EULOGIO "AMANG" RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGYKOLEHIYO SINING AT AGHAMEULOGIO "AMANG" RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGYKOLEHIYO SINING AT AGHAM2828
EULOGIO "AMANG" RODRIGUEZ
INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
KOLEHIYO SINING AT AGHAM
EULOGIO "AMANG" RODRIGUEZ
INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
KOLEHIYO SINING AT AGHAM
28
28
EBALWASYON SA PAGTAAS NG BILANG NG KABATAAN
NA SUMASALI SA FRATERNITY
Tesis
na iniharap sa
Eulogio "Amang" Rodriguez
Institute of Science and Technology
Nagtahan, Sampaloc, Manila
_________________________________________________
Isang bahagi ng mga Gawaing
Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong
Batsilyer ng Agham sa Kompyuteral na Agham
__________________________________________________
Nina:
ARNELLE JOHN ANTHONY V. NALOG
MICHAEL ANGELO D. CUEVAS
BLANCA MAE S. BUTIN
FLOUREN L. MESA
RONUEL B. MORALITA
2016
SERTIPIKASYON
Bilang isang baghagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulo sa Batsilyer ng Agham sa Kompyuteral na Agham, ang tesis na ito na pinamagatang "EBALWASYON SA PAGTAAS NG BILANG NG KABATAAN NA SUMASALI SA FRATERNITY" ay iniharap nina ARNELLE JOHN ANTHOLY V. NALOG, MICHAEL ANGELO D. CUEVAS, BLANCA MAE S. BUTIN, FLOUREN L. MESA AT RONUEL B. MORALITA at ngayon ay itinatagubilin ng lupon ng tagapayo sa kaukulang pagsusulit na pasalita.
JEFFREY B. VILLENA MAEd-AS
Tagapayo
Pinagtibay bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong Batsilyer ng Agham sa Kompyuteral na Agham ng lupon sa pagsusulit na nagtataglay ng markang ____.
Tinatanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kinakailangan sa pagtatamo ng Titulong Batsilyer ng Agham sa Kompyuteral na Agham.
JEFFREY B. VILLENA MAEd-AS
Tagapayo
PASASALAMAT
Ang sumulat ng tesis na ito ay nagpapaabot ng taos pusong pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong at nagbigay ng payo upang ang tesis na ito ay maisakatuparan.
Sa aming tagapayo, G. Jeffrey Villena, na siyang tumulong at gumabay sa amin ng mga dapat isaalang-alang hinggil sa aming tesis. Sa patuloy na pagbibigay ng oras at pasensya na matutukam at mapag-igihan ang kabuuang nilalaman n gaming pag-aaral.
Sa Kolehiyo ng Sining at Agham, na tumulong sa amin sa pamamagitan ng mga respondenteng sumagot sa aming sarbey.
Sa aming mga magulang na hindi nagsasawang unawain, mahalin, gabayan at bigyan kami ng suportang pampinansiyal para matapos an gaming pag-aaral.
At higit sa lahat, sa Panginoon na siyang sumubaybay sa lahat ng pagkakataon. Na siyang nagbigay sa amin ng lakas ng loob at maayos na pangangatawan. Ang nagbigay ng mas malalaim na dahilan para matapos ang pag-aaral na ito. Ang Panginoon na walang sawang nagmamahal at tumatanggap sa amin sa lahat ng oras, at tawagin siya sa panahon ng pangangailangan o kasiyahan, ni minsa'y hindi niya kami tinalikuran.
A. J. A. V. N.
M. A. D. C.
B. M. S. B.
F. L. M.
R. B. M.
P A G H A H A N D O G
Ang tesis na ito ay inihandog
ng mga mananaliksik sa kanilang kapwa mag-aaral
ng Kolehiyo ng Sining at Agham at iba pang mag-aaral
upang maging basehan nila
sa susunod pang henerasyon.
A. J. A. V. N.
M. A. D. C.
B. M. S. B.
F. L. M.
R. B. M.
ABSTRAK
Pamagat: EBALWASYON SA PAGTAAS NG BILANG NG KABATAAN NA SUMASALI SA FRATERNITY
Mga Mananaliksik: Arnelle John Anthony V. Nalog
Michael Angelo D. Cuevas
Blanca Mae S. Butin
Flouren L. Mesa
Ronuel B. Moralita
Degree: BATSILYER NG AGHAM SA KOMPYUTERAL NA AGHAM
Tagapayo: G. JEFFREY B. VILLENA, MAEd-AS
Taon: 2016
Paglalagom
Inilalahad sa kabanatang ito ang buod ng pag aaral, mga natuklasan, konklusyon, at rekomendasyon. Sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na katanungan ay binibigyang tugon:
KABANATA 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula
Sa Pilipinas, napakaraming iba't-ibang samahan o grupo, isa na rito ang tinatawag na "Fraternity". Ang Fraternity ay Samahan o grupo ng mga kalalakihan na may adhikaing ipagtanggol ang isa't isa sa anumang oras at pagkakataon. May adhikain din silang magkaroon ng mga proyektong makakatulong sa ibang tao. Pero kadalasan nalilihis sila sa kanilang tamang adhikain at nagiging sakit lang sila ng ulo ng pamahalaan at pamayanan.
Pero bago sila makapasok sa samahang ito kailangan muna nilang dumaan sa maraming pagsubok kung saan maipapakita nila ang kanilang katapatan. Ngunit minsan nagiging mitsa ito ng kanilang buhay dahil sa sobrang pagpapahirap na kanilang naranasan. Ayon sa isang website natitipon ng mga Fraternity ang mga kabataan. Lalo na ang mga batang lansangan o mga out-of-school youth. At dito nila natututunan ang Teamwork at pagiging bahagi sa isang grupo sa mali nga lang na paraan.
Kadalasan negatibo ang naiiwang Impresyon sa salitang Fraternity. Dulot ng kadikit nitong imahe na hazing na pamamaraan ng ilan na pagtanggap sa kanilang mga bagong kasapi. Ang marahas na Gawain na ito ay sensitibong isyu n gating lipunan at patuloy na tumatawag ng pansin ng publiko.Dahil sa mga maling Gawain ng ilang grupo ay natatabunan na ang tunay na kahulugan at ang mga benepisyo na maaaring makuha dito. Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit tumataas ang bilang nang kabataan na sumasali sa Fraternity? Sabi nila para daw magkaroon ng madaming kaibigan,proteksyon sa sarili,Para din daw maging in sa uso at hindi outcast,para dumami ang brothers,Para din daw makadami ng chicks, Para may conection sa lipunan tulad ng makakuhang leakage sa exam, Para maging siga at kinakatakutan sa kani-kanilang lugar, Para gumawa ng mabubuting civil project and contribute to the community. Ang pagsali sa illegal na Fraternity ay maaring magdulot ng maganda o masama. Ngunit depende na din siguro sa tao iyon kung paano niya ihandle ang pag sali niya ito. May mga fraternity na ang layunin ay tumulong sa komunidad. Kaso, sa paglipas ng mga panahon ang pumapasok sa utak ng mga tao pag sinabing frat eh connotation nila panay gulo lang na alam naman na mali. May mga fraternity din na may magandagandang misyon, layunin at maging pananaw. Subalit sa paglipas ng mga panahon nasisira ang mga imahe ng ibang mga grupo na may matinong hangarin dulot ng kawalang hiyaang ginagawa ng ibang fraternity lalo na pag ang chapters ay mga kabataan ang ka-brad.
