ANG AKLAT NA ITO AY NAGTATAGLAY NG SAMU’T-SARING MGA KARUNUNGAN AT KAALAMANG HALAW SA NAPAKARAMING MGA AKLAT NA SULAT-KAMAY NG HINDI MGA KILALANG MGA MAY-AKDA. ITO PO AY AKIN PONG NILIKOM AT ISINULAT SA AKLAT NA ITO UPANG MAGING TULONG PO SA MGA TAONG NAIS NA TAHAKIN ANG LANDAS NG PAG-EESPIRITUAL, AT UPANG MANATILI SA ATIN ANG MGA ISINULAT NG ATING MGA NINUNO UPANG HINDI ITO MABAON SA LIMOT. AKIN PONG IPINANALANGIN NA SANA ANG MAGTATAGLAY NG AKLAT NA ITO AY MAY DIWANG MAKADIYOS, AT MAKATAO. SANA PO AY GAMITIN PO NINYO ANG AKLAT NA ITO SA KABUTIHAN. KUNG ANO PO ANG ATING ITINANIM, AY SIYA NATING AANIHIN. KUNG ANO ANG ATING GINAWA SA KAPWA, AY BABALIK DIN SA ATIN. WALA PONG TAKAS ANG SINUMAN SA BATAS NG KALIKASAN, AT SA BATAS NG DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS.
5 PDF processed with CutePDF evaluation edition www.CutePDF.com
ANG AKLAT NA ITO AY GINAWA UPANG MAKATULONG SA INYO NG MARAPAT SA BUHAY. MAY TAGUBILIN LAMANG PO AKO UKOL SA AKLAT NA ITO. SIKAPIN NINYONG INGATAN ITO AT HUWAG PAHAHAKBANGAN. HUWAG NINYONG DALHIN SA MGA LUGAR NA MARAMING BASURA, O PALINGKURAN NA NAKALANTAD. ANG MGA NILALAMAN NG AKLAT NA ITO AY HINDI BIRO. ANG MGA ORACIONG NAKASAAD SA AKLAT NA ITO AY MAY MGA BATAS NA SINUSUNOD. ITO ANG MGA SUMUSUNOD: 1. GAMITIN ANG MGA ORACION SA TAMANG PAGKAKATAON AT SA TAMANG PAGGAGAMITAN. 2. HUWAG BABANGGITIN ANG MGA ORACION SA WALANG KABULUHANG MGA BAGAY. 3. MAY MGA HABILIN ANG BAWAT ORACIONTUPARIN ANG MGA BILIN NA ITO UPANG MAGKAMIT NG BISA ANG MGA ORACIONG NABANGGIT.
6
4. HUWAG ITUTURO ANG NILALAMAN NG AKLAT NA ITO, SAPAGKAT ANG NAGTURO ANG MAGPAPASAN NG KAPARUSAHAN SA MALING PAGGAMIT NG MGA ORACION NG AKLAT NA ITO. 5. GAMITIN HANGGANG MAAARI, SA PAGGAWA NG MABUTI ANG NAKASAAD SA AKLAT NA ITO, UPANG UMANI KAYO NG MAGANDANG SUWERTE, MAAYOS NA PAMUMUHAY, AT BUHAY NA MAY LIGAYA AT KAPAYAPAAN. KUNG ANO DAW ANG ITINANIM, AY SIYA RING AANIHIN. 6. HUWAG PAHAHAWAKAN AT HUWAG IPAPAKITA SA TAONG WALANG LIHIM. 7. MATUTONG MAGING PASENSYOSO 8. MAGING MALILIMUSIN SA KAPWA 9. INGATANG HUWAG MAGBIBIGAY NG IKASASAMA NG LOOB NG KAPWA-TAO 10. MAGING MAHABAGIN AT MAPAGMAHAL SA KAPWA 11. HUWAG IPAGKAKAIT ANG TULONG SA KAPWA KUNG ITO AY NASA KAKAYANAN MO NA MAIPAGKALOOB- TULAD NG PANGGAGAMOT ESPIRITUAL. 7
PAUNAWA: ANG BANGGIT NG ORACION AY 3X PABULONG O SA ISIP LAMANG UUSALIN
AKLAT NG ESPIRITU MEDICA 2 PAMILIN KAILANGAN MO NG “MALA BEADS” SA PAGSASAGAWA NG MGA PANALANGIN DITO. ANG MALA BEADS AY ROSARYUHAN NG MGA HINDU AT MGA BUDDHIST NA NAGTATAGLAY NG 108 NA BEADS. ANG IBA AY 112 BEADS. ITO AY GINAGAMIT SA PAGBANGGIT SA ISIP NG MGA MANTRA NA KINAKAILANGAN SA PAGDIDIBUSYON. MAS MAINAM NA IKAW MISMO ANG GUMAWA NG MALA BEADS MO. ITO ANG PROSESO NG PAGDIDIBUSYON GAMIT ANG MALA BEADS.
8
PAGLILINIS NG SARILI IDINADASAL ITO BAGO MATULOG MANALANGIN NG 1 AMA NAMIN ISUNOD ANG AWIT 51:1-17 1 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; Mga kasalanan ko'y iyong pawiin, Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! 2 Linisin mo sana ang aking karumhan At ipatawad mo yaring kasalanan! 3 Ang pagsalansang ko ay kinikilala, Laging nasa isip ko at alaala. 4 Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, At ang nagawa ko'y di mo nagustuhan; Kaya may matuwid ka na ako'y hatulan, Marapat na ako'y iyong parusahan. 5 Ako'y masama na buhat nang iluwal, Makasalanan na nang ako'y isilang.
9
6 Nais mo sa aki'y isang pusong tapat; Puspusin mo ako ng dunong mong wagas. 7 Ako ay linisin, sala ko'y hugasan At ako'y puputi nang walang kapantay. 8 Sa galak at tuwa ako ay puspusin; At muling babalik ang galak sa akin. 9 Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin, Lahat kong nagawang masama'y pawiin. 10 Isang pusong tapat sa aki'y likhain, Bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. 11 Sa iyong harapa'y h'wag akong alisin; Ang Espiritu mo ang papaghariin. 12 Ang galak na dulot ng 'yong pagliligtas, Ibalik at ako ay gawin mong tapat. 13 Kung magkagayon na, aking tuturuang Sa iyo lumapit ang makasalanan. 14 Ingatan mo ako, Diyos kong Manunubos, Ang pagliligtas mo'y galak kong ibabantog. 15 Turuan mo akong makapagsalita, At pupurihin ka sa gitna ng madla. 16 Hindi mo na nais ang mga panghandog; Sa haing sinunog di ka nalulugod.
10
17 Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat Ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat.
SAKA ISUNOD ANG SAGRADONG SALITA NG PAGLILINIS NG SARILI 108 NA BESES HANGGANG SA MAKATULOG: ABURISTATIS. SABAOTH. CONIPABIS. BIABITIT.
PAGPOPONDO ANG PAPOPONDO AY PAG-IIPON NG LAKAS ESPIRITUAL SA PAGBANGGIT NG SAGRADONG SALITA. BANGGITIN ANG SAGRADONG PANGALANG ITO NG DIYOS NANG SA GAYON AY MAPAGKALOOBAN KA NG KAPANGYARIHAN SA PANGGAGAMOT.
