Ang Munting Ibon (Script) Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a Mama. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso kundi maging ang kanyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat. (Takipsilim) Lokes a Mama: Aking Mama: Aking irog, pumunta na tayo sa gubat at ilagay natin itong mga bitag doon upang may makakain tayo bukas. (Si Lokes a Mama ay ngumiti.) Lokes a Babay: Bilisan na natin at baka tayo’y maabutan ng takipsilim. (Tumakbo silang dalawa habang dala-dala ang kanilang mga bitag.) Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang tignan ang bitag. Siya ay lumakad nang patiyad upang hindi siya mahuli ng kanyang asawa. Noong siya ay dumating sa lugar na kung saan nilagay nila ang mga bitag, anong laking gulat niya sa kanyang nakita. Lokes a Mama: Hindi maaari ito! Hindi ako papayag na isang munting ibon lang ang huli ng aking bitag habang ang huli naman ng bitag ng aking asawa ay isang malusog na usa!
(Siya’y umupo sa isang tabi upang makapag-isip ng paraan. ) Hindi nagtagal, nakapag-isip siya agad ng paraan na sa tingin niya ay gagana. Lokes a Mama: Alam ko na! Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag! Siguradong may masarap na akong ulam mamaya! Ha! Ha! Ha! (Si Lokes a Mama ay napatalon sa saya at nilipat ang munting ibon sa bitag ng kanyang asawa habang nilagay naman niya ang matabang usa sa kanyang bitag.) Pagkatapos pinagpalit ni Lokes a Mama ang mga hayop. Umalis na siya at umuwi sa kanilang bahay habang ngumingiti.
(“May ulam na ako! May ulam na ako!” Paul it-ulit na sinabi ni Lokes a Mama.) Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto niya kasing sabay silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring makita ang mga huli ng kani-kanilang mga bitag. Lokes a Mama: Mahal, gumising ka na’t pupunta tayo sa gubat at kukunin natin ang mga hayop na nahuli ng ating mga bitag. Lokes a Babay: Magbihis muna tayo bago tayo umalis. Lokes a Mama: Hindi na ako makapaghintay! Umalis na tayo! Lokes a Babay: Hay nako! Bakit ba atat na atat ka? (Hindi na umimik si Lokes a Mama at hinila nalang niya ang kanyang asawa.) Lokes a Babay: Sige na nga. Pumunta sila sa gubat upang kunin ang kanilang mga nahuli.
Lokes a Mama: Ang laki ng aking nahuli! May ulam na ako mamaya at sa mga susunod na araw! Gulat na gulat si Lokes a Babay sa kanyang nakita. Bumulong siya sa kanyang sarili. Lokes a Babay: Paano ito nangyari? Nakakapagtaka kung bakit ang nahuli ng bitag ng aking asawa na nasa itaas ng puno ay isang matabang usa habang ang nahuli ng aking bitag na nasa ibaba ng puno ay isang munting ibon. Hindi bale, palalagpasin ko muna ito. Iniuwi ni Lokes a Babay ang munting ibon at inilagay ito sa isang hawla. Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka iniluto. Lokes a Mama: Amoy pa lang, ulam na! Umaamoy sa kapaligiran ang nakagugutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang handa na’y agad itong nilantakan ni Lokes a Mama nang hindi man lang nag-aalok sa kanyang asawa. (Bumulong si Lokes a Babay sa kanyang sarili.) Lokes a Babay: Napakadamot naman ng asawa ko, hindi man lang niya ako inaya na kumain o kaya binigyan ng kanyang niluto. Lokes a Mama: Hmm, napakasarap! Sinolo niyang kinain ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama ang asawa. Lokes a Mama: Mahal, gusto ko uling makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat.
Lokes a Babay: Tara! (Si Lokes a Mama at Lokes a Babay ay naglakad sa gubat habang daladala ang kanilang mga bitag.) Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at hindi man lang siya tinulungan ng kanyang asawa. Lokes a Babay: Mahal, pakiusap, tulungan mo naman akong maglagay ng bitag sa ibabaw ng puno. Lokes a Mama: Kaya mo na yan! Hindi mo na kailangan ang aking tulong. Lokes a Babay: Pero maha— Lokes a Mama: Ayoko. (Inilagay nalang uli ni Lokes a Babay ang kanyang bitag sa tabi ng puno.) Noong gabing iyon, lumabas si Lokes a Mama para tignan ang kanilang mga bitag. Hindi niya alam na namalayan ni Lokes a Babay ang kanyang pag-alis. Lokes a Babay: Hay nako! Manloloko talaga siya. Bakit ba ang damotdamot niya? Si Lokes a Babay ay umidlip muli ngunit siya ay biglang nagising dahil sa kanyang kakaibang panaginip, pinakain niya ang kanyang munting ibon ng palay at nangitlog ito ng isang montias o isang mamahaling hiyas. Ginising siya ng kanyang asawa upang tignan ang kanilang mga bitag. Lokes a Mama: Mahal, gumising ka! Tignan natin ang ating mga bitag. Lokes a Babay: Ikaw na lang ang pumunta, masakit ang ulo ko at mas gusto ko pang magpahinga na lang.
Lokes a Mama: Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan. Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon. Dinampot niya ang diyamante. Lokes a Babay: Diyamante! Nangingitlog ang ibon ko ng diyamante! Mayaman na ako! Inilihim niya ito kay Lokes a Mama at pinabayaan niya ang pagkaramot nito. Lokes a Mama: Maglagay ulit tayo ng bitag! Lokes a Babay: Ikaw nalang. Lokes a Mama: Ayaw mo? Bahala ka! Basta ang lahat ng nahuli ko ay sa akin lang. Isang araw habang mag-isang kinakain ni Lokes a Mama ang nahuli, kinausap ni Lokes a Babay si Lokes a Mama. Lokes a Babay: Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Payag na ako sa dati mo pang sinabing pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwagna huwag mo na rin akong aabalahin. Nakonsensya ang lalaki ngunit masaya siya dahil malaya na siya. Nagimpake si Lokes a Babay, dala-dala ang pinakamamahal niyang ibon. Bumili siya ng malawak na lupain , nagtayo ng isang torogan at kumuha ng guwardiya at kasambahay. Nabalitaan ito ni Lokes a Mama.
Lokes a Mama: Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan. Hindi ko kung saan niya nakuha ang kaniyang kayamanan subalit dapat lang na makinabang ako. Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Hindi siya nagpaloko sa tusong Lokes a Mama na iyon. Magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang maligaya, masagana, at payapa.