Mabuti nga ba ang pagsali sa faraternity o nakakasama lalo na sa panig ng mga mag-aaral? Marami ang nagsasabi ng "depende." Depende sapagkat may mga fraternity na sadyang may magaganda talaga ang layunin pero sumasama ito pag nasasamahan ng mga pasaway at kalokohan. Kung ang tanong ay nakatulong? Marahil ay "YES" dahil nagkaroon ng confidence di umano ang miyembro ng mga naturang grupo at dahil dito malalaman ang kahalagahan ng isang samahan. Di ka din pwedeng saktan ng mga maangas mong classmates (siguro ay medyo takot). Ngunit sa pagsali ba sa isang fraternity, kasali ba pati ang masaktan gayong ang pangunahing layunin mo lang naman ay magkaroon ng mga kaibigan? Bakit kailangan manakit sa initiation? Dinadaan sa dahas na kung paluin ng paddle, sipain, sampalin, akalain mong parang hayop na pinapatay sa bugbog... May mga iba ring sumasali na napapahiya sa publiko.
Sadyang napakasakit isipin at mahirap paniwalaan na may mga fraterniting sadyang nananakit ng kapwa na naturingan pa namang "kapatiran". Minsan pa nga ay may mga nagbubuwis ng buhay mapatunayan lamang na sila ay nararapoat na maging miyembro ng organisayon.
Ang halos ilang siglong pag-iral ng mga fraternity sa ibat-ibang mga pamantasan sa bansang Pilipinas ay nalambungan ng dugo ng di-iilang buhay na kinitil ng marahas na kulturang umiiral sa mga grupong ito. Sadyang nakapanghihinayang ang pagbabago ng kanilang dati'y maningning na kasaysayan. Nang malikha ang mga ganitong uri ng samahan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na isigaw at ihinga ang kanilang mga saloobin tungkol sa mga isyung di nila nagustuhan lalo na aspetong pulitika. Naisusulong nila ang panlipunang pananagutan at paglilingkod sa sambayanan, pagsasanay ng de-kalidad na mga ginoong magiging pinuno upang maging huwarang mamamayan. Sa kasagsagan ng panahon ng aktibismo, maraming mga fraternity ang naging bahagi ng mapagpalayang kilusan. Ang mga fraternity ay naglalayon ding mabigyang laya ang kaisipan ng mga taong bayan at maipagtanggol ang interes ng karamihan.
Aktibo silang nakilahok pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. Subalit sa kalaunan, karamihan sa mga fraternity ay tila lumingon sa mga dalumat na ipinamana sa kanila ng mga Kanluraning modelo.
Sa ngayon ang fraternity ay unti-unting nagkaroon ng ibang kahulugan. Maibababalik lamang ang kahalagahan ng mga fraternity kung kanilang babalikan at isasabuhay ang mga orihinal nitong layunin, kung muli nilang pahahalagahan ang mga simula nito ay maibabalik ang tiwala ng mga tao. Sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng lipunang Pilipino sa ilalim ng isang mabuway na liderato, mas maraming makabuluhang isyu na maaaring pagkaabalahan ng mga fraternity. Higit na mahalaga ang mga usaping ito kaysa sa mga personal na awayan, payabangan, gantihan at mga alitang magkaminsa'y nauuwi sa kamatayan.
Batayang Teoretikal
Ang nabanggit na sitwasyon at penomenon kaugnay nasabing paksa ay maaaring iugnay at ibatay sa Teoryang Humanismo.
Ayon sa akdang "What is Humanism?" (Edwords, 1989). Ang Humanismo ay may napakaraming kahulugan. May secular, pilosopikal, moderno atbp.
Ngunit ang isa sa pinaka pinagkakapareho nito ay ang malayang pagdedesisyon ng isang tao nang hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos na mas nagdudulot ng negatibong epekto sa lipunan. Halimbawa nito ay ang mga krimen, kurapsyon at karahasan.
Ang Teoryang Humanismo ay nagpapakita na maaari itong iugnay at ibatay sa pag-aaral. Katulad ng malayang pagdedesisyon ng mga kabataan na sumali sa isang fraternity na nagiging sanhi ng karahasan tulad ng hazing.
Konseptwal na Balangkas
Ipinapakita sa larawan ang banghay ng pag-aaral. Nilalagom nito ang buong konsepto ng pag-aaral.
Ang Input (I) ay naglalaman ng paraang tinaya ng tagatugon ang pagsali ng mga kabataan sa fraternity, at suliraning ikinaharap ng tagatugon batay sa nasabing paksa at ang pagtaya ng tagatugon.
Ang Proseso (P) ay naglalaman ngpagsasagawa ng sarbey sa mag-aaral, pagsasagawa ng interbyu sa guro at mga magulang.
Pagkalap ng impormasyon para sa pagsusuring istatistika, analisis at interpretasyon ng mga Datos.
Ang Awtput (A) ay naglalalaman ng Pagsusuri sa paksang "Tumataas na bilang ng kabataang sumasali sa Fraternity.
Pagsusuri sa mga ebalwasyon ng mga kabataan na sumasali sa fraternity.. Pagsusuri sa mga ebalwasyon ng mga kabataan na sumasali sa fraternity..· Pagsasagawa ng sarbey sa mga mag aaral ng Kolehiyo ng Sining at Agham. ·Pagkalap ng mga impormasyon.· Paggamit ng Istatistika.· Analisis at Interpretasyon ng mga datos· Pagsasagawa ng sarbey sa mga mag aaral ng Kolehiyo ng Sining at Agham. ·Pagkalap ng mga impormasyon.· Paggamit ng Istatistika.· Analisis at Interpretasyon ng mga datos*Sa paanong paraan tinaya ng tagatugon ukol sa pagsali sa fraternity batay sa sumusunod na pamantayan ayon sa: · Tahanan; · Barkada/ Kaibigan; · Proteksyon;· Edukasyon;· Makasabay sa uso;*Ano-ano ang mga suliraning ikinaharap ng tagatugon batay sa pagsusuri sa nasabing paksa?*Sa paanong paraan tinaya ng tagatugon ukol sa pagsali sa fraternity batay sa sumusunod na pamantayan ayon sa: · Tahanan; · Barkada/ Kaibigan; · Proteksyon;· Edukasyon;· Makasabay sa uso;*Ano-ano ang mga suliraning ikinaharap ng tagatugon batay sa pagsusuri sa nasabing paksa?INPUT PROSESO AWTPUT
Pagsusuri sa mga ebalwasyon ng mga kabataan na sumasali sa fraternity.
