Aklat ng Paglikhâ Unang Bahagi 1. Itinatag
ng Banal na lakas ang Kaniyang pamamahala, kapangyarihan, kawalang-hanggan at pagkaka-isa sa pamamagitan ng tatlumpo’t dalawang lihim na mga daan ng bumababang Lalong Mataas na liwanag at itinago ang Kaniyang sarili sa tatlong mga categoría: ang aklat, ang mananalaysay, at ang cuento. Sefirot ng pagkatago ng Banal na lakas na lumantad sa dalawampu’t dalawang pangunahing katangian: Tatlong pinagmulang lakas, pitong doble at labing-dalawang simpleng lakas. 2. Sampung
3.
Sampung Sefirot ng pagkatago tumugma sa sampung daliri: Lima laban sa lima, sila’y kumilos ng sabay-sabay, gaya ng pagsasamang namamagitan sa kanilang mga pagkilos, sa pamamagitan ng lakas-salitâ ng pagbubunyag at ng lakas-salitâ ng pagkatago. Sefirot ng pagkatago: Sampu at hindi siyam, sampu at hindi labing-isa. Unawain ito sa pamamagitan ng pagkamit ng lalong mataas na kaalaman at maging matalino sa pang-uunawa. Suriin at siyasatin sila, pagsanibin at buurin sila, ibalik ang mga bahaging pinagtanggal-tanggal sa kanilang lugar sa Kabanalan. 4. Sampung
5. Sampung
Sefirot ng pagkatago: Wala silang simula at walang wakas. Ang kanilang kabutihan at kasamaan ay walang hangganan. Ang kanilang kadakilaan at kababaang-loob ay walang hangganan, pero isang Banal na lakas na namamahalang walang hanggan sa lahat ng mga katangiang ito buhat sa itaas.
2
Sefirot ng pagkatago: Ang kanilang paningin ay parang kidlat. Walang dilang maaaring maglarawan sa kanila ng lubusan, kundi sila’y kailangang pag-uusapan ng paulit-ulit. Saliksikin ang Banal na lakas sa pamamagitan nila sa paraang tunay na pagsusuri ng iyong pananalita. 6. Sampung
7. Sampung
Sefirot ng pagkatago: Sila’y nakatalukbong at kumukislap. Ang kanilang wakas ay nakabaon sa kanilang simula, at ang simula sa kanilang wakas, tulad ng ningas sa nagbabagang uling. Ang kanilang Panginoon ay isang Banal na lakas at wala ng iba. Maaari lang Siyang ilarawan sa pamamagitan ng Kaniyang mga kilos. 8.
Sampung Sefirot ng pagkakatago: Rendahan ang iyong bibig sa pagsasalitâ at ang iyong puso sa pag-iisip. Kung ang iyong mga labi ay nagnanais magsalitâ, at kung ang iyong puso ay nanabik sa pag-isip, pumunta ka sa iyong mga pandama, dahil ang Banal na lakas ay hindi maaring matamo. Sampung Sefirot ng pagkatago: Itinago nila ang Kabanalan na namamahala ng mga buhay ng mga mabababâ sa pamamagitan ng lakas, liwanag, kaalaman at batas. 9.
10. Dalawang
mga lakas na nanggaling sa isa at nagbuo ng dalawampu’t dalawang pangunahing mga katangian: Tatlong pinagmulang mga katangian, pitong doble at labing-dalawang mga simpleng lakas. Silang lahat ay puno ng parehong liwanag.
Ikalawang Bahagi 1. Dalawang
mga lakas ang nanggaling sa isa at nagbuo ng dalawampu’t dalawang pangunahing mga katangian: Tatlong pinagmulang mga katangian, pitong doble at labing-dalawang mga simpleng lakas. Ang kanilang pundasyon ay ang kawali ng halaga at ang kawali ng pananagutan, at ang dila ng kautusan ang nagpasiya sa pagitan nila.
