PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS NG MGA KABATAANG PILIPINO
Isang pananaliksik na iniharap kay Gng. Jennette Lozano, Bilang bahagi ng pagtupad sa mga kinakailangan sa pag-aaral ng asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (FILIPINO 102)
Espinar, Dianna Rose P. Gumarao, Emilyn B. Nebab, Gerome O. Perocho, Mary Jane L. Ursal, Kimberly V. Velarde, Jasmine B.
Marso 30, 2012
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences TALAAN NG MGA NILALAMAN PAMAGAT :
ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS NG MGA KABATAANG PILIPINO
PASASALAMAT ………………………………………………………………….
i
PAGHAHANDOG ………………………………………………………………...
ii
KABANATA I Panimula at Sandigan ng Pag-aaral Rasyunal …………………………………………………………….
1-3
Layunin ……………………………………………………………..
3-4
Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………………..
4-5
Saklaw at Delimitasyon …………………………………………....
5
Pagpapakahulugan sa mga Terminong ginamit ……………………
6
Kaugnay na Literatura …………………………………………......
7-9
Metodolohiya ……………………………………………………....
9 - 10
KABANATA II Pagtalakay ng mga Suliranin …………………………………………………….
11 - 20
KABANATA III Pagbubuod, Konklusyon at Rakomendasyon Pagbubuod ………………………………………………………….
21
Konklusyon …………………………………………………………
22 - 23
Rekomendasyon …………………………………………………….
23 - 24
APENDIKS ………………………………………………………………………...
25 - 26
BIBLIOGRAFI ………………………………………………………………........
27
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga tumulong, sumuporta at gumabay sa paggawa ng tesis na ito. Una, sa ating Poong maykapal, sa kanyang pagkanlong at pag-gabay. Sa kanyang pagbibigay ng sapat na katalinuhan at kakayahan, maging sa mga pagpapalang aming natatanggap sa lahat ng oras. Kay Gng. Jennette Lozano, na aming propesora sa asignaturang ito, sa kanyang walang sawang paggabay, pagtuturo at pagbibigay suhistyon upang maging tama at maayos ang pananaliksik na aming isinagawa. Kay Dr. Wendeline Sacramento ang Dekana ng Kagawaran ng Sining at Agham na sumuporta at sumang-ayon sa suliraning ito. Para sa aming mga magulang na walang sawang sumuporta sa pinansyal at pagbibigay pangaral sa amin. Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito, kaya tanggapin po ninyo an gaming taos pusong pasasalamat.
Mga Mananaliksik. Dianne Emzs Rhome Emjhay Khim Jhazs
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
PAGHAHANDOG
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga kapwa mag-aaral upang magbigay ng karagdagang kaalaman at inspirasyon sa kanilang pag-aaral.
_________________________________ Diana Rose P. Espinar
Inihahandog ko ang tesis na ito sa mga kapwa ko kabataan upang maipabatid ang napapanahong paksa kung saan sila ay kasangkot.
________________________________ Emilyn B. Gumarao
Inihahandog ko ang tesis na ito sa Panginoon, sa aking mga magulang at mga kapatid na aking nagging inspirasyon. Inihahandog ko rin ito sa aking mga guro at mga kaibigan sa kanilang walang sawang pag-suporta.
_______________________________ Gerome O. Nebab
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga ka-grupo, kamag-aral, sa aking mga magulang at higit sa lahat sa aking sarili.
______________________________ Mary Jane L. Perocho
Inihahandog ko ang tesis na ito sa ating Poong maykapal, sa aking magulang, sa aking mga guro, mga ka-grupo at kapwa ko kabataan at mga kamag-aaral.
______________________________ Kimberly V. Ursal
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga ka-henerasyon upang higit nilang maunawaan ang salitang “NASYONALISMO” at siyempre handog ko rin ito sa ating Inang Bayan.
