1
EPEKTO NG ROBOTIKS SA MGA ESTUDYANTE -Jimbooh P. Como - Jyno Christian Andrei C. Bauan -Ghio Jess John Perez
2 KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Sa kabanatang ito, binigyang linaw ng mga mananaliksik ang mga ideya at kaalaman ukol sa pananaliksik nai sinasagawa. Natalakay din ang mga layunin at kahalagan ng pag-aaral na ito. Maging ang saklaw, limitasyon at depinisyon ng ilang mga di-kilalang termonolihya ay natalakay din sa kabanatang ito.
I.
Introduksyon ―I believe that at the end of the century the use of words and the general educated opinion will have altered so much that one will be able to speak of machines thinking without expecting to be contradicted.‖ -Alan Mathison Turing, 1937 Sa sinabing ito ni Turing, naisip niya ang pagkakaroon ng makabagong paraan ng pamumuhay sa tulong ng mga makinarya. Kung gayon,
maaari
ngang
magdulot
ng
magagandang
epekto
ang
pagkakaroon ng mga robot. Subalit maari rin naming mag dulot ito ng dikaaya-ayang epekto sa ating lipunan. Maraming maaaring ipakahulugan sa salitang robotiks. Ito ay nagkakaiba-iba ayon sa persepsyon ng mga tao. Ang robotiks o robotika ay
ang
katawagan
sa teknolohiya ng
paggawa,
paggamit
at
pagpapaandar ng mga tau-tauhan, taumbakal o tau-tauhang bakal na kilala bilang mga robot. Para sa kabataan, ang robot ay isa lamang bahagi ng palabas sa telebisyon o sinehan. Subalit, sa kanilang paglaki, napapagtanto nilang ang mga robots ay bahagi ng ating kasaysayan. Kung ating sisisilipin ang ating kasaysayan, naimbento ang mga robots ilang taon na ang nakaraan. Ayon sa manunulat na si “Homer”, ang pagkakaroon ng mga makinang ginawa ni Hephaistus ay maihahalintulad sa mga golem ng mga
3 sinaunang ninuno ng mga Hudyo at sa mga robot na gawa sa clay na binuhay ng isang mawikang salita ayon sa alamat. Lubusang natuklasan ng mga tao ang robot noong kalagitnaan ng ikawalumpong siglo sa pamamagitan ng mga Sci-Fi Movies gaya ng “Starwars” kung saan nakilala ang mga robot na sina C3-PO at R2-D2 sa pagtulong sa mga tao. Ang isa sa mga pagbabagong unti-unting nagagawa ng mga robot ay ang pagkakaroon nila ng artipisyal na kaalaman. Sa ngayon lumalawak na ang kaalaman ng mga robot lalo sa mga industriya. Ang mga makina ngayon ay may kakayahan ng gumawa ng mga plano base sa kanilang napag-aralan. Sa tulong ng mga intelehenteng kompyuter ang mga robot ay nagagamit na rin sa pagtuklas ng mga bagay na hindi pa naabot ng sangkatauhan gaya ng kalawakan at iba pang planeta. Ginagamit ang mga robot sa pagtiyak ng hanay ng mga plante sa ating solar system, sa pag-detect ng mga bagyo at klima at marami pang iba. Isa
sa
pinakamalaking
naitulong
ng
robotiks
ay
ang
pagdedebelop ng sistemang maykroelektronikal, na ang sukat ay mula sentimentro hanggang milimetro. Ang mga maliliit na robot na ito ay may malaking tulong lalo na sa larangan ng medisina. Ginagamit na ngayon ang mga robot sa komplikadong paraan ng panggagamot gaya ng operasyon at therapies. Sa kasalukuyan, may mga robot na ginagamit para sa ikadadali ng iba’t ibang proseso ng industriya. Kung gayon, inaasahan na sa pag-unlad ng lipunan ay kaalinsabay din ng pag-unlad ng mga robot, hindi bilang instrument ng paggawa kundi bilang unibersal na bahagi ng lipunan. Layunin ng mga taong lumilikha ng robot na gayahin ang disenyo ng braso ng mga tao, ngunit mayroon din ilang pagkakaiba. Ang mga braso ng robot ay pwede ring gawin kung saan ito ay may kakayahang mag-bend tulad ng katawan ng isang elepante. Ang mga panhawak ay ginawa upang magaya ang papel at hitsura ng mga kamay ng isang tao.
