PAGBASA AT PAGSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Brozas, Carmela Carmela C. 11-ABM 101
TEKSTONG IMPORMATIBO
Iloilo, Yaman ng Pilipinas Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Itoay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad ng mga datu.Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa l ungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging,mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman.Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawihan.Kilala naman ang abayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy. Ang ilo-ilo ay isa sa mga yamang ipangmamalaki ng Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito. Mga Katanungan: 1. Batay sa nabasang teksto, ano ang kahulugan ng tekstong Impormatibo? 2. Base sa teksto, saan matatagpuan ang Ilo-ilo at ano-ano ang mga lalawigan ang nakapaligid dito? 3. Ano-ano ang pangunahing produkto ng Iloilo? 4. Batay sa tekstong nabasa, ano ang mga katangian dapat taglayin ng isang tekstong impormatibo? 5. Sino ang nagbigay pangalan sa lungsod ng Iloilo?
HULA NG FLYING STAR PARA SA 2017, ANG TAI SUI AT ANG 3 PAGPATAY (2017 FLYING STAR FENG SHUI, TAI SUI AND THREE KILLINGS) Ang Flying Star ay napakatanyag at makapangyarihan na pamamaraan ng Feng Shui na nagdadala ng mabilis na resulta. Ito ay nakabatay sa pormula at gumagamit ng mga direksyon ng kompas upang itakda ang siyam na masuwerte at hindi masuwerteng bahagi ng isang bahay (o gusali) sa magkakaibang tagal ng panahon (taunan, buwanan, arawan o pang-oras oras). Ayon kay Lillian Too (pinakamabentang may-akda ng Feng Shui sa mundo at kilalang Feng Shui grand master), ang pinakamabisa at pinakamabilis gumana sa lahat ng nakabatay sa kompas na pamamaraan ay ang Flying Star Feng Shui. Ang Flying Stay Feng Shui ay isa sa pinakamabisang paraan para makamtan ang lubos na suwerte para sa pagpaplano at mga disenyo ng mga kabahayan at panloob nito. Ito ay isang uri ng Feng Shui na ganap na nasa kontrol ng isang tao, hindi katulad ng tanawing (landscape) Feng Shui, kung saan sadyang napakahirap para sa isang ordinaryong tao na makagawa ng anumang pagkilos ukol dito . Kaya kung ikaw ay hindi makagagawa ng anumang bagay para mabago ang epekto ng mga bundok at mga gusaling nakapaligid sa iyong tahanan, maaari mong baguhin ang ayos ng alokasyon at disenyo ng iyong espasyong kinagagalawan sa loob ng iyong tahanan… gaano man kaliit ang espasyong meron ka. Ang Flying Star Feng Shui ay gumagamit ng dinamika sa mga pagbabago ng enerhiya na nangyayari sa pagtakbo ng panahon at iyong madidiskubre na ang tatlong pinakaimportanteng larangan sa iyong buhay – ang iyong kasaganahan, ang iyong suwerte sa pakikipagrelasyon at suwerte sa kalusugan – ay magpapakita ng malawak na pagpapabuti sa sandaling simulan mo ang pagtangkilik ng Flying Star. Ang tagumpay ay mas madali at banayad ang pagdating, at ikaw ay makapangaakit ng mga bagong oportunidad para sa i yong pagsulong at kaligayahan. Ang Flying Star ay siyentipiko at naaayon sa katotohanan at higit na nakabatay sa pamamaraan kaysa sa pakiramdam o intuwisyon ng taong nagsasagawa nito. Inaalis nito ang ang panghuhula sa praktis ng feng shui at nag-aalok ng mga wastong paraan sa pagmamarka ng espasyo, pagprotekta sa espasyo at pagpapaganda ng
espasyo. Ang itinuturing na dakila sa pamamaraang ito ay kung anuman ang mga problemang nasuri, mayroon ding mga pangremedyo o panlunas. Ang Flying Star ay sadyang madali sa sandaling maintindihan mo kung paano ito i-set up. Mas madali pa ito kaysa sa ibang mga pamamaraan ng Feng Shui dahil ito ay tumpak at tiyak. Sa oras na makuha mo ito ng wasto, gumagana ito ng mabilis, kaya’t ikaw ay maeengganyo sa mga resulta nito. Mga Katanungan: 1. Base sa nabasang teksto, ano ang Flying Star? 2. Sa iyong palagay, naniniwala ka ba sa maaring resulta ng Flying Star Feng Shui? 3. Sino ang kinikilalang Feng Shui Grandmaster? 4. Saan higit na nakabatay ang Flying Star Feng Shui? 5. Base sa teksto, ano ang maaring maidulot ng Flying Star Feng Shui?