______________________________ Jasmine B. Velarde
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA 1 Panimula at Sandigan ng Pag-aaral 1.1 Rasyunal Ang bansang Pilipinas ay maituturing na mayamang bansa kung ang pagbabatayan ay ang mga likas-yamang taglay nito. Kung susumahin ang maaaring nakapaloob na yaman sa pitong libo, isang daan at pitong (7,107) pulo kasama ang malalawak na anyong tubig nito ay mapatutunayang hindi aba ang bansa. Kung titignan rin ang kultura ng Pilipinas ay sadyang mayaman at makulay ito. Ang mga bagay na ito marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes ang mga dayuhan na ipaisailalim ang bansa sa kanilang kapangyarihan. Maraming lahi ng dayuhan ang kabilang sa listahan ng mananakop ng bansa, kabilang dito ang Estados Unidos, Espanya at Hapon. Ang panahon ng pagkasailalim ng bansa sa kamay ng mga dayuhan noong mga nagdaang siglo ay maituturing na kolonyal, o ang pananakop sa aspeto ng paraan ng pamumuno at pagpapaunlad ng sinasakop na bansa. Sa kasalukuyan, bagama’t itinuturing ng malaya ang bansa ay mayroon pa ring pananakop ang dito ay nagaganap. Ito ay hindi tuwirang pananakop na tinatawag na neo-kolonyalismo. Sa pag-aaral ng agham-pampulitika, ang neo-kolonyalismo ay patungkol sa pananatili ng kontrol ng isang dating kolonyalista. Ito ay sa pamamagitan ng mas malumanay at patagong (subtle) pamamaraan at pagmamanipula sa isang bansa. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita mula sa negosyo. Pinalalakas pa nito ang imperyalismo sa usaping pang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at militar na paninindigan ng isang bansa. Ang mga bansang Estados Unidos at Hapon ay larawan ng neo-kolonyalismo sa mga bansa sa Asya lalo na sa larangan ng ekonomiya at kultura.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences Napakalaki ng epekto ng impluwensiya ng mga dayuhang mananakop sa bansang gaya ng Pilipinas. Ayon sa ilang mga mananaliksik ay mas nabibigyang pansin ang pag-aaral ng mga bagay mula sa mga dayuhan. Binigyang diin ito sa pag-aaral ni Boras-Vega (2010), Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga Pag-aaral Kaugnay Nito, kung saan sinasabing ng dahil sa globalisasyon ay tumataas ang bilang ng mga bansang nagpapahalaga sa kanilang wika at pagkakakilanlan. Subalit ng dahil sa iba’t ibang patakaran at tuntunin sa ating bansa ay mas napapahalagahan ang dayuhang wika, ang Ingles, at kaunting pagpansin naman ang naibibigay sa wikang Filipino. Makikita na sa wika pa lamang ay may malaking epekto na sa pagkakalianlan ng isang bansa, ano pa kaya kung pati sa pagpili ng mga produkto ay nabahiran na rin ng maka-dayuhang kaisipan? Ang kapitalismo ng iba’t ibang produktong dayuhan ay naging laganap lalo pa’t nakasalalay ang ekonomiya ng bansa sa tulong mula sa mga bansang nagtataglay ng sapat na pinagkukunan. Maging ang kultura ng mga dayuhan ay madaling naipasok sa industriya ng bansa. At mabilis itong naka-apekto sa mind setting ng mga Pilipino. Kapansin-pansing sa paglipas ng mga taon mula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama’t masasabing malaya na ang Pilipinas, ay lukob pa rin ito ng impluwensiya ng Estados Unidos at Hapon. Napapangibabawan ng mga impluwensiya ng kanilang bansa ang mga bagay na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas. Mas nabigyang pansin ang mga palabas na gawang dayuhan. Ang mga babasahing gaya ng komiks at mga manga ay mas tinangkilik. Ang mga awitin mula sa ibang bansa ay mas pinaboran. Maging sa mga ini-idolong artista ay pumatok ang mga dayuhan. Ayon nga sa libro nina M. N. Francisco and F.M.C. Arriola (1987), “The History of the Burgis”, nang dahil sa mga impluwensiya ng mga Amerikano ay nagkaroon ng pagbabago sa pamamaraan ng pagkonsumo ng mga Pilipino, lumaganap ang kolnyal na mentalidad.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences Dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan sa bansa gaya ng Estados Unidos, Hapon at Korea ay nagkakroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga kabataang Pilipino. Nagbabago ang kanilang mga gawi at mga ikinikilos. Kapansin-pansin ang mga pagbabagong naganap sa mga kabataan ngayon. Una, kakikitaan ang mga kabataan sa kasalukuyan ng pagkahilig sa mga bagay na „instant‟ gaya ng pagkain at marami pang iba. Bukod pa rito ay ang nag-iba na rin ang panlasa ng mga kabataan pagdating sa pagpili ng mga tatangkiliking pelikula, babasahin at mga awitin. Isa pa ay ang pagkahilig nila sa mga „computer games‟ at mga „social networking sites‟, na pansin na pansin kapag bumisita ka sa mga computer shop. At ito ay maituturing na dahilan kung bakit tila napababayaan na ang mga larong likhang Pilipino. Maging ang istilo ng pag-aayos at pananamit ng mga kabataan ay nagbago na, kakikitaan sila ng pakikiuso o pagsabay sa kung ano ang nasa „trend‟. Dahil dito ay nakabuo ang mga mananaliksik na magsasagawa ng isang mahusay at maayos na pananaliksik na may paksang “Ang Epekto ng Neo-kolonyalsmo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino”. 1.2 Layunin Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang epekto ng neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino. Naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondent? 1.1 Edad 1.2 Kasarian 2. Anu-ano ang mga epekto ng panggagaya ng mga kabataang Pilipino sa kanilang; 2.1 Pananamit 2.2 Wika 2.3 Mga salitang ginagamit 2.4 Tinatangkilik na mga produkto
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3. Paano nakakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino? 3.1 Paggamit ng produkto 3.2 Pagtangkilik ng mga artista at mga mang-aawit 3.3 Pagtangkilik sa mga awit, sayaw at pelikula 3.4 Paraan ng paglilibang 3.5 Paraan ng pagbati 1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng neokolonyalismo sa mga kabataang Pilipino ay mahalaga sa mga: Mag-aaral Upang kanilang matukoy at mapagtanto ang mga kaakibat na kilos, gawi, personalidad at pagiisip na kanilang nakukuha sa mga impluwensyang dayuhan. Isa pang kadahilanan ay upang kanila ring malaman ang epekto ng neokolonyalismo sa kultura at pagkakakilanlan ng bansa. Ito rin ay upang ipabatid ang katuturan ng pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Administrasyon Upang kanilang mabatid ang suliraning dulot ng impluwensya ng mga dayuhan sa bansa. Makatutulong rin ito upang kanilang magawan ng karampatang aksyon at pagsu-sulosyon ang suliraning naidulot ng neokolonyalismo. Ito rin ay upang kanilang bigyang pansin ang pagpapahalaga sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa mga kabataang naakupan nito.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences Mga susunod na mananaliksik Upang sa kanila’y maipabatid na mayroong suliranin na kailangang gawan ng naaayong pag-kilos. Maaari rin silang mabigyan ng ideya kung ano pa ang mga posibleng pag-aaral na isagawa na mayroong kaugnayan sa paksa. Ito rin ay upang mapalawak ang posibilidad na makagawa sila ng kaukulang mga pananaliksik na makatutulong pa sa mga susunod sa kanila. 1.4 Saklaw at Delimitasyon Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Epekto ng Neokolanyalismo sa sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino”. Sa pag-aaral na ito ay tutukuyin ang dulot ng impluwensyang dayuhan sa mga bansang nasasakop nito. Iisa-isahin ang mga panggagaya ng mga kabataan sa impluwensyang dayuhan sa iba’t-ibang aspeto gaya ng; pananamit, kilos at gawi, istilo ng pag-aayos, mga tinatangkilik na bagay at iba pang bagay na may kaugnayan dito. Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya. Maaaring sila ay nasa edad labinganim (16) hanggang labingsiyam (19). Kung saan sa ganitong gulang ay mas higit silang apektado sa pangiimpluwensya ng mga dayuhan. Sila ay mas madalas kakitaan ng panggagaya. Sila rin ang mas madaling ma-engganyo
sa
mga
bagay
na
nauuso
at
pinasisikat
ng
mga
dayuhang
bansa.
