HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 1
U
maabot na sa mahigit 35.77% ng mga kabataang edad 6-15 ang hindi nakakapag-aral. Sa mga pampublikong institusyong pang-edukasyon ay may 104,000 kakulangan sa titser, 95,600,000 na kakulangan sa libro, 13,230,000 ang kulang na upuan at 152,569 ang kulang na silid-aralan at iba pang pasilidad. 50 pampublikong unibersidad at kolehiyo ang kinaltasan ng pondo para sa operasyon at iba pang pangangailangan. Samantala, mahigit 200 pribadong unibersidad naman ang nagtaas ng bayarin. Nilagay nito sa mahigit P800.00 ang karaniwang halaga ng isang yunit sa mga pribadong institusyon.
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
Sa isang mabilis na sulyap sa mga numerong ito bumubungad ang isang simpleng katotohanan na nasa krisis ang sistema ng edukasyon sa ating bansa subalit batid natin na higit sa simple ang problema. Sa loob ng maraming dekada hindi nagbago ang kalagayan ng edukasyong hindi tumutugon sa pangangailangan ng panahon at ng mamamayan. Samakatuwid, higit pa nga sa simpleng kakulangan sa pasilidad o pondo para sa operasyon ang suliranin. Higit pa sa taun-taon at di mapigilang pagtataas sa matrikula ang ipirinoprotestang usapin. Ang mga nakababahalang numerong 2 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
ito ay iniluluwal ng higit pang malaki at malalim na problema sa mismong oryentasyon at direksyon ng kabuuang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa ibabaw, mga bulok na pasilidad, di maubo-ubos na kakulangan, papalaking bilang ng mga di nakakapag-aral; sa kaibuturan matinding pagkabulok ng edukasyong kolonyal, komersyalisado at mapanupil. Mga suliranin ito na lagpas sa kakayanang solusyunan ng maliliit at baha-bahaging reporma, maging ng pagbubuhos ng malaking pondong pambansa. Ang krisis sa edukasyon ay katambal ng sistemang panlipunang ginagalawan nito. Sa lipunang malakolonyal at malapyudal – atrasado at pre-industriyal na kinukubabawan ng imperyalistang kapangyarihan, ang edukasyon ay isang aparato na mahigpit na katuwang sa pagpapanatili ng kaayusang para sa interes ng iilan at dayuhan. Sa pagtalakay ng lumalalang krisis sa edukasyon kinakailangang balikan ang kasaysayan upang mabuo ang pagsusuri at mga hakbang para mabago ito. Sa praymer na ito, tatalakayin natin ang mga sumusunod na paksa:
I. Ang Edukasyon sa Panahon ng Kolonyalistang Kapangyarihan II. Ang Edukasyong Neokolonyal sa mga Nagdaang Rehimen III. Ang K+12 at Pagtindi ng Neoliberal na Katangian ng Edukasyon sa ilalim ng Rehimeng Aquino 2 IV. Ang Paglaban at ating Alternatiba: Ang Makabayan, Siyentipiko at Maka-masang Sistema ng Edukasyon HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 3
I. ANG EDUKASYON SA PANAHON NG KOLONYALISTANG KAPANGYARIHAN
S
a ating pag-aaral kinikilala natin na ang edukasyon ay isang instrumento sa paghuhubog sa isipan ng mamamayan. Isang instrumento na ginagamit ng bawat naghaharing pwersa sa lipunan upang magkaroon ng mahigpit na kontrol sa kanyang pinaghaharian. Samakatuwid nagsilbi ang edukasyon bilang isang mapamwersang aparato sa kabila ng tila mapayapa nitong katangian at pamamaraan. Itinutulak nito sa isipan ng populasyon ang mga konsepto, pananaw at higit sa lahat ang paghahari ng mga nangingibabaw sa istrukturang sosyal. Pinatunayan ito sa mahigit tatlong daan-taong paghahari ng mga Espanyol sa ating bansa at sa sumunod na pag-agaw sa ating kalayaan ng kapitalistang bayang Estados Unidos. Sa mga kampanya ng pananakop at panunupil lagi’t-laging katuwang ng armadong opensibang militar ang opensibang kultural sa pagpapasuko sa anumang anyo ng paglaban sa pananakop ng dayuhan. Ang simbahan at mga paaralang pinatatakbo ng mga prayle ang siyang naging awtoridad sa pormal na edukasyong pinatupad ng mga Espanyol sa bansa. Agarang nagtayo ang mga ordeng relihiyoso ng mga simbahan at paaralan, na laging magkakambal, sa bawat teritoryong nasasakop ng hukbo ng kolonyalista. Nang marating ni Miguel Lopez de Legazpi ang Cebu noong 1565, agad na itinayo ng mga Agustino ang kanilang simbahan at paaralan. Ito rin ang ginawa ng mga Pransiskano sa pagdating nila noong 1577, mga Heswita noong 1581 at mga Dominikano noong 1587. Binigyan ng diin sa bawat pag-aaral na nakasentro sa pananampalatay-
4 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
ang katoliko ang respeto at takot sa panginoon at sa mga awtoridad nito sa lupa – ang hari, kanyang mga opisyal-militar at ang kaparian. Nagsilbi ito pangunahin sa pagpapatibay sa lipunang kolonyal at pyudal kung saan nangibabaw ang mga kolonyalistang naging mga panginoong may-lupa. Binigyang-matwid sa bawat aralin ang anila’y banal nilang tungkuling pangalagaan ang lahat ng yamang likha ng may-kapal, habang inilalagay sa katayuang alipin ang masa ng mamamayan. Sa loob ng tatlong siglo, naging matibay na moog ng panunupil ng mamamayan ang mga simbahan at kanilang paaralan. At kahit hindi binigyan ng akses sa edukasyong ito ang kalakhan ng mga indio, hinubog nito ang mga illustrado na magiging sunud-sunuran sa dikta ng kolonyal na amo. Edukasyon din ang naging katuwang ng karahasang pinakawalan ng mga Amerikano nang patraydor nilang nakawin ang kalayaang pinagtagumpayan ng mga rebolusyonaryong Pilipino. Kung relihiyon ang ginamit ng mga Espanyol sa kanilang kultural na opensiba, ang wikang Ingles naman ang naging sandata ng bagong mga kolonyalista. Ang wikang ito ang pinayakap sa mga illustradong agad na naglipatan ng amo. Naging larangan ng digmaan laban sa rebolusyong Pilipino maging ang mga klasrum kung saan ang mga sundalo ang nagpanggap na guro. Ang pampulitikang pagka-alipin sa imperyalismong US ng mamamayan ay tiniyak sa pangunahing laman ng mga aralin sa paaralang pinatakbo ng militar. Paglao’y dumating sa bansa ang 600 sibilyang guro na nakilala sa katawagang Thomasites, mula sa pangalan ng barkong USS Thomas na nagdala sa kanila sa bansa. Malaki ang ginampanan ng mga ito upang madulas na maipatanggap sa mga Pilipino ang bagong mananakop. Dumating rin ang mga misyonaryong protestante’t katoliko upang tumulong sa kolonyal na indoktrinasyon ng mamamayan maging sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa. Sila ang nagsilbing pangunahing mga guro upang pasunurin at ipayakap sa mga Pilipino ang doktrinang bitbit ng bagong imperyalistang amo. Sinistematisa ng mga Amerikano ang kolonyal na paaralang publiko
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 5
at nagpanggap sila na kanilang ibinigay sa bawat Pilipino ang edukasyong pinagkait ng elitistang pamumuno ng mga Espanyol. Higit pang kinabig sa panig ng mga bagong amo ang mga illustrado sa pamamagitan ng sistemang pensionado na ginawa mula 1983 hanggang 1904, kung saan ang piling mga kabataan mula sa kanilang hanay ay pinadala sa Amerika upang doon mag-aral ng kolehiyo at pansamantalang manirahan. Sa pagbalik nila sa bansa, bitbit ang bagong indoktrinasyon, naging katuwang na rin sila sa pamamandila ng propaganda ng superyoridad sa kultura, ekonomiya at pulitika ng “demokratikong Estados Unidos.” Mula rito, umusbong ang bagong edukadong elite na nagsasalita at nagiisip sa pamantayang Amerikano o mga “Little Brown Americans” na susunod sa pagpapatupad ng imperyalistang plano at disenyo. Nagpatuloy ang pakikidigma ng mamamayan sa kabila ng matinding panunupil kaya’t upang paigtingin ang opensibang kultural, inilabas ng Philippine Commission, na noo’y pinakamataas na kolonyal na awtoridad sa bansa, ang Act No. 74 noong 1901. Ito ang nagtakda ng pagtatayo ng sistema ng pampublikong paaralan na magbibigay ng libreng primaryang edukasyon. Ingles ang naging opisyal na wika ng akademiya. Mga librong gamit ng mga paaralan sa US ang siyang ginamit ng mga mag-aaral kahit pa malabong tumugma sa lokal na kultura’t panlipunang kalagayan ang mga konteksto ng sulatin. Itinayo rin ng Act No. 74 ang mga paaralang magsasanay ng mga bagong ahenteng intelektwal na kinakailangan ng lumalaking burukrasya at dumaraming korporasyong dayuhan. Kabilang rito ang Philippine Normal School (PNS), na ngayon ay Philippine Normal University, na siyang magsasanay ng mga gurong Pilipinong papalit sa mga Amerikanong militar at sibilyan. Ang Universidad ng Pilipinas naman na binuksan noong 1908 ay dinisenyo upang pagmulan ng mga susunod na mga burukrata o lider ng bansa na uupo sa mga pangunahing sangay ng gobyerno – ehekutibo, lehislatbo at hudikatura.
