CAYANAN, DARYL JASCHA PRESTO
BSME-1B
Tekstong Persweysiv
Ang textong PERSWEYSIV ay naglalahad ng mga konsepto,
pangyayari, bagay, o mga ideya na nagsasaad ng panghihikayat sa mga
mambabasa.
Ito rin ay naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang
paksa o kaisipan ay maging kapanipaniwala.Upang maging makatotohanan ang
panghihikayat kinakailangang magkaroon ng mga ebidensya o patotoo.Layunin
ng textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan
at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang
makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.Tekstong
nangungumbinse o nanghihikayat.
Halimbawa
-Propaganda sa Eleksyon
-Patalastas
-Pangrerekrut upang sumali sa isang Grupo,Fraternity,Samahan at Kapatiran
Mga Halimbawa ng isang texto na nagpapakita ng panghihikayat sa isang tao.
"Halina't sumali sa aming kapatirang Beta Sigma"
Inaanyayahan po naming kayo na sumali o sumapi sa aming
kapatirang Beta Sigma Palawan State University Chapter.Nangangailangan po
kami ng mga estudyante na masisipag mag-aral, matataas ang mga marka at
walang bagsak na grado sa kinukuhang kurso. Iniinbitahan po naming kayo na
dumalo sa aming oryentasyon na magaganap sa College of Engineering
Architecture and Technology (CEAT) sa Petroleum Building Room number 14.Ang
aming kapatiran ay makakatulong sa inyong pag-aaral lalo na't kung ikaw ay
kumukuha ng kurso sa Engineering dahil nag aalok kami ng libreng pag tuturo
o tutorial lalo na sa MATEMATIKA dahil karamihan sa amin ay nag aaral,nag
tapos sa Engineering at isang Propesor na nagtuturo sa CEAT.
We are not just a Fraternity,
We are Family,and a BROTHERHOOD OF SCHOLARS
No hazing just Indoctrination and Service
Benefits if you Join:
-Free Tutorials especially in your Math Subjects
-To train as a Good Leader
-To make a Good Influence Citizen
-Have an endless Friendship and Brotherhood
Kaya Join na sa aming kapatiran..
By Beta Sigma PSU Chapter Grand Princep:
Daryl Jascha Presto Cayanan
09999067199
"Cignal Digital Cable TV"
Ang FIREFOX DIGITAL CABLE SYSTEM ay nagbebenta ng Cignal
Digital Cable.
Kung nais nyo ang mas MALINAW,MATIBAY at HIGH QUALITY na DIGITAL CABLE TV…
Wala ng iba.Hanapin lang ang FIREFOX DIGITAL CABLE SYSTEM. Ito ay
matatagpuan sa PALAWAN STATE UNIVERSITY COOPERATIVE,BRGY.TINIGUIBAN,PUERTO
PRINCESA CITY.
Nag kakabit rin ng CCTV Camera upang proteksyon sa mga kawatan sa inyong
bahay.
HIGH QUALITY WITH HIGH QUALITY INSTALLER…
Bakit ka magtitiis manuod sa malabong resepsyon sa telebisyon kung may
CIGNAL na AFFORDABLE naman?
Affordable pa at madami pa mapapanuoran na channel.CIGNAL 100% DIGITAL.
100% CLEAR.
Ipapasa kay:
Ginoong Kristopher De Dios
Guro ng BSME-1B sa Asignaturang Filipino
Pinagkunan ng mga Ideya
-www.symbianize.com (Tekstong Persweysiv)
-Beta Sigma PSU Chapter Residence
-Engr. Jonathan Pacaldo (Propesor ng PSU/Beta Sigma Alumni)
-Mr. Darnell Erwin Cayanan (May-ari/Tagapangasiwa ng FIREFOX DIGITAL CABLE
SYSTEM)
Ang pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na
hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang
layunin ng pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado. Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol
na sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang
pagbabagong magaganap dito ay makaaapekto sa buond pananaliksik.
3. Ang pananaliksik ay empirikal. Dapat ang mga pamamaraan at baryabol na
gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap, ay
katanggap-tanggap. Hidni ito dapat maging isang teorya lamang o kaya nama'y
gawa-gawa lamang. Dapat ito ay maging katotohanan na sasang-ayunan ng
nakararami. Dapat ay may basehan na karanasan o obserbasyon.
1. Ang pagbuo ng konseptong papel
kung nakapagpasya na ng paksang sasaliksikin, maaari nang buuin ang
sulating pananaliksik.