4 Samanatalng bingiyang-kakayahan rin itong mag-isip na parag mga normal na tao upang magkaroon ng reyalidad ang pagkakabuo sa kanila. Ang robot na nilikha upang mapagalaw sa isang kapaligiran ay nangangailangan ng sensor, tulad ng ultrasonic sensors, upang maiwasan ang mga hadlang o problema sa pagkakalikha rito. Gaya ng mga robot, tulad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) planetary Rovers, ay nangangailangan ng sensors at makalidad na kompyuter upang
maproseso
iba’t
iba
at
halo-halong
impormasyon
upang
mapagalaw ito. Totoo ring disenyo ang mga robot na may gawaing kasama ang mga tao, tulad ng mga robot na tumutulong sa mga taong may kapansanan at mga robot na silang nagdadala ng mga pagkain ng mga pasyente sa mga ospital. Ang konsepto ng automatikong makina ay nagsimula noong matagal na panahon kasama ng mga paniniwala tungkol sa mekanikong nilalalang na maaaring magkaroon ng buhay. Ang parang taong makina na tinatawag na robot ay makikita rin sa mga orasan ng mga simbahan noong medieval period, noong ika-18 siglo. “Feedback Control Mechanism” ang ginamit sa mga sinaunang robot at ginagamit pa rin ito sa mapasahanggang nygayon. Isang halimbawa nito ay ang makinang ginagamit sa sakahan at pagpapatubig. Feedback control, ang pagapapunlad sa mga espesyal na kagamitan at ang paghahati-hati ng gawain na maaaring isagagawa ng manggagawa o makinarya, ay mahahalagang sangkap sa otomasyon ng mga pabrika noong ika-18 siglo. Habang umuunlad ang teknolohiya, ang mga espesyalays na makina ay naiimbento para sa mga gawain tulad ng paglalagay ng mg tansa sa mga bote o kaya pagbubuihos ng mga liquid wrapper sa hulmahan ng gulong. Sa kasalukuyan, malaki ang parte ng mga robots hindi lamang sa industriya at imprastraksyon maging sa mga paaralan, mga malls o gusaling pampasyalan at sa iba’t-ibang propesyon.
5 II.
Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng robotiks sa mga estudyante at para masuri ang mga adbentahe at dis-adbentahe nito sa kanilang pag-aaral. Layunin din nito na masagot ang mga sumusunod na tanong: a) Anu-ano ang kahalagahan ng robotiks sa mga estudyante? b) Anu-ano ang mga benepisyong maidudulot ng robotiks sa mga estudyante? c) Ano ang persepsyon ng mga estudyante ukol sa robotiks?
III.
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang
kahalagahan
ng
pag-aaral
na
ito
ay
magbigay
ng
impormasyon at kaalaman tungkol sa robotiks, mga impormasyong nagsasabi kung ano ang mga epekto ng robotiks sa mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral sapagkat mabibigyang-linaw nito ang tunay na benepisyo sa robotiks at maging ang mga adbentahe at dis-adbentahe nito. Makatutulong rin ito sa mga magulang para mabigyang pansin nila ang kanilang mga anak ukol sa epekto ng robotiks para sa kanilang pagaaral. IV.
Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nalimita sa pag-aaral ng tunay na kahulugan ng robotiks. Gayundin sa pag-susuri ng kahalagahan ng robotiks, pati na din sa pagtukoy ng epekto nito sa mga estudyante. Tumatalakay din ito sa persepsyon ng mga estudyante ukol dito. Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nasa unang taon at kumukuha ng kursong Inhinyero sa Universtity of Batangas sapagkat sila ay nasa edad labing-pito hanggang dalawampu na karaniwang nakakaranas ng kuryosidad hinggil sa paglaganap ng
6 robotiks. Nalimitahan din ito sa Animnapung (60) estudyante na mga tinanong sa sarbey upang maipaliwanag ng mabuti ng mananaliksik ang tunay nalayunin ng pag-aaral na ito. V.
Depinisyon ng mga Terminolohiya 1. Robotiks – ay ang katawagan sa teknolohiya ng paggawa, paggamit at pagpapaandar ng mga tau-tauhan, taumbakal, taongbakal, o tau-tauhang bakal na kilala bilang mga robot. 2. Robot – Ang robot ay isang materyal na bagay na ginawang mga tao para mapadali ang kanilang pang-araw-araw na gawain.