6 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
Ang pangangailangan ng armadong pwersang magtatanggol sa interes ng lokal na mga naghaharing uri at ng imperyalistang US ay tinugunan sa pagbubukas noong 1905 ng isang paaralang sanayan ng mga opisyal ng Philippine Constabulary, na ninuno ng mersenaryong Armadong Hukbo ng Pilipinas. Ang papet na konstable ay puspusang ginamit sa mga operasyong “paglilinis” laban sa mga rebolusyonaryo na hanggang sa panahon na iyon ay pursigido pa ring lumalaban sa mga Amerikanong kolonyalista. Ang ilang dekada ng instruksyong dayuhan ay nagbunga ng maasahang hukbo ng talinong maka-imperyalista kaya nga’t noong 1935 ay pormal nang binitiwan ng mga Amerikano ang pagpapatakbo sa Kagawaran ng Edukasyon, pinalitan sila pangunahin ng mga peti-burgesyang intelektwal na produkto ng PNS. Naging maluwag na nga sa kabuuan ang paggawad ng nominal na kalayaan sa bansa sa sumunod na mga taon dahil matibay ng naistablisa ang neokolonyal na paghahari ng imperyalismong US sa ekonomiya, pulitika, militar at kultura ng bansa. Mula sa mga tratado, kasunduan at batas hanggang sa mga kurikulum ng paaralan at paraan ng pag-iisip ng mamamayan tiniyak ng US na patuloy na mangingibabaw ang interes nito sa lahat ng larangan at usaping pambansa. Ang propaganda ng “benevolent assimilation” o ang mapagpalang pagbabahagi sa atin ng liwanag ng demokrasya ay nailantad bilang paghuhubog lamang ng isang bagong kolonya. Isang bansang pagtatapunan ng labis na produkto at lilikha ng hilaw na mga sangkap, may murang lakas-paggawa at talinong naglilingkod sa interes ng dayuhan. Paulit-ulit ngang pinatunayan ang neokolonyal na dominasyong ito ng magkakasunod na liderato ng bagong tatag na Republika. Sa kabila ng deklarasyon ng pormal na kalayaan paulit-ulit na lumilitaw sa mga polisiya at batas ng pamahalaan ang matnding pagka-bihag sa kapangyarihan ng dayuhan. Patuloy na namayani ang dayuhang interes mula sa pagbabalangkas ng mga batas pang-kalakalan hanggang sa mga patakaran sa serbisyong panlipunan, nagpaligsahan ang bawat rehimen sa pagpapakatuta sa dayuhang dikta. At hindi na rin nakatakas sa gapos na ito ang sistema ng edukasyon sa bansa.
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 7
II. ANG EDUKASYONG NEOKOLONYAL SA MGA NAGDAANG REHIMEN
I
sinaksak ng Imperyalismong US ang ideolohiyang neoliberal mula sa dating patakarang Keynesian upang sagipin ang naghihingalong pandaigdigang sistemang kapitalista. Higit na pinatindi ang interbensyon ng estado bilang tagayari ng batas at polisiya sa islogan ng “malayang pamilihan.” Ito ang naging solusyon ng imperyalistang kapangyarihan sa panibagong krisis na dinadanas nito sa huling bahagi ng dekada ‘60. Sa ideolohiyang neoliberal iniluluwalhati ang pribadong pag-aari at ang indibidwal na kalayaan sa pagkamkam nito. Binubuwag ang anumang hadlang sa ibayong paglago ng dayuhang kapital at ginagamit ang kapangyarihan ng estado upang ito ay higit na bigyang daan. Itinuturing na lahat ay may kaukulang halaga. Lahat ay produkto, binibenta, binibili, pinagkakakitaan. Produkto ang indibidwal, produkto rin ang kanyang pangangailangan, lahat sa tinaguriang malayang pamilihan. Ganito rin ang turing sa serbisyo tulad ng edukasyon. Ang dating panlipunang obligasyon ng estado ay ngayo’y isang malaking oportunidad para sa pagnenegosyo. Isang malaking prontera para sa daluyong ng dayuhang kapital. Interes din ng kapital kung gayon ang pagsisilbihan ng edukasyon: kung ano ang kailangan ng negosyo, dito ito nakatuon. Taong 1969 nang buuin ni Ferdinand Marcos sa bisa ng Executive Order No. 202 ang Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE). Batay sa “pagsisiyasat” na ginawa ng komisyon, nabuo nito ang kongklusyon na kinakailangan ang pagredisenyo sa programa sa edukasyon ng pamahalaan upang ito ay makatugon sa pangangailangan ng pag-unlad ng bansa.
8 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
Direkta nitong sinabi na ang kinakailangang pagredisenyo ay upang itono ang iniluluwal na lakas at talino ng ating mga paaralan sa kinakailangan ng mga transnational corporations (TNCs). Tutugma nga ito sa pagdagsa ng panahong iyon ng mga dayuhang empresa sa export processing zones na binuksan ng rehimen sa tulak ng US. Noong 1972, inilabas ni Marcos ang Presidential Decree No. 6-A o ang Education Development Decree. Binuo nito ang Educational Development Projects Implementing Task Force (EDPITAF) para sa pagpapatupad ng isang Ten-Year Educational Development Plan upang ipatupad ang mga repormang iminungkahi ng PCSPE. P500 milyon ang kinakailangang pondo sa pagpapatupad nito, at upang mapalitaw ang kinakailangang rekurso, inamyendahan din ng PD 6-A ang Republic Act No. 6142 o ang Foreign Borrowing Act. Sa amyenda, pinahintulutan ang mas malawak na pag-utang mula sa dayuhang entidad para sa proyekto sa sektor ng edukasyon. World Bank (WB) ang naging unang takbuhan ni Marcos para sa pondong kinakailangan. Kapalit ng kanilang pautang nagpatupad ang rehimen ng bagong kurikulum. Pinagtuunan ang mga kursong teknikal at bokasyunal upang lumikha ng kinakailangang lakas-paggawa para sa mga dayuhang mamumuhunan at kanilang katuwang na lokal na malalaking negosyante. Sa pagpapatupad ng rehimen ng kanyang New Elementary School Curriculum (NESC) of 1983, mga librong aprubado at pinondohan ng WB din ang ginamit. Magiging panandang bato naman sa mga patakaran ng rehimen sa edukasyon ang Batas Pambansa Blg. 232 o ang Education Act of 1982. Sa pagsasabatas nito ganap ng ibinukas sa pagnenegosyo ang edukasyon sa bansa. Pinahintulutan ng batas ang malayang pagtatakda ng mga pribadong paaralan ng halaga ng matrikula at iba pang mga bayarin. Agad itong nagbunsod ng paglobo sa halaga ng mga bayarin ng mga mag-aaral hanggang sa kasalukuyan. Nagpatuloy ang papel ng WB sa mga polisiya ng mga sumunod pang rehimen. Sa kanilang mga programa higit na pinag-ibayo ang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon.
