Totoo kaya na ang napapaloob sa bakuran ng Espiritismo ay dumaranas ng karalitaan sa kabuhayang panlaman?
Ang tanong na iyan ay hindi akademiko, gayunman ay tutugunin ko sa inyo ang bagay na iyan. Ang nasasakop sa bakuran ng Espiritismo ay ang mga taong umiibig at nagsisikap na mag-aral ng karunungang tuwirang bumabalangkas ng mga muog na batayan ng pagsulong ng sangkatauhan. Saklaw nito ang anumang u ri hanggang sa kahuli-hulihang sangkap ng kultura ng mga tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako. Kabilang dito ang mga karunungang positiba, ang mga pananampalataya, at iba’t iba pang paaralang nagaadhika ng mga bagay na ikauunlad at ikasusulong ng diwa, ng buhay, ng katalinuhan, at ng kaluluwa ng buong daigdig. Ang bakod ng Espiritismo’y ang buong “irum!erenia" na kinapapalooban ng sangnilalang at nasa ilalim ng kataas-kataasang pamamatnugot ng dakilang #anlilikha. Salig sa ganitong paliwanag sana $ sasakop ng bakuran ng Espiritismo- lahat ng tao ay nalalaman o namamalayan man nila o hindi.
%alang taong nalalayo sa Espiritismo, kung tinatanggap natin na ang tao’y espirito na may katawang laman na kinakasangkapan samantalang nasa kapatagang lupa na katulad ng inyong tinatahan, maging ito’y hiwalay sa isang kasangkapang maaaring gamitin, katulad halimbawa, ng inyong katawang laman. Anumang pagsisikap sa ikasusulong ng espiritong ito, sa pag-iisip, gawain o damdamin kaya, ay natutungod sa kanyang ikadarakila at ikaluluwalhati. Sa anumang antas ng buhay, buhat sa mahaba hanggang sa taluktok ng kadakilaan, iyan ay saklaw ng pag-aaral ng Espiritismo.
&angalawang bahagi ng tanong na kung naghihirap ang pasakop sa Espiritismo’y tinutugon ko ng ganito' ((, naghihirap ang sakop ng Espiritismo, kung papaanong naghihirap ang isang anak ng )iyos. Sapagkat sa sandaling isilang sa liwanag ang isang tao at sumibol ang kamalayan sa sarili at kusang pag-iisip, ito ay simula na ng pakikipamuhay, simula na ng pakikibaka, simula na ng pag-usad na patungo sa kaitasaan sa mga baitang ng hagdan ng pagkasulong. Sa mga unang yugto ng pakikipamuhay ng isang tao o ng isang espirito o ng isang batlaya, sa madaling salita, siya ay pinahihiyasan ng mga batas ng karma, ng mga kailanganing nauukol sa nakatakdang yugto ng pag-aaral na lalong ikagaganap ng maluwalhating katuparan ng kanyang paksang binabanghay sa yugtong iyan ng buhay. *alimbawa' minsan ay sa yugto ng kabuhayan sa kapatagang ito ng isang tao, sa pamamagitan ng mga batas ng karma, ay nakatakdang maunlad ang katalinuhan sa isang uri o hanay ng kabuhayang panlaman, kayamanan, halimbawa, buhay mariwasa, buhay-makapang-yarihan o buhay maharlika. &alibhasa’y ito ang leksyon, ito ang paksa ng yugtong ito ng pagparito sa lupa, palibhasa’y iyan ang gawa ng pag-iisip at alitigtig ng kaluluwa, ang mga paligid at pook na sisilangan ay magdudulot ng ganting galaw na katugon ng kanyang dalang simulain at adhika. Sa yugto ng kayamanang ito at sa yugto ng kabuhayan may kapangyarihang panglupang ito, sa tawag
ninyong mga tao, ay naliligayahan siya at nakalutang sa kaaliwan. Subalit kayo rin ang nakararanas na sa gitna ng kaaliwan at sapin-saping pagsubok ay sapin-sapin ding suliranin, patung-patong na paksa ng buhay ang naipapataw sa inyong balikat upang panagutan ninyo sa harap ng lipunan ng tao at sa harap ng b atas ng dakilang #anggagwa. *angga’t hindi ninyo lubusang naisasakamalayan ng sagad sa diwa o budhi ang kabatiran sa kalagayang ito ng buhay, pagbabalik-balikan ninyo ang antas na iyan ng pananatili hanggang sa malampasan ang mga panghuling pagsusulit sa nasabing yugto ng kabuhayan.
