--Tungkol sa Awtor---After second title-Ang mga okupasyon o trabaho ng mga tao ay isa din sa mga aspektong kailangan upang makatulong magkontribyut sa pagbuo at pagkakaroon ng varayti ng wika. Ginagamitan ng tiyak na wika ang paghahanap-buhay sa lipunan at ito ay iba sa karaniwang gamit sa pakikipagtalastasan sa araw-araw. (Perigreno, et. Al., 2012) --Thesis Statement— Hindi karaniwan sa mga Pilipino ang pagbisita at pagkonsulta sa isang sikolohista. Karaniwang ikinakabit ito sa ideya ng “kabaliwan” o “abnormalidad” hindi lang sa taong nagpapakonsulta kundi pati na rin sa kaniyang buong pamilya o kamag-anakan. Kaya naman sa harap ng isang sikolohista, ang hindi pag-imik ay siyang inaasal ng nagpapakunsolta bagama’t mali ang pagkaunawa nito sa dinadaanang proseso sa sikoterapiya. Yung hindi naiintindihan ng kadamihan ay sa pagbisita ng sikolohista, ito ay tumutukoy sa “pagpapagamot sa sakit sa isip sa pamamagitan ng pamamaraang sikolohiko.” (UP Diksyonaryong Filipino, 2010) at hindi ang pag-inom ng gamut o pagsailalim sa operasyon. Kaya naman, Malinaw na ipinakita ang hindi pagkaintindi sa disiplina ng sikoterapiya na siyang pangangailangan para sa malusog na pag-iisip. Maipapakita din ang pangangailangan ng pagsasakonteksto ng sikoterapiya sa Pilipinas, at ideya ng malusog na isip na nakaugnay sa konsepto ng pagiging “buo”.
Bagama’t matingkad ang Kanluraning pananaw sa sikoterapiya, hindi nangangahulugang kulang ang mga Pilipino sa kamalayan sa malusog na pag-iisip. Ang pagsusuri ng konsepto ng katinuan gayunman, ay hindi nararapat tingnan bilang isang hiwalay na larang kundi bahagi ng ating kabuuan. Pinatutunayan ng mga pag-aaral ang bisa ng katawan sa lipunang Pilipino. 1. Pinapakita ng katutubong katawan ang posisyon at disposiyon ng tao. a. Ibig sabihin, ayon kay Mojares (1997) makikita sa ating sinaunang pangangalaga, pagpapalamuti, at iba pang gawaing pangkatawan ang pagtingin dito bilang isang midyum sa sining, maharlika, estado, at kapangyarihan.
i. Halimbawa ay ang pagbuburda bilang simbolo ng kapatagan o ang pagka-astig o ang paglalagay ng mga alahas mula ulo hanggang paa bilang manipestasyon ng maalwang pamumuhay. 2. Ang katawan na karaniwang binabaybay na “katuon” o “kata-o-wan” na malapit sa salitang “katauhan” ay isang representasyon ng panloob sa aspektong “katauhan”. (Alejo, 1990) a. Sinupportaan ito nina Bautista at Dellosa, sabi nila na ito ang dahilan at magpapaliwanag kung bakit nagbubunsod ng matinding reaksiyon ang anumang mapag-insultong paraan ng paghamak/pagsalin sa mukha o katawan. i. Isang halimbawa ay ang pagsampal sa isang tao, hindi lamang ito pisikal na pananakit bagama’t pinaglapastangan mo rin yung katauhan ng taong sinampal. Sa lahat ng ito, pinatutunayan ang lawak at lalim ng ugnayang katawan/labas at katauhan/loob sa pagiging “buo” ng estadong pangkaisipan ng mga Pilipino tungo sa “kaginhawaan” na ayon kina Bautista at Dellos, ang “ginhawa” ay terminong umuugnay sa ating kalagayan. Mula sa kagyat ng pagkawala ng sakit gaya ng “naginhawaan” tungo sa ideyal na estado gaya ng “maginhawang buhay”. Kaya dahil dito, ganap ang kaangkupan ng pagbibigay-diin sa tuon-sa-katawang sikoterapiya sa kontekstong Pilipino tungo sa pagkilala sa ugnayang psychotherapist at kalahok at sa pagpapalalim ng kamalayan sa sikoterapiya sa larangan ng sikolohiyang Pilipino. Ang body-centered psychotherapy ayon kay Ashley Eder, an online therapist and Licensed Professional Clinical Counselor in California. is a process that recognizes the intimate relationship between the human body and the psychological well-being of a person. Body-Centered Psychotherapists view the body as a resource for self-discovery and healing. Bibigyang-pokus ang tuon-sa-katawang sikoterapiya (body-centered psychotherapy) na isang kaparaan ng paggamot na malalim na kumikilala sa mahigpit na ugnayan ng katawan sa pag-iisip. Bilang pagtingin sa varayti ng wika, sisiyasatin ang bisa sa paggamit ng wikang Filipino sa ganap na pormulasyon ng maka-Filipinong pamamaraan sa sikoterapiya. Ang tuon-sa-katawang sikoterapiya ay higit na mapapauunlad sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino. Bakit?
