Aralin 29
Si Tambelina Paano kaya kung ikaw ay kasinliit lamang ng hinlalaki? Tiyak na magiging napakahirap ng buhay na kakaharapin mo dahil sa iyong sobrang kaliitan. Subalit hindi ito nangangahulugan na wala ka nang kakayahan pang makagawa ng mga bagay-bagay. Ganito ang pinatunayan ni Tambelina, ang dalagang sinliit ng hinlalaki, ngunit sa kabila nito ay nakapagligtas ng buhay. Tunay nagang hindi nasusukat sa laki ng kakayahan ng isang tao.
May mag-asawa na hindi magkaanak sa loob ng mahabang panah. Ginawa na nila ang lahat ngunit hindi pa rin sila nabiyayaan ng anak. Minsan ay isinangguni nila ang kanilang suliranin sa isang kapitbahay na matandang bruha. Kapalit ng ilang butil na ginto , binigyan nito ang mag-asawa ng isang buto ng halaman para itanim. Itinanim nga ng mag-asawa ang buto at kinabukasan lamang ay may napakagandan bulaklak n lotus na ito. Nilapitan at pinagmasdan pinagmasdan ng mag-asawa ang ang bulaklak. Laking Laking pagkamangha nila nang makita nilang naroroon ang isang kay ganda ngunit ubod ng liit na batang babae. Kinuha ng mag-asawa ang bata at inalagaan nila ito nang mabuti. Pinangalanan nila itong Tambelina (sa Ingles ay Thumbelina, Thumbelina, dahil sinlaki lamang ito ng thumb o hinlalaki.
Iginawa ng mliag-asawa ng maliliit na kagamitan si Tambelina. Ang kama ay yari sa talulot ng bulaklak. Doon natutulog si Tambelina kung gabi. Sa araw, siya ay naglalaro sa malaking bandehadong may tubig at mga bulaklak at dahon. Kay gandang pagmasdan ni Tambelina habang namamangka sa bandehado. Ang bangka niya ay munting dahon. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Tambelina, pumasok sa kaniyang tulugan ang isang malaking inahing palaka. Matagal na pala nitong sinusubaybayan si Tambelina mula sa paglalaro nito at maging hanggang sa pagtulog. Hangang-hanga ang palaka sa magandang tinig ni Tambelina kapag umaawit ito. Kinuha ng palaka si Tambelina. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog kaya hindi ito nagising. Inuwi ni Inang Palaka si Tambelina sa kanilang tirahan. Ibig niyang ipakasal ito sa kaniyang anak. “Kokak! Kokak!” ang tanging nasabi ng binatang palaka nang makita ang napakagandang si Tambelina. “Huwang kang maingay at baka siya magising”, sabi ni Inang Palaka sa kaniyang anak. “Tiyak na aalis iyang sa or as na magising. Ilalagay natin siya sa pinakamalapad na dahon ng lotus sa ilog. Doo'y hindi siya madaling makaalis.” At gayon nga ang ginawa ng mag-ina. Dahan-dahan nilang inilagay si Tambelina sa pinakamalapad na dahn ng lotus sa ilog. Sumikat ang araw. Nagising si Tambelina. Laking gulat niya. Wala na ang magagandang bulaklak sa kaniyang tirahan. Puos tubihg ang nasa paligid ng malaki at berdeng dahon ng lotus. Iyak nang iyak si Tambelina. Nilapitan siy ni Inang Palaka at ng anak nito. “Kokak! Kokak! Huwag kang umiyak, magandang dalaga,” sabi ni Inang palaka. Natakot si Tambelina. Napakalaking hyop ang tingin niya sa inahing palaka. “Masdan mo ang anak ko. Siya ang iyng magiging asawa. Dumito ka muna sa dahon ng lotus na ito hanggang hindi pa nayayari ang ipinagagawa kong silid ninyo ng aking anak.”
“Kokak! Kokak!” ang tanging sinabi ng anak na palaka . At umalis na ang maginang palaka. Iyak nang iyak si Tambelina na nakaupong nag-iisa sa gitna ng dahon. Narining ng mga isda ang sinabi ng inahing palaka. Naawa ang mga isda kay Tambelina kaya nagtulong-tulong ang mga ito hanggang malagot ang tangkay ng lotus at makaalis sa lugar na iyon si Tambelina. Naanod at tinangay ng ago sang dahon, dala si Tambelina. Nakita ng mga ibon si Tambelina. Nag-awitan sila sa tuwa. May isang paru-parong nais tumulong kaya lumipad ito malapit kay Tambelina. Kinalag ni Tambelina ang kanyang laso sa kanyang damit at itinali ang isang dulo nito sa paruparo at ang isang dulo ay sa dahon. Bumilis ang takbo ng dahon. Isang malakiang salagubang ang nakakita kay Tambelina.Bigla siya nitong sinunggaban at nilipad sa itaas ng sanga ng kahoy. Gulat na gulat si Tambelina. Binigy an siya ng salagubang ng uod ng bulaklak na makakain. Alagang – alaga niya ito. Pagkatapos ay iniregalo siya nito sa maliliit na salagubang upang maging laruan nila. “Naku, ayaw namin sa kaniya. Kay pangit naman niya. Dadalawa ang paa at walang sungay-sungayan”, sabi nila. Pinaalis ng maliliit na salagubang si Tambelina sa kanilang tirahan. Inilipad nila ito pababa ng puno at inilagay sa loob ng isang malaking bulaklak. Doon na namuhay si Tambeina. Masaya siya kahit nag -iisa. Gumagawa siya ng duyan mula sa dahon ng damo. Ang kaniyang tulugan ay sa loob ng ubod ng bulaklak. Sa ubod na rin ng bulaklak niya kinukuha ang kaniyang pagkain. Ang iniinom niya ay ang hamog na nasa mga talulot ng bulaklak uwing umaga. Nang dumating ang taglamig, nagkaroon na naman ng problema si Tambelina. Unti-unting nalanta at nalagaas ang mga bulaklak at dahon. Walang natira kundi ang madilaw at tuyong tangkay. Umulan ng yelo at si Tambelina ay nangatog sa ginaw. “Naku, ikaw pala, maliit na ata,” sabi ng butihing Dagang – bukid. “Tuoy ka. Dito sa loob ng bahy ko maaalis ang iyong ginaw.”