.
Pagsusuri sa mga ebalwasyon ng mga kabataan na sumasali sa fraternity.
.
· Pagsasagawa ng sarbey sa mga mag aaral ng Kolehiyo ng Sining at Agham.
·Pagkalap ng mga impormasyon.
· Paggamit ng Istatistika.
· Analisis at Interpretasyon ng mga datos
· Pagsasagawa ng sarbey sa mga mag aaral ng Kolehiyo ng Sining at Agham.
·Pagkalap ng mga impormasyon.
· Paggamit ng Istatistika.
· Analisis at Interpretasyon ng mga datos
*Sa paanong paraan tinaya ng tagatugon ukol sa pagsali sa fraternity batay sa sumusunod na pamantayan ayon sa:
· Tahanan;
· Barkada/ Kaibigan;
· Proteksyon;
· Edukasyon;
· Makasabay sa uso;
*Ano-ano ang mga suliraning ikinaharap ng tagatugon batay sa pagsusuri sa nasabing paksa?
*Sa paanong paraan tinaya ng tagatugon ukol sa pagsali sa fraternity batay sa sumusunod na pamantayan ayon sa:
· Tahanan;
· Barkada/ Kaibigan;
· Proteksyon;
· Edukasyon;
· Makasabay sa uso;
*Ano-ano ang mga suliraning ikinaharap ng tagatugon batay sa pagsusuri sa nasabing paksa?
Pidbak
Batayang Konseptwal sa Pag-aaral
Pigura 1.Batayang Konseptwal sa Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsuri ng sa pananaw ng mga mag aaral ng Sining at Agham hinggil sa fraternity. Naniniwala ang mga mananaliksik na dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag aaral tungkol sa nasabing paksa. Katanungan:
Sa paanong paraan tinaya ng tagatugon ukol sa pagsali sa fraternity batay sa sumusunod na pamantayan ayon sa:
1.1 Tahanan;
1.2 Barkada/ Kaibigan;
1.3 Proteksyon;
1.4 Edukasyon;
1.5 Makasabay sa uso;
Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba batay sa pagtaas ng bilang ng lumalahok sa fraternity batay sa kasarian?
Haypotesis
Walang makabuluhang pagkakaiba ang paglahok ng babae at lalaki sa fraternity.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pagaaral na ito ay nakatuon sa pagsuri sa pananaw ng mga magaaral hinggil sa fraternity. Saklaw nito ang mga estudyante ng Kolehiyo ng Sining at Agham na may kabuuang bilang na apat-na-raan at dalawampu't anim na populasyon. Kumuha ng tig-labinlimang (15) mag-aaral na babae at lalaki kada kurso bilang mga respondente. Kabilang dito, ang limang (5) guro mula sa iba't ibang asignaturang pinagdadalubhasaan sa nasabing Kolehiyo at limang (5) mga magulang.
Naniniwala ang mga mananaliksik na dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa nasabing paksa.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay pinaniniwalaang makakatulong sa mga sumusunod:
Guro. Ang pag-aaral na ito ay makadaragdag bilang mapagkukunang impormasyon ukol sa
Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing babala sa mga mag-aaral ukol sa mga epekto nito sa pagsali nila sa fraternity.
Depenisyon ng mga Terminolohiya
Fraternity. Isang kapatiran ng mga kalalakihan na kung saan na may adhikaing ipagtanggol ang isa't isa sa anumang pagkakataon.
Hazing. Isang paraan ng brutal na pagmamalabis sa isang taong sasali sa isang fraternity.
Outcast. Di nakasunod sa kung ano ang uso.
Initiation. Panimulang seremonya upang maging kasapi ng isang fraternity.
KABANATA 2
Kaugnay na Literatura at mga Pag-aaral
Lokal na literatura
Papaano nakarating sa Pilipinas ang mga gawaing ito? Ayon sa wikianswer ay nagsimula daw ito noong ang edukasyon ng mga amerikano ay nakarating sa ating bayan. Ang mga unibersidad sa Pilipinas ang mga unang nagtatag nga mga fraternity at sa UP unang nabuo ang pinaka unang Filipino Greek Letter Fraternity, Upsilon Sigma Phi (1918).
Ayon muli sa wikianswer.com ay ang sistema ng Greek Fraternity ay dinala daw sa Pilipinas ng mga Amerikanong titser sa pamamagitan ng mga libro na nilagay nila sa ating mga silid aklatan. Sa panahon ngayon ay halos hindi na mabilang ang mga Fraternity at Sorority sa ating bansa at ang karamihan ng mga Fraternity ay naka base sa mga unibersidad sa Pilipinas at naging pangangailangan daw sa mga Law student ang pagkakaroon ng Fraternity para makatulong sa kanilang pag-aaral. Karamihan ng mga opisyal sa gobyerno ay may mga Fraternity at pati na rin ang mga sikat na artista ay napapabilang din. Ang mga fraternity ay nahahati rin sa ibat ibang klase ayon sa www.pinoyfraternity .com ito ay ang mga (National Fraternities) kagaya ng Beta Sigma, Tau Gamma Phi, Pi Sigma, Upsilon Phi Sigma, Alpha Kappa Rho,Alpha Sigma Phi, Scouts Royale Brotherhood, Delta Upsilon (Law Fraternities) Sigma Rho, Alpha Phi Beta,AguillaLegis,Philippine Guardian Brotherhood,Fraternal Order of Utopia,Scintilla Juris.
Ayon sa manunulat na si Delfin Mallari jr. ng Philippine Inq si Chester Paulo Abracia ay isang sophomore Marine Technology student ng Enverga University (EU) ay natagpuang patay Agosto 2 noong nakaraang taon. Ang ina daw ni Chester ay lumapit na sa ating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang tulungan siyang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak. Ayon kay Nimfa Abracia ina ni Chester ay ang mga myembro ng TGP o Tau Gamma Phil sa Lucena City ang may gawa ng nasabing krimen. Nalaman namin kay Delfin na halos 20 katao at kalahati nun ay babae ang gumulpi kay Chester hangang sa mamatay siya sa oras ng initiation rites at natagpuan ang katawan nya na nakabalot sa dahon ng saging sa may plantasyon ng buko sa bayan ng Tayabas.
Nabangit ni Delfin na isa sa mga myembro ng fraternity, isang 4th year Criminology student ng parehong unibersidad ay sumuko sa mga pulis. Sinabi nya na isa sa mga fraternity leader ang pumigil na dalhin si Chester sa ospital pagkatapos ng hazing upang hindi makilala ang mga identity ng mga myembro nito.Ayon sa source ay tumalikod sya sa samahang yun dahil sa kanyang konsensya. Ngunit hangang ngayon ay hindi pa nareresolba ang kaso.