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng apatnapung (40) respondente mula sa nabanngit na mga deskripsyon ng mga taong pokus ng pag-aaral. Ang mga respondente ay kakatawan sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kursong Sikolohiya.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 1.5 Pagpapakahulugan sa mga Terminong ginamit Aba – mahirap, pulubi, hikahos. Epekto – sanhi at bunga ng isang pangyayari sa buhay ng isang tao. Globalisasyon – ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Ideolohiya – mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos. Impeyalismo – isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Kapitalismo – isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagbukas ng komunikasyon. Kultura – kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. Manga – mga cartoons at komiks mula sa bansang Hapon. Mind Setting – paniniwala at pagtanggap sa mga bagong pag-uugali, mga pagpipilian at mga kasangkapan dahil sa mga pinanghahawakang palagay, paraan at notasyon ng isang indibidwal. Neo-kolonyalismo – di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 1.6 Kaugnay na Literatura 1.6.1 Literaturang Pangbanyaga Maging sa ibang bansa ay nagging malaking usapin ang paksa tungkol sa neokolonyalismo. Ayon sa ilang mga historyador, na kinabibilangan nila Noam Chomsky at Jean-Paul Saarte, ang neo-kolonyalismo ay paraan ng ilang mga mangongolonya upang mapalago ang kanilang negosyo at ito ay sa paraan ng pagpapalaganap ng kanilang kultura, wika at media sa bansang tinutumbok nito. Kumbaga, ito ang kabuuang resulta ng ekonomikong interes ng mga dayuhan na nagdudulot ng pagkasira ng sariling kultura ng bansang sakop. "As long as imperialism exists it will, by definition, exert its domination over other countries. Today that domination is called neocolonialism." — Che Guevara, Marxist revolutionary, 1965
Ang paksa ng neo-kolonyalismo ay masusing tinalakay at inilahad sa mga akdang “The Motorcycle Diaries”, kung saan ito ay naisapelikula noong taong 2004, at “A Small Place” ni Jamaica Kincaid (1988). Isiniwalat sa akdang “The Motorcycle Diaries” ang talambuhay ng Marxist na si Ernesto “Che“ Guevarra na nagnais na lakbayin ang Timog Amerika gamit ang isang motorsiklo. Ang paglalakbay na iyon ay nagdulot ng pagbabago sa kanyang pananaw sa pakikitungo sa mga mahihirap sa kabila ng pagiging kabilang niya sa medyo naka-aangat na klase. Sa “A Small Place” naman ay inilahad ng may akda ang kanyang pananaw patungkol sa kanyang kinalakihang lugar, ang Antigua at naglalaman rin ang akda ng mga katanungang may kaugnayan sa kung papaanong maaaring maka-apekto sa pananaw ng isang tao ang paglipat sa isang lugar at kung papaanong na-iimpluwensyahan ng mga dayuhan ang mga lokal sa isang lugar.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 1.6.2 Panglokal na Literatura Ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino ay tinalakay sa “The History of the Burgis” nina Maril N. Francisco at Fe Maria Arriola (GCF Books, 1987). Mayroong porsyon sa aklat kung saan inilahad ang ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad gaya ng mg sumusunod:
Ang pagkakaroon ng mga plastik na mansanas, ubas at peras sa mga hapag tuwing piging.
Pagpapa-retoke o pagpapa-ayos ng ilang parte ng katawan gaya ng ilong at puwet.
Imitasyon ng mga bagay na imported gaya ng mga bag at mga damit.
Pagbibigay paalala sa mga kasambahay na kausapin ang mga bata gamit ang wikang Ingles.
