Ika-1 ng Hunyo, 2009 Asignatura: Kasaysayan ng Daigdig Paksa: Mga Digmaang Pandaigdig Pamagat ng Aralin: DUGUANG TANIKALA: Isang pagtalakay sa mga tunggaliang naganap noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig Inihanda ni: G. Kayzer Aldrin Z. Saba PANIMULA
Mailalarawan an ang mga pandaigdigang pandaigdigang digmaan digmaan bilang bilang isang DUGUANG TANIKALA- Mailalaraw lubid na pinagbuhol-buhol subalit sa huli ay napuno ng dugo. Ang mga digmaang pandaigdig ay pagsasalaysay ng pagsasanib at paghihiwalay ng iba’t ibang bansa upang panindigan ang ipinaglalaban na karangalan at layunin. Katulad ng maraming labanan na isinasalaysay ng kasaysayan, naging kuwento rin ang mga World War ng pagkakaroon ng mga kaalyado at kaaway na kadalasang naka-ugat sa pansariling interes. Nagbunga ang mga digmaan ng pagbuwis ng maraming buhay at pagkayurak ng maraming teritoryo at pangkabuhayan. Malaki Malaki ang impluw impluwens ensiya iya ng mga digmaa digmaang ng pandaig pandaigdig dig sa pagkaka pagkakabig bigkis kis-bi -bigki gkiss ng maraming bansa, ngunit ang kapalit nito ay ang pagdarahop ng mga hindi kaanib ng mga nagwagi at pagdanak ng dugo ng mga nakidigma. ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG MGA SALIK NA NAGBUNSOD NG DIGMAAN 1. ALYANSA
2.
Tunggalian ng ng Na Nasyonalismo at at Nasyonalschismo
Malaki ang naging tungkulin ng nasyonalismo sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ninais ng maraming kolonya ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa kanilang mananakop, at sa minsang pagtungo ng makapangyarihang tagapag-mana ay nagsimula ang isang digmaang nagpahirap sa maraming bansa. Kaakibat rin nito ang pag-usbong ng nasyonalschismo o ang paghihiwa-hiwalay ng maraming bansa at kani-kanilang pagpanig sa kung ano ag sa kanilang tingin ay makabubuti para sa kanilang bansa. Ito rin ang kadahilanan kung bakit marami ang nasangkot na bansa kahit na dalawa lamang ang may sagupaan. 3.
Digmaan ng armas
Pinalitan ng madugong uri ng pakikidigma ang kaparaanang mapayapa upang masolusyonan ang sigalot sa pagitan ng dalawa o higit pang bansa. Mga armas ang ginamit upang maipagtanggol ang ipinaglalaban sa halip na mga kasunduan. Maiuugnay rin dito ang pagiging agresibo upang mangamkam ng mga bagong teritoryo.
MGA KAGANAPAN SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1908
Sinakop ng Austria ang Bosnia-Herzegovina at mga karatig-lalawigan ng rehiyong Balkan, na pinananahanan ng mga Islabo (Slavs). Kilala ang mga Slavs bilang pangkat ng mga tao na matindi ang pagmamahal sa kasarinlan. 28 June Pinatay ni Gavrilo Princip (isang rebeldeng Serbian) ang tagapagmana ng trono ng 1914 kaharian ng Austria-Hungary na si Archduke Francis Ferdinand. Binigyang-babala ang Serbia ng Austria subalit hindi sumunod sa nasabing ultimatum ang nauna. 28 July Nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Kumampi naman ang 1914 Germany sa Austria-Hungary dahil sa matagal nang alyansa.