3. Persepsyon - malay o kamalayan; isang katangian ng kaisipan. Nangangahulugan itong pagiging gising, alisto, at tumutugon sa kapaligiran. 4. Sarbey – ito ay isang paraan ng pangongolekta ng mga datos hinggil sa isang ispisipik na pag-aaral
5. Deskribtib-analitik - ito ay uri ng pananaliksik na kung saan ang isang mananaliksik ay gumagamit ng mga survey questionnaire 6. Robotics Industries Association (RIA) – isang samahan ng industriya na nagbibigay ng serbisyo sa mamamayan sa tulong ng pagproprodyus ng mga makabagong makinarya sa tulong ng artipisyal na robots.
7 KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Sa kabanatang ito, natalakay ng mga mananaliksik ang ilang mga pag-aaral at literatura na maaring iugnay sa pananaliksik na ito. Inilahad din dito ang ilan sa mga kaugnay na datos na maaring magbigay linaw sa mga suliraning inilahad. I.
Literatura a) Lokal Ayon kay Regina Layug-Rosero ( 2012), for pinoy students, robotick is not just for nerd. Your mental image of a robot is probably a steel or aluminum device on wheels or treads, with lights and beeps going on here and there, with mechanical arms and lasers casting about— somewhat like Star Wars fan favorite, astromech droid R2-D2. Ayon sa kanya, hindi lang para sa mga matatalino ang kasngkapan ng robotiks o sa industriyalisadong bansa lamang, sapagkat ang isang mangmang o isang mahirap na bansa ay may karapatang magkaroon ng kaalaman ukol sa robotiks. Ayon sa Felta.ph (2010), the Filipino students should work with series of cross-curricular, theme-based activities and develop skills within science, technology, engineering, mathematics, as well as language. Nais ippabatid ng samahan ng Felta na hindi lamang basic na kaalaman ang nararapat na ituro sa mga estudyant, sapagkat nararapat lamang maging bukas ang mga estudyant sa maka-penomenal na pangyayari sa ating lipunan. Sa tulong ng siyensya at teknolohiya, madaling matutunan ng isang mag-aaral ang isang aspetong ninanais nyan malaman. b) Dayuhan Ayon sa johns-company.com (2011), “Robotics is the use of electrical components to move mechanical components. The key
8 components of robots are their ability to perform repetitive tasks in a precise manner.” Ang mga robot ay mga makinaryang binuo hindi lamang para sa sarili nating pangangailangan kundi para sa kanilang natatanging abilidad na magsagawa ng mga gawaing sa paraang tiyak. Halimbawa, ang ilang robot ay nakadisenyo para sa welding ng bahagi ng kotse. Ang ilang ay nakadisenyo para sa pag-iintegreyt ng kalidad na pag-aaral, gaya ng interactive learning at robotic optimized learning. Sa kabilang banda naman, ayon sa justforkath.blogspot.com (2009), ang paglalaro ng “computer games” ay may masamang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ng Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kung gayon, masasabing ang mga computer games na produkto ng robotiks ay makpagdudulot din ng masasamang epekto sa mga estudyante. Ayon kay Pearl Tesler (2009), “there’s no precise definition of a robot, but by general agreement a robot is a programmable machine that imitates the actions or appearance of an intelligent creature–usually a human”. Ang mga robot ay inilarawan din bilang makinang may kakayahang kumalap ng impormasyon mula sa kanyang kapaligiran at gumawa ng mga pisikal na gawain. Maraming halimbawa ng robot ang nakakatulong ng lubos sa industriya, gaya ng Robug III, Stanford Cart, Dante II, Honda Humanoid Robot, at maging ang mga kompyuter. Ang robotiks ay ang pag-aaral at paggamit ng mga robots. Una itong ginamit ng Russian-born American scientist na si Isaac Asimov. Ayon sa kanya (2008), ang robotiks ay ang “branch of engineering that involves the conception, design, manufacture, and operation of robots. This
field
overlaps
with
electronics,
computer
science,
artificial
intelligence, mechatronics, nanotechnology, and bio-engineering.” Kung gayon, ito ay isang akademikong pag-aaral ng mga elektroniko, mga kompyuter releyted na termino, mechatronics, mga makina at iba pa na related sa robot.