11
BANGGITIN ANG SAGRADONG PANGALAN SA ISIP LAMANG 108 NA BESES NA ANG DIWA MO AY HUMIHILING SA DIYOS NG AWA AT TULONG: MGA SAGRADONG PANGALAN NA MAAARING DIBUSYUNAN PARA SA PANGGAGAMOT 1 YAHEWAHAHAWAOC 2 AHU-IO-UHA-IO-U-EHA 3 YAHOWAH-EL-ROPHEKHA 4 YOD-HE-WAU-HE-A-YU-OWA 5 ATARDA-YA-RAH-RAY-ACTA 6 A-YU-WE- OYA-OI- AYE-YU-WE- IYA-AYE-I 12
MGA ORACION NA PANGGAMOT SA PANGGAGAMOT, AY MAAARI MONG USALIN SA ISIP ANG DIBUSYONG ITO NG PAULIT-ULIT HABANG PAPUNTA SA GAGAMUTIN O BAGO MANGGAMOT UPANG MAGSILBING PROTEKSYON AT DEPENSA SA IYO, AT SA IYONG PAMILYA: BENEDICTAM. REENADICTAM. BENITE. MACULATAM. ELEBATE. ELEBILA. ELECULAPA. ELEBINA. EGRA. EGRAYOM. EGROMIT. EREYSUM. AYISMOTUM. PODERAN MO PO AKO AT AKING BUONG PAMILYA SA LAHAT NG SANDALI.
14
PAUNAWA: KUNG MAGAGAWA MONG USALIN ITO NG 108 NA BESES SA “MALA BEADS” AY MAAARING IPAHAWAK ANG MALA BEADS SA NAKUKULAM AT ISUSUKA NITO ANG NAIPAKAIN SA KANYA NA SANHI NG PAGKAKASAKIT NYA AT MAAARING MAKAPAGTANGGAL NG KULAM SA KANYA.
PAGGAMIT NG FORMULAS USALIN ANG DASAL NA ITO NG PAULIT-ULIT HANGGANG 108 NA BESES SAKA MO GAMITIN ANG ALINMAN SA MGA FORMULAS NA IPANGGAGAMOT UPANG MAGKABISA. ITO ANG DASAL PARA SA MGA FORMULAS: JEM. UM. TEE. KORAM. EYOM. JENESIM. ENOWAM. BELORIM. KRISARAM. ARATOM. AKSOM. OKRAM. BERKREAM.
15
ANG MGA FORMULAS NA IPANGGAGAMOT ANG MGA FORMULAS NA ITO AY MAGAGAMIT SA PANGGAGAMOT NG MGA KARAMDAMAN. ANG PAMAMARAAN AY ANG PAG-USAL NG ALINMAN SA MGA FORMULANG ITO NG PAULITULIT HABANG NANGGAGAMOT SA PASYENTENG MAY KARAMDAMAN. ANG FORMULA AY MAAARING ISULAT SA SALOMPAS AT ITAPAL, MATAPOS ITO HIPAN. ANG FORMULA AY MAAARING USALIN PAULITULIT AT IHIHIP SA LANGIS NA GAGAMITIN SA PAGHILOT. ANG FORMULA AY MAAARING IHIHIP SA TUBIG NA IPAIINOM. MAAARI RING USALIN ANG FORMULA HABANG NAGPAPAUSOK NG INSENSO SA PASYENTE. MAAARI DING BANGGITIN ANG FORMULA SAKA IHIHIP SA TUKTOK NG PASYENTE AT IHIHIP SA TAPAT NG APEKTADONG BAHAGI NG KATAWAN.
16
ANG MGA FORMULAS 1 GAMOT SA IBA’T-IBANG SAKIT LEKATUAM -o0o2 GAMOT SA NAGTATAE LEKATUAM Paunawa: Maaari itong isulat sa papel at itapal sa sikmura o tiyan ng maysakit. Maaari ding ihihip sa gamot sa nagtatae upang lalong bumisa ang gamot para sa kanya. Sa nagtatae, mahalaga na painumin ang maysakit ng “ORAL REHYDRATION SALT” na tinimpla sa malinis na tubig. Kapag ang maysakit ay nagtatae pa rin matapos ang 3 araw, o di kaya ay malakas masyado ang 17
bulos ng pagtatae, o may bahid ng pagdudugo ang pagtatae ay ipadala sa klinika o ospital. -o0o3 GAMOT SA LAGNAT LEKSEMOM Paunawa: Kung ang ginagamot ay hindi bumababa ang lagnat ay maaaring itapat ang ulo sa poso o gripo habang inuusal ang panalanging ito upang bumaba ang lagnat. Kapag ang lagnat ay patuloy at hindi bumababa matapos mong gawin ang pamamaraan mo ng panggagamot ay ipasuri sa duktor ang maysakit. -o0o4 GAMOT SA SAKIT NG NGIPIN JELAMAROM
18
Paunawa: Kung mayroong puno ng bayabas na ang bunga ay mapakla, ay maaari mong ipanguya ang murang dahon nito sa maysakit na ngipin at makakatulong ito sa pagpapawala ng kirot. Ang pamamaraan naman sa formula ay ibubulong ito sa tubig na ipangmumumog sa maysakit ang ngipin. -o0o5 GAMOT SA BINAT JUMIT Paunawa: Ang binat ay sakit kung saan ang isang tao na kagagaling sa sakit ay gumaling at nagkasakit muli. Mainam sa mga nabinat na suuban.
19
Ang pagsusuob ay ganito: Talukbungan ang pasyente ng kumot. Pausukan siya ng insenso sa may gawing baba ng kumot na ang usok ay papasok sa loob ng kumot. Isagawa ito sa loob ng 10-15 minuto. Matapos nito ay pahiran ng langis ang katawan ng maysakit. -o0o6 GAMOT SA SAKIT NG ULO GAGARIUM Paunawa: Maaari itong ilagay sa salompas at itapal sa ulo at sintido. Alamin din kung ang maysakit ay may altapresyon o madalas na pagsakit ng ulo.
20
Kung magkagayon ay mainam na mapasuri din siya sa duktor. -o0o7 GAMOT SA SAKIT NG TIYAN EKASELOM Paunawa: Maaari itong itapal sa sikmura ng maysakit. Maaari ding ibulong ito sa tubig at ipainom sa maysakit. Kung ang pagsakit ng tiyan ay madalas, ipasuri siya sa duktor. -o0o8 GAMOT SA ULCER SEMSERAM Paunawa:
21
Maaari itong itapal sa sikmura ng maysakit. Maaari ding ibulong ito sa tubig at ipainom sa maysakit. Kung ang pagsakit ng tiyan ay madalas, ipasuri siya sa duktor. -o0o9 GAMOT SA SUGAT DEUMAT Paunawa: Maaaring ibulong ito sa sugat at saka hugasan. Kung ang sugat ay tumutulo o nagluluha ay maaaring gumamit ng asupre at budburan ito matapos hugasan, sabunin at patuyuin. Maaaring gumamit ng alcohol 70% sa sugat ngunit kailangang tiisin ng tao ang hapdi ng alcohol.