1.6.3 Kaugnay na Pananaliksik Sa pag-aaral na “Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend na Nakakapagpabagsak ng Ekonomiya ng Bansa” nina Kimberly Ofrecio, Anna Michaela Idio, Ralph Reizon Santisteban, Ruey Daylenn Inoc, Kayemar Lopez, Larra Monica Ventura ng Unibersidad ng Santo Tomas ay inilahad na ang mga Pilipino ay likas na mabilis maimpluwensyahan at mahilig makisunod sa uso kaya ang pagdating ng Korean Trend sa Pilipinas ay mabilis tinangkilik ng mga Pilipino. Ang bansang Korea, bagamat maliit lamang na bansa ay hindi naman nagpapahuli pagdating sa galing nila sa pagbuo ng bagong kagamitan mapasa anumang larangan ito. Marami ng mga establishamento sa Pilipinas na nagpapakilala sa Kultura ng Korea gaya ng mga Korean restaurant na pumatok sa panlasa ng karamihan sa mga Pilipino. Pati ang pananamit ng mga Koreano ay
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences naibigan din ng ibang Pilipino at pilit nila itong ginagaya kaya dumadami na din ang mga Korean Surplus sa bansa na nagtitinda ng mga produkto ng Korea sa murang halaga. Ang Korean hairstyle ay dinala na din ng mga Koreano sa Pilipinas kaya may mga pagupitan na purong hairstyle lamang ng mga Koreano ang gupit na pumatok naman lalo na sa mga kabataan. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa kaya marami itong mga resort, ngunit hindi nagpatalo ang Korea. Nagtayo din sila ng resort sa Pilipinas na halintulad sa mga resort sa Korea na tinangkilik din ng mga Pilipino. Napatunayan ng pananaliksik na ito na sa labis na pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend kaysa sa sarili nilang produkto ay napataas nito ang ekonomiya ng Pilipinas.Ngunit, dahil sa sobrang pagtangkilik ng mga Pilipino sa “Korean trend” unti-unti din nitong sinisira ang industriya ng Pilipinas. 1.7 Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibo at analitikong pamamaraan ng pananaliksik. Ang deskriptibong pamamaraan ay tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugan sa mga nakalap na datos sa estadistikong paraan. Tumutukoy naman ang analitikong pamamaraan sa masusing pagbuo at pag-iisip ng mga bagay na angkop para sa binubuong tesis, maaaring kumalap ang mga mananaliksik ng impormasyon gamit ang mga aklat at website bilang suporta sa kanilang mga ideya. Ang mga pamamaraan na ito ang gagamitin ng mga mananaliksik upang maging batayan sa pagpili ng mga respondent upang malaman at maintindihan kung may epekto ang neo-kolonyalismo sa mga gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino. Ang napiling anyo ng pananaliksik ay masusing pinag-aralan ng mga mananaliksik. Sa deskriptibong metodo nakapaloob ang kasalukuyang nangyayari, ang mga instrumentong gagamitin, at mga paraan ng pagpapanayam at pagtatanong sa taong binibigyan ng talaan
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences ng mga mananaliksik. Sa paraan ding ito naaangkop ang suliraning pinili ng mga mananaliksik kaya madaling magamit at maipaliwanag ng maayos. Ang gagamitin ng mga mananaliksik ay ang pagpapasagot sa mga tagatugon sa isang palatanungan. Ang pasasagutan ay naglalaman ng sampung (10) katanungan at kasama na rin dito ang kanilang personal na pagkakakilanlan na kinapapalooban ng mga sumusunod: Edad Kasarian Tirahan Ang mga nasabing pagkakakilanlan ay magiging patnubay at pagpapatotoo sa ginawang pananaliksik. Ang mga datos na makukuha sa pangangalap ng datos ay ikaklasipika, itatali at aanalisahin upang malaman ang kapasidad ng impormasyon. Sa apatnapung (40) kwestyoneyr na ipinamahagi sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya, lahat ay nakabalik. Ang kwestyoneyr ay nag-pokus sa mga epekto ng neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA II Pagtalakay ng mga Suliranin Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng resulta ng mga nakalap na impormasyon sa “Ang Epekto ng Neo-kolonyalismo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino”. Sa mga sumusunod na pahina ay nakapaloob ang mga tala ng resulta ng kasagutan ng mga respondente. Ang unang talahanayan ay tungkol sa pansariling pagkakakilanlan ng mga taga-tugon. At ang mga sumusunod pang talahanayan ay kinapapa-looba na ng mga sagot ng mga taga-tugon sa mga katanungang hinahain ng mga mananaliksik, kalakip nito ang porsyento ng mga kasagutan. Sa ilalim ng talahanayan ilalahad ang interpretasyon ng mga kasagutan batay sa nakalap ng mananaliksik. 1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondent? 1) Ayon sa Edad Edad 16 17 18 19 KABUUAN
Bilang 15 14 8 3 40
Porsyento 37.5% 35% 20% 7.5% 100%
TALAHANAYAN 1 Edad ng Respondente
GRAPH 1 Edad ng Respondente
EDAD
19
7.50%
18
20%
17
35%
16
37.50%
0.00%
10.00%
20.00% Bilang
Porsyento
30.00%
40.00%
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences Ang talahanayang ito ay nagpapakita sa edad ng mga taga-tugon. Makikita na ang may pinakamataas na bilang na taga-tugon ay edad na 16 na may kabuuang bilang na labinglima (15) o tatlumpu’t pito at limang bahagdan (37.5%). Ang pangalawa ay edad na 17 na may labing apat na tagatugon o tatlumpu’t limang bahagdan (35%). Sinusundan ito ng taga-tugon na may edad na 18, kung saan ang bilang ay walo (8) o dalawampong bahagdan (20%). Ang pinaka-kaunti ay edad 19 na may bilang na tatlo (3) o bahagdang pito at lima (7.5%). Sa kabuuan ay may apatnapung (40) taga-tugon. 2) Ayon sa Kasarian KASARIAN Babae Lalaki KABUUAN
Bilang 25 15 40
Porsyento 62.5% 37.5% 100%
TALAHANAYAN 2 Kasarian ng mga Respondente
GRAPH 2 Kasarian ng mga Respondente Babae
Lalaki
38%
63%
Makikita sa talahanayang ito na mas marami ang taga-tugon na babae sa bilang na dalawampu’t lima o bahagdang animnapu’t dalawa at lima (62.5%). Samantalang ang mga lalaking taga-tugon ay binubuo ng bilang na labinglima (15) o tatlumpu’t pito at limang bahagdan (37.5%). At ito ang bumubuo sa apatnapung respondent o isang-daang bahagdan (100%).