1915
Tumiwalag ang Italy sa Triple Alliance at nanatiling neutral. Sumanib ito noong 1915 sa League of Nations sapagkat nais nitong maangkin ang nasakop na
1916
March 1917
2 April 1917
11 November 1918
1919-1920
28 June 1919
teritoryong Latin ng Austria (Italia Irredentia) Digmaan sa Karagatan -Nagsagupaan sa karagatan ang mga barko ng Inglatera at Alemanya. -Maraming barko at buhay ang nasira at nawala. -Pinakamahalagang itinuturing ang labanan sa Jutland sa baybayin ng Denmark . Dito nagsagupaan ang puwersa nina Admiral Sir John Jellicoe ( panig ng mga Ingles) at Admiral Reinhard Scheer (panig ng mga Aleman). Higit na maraming barko at buhay ang ibinuwis ng mga Ingles, subalit natalo pa rin ng magaling na taktika ng mga ito ang mga Aleman. -Tuluyan namang bumagsak ang dinastiyang Romanov at ang Russia sa kamay ng mga Aleman. -Bago ito ay nagsunod-sunod ang digmaan sa relihiyong Balkan , subalit natalo sa pinagsanib-sanib na puwersa ng Austria-Hungary at Germany ang mga Ruso sa War of Tannenberg . -Nanalo ang mga Ruso sa War of Galicia, subalit muling natalo sa muling pagdating ng mga Aleman. -Tuluyang inabandona ng Estados Unidos ang Proclamation of Neutrality nito at nagpahayag ng pakikidigma laban sa Germany. -Nakarating kay Pangulong Woodrow Wilson ang hinggil sa Zimmerman Note ni Arthur Zimmerman (Kalihim ng Usaping Panlabas ng Germany). Nilalaman nito ang tungkol sa paghikayat ng Germany sa Mexico na makipaglaban sa Estados Unidos, na ikinagalit ng mga Amerikano. -Ilan pang kadahilanan nito ang pagkamatay ng maraming Amerikano sa digmaan sa karagatan; at ng paglubog ng Barkong Ingles na Lusitania noong Ika-7 ng Mayo 1915 na may 128 na Amerikanong nasawi. -Isinulong rin ang pagkakaroon ng demokrasya sa buong mundo. PAKIKIALAM NG ESTADOS UNIDOS SA DIGMAAN -Nagpadala ng mga pagkain, armas, at iba pang kagamitan ang Estados Unidos sa mga kaalyadong bansa na nakikidigma laban sa mga kaalyado at mismong Germany. -Nagpadala rin ng American Expeditionary Forces, na pinamumunuan ni Hen. John J. Pershing , na may dalawang milyong kasapi. -Nakatulong ng malaki ang puwersa sa pagkatalo ng Germany sa Battle of Chateau-Thierry at Balkan Wood. Nakatulong rin ito sa digmaan sa ArgonneForest na siyang tuluyang nagpabagsak sa hukbo ng Germany. Bandang 5:00 A.M., nilagdaan ang isang armistice na hiningi ng Germany na naglalahad na itigil ang lahat ng digmaan pagsapit ng 11 A.M. noong araw na iyon. Pansamantala nitong tinapos ang digmaang pandaigdig at sumuko ang puwersa ng Germany. -Pagpupulong ng Big Four na binubuo nina Pres. Woodrow Wilson ng Estados Unidos, Prime Minister Lloyd George ng Inglatera, Prime Minster Georges Clemenceau ng France, at Prime Minister Vittorio Orlando ng Italy. -Pinag-usapan nila ang pagkakaroon ng mga pangkasunduang pangkapayapaan sa buong mundo, kabilang na ang mungkahi ni Wilson na 14-Point Agenda. Treaty of Versailles -Kasunduang Pangkapayapaan sa Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, at
Turkey. Ang nilalaman ng kasunduan ay: -Paghahati-hati ng mga kolonya ng Gemany. Halimbawa, ang Posen, ang kanlurang Prussia, at ang Silesia ay napunta sa Poland. Ang ibang teritoryo ay pinaghatian ng mga kaalyado laban sa Germany at idineklarang Mandated Territory. -Ibinalik sa Pransya ang Alsace-Lorraine at ang Saar Basin sa loob ng 15 taon. -Pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany. -Ginawang pandaigdigan ang Kiev Canal at mga ilog na pinaglalakbayan ng Germany. -Pinagbayad ng $33 bilyon bilang reparasyon sa mga napinsala sa digmaan. Layunin rin nitong pahinain ang Germany. LEAGUE OF NATIONS -Isang pandaigdigang samahan na itinatag upang panatilihin ang katiwasayan at upang bigyangsolusyon ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa. Isa itong bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG: Pagsilang ng Pompeyo at Pagtatapos ng Pananahimik