9 Binigyang-diin
din
ni
P.
A.
Janakiraman
(2008)
ang
pagpapakahulugan sa robotiks. Ang robot ay isang adbans na teknolohiya na sangkot ang reprogrammable multi-functional manipulator na dinisenyo upang magpagalaw ng mga bagay, materyales, bahagi, kagamitan o anumang specialized devices sa paraang nakadisenyo para sa kanilang ispesipik na task. Noon pa man, ang mga robot ay nagagamit na upang ilarawan ang mga extraterrestrial na bagay, simula pa ng sinaunang panahon ng mga Griyego. Sa kabilang banda, ayon sa pag-aaral ni Mervin J. Wighting (2006), “the use of computers may add to students’ motivation and enjoyment of working within a community of learners.” Kung gayon, nakatutulong sa mga kabataan ang pagkakaroon ng kompyuter na produkto ng robotiks, ito’y nagpapatunay rin na may mabuting benepisyo sa robotiks. Sangayon din sa kanyang pag-aaral, ang mga estudyante ay pabor sa tinatawag na element of learner control, at ito ay matatamo sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ayon sa Robot Industries Association (RIA) (2004), ang robot ay isang
reprogammable multi functional manipulator na ginawa para
isaayos ang mga kagamitan sa pamamagitan ng mga pagbabago-bago ng mga galaw at paraan na nakaprograma ditto para sa paggawa ng mga ibat-ibang uri ng gawain. Para sa mga karaniwang tao, ang depinisyong ito ng RIA ay nangangahulugan ang robot ay isang makinang dinisenyo sa paggawa ng isang partikular na trabaho. Sang-ayon sa pananaliksik ni J. Gil-Flores (2003), “the use of the computer at school would increase computer proficiency, but it is not associated with higher academic performance. Students who use the computer with the most frequency are the ones who obtain the highest levels of math and linguistic communication”. Samakatwid, magdudulot ng mabuting benepisyo ang robotiks sa mga estudyante. Nakakatulong ito sa paraang hinihikayat nito ang mga estudyante sa isang makabago at kalidad na proseso ng pagkatuto.
10 II.
Pag-aaral a) Lokal Ayon kay Princess Lamila et. al. (2007), marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may epekto sa ating lipunan , pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kung gayon, masasabi nga na ang robotiks na produkto ng teknolohiya ay magdudulot ng mabuti at masamang epekto sa mga estudyante maging sa buong lipunan. Ayon naman kay Jose Paulo Luigi Banzon, et al. (2008), ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa mga mag-aaral. Napapalawak nito ang kaalaman ng mga mag-aaral, napagtitibay ang relasyon sa mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal ng bawat tao, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t-isa at higit sa lahat, naipapahayag ang sariling idea at pananaw sa buhay sa buong mundo. b) Dayuhan Ayon kay, Dr. Ir. Dirk Lefeber (2004-2005), the design of autonomous mobile robots capable of intelligent motion and action without requiring either a guide to follow or a teleoperator control involves theintegration of many different bodies of knowledge.
Kung gayon,
masasabi ngang nangangailangan ng masusing proseso ang paglikha ng isang robot. Kinakailangang may nalalabing kaalaman ang isang tao sa iba’t-ibang
larangan
upang
makalikha
ng
isang
robot
makapagsasagawa ng isang bagay kahit walang nag-uutos rito.
na
11
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Sa kabanatang ito, natalakay kung paano isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito at kung anong disenyo ang ginamit para maisagawa ito. Natalakay rin dito ang mga respondente at maging ang mga instrumento at tritment ng datos para sa pananaliksik na ito ay natalakay din sa kabanatang ito. I.
Disenyo ng Pananaliksik Ang
pag-aaral
na
ito
ay
isinagawa
ayon
sa
disenyong
pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ang mga pananaw at kaalaman ng mga respondente ukol sa epekto ng robotiks sa mga estudyante. II.
Respondente Minabuti ng mga mananaliksik na isagawa ang kanilang sarbey sa mga estudyante na nasa unang taon at kumukuha ng kursong Inhinyero sa University of Batangas. Ito’y dahil ang mga napiling respondente ay may katamtamang kaalaman ukol sa usapin. Sa kabuuan, animnapung (60) estudyante ang nagpaunlak sa imbitasyong ito. Random ang pagkuha sa mga respondente na nagmula sa iba’t – ibang seksyon ng unang taon ng Inhinyero. III.
Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga punong impormasyon mula sa mga sarbey. Minabuti ng mga mananaliksik na makakalap ng mga impormasyon at mga kaalaman mula sa mga respondente sa pamamagitan ng mga kwestyoneyrs na bahagi ng isinagawang sarbey.
12 Isinagawa din ito sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon sa iba't-ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng aklat, dyornal at artikulo. Kumuharin
ang mga mananaliksik ng ilang
impormasyon sa internet. IV.
Tritment ng mga Datos Lahat ng datos ay galling sa mga respondente, sa mga hanguan sa aklatan at sa Internet. Dito lamang ibinatay ng mga mananaliksik ang mga ideya at kaisipan na inilahad sa pag-aaral na ito. Samakatuwid, pagta-tally at pagkuha ng porsyento lang ang inaplay na tritment sa mga nakalap nadatos.
13 KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik gamit ang tekstwal at grapik na representasyon. Sa teksto, tinalakay ng mga mananaliksik ang kanilang pag-susuri o analisis sa mga datos na inilahad. Grap Bilang 1 Kasarian ng mga Respondente
30 - 50%
30 - 50%
Lalaki Babae
Ipinapakita ng grap na ito ang kasarian ng mga respondente. Makikitang ang limampung porsyento (50%) ng mga respondente ay babae at ang limampung porsyento naman (50%) ay lalaki. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay animnapu (60). Samakatuwid, ang mga bilang ng mga babaeng respondente ay tatlumpu (30) at ang bilang ng mga lalaking respondente naman ay tatlumpu (30). Pinanatiling random ang pagpili ng mga respondente upang
14 makakalap ng iba-ibang impormasyon mula sa iba’t-ibang pananaw ng respondente. Grap Bilang 2 Bilang ng mga Respodente ayon sa Antas ng Kanilang Kaalaman ukol sa Robotiks 30
Bilang ng mga Estudyante
25
20
15
10
5
0 5 (Lubos na Sumasang-ayon)
4 (Sumasangayon)
3 (Katamtaman)
2 1 (Hindi (Lubos na Hindi Sumasang-ayon) Sumasang-ayon)
Antas ng Kaalaman ng mga Respondente May Sapat akong Kaalaman sa Robotiks
Ipinapakita ng grap na ito ang bilang ng mga respondente ayon sa antas ng kanilang kaalaman ukol sa nasabing usapin. Ang bilang na lima (5) ay katumbas ang “Lubos na Sumasang-ayon”, apat (4) – “Sumasang-ayon”, tatlo (3) – “Katamtaman”, dalawa (2) – “Hindi Sumasang-ayon”, at isa (1) – “Lubos na Hindi Sumasang-ayon”, ay ginamit uopang matukoy ang lebel ng kanilang kaalaman. Lumalabas na pinakamaraming respondente sa pag-aaral na ito ay mayroong katamtaman na kaalaman sa robotiks. Dalawapu’t pito (27) ang bilang ng mga respondenteng may katamtamang kaalaman, na katumbas ng apatnaput-limang porsyento (45%) ng kabuuang bilang ng mga respondente. Labing-siyam (19) ang sumasang-ayong may kaalaman silang higit sa
15 katamtaman ukol sa robotiks, na katumbas ng tatlumpunt-dalawang porsyento (32%) ng mga respondente. Siyam (9) naman na estudyante na katumbas ng labimlimang porsyento (15%) ang nagsabing hindi sila gaanong pamilyar sa robotiks. May apat (4) namang estudyante ang nagsabing may sapat silang kaalaman ukol sa robotiks, at ito’y katumbas ng pitong porsyento (7%) ng mga respondente. At may isang (1) estudyante ang nagsabing lubos hindi siya masyadong pamilyar sa robotiks, at siya’y katumbas ng isang porsyento (1%) ng mga respondente. Samakatuwid, na-satispay ng mga mananaliksik ang kanilang limitasyon na makkalap ng impormasyon mula sa mga respondenteng may katamtamang kaalaman sa usaping ito. Talahanayan Bilang 1 Tally ng mga Sagot ng Estudyante ukol sa Persepsyon nila sa Robotiks
Persepsyon Blg.
