GITARA O BANDURYA, SAMANTALANG ANG KURIDO’Y MAY SUKAT NA 8 PANTIG AT BINIBIGKAS SA KUMPAS NG MARTSA. BALAD- ITO AY MAY HIMIG NA AWIT DAHILANG ITO AY INAAWIT HABANG MAY NAGSASAYAW. ITO AY NILIKHA NOONG UNANG PANAHON. SA KASALUKUYAN AY NAPAPASAMA NA ITO SA TULANG KASAYSAYAN NA MAY ANIM HANGGANG WALONG PANTIG. AWITING BAYAN- ANG KARANIWANG PAKSA NG URING ITO AY PAG-IBIG, KAWALANG PAG-ASA O PAMIMIGHATI, PANGAMBA, KALIGAYAHAN, PAG-ASA, AT KALUNGKUTAN. SONETO- ITO’Y TULANG MAY LABING-APAT NA TALUDTOD HINGGIL SA DAMDAMIN AT KAISIPAN, MAY MALINAW NA BATIRAN NG LIKAS NA
PAGKATAO, AT SA KABUUAN, ITO’Y NAGHAHATID NG ARAL SA MAMBABASA. ELEHIYA- NAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN O GUNIGUNI TUNGKOL SA KAMATAYAN O KAYA’Y TULA NG PANANANGIS LALO NA SA PAGGUINITA NG ISANG YUMAO. DALIT- AWIT NA PUMUPURI SA DIYOS O MAHAL NA BIRHEN AT NAGTATAGLAY NG KAUNTING PILOSOPIYA SA BUHAY. PASTORAL- ITO’Y MAY LAYUNING MAGLARAWAN NG TUNAY NA BUHAY SA BUKID. ODA- NAGPAPAHAYAG NG ISANG PAPURI, PANAGHOY, O IBA PANG MASIGLANG DAMDAMIN; WALANG TIYAK NA BILANG NG PANTIG O TIYAK NA BILANG NG TALUDTOD SA ISANG SAKNONG. KOMEDYA- ISANG GAWA NA ANG SANGKAP AY PILING-PILI AT ANG PANGUNAHING TAUHAN AY MAY LAYONG PUKAWIN ANG KAILIHANG MANONOOD. NAGWAWAKAS ITO NANG MASAY. ANG TUNGGALIAN AY KARANIWANG NAGTATAPOS SA PAGKAKASUNDO NG MGA TAUHAN NA SIYANG NAKAPAGPAPASIYA NG DAMDAMIN NG MANONOOD. MELODRAMA- ITO AY KAWANIWANG GINAGAMIT SA LAHAT NG MGA DULANG MUSIKAL, KASAMA NA ANG OPERA. NGUNIT NGAYON ITO AY MAY KAUGNAYAN SA TRAHEDYA TULAD DIN NG PARSA SA KOMEDYA. ANG SANGKAP NG URING ITO NG DULA AY MALUNGKOT NGUNIT NAGIGING KASIYA-SIYA ANG KATAPUSAN PARA SA PANGUNAHING TAUHAN NG DULA. TRAHEDYA- ANGKOP ANG URING ITO NG DULA SA MGA TUNGGALIAN NAGWAWAKAS SA PAGKASAWI O PAGKAWASAK NG PANGUNAHING TAUHAN. PARSA- ISANG URI NG DULA NA ANG LAYUNIN AY MAGPASIYA SA PAMAMAGITAN NG MGA KAWING-KAWING NA MGA PANGYAYARING NAKATATAWA. SAYNETE- ANG PAKSA NG GANITONG URI NG DULA AY MGA KARANIWANG PAG-UUGALI NG TAO O POOK. KARAGATAN- ITOY AY BATAY SA ALAMAT NG SINGSING NG ISANG PRINSESA NA NAIHULOG NIYA SA DAGAT SA HANGARIN NITONG MAPANGASAWA ANG KASINTAHANG MAHIRAP. HINAMON NIYA ANG MGA BINATANG MAY GUSTO SA KANYA NA SISIRIN ANG SINGSING SA DAGAT AT ANG MAKAKUKUHA’Y PAKAKASALAN NIYA. SA LARONG ITO, ISANG KUNWA’Y MATANDA ANG TUTULA HINGGIL SA DAHILAN NG
LARO; PAGKATAPOS AY PAIIKUTIN ANG ISANG LUMBO O TABO NA MAY TANDANG PUTI AT ANG SINUMANG MATAPATAN NG TANDANG ITO PAGHINTO AY ISANG TATANUNGIN NG DALAGA NG MGA TALINGHAGA. DUPLO- ITO ANG HUMALILI SA KARAGATAN. ITO’Y PALIGSAHAN NG HUSAY SA PAGBIGKAS AT PANGANGATWIRAN NA NG PATULA. ANG MGA PANGANGATWIRAN AY HANGO SA BIBLIYA, SA MGA SAWIKAIN, AT MGA KASABIHAN. KARANIWANG NILALARO UPANG ALIWIN ANG MGA NAMATAYAN. BALAGTASAN- ITO ANG PUMALIT SA DUPLO AT ITO’Y SA KA RANGALAN NG SIESNE NG PANGINAY NA SI FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR.