“&ikpik at siksik na tatakalin kayo," sabi ng kasulatan. *indi kayo aalis duon ng hindi na lahat hanggang sa huling beles ng inyong pagkakautang. Sa susunod na yugto o sumusunod na yugto ng kabuhayan, isa-isa ninyong gagaygayin ang lahat ng maaaring idulot ng isang kaluluwa- materyal, moral at espiritwal. *abang kayo ay nagiging bihasa at samantalang napapali ang inyong diwa, ang ilaw ng inyong kaluluwa ay nagliliwanag dahil sa kabatiran sa kabila ng maraming pagsubok. Sabi ng kasulatan' “magaan pang magdaan ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa isang mayamang makarating sa kaharian ng langit." Ang isang katulad ninyo, mayamang-mayaman at saganangsagana sa kabatiran ay mapalad na idaraan sa butas ng karayom. &agdaan ninyo sa mga moog ng walang butas na daraanan, makakapal na palarindingan ang inyong paglalagusan, sapagkat sa ganyang yugto ng kabatlayaan, ang makakapal na moog ay hindi sagabal sa ilaw at lakas ng inyong pagkatao. *abang dumadakila ang kabatlayaan ng mga tao at yumayaman sa karanasang pangkabanalan ay lalong malalaking pagsubok at malalaking hirap ang daranasin. “#agaan pa ang isang kamelyo na sumuot sa butas ng karayom kaysa sa inyo na makapasok sa kaharian ng mga langit."
+asasaksihan baga ninyo ito? +adarama baga ninyo ang aking diwa na idinadampi ko sa inyong isipan? Ang )iyos ay pag-ibig at katarungan. *indi kayo idaraan sa ganitong pagsasakit at ganitong hirap kundi kayo inihanda sa mahabang kawing kawing na panahon at kayo ay tinigmak sa langis ng kabatiran. Ang tanong ninyo sa akin ay naghihirap baga ang napasasakop sa Espiritismo? (o, naghihirap, at sinumang umibig sa kabanalan, karunungan at katarungan, tanggihan man ay walang salang magdaraan sa malaking paghihirap.
At kapag mayroon kayo ng pagsang-ayon sa pagpapakasakit, ihagis man kayo sa lagablab ng apoy ay hindi kayo masusunot, katulad ni )aniel. sugba man sa nagngagalit na apoy ay aahon kayo ng may ngiti, may katuwaan at pagpupuri. *indi baga nasusubok ninyo ito? #akailan kayong ihagis sa lagablab ng apoy, hindi baga nakangiti kayo at nanunumbalik sa dambana upang magpasalamat? *indi baga mga kapatid? akit kayo nakalaan sa ganyang pagsubok, sa ganyang mga hirap, sa ganyang pagpapakababa sa
ibabaw ng maraming karangyaan ng kadakilaang panlaman? #agagawa ninyo ito sapagkat kayo ay mga pikpik at siksik na inihasa ng mahabang panahon ng karanasan sa loob ng Espiritismo. At ang lumalandas na may pagkukusa sa daan ng &anginoon ay humihiwalay sa daanan ng mga taga Samaria, sapagkat ang maglilingkod sa dalawang &anginoon ay hindi makapagmamatapat sa kapwa, katulad baga ng isang namamangka sa dalawang ilog na hindi magagawa sa iisang panahon. Ang sadyang nagsasadiwa at nagsasapuso ng Espiritismo ay hindi pinahihiyasan ng karangyaan ng kayamanang panlupa sapagkat hindi niya ito kailangan. Sabi ng #ananakop sa panahon n g pangangaral' “dumaraan ang &rinsipe ng sanglibutan ito at siya ay walang anuman sa akin." Samakatuwid, sa puspusang pag-aaral ng kahiwagaan ng buhay pambatlaya, ang mga pahiyas ng buhay panlaman ng tao ay katimbang ng buhay pambatlaya. Tinatanggap ko at sinasang-ayunan ang bagay na ito.