Kabuuang Average
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
223
235
246
226
231
244
232
247
239
244
3.72 3.92 4.10 3.77 3.83 4.07 3.87 4.12 3.98 4.07
Ipinapakita ng talahanayang ito ang tally ng mga pinuntusang persepsyon ng mga respondente. Lumalabas na ang Persepsyon Bilang walo (8), sampu (10), anim (6), at tatlo (3) ang mga pangunahing persepsyon ng mga respondente tungkol sa robotiks. Ang Persepsyon Bilang walo (8) na may average na 4.12 puntos, ay nagsasaad na “Ang robotiks ay isang sangay ng applied science na tumatalakay sa mga paraan at metodo ng pagpoprodyus ng iba’t-ibang produkto na nagpapadali ng pamumuhay ng tao.” Pagkatapos i-tally, ito ang nakakuha ng may pinakamaraming atensyon sa mga respondente, kung kaya’t mahihinuha na ang mga respondente ay may kaalaman talaga sa robotiks. Ipinapakita sa grap na ito ang bilang ng mga respondente na nagsabing may benepisyo o adbentaheng naidudulot ang robotiks. Sa grap na ito, makikita
16 ang dalawang kulay ng bar na kung saan bawat isa ay may kaukulang sitwasyon. Sa x-axis makikita ang puntos mula isa hanggang lima na may katumbas na kasagutan, samantalang sa y-axis naman makikita ang ilang ng mga respondente. Grap Bilang 3 Bilang ng mga Respondenteng Nagsabing may Benepisyo at Adbentaheng Naidudulot ang Robotiks 30
Bilang ng mga Respondente
25
20
15
10
5
0 5 4 3 (Lubos na (Sumasang-ayon) (Katamtaman) Sumasang-ayon)
2 1 (Hindi (Lubos na Hindi Sumasang-ayon) Sumasang-ayon)
Antas ng Boto ng mga Respondente Makakapagpadali ng mga gawain sa paaralan
Makakatuklas ng iba pang makabuluhang bagay
Sa unang sitwasyon na sinisimbolo ng puting bar, sinasabing sa tulong ng robotiks, mapapadali ang mga gawain sa paaralan. Sa animnapung (60) respondente, taltlumput-walong porsyento (38%) o katumbas na dalawampu’ttatlong (23) respondente ang nagsabing lubos na sumasang-ayon, tatlumpu’t-
17 pitong porsyento (37%) o katumbas ng dalawamput-apat (22) ang nagsabing sumasang-ayon, labing-tatlong porsyento (13%) o katumbas ng walong (8) respondente ang nagsabing katamtaman, pitong porsyento (7%) o apat (4) na respondente naman ang hindi sumang-ayon samantalang limang porsyento (5%) o tatlong (3) respondente ang lubos na hindi sumasang-ayon. Sa kabilang banda, sinisimbolo naman ng lilang bar ang ikalawang sitwasyon na kung saan sinasabing makakatuklas ng iba pang makabuluhang bagay sa tulong ng iba’t – ibang produkto ng robotiks. Sa animnapung (60) respondente, tatlumpu’t-tatlo porsyento (33%) o katumbas ng labing-siyam (20) na respondente ang nagsabing lubos na sumasang-ayon, apatnaput-dalawang porsyento
(43%) o katumbas ng dalamput-lima (25) na respondente ang
nagsabing sumasang-ayon, dalawampung porsyento (20%) o katumbas ng labindalawang (12) respondente ang nagsabing katamtaman, tatlong porsyento (3%) o katumbas ng tatlong (2) respondente ang nagsabing hindi sumasangayon samantalang dalawang porsyento (2%) o katumbas ng isang (1) respondente ang nagsabing lubos na hindi sumang-ayon. Ipinapakita ng “pie‖ grap na ito bilang ng mga respondente na pumili ng mga sumusunod na gadgets na nakakatulong sa kanilang pag-aaral. Ang grap na ito ay nahahati sa limang parte na sinisimbolo ng iba’t-ibang kulay, light-brown para sa kompyuter/laptop, dark brown para sa kompyuter/laptop, rosas para sa cellphones o telepono, asul para sa mp3 players at berde para sa iba pang gadgets. Sa animnapung (60) respondente, tatlumput-anim na porsyento (36%) o katumbas ng limaput-tatlo (53) respondenteng ang nagsabing nakakatulong ang kompyuter, tatlumput-limang porsyento (35%) o katumbas ng limamput-isang (51) respondente ang nagsabing nakakatulong ang kalkyuleytor, labing-anim na porsyento (16%) o katumbas ng dalamput-tatlong (23) respondenteng nagsabing nakakatulong ang cellphone, labing-isang porsyento (11%) o katumbas ng labing-anim na respondente ang nagsabing nakakatulong ang mp3 players,