Panandaliang nanahimik ang daigdig sa pagtatapos ng Unang Digmaan at sa pagkakaroon ng mga kasunduang layuning ipatigil ang pandaigdigang kaguluhan. Sa kabilang banda, muling bumangon ang Germany mula sa pananahimik, at muling nasangkot sa digmaan, dahil na rin sa pangunguna ng pinuno nitong si Adolf Hitler , at paglaganap ng Nazismo. MGA KAGANAPAN SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
3 September 1939
1940
June 1940 July 1940
August
-Nagdeklara ng pakikidgma ang Britain at France sa Germany dahil sa pagsakop nito sa Poland. -Naglagay na lamang ng mga sundalo nito ang France sa Maginot Line (ang haranag sa pagitan ng France at Germany) upang matiyak ang depensa nito laban sa mga Aleman. Nagpadala rin ng tulong na puwersa ang Britain sa France. -Dinepensahan rin naman ng Germany ang puwersa nito sa pamamagitan ng paglalagay ng bantay sa katapat ng Maginot Line na Siegfried Line na siyang German defense. -Naganap ang tinatawag na Phoney War sa pagitan ng France at Germany sapagkat walang nais lumaban sa mga linyang pinuno ng mga hukbong sandatahan. -Hindi ito nagtagal sapagkat noong 1940 rin ay sinimulan ni Hitler ang blitzkrieg o lighting war kung saan ginamit ang mga bomba at tangke sa pagsalakay. Nasakop ng Germany ang France, Belgium, Netherlands, at Luxembourg. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Britain at France sa pagkontrol sa himpapawid. Kinailangang talunin ng Germany ang Royal Air Force ng Britain upang makatuntong sa nasabing bansa. Sinimulan ng hukbong panghimpapawid ng Germany na Luftwaffe ang pag-atake
1940
sa mga base ng Royal Air Force. Gayunpaman, napabagsak pa rin ng Britanya ang Germany dahil sa mga radar nito. September Inakala ng Germany na natalo na nito ang Britain sa himpapawid kung kaya’t 1940 itinuon ang blitz sa mga lungsod ng London, Glasgow, Coventry, at Belfast. February Ipinadala ni Hitler ang kanyang hukbo sa Libya na tinawag na African Corps at si 1941 Lt. Gen. Erwin Rommel . Dito ay napabalik nila ang mga Ingles pabalik sa hangganan sa Egypt. March 1941 Pinalaya ng Britain ang Somaliland mula sa kamay n Italya sa pamumuno ni Benito Mussolini , na nagdeklara ng pakikidigma laban sa mga alyado. May 1941 Sumuko na ang Germany na pabagsakin ang Britain at itinuon ang atensyon sa Soviet Union. August Pinabagsak ang mga Italyano sa Abyssinia (Ethiopia) . 1941 1942 Nagkaroon ng labanang pandagat sa Dieppe, subalit ipinakita lamang dito ang kahinaan pa ng mga alyado sa mga makabagong taktika. Natalo ang tropa ng Canada sa Germany. 1943 Lumaganap ang paggamit ng radar na nakatalo sa puwersa ng mga Aleman. 1943 Nasakop ang Sicily subalit wala na si Mussolini sa kapangyarihan kaya’t sumuko na ang mga Italyano sa mga Alyado. 1944-1945 -Nakipaglaban ang mga Alyado laban sa mga Aleman upang makuha pa ang ilang teritoryo kagaya ng Hurtgen Forest at Alsace-Lorraine . -Sa Battle of the Bulge noong 1945, halos tuluyan nang nagapi ang Germany. 8 May 1945 Dahil sa pagkatalo na sa iba’t ibang nasakop na teritoryo sa Europa, sumuko ang Germany sa mga Alyadong puwersa. ANG PAGYURAK SA MALILIIT NA BANSA: Ang Pilipinas at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
7 December 1941 11 December 1941 2 Enero 1942
Naganap ang Pagpapasabog sa Pearl Harbor sa Hawaii, sa isang hukbong pandagat ng Estados Unidos. Napinsala ang US Pacific Fleet , at humigitkumulang 200 na eroplano at 5 bapor ang nasira. Nasa 2000 katao naman ang napatay at 1178 ang tinatayang bilang ng nasugatan. Nagpahayag ng pakikidigma ang Japan (kasama ang Germany at Italy) sa Estados Unidos.