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 2. Ano-ano ang mga epekto ng panggagaya ng mga kabataang Pilipino sa kanilang; 2.1 Pananamit Katanungan 3) Ang iyo bang pananamit ay batay sa mga
SAGOT OO
BILANG PORSYENTO 5 12.5%
HINDI
16
40%
MINSAN
19
47.5%
nakikita mong kasuotan sa mga banyagang artista?
TALAHANAYAN 3 Epekto sa Pananamit
GRAPH 3 Epekto ng Pananamit
MINSAN
47.5 40
HINDI 12.5
OO 0
10
20
30
40
50
Sa talahanayang ito ay pinapakita na sa apatnapung respondent ay labingsiyam (19) o apatnapu’t pito at limang (47.5%) bahagdan ang minsang naapektuhan ng ng impluwensya ng mga dayuhan pagdating sa pananamit. Labinganim (16) naman o apatnapung porsyento (40%) ang nagsasabing hindi sila naapektuhan. Samantalang lima (5) o labingdalawa at limang bahagdan (12.5%) ang tuwirang nagsabi na sila ay apektado ng impluwensyang dayuhan pagdating sa kanilang pananamit. 2.2 Wika Katanungan 5) Mas gusto mo ba ang wikang Ingles kaysa Filipino? 10) Mas may interes ka ba sa mga babasahing banyaga kaysa sa mga panulat ng mga Pilipino?
SAGOT OO HINDI
BILANG 2 20
PORSYENTO 5% 50%
MINSAN
18
45%
OO
3
7.5%
HINDI
18
45%
MINSAN
19
47.5%
TALAHANAYAN 4 Epekto sa Wika
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences GRAPH 4 Epekto sa Wika 60 50 40 30 20 10 0
50 45
47.5 45 Tanong 5 Tanong 10
7.5 5 OO
HINDI
MINSAN
Sa talahanayang ito ay makikita na mas mataas ang bilang ng nagsasabing mas gusto pa rin nila ang wikang atin. Sa unang tanong ay dalawampu (20) ang nagsabing hindi, may katumbas itong limampung (50) bahagdan. Labingwalo (18) o apatnapu’t limang (45) bahagdan ang nagsabing minsan. At dalawa (2) o limang (5%) porsyento ang nagsabing oo. Sa ikalawang katanungan ay labingsiyam (19) o apatnapu’t pito at limang (47.5%) bahagdan ang nagsabing paminsan ay nahihilig sila sa babasahing Ingles. Labingwalo (18) o apatnapu’t limang (45%) bahagdan ang nagsabing hindi. At tatlo (3) lamang ang sumagot ng oo, ito ay may katumbas na pito at limang (7.5%) bahagdan. 2.3 Salitang ginagamit sa paggalang Katanungan 7) Ayoko nang gumamit ng po at opo sa pagsasalita.
SAGOT OO HINDI
BILANG 1 34
PORSYENTO 2.5% 85%
MINSAN
5
12.5%
TALAHANAYAN 5 Paggamit ng Po at Opo
GRAPH 5 Paggamit ng Po at Opo
MINSAN
12.5
HINDI
85 2.5
OO 0
20
40
60
80
100
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences Ipinakikita ng talahanayang ito na marami pa rin ang gumagamit ng po at opo na bahagi ng ating wika at tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Sa bilang na tatlumpo’t apat (34) na nagsabing hindi ay bumuo ito ng walumpo’t limang (85%) bahagdan. Lima (5) ang nagsasabing minsan ay ayaw nilang gamitin ang po at opo, ito ay may labingdalawa at limang (12.5%) bahagdan. Isa (1) lamang ang nagsabing ayaw niya ng gamiitin ang mga ito, dalawa at limang (2.5%) bahagdan ang sakop nito. 2.4 Tinatangkilik na mga produkto Katanungan 8) Mas gusto ko ang mga instant food at pagkaing banyaga kaysa sa mga lutong pinoy.