ITO’Y TAGISAN NG TALINO SA PAGBIGKAS NG TULA, BILANG PANGANGATWIRAN SA ISANG PAKSANG PAGTATALUNAN. ALIBATA-NAH IPINAGMAMALAK ING KAUNA-UNAHANG ABAKADANG FILIPINO NA NAHALINHAN NG ALPABETONG ROMANO. DOCTRINA CRISTIANA- ITO ANG KAUNA-UNAHANG AKLAT NA NALIMBAG SA PILIPINAS NOONG 1593,SA PAMAMAGITAN NG SILOGRAPIKO.AKDA ITO NINA PADRE JUAN DE PLACENCIA AT PADRE DOMINGO NIEVA.NASUSULAT ANG AKLAT SA TAGALOG AT KASTILA.NAGLALAMAN ITO NG PATER NOSTER,AVE MARIA,REGINA CAELI,SAMPONG PILIPINAS. ANG PASYON- ITO’Y AKLAT NA NATUTUNGKOL SA BUHAY AT PAGPAPAKASAKIT DE LA LENI HESUKRISTO.ANG MGA ITO AY ANGF VERSION DE PILAPIL VERSION DE BELEN,VERSION DE LA MERCED.AT VERSION DE GUIA. ANG URBANA AT FELISA- ITO’Y AKLAT NA ISINULAT NI MODESTODE CASTRO,ANG TINAGURIANAG “AMA NG KLASIKANG TULUYAN SA
TAGALOG.” ARTE Y REGLAS DE LEGAU TAGALA – SINULAT NI PADRE BLANCAS DE SAN JOSE AT SINALIN SA TAGALOG NI TOMAS PINPIN NOONG 1610 COMPENDIO DE LA LEGUA TAGALA – IANAKDA NI PADRE GASPAR DE SAN AGUSTIN NOONG 1703. VOCABOLARIO DE LEGUA PAMPANGO – UNAG AKLAT PANG WIKA SA KAPAMPANGAN SINULAT NI PADRE DIEGO BERGANO NOONG 1732. VOCABULARIO DE LA LEGUA BISAYA – PINAKA MAHUSAY NA AKLAT PANG WIKA SA BISAYA NA ISINULAT NI NI MATEO SANCHES NOONG 1711. ARTE DE LAGUA BICOLANA – UNANG AKLAT PANG BIKOL NA SINULAT NI PADRE MARCOS LISBOA NOONG 1754. ARTE DE LAGUA ILOKA – KA UNA-UNAHANG BALARILANG ILOKO NA SINULAT NI PRACISCO LOPEZ. MGA KANTAHING BAYAN NAGING MALAGANAP ANG KANTAHING BAYAN SA BUONG PILIPINAS. MAY KANI KANYANG KANTAHING BAYAN ANG MGA HINIRAMSA KAPATAGAN TA MAGING SA BULUBUNDUKIN NG LUZON BISAYAS AT MINDANAO.. ANG MGA KANTAHING BAYAN AY TUNAY NA NAGPAPAHAYAG NG MATULAING DAMDAMIN NG MGA PILIPINO. IPINAKIKILALANG ANG MGA PILIPINO AY LIKAS NA NAGPAPAHALAGA AT MAIBIGIN SA KAGANDAHAN.