Mas magiging mabisa ang koneksyon ng kalahok tsaka ng sikolohista. Mas malaki yung impact sa kalahok, kasi sariling wika ang ginagamit. Katulad nang sinabi ni ma’am dati na mas masakit kung minura ng in Filipino kesa pag minura ka in English.
Sa praktis ng sikoterapiya ni Dr. Violeta bautista at Dr. Randy Missel Dellosa, na tinatawag nila sa pangalang wholesome psychotherapy, kanilang itinambok ang iba’t –ibang sangkap ng katawan na nagsisilbing gabay sa pagkilala sa kalagayan ng tao- hinga, tindig, kilos o galaw, boses, gawi, at kumpas. Ito ay binigigyang pansin ng psychotherapist at ang pagbabago sa pamamagitan ng organisadong estretahiya:
Pagsasamalay- pagpapalutang ng karanasan ng katawan sa kamalayan ng kalahok Pagkilala- pag-usisa sa kalahok upang kilalanin nito ang karanasan ng katwan Pagpapanatili- paggabay sa kalahok na pagbibigay-pokus sa karanasan ng katawan Pagpapatindi- pagkausap sa kalahok na intensiyonal na patindihin ang dama at damdamin ng katawan Paghinga- paggaby sa pahghinga ng kalahok sa proseso ng pagkilala sa karanasan ng katawan paggalaw o pagkilos- pag-akay sa kalahok na ipakita ang karanasan ng katawan sa pamamagitan ng pagkilos Pagsasatinig- paggabay sakalahok na tahasang sabihin ang karanasan ng katawan Pagpapahayag- pagdulog sa kalahok na sabihin ang sa tingin niyang kahalagahan sa kaniyang nakuha sa ginawang pagkilos Pagsasabuhay- pag-anyaya sa kalahok na isang kongkreto sa asal at gawi ang nakuha niyang ideya/kaalaman sa tuon-sa-katawang estretahiya.
Bukod dito nagsagawa din ang Philippine Educational Theatre Association (PETA) ng tuon-sa-katawang sikoterapiya. Workshop sa pamamagitan ng paggalaw. Nakita ng PETA ang bisa ng paggalaw at pagsayaw upang “mapag-isip at magkaroon ng kakintalan ang mga kalahok ukol sa kanilang katawan” (Ong, 2007). Survivors ang tawag sa kanila at hindi “biktima” upang kilalanin na may pagtatagumpay na kahit sa simula pa lamang. pagkilala sa katawan ay mahigpit na nakakaimpluwensya sa kalagayan ng pag-iisp at kaasalan ng iniinugang kaligiran ng mga Pilipino. Bilang panlabas na aspekto ng katauhan, umuugnay ang katawan sa kaniyang pisikal na kaligiran at kapwa tao. Ang sinumang hindi makinis na naipadadaloy ang relasyong katawan/labas- katauhan/loob ay itinututing na may “mahina na loob”, “walang paninindigan”, “kulang sa diskarte”, “wala sa lugar” o “marami pang kakaining bigas” (Bautista at Dellosa).
Esensiyal sa pagiging “buo” ang danas ng katawan sa kaligiran. Kakabit nito ang pagkilala at paggalang ng tao sa bisa ng kaniyang paligid kaugnay ng iba’t ibang yugto ng buhay. Laganap dati pa man, sa ating mga ninuno ang paniniwala sa mga di nakikitang nilalang. Itong mga nilalang ay sinasabing maaring makaapekto sa gawain ng tao dahil kahit ang mga natural na pangyayari tulad ng karamdaman, pisikal man o sikolohikal, kamalasan, kamatayan, kalamidad, at iba pa ay pinaliliwanag hindi sa pamamagitan ng terminong mediko-legal kundi sa paraang umiinog sa relihiyon at kababalaghan. Kaya naman, mahalaga ang pangangalaga ng kalikasan at pagsaalang-alang sa mga di-nakikitang nilalang sa anumang aksiyon ng tao. Matingkad din ang ugnayan sa kapuwa ng mga Pililpino bilang karanasan ng katawan. Ang “kapuwa” ay nangangahulugang iisa at magkatulad/ pantay na pagtingin sa “ako” (ego) at sa “iba sa akin”. Dahil sa komunal ang mga Pilipino, ang ating konsepto ng “kasiyahan” ay kinapapalooban ng ating pakikipagkapwa at “kalungkutan” ay kakabit ng “pag-iisa” o walang kasama. Sa lahat ng ito, pinapatutunayan ang lawak at lalilm ng ugnayang/labas at katauhan/loob sa pagiging “buo” ng estadong pangkaisipan ng mga Pilipino tungo sa “kaginhawaan”.
Naging pokus ang tuon-sa-katawan bilang isang kaparaang nakaugnay sa mayaman at malalim na pananaw ng mga Pilipino sa katawan. Sa patuloy na paglinang ng wikang Pililpino sa sa iba’t ibang modelo ng sikoterapiya, higit pang makikita ang pag-usbong ng varayti ng wikang Filipino sa propesyong ito bilang bahagi ng modernisasyon at elaborasyon ng ating wika sa larangan ng sikolohiyo.