Republic of the Philippines University of Rizal System Pililla, Rizal
College of Education
MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN ______________________________________________________________________ _________________________________________ _____________________________ I.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaaasahang,
Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya
AP9MAK-IIIa-1
a. Naipapaliwanag ang paikot na daloy ng ekonomiya b. Nakabubuo ng paliwanag tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya c. Nabibigyang pansin ang paikot na daloy ng ekonomiya.
II.
Paksang Aralin
Kwarter/Unit : Ikatlong Kwarter Paksa : Paikot na Daloy ng Ekonomiya Sanggunian : Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ekonomiks para sa mag-aaral, p.228-241 Kagamitan : Powerpoint at Kagamitang Biswal. Pamamaran Lapit Pamamaraan Teknik III.
: : :
Patuklas Deductive Talakayan at pangkatan
Pamamaraan Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain Pagbati Magandang Umaga/Hapon sa inyo mga mag-aaral! Panalangin Jane, maaari mo bang pangunahan ang ating panalangin
Magandang Umaga/Hapon din po Bb. Mahilum
Panginoon maraming salamat po sa panibagong araw na ito, nawa po sa gagawin naming talakayan ay
pagkalooban mo po kami ng katalinuhan na aming kailangan. ikaw nap o ang mag-ingat sa amin. sa pangalan po ng aming panginoong jesucristo Amen. Pagtala ng Lumiban Sino ang kalihim ng klase? maari bang tumayo at iulat kung sino ang mga liban sa araw na ito? Pagwawasto ng Takdang-Aralin Kahapon ay nagbigay ako sa inyo ng Takdang-Aralin, tama ba? paki-pasa nalang ito sa unahan at ako na ang bahalang magwasto niyan.
1. Balik-Aral a. Ano ang tinalakay natin kahapon?
Ikinagagalak ko pong iulat na walang lumiban sa klase ngayong araw.
Naipasa na po namin sa unahan ang aming kwaderno.
Tinalakay po natin kahapon ang tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan.
b. Magbigay ng ilang patakaran ng pamahalaan sa pagsasaayos ng gawaing pangkabuhayan?
Price ceiling, price freeze, minimum wage, at price floor.
c. Bakit kailangan makialam ang pamahalaan sa gawaing pangkabuhay sa pamilihan?
Upang maiwasan ang pagabuso ng mga pribadong nagbibili.
2. Pagganyak Jumbled letter: Ang mga magaaral ay hahatiin sa dalawang pangkat. (pangkat 1 at pangkat 2) ang bawat pangkat ay magpapaunahan sa pagbuo ng gulo-gulong letra. Ang salitang mabubuo sa gulo-gulong letra ay Paikot na Daloy ng Ekonomiya. A. Paglalahad
PAMBANSANG EKONOMIYA Ang pagsusuri sa buong gawi ng lipunan ay isang napakalawak na gawain. At upang mailarawan ang galaw ng buong ekonomya sa isang payak na kalagayan na maipakikita sa
pamamagitan ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo. MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA Pakibasa, ang unang modelo yes carla UNANG MODELO Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan
Ito ang unang modelo sa pambansang ekonomiya. Ito ay simpleng ekonomiya lamang.
Yes, Carlo! Magaling Sino pa ang may kasagutan?
"Gagawa po ako ng paraan para mabuhay"
Yes, Ana! mahusay
"Gagagawa po ako ng paraan para matugunan po ang aking mga pangangailangan. gagawa po ako ng damit at bahay, at hahanap po ako ng pagkain.
Kung mapupunta ka sa isang isla na walang tao at sakaling walang pagkakataon na ikaw ay makaalis doon, ang marapat mong gawin ay gumawa ng paraan upang matugunan mo ang iyong mga sariling pangangailangan dahil wala namang ibang gagawa nito para sa iyo. ikaw ay maghahanap ng pagkain, gagawa ng bahay at ikaw din ang bubuo o gagawa ng iyong damit na susuotin.
