ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG- AARAL Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may internet connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin. * Mga Positibong Epekto: Pag-unlad ng antas ng libangan · Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan · Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa · Global Networking · Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya · Mas makakamura sa ibang paraan * Mga Negatibong Epekto: · Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao · Maaaring gamitin sa karahasan · Nakakasira ng kalikasan · Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya · Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon. · Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o makaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Tungkulin ng mga kabataan ang mag aaral.Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag aaral,sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit,dalawa ang maaaring gawin nila.Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag aaral.Sa kabilang
banda,maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan”at kaagapay” sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon,at ito ay ang teknolohiya. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya.Sa katunayan,ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag- aaral ay nagiging madali,mabilis,at mabisa.Kung kaya nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan.Bukod sa telebisyon at radio,nandiyan na rin ang mga home at handheld consoles.(Hal.Play Station),Mp3 Players,ang celllphone,at siyempre ang personal computers at ang dala nitong digital miracle-ang internet.Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral,o maging ng kabataan sa kabuuan.Masasabi natin na napakarai ng naitulong ng teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay.Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon.Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot?Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra,at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.Hindi mapapagkaila na napakaraming mga mag-aaral ang sumasalalay sa teknolohiya hindi lamang sa kanilang pag-aaral. Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang kapagurang galugarin ang bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan, bagong pagnanasa. Walang humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi natin itinatanong kung saan talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na natin ang landas patungong bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang bukas o ito’y malayo pa? Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga bagay na kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon. Tulad halimbawa ng paglalalaro ng bahaybahayan kung saan minsan ka nang gumanap bilang ama o ina o anak sa larong ito. Madaling humulas ang mga alaalang ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan ngayon ang naglalaro nito. Wala na ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng saging, kotse-kotsehang may gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya naman ay paglalaro ng siyato na gamit ay sanga ng yakan at kawayan. Parang kailan lang ang mga ganitong tagpo. Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw sa mga alaalang ito. Ipinaskil ni Filipino Juanbee http://kristalinahcielolawang.blogspot.com/
Magulong Mundo ng Gadgets sa Kabataan Ang isa pa sa mga patok na patok ngayon sa kabataan ay ang computer o di kaya ay ang laptop. Halos lahat yata ng tahanan ngayon ay mayroon ngcomputer. Ang isa sa mga gamit nito ay ang internet. Alam naman natin na halos lahat ng impormasyon na kailangan natin ay maari na nating makuha sa pamamagitan ng internet. Ito ay mas mabilis kaysa sa magbuklat pa ng libro. Ang computer ay mayroon ding Microsoft Word, Powerpoint at marami pang iba na tumutulong sa mga estudyante para mapabilis ang kanilang paggawa ng mga research work at reports. Sa computer ay maari na rin na makapaglaro ng mgagames. Ito ay ang pinakatalamak na gamit ngayon ngcomputer sa mga kabataan. Ngunit ang computer ay mayroon ding masamang epekto sa mga kabataan. Maraming kabataan ang nalululong sa mga gamit nito, kaya mas madalas ay puro laro na lamang ang inaatupag kaysa sa paga-aral. Humahantong ang mga kabataan sa pagka-adik sa computer at mas pinipili na mag-cutting o di kaya ay ang mag-absent sa klase. Bukod sa mga games ang internet ay may mga site na nakakasira sa mata at pag-iisip ng mga bata, sapagkat marami rin dito na mga panoorin na masyadong mahalay na nagiging dahilan para ang mga kabataan ay maaga