SAGOT OO HINDI
BILANG 2 25
PORSYENTO 5% 62.5%
MINSAN
13
32.5%
TALAHANAYAN 6 Paggamit ng Produkto
GRAPH 6 Paggamit ng Produkto
MINSAN
32.5
HINDI OO
62.5 5
0
20
40
60
80
Ayon sa ipinapakita ng talahanayang ito, mas marami pa rin ang mga kabataan na nagsasabi na mas gusto pa rin nila ang lutong Pinoy sa pagsagot nila ng hindi sa katanungan, binubuo sila ng animnapu’t dalawa at limang (62.5%) bahagdan o bilang na dalawampu (25). Labingtatlo (13) ang nagsabi na minsan, katumbas nito ay tatlumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan. Dalawa (2) lamang o limang (5%) porsyento ang mas gusto ang instant food.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3. Paano nakaka-apekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino? 3.1 Paggamit ng produkto Katanungan 8) Mas gusto ko ang mga instant food at pagkaing banyaga kaysa sa mga lutong pinoy. 3) Ang iyo bang pananamit ay batay sa mga nakikita mong kasuotan sa mga banyagang artista?
SAGOT OO HINDI
BILANG 2 25
PORSYENTO 5% 62.5%
MINSAN
13
32.5%
OO
5
12.5%
HINDI
16
40%
MINSAN
19
47.5%
TALAHANAYAN 7 Epekto sa Paggamit ng mga Produkto
GRAPH 7 Epekto ng Paggamit ng Produkto 80 60
62.5
40
40
20
47.5 32.5
12.5 5
0 OO
HINDI
Tanong 8 Tanong 3
MINSAN
Sa talahanayang ito, mas marami ang mga kabataan na nagsasabi na mas gusto pa nila ang lutong Pinoy sa pagsagot nila ng hindi sa katanungan, binubuo sila ng animnapu’t dalawa at limang (62.5%) bahagdan o bilang na dalawampu (25). Labingtatlo (13) ang nagsabi na minsan, katumbas nito ay tatlumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan. Dalawa (2) lamang o limang (5%) porsyento ang mas gusto ang instant food. Ito ay bilang tugon sa unang katanungan.Ang resulta sa ikalawang katanungan ay nagpapakita na sa apatnapung respondent ay labingsiyam (19) o apatnapu’t pito at limang (47.5%) bahagdan ang minsang naapektuhan ng ng impluwensya ng mga dayuhan pagdating sa pananamit. Labinganim (16) naman o apatnapung porsyento (40%) ang nagsasabing hindi sila naapektuhan. Samantalang lima (5) o labingdalawa at limang bahagdan (12.5%) ang tuwirang nagsabi na sila ay apektado ng impluwensyang dayuhan pagdating sa kanilang pananamit.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3.2 Pagtangkilik ng mga artista at mga mang-aawit Katanungan SAGOT 4) Mas iniidolo mo ba ang mga kilalang banyaga OO sa larangan ng musika at pag-arte kaysa sa mga Pilipinong artista?
BILANG 5
PORSYENTO 12.5%
HINDI
15
37.5%
MINSAN
20
50%
TALAHANAYAN 8 Epekto sa Pagtangkilik sa mga Artista
GRAPH 8 Epekto sa Pagtangkilik ng mga Artista
MINSAN
50
HINDI
37.5
OO 12.5
0
20
40
60
Ang talahanayang ito ay nagpapahayag ng minsang mas pagtangkilik ng mga kabataan sa mga banyagang mga personalidad. Sila ay binubuo ng dalawampu (20) o limampung (50%) bahagdan. Labinglima (15) o tatlumpu’t pito at limang (37.5%) bahagdan ang nagsabing mas iniidolo nila ang mga lokal na artista. Lima (5) naman ang nagsabi ng oo, mayroon itong labing dalawa at limang (5%) bahagdan.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3.3 Pagtangkilik sa mga awit, sayaw at pelikula Katanungan 1) Mas nahuhumaling ka ba sa mga panuoring
SAGOT OO
BILANG 13
PORSYENTO 32.5%
HINDI
5
12.5%
MINSAN
22
55%
2) Mas marami ba ang alam mong kantang
OO
13
32.5%
banyaga kaysa sa mga orihinal na pinoy na
HINDI
16
40%
MINSAN
11
27.5%
banyaga kaysa sa mga palabas na sariling atin?
musika?
TALAHANAYAN 9 Epekto sa Awit, Sayaw at Pelikula
GRAPH 9 Epekto sa Awit, Sayaw at Pelikula 60
55
40
32.5
20
40 27.5
Tanong 1 Tanong 2
12.5
0 OO
HINDI
MINSAN
Ang talahanayan ay nagsasaad ng kung alin ang mas tinatangkilik ng mga kabataan pagdating sa mga awitin, sayaw at pelikula. Sa unang katanungan ay natukoy na mas marami sa mga kabataan ang paminsang nahihilig sa pelikulang banyaga. Sa dalawampu’t dalawa (22) nilang bilang ay mayroon itong limampu’t limang (55%) bahagdan. Labing tatlo (13) ang sumagot ng oo, talumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan ang sakop nito. Lima (5) o labingdalawa at limang bahgdan ang nagsabing hindi. Ang ikalawang katanungan ay tumutukoy sa mas hilig ng mga kabataan pagdating sa awitin. Labinganim (16) ang nagsabing mas marami pa rin silang alam na OPM songs sa pagsagot ng hindi, apatnapung (40%) bahagdan ang katumbas nito. Labingtatlo (13) naman ang sumagot ng oo, talumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan ito. Labingisa (11) o dalawampu’t pio at limang (27.5%) bahagdan ang sumagot ng minsan.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3.4 Paraan ng paglilibang Katanungan 9) Mas gusto ko ang mga larong banyaga mula sa
SAGOT OO
BILANG 9
PORSYENTO 22.5%
computer games kaysa sa mga larong pinoy.