3
2. Dalawampu’t
dalawang pangunahing mga katangian: Ang Banal na batas ang nag-ukit nila, naglilok nila at pinag-iba ang ayos ng lahat na nabuo na at ng lahat na bubuuhin kasama nila sa kinabukasan. 3. Dalawampu’t
dalawang mga pangunahing katangian: Ang Banal na batas ang nag-ukit nila sa tinig, naglilok nila sa hininga at naglagay nila sa bibig sa limang mga lugar: ang lalamunan, ngala-ngala, dila, ngipin at mga labi. 4. Dalawampu’t
dalawang mga pangunahing katangian: Ang Banal na batas ang naglagay sa kanila sa bilog gaya ng 231 mga Pinto, walang pagsasa-alang-alang kung saan magsimula at saan magpunta. 5. Ang
pagsasama-sama ng bawa’t isa ng dalawampu’t dalawang mga katangian sa iba, at timbangin ang bawa ’t isang combinación, ay naka-likhâ ng 231 mga Pinto at ang bawa’t Pinto ay nakatanggap ng sariling pangalan nito. 6.
Ang katotohanan ay nabuo buhat sa wala at ang walang pag-iiral ay ginawang umiiral. Ang bawa’t katawan ay binuo ng dalawampu’t dalawang mga katangian.
Ikatlong Bahagi 1.
Tatlong pinagmulang mga lakas: Ang kanilang fundación ay ang kawali ng pananagutan, kawali ng halaga, at ang dila ng kautusan ang nagpasiya sa pagitan nila. 2. Tatlong
pinagmulang mga lakas: Sila ay maingat na itinago sa anim na mga katangian. Hangin, tubig at apoy ay nanggaling sa kanila; ang mga pinagmulan ng mga generación ay nagmula sa kanila. 3.
Tatlong pinagmulang mga lakas na inukit, nililok, tinimbang, ibinago ang ayos at binuo ang ibang tatlong pinagmulang mga lakas: tatlo sa taon, tatlo sa kaluluwa, lalaki at babae.
4
4. Tatlong
pinagmulang mga lakas ang umiiral sa mundo: Hangin, tubig at apoy. Ang kalangitan ay nilikhâ mula sa apoy, ang kalupaan ay nilikhâ mula sa tubig, at ang hangin ay gumala sa kanilang pagitan. 5. Tatlong
pinagmulang mga lakas ng taon ay ang init, lamig at tiwasay. Ang init ay nilikhâ mula sa apoy. Ang lamig ay nilikhâ mula sa tubig at ang tiwasay ay nilkhâ mula sa hangin na gumala sa kanilang pagitan. 6. Tatlong
pinagmulang mga lakas ng kaluluwa, lalaki at babae: ang ulo, ang tiyan at ang katawan. Ang ulo ay nilikhâ mula sa apoy, ang tiyan ay nilikhâ mula sa tubig at ang katawan ay nilikhâ mula sa hangin na gumala sa kanilang pagitan. 7.
Ang una sa dalawampu’t dalawang mga lakas ay inilagay sa hangin, at pinagsama sa Keter . Pinagdugtong niya ang isa sa iba at binuo ang hangin sa mundo, tiwasay sa taon, katawan sa kaluluwa, ang lalaki at ang babae.
Ika-apat na Bahagi 1. Pitong
doble: Ang kaanyuan ng malambot at matigas, ang kaanyuan ng malakas at mahina. Pitong doble: Ang kanilang fundación ay kaalaman, kayamanan, binhi, buhay, paghahari, kapayapaan at kagandahan. 2.
Pitong doble sa transposisyon: Ang transposición ng kaalaman ay kamangmangan, ang transposición ng kayamanan ay karalitaan, ang transposición ng binhi ay kapanglawan, ang transposición ng buhay ay kamatayan, ang transposición ng paghahari ay pagkalupig, ang transposición ng kapayapaan ay digmaan, ang transposición ng kagandahan ay kapangitan. 3.
4. Pitong
doble: Itaas at ibaba, silangan at kanluran, hilaga at timog. Ang Central na Silid ng Templo ay tumpak na nasa gitna at nagtaguyod nilang lahat. 5
5. Pitong
doble: Pito at hindi anim, pito at hindi walo. Suriin sila at siyasatin sila. Ilagay ang bawa ’t isa nila sa kanilang lugar, at ibalik ang Lumikhâ sa Kaniyang lugar. 6. Pitong
dobleng inukit, nililok, tinimbang, ibinago ang ayos at binuo ang pitong mga bituin ng mundo, pitong araw ng taon, at pitong mga pinto ng kaluluwa, lalaki at babae. mga bituin sa kalangitan ay ang Saturno, Júpiter , Marte, ang Araw, Venus, Mercurio at ang Buwan. Ang linggo ay may pitong araw. Ang kaluluwa, lalaki at babae, ay may pitong mga pinto: Dalawang mga mata, dalawang tainga, dalawang butas ng ilong at ang bibig. 7. Pitong
8.