22
Maaari ding gumamit ng hydrogen peroxide muna bilang panlinis ng sugat saka lagyan ng povidone iodine o betadine kung mayroon. Kung wala, ay maaaring gumamit ng pinakuluang dahon ng bayabas o madre de cacao bilang panglanggas. Kailangan na pinalamig na ang ipanglalanggas bago ito ilanggas sa may sugat. -o0o10 GAMOT SA KULEBRA ESURAM Paunawa: Ibulong ito paikot sa kulebra at saka hipan. Maaaring tapalan ang kulebra ng dinikdik na gumamela o bawang upang sumambulat ang nana nito. Kapag magkagayon, hugasan mabuti ang sugat at lagyan ng hydrogen peroxide muna bilang
23
panlinis ng sugat saka lagyan ng povidone iodine o betadine kung mayroon. Kung wala, ay maaaring gumamit ng pinakuluang dahon ng bayabas o madre de cacao bilang panglanggas. Kailangan na pinalamig na ang ipanglalanggas bago ito ilanggas sa may sugat. Linisin sa tuwi-tuwina ang sugat hanggang sa gumaling. Kung me tumatalon o kumakalat ang kulebra ay ipasuri ang tao sa duktor. -o0o11 GAMOT SA LAHAT ENEKOKAM JEKTUM PRAKTUM -o0o12 GAMOT SA DAYA NG ENGKANTO 24
JEKSEREKIM Paunawa: Upang maalis ang epekto ng daya ng engkanto ay magbudbod ng asin sa paligid ng kinaroroonan ng pasyente at maglagay ng asin sa bulsa ng pasyente. Ang formula ay ibulong sa tuktok ng pasyente at sa tubig na ipaiinom. -o0o13 GAMOT SA NALASON JETAM Paunawa: Ang karaniwang gamot sa lason ay ang langis ng niyog, na ipaiinom sa pasyente- isang kutsara sa isang basong tubig. Ang iba naman ay gumagamit ng tawas na asul na ga-butil ang ilalagay sa inumin para isuka ang lason. 25
Ang iba naman ay puti ng itlog ang siyang ipaiinom sa nalason. Ang formula ay ibinubulong sa tuktok ng pasyente at sa kanyang iinumin. Ang mga ito ay pang-unang lunas. Payuhan din na dalhin sa ospital ang nalason matapos ang pang-unang lunas. -o0o14 GAMOT SA TRANGKASO EKTERAM Paunawa: Maaaring ibulong ito sa langis na panghilot at sa tubig na iinumin ng pasyente. -o0o-
26
15 GAMOT SA BINAT ROSEM DOREM JOKOUM ROSEM Paunawa: Ang binat ay sakit kung saan ang isang tao na kagagaling sa sakit ay gumaling at nagkasakit muli. Mainam sa mga nabinat na suuban. Ang pagsusuob ay ganito: Talukbungan ang pasyente ng kumot. Pausukan siya ng insenso sa may gawing baba ng kumot na ang usok ay papasok sa loob ng kumot. Isagawa ito sa loob ng 10-15 minuto. Matapos nito ay pahiran ng langis ang katawan ng maysakit. -o0o-
27
16 GAMOT SA DISINTERYA BAGAKA-AM PAUNAWA: Gumamit ng “oral rehydration salt” na ititimpla sa malinis na tubig. Ito ay ipapainom na madalas sa me disinterya. Dalasan ang pagpapainom ng tubig. Ang formula ay maaaring isulat sa papel at itapal sa sikmura ng maysakit at ihihip din sa tuktok. Bilinan din ang pasyente na sumangguni sa duktor. -o0o17 GAMOT SA NAPASOK NG LAMIG ENEKTORIS
28
Paunawa: Suuban din ang maysakit na napasok ng lamig. Malalaman mo ito dahil lahat ng parting hawakan mo sa nasabing tao ay malamig. Ang pagsusuob ay ganito: Talukbungan ang pasyente ng kumot. Pausukan siya ng insenso sa may gawing baba ng kumot na ang usok ay papasok sa loob ng kumot. Isagawa ito sa loob ng 10-15 minuto. Matapos nito ay pahiran ng langis ang katawan ng maysakit. -o0o18 GAMOT SA BUKOL TOMAKOMAT
29
Paunawa: Maaaring ibulong ang formulang ito sa bukol at isulat sa salompas at itapal. Kung makakita ka ng mayana, o pagungpagongan na halaman, ay maaaring dikdikin ito at itapal sa bukol. Payuhan din ang may bukol na kung hindi maalis ang bukol ay sumangguni sa duktor. -o0o19 GAMOT SA PUSO JIRSAKUM Paunawa: Ihihip ito sa tuktok ng maysakit at itapal sa gawing kaliwa ng dibdib. Payuhang magpahinga ang maysakit. Kung ang kaliwang dibdib ay bumibigat sa maysakit, at hindi nawawala matapos ang ilang 30
minuto, ay payuhan ang pasyente na magtungo sa ospital. -o0o20 GAMOT SA ANUMANG SAKIT JALJARIDUM -o0o21 PAGKILALA SA SAKIT NG TAO JIBRIOMIM Paunawa: Maaari mong alamin kung spiritual o material ang sakit ng tao gamit ang formulang ito. Ipatikim sa pasyente ang tubig na walang bulong. Ibulong sa tubig ang formula at ipatikim sa pasyente.
31
Kung nagbago ang lasa ng tubig ay spiritual ang sakit. -o0o22 PAGBUHAY NG PATAY NA ESPIRITUAL ANG DAHILAN NG KAMATAYAN KRIKANIKAM Paunawa: Magagamit lamang ito kung ang tao ay kamamatay lamang at ang likod ay hindi lapat sa hinihigaan. Dasalin ang formula paulit-ulit at ihihip sa tuktok, sa pagitan ng mata, sa leeg, sa may puso, sikmura, pusod at sa dalawang kamay at paa. Hingin sa Diyos na ibalik ang buhay ng taong yaon kung marapat. Kung ipagkakaloob ng Diyos ay mabubuhay ang namatay.
32
Kung hindi ipagkakaloob ay lalapat ang likod ng nasabing patay. -o0o23 KONTRA MANGKUKULAM SOLENSAAM Paunawa: Sa nakukulam, maaari itong ihihip sa tuktok ng nakukulam, ipainom sa nakukulam, o itapal sa sikmura. Ang kulam ay aalis sa nasabing tao. -o0o24 PANGDAGDAG SA DUGO DAMATARAM Paunawa:
33
Para sa putlain na tao, maaari na uminom ng ferrous sulfate na tableta tuwing umaga na hindi pa nag-aalmusal. Ang formula na ito ay ibulong sa tubig na iinumin ng taong putlain upang mas tumalab ang iinuming mga gamot. -o0o25 PAGPAPABISA NG FORMULA GAMIT ANG APOY ERUM ESUM ETUM Paunawa: Isulat ang napiling formula o oracion na nais mong pabisain. Iusal ang formula ng 3 E sa papel at banggitin paulit-ulit habang sinusunog ang papel. Ilagay ang pinagsunugan ng papel sa kalahating basong tubig at ipainom sa maysakit. -o0o34
26 GAMOT SA ULCER JEMOROM KRISUKAM Paunawa: Ihihip ang formulang ito sa tuktok at isulat sa salompas o papel at itapal sa sikmura. Payuhan ang maysakit na kumain ng madalas, almusal, meryenda, tanghalian, meryanda, at hapunan. Iwasan ang kape at sigarilyo. Ang mga prutas tulad ng kaimito at abukado ay makakatulong. Ang tsaa mula sa dahon ng kaimito at tsaang gubat ay makakatulong sa kanyang karamdaman. -o0o27 PROTEKSYON SA SAKIT KRUSAKOM 35
Paunawa: Ang formulang ito ay maaaring banggitin at ihihip sa pagkain, sa inumin at pampaligo sa tuwituwina upang tumibay ang resistensya sa karamdaman. -o0o28 GAMOT SA KUMBULSYON JETATORIUM Paunawa: Kung ang kumbulsyon ay mula sa taas ng lagnat, ang formulang ito ay usalin paulit-ulit habang nakatapat ang ulo sa pinanggagalingan ng tubig tulad ng gripo o poso o bukal. Kung kumasi na ang bisa ng formula ay mawawala ang kumbulsyon ng maysakit. Kung iba ang pinagmumulan ng kumbulsyon, ay hipan ang ulo ng maysakit pababa.