HINDI
8
20%
MINSAN
23
57.5%
TALAHANAYAN 10 Epekto sa Libangan
GRAPH 10 Epekto sa Libangan
MINSAN HINDI OO
57.5 20 22.5
0
20
40
60
80
Tinutukoy sa talahanayang ito na mas marami ang bilang ng minsang naglilibang sa paglalaro ng computer games. Dalawampu’t tatlo (23) o Limampu’t pito at limang (57.5%) bahagdan ang sakop nila. Siyam (9) o dalawampu’t dalawa at limang (22.5%) bahagdan ang nagsabing oo. At walo (8) o dalawampung (20%) ang sumagot ng hindi.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3.5 Paraan ng pagbati Katanungan 6) Mas gusto ko ang humalik kaysa magmano.
SAGOT BILANG 8 OO 19 HINDI 13 MINSAN
PORSYENTO 20% 47.5% 32.5%
TALAHANAYAN 11 Epekto sa Paraan ng Pagbati
GRAPH 11 Epekto sa Paraan ng Pagbati
MINSAN
32.5
HINDI
47.5
OO
20
0
10
20
30
40
50
Marami pa rin ang bilang ng sumusunod sa nakasanayang pagmamano. Sa bilang na labingsiyam (19) o apatnapu’t pito at limang (47.5%) bahagdan na sumagot ng hindi ay mapatutunayan ito. Sinusundan ang bilang na ito ng mga sumagot ng minsan, sa bilang na labingtatlo (13) o may katumbas na tatlumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan. Walo (8) lamang ang nagsabing oo, mas gusto ng dalawampung (20%) porsyento ng taga-tugon ang humalik.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA III Pagbubuod, Konklusyon at Rekomendasyon 3.1 Buod Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang “ Epekto ng Neokolonyalismo sa Gawi at Kilos nga mga Kabataang Pilipino”. Layunin ng pag aaral na malaman ang epekto ng Neokolonyalismo sa; Pananamit, Wika, Mga salitang ginagamit, Tinatangkilik na mga produkto at kung paano nakakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino.
Ang mga pananaliksik ay naglalahad ng mga maaaring paraan sa pagpapalaganap ng nasyonalismo sa mga kabataang Pilipino. Dapat ay mas tangkilikin ang mga bagay na sariling atin o gawang Pilipino upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng bansa.Kailangan ay isa-puso at isa-diwa ang pagkakaroon ng paggalang at pagmamamahal sa sariling bansa.
Ang suliraning pinag-aaralan ay kinuha sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya. Sila ay nasa edad labinganim (16) hanggang labingsiyam (19) na kinuha ng mga mananaliksik upang malaman kung paano nakakaapekto sa mga kabataang Pilipino ang impluwensyang dayuhan. Ginamit sa pagaaral ang pamaraang diskriptib – analiktik.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 3.2 Konklusyon Ayon sa mga pinagbasihang datos na nakalap, naanalisa at nabigyang interpretasyon ay natatamo sa mga sumusunod na paliwanag ay porsyento ng kabuuang taga-tugon ay isang daang porsyento (100%) na may bilang na apatnapu (40). Ang personal na pagkakakilanlan ay nahahati sa dalawa. Una ay ang edad, ang mga taga-tugon na edad labinganim(16) ay 37.5%. Ang mga nasa edad labingpito (17) ay 35%, 20% ang edad labingwalo (18) at ang mga nasa edad labingsiyam (19) naman ay may 7.5% na 100% sa kabuuan. Ikalawa ay ang kasariaan ng mga taga-tugon. Ang mga babaeng taga-tugon ay binubuo ng 62.5%. Samantalang ang mga lalaki naman ay 37.5% at 100% sa kabuuan. Naapektuhan ang mga kabataang Pilipino sa iba’t- ibang aspeto ng dahil sa impluwensya ng mga dayuhan, 47.5% ang nagsabing minsang naapektuhan ang kanilang pananamit dahil dito. Malaking porsyento naman ang nagsasabing mas pinahahalagahan pa rin nila ang wikang Filipino, sila ay binubuo ng 50% at 47.5% naman ang nagsasabing minsan ay mas nahuhumaling silang basahin ang mga akda ng dayuhan. At pinatunayan ng 85% na taga-tugon ang pagkakaroon pa rin ng paggalang ng mga kabataang Pilipino sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng wikang kanilang ginagamit. 62.5% ang nagsasabing mas gusto nila ang lutong Pinoy kaysa sa mga instant. Ang ikatlong basehan ay kung papaanong nakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga taga-tugon. Malaking porsyento ang nagsasabing hindi naapektohan ang pagpili nila ng mga produktong gagamitn, marami ang nagsasabing mas gusto nila ang sariling atin. Minsan namang naapektuhan ang isipan ng mga respondent pagdating sa mga tatangkiliking personalidad. Hati naman ang kanilang pananaw pagdating sa mga tatangkiliking awitin at mga pelikulang panuorin. Malaki rin ang posibilidad na hindi mabigyang pansin ang mga larong Pinoy dahil sa mga computer games. Subalit