Ginawa Niya ang pangalawang palatandaan sa kaalaman, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Buwan ng mundo, ang unang araw ng taon, ang kanang mata ng kaluluwa, lalaki at babae. 9.
Ginawa Niya ang pangatlong palatandaan sa kayamanan at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Marte ng mundo, ang pangalawang araw ng taon, ang kanang tainga ng kaluluwa, lalaki at babae. 10. Ginawa
Niya ang pang-apat na palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Araw ng mundo, ang pangatlong araw ng taon, ang kanang butas ng ilong ng kaluluwa, lalaki at babae. 11.
Ginawa Niya ang panglabing-isang palatandaan sa buhay, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Venus ng mundo, ang pang-apat na araw ng taon, ang kaliwang mata ng kaluluwa, lalaki at babae.
6
12. Ginawa
Niya ang panglabing-walong palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Mercurio ng mundo, ang pang-limang araw ng taon, ang kaliwang tainga ng kaluluwa, lalaki at babae. 13. Ginawa
Niya ang pang-dalawampung palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Saturno ng mundo, ang pang-anim na araw ng taon, ang kaliwang butas ng ilong ng kaluluwa, lalaki at babae. 14.
Ginawa Niya ang pang-dalawampu’t dalawang palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Júpiter ng mundo, ang pang-pitong araw ng taon, ang bibig ng kaluluwa, lalaki at babae. doble Bet, Gimel, Dalet, Kaf , Peh, Resh at Tav : Naka-ukit kasama nila ang pitong mga mundo, mga kalangitan, mga kalupaan at karagatan, pitong mga ilog at mga desierto, mga araw at mga linggo, pitong mga taon, pitong-taong-kapanahunan, limampung-taong-kapanahunan at ang Central na Silid ng Templo. Ang pito sa dahilang ito ay minamahal sa ilalim ng lahat ng mga kalangitan. 15. Pitong
“
”
Mishna 16:
Dalawang bato ay makapagtayo ng dalawang bahay, ang tatlo makapagtayo ng anim na mga bahay, ang apat makapagtayo ng 24 mga bahay, ang lima makapagtayo ng 120 mga bahay, ang anim makapagtayo ng 720 mga bahay, at ang pito makapagtayo ng 5040 mga bahay. Buhat doon lumabas ka at alamin iyong hindi mabigkas ng bibig at hindi marinig ng tainga.
7
Ikalimang Bahagi pangitain: Ang kanilang fundación ay pananalita, pagkaligalig, galaw, pagkakatanaw, pandinig, pagkilos, kalibugan, amoy, tulog, galit, katakawan at kagaguhan. 1. Labing-dalawang
2. Labing-dalawang
pangitain: Ang kanilang panukat ay ang labing-dalawang pabalagbag na tadyang: Ang gawing itaas-silangang tadyang, ang hilagang-silangang tadyang, ang gawing ibabâ-silangang tadyang, ang gawing itaaskatimugang tadyang, ang timog-silangang tadyang, ang gawing ibabâ-katimugang tadyang, ang gawing itaaskanlurang tadyang, ang timog-kanlurang tadyang, ang gawing ibabâ-kanlurang tadyang, ang gawing itaaskahilagaang tadyang, ang pahilagang-kanlurang tadyang, ang gawing ibabâ-pahilagang tadyang. Sila ay lumaganap at kumalat hanggang sa Walang Hanggan. Sila ang mga dulo ng Sansinukob. 3.