36
Isangguni ang kinukumbulsyon sa duktor. -o0o29 GAMOT SA LEUKEMIA BINATUROM Paunawa: Maaaring makatulong ang tsaa mula sa sebukaw. Kung ipagkakaloob ay maaaring makatulong ito sa ibang mayroong ganitong karamdaman. Ituro ang formulang ito sa mga taong mne leukemia, na dadasalin ulit-ulit, maging sa pagkain, inumin, at paligo. -o0o30 GAMOT SA NASISIRAAN NG BAIT BAMSUMIM Paunawa: 37
Mainam na suuban at hilutin ang taong me ganitong karamdaman. Kung loloobin, kung ihihihip sa ulo, at itatapal sa sikmura, ay maaaring makatulong sa taong nasisiraan ng bait. -o0o31 GAMOT SA SINUSITIS JILDAKMOTIM Paunawa: Maaaring magpayo na magpakulo ng tubig sa isang takore (kettle) at ang usok mula sa tubig ay maaaring langhapin basta sa distansya na hindi makakapaso. Ang formulang ito ay maaaring isulat sa papel at ilagay sa loob ng takore (kettle) bago pakuluan ang nasabing tubig. -o0o-
38
32 PAGKILALA NG MASAMA O MABUTING ESPIRITU DAMAT Paunawa: Maaaring ibulong sa tubig at ipainom sa maysakit. Kung matamis ang lasa ay mabuting espiritu ang kasama ng taong yaon. Kung pangit ang lasa ay masama ang espiritung nakasakay sa tao. -o0o33 GAMOT SA RAYUMA BIMUKSUM Paunawa: Maaari itong ibulong sa langis na ihahaplos sa parting sakit, at maaari ding ipangtapal. -o0o39
34 GAMOT SA PAGSUKA NG DUGO BISAK DIUMAT Paunawa: Ibulong sa tubig na ipaiinom. Ipatingin sa duktor ang nagsusuka ng dugo. -o0o35 GAMOT SA PAGHINTO SA NAGDUDUGO BAKSELOM Paunawa: Ibulong ito sa tuktok ng maysakit at sa parting dinudugo at sa tubig na panghugas ng dinudugo. Kapag nagpatuloy ang pagdudugo ay dalhin sa ospital ang pasyente. -o0o40
36 GAMOT SA SIPON AT UBO JORUTES MARSENEX MEKARAM Paunawa: Ito ang siyang ibulong sa tubig na iinumin, sa langis na ipanghihilot, at ipangtatapal sa baga. -o0o37 GAMOT SA HINAHANGIN MASTERESTE Paunawa: Ito ay ihihip sa tuktok ng hinahangin. Itapal sa sikmura. Ihihip sa inumin at ipainom. -o0o41
38 PAMPALIIT NG PIGSA BAETATIM Paunawa: Ito ay ihihip sa pigsa. Magdikdik ng bulaklak ng gumamela at itapal sa pigsa. -o0o39 GAMOT SA SLEEPING SICKNESS SULONG ROGAH Paunawa: Suuban ang taong maysakit habang ito ay inuusal. Ito rin ay ibulong sa langis at ipanghilot. -o0o42
40 GAMOT SA SAKIT SA APDO SAGEROSEAM REKTOM JETOM Paunawa: Ito ang ihihip sa tuktok ng maysakit. Isulat sa salompas at itapal sa kanang bahagi ng tiyan. Maaaring makatulong ang pagtapal ng “scalar device” sa kanang bahagi ng tiyan kung me sakit sa apdo. -o0o41 GAMOT SA PYORRHEA JERAMAM
43
Paunawa: Ibulong sa tubig na ipangmumumog. Mainam na gumamit ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas, o pinaglagaan ng balat ng puno ng duhat, pinaglagaan ng bawang o luya ay maaaring ipangmumog. -o0o42 PAGTULONG SA NANGANGANAK NAKTEKOKOM Paunawa: Ihihip ito sa tuktok at tiyan ng manganganak, o di kaya ay banggitin ang pangalan ng nanganganak at sabihing maging maayos ang panganganak niya, at saka banggitin paulit-ulit ang formula. -o0o43 GAMOT SA NAGTATAE NG DUGO
44
JERWAKAM Paunawa: Ibulong ito sa tubig na ipaiinom sa nagtatae ng dugo. Mas mainam na madala sa ospital ang taong may ganitong kundisyon. -o0o44 GAMOT SA LUMALAKI ANG BAYAG KROKGRAMET Paunawa: Ihihip ito sa tuktok ng maysakit at itapal sa tiyan at sa may bayag ang formulang ito. Mainam na maipakonsulta sa duktor ang may ganitong sakit sakaling hindi nagkaroon ng magandang pagbabago ang maysakit. -o0o-
45
45 PARA SA SERIOUS NA SAKIT ROKMET OKO-UM Paunawa: Ihihip ito sa tuktok ng maysakit. Itapal din sa sikmura. Ang mga seryosong sakit ay ipaubaya sa duktor. Ang maitutulong natin sa kanila na may malubhang sakit ay panalangin na sana sila ay gumaling. -o0o46 PARA SA HINDI MAKATULOG PAKATERAM Paunawa: Ipaulit-ulit ang formulang ito sa hindi makatulog hanggang makatulog. -o0o46
47 PARA SA LAMIG BEMATUM Paunawa: Suubin ang nilalamig. Maaari ding pahiran ng langis ang kanyang katawan habang inuusal ng paulit-ulit ang formula. Painumin ng mainit na inumin ang taong nilalamig. Kumutan siya hanggang sa mawala ang panlalamig. -o0o48 PARA SA LUGA TEMUGAM
47
Paunawa: Sa niluluga ay patakan ng kaunting hydrogen peroxide ang tenga na may luga. Bubula ito. Matapos ang 2-3 minuto ay linisin ang tenga ng malinis na “cotton buds.” Ang formula ay inuusal ng paulit-ulit habang isinasagawa ang prosesong ito. -o0o49 PARA SA SORE-EYES KRESTIUM KRUAM EKDOM Paunawa: Kumuha ng “distilled water.” Ang formula ay binabanggit paulit-ulit habang pinapahilamos ang “distilled water.” Gawin ang pagbanggit ng formula sa tuwing hihilamusan ang parting may sore-eyes/
48
Gawin ang paghihilamos 3 beses maghapon. -o0o50 SA GALIS AT SUGAT JUSAKAM Paunawa: Maaaring ibulong ito sa galis at sugat at saka hugasan. Kung ang sugat o galis ay tumutulo o nagluluha ay maaaring gumamit ng asupre at budburan ito matapos hugasan, sabunin at patuyuin. Maaaring gumamit ng alcohol 70% sa galis o sugat ngunit kailangang tiisin ng tao ang hapdi ng alcohol. Maaari ding gumamit ng hydrogen peroxide muna bilang panlinis ng sugat saka lagyan ng povidone iodine o betadine kung mayroon.