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 9
New Secondary Education Curriculum of 1989 ang idinugtong ni Corazon Aquino sa NESC ni Marcos. Pinagtibay din ang RA 6728 o Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GATSPE) na nagengganyo sa mga estudyante na kumuha ng mga engineering at technical courses sa mga pamantasan at unibersidad dahil sa pagdagsa ng produktong high tech sa Pilipinas tulad ng mga computer. Tumanggap ang mga ito ng malaking ayuda mula sa pampinansyang institusyon kapalit ng implementasyon ng kurikulum na binalangkas nila. Lumaki rin dito ang pwesto ng mga pribadong paaralan na diumano’y naglalako ng mas mataas na kalidad ng edukasyon. WB ang nagpanukala ng Education 2000 ni Fidel Ramos na bahagi ng buong paketeng programa sa neoliberal na iskema ng globalisasyong Philippines 2000. Dito, malaking kaltas sa badyet ang yumanig sa mga SUCs. Ang pondong ibinawas ay dinala naman sa pagdaragdag ng pondo para sa pambayad ng utang panlabas at pagpapalakas sa hukbong sandatahang pinagmulan ng pangulong heneral. Ang direktiba ng pagbabago sa kurikulum at pagbabawas sa pondo ng edukasyon ay muling itinulak ng World Bank nang ilabas nito noong 1998, katuwang ang Asian Development Bank, ang Philippine Education for the 21st Century: The 1998 Philippine Education Sector Study (PESS). Muli nitong idiniin ang pagtutok sa mga araling teknikal, na maglilinang ng hinihinging kasanayan sa mga korporasyong dayuhan, at pagbabawas naman ng mga araling panlipunang tinukoy na nakapagpapasikip sa kurikulum (overcrowded curriculum) ng mga paaralan. Idiniin din sa pag-aaral na ang pamahalaan ay magmintina na lamang ng 12 hanggang 15 SUCs pagdating ng taong 2008 at pagbabawas ng pondong inilalaan para sa mga ito. Dagdag pa nila, ang mga SUCs na ito ay dapat bigyan ng buong-buong awtonomiya sa pagpapatakbo ng kanilang sarili. Ang tulak na ito sa pagbabawas ng pondo para sa serbisyo ay nakatuon pa rin sa pagbibibigay ng prayoridad sa pagbabayad ng utang panlabas. Ang PESS ng World Bank at Asian Deveopment Bank ay tinugunan na-
10 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
man ni Joseph Estrada sa pagbubuo ng Philippine Commission on Educational Reform (PCER). Alinsunod nga sa direktiba ng mga dayuhang intstitusyon, nagmungkahi ang PCER na higit pang ibaba ang badyet sa edukasyon. Iminungkahi din ng komisyon na itaas ang matrikula sa “realistikong antas,” buksan sa komersiyal na paggamit ang mga lupain at pasilidad ng mga SUCs at ibayong magbukas sa pribadong sektor upang makapag-palitaw ng pondo. Sa ganito ay makikita na ang ibayong liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon sa edukasyon sa Pilipinas. Halimbawa ang University of the Philippines, ipinatupad ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program o STFAP upang ipasalo sa mga estudyante at kanilang mga pamilya na may kakayanang magbayad ng matrikula ang responsibilidad na makapag-aral ang mga “less fortunate” pero mahuhusay na mga estudyante imbis na pagaralin ng gobyerno. Sa UP din ay sinimulan na ang pagbebenta ng lupa sa malalaking negosyante gaya ng mga Ayala, upang mapunan ang kakulangan sa badyet nito. Naglipana na rin sa panahong ito ang mga Accreditation Firms ng mga unibersidad. Binibigyan ng grado ang mga paaralan batay sa sinasabing “international standards” na itinatakda naman ng monopolyong negosyo na siyang nagpopondo sa mga accreditation firms tulad ng ISO at iba pa. Naging mayor rin ang papel ng World Bank sa pagtutulak ng sistema ng akreditasyon. Direkta itong nagpondo at naglatag ng pamantayan o standards upang higit na paglingkurin sa pangangailangan ng negosyo ang mga paaralan. Dahil dito, ilang beses na binago ang mga curriculum at ilang beses na tumaas ang matrikula sa mga paaralang naghahabol ng accreditation. Pinabilis nito ang liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon sa edukasyon lalo sa mga SUCs, lalo na’t kasabay rin ito ang pagpasok ng Pilipinas, na inisponsor nang noo’y senador na si Gloria Arroyo, sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) at World Trade Organization (WTO) na siyang nagbuyangyang ng buong ekonomyang lokal sa hayuk sa kapital ng imperyalistang kapangyarihan. Ang mga mungkahi ng PCER ni Estrada ay isinakatuparan ni Gloria Arroyo sa pagpapatupad ng mga sumusunod na direktiba:
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 11
• Pagbabawas ng 20% ng bilang ng mga SUCs, • Pagtransporma sa 20% ng SUCs patungong semi-corporatized entities, • Pag-asa-sa-sarili ng 20% ng SUCs sa pamamagitan ng paglikha ng pondo mula sa pagbebenta ng intellectual products at grants, • Pag-aatas sa 50% ng SUCs nga maglunsad ng mga active income generating projects, • Paniningil ng matrikulang kapantay sa mga pribadong paaralan sa 70% ng SUCs, at • Pagpasok ng 60% ng SUCs sa mga kontrata kasama ang malalaking negosyante Ipinatupad din ni Arroyo ang Millennium Curriculum na inisponsor pa rin ng World Bank at Asian Development Bank. Naging maingay na usapin sa panahong ito ang pagpapatupad sa araling “Makabayan” o “Pag-SIKAP” (Pag – Araling Pagpapahalaga; S – Sining; I – Information and Communication Technology; K – Kultura, Kalusugan at Kabuhayan; AP – Araling Panlipunan at Araling Pangkatawan). Isiniksik kasama ng ibang aralin ang pag-aaral sa kasaysayan at araling panlipunan upang makapag-bigay diin sa diumano’y mas mahalagang praktikal na pag-aaral ng wikang ingles, syensya at matematika. Mga araling mas mahalaga para sa isang “globally competitive education.”
