El Filibusterismo Kabanata 39 (Huling Kabanata) Mga tauhan, tema at simbolismo.
Includes a summary, list of characters, the theory and guide questions for El Filibusterismo chapter 22Full description
El Filibusterismo Kabanata 15Full description
Kaisipan, Talasalitaan, Halagang Pangkatauhan, Implikasyon, Simbolismo, Teorya at iba pa.Full description
reviews only
Full description
Buod Ng Kabanata 7 Suyuan Sa AsoteaFull description
Banghay ng nobela ni Jose Rizal
Ang buod at mga mahahalagang naganap sa Kabanata 12, 13, at 14 sa EL FILIBUSTERISMO.Full description
ReadingFull description
Full description
Full description
Full description
Full description
El Filibusterismo
http://buod.elfilibusterismo.com Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta
Nagbubukas ang nobela sa paglalarawan ng bapor Tabo na naglalayag sa ilog Pasig, papuntang La Laguna isang umaga ng Disyembre. Pagmasdan ang pagkakahalintulad ng bapor sa pamahalaan ng Pilipinas noong kapanahunan ni Jose Rizal: mayabang, mapang-api, ma-ere. Ipinakikilala sa kabanatang ito si Donya Victorina, ang tanging babae sa grupo na galing sa Europa. Sila ay nasa ibabaw ng kubyerta (hulaan ninyo kung sino ang mga nasa ilalim ng kubyerta). Si Donya Victorina ay mahilig magmura, maluho, makapal ang meyk-ap, pintasera, at isang nakabwibwisit na Indio na nagpapanggap na isang taga-Europa sa pamamagitan ng kanyang mga “wig” at pananamit. Sinasamahan siya ng kanyang mayaman at magandang pamangkin na si Paulita Gomez. Si Donya Victorina ay maybahay ni Don Tiburcio de Espadaña. Iniwan siya ni Don Tiburcio pagkaraan ng maraming taong pagsasama bilang mag-asawa. Malamang nagtatago sa Laguna si Don Tiburcio. Ang ibang mga tauhan sa kabanatang ito ay sina: Don Custo dio (isang opisal na konsehal), Ben Zayb (isang napakatalinong manunulat sa kanyang sariling palagay), si Padre Irene, at ang alaherong si Simoun na may mahabang puting buhok na nakasuot ng kulay asul na salamin. Mataas ang tingin ng mga tao kay S imoun, sapagkat alam ng madla sa Maynila na naiimpluwensiyahan ni Simoun ang Kapitan Heneral. Pinag-uusapan nina Ben Zayb, Padre Camorra, at Padre Salvi (isang Pransiskano) ang lawa at ang kabagalan ng paglakbay ng kanilang bapor. Sumingit sa usapan si Simoun, at siya’y nagpanukala ng isang radikal na solusyon: Maghukay ng bagong
pagdadaluyan ng ilog Pasig, kahit maraming bayan ang mawawasak at ang mga tao ay sapilitang pagtratrabahuhin nang libre (parang mga alipin). Nakipagdebatehan sina Don Custodio at Simoun, at sila’y nagtalo kung ang mga indio ay maghihimagsik maghihimagsik
o hindi. Si Padre Sibyla (isang Dominikano) D ominikano) ay nag-aalala na baka magrebolusyon ang taumbayan tulad nung dati. Binalewala ito ni Simoun at sinabing para saan pa ba ang mga prayle kung k ayang umalsa ang mga tao. Nainis ang grupo kay Simoun. Iniwan ni Simoun ang grupo, at si Don Custodio naman ang nagbigay ng kanyang solusyon: Kumbinsehin ang mga taong mag-alaga ng mga itik. Kinakain ng mga itik ang mga suso. Huhukayin ng mga tao ang ilalim ng ilog upang makakuha sila ng mga suso na ipapakain sa kanilang mga alagang itik. Hindi naibigan ni Donya Victorina ang solusyon sapagkat nandidiri siya sa balut.