Ayon kay Jeanatte Andrare ng Philippine Inquirer may isang 20 edad na estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ay dinala sa isang ospital sa Quezon City, kung saan siya dineklarang dead on arrival. Dinala raw ang katawan ng biktima sa St.Peter's Memorial Chapel sa Quezon Ave. Quezon City.
Ayon kay Jeanatte si Chris Mendez ay isang graduating student ng UP Bachelor of Science at siya ay nagtamo ng maraming pasa sa iba't ibang parte ng katawan. Ayon sa imbestigasyon ang mga taong nagdala sa kanya sa ospital ay ang mga taong kasama sa pag sagawa ng hazing at sila ay mga myembro ng Sigma Rho. Ngunit hangang ngayon daw ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Chris Mendez
Ramon Magsaysay awardee at former Senate President Jovito Salonga ay nag resign bilang myembro ng Sigma Rho fraternity dahil sa nangyarin insidente ayon sa Philippine Inquirer. Sa isang panayam mula sa inquirer ay sinabi ni Salonga na sya ay aalis na sa fraternity "dahil sa mga nangyari na kung saan ay kasali ang Sigma Rho".
Ayon sa manunulat ng News Today na si Joel E. Capundan ay isang fifth year engineering student ng Capiz State Unversity ay dinala sa Mambusao District Hospital ay dineklarang dead on arrival, dinala daw sya roon ng mga myembro ng Alpha Kappa Rho o mas kilala sa tawag na APO noong hating gabi ng May 6, 2006. Ayon kay Joel ay ginanap ang Initiation Rites sa Sapian gabi ng May 5 kung saan ang mga officer ng APO ay naroroon.
Ayon muli kay Joel ay namatay si John Angelo Dollete dahil sa bugbog na tinamo ng kanyang katawan dahil sa pag paddle sa kanya ng mga myembro ng APO.Nabangit din ni Joel na ang Regional Trial Court ay nag issue ng Warrant of Arrest sa walong officer at myembro ng APO na kasama noong gabi ng pagsasagawa ng hazing kay John Angelo Dollete. Ayon muli kay Joel ay halos maubos na ang yaman ng pamilya Dollete para lang makamit nila ang hustisya. Sa mga oras na ito ay pinaghahanap pa rin ang mga suspek sa nangyaring krimen.
KABANATA 2
Kaugnay na Literatura at mga Pag-aaral
Lokal na Literatura
Kaugnay ng paglaki ng bilang ng mga iskwater sa kalunsuran partikular na sa Kamaynilaan ay ang pag-usbong at pagbuo ng mga gang. Sa isang lugar na kung saan nawala o nabigo ang umiiral na mga institusyong panlipunanna gampanan ang mga kaukulang tungkulin sa buhay ng isang bata, nangangahulugan ito ngdisintegrasyon ng buhay-pamilya, pagiging di-epektibo ng mga paaralan, korupsyon, atkawalang-interes sa lokal na pulitika, mababang sahod at kawalan ng trabaho at kakulangan ngoportunidad para makapaglibang. Ang lugar na may mga iskwater ang isang perpektongpagsasalarawan ng isang disorganisado at nabubulok na lipunan.Sa ganitong kalagayan, nagiging isang mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mgakabataan ang gang.
Ayon kay Rocky Rivera, isang blogger at pakialam ukol sa isyung ito. May mga FRAT na nabuo dahil mayroon silang makabuluhang ibinubuhay o ipinaglalaban at may FRAT namang sumibol lang dahil gustong bumuo ng pwersa upang gamitin sa pang-aabuso at ang samahang ito para sa aking sariling opinion ay dapat iwasan. Hindi dahil masama ang kapangyarihan kundi dahil imbis na gawin kang tunay na malakas ay gagawin kang mahina.
Ayon naman kay Joanna Bajade, isang alumni ng UP ay ipanahayag sa kanyang blog na kung tutuusin wala naman sanang issue ang FRATERNITY kung hindi lang naging controversial ang tinatawag nilang HAZING isang uri ng pagsubok o initiation na dapat mong pagdaanan upang maging official kang miyembro o kapatid ng organisasyon. Naging issue ang HAZING nung nasangkot na ang BUHAY!
Ang mga frat ang nagiging kahalili at nagsisilbing alternatibong institusyon na nagbibigay ng kung anuman hindi maibigay ng umiiral na lipunan at nagiging kanlungan at proteksyon laban sa di-kaaya-ayang kalagayang panlipunan. Sa gang nahahanap ng mgakabataan ang hinahanap nilang pagkalinga ng pamilya at iba pang mga pangunahingpangangailangan. Sa frat din nahahanap ng mga miyembro ng gang ang proteksyon nakinakailangan nila sa paglaki at pakikipag-ugnayan sa mundo. Sa uri ng pamumuhay na umiiralsa mga lugar na may iskwater, isang normatibong bahagi ng buhay ang pagkakaroon ng mgakaibigan na kinakatawan ng mga fraternity.
Banyagang Literatura
Ang Social Disorganization Theory ang isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad nggang. Isa itong teorya na nakatuon sa krimen at lihis na gawain na bunga ng pagkasira opagkawala ng mga institusyong komunal gaya ng pamilya, paaralan, relihiyon at lokal napamahalaan) at ugnayang komunal sa mga taong nakapaloob sa dito. Ang terminong
disorganization ay tumutukoy sa pagkasira o pagkawala ng ugnayan ng mga tao at ang mga ugnayang ito ay tinitingnan na organisado at may depinidong istruktura. Ang organisado at Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997).
Ang depinidong istrukturang ito ay nasisira dala ng mga pagbabagong panlipunan at siyang nagigingsanhi ng pagbuo ng mga gang.Ayon sa Social Disorganization Theory,ang mataas na bilang ng krimen at lihis nagawain ay makikita sa mga lugar na nagpapakita ng mataas na bilang ng mga suliraningpanlipunan gaya ng kawalan ng trabaho, mababang kalidad ng edukasyon at iba pa. Angganitong kalagayan ay maaaring bunga ng tatlong salik: ang urbanisasyon, industriyalisasyon atpandarayuhan.Kung titingnan ang kasaysayan ng gang, naipapaliwanag ng
Social Disorganization Theory ang pinagmulan ng mga Pinoy gang sa ibang bansa. Ang pagkakaiba sa kultural naaspeto ang nagbunsod sa mga kabataang Pilipino na bumuo ng gang upang ipagtanggol angkanilang mga sarili laban sa diskriminasyon dala ng pagkakaiba sa kultura at lahi. Magagamitdin ang teoryang ito upang ipaliwanag ang paglaganap ng mga gang sa Pilipinas noong dekada70 at 80.Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iral ng mga gang sa Pilipina. Ito ay maaaring dalang patuloy na urbanisasyon at pandarayuhan. Kasabay ng urbanisasyon ay ang paglaki ngpopulasyon ng mga informal settler o mga iskwater sa Metro Manila na bunga ng pandarayuhanng mga mula sa karatig-bayan.