12 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
III. ANG K+12 AT PAGPAPATINDI NG NEOLIBERAL NA KATANGIAN NG EDUKASYON SA ILALIM NG REHIMENG US-AQUINO 2
S
entro ng programa ng kasalukuyang rehimen ang K+12. Sa programang ito, ang bawat bata ay obligadong dumaan sa kindergarten at karagdagang dalawang taon sa hayskul o sa tinaguriang Senior High School. Bubunuin ng mga mag-aaral sa dalawang dagdag na taong ito ang inilalakong vocational at technical courses tulad ng baking, welding, cosmetics, automotive at iba pa. Ayon sa pamahalaan, sa pamamagitan ng pagsailalim sa alinman sa kurso ng pagsasanay na ito agad na naihahanda ang mga mag-aaral sa pagtratrabaho sa pagtatapos pa lamang nila ng sekundaryong edukasyon. Bubuksan diumano nito ang opsyon sa mga kabataang walang kakayahan o ayaw nang magpatuloy sa kolehiyo na agarang maempleyo. Dagdag pa nila ito ang siyang magiging solusyon sa malalang krisis ng kawalan ng trabaho na batay sa kanila ay sanhi ng simpleng problema ng “jobs and skills mismatch.” Sa lohikang ito sinasabi na wala naman talagang problema ng kawalan ng trabaho, ang problema lamang ay walang mga tao o manggagawang may angkop at sapat na kakayahan para sa mga trabahong nariyan na, kaya’t ang lohikal na solusyon ay iangkop ang kurikulum sa pagsasanay ng mga kabataan alinsunod sa pangangailangan ng mga negosyong nag-aalok ng trabaho. Malinaw nga ang tono ng pamahalaan, naka-turol ang programa ng
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 13
K+12 sa pagluluwal ng mga semi-skilled workers na kailangan ng malalaki at dayuhang negosyo. Sa pamamagitan ng programa lilikha ng labis na bilang ng mga manggagawang mag-aagawan sa kakaunting trabahong kayang likhain ng lokal na ekonomiyang naka-asa sa mga empresang dayuhan. Ang malaking bilang na ito ng mga naghahangad ng trabaho ang siya namang magbibigay ng kundisyon sa higit pang pagpapababa sa sahod. Ang hindi kayang lamunin ng lokal na pamilihan ng lakas-paggawa ay handa namang ibugaw ng pamahalaan sa pagpapa-alipin sa ibang bansa laluna sa mga imperyalistang mga bayan na higit kailanman ay mas nangangailangan ngayon ng pinakamurang lakas-paggawa bunsod ng matinding krisis sa pandaigdigang ekonomiya. Muli ring tumampok ang Budget cut sa serbisyong panlipunan bilang tatak ng pagpapakatuta sa neoliberalismo ng bagong administrasyong Aquino. Bahagi ito sa pagtutulak ni Aquino sa kanyang programang Public-Private Partnership. Binawasan ng malaki ang pondo ng mga pampublikong ospital, serbisyo sa mga migrante, proyektong pabahay para sa mga maralita, at pondo para sa mga unibersidad at kolehiyong pinatatakbo ng gobyerno. Hindi itinago ng gobyernong Aquino ang kanilang layunin – itulak ang mga ospital, unibersidad at iba pa na magpalitaw ng sarili nilang pondo sa anumang pamamaraan. Simple lang ang kahulugan nito, itulak ang mga ito sa kamay ng pribadong negosyo. Ngayong taon (2012) 50 State Universities and Colleges (SUCs) ang kinaltasan ng pondo. 58 SUCs ang binawasan ng pondo para sa pagpapasahod ng kani-kanilang mga guro at empleyado o Personal Services, at 45 SUCs naman ang binawasan ng pondong nakalaan para sa pagmimintina ng kanilang mga pasilidad o ang Maintenance and other Operating Expenses. Sa loob ng limang taon umaabot sa mahigit 9 na bilyong piso taon-taon ang abereyds ng kakulangan sa pondong inilalaan ng gobyerno para sa edukasyon. Bunsod ng taunan at malakihang kaltas sa pondo, bumaba naman ang world standing sa Quacquarelli Symonds World University Standings ng University of the Philippines, mula 314 noong 2010 tungong 332 sa 2011.
14 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
Sa kabila na minamandato ng ating konstitusyon na ilaan sa edukasyon ang pinakamataas na prayoridad sa pagpopondo (Article XIV, Section 5: “The State shall assign the highest budgetary priority to education …”), hindi ito nagaganap dahil sa awtomatikong paglalaan ng pera para sa pambayad ng utang-panlabas (40% ng badyet) o ang Foreign Debt Servicing, at prayoritisasyon sa pagpopondo sa militar. At kahit nga buong pagmamayabang na inihayag ni Aquino sa kanyang ikatlong SONA ang diumanoy malaking dagdag sa badyet sa edukasyon, kabilang ang 44% pagtataas sa badyet ng SUCs, malalantad lamang na walang pinag-iba ang kanyang mga polisiya mula sa mga polisiya ng nagdaang rehimen mula pa kay Marcos. Sa kanyang Roadmap to Higher Education Reform 2011-2016, makikitang ang ipinagmalaking dagdag ay itutuon lamang sa kanilang tinatawag na “marketable courses,” o ang mga vocational at technical courses, habang mananatiling kapos o walang badyet para sa mga “nonmarketable courses” kung saan kabilang ang social sciences at arts courses o mga kursong may kinalaman sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomya katulad ng agrikultura. Hindi rin lahat ng paaralan ay magkakaroon ng karagdagang pondo. Tanging 22 paaralan sa 110 SUCs ang magkakaroon ng dagdag. Mananatili na ang kalakhan ng mga paaralan ay walang badyet para sa Capital Outlay o pagpapagawa ng mga bagong building at klasrum, at kapos na pondo para sa Maintenance and other Operating Expenses (MOOE). Malayo ang P37.13 bilyon na inilaan para SUCs sa 2013 National Budget sa hinihinging P53 bilyon ng mga SUCs. Malayo rin ang P297 bilyon na DepEd budget sa hiningi nitong P338 bilyon. Kung pagsasamahin, malayo ito sa ipinapanukala ng United Nations na pondo para sa edukasyon na nagkakahalaga ng 6% ng gross domestic product ng isang bansa. Kaya’t magkaroon man ng dagdag na badyet mananatili pa rin ang kaliwa’t kanang dagdag bayarin, mataas na matrikula, income generating projects, at pagpasok ng mga kapitalista na dudulo sa pagsasapribado ng mga paaralan.
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 15
Dagdag pa rito, itutulak ni Aquino ang mga SUCs na gayahin ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) ng UP sa kani-kanilang mga paaralan bilang episyenteng pamamaraan ng pagkalap ng pondo at pagpasa ng responsibilidad sa pagpapaaral. Ihinahanda rin nito ang mga paaralan para bilhin ng mga korporasyon sa ilalim ng PPP tulad ng kung paano itinuring ng pamahalaan ang pagbebenta sa MRT at sa 26 na pampublikong ospital sa buong bansa. Inihanda na rin ng rehimeng US-Aquino ang “rationalization plan” ng mga SUCs kung saan ang mas maliliit na SUCs ay tuluyan ng bibitawan ng gobyerno upang diumano’y makapagbigay-diin ito sa mga SUCs na mas mahusay ang performance at nakatutok sa kinakailangang mga kurso. Ang mayorya ng mga SUCs na di-papalaring mapapasama sa listahan ng gobyerno ay gagawing pribado habang ang ilan pa ay ita-transporma naman bilang mga Government-Owned Companies and Corporations (GOCC) katulad nga ng naunang ginawa ng administrasyon sa mga ospital. Nagsisilbi ngayon ang gobyerno hindi bilang taga-siguro na nakakapag-aral ang mamamayan nito kundi bilang taga-siguro na namamaksimisa ng malalaking kapitalista ang larangan ng edukasyon bilang negosyo Kung pakikinggan ang retorika ng gobyerno, ang pagpasok ng pribadong sektor sa usapin ng pagpapatakbo ng mga pampublikong paaralan ang siyang magluluwal ng kinakailangang rekurso upang tugunan ang mga kakulangan sa mga ito. Prini-presenta rin na aanihin dito ng kabataan ang benepisyo ng mas mataas na kalidad ng edukasyon at “competitiveness” ng mga institusyong ito. Ngunit taliwas sa retorika ang realidad at aktwal na resulta ng ganitong iskema. Ang lantarang pag-abandona ng gobyerno sa tungkulin nito na pagaralin ang kanyang mamamayan ay nangahulugan lamang ng pagsasara ng pintuan ng mga institusyong ito sa mayorya ng populasyon. Ang realidad, kinandado na ng komersalisasyon at pribatisasyon ang pintuan ng mga institusyong nagpapa-asa sa kanila na sa pagpasok sa mga ito ay maabot nila ang pangarap na pag-alpas sa tanikala ng kanilang kahirapan.