Labing-dalawang pangitain: Siya ang nag-ukit, naglilok, nagtimbang, nagbago at nagbuo kasama nila ang labing-dalawang constelación sa Sansinukob ( Aries, Taurus, Gemini, Cancer , Leo, Virgo, Libra, Scorpio, Sagittarius, Capricorn, Aquarius at Pisces), ang labing-dalawang buwan ng taon (Nissan, Iyar , Sivan, Tamuz, Av, Elul, Tishrei, Heshvan, Kislev, Tevet, Shevat, Adar ), at ang labingdalawang bahagi ng kaluluwa, lalaki at babae (dalawang kamay, dalawang paa, dalawang baga, ang apdo, ang maliit na bituka, ang atay, ang malaking bituka, ang tiyan, at ang pali).
.............................................
8
Ika-10 Bahagi 1.
Tatlo ay ang mga ina (mga lakas); tatlong ninuno nagbuhat sa kanila: Hangin, tubig at apoy. Ang kanilang anak ay ang pitong planeta at ang kanilang pulutong, at labing-dalawa ang pabalagbag na mga tadyang. 2.
Tatlo ay ang mga ina (mga lakas): Hangin, tubig at apoy. Apoy sa itaas, tubig sa ibabâ at hangin ay ang kautusang nagpasiya sa pagitan nila. Ang palatandaan nito ay ang apoy ang nagtaguyod ng tubig. 3. Ang
mundo ay tulad ng hari na nasa kaniyang trono. Ang ikot ng taon ay tulad ng hari ng provincia. Ang puso ng kaluluwa ay tulad ng hari sa digmaan. 4. Isa
katapat sa isa pa ang ginawa ng Lumikhâ: Mabuti katapat ng masamâ, masamâ katapat ng mabuti, mabuti buhat sa mabuti, masamâ buhat sa masamâ. Ang mabuti ay kumilala ng masamâ, at ang masamâ ay kumilala ng mabuti. Ang mabuti ay iniligpit para sa mabuti, at ang masamâ ay iniligpit para sa masamâ. 5. Tatlo:
Ang bawa’t isa ay tumayong mag-isa. Ang isa ay nagtanggol, ang isa ay nagbintang at ang isa ay nag sa pagitan nila. Pito: Tatlo katapat sa tatlo, kasama ang kautusang nag sa pagitan nila. Labing-dalawa ang tumayo sa digmaan: Tatlo ang umibig, tatlo ang nakadama ng pagkamuhi, tatlo ang nagbigay ng buhay, at tatlo ang pumatay. Ang tatlong umibig ay ang puso at ang mga tainga; ang tatlong nakadama ng pagkamuhi ay ang atay, apdo at ang dila; ang tatlong nagbigay ng buhay ay ang mga butas ng ilong at pali; at ang tatlong pumatay ay ang mga tainga at bibig. At ang Lumikhâ, ang mapagtalimang Hari, ang nangibabaw sa kanilang lahat, ng walang hanggan, buhat sa Kaniyang lugar. Isa sa ibabaw ng tatlo, tatlo sa ibabaw ng pito, at pito sa ibabaw ng labing-dalawa, at silang lahat ay nakatali, isa sa iba.
9
6.
Inilimbag Niya ng tatlong aklat kalakip ang dalawampu’t dalawang letra. Nilikhâ Niya ang Kaniyang buong Sansinukob kasama sila. Binuo Niya ang lahat na nagawa at lahat na gagawain kasama sila sa kinabukasan. 7.
Nang dumating si Abram, tiningnan niya, nakita, naunawaan, ini-ukit, binago at nililok, at siya’y nagtagumpay. At ibinunyag ng walang hanggang Lumikhâ ang Kaniyang sarili kay Abram, at inilagay siya sa Kaniyang dibdib, hinalikan siya sa kaniyang ulo, at tinawag siyang Abraham. Gumawa Siya ng pangako kay Abraham sa pagitan ng sampung mga daliri ng kaniyang mga paa – ang pangako ng pagtuli, at sa pagitan ng sampung daliri ng kaniyang mga kamay – ang pangako ng dila. Itinali Niya ang dalawampu’t dalawang letra sa dila ni Abraham at ibinunyag ang Kaniyang lihim sa kaniya. Hinigop Niya sila sa tubig, sinunog sa apoy, at kinalog sila sa hangin. Pinagliyab Niya sila sa pitong planeta at inayos sila sa gitna ng labing-dalawang constelación.
Wakas ng aklat Sefer Yetzira (Aklat ng Paglikhâ) “
”
10