Lokal na Pag-aaral
Bago tayo dumako sa mga dahilan ng pagsali ng mga estudyante ng sa mga illegal na fraternity, talakayin muna kung ano nga ba ang mga magagandangnaidudulot ng pagsali sa mga illegal na fraternity.Ayon sa website na wikianswers, natitipon ng mga fraternity ang mgakabataan lalo na ang mga batang lansangan at mga out-of-school youth at dito nilanatututunan ang teamwork at pagiging bahagi sa isang grupo, sa mali nga lang na paraan.ang fraternity ay isang samahan kung saan nagtuturo ng mabuting asal at paguugali ngisang tao. at tumutulong sa isang individual.Ayon kay,Villa (2008) isa sa mga benepisyo ng fraternities ay ang madaling makakuhang trabaho..O'o mahirap ang maghanap ng trabaho ngayon ngunit may iba namang paraan kung paano mapadali ang pagkuha ng trabaho. maaring sa pag-aaral ng mabuti sadahilang kapag maganda ang records mu oh gradu ay maraming tatanggap sayo,,maramirin kasing nasisira ang kanilang pag-aaral dahil sa samahang ito, kapag nasira ang iyong pag-aaral madali ka pa kayang makakakuha ng trabaho?Ayon naman kay, Baer (2009), sabi nila ang fraternities ay tumutulong sa kapwanila kasama, pero sa panahon ngayon nakatulong kaya sila?Maraming lumalabas samga lathalain na maraming na mamatay dahil sa hazing!!sa tingin nyo ito ba silanakatulong sa kapwa nila kasama?makadudulot sila ng kasiraan sa mga kabataangwalang malay makakasira din ito sa ating pag aaralAng pagsali sa mga illegal na fraternity ay maaring maging mabuti o masama sasinumang sasali dito. Ngunit maaring depende na rin siguro yun sa tao kung paano niyaihandle ang ano mang sitwasyon patungkol sa pagsali niya sa mga illegal na fraternity.
Ang isang estudyante ay kailanagang maging praktikal kalimitan kasi, halos lahatng sumasali ay nasisisra ang pag aaral.Kalimitan sa kanila ay nawawalan ng gana sakanilang pag-aaral kaya lumiliit ang kanilang marka sa eskwela. Ang kanilang markanila ay napakahalaga sa kanilang pag-aaral at paghahanap ng trabaho. Dahil kungmataasa ang kanilang marka sa paaralan mas madali para sa kainla ang maghanap ngmarangal na trabaho.Halos lahat ng nagkakainterest na sumali sa mga illegal na fraternity ay nasa unaat pangalawang taon, at 12-18, dahil sila ay ang mga bagong sibol na mga estudyante namas medaling makumbinsing sumali sa mga fraternity.Ang mga sumusunod na nabanggit ay mga kahalagan ng mga marka sa paaralan ngmga estudyante. Kadalasang sumasali ang mga estudyante sa mga fraternity dahil sa mgakaibigan. Dahil kalimitan mas pinaniniwalaan ng mga kabataan ngayon ang kanilang mga kaibigan kaysa sa kanilang mga magulang.Kung minsan, ay sumasali rin ang mga estudyante para protektahan angkanilang mga sarili laban sa kapahamakan na dulot ng pagiging baguhan sa paaralan.Dahil kung minsan binibigyan sila ng proteksyon ng kanilang mga kasamahan safraternity.Isa rin sa mga madalas na dahilan ng mga estudyante sa fraternity ay angkanilang reputasyon, dahil kung minsan naniniwala silang sisikat silasa kanilang paaralan kapagsila ay sumali sa mga illegal na fraternity.
Ang mga sumusunod na nabanggit sa itaas ay mga posibleng dahilan ng pagsali ngmga estudyante ng SCNHS sa mga illegal na fraternity.
Banyagang Pag aaral
Sa pananaliksik na ito halos lahat ng pinagkunan ay ang internet. Ang mga rebyu na aming nakuwa ay galing sa ibat ibang website na may kinalaman sa "Hazing".
Isa rito ang website ni bucknell na naglalaman ng mga history tungkol sa pinagsimulan sa hazing. Pinaliwanag nya dito na hindi sa Amerika nagsimula ang mga fraternity dahil karamihan sa atin ay inaakala na dito unang nakilala. Nagsimula pala ito sa Europe at pinasa lang ng mga mananakop sa mga amerikano.
Ang ibang website na kinuwaan ng impormasyon ay ang mga website ng mga panghunahing pahayagan dito sa ating bayan. Nakalagay doon ang mga naging biktima at ang mga istorya ng bawat isa sa kanila. Makikita roon ang mga petsa at lugar pati na rin ang mga fraternity na kasangkot sa "Hazing"
Isa ring forum ang aming kinuwaan ng impormasyon ukol sa kasaysayan ng hazing at kung saan ito nag simula, ang post ni james noong 06-01-2002, 08:26 PM ay ang pinagkunan ng mga impormasyon kung paano nga ba sinasagawa ang hazing noong unang panahon.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Isa sa maituturing na pinakadahilan ng kanilang pagsali sa mga fraternities at sororities ay belongingness o upang magkaron ng maraming kaibigan o karamay sa oras ng kagipitan. At ayon sa kanila, nakita talaga nila ang tunay na suporta ng kanilang mga brads at sis.Kaya naman malaki ang kanilang nagiging paniniwalang walang mananakit sa kanila at kung meron man malaki ang kanyang depensa laban sa kanila. Maliban dito, ang pagpapalakas ng loob o self-confidence ay isa rin sa mga dahilan. Bawat miyembro ng isang fraterniy at sorority ay dumadaan sa matinding pagsubok upang subukin ang kanilang tapang at galing, kaya naman mas lalong lumalakas at tumitibay ang kanilang loob lalo na kapag nalampasan nila ang lahat ng mga initiation rites o hazing sa mga fraternities at sororities na sinasalihan nila. Dahil hindi daw basta-basta ang mga pagsubok dinaanan nila.
kadalasan rin daw, mayroong mga ugali ng mga miyembro na nakukuha ng isa tulad na lamang nang pagiging wild, astig, sabay sa uso at sobrang bilib sa sarili at hambog. Ito ang mga negatibong ugali na makikita sa kanila ng karamihan, kaya naman marami ang di sang-ayon sa pagpapanatili ng mga fraternities at sororities sa mga eskwelahan. Ngunit sa mga taong kasapi dito marami ang naging pakinabang at naitulong nito sa kanila dahil nga sa pagkakapatiran kung saan ito ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob, katatagan at tapang.