ma-expose mga maseselang gawain na nagiging dahilan sa maagang pagpasan ng responsibilidad bilang magulang. Ang PSP , Xbox at kung anu-ano pang gaming gadgets na nauuso ngayon ay isa pa sa mga bagay na nakakatulong din na makapagpa-relax matapos ang nakakastress na pag-aaral, ngunit may mga laro na masyadong bayulente sa mata at kaisipan ng mga bata. Kaya mas nakakatulong ang tamang pag-gabay ng mga magulang at tamang pagpili ng mga laro na hindi nakakasama sa pag-iisip ng mga kabataan. Ang Ipod ay bentang-benta rin ngayon sa mga kabataan. Katulad ng mga nauna ng natukoy na kagamitan ito rin ay nakakatulong na makapagparelax. Ang Ipod ay hindi masyadong kumplikado hindi gaya ng ibang mga hi-tech na gadgets, ngunit na sa tamang pagpili rin ng mga tugtugin na maaring magdulot ng maganda o masama na makakaimpluwensiya sa pag-iisip ng mga kabataan. Lahat ng mga makabagong kagamitan ngayon ay mayroon din namang limitasyon na dapat ay na sa tama ang ating pag-gamit upang hindi ito makasagabal at tuluyang sirain ang kinabukasan ng mga kabataan. Patricc Ladia sanaysay http://rachietalpagladz.blogspot.com/2009/10/magulong-mundo-ng-gadgets-sa-kabataan.html
Teknolohiya Tulong sa Edukasyon Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo. Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet. Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan. Bai-Rhema S. Marmay http://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/teknolohiya-tulong-sa-edukasyon/
Mabuti at Masamang Epekto ng Kompyuter Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, MP3, Mp4, ipod at higit sa lahat kompyuter. Para sa karamihan, ang kompyuter ay isang napakahalagang imbensyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat, bukod sa mga mabuting epekto nito, mayroon din itong masamang epekto. Unahin na natin ang mabuting epekto. Ang kompyuter ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang, kapag tayo ay mayroong mga projects o kaya ay takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapan maghanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso. Sunod naman ay ang mga masamang epekto ng kompyuter. Una na diyan ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter. Naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games tulad ng DOTA. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati na rin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit ang kanilang ulo o kaya'y pagkahilo. Lubusan na ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon. Pero lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang maidudulot nito. Maari din itong makasama sa atin. Kaya payong kapatid lang, hinay hinay lang sa paggamit at wag nating abusuhin ang mga teknolohiyang ito. Robert Paul Nunag http://gabaysapagpilingcourse.blogspot.com/2008/10/mabuti-at-masamang-epekto-ng-kompyuter.html
Teknolohiya, nakakatulong nga ba? Sa pagdaan ng panahon, parami ng parami at palawak ng palawak ang mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga tao, makakatulong nga ba ito sa pagtahak ng ating landas lalo na sa pag gugol ng oras para sa edukasyon? O mas nakakasama pa ito at magdudulot ng bunga tungo sa maling landas? Mabuti nga ba o masama ang maidudulot na teknolohiya sa ating pag-aaral? Bilang estudyante nakakatulong dahil mas napapabilis at napapagaan nito ang pag gawa ko ng mga proyekto at mga takdang aralin. Marami rin akong natututunan at naidadagdag na kaalaman kapag gumagamit ako ng teknolohiya. Malaki ang naiaambag ng teknolohiya at ng mga makabagong gamit dahil nakakatulog ito sa atin upang linangin at mas lalo pang pagyabungin ang mga mura nating isipan. Hindi lamang sa pagaaral ginagamit ang mga ito. Marami itong ginagampanan sa buhay ng tao, napagagaan nito ang mga mabibigat na gawain at mas nakakatipid sa oras. Nakakatulong ito sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao, ngunit, inaabuso naman ito ng mga taong kinagisnan na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Magiging pala asa at sakim ang mga tao dahil dito. Hindi nila ito ginagamitan ng kanilang sariling kakayahan upang magawa ang mga gawaing madali lamang kung iisipin. Dumarating na rin sa punto na nagiging masama ang dulot ng teknolohiya lalo na sa mga estudyante. Mas pinaglalaanan na nila ngayon ang makabagong kagamitan at halos ditto na ginugugol ang isang buong araw kaya naman mas maraming mga kabataan ngayon ang nagkakaron ng iba’t-ibang diperensya sa kani-kanilang katawan. Wala na rin silang naitututlong sa mga gawaing bahay at hindi na rin nila pinagtu-tuunang pansin ang proyekto nila sa paaralan. Sadyang napakalaking tinik ang paglalaro at paglilibang sa halip na makakatulong sa kani-kanilang magulang. Napakasakit mang isipin na ang likha ng sariling tao ay siya ring sisira sa buhay nang kahit na sino man. Pero hindi naman hangad ng mga imbentor ang masamang dulot nito sa tao, nasa kanya kanyang kamay ng tao kung papaano niya gagawing mabuti o masama ang teknolohiyang ginagamit niya sa araw-araw na pamumuhay. RENEMAE https://www.wattpad.com/6882652-teknolohiya-nakakatulong-nga-ba
