A storytelling session in video, transcribed using word, and copy & paste commands; this is for the benefit of Elementary students still deep within the CLE curriculums.Full description
mula sa Modyul sa Filipino sa Baitang 9
Full description
Full description
akoaFull description
Ang Alamat Ng Lamok
filipino
A new setting of songs for the Filipino Holy MassFull description
BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN? NI Filomena coledrino PARA SA CHAMBER THEATRE MGA TAUHAN; KA UGONG AT Ka MALDANG- Mag-asawa ALBULARYO AT ANG MGA KAPITBAHAY Tagapagsalaysay: Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawang nagngangalang HUGO at IMELDA.Sa tuwing sila ay kakain ay lagi na lamang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng mga pinggan.Kung tatanggi si Hugo, pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung anu-an9ong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo, at kung ang huli ay sasagot, tutugisin ni Imelda ang pobre ng walis tingting.Tatakbo si Hugo sa bahay ng kanyang kumpare at doon magpapalipas ng galit kay Imelda.Nakasanayan silang tawagin ng kanilang mga kapitbahay ng Ka Maldang at Ka Ug ong. Isang araw, patapos na silang kumain ,matigas na sinabi ni Ka Ugong na… KA UGONG-------Ayoko nang maghugas ng pinggan. KA MALDANG---At sino? KA UGONG-------Ako?? Aba, buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid.Ayoko nang maghugas ng kahit isa mang pinggan. KA MALDANG---At sino Mang Hugo ang maghuhugasng pinggan? KA UGONG------(medyo takot) Ikaw.IKaw ang babae.Ikaw dapat ang magtrabaho sa bahay. KA MALDANG----At ano ang gagawin mo.Matapos mong maitali ang kalabaw sa damuhan ay mahihiga ka na lamang,mahirap na ba iyon? Ako na nga ang nagluluto,naglilinis nagluluto,naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit mo pati briefmo, pati pagbubunot ng sahig.Lahat ng trabaho ng isang alila, inaako ko na.Tapos ayaw mo pang maghugas ng pinggang pinagkainan mo?Ha ikaw ikaw tamad na lalaki! (mukhang hahambalusin hahambalusin ngunit magtatago sa ilalim ng mesa ni Ka Ugong) KA UGONG-------Hintay love, hwag mo akong hambalusin! KA MALDANG---Anong lab lab?-Labas diyan duwag! KA UGONG------Sandali lang.Huwag mo naman akong paluin.Makinig ka.May naisip akong par aan na makalulutas sa ating problema ng paghuhugas ng pinggan.(sa ilalim pa rin siya ng mesa) KA MALDANG---Lumabas ka riyan ay ipakilla moa ng iyong pagkalalaki.Hindi iyang para kang pusang nagngingiyaw sa ilalim ng mesa. KA UGONG------Ngunit itabi mo muna ang iyong walis. KA MALDANG---Sige,sige. (itatabi sa likod ng pinto ang walis) O ano ang sasabihin mo? KA UGONG------(mauupo katapat ni Ka Maldang sa harap ng mesa)(Titikhim muna) Huwag nating pagawayan ang paghuhugas ng pinggan.Magkasundo tayo. Ang unang magsasalita sa atin pagkatapos kong sabihin ang salitang umpisa ang siyang maghuhugas ng pinggan.At palagi nang tagahugas ng pinggan.
KA MALDANG---Ganoon lang?Madali lang iyan.Maisasara ko ang aking bibig kahit isang lingo.Ikaw hindi kasi pati kalabaw kinakausap mo. KA UGONG-------O sige handa ka na ba? (hamon niyang pinaigi ang pagkakaupo) O sige ,UMPISA!!!
Tagapagsalaysay: At sila’y kapwa tumahimik.Nagtitigan sa harap ng mesa.Nandun pa ang mga pinagkainan.Ayaw alisin ang pagtitig sa isat-isa sa takot na maunang magsalita.Di-nagtagal ay ngumiyawang pusa na tila naghahanap ng pagkain.Wala pa rin silang pansin kahit na kumakain na ang pusa.Nasagi ng pusa ang kapitera at natapon ang laman ngunit nanatili pa rin sila.Halos mamugto na ang mga naluluha nilang mga mata.Kahit pinagpapawisan na ay nanatili pa ring walang kibo ang dalawa.Lumubog na ang araw nang may kapitbahay na nagtatawag. KAPITBAHAY 1----Ka Maldang. Ka Maldang! KA MALDANG!!HUUU KUMARE!NASAAN KAYO?Pahingi ng asin ninyo. KAPITBAHAY 2----Tila wala si Mareng Maldang.Si pare kaya? (tatawag na rin)Pare, pareng HUGO! PARENG HUGO!!!Pahiram ng plantsa nyo. KAPITBAHAY 1----Wala talagang sumasagot. KAPITBAHAY 2----Pero nandito naman ang hagdan nila.Dati rati inaalis nila ito kapag umaalis.Teka kukunin ko na lang ang plantsa at isasauli rin pagkatapos tutal nandito ka naman.Baka nasa bukid lamang sila. KAPITBAHAY 1---Sige ,pero kapag may nawala huwag mo akong idadamay! KAPITBAHAY 2---Oo naman.(papanhik na at madadatnan ang mag-asawang ganun pa r in ang ayos.Magtataka) Nandito pala kayo? Bat ganyan ang ayos ninyo ha? Hoy magsalita kayo.(niyugyog sila)Diyosko ano ang nangyayari ditong kababalaghan.Tatawagin ko si Kapitan.(aalis na)
Tagapagsalaysay: Kung kanikanino nagpatulong ang kapitbahay.Lahat nagsidating upang makiusyuso) LALAKE--------------Pare naman,huwag naman kayong magbiro.Natatakot kami para sa inyo. Babae--------------Susmaryosep!(mag-antanda) Bat kayo nagakakaganito? May nakain ba kayong lason o ano?Ay hindi pwede ito tumawag na tayo ng albularyo! KA MALDANG—(galit na nagbabalang-senyas sa pakikialam ng mga kapitbahay.Pagkuwan ay pumikit.sumunod ni Ka Ugong upang hindi makita ang mga nakapaligid na kapitbahay.) LALAKE--------------Sige ditto ka lang.Bantayan mo sila baka kung ano pa ang gagawin nila.Alis na ako
Tagapagsalaysay:Anumang gawin ng mga kapitbahay upang pagsalitain sila ay ikinainis ni Maldang.Mayatmaya ay humiga siyang nakapikit.Sumunod din si Ka ugong na ngawit na ngawit.Parehong lalong itinikom ang bibig.Mayatmaya ay dumating na ang albularyong kasa ang alalay na may bitbit na bayon.) ALBULARYO----------