49
Kung wala, ay maaaring gumamit ng pinakuluang dahon ng bayabas o madre de cacao bilang panglanggas. Kailangan na pinalamig na ang ipanglalanggas bago ito ilanggas sa may galis o sugat. -o0o51 PARA SA MALABONG PANINGIN JEKOROM ELESAM DRUAM Paunawa: sa nanlalabong mga mata, mainam na pagbilinang kumain ang taong yaon ng dilaw na gulay. Maaaring ipagawa din itong pamamaraang ito: Banggitin ang formula saka ihihip sa dalawang palad at kuskusin ang 2 palad. Paulit-ulit banggitin ang formula habang kinukuskos ang dalawang palad. 50
Ihihip ang formula uli sa kamay saka ilagay ang dalawang palad sa nakapikit na mata habang mainit ang palad. Gawin ito sa tuwi-tuwina upang makatulong sa pagpapalinaw sa mata. Sa material na aspeto ng panggagamot, kumunsulta sa eksperto sa mata upang Makita kung lumalabo ang mata dahil sa pagtaas ng grado ng mata o iba pang kadahilanan. -o0o52 GAMOT SA KUNSUMISYON KLUMIKARUM Paunawa: Sa tuwing nakukunsumi, ay banggitin ang formulang ito ng paulit-ulit, upang ang negatibong puwersa na mula sa kunsumisyon ay mapalitan ng puwersang makakatulong. -o0o-
51
53 GAMOT SA NAPASO DEKTAM Paunawa: Kung napaso, ibulong ang formulang ito sa napaso at hugasan sa dumadaloy na tubig. Maaaring kumuha ng patatas at hiwain ng manipis at itapal sa paso upang hindi lumala. Kung grabe ang paso ay sumangguni sa duktor. -o0o54 PARA SA PASMA MELERIET Paunawa: Mainam na suuban ang may pasma.
52
Ang pagsusuob ay ganito: Talukbungan ang pasyente ng kumot. Pausukan siya ng insenso sa may gawing baba ng kumot na ang usok ay papasok sa loob ng kumot. Isagawa ito sa loob ng 10-15 minuto. Matapos nito ay pahiran ng langis ang katawan ng maysakit. -o0o55 PARA SA HINDI MAKA-IHI LOREMARET Paunawa: Usalin ng paulit ulit ang formula habang ginagawa ito: Maglagay ng mainit na tela sa may bandang puson. Matapos ang 5 minuto ay lagyan ng malamig na tela ang puson. Ipagsalit-salit ang mainit at malamig na tela o bimpo hanggang maka-ihi ang maysakit. 53
Pag hindi maka-ihi matapos ang ilang oras ay dalhin ang maysakit sa ospital. -o0o56 PARA SA HINDI MAKATAE JERUKUM Paunawa: Ang formulang ito ay ibulong sa tubig at ipainom at itapal sa tiyan. Maaaring painumin ng “castor oil” ang taong hindi maka-tae upang maka-tae. Kung hindi pa rin makatae ay ipadala sa ospital ang nasabing maysakit. -o0o57 PAMPALABAS SA BULATE MEREMSEBEM
54
Paunawa: Maaaring magdikdik ng buto ng ipil-ipil at ihalo sa gatas at ipainom sa may bulate. Lalabas ang bulate nito. -o0o58 SA HIKA BELOKAM Paunawa: Ihihip ang formula na ito sa tuktok at likod ng maysakit. Hilutin ng “vicks”, “mentholated rub”, o “ginger balm” ang hinihika. Paulit-ulit binabanggit ito habang ginagawa ito. Ang kape ay makakatulong sa may hika.
55
Kung ang sumpong ng hika ay hindi mawala, at nakikita mong hirap ang maysakit, madaliin mo nang ipadala siya sa ospital. -o0o59 SA PULMONYA JEGUTOKAM Paunawa: Ipadala sa duktor ang mayroong pulmonya. Ang maitutulong mo ay gamitin ang formulang ito at ihihip sa tuktok at likod ng maysakit at hilutin siya habang binabanggit ang mga salitang ito. -o0o60 GAMOT SA LAHAT NG SAKIT BEMSIKUDAM Paunawa:
56
Sa mga formula para sa lahat ng sakit, ay paulitulit itpng bigkasin habang ginagamot ang pasyente sa paraang alam mo. Kung nag-aalangan ka at nakikita na naghihirap ang kalagayan ng pasyente ay ipadala mo agad sa duktor. -o0o61 GAMOT SA PILAY MAMIKATAM Paunawa: Paulit-ulit ang pag-usal ng formula habang isinasagawa ang panggagamot. Maglagay ng kaunting langis sa dahon ng saging. Idausdos ito sa katawan ng maysakit at hihinto ito sa parting may pilay. Ang parting hinintuan ay lagyan ng langis at hagurin hanggang sa maging madulas na ito at hindi na hinihintuan ng dahon ng saging.
57
Gawin ang prosesong ito sa iba pang bahagi ng katawan. -o0o62 GAMOT SA TONSIL TAKDAMEKOM Paunawa: Ang formulang ito ay ihihip sa tuktok ng maysakit at sa tubig na ipangmumumog. Bilinan ang maysakit na maglaga ng kaunting luya. Palamigin ito at ito ang siyang inumin. Ang iba nito ay maaaring ipangmumog. Mas mainam na ipasuri sa duktor ang may sakit sa tonsil upang mas madali itong malunasan. -o0o-
58
63 PROTEKSYON SA MIKROBYO BAGKRAK Paunawa: Ang formulang ito kapag binabanggit ng 108 na beses kada araw ay nagkakaloob ng pagpapalakas ng “immune system” na nagiging tulong upang mapaglabanan ang mga karamdaman upang hindi agad tablan ng mga sakit. -o0o64 PARA HINDI MASAKIT MANGANAK JAKTO-UM Paunawa: Kung inuulit-ulit ito ng manganganak na may pananalig sa Diyos, ay maluwalhating makakapanganak siya. Maaari ding banggitin ang pangalan ng manganganak sa ka sabihing: 59
“maging maayos ang panganganak niya na mababawasan ang kanyang sakit na mararamdaman sa panganganak” Saka isunod ang pagbanggit ng formula sa isip ng paulit-ulit hanggang mairaos ang panganganak. -o0o65 PURGA SA LASON SEMSERAM Paunawa: Ihihip ang formulang ito sa tuktok ng maysakit. Ito rin ang ihihip sa langis ng niyog na ipapainom sa maysakit na kahalo ang tubig. Isang kutsarang langis ng niyog sa kalahating basong tubig. Maaari ding gamitin ang puti ng itlog na ipainom sa nalason, o gatas.