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences talagang hindi maaalis sa mga kabataang Pilipino ang paggalang sa mga nakatatanda, malaking porsyento ang nagsabi na mas gusto pa rin nila ang magmano kesa sa impluwensyang dayuhan na paghalik o pagbeso. 3.3 Rekomendasyon 1. Maaring magsagawa ng iba pang pag-aaral kaugnay ng ginawang pananaliksik. 2. Maaring bigyan daan ang pananaliksik tungkol sa industriya ng kulturang kolonyalismo. 3. Ang susunod na mananaliksik ay maaring palawakin pa ang isinagawang pag-aaral sa antas naman ng elementarya o sekundarya. 4. Karagdagang pananaliksik kung papaanong mas nahihilig ang mga kabataan sa mga impluwensyang dayuhan. 5. Nararapat na hikayatin ng mga guro at administrador ang mga mag aaral na matutong tumangkilik ng sariling atin. 6. Kinakailangang bigyang prayoridad ang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino kaysa sa mga gawang dayuhan. 7. Magkaroon ng isang malawakang seminar tungkol sa pagmamahal sa bayan. 8. Hanggat maaari ay nararapat na iwasan ang pagpapalaganap ng mga impluwensya ng mga dayuhan lalong-lalo na sa mga kabataan. 9. Ipakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagtangkilik natin sa ating sariling produkto.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences 10. Magkaroon ng mga programa na tutulong sa mga kabataan upang makilala pa ang mga bagay na sumi-simbolo sa ating pagkakakilanlan. 11. I-mulat ang mga kabataan sa kulturang pansarili ng bansa. 12. Mga kaukulang aksyon upang maiwasan ang unti-unting paglaho ng mga kinagisnan n gating mga ninuno.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences APENDIKS
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences Talatanungan para sa Mga Mag-aaral Epekto ng Neo-Kolonyalismo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino Pangalan (Opsyonal): _____________________________ Kasarian: _______________ Tirahan: ________________________________________ Edad: ___________________ PANUTO: Tsekan ang kahon na tumutugon sa iyong kasagutan para sa mga katanungan. OO 1) Mas nahuhumaling ka ba sa mga panuoring banyaga kaysa sa mga palabas na sariling atin? 2) Mas marami ba ang alam mong kantang banyaga kaysa sa mga orihinal na pinoy na musika? 3) Ang iyo bang pananamit ay batay sa mga nakikita mong kasuotan sa mga banyagang artista? 4) Mas iniidolo mo ba ang mga kilalang banyaga sa larangan ng musika at pag-arte kaysa sa mga Pilipinong artista? 5) Mas gusto mo ba ang wikang Ingles kaysa Filipino?
6) Mas gusto ko ang humalik kaysa magmano.
7) Ayoko nang gumamit ng po at opo sa pagsasalita.
8) Mas gusto ko ang mga instant food at pagkaing banyaga kaysa sa mga lutong pinoy. 9) Mas gusto ko ang mga larong banyaga mula sa computer games kaysa sa mga larong pinoy. 10) Mas may interes ka ba sa mga babasahing banyaga kaysa sa mga panulat ng mga Pilipino?
HINDI
MINSAN
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences BIBLIOGRAFI Francisco, Mariel N., and Fe Maria C Arriola. The History of the Burgis. Quezon City [Philippines] : GCF Books, ©1987. Guevara, Ernesto, and Anne Wright. The Motorcycle Diaries: A Journey Around South America. Melbourne ; New York : Ocean Press ; [Havana, Cuba] : Centro de Estudios Che Guevara, ©2003. (http://en.wikipedia.org/wiki/The_Motorcycle_Diaries_(film)) Kincaid, Jamaica. A Small Place. New York : Farrar, Straus and Giroux, 2000. (http://en.wikipedia.org/wiki/A_Small_Place) Ofrecio, Kimberly, et al. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend na Nakakapagpabagsak ng Ekonomiya ng Bansa. Unibersidad ng Santo Tomas : Kolehiyo ng Komersyo, 2009-2010. (http://impluwensyangkoreano.blogspot.com/) Vega, Sheilee B. 2010. Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Panlahat, Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa Tungo sa Pagpaplanong Pangwika. Komisyon sa Wikang Filipino. (http://www.kwf.gov.ph/wp-content/gallery/Ang%20Patakarang%20Pangwika%20sa%20Pilipinas.pdf) http://202.91.162.20/barobonhs/makabayan.pdf http://bayan-natin.blogspot.com/2008/10/neo-colonialism.html http://en.wikipedia.org/wiki/Neocolonialism http://e-turo.org/files/Modyul%2010%20-%20NeoKolonyalismo%20Ang%20Bagong%20Uri%20o%20Pamamaraang%20Ko.pdf http://science.jrank.org/pages/10793/Postcolonial-Studies-Decolonization-Postindependence-Neocolonialism.html http://www.bse.portal.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20III/Modyul%2020%20 -%20Neo-Kolonyalismo.pdf http://www.bse.portal.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20II/Modyul%2010%20%20Neo-Kolonyalismo%20Ang%20Bagong%20Uri%20o%20Pamamaraang%20Ko.pdf http://www.google.com.ph/url?url=http://images.anakbayanhq.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/SYSvs woKCsQAABHVHOw1/Historikal%2520na%2520Pagsusuri%2520sa%2520Edukasyong%2520Pilipino.doc%3F nmid%3D187647123&rct=j&sa=U&ei=FmMxT5r2AqWCmQWTzIDjBQ&ved=0CF4QFjAI&q=epekto+ng+neo kolonyalismo+sa+kabataan&usg=AFQjCNHyRlUADY8IKvxfm43qaifZOZ_1Jg http://www.writework.com/essay/effects-neo-colonialism