16 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
Agad na nagbunsod ang pagbabawas ng pondo mula sa pamahalaan ng pagtataas at pagdaragdag ng mga bayarin sa mga pampublikong paaralan. Nagkandarapa ang mga SUCs sa pagpapasulpot ng mga bagong masisingil upang punan ang pondong hindi na nila matatanggap mula sa pambansang badyet. Sa kasalukuyan, umaabot sa 2/3 ng kabuuang rekursong napapalilitaw ng mga SUCs ay nanggagaling na sa mga bayaring sinisingil sa mga mag-aaral. Nagsulputan ang mga miscellaneous fees na sumisingil ng kung anu-ano tulad ng Development fee at Energy fee. Sinimulan din ng ilang paaralan ang pagbebenta o pagpaparenta ng kanilang mga lupain at pasilidad sa mga negosyante’t korporasyon upang magkaroon ng dagdag na kita. Naging karaniwan na ngang tanawin ang pagdidibelop sa mga kampus ng mga call center hub, tourist spots, shopping center at iba pa. Kung magiging ganap ang pagiging GOCC ng ilang SUCs, paghahabol ng kita ang pangunahing magiging oryentasyon ng mga ito. Sa halip na nilalaanan ng pondo, ito mismo ang magpapasok ng kita sa gobyerno sa pamamagitan ng paniningil ng matrikula at iba pang bayarin. Sa madaling salita, buburahin nito ang lahat ng katangiang pampubliko ng mga paaralang pinatatakbo ng gobyerno. Sang-ayon sa kanilang disenyo, wala na itong ipagkakaiba sa mga pribadong unibersidad at pamantasan. Dahil nga sa ganitong iskema, mahigit 70% ng mga mag-aaral ang napipilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kawalang-kakayahang harapin ang mga bagong ipinapataw na bayarin. Sinuhayan ng ganitong pakikitungo ng pamahalaan sa pampublikong paaaralan ang higit at lantarang pagkamal ng sobrang tubo sa panig naman ng mga pribadong paaralan. Walang pangil at nakayuko sa kagustuhan ng mga ito ang Commission on Higher Education (CHEd), na simpleng taga-tatak na lamang ang opisina sa bawat kagustuhan ng mga paaralan na magtaas at magdadag ng mga bayarin. Sa bisa ng CHEd Memorandum 13 Series of 1998 ang mga “konsultasyon” sa pagtataas ng matrikula ay ginaganap na lamang upang ipagbigay alam sa mga mag-aaral na may magaganap na pagtataas. Wala ring kapasidad ang CHEd maging sa pagharang ng pagdaragdag sa
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 17
miscellaneous fees ng mga paaralan na siyang ginagamit ng mga ito upang lalong palobohin ang kanilang sinisingil sa mga mag-aaral. Sa kadalasay kung anu-ano na lamang ang sinisingil, halimbawa nito ay ang Spiritual Development Fee at Power Plant Development Fee. Talamak din ang mga magkakaparehong bayarin na may ibat-ibang pangalan tulad ng Sports Fee at Athletics Fee na sabay sinisingil. Samakatuwid, ang pamahalaan mismo ang nagtatanggal ng kanyang kontrol sa mga ito sa pamamagitan ng paggagawad ng Deregulated o Autonomous Status. Ang mga paaralang nagawaran ng ganitong katayuan ay mas magiging independyente mula sa regulasyon ng CHEd at mas malaya sa pagpapatupad ng kani-kaniyang polisiya kabilang ang pagtataas ng bayarin. Sa pamamagitan ng Institutional Quality Assurance Monitoring and Evaluation (IQuAME), na bahagi ng sistema ng akreditasyon, nabibigyan ng ganitong katayuan ang mga paaralan sa ngalan ng pagpapanatili ng diumano’y mataas na kalidad ng kanilang edukasyon. Ngunit sa katotohanan, hindi nangangahulugan ng pagtataas sa kalidad ang pagtataas sa bayarin. Sa pag-aaral mismo ng CHED, sinasabi nito na 100 lamang sa 1,831 kolehiyo at unibersidad sa bansa ang may sapat na pasilidad. Samantala, nananatili ring mababa ang passing rate sa mga licensure exams na umaabot lamang ng 34%. Ang napapanatiling mataas ay ang tantos ng tubo ng mga paaralang ito. Sa loob ng anim na taon aabot sa P15.43 bilyon ang kinamal ng limang paaralang may pinaka-malaking kinita. Kabilang sa top 1000 corporations ng bansa ang Mapua Institute of Technology, Centro Escolar University, University of the East, Far Eastern University at Manila Central University. Tuloy-tuloy nga ang pasok ng tubo sa mga pribadong paaralan laluna’t walang kapasidad at kapasyahan ang pamahalaan na harangin ang pagtataas sa matrikula. Dahil sa paglaki ng mga bayarin, nagdi-desisyong lumipat ang lumalaking bilang ng mag-aaral mula sa mga pribado tungo sa mga pampublikong paaralan sa pag-asang dito ay maipagpapatuloy nila ang kanilang pangarap na magkamit ng diploma. Ngunit sa kasawiang-palad, haharapin din nila dito
18 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
ang katotohanang ang edukasyon sa ilalim ng kasalukuyang sistema ay isa ng pribilehiyo at hindi karapatan. Kaya’t buong husay mang bihisan ang sarili sa pamamagitan ng mistulang maka-masang retorika, hindi maitatago ni Aquino ang labis niyang pagkatuta sa interes ng dayuhan at malalaking kapitalista. Inilantad nga ito ng kanyang buong pagmamalaking paglalahad ng pagka-interes sa atin ng mga malalaking bansa gaya ng US at mga kapitalistang bansa sa Europa, at na tayo ay inienganyo nila na buksan ang ating bayan para sa kanilang investment. Kaya nga’t ganun na lamang ang pagmamadali sa Charter Change ng rehimeng Aquino upang mapabilang ang bansa sa Trans-Pacific Partnership o TPP na ibinibwelo ng imperyalismong US. Ang TPP ay isang neoliberal na kasunduang naglalayong higit pang ibubuyangyang ng mga bansa ang sarili sa pagpasok ng mga produkto at korporasyon, pagtanggal sa taripa at iba pang patakaran ng liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan. Tatanggalin ng Cha-Cha ang anumang probisyon ng Saligang Batas na nagtatanggol sa nalalabing soberanyang mayroon ang bansa. Ilan sa mga nais baguhin sa konstitusyon ay ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga dayuhan sa pag-aari, nangangahulugan ito ng 100% pagmamay-ari ng lupa, iba pang ari-arian at negosyo. Nais ding ipasok ang mga amyenda na magbibigaydaan sa muling pagtatayo at pagmamantine ng mga dayuhang pasilidad o base militar at malayang pagpasok ng mga armas-nukleyar. Hindi ligtas ang edukasyon sa ganitong pagbubukas sa pagpasok ng higit pang bilang ng mga dayuhang korporasyon sa bansa kapag naipatupad ang Cha-Cha at TPP ng rehimeng US-Aquino. Kahit ang mga dayuhang mamumuhunan ay maaari nang magmay-ari ng mga paaralan para sa higit pang pagpapalala sa kolonyal, komersyal at reaksyunaryong sistema ng edukasyon sa bansa. Sa pamamagitan ng K+12, budget cuts, transpormasyon ng mga SUCs bilang korporasyon at reduksyon ng bilang ng mga ito at iba pang polisiya aabutin ng rehimeng US-Aquino ang neoliberal na agenda nito sa edukasyon. Sang-ayon nga sa agendang ito lubos nang bibitiw sa pagpopondo sa tersyaryong edukasyon ang pamahalaan dahil halos magiging eksklusibo na nga ito para sa may-kayang mag-aaral. Ang pagtuntong sa kolehiyo ay isang luho na lamang na bukas lamang sa kayang bumili nito. Sa hinaharap matutung-