18 samantalang isang porsyento naman (1%) ang nagsabing nakakatulong rin ang iba pang gadgets o produkto ng robotiks gaya ng telebisyon radio atbp. Grap Bilang 4 Bilang ng mga Respondenteng Nagsabing may Masamang Epekto at Dis Adbentaheng Naidudulot ang Robotiks
1%, 3 11% , 16 36% , 53
16%, 23
Kompyuter o Laptop Kalkyuleytor Cellphone Mp3 players
35%, 51
Iba pang gadgets
Ipinapakita sa grap na ito ang bilang ng mga respondente na nagsabing may dis-adbentahe at masamang naidudulot ang robotiks. Sa grap na ito, makikita ang dalawang kulay ng bar na kung saan bawat isa ay may kaukulang sitwasyon. Sa x-axis makikita ang puntos mula isa hanggang lima na may katumbas na kasagutan, samantalang sa y-axis naman makikita ang ilang ng mga respondente. Sa unang sitwasyon na sinisimbolo ng puting bar, sinasabing may masamang epektong naidudulot ng robotiks sa pag-aaral. Sa animnapung (60) respondente,
dalawampu’t-dalawang
porsyento
(22%)
o
katumbas
na
labintatlong (13) respondente ang nagsabing lubos na sumasang-ayon, limampu’t-dalawang porsyento (52%) o katumbas ng tatlumput-isang (31) ang
19 nagsabing sumasang-ayon, labintatlong porsyento (13%) o katumbas ng walong (8) respondente ang nagsabing katamtaman, dalawang porsyento (2%) o katumbas na isang (1) respondente naman ang hindi sumang-ayon samantalang wala namang lubos na hindi sumang-ayon. Grap Bilang 5 Bilang ng mga Respodente Nagsabing may Dis-Adbentahe at Masamang Epektong Naidudulot ang Robotiks 35
30
Bilang ng mga Respondente
25
20
15
10
5
0 5 4 (Lubos na (Sumasang-ayon) Sumasang-ayon)
3 (Katamtaman)
2 1 (Hindi Sumasang- (Lubos na Hindi ayon) Sumasang-ayon)
Antas ng Boto ng mga Respondente May masamang epektong naidudulot ang Robotiks sa aming pag-aaral. May mga dis-adbentahe ang mga produkto ng Robotiks
Sa kabilang banda, sinisimbolo naman ng lilang bar ang ikalawang sitwasyon na kung saan sinasabing may mga dis-adbentahe sa iba’t – ibang produkto ng robotiks. Sa animnapung (60) respondente, dalawampu’t-walong porsyento (28%) o katumbas ng labimpitong (17) respondente ang nagsabing lubos na sumasang-ayon, apatnaput-tatlong porsyento (43%) o katumbas ng
20 sumang-ayon, dalamput-anim (26) na respondente ang nagsabing sumasangayon, labimpitong porsyento (17%) o katumbas ng sampung (10) respondente ang nagsabing katamtaman, limang porsyento (5%) o katumbas ng anim (3) na respondente
ang
nagsabing
hindi
sumasang-ayon
samantalang
limang
porsyento (5%) o katumbas ng anim (3) na respondente ang nagsabing lubos silang hindi sumasang-ayon. Grap Bilang 6 Bilang ng mga Repsondente na Pumili ng mga sumusunod na Gadgets na Hindi Nakakatulong sa Kanilang Pag-aaral
5%, 5
25%23
21%, 20
2%, 2
47%, 44
Kompyuter o Laptop Kalkyuleytor Cellphone Mp3 players Iba pang gadgets
Ipinapakita ng “pie‖ grap na ito bilang ng mga respondente na pumili ng mga sumusunod na gadgets na hindi nakakatulong sa kanilang pag-aaral. Ang grap na ito ay nahahati sa limang parte na sinisimbolo ng iba’t-ibang kulay, lightbrown para sa kompyuter/laptop, dark brown para sa kompyuter/laptop, rosas para sa cellphones o telepono, asul para sa mp3 players at berde para sa iba pang gadgets.