Sa Facebook Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila magtungo. Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’tibang institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao. Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social networking website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang pampublikong kompanya. Ditto, maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks), na isinasalarawan ang mga kasapi nito. Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano man ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha na may #No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong barkada na may #friendship forever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende kung anong klase ng pribasya ang pinili mo.
Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan,kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG. Mga Katanungan: 1. Biglang isang kabataan, gaano kahalaga ang Facebook para sayo? (opinion) 2. Sino-sino ang nakadiskubre at nagpakilala ng f acebook sa mundo? 3. Para sa iyo, ang Facebook ba ay isang pangangailangan o isa lamang distraksyon? (opinion) 4. Saan unang naggamit ang Facebook? 5. Sa iyong palagay, nakakabuti ba o nakakasama ang Facebook sa mga kabataan ngayon? (opinion)
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang Kabataan Noon at Ngayon Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit l amang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi b a’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon. Mga Katanungan:
1. Bilang isang kabataan, kung ikaw ay may kakayahang mamili kung saang panahon ka mabubuhay (noon o ngayon), ano ang iyong pipiliin? (opinion) 2. Ano ang mga katangian ng mga kabataan noon? 3. Ano ang mga katangian ng mga kabataan ngayon? 4. Bilang isang kabataan na nabubuhay sa ngayong panahon, sumasang-ayon kaba sa mga katangian na ibinigay ng may-akda ukol sa mga kabataan ngayon? (opinion) 5. Naniniwala ka ba na isa ka sa mga pag-asa ng bayan ngayon? Bakit? (opinion)
Tsokolateng Dagat (Paglalarawan)
Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na ulam ang lumulutang-lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat na isla na siyang nagsilbing pahingahan ng mga tao ang ating natamasa ilang linggo pa lamang ang nakalilipas. Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang mata kung paano sinakop ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig sa langit kasabay ang paghampas ng hangin at pagsabog ng kulog at kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas, partikular na sa Metro Manila. Isa it ong delubyo na maihahalintulad natin sa bagsik na ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako magkakandaugagang isipin kung ano ang una kong gagawin kung sa amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga taong nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating napapanuod rin sa telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira, matibay". Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong magalit pa ang langit habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon ng klase upang makaalis sa rehas ng aming tahanan at magliwaliw na parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng panalangin at ang nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas at napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang may mga taong hindi magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan dahil unti-unting pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang kanilang pinaghirapang gamit at bahay ay ipinapanalangin kong mawalan ng klase upang maglibang lamang. Ipinairal ko ang aking pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili na alam kong maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na pagdurusahan naman ng iba. Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang bawiin ako nauna kong panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng muli ang ngiti ng langit kasabay ang pagababa ng tsokolateng dagat na bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang dating ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan kasabay ng pagiyak ng langit.
Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may kanya-kanya hiling para sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin muna nating mabuti kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong nasa paligid natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa ibang bagay na kaunti lamang ang epekto sa atin. Wala namang mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay makakatulong sa atin para sa kinabukasan.
Mga Katanungan: 1. Batay sa teksto, ano ang rinerepresenta ng tsokolateng dagat? 2. Nagawa mo na din bang humiling na lumakas pa ang ulan upang magkansela ng pasok? (opinion) 3. Kung oo, bakit mo ito nagawang hilingin? Kung hindi, bakit sa tingin mo may humihiling nang ganon? 4. Matapos basahin ang teksto, ano ang iyong napagtanto? 5. Bilang isang kabataan, paano ka makatulong sa mga taong naapektuhan ng kalamidad?
Ang Ginto sa ating Kapaligiran May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi l ahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran. Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan. Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa pang arawaraw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo. Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing li naw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na it o ay malalim. Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid. At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
Isinulat ni: John Linarson Z. Napoles
Mga Katanungan: 1. Ayon sa binasang teksto, ano ang mga ginto ng kapaligiran?