Sa yugto ng inyong kabihasnan ngayon ay kailangan ang mga sangkap-sangkap na kayamanang panlupa sa pagtupad ninyo ng hinihingi ng kawanggawa at kabutihang asal, ng kabaitan at ng pag-ibig sa kapwa tao sa loob ng lipunan. Kung ang pagtupad ninyo ng mga kabanalang iyan ay sinusunod ninyo ang dipinisyon at pagpapaliwanag ng karaniwang kabaitan ng tao at kawanggawa ng tao, iyan ay nagaganap bilang pagalinsunod sa mga pangangailangang panlaman. Kung magawa ninyo iyan kalahati lamang ng daan sa kawanggawa ang inyong natupad. Ang dalisay na kawanggawa ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapalagos ng kanyang matapat at tunay na bahagi ng katauhan at kaluluwa sa diwa at puso ng kanyang kapatid, sa mga kaparaang espirituwal.
+agagawa ito sa isang masinop na pakikisang-diwa, sa isang matapat at wagas na damdamin ng pag-ibig sa isang tao. Ang kung ito ay madama ninyo at madanas sa kaibuturan ng inyong puso, wala man kayong maiabot na putol ng tinapay sa isang nalulugami, panalaigan ninyo, mga kapaatid ko, na iyan ay isang kawanggawang hindi mawawala sa aklat ng ginto ng kaluluwa ng pinag-ukulan ng inyong pag-ibig, nalalaman o hindi ng inyong pinag-ukulan. Ang gayong gawain o tibukin ng kaluluwa at puso na inyong papaimbulugin at papaglagusin sa kaluluwa ng inyong kapatid, ito ay naghahatid sa inyo ng katugong galaw at kaipala’y bibihis sa marami ninyong kahirapang nasagap sa mga pinagdaanang kabuhayang espirituwal. #araming karma ang mabibigyan ninyo ng kasiyahan sa buhay na moral sa bawat lagos ng isang dalisay at marangal na tibukin para sa isang kapatid, lalong-lalo na, sa isang mahina at nangangailangan ng inyong tulong.
Sa ganitong pangyayari, ang kawaggawang panlaman ay nagsisilbing pangalawang bagay na lamang. #ga espiritista kayo at magtititwala akong mga katagang ito ito’y nadarama ninyo sa kaibuturan ng inyong puso. Kayanga’t sa bawat paghihirap ng isang pasakop sa bakuran ng Espiritismo ay may ganting-galaw ng katahimikan at kapayapaan ng kaluluwa na walang katapat na halaga sa ibabaw ng lupa. +agsasalita ako sa karanasan
ninyo na aking mga kaharap ngayon. Kung nag paghihirap ay ipinaliliwanag ng kapagalan at mga sakit na pinagdaraan at tinitiis ng isang tao dahil sa kanyang paglulunggating sumapit sa tugatog ng mga adhikain ng kabanalan at kabatlayaan, ang paghihirap na iyan ay isang kaluwalhatian ng kaluluwa. Sapagkat ang tao, sa kanyang tunay na kalagayan ay buhay, sapagkat gumagawa at nananatili, sapagkat nag-iisip, umiibig at nagdaranas. At sa sandaling mawala ang paggawang ito at ang pakikibakang ito upang dumakila- wala na ang buhay kung magkakagayon, ang paghihirap ay isang kurso natural o isang likas at katutubong daang lalandasin ng bawat isilang sa alinmang kapatagang kabubuhayan ng tao, hindi isang suliraning paghihirap, manapa’y ito ay isang batas. At sapagkat batas, ang tao ay sadyang magdaranas ito.
-----------------------Soure' Tinig ng atlaya' #ga *atid Kasagutan ni San &edro sa mga Tanong na niharap ni Eriberto . Are/alo. Sa pamamagitan ng talaytayang si b. 0uadalupe . Estrada. 1nang &agkalimbag Enero 2344.