Ang ikalawang modelo, pakibasa, james IKALAWANG MODELO Ang pag-iral ng Sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor.
Bakit ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon? Yes, max
Dahil pagmataas po ang produksyon nag kakaroon po ng pagunlad ang ating ekonomiya.
Sino pa ang may kasagutan? Yes, vienne
Dahil po sa mga tax, diba po bawat product na binibili natin ay may binabawas na tax na napupunta sa pamahalaan. Kaya po ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produkto.
DALAWANG URI NG PAMILIHAN SA PAMBANSANG EKONOMIYA
1. Factor markets -Pamilihan ng mga salik ng produksyon, kabilang dito ang pamilihan
para sa capital na produkto, lupa, at paggawa. 2. Commodity or Goods markets -pamilihan ng mga tapos na produkto.
ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON
.
Sumunod naman ay ang ikatlong modelo, yes kim IKATLONG MODELO Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisiyon sa panghinaharap.
PAMILIHANG PINANSYAL: PAGIIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENT)
pakibasa ang ikaapat na modelo, kiel.
IKAAPAT NA MODELO Ito ang modelo ng ekonomiya na kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan dito. Maaari namang malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito.
ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON, KALAKAL, AT PAGLILINGKOD
At ang huli ay ang ika limang modelo ,maaari mo bang basahin shailene. salamat
IKALIMANG MODELO Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipagugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong ekonomiya ay domestik. Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya.
ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS
B. Paglalahat Kung lubos niyong naunawaan ang ating pinag-aralan. Suriin ang dayagram. Tukuyin at ibigay ang gampanin ng bawat sektor.
C. Paglalapat
Hahatiin ko kayo sa limang pangkat; Pangkat 1: Iguguhit ang ikalimang modelo ng pambansang ekonomiya at ipapaliwanag. Pangkat 2: Nagsasagawa ng duladulaan patungkol sa ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya. Ipapakita kung paano umiikot ang pambansang ekonomiya.
Pangkat 3: Isulat sa cartolina kung ano ang ganap ng bawat actor sa pambansang ekonomiya.
PAMANTAYAN
PAMANTAYAN
DESKRIPSYON
PUNTOS
NILALAMAN
May tamang kasagutan sa tanung o gawain na ibinigay.
40
PRESENTASYON
PAKIKIISA
Naipaliwanag mabuti ang ginawang Gawain.
30
Ang bawat miyembro ay nakilahok sa isinagawang gawain
30
Kabuuang puntos
100
NAKUHANG PUNTOS
IV.
Pagtataya
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
________1. Nagpapakita ng dalawang pangunahing sector, ang sambahayan at bahay kalakal. ________2. naglalarawan ng simpleng ekonomiya. ________3. Sa naunang mga modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. ________4. Ang pag-iral ng Sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. ________5. Ito ang modelo ng ekonomiya na kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. ________6. pamilihan ng mga tapos na produkto. ________7. Pamilihan ng mga salik ng produksyon, kabilang dito ang pamilihan para sa capital na produkto, lupa, at paggawa. ________8. Sumisingil ng buwis. ________9. Pagluluwas ng produkto sa labas ng bansa. ________10. Pag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa.
Sagot:
1.
Ikatlong modelo
2.
Unang modelo
3.
Ikalimang modelo
4.
Ikalawang modelo
5.
Ikaapat na modelo
6.
Commodity o goods markets
7.
Factor markets
8.
Pamahalaan
9.
Export
10.
Import
F. Sipi “Economy does not lie in sparing money, but in spending it wisely”.
Thomas Henry Huxley
V.
Kasunduan
Saliksikin at pag-aralan.ang mga sumusunod. 1. Ano ang pambansang kita? 2. Bakit mahalagang malaman ang pambansang kita n gating bansa? 3. Ibigay ang dalawang uri ng kita.
KENDRA T. MAHILUM BSE IIID SOCIALSTUDIES MAJOR