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 19
hayan natin ang walang sing-bilis na pagsasapribado sa mga SUCs at higit na mas mabilis pang pagtataas ng bayarin sa mga pribadong institusyon. Hindi rin mapipigilan ang raragasang agos ng komersalisasyon sa elementarya at sekondaryong edukasyon kasabay ng paglipat ng diin dito ng mga pribadong paaralan na magpapaliksahan sa pagprodyus ng mga manggagawang semiskilled. Mula dito nakikita na agad ang tunay na intensyon, higit na paghigpit ng kapit sa neokolonyal na katangian ng edukasyon at ng lipunan sa kabuuan. Ang bulok na edukasyong kolonyal na matagal nang nagwaksi sa paghuhulma ng mga kabataang may kritikal na pag-iisip, may kamalayang panlipunan at patriyotiko ay lalo pang bubulukin sa labis na pagkakahon ngayon ng akademiya sa makitid na pangangailangan ng mga dayuhang namumuhunan. Sa pagbabaybay na ito sa mga polisiya ng pamahalaan sa edukasyon bumubungad ang kongklusyon na hindi lamang bulok ang edukasyon sa bansa dahil sa mga lantad na kabulukan sa mga pisikal nitong mga istruktura, hindi lamang ito bulok dahil sa sira-sirang klasrum at upuan o dahil sa nabibiyak na mga pader at bumabagsak na kesame ng mga silid-aralan. Bulok ito dahil naglilingkod lamang ito sa interes ng mga lokal na naghaharing-uri at amo nilang dayuhang imperyalista. Bulok ito dahil pina-iiral ito sa balangkas ng neoliberal na polisiyang pabor lamang sa monopolyong kapital. Bulok ito dahil ito ay kolonyal at komersiyal. Sa ngayon nakiiral lamang ang ganitong klase ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng mahigpit, at sa kadalasay mapanupil, na pagpapatakbo sa mga paaralan. Ang papel ng edukasyon sa paghubog at pagkontrol sa kaisipan ng mamamayan ay ginagamit ng walang kasing-bangis upang alipinin at panatilihing nakagapos ang mamamayan. Ibinabandila at dinadakila sa mga institusyon ang kaisipang indibidwalistiko, konsumerista at makadayuhan, habang sinusupil ang anumang hibo ng pagiging makabayan at kaisipang nagtataguyod sa pagbabagong panlipunan. Sa halip na ituro sa mga mamamayan ang kolektibong pagpapakahusay para sa pambansang
20 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
pagpapaunlad, hinuhubog nito ang mga elitistang nangangarap lamang para sa sarili at nagsisikap lamang para sa pagkakamit ng indibidwal na pag-unlad, mga taong hiwalay sa lipunan, nag-aaral, nangangarap at umiiral para sa sarili lamang. Itinatago nito sa kanila ang katotohanan na sila ay mananatiling gapos sa kahirapan hangga’t dominado ang lipunan ng naghaharing iilan, ng dayuhan at ng kanilang kapital. Ito ang aspetong reaksyunaryo ng kasalukuyang sistema ng edukasyon. Kung gayon ang halaga ng edukasyon ay nakabatay sa kung papaano nito huhubugin ang indibidwal upang maging mahusay na tagapagtaguyod ng lipunang dominado ng mga dayuhan. Samakatuwid, sinusukat ang bawat bagong gradweyt sa kung gaano ito kahusay na makapagsisilbi sa interes ng malalaking negosyo. Ang anumang paglayo sa ganitong oryentasyon, ang anumang hibo ng pagka-progresibo, ng pagsuway sa umiiral na status quo, ang pagiging kritikal sa realidad ay hinaharap ng mapaniil na reaksyon. Tampok nga sa bawat kurikulum na iniisponsor ng mga dayuhang pampinansyang institusyon ang pagpapaliit hanggang sa pagpawi ng mga araling nagdidiin sa diskursong panlipunan, sa pag-aaral ng kasaysayan at patriyotismo, at sa pagtataguyod ng pagbabago. Ipinangangalandakan na higit na mahalaga sa mga ito, samakatuwid ang siyang mahalaga lamang ay ang mga araling teknikal at praktikal. At ang anumang paghahangad na lumaya sa ganitong kaisipan ay pinatitikim ng pasismo. Ang mga pagsali sa mga organisasyong makabayan at progresibo at pagsama sa kanilang mga aktibidad tulad ng mga kilos protesta ay ipinagbabawal, isinasaad nga mismo sa mga student handbook ng mayorya ng paaralan na katumbas ng suspensyon o expulsion ang paglabag sa panuntunan nilang ito. Noong 2006, kinumpiska ang mga ID ng mga estudyante ng Centro Escolar University na lumahok sa black ribbon wearing laban sa pagtataas ng matrikula. Kinasuhan naman ang mga estudyante ng University of Sto. Tomas na lumahok sa kilos protesta laban din sa tuition increase. Ang tawag sa mga makabayan, progresibo at militanteng mga organisasyon ng ilang paaralan ay “rogue organizations.”
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 21
Ang kritikal na pamamahayag ay pinatatahimik. Sinampahan ng kasong libel ang punong patnugot ng Outcrop, ang pahayagang mag-aaral ng University of the Philippines-Baguio. Ang Dawn ng University of the East ay umabot sa antas na halos ito ay napasara na at sinampahan din ng kasong libel dahil sa isang lampoon issue na naglalantad ng mga kabulukan ng paaralan. Ang buong staff ng Quezon City Polytechnic University Monthly Quest ay pinatalsik matapos silang maglabas ng artikulo hinggil sa sistemang panlipunan at pagtanggi sa paglalagay ng advertisement ng kanilang paaralan sa kanilang dyaryo. Lalo pa itong pinalala ng Campus Journalism Act of 1991 na kadalasa’t ginagamit ng mga paaralan upang supilin ang mga pahayagang pangkampus. Sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, nakasaad sa kanilang student handbook na may kaukulang parusa sa mga estudyante na maglalabas sa internet at mga social networking sites ng anumang pahayag, artikulo at iba pa na “sumisira” sa pangalan ng PLMun. Ang mga demokratikong konseho ay pinapalitan ng mga taga-suporta’t taga-sigaw ng interes ng mga edukador-kapitalista. Sa Adamson University, hindi dumadaan sa botohan ng lahat ng estudyante ang pagpili sa uupo sa konseho. Tanging mga pangulo ng bawat organisasyon ang may kapangyarihang makaboto at ang sinumang mapipili bilang pangulo ng konseho ay haharap sa presidente ng Adamson, na siya namang may kapangyarihang mag-apruba sa kanyang pagkapanalo o palitan siya. Ang Liberal Party, na siyang partido ni Aquino, ay lantaran na ngang sumasawsaw sa pamumunong pangmag-aaral sa pamamagitan ng pagpapasapi sa Liberal at pag-isponsor sa mga partido ng mag-aaral. Sa UP-Diliman ay halos mapatay ang kilalang lider-estudyanteng si Lordei Hina sa loob mismo ng University Student Council office. Ang ibang mga paaralan ay walang konseho na tatayo sana upang magtanggol sa interes ng mga mag-aaral. Kahit ang mga polisiya ng paaralan at mga student handbook ay makinarya upang hubugin ang mga estudyante bilang mga manggagawa o propesyunal na walang imik, hindi sumusuway at hindi nagtatanong kung saan magiging mas lalong bulnerable ang mga magiging produkto ng K+12 dahil lalaki sila sa mga paaralang walang puwang ang paghahamon sa mga nakatataas.