Pinakain at doon na pinatira ni Dagang-bukid si Tambelina. Naliligayahan si Dagang-bukid sa magandang tinig ni Tambelina. Hinayaan niya ito na pumasok sa lihim na lagusan sa kuweba. “May isang ibon sa dulog ng isang pinto. Huwag kang matakot doon. Iyon ay patay na,” sabi ni Dagang-bukid. Nakita ni Tambelina ang nasabing ibon, Naawa siya rito. DInama niya ang dibdib nito. Tumitibok pa. Kinumutan ni Tambelina ang ibon upang hindi ginawin. Dinalhan niya ito ng inumin. Nang idilat ng ibon ang mga mata, nalaman nito siya’y inalagaan ni Tambelina. “Salamat sa iyo, maliit at magandang bata!” sabi ng ibon. “Bumuti ang aking pakiramdam nalis ang aking ng ako’y mainitan. Lalong bibilis ang aking paggaling kung ako’y makakalabas.” “Malamig pa sa labas. DIto ka mauling,na at aalagaan kita hanggang sa lubos kang gumaling,” sabi ni Tambelina. Doon sa ilalim ng lupa tumira ang ibon habang taglamig. Nang dumating ang taginit, ang ibon ay ganap nang magaling at malakas. Nagpaalam na kay Tambelina ang ibon. Ibig niyang isama si Tambelina sa paglipad ngunit hindi pumayag ang Dagang- bukid. Kaya’t umalis nang mag-isa ang ibon. Lungkot na lungkot si Tambelina. At lalo siyang nalungkot nang malaman niyang ibig ni Dagang-bukid na ipakasal siya sa isang mole, isang uri ng mammal. “Sa loob ng apat na lingo ay ikakasal ka na. Magmula sa araw ng iyong kasal, ang lungga sa ilalim ng lupa ang magiging tahanan mo na. Hindi ka dapat makita rito sa ibabaw,” ang babala pa ni Dagang – bukid. Iyak nang iyak si Tambelina. Naalala niya ang ibon na kaniyang inalagaan. Nasaan na kaya ito ngayon? Inisip din ni Tambelina kung ano ang gagawin niya upang hindi matuloy ang kasal. Batid niya na palapit na nang palapit ang araw ng kasal. Isang umaga, habang minamasdan niya ang magandang paligid sa labas ng lungga ay mayroon siyang narinig.
“Twit! Twit! Twit! Twit!” ang huni ng ibon. Tumingala si Tambelina sa sanga ng kahoy. Naroon ang ibong kaniyang inalagaan, si Layang-Layang. “Tambelina! Tambelina!”tawag ni Layang-Layang, “Tapos na ang tag-araw at darating na ang taglamig. Ako’y lilipad na sa malayo upang iwasan ang taglamig. Ibig mo bang sumama?” “Oo, Layang-Layang, sasama ako. Salamat at bumalik ka,” ani Tambelina. Kumuha si Tambelina ng panali. Sumakay siya sa batok ng ibon at itinali ang sarili rito upang hindi siya mahulog. Lumipad sa malayo ang ibon. Tuwang-tuwa si Tambelina sa nakikita niyang tanawin. Narating nila ang dating tirahan ni Layang-Layang. Ibinaba ni Layang-Layang si Tambelina sa mga bulaklak. Laking tulat ni Tambelina nang makita niya ang isang magandang lalaki na kasinlaki niya. Ang lalaki ay nasa ubod ng bulaklak at may koronang ginto. Nalaman ni Tambelina na marami pang maliliit na babae at lalaki sa mga bulaklak. Ang kaharap niya ay kanilang hari. Nakita ni Layang-Layangsa na masaya si Tambelina sa kaniyang bagong, tahanan, sa piling ng mga katulad niyang maliliit na babae at lalaki, ang mga anghel ng mga bulaklak. Nagpaalam na si Layang-Layang sa kaniyang kaibigan. Alamin
Pagbuo ng maiikling salita mula sa mahahabang salita Humanap ng maiikling salita mula sa mahahabang salita. Halimbawa: Alipin 1. 2. 3. 4. 5.