60
Ang tawas na asul, ga-butil nito na ihalo sa kalahating basong tubig ay maaaring makapagpasuka sa lason. Dalhin sa ospital ang nalason hangga’t maaari. -o0o66 PAMPAGANA SA PAGKAIN DILALIROM Paunawa: Ibulong ang formulang ito sa tuktok. Ito din ang itapal sa may sikmura ng walangganang kumain. -o0o67 GAMOT SA NATIPOS RESTO-UM ARSEM JEKOM
61
Paunawa: Ibulong ito sa tuktok ng maysakit at sa tubig na ipaiinom. Ibulong din ito sa langis na ipanghihilot. Maaari ding ibulong ito sa mga gamot na iniinom ng natipos upang mas mabilis siyang gumaling. -o0o68 DIVINE TREATMENT KRUMSIKLUM Paunawa: Manalangin ng isang Ama Namin. Banggitin ang pangalan ng tao, At saka sabihing: Gumaling ka na. Saka isunod ang formula ng paulit-ulit. -o0o-
62
69 GAMOT SA PARALISIS EGERAM GRAGAUM TENOM -o0o70 TULONG SA SAKIT SA BATO JINIMAM Paunawa: Banggitin ito ng paulit-ulit hanggang hinihilot mo ang pasyente sa parting baywang. Ito din ang ibulong sa tubig na ipaiinom at pantapal -o0o-
63
71 GAMOT SA INUUBO BERUMAT Paunawa: Banggitin ito ng paulit-ulit habang hinihilot ang likod ng inuubo. Ito rin ang ibulong sa tubig na ipaiinom. -o0o72 PAGGAMOT NG MALAYUAN KOJOMO EKTRAM KOJOMO Paunawa: Banggitin ang pangalan ng pasyente, at ang lugar ng tirahan niya, saka sabihin na “GUMALING KA NA SA KARAMDAMAN MO.” Saka paulit-ulit bigkasin ang formula. 64
Gawin ito ng ilang ulit. Depende sa iyo kung ilang beses mo ulitin. -o0o73 PAGHINGI NG TULONG SA MGA ESPIRITU SA PANGGAGAMOT BEKNIAM Paunawa: Banggitin ito sa sarili at sa bawat ika-siyam na banggit ay sabihing: “TULUNGAN AKO SA PANGGAGAMOT” -o0o74 PANTULONG PARA MAGANDA ANG PAGDALOY NG DUGO SA KATAWAN BETAMIT Paunawa: 65
Ituro ang formulang ito sa may problema sa pagdaloy ng dugo upang umayos ang daloy nito sa katagalan. Gawing 108 beses ang banggit kada araw. -o0o75 GAMOT SA KABAG SA TIYAN JEMOITER Paunawa: Banggitin ito at ihihip sa kamay na may kaunting langis. Ihaplos sa tiyan. -o0o76 PAGPAPALITAW NG SAKIT JERGITMOM Paunawa: 66
Ibulong ito tuktok ng maysakit at sa tubig na ipaiinom at lilitaw ang totoong sakit nito. -o0o77 KUNG LABIS NANG HIRAP ANG PASYENTE, UPANG HINDI NA MAGTAGAL ANG PAGHIHIRAP KOJOMO ERRIOM KOJOMO Paunawa: Usalin ito at ihihip sa tuktok ng pasyente o ihihip na lamang sa anumang part eng katawan. -o0o78 SA DUMADAING NG PANGHIHINA AT GUTOM SENEKSILOM Paunawa:
67
Ito ay usalin saka ihihip sa tuktok ng tao. Saka pakainin ang nasabing tao upang madaling makabawi ng lakas. -o0o79 SA ALMORANAS RIMITATUM Paunawa: Para sa may almuranas, payuhan siya na umupo sa palanggana na may mainit na tubig na kaya niya ang init. Usalin ang nasabing formula at ihihip sa tubig ng palanggana na uupuan. Upuan ang mainit na tubig sa loob ng 15 minuto, na pinananatiling mainit ang inuupuang tubig. (buhusan ng init tubig sa tuwi tuwina ang tubig sa palanggana) Gawin ito gabi-gabi upang makatulong sa paggaling ng almuranas. 68
Ibulong din ang formula sa pamahid sa almuranas. -o0o80 SA VARICOSE VEINS JEKLUUM Paunawa: Ibulong ito sa langis at patuloy na uusalin habang hinihilot pataas ang paa o kamay na may mga varicose veins. Gawin ito sa tuwi-tuwina. -o0o81 KALIGTASAN SA OPERASYON RUSIM DORIM DELATRAM JOKOM ROSIM
69
Paunawa: Banggitin ang pangalan ng ooperahan. Sabihin na: “MAGING LIGTAS ANG OPERASYON MO” Banggitin ng paulit-ulit ang formula sa taas hanggang sa matapos ang operasyon. -o0o82 SA MATAAS NA LAGNAT KAMRUKNUM Paunawa: Ihihip ito sa tuktok ng may lagnat. Ibulong ito sa tubig at ipahid sa may lagnat. Maaari ding paagusan ng tubig ang ulo ng may lagnat upang mabilis mawala ang lagnat habang inuusal ang formulang ito. -o0o-
70
83 SAKIT NG ULO GOKOWAM DILOMIM DISTORIM Paunawa: Ibulong sa tuktok at ihihip. Ihihip sa inumin at ipainom. -o0o84 PAGTUNAW NG PLEMA JEKTATORIM Paunawa: Ibulong sa tubig at ipainom. Ihihip sa likod at maaari ding usalin habang hinihilot ang likod ng maysakit. -o0o-
71
85 SAKIT SA DUGO/ ALTAPRESYON JEREMMUIM DELATITUMAM Paunawa: Usalin ito ng 108 na beses kada araw ng may altapresyon upang bumuti ang kalagayan kaysa sa dati kasabay ng pag-inom ng gamot para dito. -o0o86 GAMOT SA TONSIL JENEKER OBENAT REMAKLUMIT ROKTAKAM Paunawa: Ang formulang ito ay ihihip sa tuktok ng maysakit at sa tubig na ipangmumumog. Bilinan ang maysakit na maglaga ng kaunting luya. Palamigin ito at ito ang siyang inumin. 72
Ang iba nito ay maaaring ipangmumog. Mas mainam na ipasuri sa duktor ang may sakit sa tonsil upang mas madali itong malunasan. -o0oMGA ORACIONG MAGAGAMIT SA PANGGAGAMOT Bago umusal ng anumang oraciong panggamot ay dasalin ito sa sarili ng 3 beses: BENEDICTAM. REENADICTAM. BENITE. MACULATAM. ELEBATE. ELEBILA. ELECULAPA. ELEBINA. EGRA. EGRAYOM. EGROMIT. EREYSUM. AYISMOTUM.
73
PODERAN MO PO AKO AT AKING BUONG PAMILYA SA LAHAT NG SANDALI. SAKA ISUNOD ANG ALINMAN SA MGA ORASYONG ITO: 1 SA PUWING PIRAT IRAT TALIS Ibulong ito ng 3 beses sabay hihip sa matang napuwing. -o0o2 PAMPANAULI NG LAKAS NG TAO MARAMATAM MACMAMITAM MEROMARUM Usalin ng 3 beses at ihihip sa tuktok ng maysakit. 74
Isulat sa salompas o papel at itapal sa sikmura. -o0o3 SA MANAS TALARISIUM MOUERSUM Banggitin ito sa tubig na ipinapainom. Maaaring isulat sa papel at itapal sa parting may manas. Mainam din ang pinakuluang dahon ng sambong bilang tsaa sa mga taong may manas. Maaari ding ibabad sa tubig na maraming asin ang parting minamanas. Maaari ding itaas ang parting minamanas kung nagpapahinga. Mainam ipasangguni sa duktor ang madalas na pamamanas ng sinuman. -o0o-
75
4 SA KABAG AT SINISIKMURA ECTENOM ECASELOM JETATOZIUM Ibulong ito ng 3 beses sa tubig at ipainom. Maaari ding ihihip sa gamot na iinumin. Maaari ding isulat sa papel at itapal sa sikmura. -o0o5 PANG-ALIS NG SAKIT NG TIYAN YNATANUM GLORIAM TUAM CAGIURCAM AMEN Ibulong ito ng 3 beses sa tubig at ipainom sa maysakit.