22 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
Ilan pang naging mga karanasan ukol dito ay ang no long hair policy sa University of the East, pagbabawal sa mga taong may piniling kasarian o kabilang sa LGBT community sa University of Sto. Tomas. Laganap ngayon ang militarisasyon sa mga kampus at hindi iilan ang naging biktima na ng karahasan. Hinihikayat maging ang kapwa mag-aaral na kumilos laban sa kapwa mag-aaral sa pamamagitan ng pagrerekruta sa kanila sa mga student intelligence networks na pinangangasiwaan ng mga naka-baseng militar. Tinatakot, dinudukot at pinapaslang ang mga lider-estudyanteng kritikal sa mga usaping mag-aaral. Hinahabla o pinatatalsik ang mga mamamahayag pang-kampus na naglalathala ng mga pagsusuring maka-mamamayan at maka-mag-aaral. Itinuturing na ang pagtutol sa pagtataas ng matrikula ay gawaing terorista at ang pagsasalita para sa karapatan sa edukasyon bilang subersibong ahitasyon, higit itong matindi lalo pa’t tumatagos hanggang sa mga paaralan ang mga kontra-insurhensyang programa tulad ng Oplan Bayanihan na nakabalangkas sa Counter Insurgency Guide ng Estados Unidos. Nakapagtatala na nga tayo ng mga kaso ng matinding paglabag sa karapatang-pantao gaya na lamang ng nangyari kay Prof. Jose Maria Cui ng University of Eastern Philippines na binaril sa loob ng classroom sa harap ng kanyang mga estudyante. Binubuo nito ang konsepto ng pagkatakot sa mga tao at institusyon na may higit na karunungan, konseptong pinairal mula pa noong mga prayle ang tumatayong mga guro hanggang sa kasalukuyan. Muli tayong babalik sa punto na ang edukasyon ay isang mahalagang armas sa pagpapatahimik ng mamamayan. Sa kasalukuyan ang panunupil na ito ay inilulunsad pangunahin ng mga naghaharing-uring malaking komprador burges at panginoong maylupa. Panunupil ito para sa pagpapanatili ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Pinagtitibay at binibigyang katwiran sa loob ng paaralan ang dimakatarungang pangingibabaw sa social structure ng iilan. Ang pagpapanatili sa ganitong bulok na katangian ng edukasyon ay esensyal na bahagi ng pagpapanatili ng nabubulok na kaayusang panlipunan.
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 23
PAGBUBUOD
M
alinaw nang ipinakita na hindi nakapag-dulot ng pag-unlad sa sistema ng edukasyon ang alinman sa mga programa at polisiyang ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang rehimen. Sa kabila na ibinubuladas na nakabalangkas ang mga programang ito para sa pagpapaunlad ng ekonomiya, ipinapakita ng mga datos ang realidad na papalala ang kalagayan ng buhay ng mamamayan. Umaabot sa mahigit 11 milyon ang walang trabaho, habang ang 80% naman ng mayroong trabaho ay kumikita lamang ng di hihigit sa P104 kada araw. Habang paulit-ulit na sinasabing nakatuon sa pag-unlad ng kalagayan ng mamamayan ang bawat reporma patuloy pa rin na dumaranas ang mayorya ng papatinding kahirapan at kawalan ng oportunidad sa pag-unlad. Itinatampok ang ilusyon na sa pamamagitan ng pag-aaral makaka-alpas ang bawat naghihikahos sa gapos ng kahirapan subalit nananatili naman itong ilusyon sa gitna ng matinding pamamayagpag ng elitistang edukasyon. 14 lamang sa bawat mag-aaral sa unang baitang ang siyang sa wakas ay makakahawak ng inaasam na diploma. Ang iba pa ay mauuwi na lamang sa pangangarap na sana’y mayroon sila ng sapat na salapi upang ipambili ng mahal na pag-aaral. Ang Neoliberal na ideolohiyang isinaksak ng US at sinunod ng bawat tutang rehimen ay nagdulot lamang ng matinding trahedya sa mamamayan. Hindi naganap ang ipinangangalandakan nilang pag-unlad para sa nakararami at pagbibigay ng oportunidad para sa lahat. Samakatuwid, higit na nakonsentra ang yaman sa kamay ng iilan, habang naiwan sa patuloy na pagdarahop at pambubusabos ang mayorya na siyang nagluwal ng kayamanang ito. Ang mga paaralan na sana’y tagpuan ng malayang pag-iisip na maglilingkod sa pag-unlad ng bayan ay naging mga kulungang nagpipiit sa pinaka-matatalino ng ating henerasyon upang maging alipin ng kapital. Higit na interesado sa pagpapanitili ng ganitong sistema ay ang imperyalismong US na siyang nagpapataw ngayon ng kanilang mapamwersang paghahari sa bansa, ito, higit sa anupamang pwersang panlipunan, ang pangunahing gaganansya ng malaki sa pagpapatupad ng mga programang magsasanay ng bagong mga manggagawa at bagong yamang-intelektwal na bubuhay sa sistemang mapagsamantala. 24 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
IV. ANG PANGANGAILANGAN NG REBOLUSYONG KULTURAL PARA SA PAGPAPALAYA NG EDUKASYON
H
indi na kung gayon maitatangi na ang radikal na pagbabago lamang sa sistema ng edukasyon, at ng lipunan sa kabuuan, ang magbibigay ng tunay na maliwanag na kinabukasan sa kabataan. Nangangailangan na ito ay palayain mula sa gapos ng dayuhang ginagamit ito para sa kanilang interes. Sa pamamagitan lamang nito mapapalaya ang isipan ng akademiya, ng kabataan at ng mamamayan. Sa pamamagitan lamang nito mapapalaya ang kamalayan ng mamamayan tungo sa pagsasakatuparan ng tunay na pagbabago. Sa pagbabalik-tanaw natin sa kasaysayan ng edukasyong mapanupil, hindi dapat kaligtaan ang iniluwal nitong paglaban na inilunsad ng mamamayan. Sa panahon ng kolonyalistang Espanyol hindi matatawaran ang inilunsad na kontra-opensibang kultural nina Jose Rizal at iba pang intelektwal sa kilusang propaganda. Binigyang ekspresyon sa bawat nilang lathalain ang pagkasuklam ng mamamayan sa matinding pagpapahirap na ipiraranas sa kanila ng mga mananakop at ang kanilang pag-aasam sa paglaya mula rito. Itinaas naman ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio sa rebolusyonaryong kamalayaan ang paghulagpos ng diwang mapanlaban at makabayang nag-aalab na sa mamamayan. Sa panahon ng neokolonyalismong Amerikano, bumangon sa gitna ng agos ng matinding
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 25
opensiba sa ekonomiya, pulitika at kultura ang diwang makabayan ni Claro M. Recto. Pinag-alab naman ito sa isang daluyong nilikha ng ikalawang dakilang kilusang propagandang inilunsad ng Kabataang Makabayan (KM). Gamit ang materyalismong diyalektiko, malalim na sinuri ni Jose Ma. Sison, pangunahing propagandista ng KM, ang krisis ng lipunang Pilipino, ang mga tunggalian ng uri sa loob nito at inilahad ang rebolusyonaryong solusyon dito. Dinala ng kilusang propagandang ito sa bago at mas mataas na antas ang diskurso at praktika ng pakikitunggali sa dayuhang kumukubkob sa bansa. Ang rebolusyong kultura ng ating panahon ay karugtong ng mga paglabang ito. Sa rebolusyong ito kinakailangang muling pukawin ang diwa ng nasyunalismo ng bawat kabataang Pilipino. Nangangailangang simulang muli ang debate sa loob at labas ng akademiya. Ilantad kung paanong sa kasalukuyan ay nananatili tayong nakagapos sa paghahari ng dayuhan. Ilantad kung paanong ginagamit ang sistema ng edukasyon upang pagsamantalahan ang mamamayan at gamitin ang bawat isang mag-aaral, guro at propesyunal upang maging bahagi ng pagsasamantalang ito. Hamunin ang umiiral na sistema sa pamantayan ng paglilingkod sa sambayanan at pag-unlad ng bayan. Huwag hayaang ang mga paaralan ay manatiling monopolisado ng bangakaroteng ideolohiyang neoliberal, bagkus gawin itong larangan ng tunggalian at talastasan para sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng mas maraming kabataan at pag-aabante ng progresibo at pambansa demokratikong kamulatan. Sa rebolusyong pangkulturang ito itatangkilik natin ang edukasyong makabayan, siyentipiko at pang-masa. Sa diwang ito natin iaabante ang ating mga panawagan para sa makabuluhan at malalim na reporma sa bangkaroteng umiiral na sistema. Itinatangkilik natin ang edukasyong makabayan. Ito dapat ay tumutugon sa pangangailangan ng ating bansa at adhikain ng mamamayan. Nagtataguyod sa pambansang soberanya at nagtatak-
