A storytelling session in video, transcribed using word, and copy & paste commands; this is for the benefit of Elementary students still deep within the CLE curriculums.Full description
mula sa Modyul sa Filipino sa Baitang 9
Full description
Full description
Ang Alamat Ng Lamok
filipino
A new setting of songs for the Filipino Holy MassFull description
Full description
Ang Linggwistika at Ang Guro Ng Wika
isang kwento lolFull description
ANG DIWATA NG KARAGATAN Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagatan. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay. Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan. Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao. LUHA NG BUWAYA Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng magasawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pookmaralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa lipunan. Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."