76
Maaari ding isulat sa papel at itapal sa tiyan. -o0o6 PANGONTRA SA MASASAMANG ESPIRITU AEMAE AELIE AEO-OC Banggitin ang oraciong ito ng 3 beses at ihihip sa tuktok ng naeespirito. Kung sa sarili gagamitin, maaarin ihihip sa tubig na iinumin o isulat sa salompas at itapal sa sikmura. -o0o7 PAMPAGALING NG KARAMDAMAN RAHABIEL PHANIEL ARIEL LAHABIEL AZBUGA 77
Banggitin ito ng paulit-ulit habang nakatapat ang kamay sa parteng may sakit. Kada 3 banggit ay hipan ang parteng may sakit hanggang sa mawala ang pananakit. -o0o8 SA SUGAT ACDUO SANCTA MARIA AUMXOOBOO Usalin ang oraciong ito ng 3 ulit saka hipan ang parteng may sugat. Maaari ding ihihip ito sa ipanggagamot sa sugat upang mas mabilis itong gumaling. -o0o-
78
9 SA SAKIT NG NGIPIN SANET SUSANET AUM PRAM EGOTE SUSPENDAT Ibulong ito sa tubig at ipamumog -o0o10 SA LAGNAT PODEROSO JESUS ACDUDUM ARAM ADAM ACDAM ACSADAM Ihihip sa tubig at ipainom 79
Maaari ding iusal sa tubig na ipapamunas sa maysakit. -o0o11 PANAULI RABIAM AZBUGA Usalin at ihihip sa tuktok. Maaaring ihihip sa tubig at ipainom. Maaaring panapal. Para kontrahin ang epekto ng tigalpo. -o0o12 LABAN SA MAY KARGA AT MAY MASAMANG ESPIRITU OJI MEI OCCERCUM ORNELIS Ihihip sa tuktok. Maaari ding ipainom. 80
Maaari ding itapal -o0o13 PANDAGDAG BUHAY EIOUA AEOUI OUIEA AEUIA LLE-EC LLE-AC LLE-OC JAJ. HAU Ibulong sa tubig na iniinom at sa pagkain -o0o14 PANGGAGAMOT IRAI IRAV IRAN 81
MAAARI ITONG IHIHIP SA TUKTOK, IPAINOM AT ITAPAL SA MAYSAKIT. -o0o15 PAGSUSUOB NG MAYSAKIT Magpabaga ng uling Balutan ng kumot ang maysakit na tanging mukha lamang ang nakalabas sa kumot. Pausukan ang tao ng insenso, kamangyan, palaspas habang inuusal ang oraciong ito ng paulit-ulit isunod ang oraciong ito ng 3 beses: ESET. ETAC. ENATAC. EDEUS. GEDEUS. DEDEUS. -o0o82
PANALANGIN NG KAGAMUTAN/ KAGALINGAN PAGALINGIN MO AKO, PANGINOON, AT AKO AY GAGALING; ILIGTAS MO PO AKO, AT AKO AY MALILIGTAS; SAPAGKAT IKAW ANG AKING PAPURI (JER 17:14) RAFAEINI ADONAI VEEIRAFEI HOSHIEINI VEIVVASHEI'AH KI TEHILATI ATAH IKAW O DIYOS, ADONAI ROPHI, ANG SIYANG DIYOS NA MANGGAGAMOT, SA INYO PONG AWA AT TULONG, NAWA AY PAGALINGIN PO AKO MULA SA AKING KARAMDAMAN. PATAWAD PO SA AKING MGA SALA. PINATATAWAD KO PO LAHAT NG MAY SALA SA AKIN. PAPURIHAN KA PANGINOON MAGPAKAILANMAN! AMEN
83
TALADRO NG GLORIA ALTISSIMO DEUS
84
PANGKALAHATAN ANG BISA NG TALADRONG ITO, BUKOD PA SA KALOOB NA KALIGTASAN SA PANGANIB AT MASAMANG TANGKA DIBUSYON SA GLORIA ALTISSIMO DEUS DADASALIN SA ARAW ARAW SA UMAGA PAGKAGISING SA LOOB NG 49 ARAW. MATAPOS ANG 49 NA ARAW, MAAARING DASALIN NA LAMANG ITO TUWING MARTES AT LINGGO 1- AMA NAMIN 1- SUMASAMPALATAYA PANGINOON, KAAWAAN MO AKO. DIYOS AMA, KAAWAAN MO AKO. DIYOS ANAK, KAAWAAN MO AKO. DIYOS ESPIRITU, KAAWAAN MO AKO. O DIYOS YAOHUWAH, KAYO PO ANG KALASAG NG AKING KATAWAN, ESPIRITU AT KALULUWA. AKO PO AY TULUNGAN AT IPAGSANGGALANG, SA TULONG NG LAHAT NG MGA SANTO AT SANTA, AT MGA ANGHEL NA MANDIRIGMA, AT 85
ELECULAPA. ELEBINA. EGRA EGRAYOM. EGROMIT. EREYSUM. AYISMOTUM. PODERAN NAWA AKO SA SA LAHAT NG ORAS, SA PAMAMAGITAN NI JESUCRISTO NA NAMATAY SA CRUZ SANCTUS. SI JESUS ANG TAGAPAGLIGTAS. SI JESUS BANAL ANG PINAGPALA,. BANAL NA TAGAPAGTURO. DIYOS NG MGA MANDIRIGMA. MAAWA KA SA AKIN. SANCTUM LUCAM, SANCTUM MARCUM, SANCTUM JUANEM, SANCTUM MATEUM. APAT NA HALIGI AT EVANGHELISTA. BAKURAN AKO NG INYONG DEPENSA. PANG-ALAY SA LAHAT NG AKING MGA KAALAMAN, KARGADA, MGA ORACION, AT MGA TULAD NITO:
87
JEM. UM. TEE. KORAM. EYOM. JENESIM. ENOWAM. BELORIM. KRISARAM. MOWAM. DESAM. ARATOM. AKSOM. OKRAM. BEKREAM. SUSI PANGKAGIPITAN: DASALIN KUNG NASA TOTOONG PANGANIB SA ISIP AT PAULIT-ULIT HANGGANG MAKALAGPAS SA PANGANIB: AC. ACDU ACDUM ACDUDUM SALVAME
88
ANG TALADRONG ITO AY MAY BISA NA PANGKALAHATAN, KASAMA ANG SA DEPENSA, PROTEKSYON, PANGKAHILINGAN, GABAY, AT TULONG. SA PAGGANAP NG DIBUSYONG ITO, MAGKAKAROON KA NG ESPIRITUAL NA GABAY NA SIYANG TUTULONG SA IYO SA BUHAY, KUNG LOLOOBIN NG DIYOS. ANG PAGGANAP NG DIBUSYON AY SA LOOB NG 49 NA ARAW. MATAPOS ANG 49 NA ARAW, AY MAAARING TUWING MARTES AT BIYERNES ANG PANALANGIN NG DIBUSYONG ITO. KUNG PITONG URI ANG TALADRO NA MERON KA, MATAPOS ANG 49 NA ARAW, AY MAAARING ANG PANALANGIN NA UKOL SA MGA TALADRO AY GAWIN ISANG BESES SA ISANG LINGGO, ISANG PANALANGIN BAWAT ARAW SA ISANG LINGGO. PANALANGIN SA GRANDESISIMO ANIMASOLA 1- AMA NAMIN 1- SUMASAMPALATAYA
90