21 Sa animnapung (60) respondente, apatnaput-pitong porsyento (47%) o katumbas ng apatnaput-apat (44) na respondenteng ang nagsabing hindi nakakatulong ang kompyuter, dalamput-limang porsyento (25%) o katumbas ng dalawamput-tatlo (23) na respondente ang nagsabing hindi nakakatulong ang kalkyuleytor, dalawamput-isang porsyento (21%) o katumbas ng dalampung (20) respondente ang nagsabing hindi nakakatulong ang cellphone, limang porsyento (5%) o katumbas ng limang respondente ang nagsabing hindi nakakatulong ang mp3 players, samantalang dalawang porsyento (2%) naman ang nagsabing hindi nakakatulong ang iba pang gadgets o produkto ng robotiks gaya PSP, video games, RPG at ibp.
22 KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Sa kabanatang ito, tinalakay ng mga mananaliksik ang binuod na mga datos at impormasyong nakalap sa komprehensibong pagtalakay sa nagdaang kabanata.Tinalakay rin rito ang kongklusyon at rekomendasyong inilahad ng mga mananaliksik. I.
Lagom Ang pamanahong-papel na ito ay isang pagtatangkang ilarawan at suriin
ang mga pananaw at kaalaman ng mga respondente ukol sa epekto ng robotiks sa mga estudyante. Naisagawa rin ang pamanahong papel na ito upang masuri ang adbentahe at dis-adbentahe ng robotiks sa mga estudyante. Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa animnapung respondente sa Kolehiyo ng Inhinyero, University of Batangas. II.
Kongklusyon Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga pananaw o persepsyon ng mga estudyante ay may pagkascientific na. Batay sa sarbey na isinagawa, para sa mga respondente, ang robotiks ay isang sangay ng applied science na tumatalakay sa mga paraan at metodo ng pagpoprodyus ng iba’t-ibang produkto na nagpapadali ng pamumuhay ng tao Bagamat hindi ganoon ka akyureyt ang mga ginamit na baryabol sa pagaaral, masasabing ang mga estudyante ay may nakukuhang benepisyo at mabubuting bagay mula sa robotiks.
23 Ang robotiks ay isang adbentahe sa isang mag-aaral. Sa pamamagitan nito, napapadali nila ang kanilang mga gawaing pampaaralan, lalo na sa mga pag-aaral at kaugnay na gawain. Gayundin sa dis-adbentahe ng paggamit ng robotiks, maraming estudyante ang naapektuhan nito ng masama, lalo na’t nababawasan ang kanilang oras sa pag-aaral. Mula sa mga edukasyonal na produkto ng robotiks, ang kompyuter o laptop ang nakakatulong ng lubos sa kanilang pag-aaral, sapagkat nagagamit nila ito sa paggawa ng mga research, at sa pag-abeyl ng bagong kaalaman mula sa internet. Samantalang ang cellphone naman para sa kanila ang pinakanagdudulot ng masamang epekto sa kanilang pag-aaral. III.
Rekomendasyon Kaugnay sa pag-aaral na naisagawa at sa mga resultang natamo, buong
–
pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga
mananaliksik ang mga
sumusunod: Para sa mga magulang ng mga mag-aaral, partikular na ang mga anak nilang walang kahit anong produkto ng robotiks, siguraduhing nagiging bukas ang inyong mga anak sa ilan sa mga produkto ng robotiks sapagkat ito’y nakakapagpadali ng mga gawaing pampaaralan, at nakakatulong sa iba pang gawain. Para sa mga administreytor ng paaralan, nawa’y maging instrumento ito upang mamulat sila ukol sa pagkakaroon ng research-driven na kapaligiran at pag-lulunsad ng mga robotikong produkto na ito, sapagkat ang ilan sa mga ito ay nakakapag-debelop ng kapabilidad ng mga estudyante. Para sa mga mag-aaral, mas palawakin pa ang inyong kaalaman ukol sa robotiks at ilang kaugnay na pag-aaral, at mas maging mapanuri upang maging mahuhusay na inhinyero sa hinaharap.
24 Para sa mga mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang kapaki-pakinabang na mga datos o impormasyong maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa robotiks.