Matapos na mapaalis sa Pilipinas ang ilang pulitiko, ay siya namang pagdating ng mga Hapon at idineklara bilang open city ang Maynila. Ang ilang kawal na Amerikano at Pilipino ay nag-moog sa Bataan. 9 April Nakuha ng mga Hapones ang Bataan, subalit nagpatuloy ang digmaan sa 1942 Corregidor. 6 May 1942 Pagbagsak ng Corregidor sa kamay ng mga Hapones. 1942 Naisulong ng mga Hapon ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere sa Asya. 1942-1944 Nanatili ang mga Hapones bilang nagngungunang malakas na pangkat sa Asya. October Bumalik si MacArthur sa Leyte at muling nakipagdigma laban sa mga Hapones. 1944 Naganap ang Second Battle of the Philippine Sea noong October 23-26, 1944 . 3 February Pumasok ang hukbo ni MacArthur sa Maynila. 1945 5 July 1945 Idineklara ni MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga
Hapones. 6 August Pinasabog ang Hiroshima at nasa 70,000 hanggang 200, 000 ang tinatayang 1945 nasawi. 14 August Tuluyan nang sumuko ang mga Hapon sa Alyadong puwersa, at nagsimula ang 1945 Occupation Administration sa Japan. 2 September Lumagda ang Japan ng pagsuko sa USS Missouri sa Tokyo Bay. 1945 ANG MGA DIGMAAN SA KABUUAN
Ang kuwento ng mga digmaan ay maihahalintulad sa isang tanikalang, na nagbibigkis bigkis at minsan ay nagkakahiwa-hiwalay. May mga bansa na biglang magkakakampi ngunit kapag tumagal ay nagiging kaaway rin. Mistulang inilublob rin sa dugo ang tanikalang sapagkat upang maisulong ang mga pansariling interes, ay maraming buhay ang ibinuwis. Hindi na mababago ang kaganapang ito sa kasaysayan, at patuloy nitong ipapakita ang sitwasyon kung saan ang nakaaangat ay nakakasabay sa pakikipaglaban, at ang mga bansang walang kapangyarihan ang kadalasang naiipit ng walang laban sa mga kaguluhan. SUSUNOD NA PAKSA: UNITED NATIONS MGA BATIS PARA SA ARALING ITO AKLAT: Vivar, et.al. Kasaysayan at Kabihasnan ng Daigdig . Quezon City: Vibal Publishing House, 1999. NET SOURCES:
“History of World War I”, retrieved from http://www.firstworldwar.com/origins/causes.htm, 31 May 2009. “History of World War II”, http://www.spartacus.schoolnet.co.uk/2WWchron.htm, 31 May 2009.
retrieved
from
*Additional Information are taken from the personal notes of the lecturer from Dr. Noel Teodoro’s Kasaysayan 102, Kasaysayan 107, and Kasaysayan 109 classes at the University of the Philippines-Diliman, A.Y. 2007-2008.