SUBMINIMINTAM SAMIVIVAT SABAUCLARAM JEOV YNAM UCZADE XLOIM BOHAG AEIOUS AEOLUS SITIMITIS TISIMISIT MISIMISIM OCMAO YDUOJOGO † UGUTULUZ AHAYOYAHAJEU ACUNAV MURSIGRUM ACNAV TRINIGRATAM AWIGNAG SUPREHETARAM SAGNUMAAG SIGGRATAVATUM ANTMUHRSIAB ASELIGSITUR CLUEGHAM JAH AHA HAH MEPHENAIJ PHATON PECCA ABRIDTODOS LOS PUERTAS DEL UNIVERSO AVEMINOS TRIUMPHASIS ABACAM AC SAEM ANIMA OMNIBUS VIRTUTIBUS GRATIAM AMILATUM AMILABIT AMPILAM GUID EST PIABONI VOLUNTAS MANLAQUIMANT IBUA
91
MANLAPUS BENEFICIA LAMUROC LUMIN LAMINTABIT HONORIBUS BAGSIAC BUDIBUB BUDABIS SULATUM TUMEUM MEORUAM CREUM DUM DEUM DEUS SPIRITU ANIMASOLA ACXZYAWACXZYAH YOD HE VAU HE JUEL REXBATUM HUM ARADAL BADO PRE ADORAIS ADONAY EL ELOIM AMEN SUSI KALIGTASAN BANGGITIN SA SARILI NG PAULIT-ULIT KUNG NASA PANGANIB: AJUB-MULAC AOE-UI SALVAME
92
8-A-D ANG SISTEMA NG 8-AD AY PINANINIWALAANG NAGKAKALOOB NG PROTEKSYON LABAN SA MGA MABIBIGAT NA URI NG TIGALPO, TULAD NG OX, NUNONG KAMATAYAN, 7 HARING KAMATAYAN, MGA BOLANG APOY, ESPADA, BOMBA, TALIM, AT ANUMANG TULAD NITO. ANG TALADRO NITO AY KINAKAILANGANG DALHIN SA IYONG PERSONA AT KINAKAILANGAN ANG MATIBAY NA PANANAMPALATAYA SA DIYOS, ANG PAG-IWAS SA MGA GAWANG MASAMA, AT PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA. ANG 8-AD AY NAIPAGKALOOB SA ATIN BILANG PROTEKSYON LABAN SA MASAMANG EPEKTO NG IBANG MGA GALING. SA TAONG NAGTATANGAN NITO NA MAY ANGKING MABUTING KALOOBAN AT DIWA, AT MAY MALINIS NA BUDHI, AY HINDI PAGKAKAITAN NG DIYOS NG BISA NG TALADRONG ITO. SA BISA NG TALADRONG ITO, NAHAHARANG ANG BISA NG MGA GALING NA HINDI MULA SA DIYOS, AT MAGING ANG LAHAT NG URI NG MAPAMINSALANG KAPANGYARIHAN. 94
ANG MGA ENGKANTO AT MGA LAMANG-LUPA AY TAKOT DITO. HUWAG LAMANG AABUSUHIN, UPANG HINDI MATANGGALAN NG DIYOS NG BISA NG 8-AD. ANG DIYOS LAMANG ANG MAKAKAPAGKALOOB NG BISA NG 8-AD, ANG DIYOS LAMANG ANG MAKAKAPAGTANGGAL NG BISA NITO. HINDI RIN ITO APEKTADO NG PANG-ALIS NG TANGLAW NA GINAGAWA NG TAO, O DISKOMUNYON SAPAGKAT ANUMANG IPINAGKALOOB NG DIYOS, TANGING DIYOS LAMANG ANG MAY KAPANGYARIHANG BUMAWI NG NASABING KALOOB.
ITO ANG PANALANGIN NG 8-AD 1-AMA NAMIN 1-SUMASAMPALATAYA HANGGANG SA IPINAKO SA KRUS, ISUNOD ITO: DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS, PANGINOON NG LAHAT NG PANGINOON, SA INYONG PAGKALINGA AY GANAP AKONG NANANALIG. 95
ITO ANG TALADRO NA MAAARING IPALAMINATE AT SUUTIN BILANG KUWINTAS.
ITO AY SELYO NI HARING SOLOMON SA PAGGAGAMOT
97
ANG SELYONG ITO MAAARING PATUNGAN NG MGA GAGAMITIN SA PANGGAGAMOT MAAARI DIN ITO NA IDIKIT SA MGA BOTE O MGA KAGAMITAN SA PAGGAGAMOT.
ANG MGA SELYONG ITO AY MAAARING IPAKOPYA AT GUPITIN PARA MAGAMIT SA GAMUTAN. 98
ANG TALADRONG ITO AY MAY BISA NA PANGKALAHATAN, KASAMA ANG SA DEPENSA, PROTEKSYON, PANGKAHILINGAN, GABAY, AT TULONG. SA PAGGANAP NG DIBUSYONG ITO, MAGKAKAROON KA NG ESPIRITUAL NA GABAY NA SIYANG TUTULONG SA IYO SA BUHAY, KUNG LOLOOBIN NG DIYOS. ANG PAGGANAP NG DIBUSYON AY SA LOOB NG 49 NA ARAW. MATAPOS ANG 49 NA ARAW, AY MAAARING TUWING MARTES AT BIYERNES ANG PANALANGIN NG DIBUSYONG ITO. KUNG PITONG URI ANG TALADRO NA MERON KA, MATAPOS ANG 49 NA ARAW, AY MAAARING ANG PANALANGIN NA UKOL SA MGA TALADRO AY GAWIN ISANG BESES SA ISANG LINGGO, ISANG PANALANGIN BAWAT ARAW SA ISANG LINGGO. PANALANGIN SA ALPHA OMEGA 3
100
1- AMA NAMIN 1-SUMASAMPALATAYA URCAMITAM SAEM AC ABACAM ITARUM ORNAM UCTAM NOMEMITAM TUCAMBUCAM BATOR CASIM ELIAM MORUM MOSOSUM ALTUM PODERUM SUPEROMNIUM IAOUEIOUAE ALPHA ET OMEGA ADJUTOR DOMINUM AGLA MEUS. OH GRAN PODEROSO ALPHA ET OMEGA SARACTA BATALIA OCSHILLA LIBRIA LIBRE ALAT-ALA AQUITO GAPIRO ANOBAT ENOBAT ANOBAT. ALPHA ET OMEGA: SABARAC NABARAC NABARAC SABARAC. SANCTISSIMA TRINIDAD ALPHAN MILIGNA ELIAM MORUM MOSOSUM DEUS PADRE, DEUS FILIUS, DEUS SPIRITU SANCTO. EGOSUM DEUS ARDAM, GAVINIT DEUS ARADAM, DEUS SPIRITU SANCTO ADRADAM:
101
OJOS TODOS ACSIJOMO: UNIEM. UNANUM. CANANUM. BATUM. UBCATUM. UBVACATUM. ABCATUM. OH PODEROSO ALPHA ET OMEGA AGLA AGLAE AUM MANI PADME OM, AUM SHANTI-OM, ATMA-OM, SIVOHAM-OM, MAHARANI JIVAN TIYE SUAH HAH. SPIRITUS SANCTUS SANCTI PETER OMNIPOTENS ESET VERBUM CARUM FACTUM DOMINE, AQCGAR ABACAR ANDELUS SANCTI DOMINE PATERNUM IN AETERNO YOD-HE-VAUHE AMPILAM GOAM EXEMENERAU MACUM ADONAY MACMAMITAM AVESANCTE AVETAINE AVETILLUM AVECUM SALICUM TUUM EGOSUM. PATREM NOSTRUM QUI ES IN COELIS SANCTIFICATORUM NOMEN TUUM +IAIWUEIAUI+ ADVENIAT REGNUM TUUM +IUAOAUI+ FIAT VOLUNTAS TUAM SICUT IN COELUM ET IN TERRAM +IWIOUAI+ DEUS DOMINUM ET NOS SUSCITABIT HALLELUJAH IPSE LIBERABIT ME DE LAGUEO
102