2. Batay sa teksto, ano ang pinakamagandang ginto sa lahat?
3. Sa iyong palagay, ano ang pinaka-importanteng ginto ng kapaligiran? Bakit? (opinion)
4. Sumasang-ayon ka ba na ang araw ang pinakamagandang ginto sa lahat? Bakit? (opinion)
5. Paano mo mapapangalagaan ang mga ginto ng kapaligiran?
NAKARANAS KA NA BA NG PAGKABALISA?
By: Carmela C. Brozas Naranasan mo na bang mangamba ng walang dahilan? Kabahan ng biglaan? Pagbilis ng tibok ng puso o pagkabog ng dibdib? Pagpawisan ang kamay at talampakan ng malamig? Nakakaramdam na parang nasa panganib? Kung ang iyong sagot ay oo sa mga tanong na nasa taas, Malaki ang tsansa na mayroon kang Anxiety Disorder. Ano ng aba ang anxiety o pagkabalisa? Ito ay nilalarawan na pagkadama ng nerbiyos o pag-aalala. Ang mga nakasaad sa taas ay ang mga sintomas o nararamdaman ng isang tao kapag inaatake ng Anxiety. Ang Anxiety ay hindi maituturing na sakit o anumang disease, ito ay isang Disorder na konektado sa emosyon at behaviour ng isang tao. Ayon sa webmd.com, may iba’t ibang simtomas ang Anxiety ngunit depende parin sa taong nakakaranas nito kung paano nya ito nararanasan. Ang karaniwang sintomas ng naturang disorder ay ang mga sumusunod (health.com):
Malawakang pangangamba sa mga bagay bagy
Hirap sa pagtulog
Tensyon sa kalamnan
Pagpapanic
Self-Conciousness
May iba’t ibang uri ang Anxiety. Ang pinaka-karaniwan sa mga ito ay ang Generalized Anxiety. Ayon sa m.kidshealth.org, ang taong nakakaranas nito ay nakkaramdamnng matinnding takot at pangangamba sa lahat ng bagay. Ininiisip ng taong nakakaranas ang lahat na maaring masamang mangyari sa kanya, sa kanyang kalusugan, pamilya, at maring pangangamba sa school. Ang kabataang meron nito ay maaring magdulot ng hindi pagpasok sa school o pagpunta sa kahit ano mang social activities. Ang anxiety ay walang gamot, wala kang makikita sa botika na maaring magpawala nito. Mayroong mga therapy na maaring makatulong. Ngunit, ang pinakamakakatulong sa taong nakakaranas nito ay ang kanyang sarili at ang mga taong nasa paligid niya.
Anggantako Nahahati sa dalawang lalawigan ang bansang tinatawag na “Anggantako”. Ang isang lalawigan ay tinatawag na Luna at ang isa naman ay tinatawag na Sol. Ang lalawigang Luna ay para sa babae lamang, hindi maaring tumira o makatuntong ang mga kalalakihan dito at ang lalawigang Sol ay para lamang sa mga lalake. Mahigpit na ipinagbabawal ng Presidente ng bawat lalawigan ang pagpunta o pagtira sa kabilang lalawigan. Ang lumabag sa nakasanayang ito ay si yang ipapatay ng walang paglilitis. Ang mga presidente ng dalawang lalawigan ay nagngangalang Luna at Sol rin. Si Luna ay isang morenang babae na matapang at kinahahangaan ng lahat ng kababaihan dahil sa taglay nitong kagandahan at katapangan. Hindi nga maiwasan ang pagka-inggit ng ibang babae sa kanya at minsan ay nagtakang patalsikin siya sa kanyang puwesto. Hindi nagtatagumpay ang mga nagtatangka dahil narin sa lakas ni Luna sa ibang tao tuwing botohan. Sa kabilang lungsod naman ay ang namamahala si Sol. Siya ay isang lalake na payat, malamya, ngunit maganda ang pagmumuka at ubod ng kabaitan. Sa lungsod ng Anggantako ay ipinagbabawal ding mag-ibigan ang babae at lalake. Naniniwala si Luna na mawawala ang pagkapantay pantay sa bansa kung papayagan nilang magsama ang babae at lalake. Kaya sa bansang ito ay walang nag-iibigan. Sa bansa ding ito ay kung ano ang kayang gawin ng lalake ay sya ding kayang gawin ng lalake. Pantay ang tingin ng bawat lungsod sa isa’t isa. Isang araw, nagkaroon ng malakas na lindol at nayanig ang bansang Anggantako. Ang