Noon marami ang masasabing positibong naidudulot ang mga fraternities at sororities, tulad na lamang ng isa sa mga nakapanayam ko na nakatulong ang kanyang sis sa fraternity na sinalihan niya sa kolehiyo na may malaking posisyon sa isang kompanya na nagbigay sa kanya ng trabaho. Ngunit sa pagdaan ng panahon, wala ng magandang naidudulot ang mga ito dahil may nababalitang namamatay dahil sa mga hazings na tinuturing na mga rituals sa bawat bagong miyembro na sumasali dito. Dahil dito, nag-implementa ang gobyerno ng anti-hazing law, na siyandg naging daan kaya may mga eskwelahan na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga fraternities at sororities. (http://bond-og.blogspot.com/2008/10/ano-nga-ba-ang-epekto-ng-fraternity-at.html)
KABANATA 3
Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik.Ayon kay Best (1963),ito ay isang imbestigasyon na nagbibigay-kahulugan kung saan may kinalaman sa kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala, at epektong nararamdaman o kalakarang nililinang.Samantala, nagbigay naman ng suhestiyon sina Bickman at Rog (1998) na kung isasagawa ito ay dapat na masasagot ang katanungan na, "Ano".Ang malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng iba't ibang paraan sa pagkalap ng impormasyon.Para sa mananaliksik ito ang angkop na gamitin sapagkat sa paraang ito mas mapapadali ang pangangalap ng datos at impormasyon hinggil sa paksa ng pag-aaral mula sa mga respondente.
Mga Kalahok o Respondent
Talahanayan 1
Populasyon ng babae at lalaking mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino at ang bilang ng mga respondente.
RESPONDANT
POPULASYON
RESPONDANTE
PORSYENTO
BSCS
15
15
25%
BSIP
15
15
25%
BSMATH
15
15
25%
BSAP
15
15
25%
KABUUAN
60
60
100%
Ang mga kalahok o respondente sa pag-aaral ay mula sa mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.Sa kabuuang bilang na animnapu (60) ay kumuha ng tig-limangpu (15) mag-aaral na babae at lalaki bilang mga respondente.
Kasangkot sa Pag-aaral
Ang mga magiging respondent sa pag-aaral na ito ay mula sa mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino. Kabilang ang eksperto mula sa iba't ibang asignaturang pinagdadalubhasaan.
Instrumento sa Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik ay pangangalap ng impormasyon sa mga mag-aaral at eksperto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey.
Bukod sa mga babasahin mula sa silid-aklatan ay kumuha rin ng ibang detalye gamit ang internet bilang karagdagan.
Sa pagsasagawa ng pag-aaral, nagsagawa ng pagsasarbey na naglalaman ng talatanungan kung anu-ano ang mga dahilan ng "Pagtaas ng bilang na kabataang sumasali sa fraternity";.Bukod pa rito may piling personal na katanungan.Bibigyang pagkakataon din ang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan batay sa isyung tinalakay.
Mga Paraan ng Pagsasagawa ng Pananaliksik
Humingi ng permiso sa dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon para sa gagawing pagsasarbey sa mag-aaral at interbyu sa guro.
Naaprubahan ng dekana ang liham.
Pagkalap ng mga impormasyon upang iba pang batayan sa paggawa ng talatanungan sa mag-aaral at interbyu sa guro.
Pagsasagawa ng sarbey sa tig-limampung (50) babae at lalaking mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino.
Pagsasagawa ng interbyu sa walong (8) eksperto mula sa iba't ibang asignaturang pinagdadalubhasaan.
Pagsusuring Estadistika ng mga datos.
Analisis at Presentasyon ng mga datos
Estradistikang Tritment ng Datos
Bahagdan.Ginamit upang makuha ang proporsyon ng kabuuan.
Weighted Mean. Tumutukoy sa talaan ng mga datos na nakuha galing sa kabuuan ng populasyon.
Pormula:WM= fxN
Kung saan: WM = Weighted Mean
fx = Kabuuang bilang ng resulta mula sa populasyon at frequency.
N = Bilang ng mga respondente.
Standard Deviation. Ito ang pangunahing pangangailangan para sa pagkompyut ng t-test.
Pormula:SD=NEX1-(EX)N(N-1)
Kung saan: SD = Standard Deviation
EX = Kabuuan ng mean squared.
X = Mean
N = Number of cases
T-test. Ito ang estadistikong ginamit sa makabuluhang pagkakaiba.
Pormula:T= DN D2- D2N-1
KABANATA 4
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
Suliranin 1.Sa paanong paraan tinaya ng respondent ang Pagtaas ng bilang ng kaabaataang sumasali sa fraternity ayon sa:
1.1 Tahanan
Talahanayan 1
Paraan ng Pagtaya ng tagatugon batay sa Tahanan
Gabay
5 =4.20 – 5.00 Higit na Katanggap – tanggap (HNK)
4 =3.40 – 4.19 Katanggap – tanggap (KT)
3 =2.60 – 3.39 Katamtamang pagtanggap (KP)
2 =1.80 – 2.59 Hindi gaanong katanggap – tanggap (HGK)
1 = 1.00 – 1.79 Hindi katanggap – tanggap (HK)
Makikita sa talahanayan 1, ang pagtaya ng respondente batay sa Tahanan. Nanguna sa mga salik ang kawalan ng patnubay ng magulang na may kabuuang 3.4 na nangangahulugang katanggap - tanggap, pinangalawahan ito ng Paraan ng pagpapalaki ng magulang at Pagiging mahigpit ng magulang sa anak na may kabuuang 2.7 na nangangahulugang Katamtamang pagtanggap. At sinundan ng ibang tao ang nag aaruga sa anak at kawalan ng tiwala ng anak na may kabuuang 2.6 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
Sa kabuuan, ang paraan ng pagtataya ng respondante sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa tahanan ay may kabuuang 2.8 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
1.2 Kaibigan/Barkada
Talahanayan 2
Paraan ng Pagtaya ng tagatugon batay sa Kaibigan/Barkada
Makikita sa talahanayan 2, ang pagtaya ng mga tagatugon batay sa Kaibigan o Barkada. Nanguna sa mga salik ang Nakahanap ng comfort zone na may kabuuang 3.65 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Pinangalawahan ng Pagiimbita ng nakapaligid na kaibigan na may kabuuang 3.3 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Ikatlo ang Kakulangan ng kaalaman sa pagsali na may kabuuang 3.2 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Sinundan ng Impluwensya ng minamahal kaya sumali sa fraternity na may kabuuang 3.0 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap at panghuli ang Pananakot ng tao sa paligid na may kabuuang 2.8 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
Sa kabuuan, ang paraan ng pagtaya ng respondante sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumaasali sa fraternity batay sa Kaibigan o barkada ay may kabuuang 3.14 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
1.3 Proteksyon
Talahanayan 3
Paraan ng pagtaya ng Respondante batay sa Proteksyon
Makikita sa talahanayan 3, ang pagtaya ng tagatugon batay sa Proteksyon. Nanguna sa mga salik ang Napoproteksytunan ang sarili laban sa iba na may kabuuang 3.33 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Pinangawalahan ng Lumalakas ang loob sa pakikipagaway na may kabuuang 3.25 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Ikatlo ang Proteksyon sa paaralang kinabibilangan na may kabuuang 3.23 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Sinundan ng Nakaka angat sa ibang tao kapag kasali sa fraternity na may kabuuang 2.88 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. At panghuli Sikat kapag may grupong kinabibilangan na may kabuuang 2.86 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
Sa kabuuan, ang paraan ng pagtatay ng respondante sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali fraternity batay sa Proteksyon ay may Kabuuang 3.1 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
1.4 Edukasyon
Talahnayan 4
Paraan ng pagtaya ng Respondane batay sa Edukasyon
Makikita sa talahanayan 4, ang pagtaya ng mga tagatugon batay sa Edukasyon. Nangunguna dito ang Nakakaapekto ang pagsali ng fraternity sa Estado ng pagaaral na may kabuuang 3.49 na nangangahulugang katangaptanggap. Pinangalawahan ng Nakakaapekto sa grado ang pagsali sa fraternity na may kabuuang 3.5 na nangangahulugang katanggaptanggap.Ikatlo ang Nagiging hadlang ang pagsali sa fraternity sa iyong pagaaral na may kabuuang 3.2 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Sinundan ng May mabuting naidudulot sa iyong pagaaral ang pagsali mo ditto na may kabuuang 2.63 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. At panghuli ay kailangan ang fraternity sa iyong pagaaral na may kabuuang 2.2 na nangangahulugang Hindi gaanong katanggaptanggap.