Sa tulong ng konseptong papel, na magsisilbing isang proposal, maihahanda
na ang binabalak na pananaliksik.
Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang
gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin.
Ang fraework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na
tumatalakay sa nais patunay, linawin o tukuyin.
Bbahagi ng konseptong papel
Rasyunal (rationale)
2. Layunin (objective)
3. Metolohiya (methology)
4. Inaasahang bunga/resulta (expected outcome/output)
Rasyunal (Rationale)
Gaya ng natalakay na sa unang bahagi, taglay ng rasyunal ang pinagmulan ng
ideya o kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at
kahalagahan ng naturang paksa o pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito.
Halimbawa:
Paksa: information tachnology: Daan sa makabagong Panahon
Rasyunal: bago sumapit ang information katakut-takut na pasakit at
paghihirap ang dinanas upang makatanggap o makapagpadala ng mensahe. Ilang
araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na
rin sa isang beses na makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance.
Samakatuwid, mabagal ang paraan ng komunikasyon.
Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong
ay Divisoria. Kaunting pihit lang sa kompyuter ay konektado ka na sa
kabilang bahagi ng mundo. May pagkakataon pa ngang makausap o Makita ang
isa't isa sa screen ng kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya.
(ni Julie Ebal-Wika at lipunan sa panahon ng impornasyon)
Layunin(objective)
Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng mapiling paksa. Maaari
itong pangkalahatan(general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang layunin,
ipinahayag nito ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa
pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinahahayag nito ang ispesipikong pakay
sa pananaliksik sa paksa.
Halimbawa:
Paksa: Ang wikang Filipino sa larangan ng text Messaging
Pangkalahatang Layunin: Malalaman ang tungkuling ginagampanan ng wikang
Filipino sa larangan ng text messaging.
Mga tiyak na Layunin:
Natutukoy ang lawak at hangganan ng paggamit ng Filipino sa larangan
ng text messaging:
5. Naibibigay ang mga paraan ng paggamit ng mensahe sa Filipino gamit
ang text messaging;
6. Nailalahad ang implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag sa Filipino
gamit ang Text messaging.
Metolohiya (Methology)
Ang paraan (technique) at pamamaraan (method) ginagamit sa pagkuha ng datos
at pagsusuri ng piniling paksa sa pananaliksik ay nasa bahagi ng
metolohiya.
Maaaring gamitin sa pagkuha ng datos ang serbey, questionnaire, case study,
obserbasyon, intervyu at iba pa. kung magsusuri, magagamit ang paraang
empirical, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan. Magagamit ang
mga ito depende sa larangang gagamitin.
Inaasahang bunga (expected outcome,output)
Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinasagawang pananaliksik. Maaarig
banggitin dito ang mga idinagdag gaya ng apendiks.
Narito an isang halimbawa ng konseptong papel na magagamit para sa
pagpapasimula nito:
Ang Epekto Ng "Stress" sa Tao At Ang
Magagawa ng "Stress Management"
Ang stress o pagkapagod ay isang reason ng katawan sa anumang sitwasyon na
nagpapakita ng kahirapan o pangamba. Nagagawa nito ang katawan na
makapagbigay ng hormone adrenalin na naghahanda sa tao upang lumusong o
umurong sa isang nakatakdang Gawain. Ang stress ay normal na bahagi ng
buhay. Ang konting stress ay nakabubuti dahil nagagawa nitong makapag-isip
nang mabilis, at makapagbigay ng karagdagang lakas sa pagharap sa ibat
ibang pagsubok sa pang araw araw na buhay. Pinapasigla din nito ang tao at
nagbibigay ng kasabikan sa anumang walang kabuhay-buhay na Gawain. Pero ang
labis na stress sa mahaban panahon kappag hindi napangalagaan mabuti ay
maaaring magdulot sa pisikal at mental na sintomas.
Halimbawa, sobrang kapaguran at sobrang pag-aalala.
Samakatuwid, sa tulong ng kaalaman sa Stress management, matutukoy kung
paano maiiwasan at mareresolbahan ang labis na pagkapagud na makasisira at
lilikha ng problema sa araw-araw na Gawain. May mga paraan upang maresolba
kundi man ay maiwasan ang dinaranas na "stress" na makapanumbalik ang lakas
sa trabagho.
Pangkalahatang layunin:
Malalaman at masuri ang mga kadahilanan ng "Stress" at kung paano ito
mapapamahalaan (stress management).