MGA DULANG PANLIBANGAN NAPAKARAMI NG MGA DULANG PANLIBANGAN ANG GINAGAMPANAN NG ATING MGA KALAHI NOONG PANAHON NG KASTILA. HALOS LAHAT NG MGA DULANG ITOMAY PATULA. TIBAG – DALA SA ITO NG MGA KASTILANG UPANG IPAKITA AT IPAALALA ANG PAGHAHANAP NI STANELENA SA KINAMATAYANG KRUS NI HESUS SA PAMAMAGITAN NG PAGTITIBAG NG BUNDOK-BUNDOKAN. LAGAYLAY – SA MGA PILANEROS NG SORSOGON,ISANG PAGKAKATAON AT PAG-IIPUN IPUN KUNG BUWAN NG MAYO ANG PAGKAKAROON NG LAGAYLAY.ABRIL PA LAMANG.NAMIMILI NA SI KIKAY,ANG ANAK NG SAKRISTAN MAYOR NG MGA DALAGANG ITO . KUNG MINSAN,IPI NIPRISINTA NA NG MGA MAGULANG ANG KANILANG ANAK KAHIT HINDI PA DALAGA,DAHIL SA ISANG PANATA NA GINAWA DAHIL SA PAGKAKASAKIT O SA ISANG PABOR NA NAIS MAKAMTAN. SINAKULO – PAGTATANGHAL ITO NA NATUTUNGKOL SA BUHAY AT PAGPAPAKASAKIT NG ATING POONG HESUKRISTO.ANG SALITAAN DITO AY
MULA SA ‘’PASYON’
PANUNULUYAN – ISANG PAGTATANGHAL ITO NA ISINASAGAWA BAGO MAG-ALAS DOSE NG GABI NG KAPASKUNAN.NATU TUNGKOL ITO SA PAGHAHANAP NG MATUTULUYAN NG BIRHENG MARIA AT NI JOSEPH UPANG DOON ILUWAL ANG SANGGOL NA SI HESUKRISTO PANUBONG – ISANG MAHABANG TULA NG NAGPAPARANGAL SA ISANG MAY KAARAWAN O KAPISTAHAN NA KUNG TAWAGIN AY PANUBONG AY GINAGANAP BILANG SA ISANG PANAUHIN O MAY KAARAWAN. KARILYO – ITO AY ITINUTURING NA ISANG LARO NG MGA TAU-TAUHANG GINAGAMPANAN NG MGA ANINONG GINAWA MULA SA KARTON,NA PINAPANOOD NA GUMAGALAW SA LIKOD NG ISANG PUTING TABING AT PINAGAGALAW NAMAN NG TAONG DI NAKIKITA NA SYANG NAGSASALITA RIN PARA SA MGA KARTONG GUMAGALAW. MORO –MORO TULAD NG SINAKULO ANG MORO- MORO AY ITINATANGHAL DIN SA ISANG IPINASADYANG ENTABLADO.ITO’Y ITINATANGHAL SA MGA ARAW NG PISTA NANG BAYAN O NG NAYON UPANG MAGDULOT NANG ALIW SA TAO AT LAGING IPAALALA SA MGA ITO ANG KABUTIHAN NANG RELIHIYON KRISTYANO KARAGATAN – ITOY BATAY SA ALAMAT NG SINGSING NG ISANG PRINSESA NA NAIHULOG NYA SA DAGAT SA HANGARING MAPANGASAWA NYA ANG KASINTAHANG MAHIRAP.HINAMON NYA ANG MGA BINATANG MAY GUSTO SA KANYA NA SISIRIN SA DAGAT AT ANG MAKAKUHA AY PAKAKASALAN NYA.