materi bunga majemuk dan latihan soalDeskripsi lengkap
matematika keuanganFull description
Deskripsi lengkap
Bunga Melati artikel farmakognosi
Deskripsi lengkap
laporan bunga sepatuFull description
Deskripsi lengkap
penggunaan obat bunga telangFull description
Full description
cvvvvFull description
amali bunga
BUNGA NG KASALANAN CIRIO H. PANGANIBAN
TAUHAN
Virginia-babaing madasalin na gusto ng magkaanak Rodin-ang asawang may magandang pangalan na nagaasam ding magkaanak
TAGPUAN
Nasa panahon kung saan nagbabago na ang antas ng panahon Modernisado
(BATAY SA PAGLALARAWAN)
BUOD Sampung taon ng nagsasama sina Virginia at
Rodin. Sa matagal nilang magkasamaay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Mayaman si Virginia at may mabuting pangalan naman ang kanyang asawa. Sila ay nabubuhay sa karangyaan ngunit hindi nabigay sa kanila ang matagal ng hiling –ang magkaanak… Sa pagdulog sa makabagong karunungan ay nakasulyap sila ng pag-asa higit kaninuman. Parang hiwaga kung ituring ng dalawaang pangyayaring iyon.
Matapos ang matiyagang pagpapagamot ay nabigyan sila ng isang anak. Lubos ang kagalakan ni Rodin at may bahid naman ng pagsisisi’t pag-aalinlangan. Palibhasa’y madasalin kayat binigyan ng sariling interpretasyon ang nangyari. Siya’y nawala sa katinuan at pilit pinagsisigawan na ang kanilang anak ay bunga ng kasalanan. Si Rodin bagamat nakakaramdam ng kasiyahan ay lubos ding nagdadalamhati sa nangyari sa asawa. Sa pag-idlip ni Virginia nakita niyang ang kanyang anak ay sinasakatan ng kanyang asawa. Bigla siyang nagising at bumalik ang ulirat hinanap ang anak na naroon sa bisig ng kanyang asawa na taliwas sa lahat na naisip niya.
Nang malapitan ang anak ay hindi mapigilan ng ina ang pagsusumamo niyang mayakap ang anak na dati’y inakalang bunga ng kasalanan. At doon pinangako na aalagaan at mamahalin niya ng walang hanggan ang anak kasama ni Rodin.
BANGHAY Simula Sa unang bahagi ng kwento ay nailahad ang mga pangunahing tauhan at pati na rin ang lugar na pinangyarihan kung saan hindi ito direktang sinabi kundi sa pamamagitan ng paglalarawan .
Tunggalian “tauhan laban sa sarili” Makikita sa kwento na ang antagonista sa buhay ni Virginia ay ang sarili niya.
Kasukdulan Bahagi kung saan nawala sa katinuan si Virginia at ng nais niyang itakwil ang anak.
Kakalasan Napagtanto ni Virginia ang kanyang kamalian.
Wakas Tinanggap niya nang buong puso ang anak.
Iba pang elemento Kalamanan Sa kwentong ito, aking nahinuha na ang awtor ay hinango ang paksa sa kanyang namasid sa kapaligiran. Dahil madalas itong mangyari sa panahong ito.
Paningin Nasa ikatlong panauhan ang awtor awtor dahil wala siyang kaugnayan sa mga pangyayari. Pamamaraan ng kwento Gumamit ito ng tuloy-tuloy na daloy ng mga pangyayari mula sa simula,tunggalian,kasukdulan,kakala san hanggang wakas.
Tema at damdamin “Ang kasalanan ay hindi maisasaayos ng panibagong kasalanan”.
Inihanda ni: Maxilum,Annabel Q. Ipinasa kay: Sir D. Francisco