ilang babae ay napunta sa lungsod ng Sol at aang ibang lalake naman ay napunta sa lungsod ng Luna. Si Luna ay napunta sa lungsod ni Sol. Dito, nagkita ang dalawa, ngunit walang kaalam-alam na ang kaharap ni Sol ay ang presidente ng kababaihan. Siya ay natulala at namangha sa kagandahan ng dalaga. Dahil narin siguro ang dalaga ang una niyang babaeng nakita sa tanan ng kanyang buhay. Namangha din si Luna sa kanya, at sa hindi akalain ng tadhana ay nag-ibigan ng dalawa. Samantala, ang ibang kababaihan na napunta sa Sol ay bumalik na sa kanilang lungsod at ang iba naman ay nanatili dahil sa hanap nilang pag-ibig kagaya nalang ni Luna at ni Sol. Nang nalaman ng kababihan sa Luna ang pagiibigan ng dalawa ay agad na nagkasundo na ipapatay si Luna dahil na din sa paglabag sa
nakasanayan. Ang mga kalalakihan naman ay napagkasunduan ding ipapatay si Sol. Sinubukan ng iba na tumutol, at sinubukan nila ipakilala ang pag-ibig sa bawat lungsod. Ngunit, dinakip na ng mga babeng sundalo si Luna at si Sol naman ay dinakip na din ng kanyang sundalo. Dahil presidente ang dalawang ibibitay, nagtipon tipon lahat ng tao sa Anggantako upang masaksihan ito. Dito, muli nagkita kita na talaga lahat ng kababaihan at kalalakihan. Bago pa man, bitayin si Luna ay siya.y nagwika,”ang pag-ibig ay hindi napipigilan, at ang tunay na pagkapantay pantay ay makakamit gamit ang pagmamahalan, anuman ang kasarian.” At ditto binitay na ang dalawa.
Isinulat ni: Carmela C. Brozas
MGA SAGOT - TEKSTONG IMPORMATIBO Iloilo, Yaman ng Pilipinas
1. Batay sa nabasang teksto, ano ang kahulugan ng tekstong Impormatibo? Posibleng Sagot: Ang Tekstong Impormatibo ay naglalahad ng mga tiyak na impormasyon, at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay. 2. Base sa teksto, saan matatagpuan ang Ilo-ilo at ano-ano ang mga lalawigan ang nakapaligid dito? Sagot: Ang Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ang mga lalawigan ay Capiz sa hilaga, Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. 3. Ano-ano ang pangunahing produkto ng Iloilo? Sagot: Bigas, tubo, niyog, mais, saging,mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman. 4. Batay sa tekstong nabasa, ano ang mga katangian dapat taglayin ng isang t ekstong impormatibo? Sagot: Naglalahad ng mahalagang impormasyon, ang mga kaalamang nakalahad ay maayos at may pagkakasunod sunod, ang mga impormasyon ay dapat patungkol sa paksang pinag-uusapan, nagbibigay impormasyon na nagpapalawak ng kaalaman, at naglalahad ng mga datos na nakaktulong sapaglilinaw ng mga konsepto. 5. Sino ang nagbigay pangalan sa lungsod ng Iloilo? Sagot: Ang mga Espanyol
HULA NG FLYING STAR PARA SA 2017, ANG TAI SUI AT ANG 3 PAGPATAY (2017 FLYING STAR FENG SHUI, TAI SUI AND THREE KILLINGS)
1.
Base sa nabasang teksto, ano ang Flying Star?
Sagot: Ang Flying Star ay napakatanyag at makapangyarihan na pamamaraan ng Feng Shui na nagdadala ng mabilis na resulta. 2.
Sa iyong palagay, naniniwala ka ba sa maaring resulta ng Flying Star Feng Shui?
Sagot na opinion: Para sa akin, hindi ako naniniwala hangga’t hindi ko nasusubukan ito.
3.
Sino ang kinikilalang Feng Shui Grandmaster?
Sagot: Lillian Too 4.
Saan higit na nakabatay ang Flying Star Feng Shui?
Sagot: Ito ay higit na nakabatay sa pamamaraan kaysa sa pakiramdam o i ntuwisyon ng taong nagsasagawa nito. 5.
Base sa teksto, ano ang maaring maidulot ng Flying Star Feng Shui?
Sagot: Madidiskubre ang tatlong pinakaimportanteng larangan sa iyong buhay – ang iyong kasaganahan, ang iyong suwerte sa pakikipagrelasyon at suwerte sa kalusugan.
Sa Facebook
1.