26 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
wil sa paghahari ng dayuhan na siyang huhubog sa tunay na identidad ng pagka-Pilipino. Bibigyang-diin ang mga kursong kinakailangan sa pagtataguyod ng mga lokal na industiya, pagtataas ng praktika sa agrikultura at iyong magtataguyod sa kabuuan at sustenableng pag-unlad. Itinatangkilik natin ang edukasyong siyentipiko. Iwinawaksi nito ang mga pyudal at lumang kaisipan, superstisyon at suhetibismo. Pinauunlad ang kaalamang naka-batay sa siyentipikong pananaliksik at mga obhetibong batayan. Hinihikayat ang maunlad na palitan ng ideya, kritikal at aktibong diskurso at nag-aambag sa pagsulong ng pambansang industriya. Itinatangkilik natin ang edukasyong pang-masa. Kinikilala nito na ang edukasyon ay karapatan ng lahat. Ang lahat ng mamamayan, anumang uri sa lipunan, edad, kasarian o lahi ay dapat makapag-aral ng libre. Samantala, ilalantad at lalabanan natin sa bawat pagkakataon ang mga neoliberal na polisiyang isinusulong ng naghaharing rehimen. Nararapat na tutulan at labanan ang taunang pagkakaltas sa pondo para sa serbisyong panlipunan kabilang ang edukasyon. Ang nararapat na parte ng pambansang pondo ay dapat ilagak para gawing mura, kung hindi man libre, ang pag-aaral. Alinsunod ito sa pagkilala na ang edukasyon ay isang unibersal na karapatan. Wasto ang pananawagan ng EDUKASYON PARA SA LAHAT habang tuloytuloy na ipinaglalaban ang makabuluhan at batayang mga reporma sa sistema. Wasto rin, sa diwang ito, na labanan ang pagtataas ng mga bayarin at ang elitistang edukasyong naniningil ng labis sa magaaral. Kailangang lamang na kilalanin na ang pagsisikap na baguhin ang sistema ng edukasyon ay nakakabit sa pagsisikap na baguhin ang lipunang nag-anak nito. Ang pagsisikap para kamtin ang radikal
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 27
na pagbabago sa edukasyon na itinataguyod ng naghaharing iilan ay bahagi ng pagsisikap para kamtin ang radikal na pagbabago sa lipunang pinaghaharian ng iilan. At upang lubusang makalaya ang isipan ng kabataan mula sa kulungan ng kolonyal, komersiyal at reaksyunaryong paaralan kinakailangan din na kilalanin ng bawat isa na ang tunay na kaalaman ay nagmumula lamang sa praktika at sa paglubog sa batayang masa – sa mga pabrika at kanayunan. Hanggat nakakulong ang mga magaaral sa apat na sulok ng klasrum, sa pakikinig lamang sa mga mapanlinlang na abstraktong teoryang hindi naman nila naisasapraktika, mananatili silang nakagapos at bulag sa kasinungalingan nito. Sa paglabas dito matutuklasan ng bawat mag-aaral ang kayamanan ng aral mula sa praktika at pakikibaka ng masa – ang siyang tunay na pwersa sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan. Sa paglabas sa apat na sulok ng klasrum, hinihikayat natin ang pagkakaroon ng kabataan ng kritikal na pagsusuri at kamalayang panlipunan, hinihikayat natin ang aktibong pakiki-alam sa mga usaping mahalaga sa mamamayan at hindi ang maging tila mga makina pinaandar ng dikta, nakiki-alam lamang sa makipot na pansariling mundong kanilang ginagalawan. Natututo silang magtanong at maghanap ng sagot sa mapanuring pamamaraan, higit pa natututo silang hanapin ang sagot sa kinasasadlakang kahirapan ng mayorya ng mamamayan. Ang radikal na pag-alpas na ito sa pamamagitan ng rebolusyong kultural, ang siyang isang napakahalagang salik sa pagbubunsod ng lahatang-panig na pagbabago sa lipunan, ng paglaya sa kamay ng dayuhan, ng pagkakamit ng tunay na demokrasya. Sa buong mundo hinahamon ng kabataan ang umiiral na sistemang umaatake sa kanilang mga karapatan. Milyun-milyon na ang lumalahok sa bawat protestang nananawagan na bigyang prayoridad ang serbisyo sa edukasyon. Sa bawat pagtatangka ng mga gobyernong kaltasan ang pondo para sa edukasyon maagap na tumutugon
28 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
ng protesta at paglaban ang kabataan upang hadlangan ito. Mulat na nilang tinutukoy ang papel ng imperyalismo sa pagtutulak ng mga anti-mamamayan at maka-kapitalistang polisiya ng pribatisasyon, deregulasyon at globalisasyon. At mulat ring silang naghahapag ng mga alternatiba, hindi lamang sa programang pang-edukasyon, maging sa buong umiiral na bulok na sistemang panlipunan. May mga bansang matagumpay ang karanasan sa pagsusulong ng edukasyong naglilingkod sa mamamayan kagaya na lamang sa bansang Cuba. Naglalagak ng napakataas na pondo ng pamahalaan para sa mga pangangailangan ng sektor ng pang-edukasyon. Para sa taong 2011-2012, naglaan ang Cuba ng $5.8 milyon para sa kagamitan sa pagtuturo, $205,000 para sa pagbili ng mga globo, $23, 200 ang inilaan sa bawat kagamitan para sa Physics, Chemistry at Biology. Nakapagpaluwal din ang nasabing bansa ng 43 milyon na notebook, 17 milyon na libro at workbook at 3.8 milyon na mga uniporme. Bukod pa rito, Cuba ang may pinakamataas na literacy rate sa buong mundo sa kabila ng panunupil ng imperyalismong US dito. Kabilang din sa may pinakamataas na literacy rate sa buong mundo ay ang Democratic People’s Republic of Korea o Hilagang Korea, kung saan kinikilala at sinusuportahan ng angkop na batas at polisiya ang libreng edukasyon sa batayan at sekundaryong antas. Ang Cuba at North Korea ay mga bansang kapwa anti-imperyalista at nagsusulong ng pambansang patrimonya. Sa mga nakaraan, ipinamalas natin ang lakas ng nagkakaisang kabataan at mamamayan ng inilantad at nilabanan natin ang ibat-ibang mga programang anti-mamamayan at anti-mag-aaral. Noong nakaraang taon ikinasa natin ang isang kilusang protestang tumuligsa sa pagkaltas ng malaki sa pondo para sa serbisyong panlipunan. Walk-outs, boykoteyo, camp-out ang ating isinagot sa kontra-mamamayang hakbang ng rehimen. Libu-libong kabataan, magaaral, guro at empleyado ang lumahok sa bawat protesta. Inilantad
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 29
nito ang rehimeng nag-aastang maka-mamamayan at repormista. Sa panahon ngayon na mas mabangis ang hakbang ng mga nasa kapangyarihan sa pag-agaw sa atin ng ating karapatan kinakailangan na mas matapang tayong lumaban. Isanib natin ang ating pakikibaka para sa edukasyon sa kabuuang pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang demokrasya. Isulong ang isang kilusan ng mga kabataang may diwang makabayan! Nasusuklam ang mayorya sa kawalan ng pagbabago at tuluyan silang nawawalan ng pag-asa sa sistemang umiiral, bigyang linaw natin sa kanila ang mga salik ng kanilang pagka-alipin, ituro natin sa kanila ang sanhi at lunas sa kanilang pagka-api at kahirapan, habang tayo ay natututo sa aral ng kanilang araw-araw na pakikibaka.
30 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON
PALAYAIN ANG ISIPAN MULA SA GAPOS NG EDUKASYONG KOLONYAL, KOMERSIYAL AT REAKSYUNARYO. MATUTO SA MASA AT PAGLINGKURAN SILA! ILANTAD ANG NEO-LIBERAL NA MGA PAKANA AT PATAKARAN SA EDUKASYON! PALAYAIN ANG EDUKASYON! BAGUHIN ANG SISTEMA!
HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON | 31
32 | HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA SISTEMA NG EDUKASYON