Sa kabuuan, ang paraan ng pagtaya ng respondante sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa Edukasyon ay may Kabuuang 3.0 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
Talahanayan 5
Paraan ng pagtaya ng Respondante batay sa Makasabay sa Uso
Makikita sa talahanayan 5, ang pagtaya ng mga tagatugon batay sa Makasabay sa uso. Nangunguna dito ang Nagiging sikat ka kapag sumali ka sa fraternity na may kabuuang 2.9 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. Pinangalawahan ng para makasabay sa lahat at Sentro ng atraksyon ang pagsali sa fraternity na may kabuuang 2.4 na nangangahulugang Hindi gaanong katanggaptanggap. Sinundan ng gaano makasabay sa kinaramihan na may kabuuang 2.2 na nangangahulugang Hindi gaanong katanggaptanggap. Panghuli ang Ito lang ang paraan para makasabay sa uso na may kabuuang 2.1 na nangangahulugang Hindi gaanong katanggaptanggap.
Sa kabuuan, ang paraan ng pagtaya ng respondante sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa Makasabay sa uso na may kabuuang 2.4 na nangangahulugang hindi gaanong katanggaptanggap.
TALAHANAYAN 6
Pagsusuri sa makabuluhang pagkakaiba sa pagkakaunawa sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity ayon sa kasarian
RESPONDANTE
TAHANAN
KAIBIGAN O BARKADA
PROTEKSYON
EDUKASYON
MAKASABAY SA USO
KABUUAN
Babae
Lalaki
KABUUAN
CELL
Observed(o)
Computation Process
Expected(o)
(O-E)2E
Total
TALAHANAYAN 7
Kabuuan ng paraan ng pagtaya ng tagatugon sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity
Makikita sa talahanayan 5 ang kabuuan ng paraan ng pagtaya ng tagatugon sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity .Ipinakikita dito na ang Tahanan na may kabuuang 2.8 ay nangangahulugan na Hindi gaanong katanggaptanggap samantala ang Kaibigan o barkada at Proteksyon ay may kabuuang 3.2 na nangangahulugan na katamtamang pagtanggap, at ang Edukasyon ay may kabuuang 3.0 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap. At panghuli ang makasabay sa uso na nagtamo ng 2.4 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
Samakatuwid, ang kabuuang bilang ng paraan ng pagtaya ng tagatugon sa Pagtaas ng bilang ng kabataan na sumasali sa fraternity ay may kabuuang resulta na 2.91 na nangangahulugang katamtamang pagatanggap.
TALAHANAYAN 8
Pagsuri sa suliraninng ikinahaharap ng respondent sa pagtaas ng bilang ng kabataang sunmasali sa fraternity
SULIRANIN
FREQUENCY
%
RANK
Dahil sa fraternity madami ang kabataang napapahamak.
48
22.1
1
May kasaamaaan itong naiduulot sa bawat indibidwal
43
19.8
3
Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal.
18
8.3
4
Tama naa sumali sa fraternity ang mga kabataang 18 pababa na taong-gulang
12
5.5
6
Nasisiyahan ka sa paagsali sa fraternity.
8
3.7
9.5
Nakatutulong ang fraternity upang tayo ay umunlad.
10
4.6
7
Malaki ang naaitutulong sayo ng fraternity.
9
4.1
8
Maganda ang layunin ng fraternity.
8
3.7
9.5
Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal
14
6.5
5
Dahil sa fraternity kaya nawawaalaan ng oras ang mga kasali ditto sa kani-kaanilag pamilya.
47
21.7
2
KABUUAN
217
100
Makikita sa talahanayan 7, na ang may pinakamataas sa rank ay Dahil sa fraternity ay madaming napapahamak. Pangalawa dito ang Dahil sa fraternity kaya nawawalaan ng oras ang mga kasali dito sa kani-kanilag pamilya. Pangatlo May kasaamaaan itong naiduulot sa bawat indibidwal. Pangapat Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal. Panglima ay Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal. Pang animn Tama na sumali sa fraternity ang mga kabataang 18 pababa na taong-gulang. Pang pito Nakatutulong ang fraternity upang tayo ay umunlad. Pangwalo Malaki ang naaitutulong sayo ng fraternity. At panghuli ay ang magkapareho na rank ay ang Maganda ang layunin ng fraternity at Nasisiyahan ka sa paagsali sa fraternity.
KABANATA 5
Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Paglalagom
Ang napansin resulta sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:
1. Sa paanong paraan tinaya ng tagatugon ang pagsali sa fraternity ng mga kabataan batay sa mga sumusunod na pamantayan ayon sa:
1.1 Tahanan Sa kabuuan, ang paraan ng pagtataya ng respondent sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa tahanan ay may kabuuang 2.8 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
1.2 Kaibigan/Barkada Sa kabuuan, ang paraan ng pagtaya ng tagatugon sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa kaibigan/barkada ay may Kabuuang 3.24 na nangangahulugang katamtamang pagtanggap.
1.3 Proteksyon Sa kabuuan, ang paraan ng pagtataya ng respondent sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa Proteksyon may Kabuuang 3.1 na nangangahuluganglubhang katamtamang pagtanggap.
1.4 Edukasyon Sa kabuuan, ang paraan ng pagtaya ng respondent sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa Edukasyon ay may Kabuuang 2.2 na nangangahuluganglubhang katamtamang pagtanggap.