Biglang isang kabataan, gaano kahalaga ang Facebook para sayo? (opinion)
Sagot: Sa ngayong panahon, mahalaga ang facebook dahil ito ay tulay upang mapadali ang pakikipagkomunikasyon sa taong o malayo di mo kayang makausap ng harapan. 2.
Sino-sino ang nakadiskubre at nagpakilala ng facebook sa mundo?
Sagot: Si Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes. 3.
Para sa iyo, ang Facebook ba ay isang pangangailangan o isa lamang distraksyon? (opinion)
Sagot: Sa panahon ngayon, ang facebook ay isang pangangailangan lalo na’t kung is aka pa lamang estudyante. 4.
Saan unang naggamit ang Facebook?
Sagot: Harvard University 5.
Sa iyong palagay, nakakabuti ba o nakakasama ang Facebook sa mga kabataan ngayon?
(opinion) Sagot: Sa tingin ko ang Facebook ay nakakasama kung ito ay ginagawang adiksyon at nakakbuti naman kung nakakatulong ito sa pakikipagkomunikaasyon at pag-aaral
MGA KASAGUTAN- TEKSTONG DESKRIPTIBO Ang Kabataan Noon at Ngayon
1. Bilang isang kabataan, kung ikaw ay may kakayahang mamili kung saang panahon ka mabubuhay (noon o ngayon), ano ang iyong pipiliin? (opinion) Sagot: Ang pipiliin ko ay ngayon dahil sa aking paniniwala, hindi panahon ang nakakapekto ng ugali ng isang kabataan. 2. Ano ang mga katangian ng mga kabataan noon? Sagot: Batay sa teksto, kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. 3. Ano ang mga katangian ng mga kabataan ngayon? Sagot: Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. 4. Bilang isang kabataan na nabubuhay sa ngayong panahon, sumasang-ayon kaba sa mga katangian na ibinigay ng may-akda ukol sa mga kabataan ngayon? (opinion) Sagot: Oo, naniniwala ako dahil totoo nga naman na ang mga kabataan ngayon ay hubog na sa makabagong panahon at paniniwala. 5. Naniniwala ka ba na isa ka sa mga pag-asa ng bayan ngayon? Bakit? (opinion) Sagot: Oo, naniniwala ko na isa ako sa mga pag asa ng bayan dahil ako ay isang matinong kabataan na alam ang tama’t mali.
Tsokolateng Dagat (Paglalarawan) 1. Batay sa teksto, ano ang rinerepresenta ng tsokolateng dagat?
Sagot: Ang baha 2. Nagawa mo na din bang humiling na lumakas pa ang ulan upang magkansela ng pasok? (opinion) Sagot: oo, nagawa ko na. 3. Kung oo, bakit mo ito nagawang hilingin? Kung hindi, bakit sa tingin mo may humihiling nang ganon?
Sagot: Dahil sa dami ng gagawin sa eskwelahan, ngunit hindi ko hiniling na may madamay na iba sa aking hiling. 4. Matapos basahin ang teksto, ano ang iyong napagtanto? Sagot: ang bagyo ay isang kalamidad na nakakasira sa mga tao at hindi ito dahilan para matakasan ang eskwela o mga gagawin. 5. Bilang isang kabataan, paano ka makatulong sa mga taong naapektuhan ng kalamidad? Sagot: Maari akong magbigay ng donasyon sa abot ng aking makakaya.
Ang Ginto sa ating Kapaligiran 1. Ayon sa binasang teksto, ano ang mga ginto ng kapaligiran?
Sagot: Punong Kahoy, Tubig, Gulay, Dahon, Araw 2.
Batay sa teksto, ano ang pinakamagandang ginto sa lahat?
Sagot: Ang araw na nagbibigay liwanag 3.
Sa iyong palagay, ano ang pinaka-importanteng ginto ng kapaligiran? Bakit? (opinion)
Sagot: Tubig, dahil hindi kayang mabuhay ng tao kung wala ito. 4.
Sumasang-ayon ka ba na ang araw ang pinakamagandang ginto sa lahat? Bakit? (opinion)
Sagot: Oo, dahil kung wala ito, araw-araw madilim ang kapaligiran ng ating mundo 5.
Paano mo mapapangalagaan ang mga ginto ng kapaligiran?
Sagot: Maging disiplinado, wag magtapon ng basura kung saan-saan, at tumulong sa mga tagapangalaga nito.