-
Paghahampasin Nakatutulong Damdamin Pagsasalaysay Nagtitiwala
ipin, lipi, pili, -
__________, __________, __________ __________, __________, __________ _________, __________, ___________ _________, __________, ___________ __________, __________, __________
Unawain
1. Sino si Tambelina? 2. Bakit tambelina ang kantyang pangalan? 3. Ano ang matagal ng gusto ng kanyang mga magulang? 4. Sinu- sino ang kumuha kay Tambelina? 5. Bakit dinukot ng palaka si Tambelina?
Gawin
Pagsusunod – sunod ng mga pangyayari sa kwento A. Ayusin ang mga sumusunod na mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod – sunod ng mga ito sa kwento. Lagyan ng numero mula 1-10. a. Lumabas ang maliit at magandang dalaga na si Tambelina mula sa ubod ng bulaklak ng halamang itinanim ng mag-asawa. b. Dinukot ng palaka si Tambelina upang ipakasal sa kaniyang anak. c. May mag-asawa na humihingi ng tulong mula sa bruha upang magkaanak. d. Dinagit ng isang malaking salagubang si Tambelina at ibinigay sa maliit na salagubang upang maging laruan ng mga ito. e. Sumama si Tambelina kay Layang-Layang upang hindi mapakasal sa isang mole. f. Tinutulungan ng mga isda si Tambelina upang makaalis sa pinaglagyan sa kaniya ng Palaka. g. Naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng mga bulaklak. h. Nakita ni Tambelina ang may sakit na ibon na si Layang-Layang at ito’y kanyang ginamot at inalagaan. i. Dinala ni Layang-Layang si Tambelina sa kaharian ng mga anghel ng mga bulaklak. j. Namuhay ng mag-isa si Tambelina hanggang sa dumating ang taglamig at siya ay humingi ng tulong kay Dagang-bukid.
Pagsasalaysay nang maayos at kawili-wili B.Magkaroon ng paligsahan sa pagkukuwento. Pumili ng isang kwento at isalaysay ito sa klase na isinasaalang-alang ang mga pamantayan sa pagkukuwento. Gumawa rin ng mga gamit-biswal na makatutulong upang gawing kawili-wili, maayos, at maganda ang iyong pagkukuwento. Paano magiging mabisa nag iyong pagkukuwento? 1. Pumili ka ng magandang kuwento. Paano mo masasabing maganda ang isang kuwento? a. Dapat ay tama lamang ang haba ng kuwento, hindi sobrang haba at hindi rin sobrang ikli. Kung napakahaba nito, maiinip sa pakikinig ang mga tao. b. Dapat ay may magandang simula ang kuwento. Maaaring simulant ito sa isang tanong, palaisipan, at iba pang panimula. Subalit dapat kawili-wili ang simula upang makatawag agad ng pansin.
c. Dapat ay hindi maligoy ang pagsasalaysay. Iwasan ang paulit-ulit na mga salita. d. Dapat ay may kapana-panabik na wakas ang kuwento.
e. Dapat ay kaunti lamang ang mga tauhan sa kuwento upang hindi mailto ang mga tagapakinig. 2. Pag-aralan mo nang mabuti ang kuwento. a. Basahin nang ilang ulit ang kuwento hanggang maisaulo ito. b. Basahin ito nang maraming beses upang masanay sa pagbigkas ng mga salita at sa tamang pagpapangkat nito habang nagsasalaysay.
c. Sa pagsasalaysay, iwasan ang pag-ulit o paulit-ulit na pagsabi ng isang parirala habang nag-iisip ng kasunod. 3. Gawing kapani-paniwala, kapana-panabik, at kawili-wili ang pagsasalaysay sa pamamagitan ng: a. Katamtamang lakas ng tinig. b. Masining ngunit natural na kumpas ng kamay. c. Angkop na ekspresyon ng mukha sa mga damdaming inihahayag sa kuwento – tuwa, galit, lungkot, takot, at iba pa. 4. Magkaroon ng maayos na katauhang pangtanghalan sa pamamagitan ng: a. Maayos na tindig (hindi tuwid na tuwid na parang naninigas na) at natural na kilos. b. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Iwasan ang mannerism o kakatwang gawi habang nagkukuwento.
Ang batang mahilig magkuwento o magsalaysay ay nagkakaroon ng magandang kasanayan at katangian gaya ng sumusunod:
1. Matalas na memorya o pananda 2. Malawak na talasalitaan 3. Mahusay na pagbigkas ng mga salita 4. Malinaw na pagpapahayag 5. Pagtitiwala sa sarili
Palawakin
A. Isalaysay nang dugtungan ang buhay ni Tambelina. B. Isulat ang buod ng kuwento. C. Kung pabibigyan sa iyo ng karugtong ang kuwento, paano mo ito durugtungan? D. Magpangkat-pangkat sa klase. Pumili ng isang yugto ng buhay ni Tambelina at isadula ito. Maging malikhain sa pagtatanghal.