1.5 Makasabay sa Uso Sa kabuuan ang paraan ng pagtaya ng respondent sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa Makasabay sa uso ay may kabuuang 2.4 na nangangahulugang lubhang natugunan Hindi gaanong katanggaptanggap.
Samakatuwid, ang kabuuang paraan ng pagtaya ng respondent sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity ay may weighted mean na 2.91 na nangangahulugang tugon na tugon ng mga respondente.
2.Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa ebalwasyon sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity ayon sa kasarian
3.Ano –ano ang suliranin na kinaharap ng mga respondante sa pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity.
Ang mga suliraning kinaharap na ang may pinakamataas sa rank ay Dahil sa fraternity ay madaming napapahamak. Pangalawa dito ang Dahil sa fraternity kaya nawawalaan ng oras ang mga kasali dito sa kani-kanilag pamilya. Pangatlo May kasaamaaan itong naiduulot sa bawat indibidwal. Pangapat Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal. Panglima ay Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal. Pang animn Tama na sumali sa fraternity ang mga kabataang 18 pababa na taong-gulang. Pang pito Nakatutulong ang fraternity upang tayo ay umunlad. Pangwalo Malaki ang naaitutulong sayo ng fraternity. At panghuli ay ang magkapareho na rank ay ang Maganda ang layunin ng fraternity at Nasisiyahan ka sa paagsali sa fraternity.
Konklusyon
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:
Ang paraan ng pagtaya ng respondent sa Pagtaas ng bilang ng kabataang sumasali sa fraternity batay sa mga sumusunod na pamantayan ayon sa: Tahanan, Kaibigan/Barkada ,Proteksyon, Edukasyon at makasabay sa uso ay katamtamang pagtanggap.
Batay sa mga nakalap na impormasyon ang karaniwang mga suliranin sa Pagtaas ng kabataang sumasali sa fraternity: Una ang Dahil sa fraternity madami ang kabataang napapahamak.Pangalawa May kasamaaan itong naiduulot sa bawat indibidwal.Pangatlo Nakatutulong ang fraternity sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibidwal. Pangapat Tama naa sumali sa fraternity ang mga kabataang 18 pababa na taong-gulang. Panlima Nasisiyahan ka sa paagsali sa fraternity.Pang anim Nakatutulong ang fraternity upang tayo ay umunlad.Pangpito Malaki ang naaitutulong sayo ng fraternity.Pangwalo Maganda ang layunin ng fraternity.Pangsiyam May maapupulot na magaandang aral ang mga kabataaan na sumasali sa fraternity.At panghuli Dahil sa fraternity kaya nawawaalaan ng oras ang mga kasali ditto sa kani-kaanilag pamilya.
Rekomendasyon
Batay sa resulta at konklusyon na ipinakita ang mga sumusunod na rekomendasyon ay iminumungkahi:
Kilalanin muna ang mga kakaibiganin kung mabuting impluwensya ba sila o hindi.
Alamin muna natin ang mga negatibo at positibong maidudulot nito sa atin bago tayo pumasok sa isang kapatiran
Para sa mga magulang, Tutukan ang mga anak at huwag hayaang masama sa mga masasamang Gawain.Palakihin ng maayos ang mga anak.
Huwag mainggit sa mga miyembro nang fraternity kung sikat sila o kinakatakutan sa inyong lugar. Umiwas na lamang sa kanila.
CURRICULUM VITAE
ARNELLE JOHN ANTHONY V. NALOG
[email protected]
Pangalan: Arnelle John Anthony V. Nalog
Edad: 17
Kapanganakan: Pebrero 19, 1999
Lugar ng Kapanganakan: Manila
Tirahan: 8 Tendido St. Brgy. San Jose, QC
Magulang: Gloria V. Nalog
Arnillo T. Nalog
Kaligirang Pang-edukasyon:
San Jose Elementary School
Quezon City
2010-2011
San Jose High School
Quezon City
2014-2015
Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and
Technology
Nagtahan, Sampaloc, Manila
Mga Dinaluhang Pagsasanay:
MICHAEL ANGELO D. CUEVAS
[email protected]
Pangalan: Michael Angelo D. Cuevas
Edad: 20
Kapanganakan: Mayo 16, 1995
Lugar ng Kapanganakan: Makati City
Tirahan: 115 Rosal St. Payatas A, Quezon City
Magulang: Regina D. Cuevas
Jose L. Cuevas
Kaligirang Pang-edukasyon:
Payatas A Elementary School
Ilang – Ilang St. Payatas A, Quezon City
2006-2007
Bagong Silangan High School
Gen. Villamor St. Bagong Silangan, Quezon City
2010-2011
Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and
Technology
Nagtahan, Sampaloc, Manila
Mga Dinaluhang Pagsasanay:
2014 Peer Disciple to the World Camp
2015 International Conference, Surigao City
2016 Global Youth Summit
BLANCA MAE S. BUTIN
[email protected]
Pangalan: Blanca Mae S. Butin
Edad: 17
Kapanganakan: Nobyembre 8, 1998
Lugar ng Kapanganakan: Mandaluyong City
Tirahan: Blk. 32 Ext. Welf Comp. Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City
Magulang: Mary Jane S. Butin Roberto B. Butin
Kaligirang Pang-edukasyon:
Andres Bonfiacio Integrated School
Mandaluyong City
2010-2011
Andres Bonifacio High School
Mandaluyong City
2014-2015
Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and
Technology
Nagtahan, Sampaloc, Manila
Mga Dinaluhang Pagsasanay:
2016 Global Youth Summit
RONUEL B. MORALITA
[email protected]
Pangalan: Ronuel B. Moralita
Edad: 19
Kapanganakan: Marso 6, 1996
Lugar ng Kapanganakan: Real, Quezon
Tirahan: Norma St. Mindanao, Sampaloc Manila
Magulang: Ricardo D. Moralita Paz B. Moralita
Kaligirang Pang-edukasyon:
Cawayan Elementary School
Brgy. Cawayan, Real, Quezon
2007-2008
Ungos National High School
Brgy. Ungos, Real, Quezon
2011-2012
Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and
Technology
Nagtahan, Sampaloc, Manila
Mga Dinaluhang Pagsasanay:
2016 Global Youth Summit
FLOUREN L. MESA
Pangalan: Flouren L. Mesa
Edad: 18
Kapanganakan: Oktubre 9, 1997
Lugar ng Kapanganakan: Antipolo, Rizal
Tirahan: 614 R. Pascual St. Brgy Pleasant Hills Mandaluyong City
Magulang: Flora L. Mesa
Redon D. Mesa
Kaligirang Pang-edukasyon:
Nueve de Febrero Elementary School
9 de Febrero St., Mandaluyong City
2006-2007
Neptali A Gonzales High School
9 de Febrero St., Mandaluyong City
2012-2013
Asian Institute of Computer Studies
Information Technology
2013-2015
Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and
Technology
Nagtahan, Sampaloc, Manila
Mga Dinaluhang Pagsasanay:
2016 Global Youth Summit