Michigan State University mananaliksik ay gumamit ng $ 750.000 bigyan mula sa National Science Foundation upang mas mahusay na maunawaan ang kalikasan at lawak ng impormasyon teknolohiya ng mga bata (IT) gamitin at kung paano gamit IT ay nakakaapekto sa kanila. Ang mga bata at Teknolohiya Project ay isang proyekto ng pananaliksik na dinisenyo upang matukoy ang mga kahihinatnan ng paggamit ng IT sa mga bata nagbibigay-malay, panlipunan, pangkaisipan at moral development. Partikular, ang proyekto ay suriin kung ang gamit ang IT, lalo na ang mga laro sa Internet at video, impluwensya ng mga nagbibigay-malay kinalabasan, tulad ng visual na mga kasanayan, grado point average o mga marka sa mga standardized na pagsusulit tagumpay, panlipunan pakikipag-ugnayan, tulad ng mga relasyon sa mga kaibigan at pamilya; mga isyu ng sikolohiya kagalingan, tulad ng pag-ibig sa sarili at self-konsepto, at moral development - pangangatwiran tungkol sa "karapatan at mali" sa parehong virtual at pisikal na mundo. Linda A. Jackson, propesor ng sikolohiya sa MSU, ay ang punong-guro tagapagsiyasat sa proyekto. Coinvestigators, ang lahat ng mga guro ng MSU, Yong Zhao, isang propesor sa Kagawaran ng Teknolohiya sa Pagtuturo at Learning at director ng Center para sa Pagtuturo at Teknolohiya; Hiram Fitzgerald, University nakikilala Propesor ng sikolohiya at katulong na puno para sa University Outreach at sagupaan; Alexander von Eye, propesor ng sikolohiya; at Rena Harold, propesor sa School of Social Work. "Mga bata ay paggastos ng higit pa at mas maraming oras gamit ang impormasyon teknolohiya," Jackson sinabi. "Ang Internet, cell phone, instant messaging at video laro ngayon maghawak ng malaking mga segment ng sa araw-araw na buhay ng mga bata. Ngunit napakaliit na ay kilala tungkol sa kung paano gamitin ito ay nakakaapekto sa kanila. "Ba ang gamit sa IT tulong o saktan ang mga bata? Sigurado ilang mga uri ng IT mas mahusay kaysa sa iba? Huwag katangian ng impluwensiya ng bata kung gamitin IT ay nakakatulong o mapanganib? ay ang ilang ng ang mga katanungan na kailangan na direksiyon, "kanyang sinabi. Kabilang sa iba pang mga katanungan proyekto ay ang address ay: Ba gamit ang Internet bata tulong na gawin ng mas mahusay na sa paaralan, tulad ng maraming mga tagapagtaguyod ng Internet gamitin inaangkin? Ba naglalaro laro video na mapabuti ang mga bata visual-spatial na mga kasanayan, o taasan ang kanilang agresibo pag-uugali, bilang ilang mga pag-aaral iminumungkahi? Ba ang kadalian na kung saan pagnanakaw at pagdaraya ay maaaring mangyari sa virtual mundo, halimbawa, sa pamamagitan ng pagkopya ng isang Web pahina at i-paste ito sa isang ulat ng paaralan, ang impluwensiya ang kadalian na kung saan ang mga bata ay magnakaw at manloko sa "totoong mundo?" Ang mga bata at Teknolohiya Project ay kasangkot ang partisipasyon ng 1200 ikapitong-grade na mga bata, ang kanilang mga magulang at mga guro sa buong Michigan. Lahat ay tatanungin upang
makumpleto ang mga survey dalawang beses taun-taon, sa pagkahulog at tagsibol, para sa mga tatlong taon, simula na ito mahulog. Sa karagdagan, ang isang subset ng 600 mga bata ay lumahok sa isang matapos-paaralan na pag-aaral na nakatutok sa paggamit ng Internet at mga laro ng computer. Ang mga bata na ito ay gastos ng ilang oras sa isang linggo sa isang teknolohiya-rich matapos-paaralan na setting sa panahon ng Taon 2 ng proyekto. "Ang layunin ng proyekto ay upang mas mahusay na maunawaan ang kalikasan at lawak ng mga bata IT gamitin at kung paano gamit IT ay nakakaapekto sa kanila," Jackson sinabi. "Ganitong unawa ay kritikal sa paggawa ng matalinong mga pagpapasya tungkol sa kung paano IT dapat gamitin sa mga paaralan upang makinabang ang lahat ng mga aspeto ng development ng bata - nagbibigay-malay, panlipunan, pangkaisipan at moral. "Upang petsa ng mga pagsisikap na isama ang IT sa sistema ng edukasyon ay batay sa mga palagay tungkol sa mga benepisyo," siya na naidagdag. "Ito ay oras para sa isang mas maparaan na pagsisiyasat ng mga epekto ng IT gamitin at ang mga kondisyon sa ilalim kung saan ipinapalagay benepisyo ay pinakamalamang na ay maisasakatuparan. " http://www.msu.edu/ http://www.news-medical.net/news/2005/09/06/54/Filipino.aspx