An overview of Dr. Jose P. Rizal's Life in the University of Santo Tomas. Based on books such as: [[see citations / sangunian]] Downloading not allowed. Please contact me first.
Student Reaction Paper
Full description
RIZAL SA DAPITAN
I. Panimula Ang pelikula ay nagsimula sa pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan probinsya ng Zamboanga. Ito ay dahil sa paglaban niya sa relihiyon at gobyernong Kastila. Nakilala niya si Padre Obach sa kanyang unang araw sa Dapitan. Dito ay pinilit siya ng pari na magbalik loob ngunit ito ay nabigo dahil sa kanyang matibay na paninindigan. II.Buod Sa kanyang pagdating sa Dapitan, nakita niya ang bayan na kalunos-lunos. Siya ay nangako na siya ay gagawa ng mga pagbabagong ikakaunlad ng bayan. Kasama sa kanyang mga ginawa ay ang paglalagay ng patubigan gawa ng mga kawayan, ang papatanggal ng mga tubig sa mga ilat para mawala ang mga lamok dahil ito ang nagiging sanhi ng sakit na Malaria, kasama rin dito ang pagpapalagay ng mga lamparang gawa sa niyo para sa mga kalsada. Ipinaayos rin niya ang liwasang bayan sa tulong ng kanyang Heswitang guro na si Padre Francisco Sanchez. Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan. Hindi lamang siya naging isang ordinaryong bilanggo, siya rin ay naging guro, manggagamot at tagapamahala ng kanyang bukirin. Dumating sa Dapitan ang kanyang ina na si Doña Teodora kasama ang dalawa sa kanyang mga kapatid na babae, sina Narcissa at Maria. Si Teodora sa naging isa sa mga pasyente ni Rizal. Isa rin sa kanyang mga naging pasyente ay ang Amerikanong si George Taufer. Dumalaw si George kay Rizal dahil sa kanyang kalagayan, ngunit ito ay hindi kaya ni Rizal.
Dito na niya nakilala si Josephine Bracken, ang anak-anakan ni George. Dahil sa hindi kayang gamutin ni Rizal ang ama nito, nagpaalam ito at nangakong babalik. Tinupad niya ang kanyang pangako at sila ay naging magkarelasyon ni Rizal. Ang kasunduan ng pagpapakasal nina Rizal at Josephine ay kinuwestyon ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang kapatid na si Maria. Naniniwala si Maria na si Josephine ay isang espiya. Hindi sila nagpakasal sa simbahan dahil sa pagsalungat ng mga lokal na prayle sa mga kasulatan ni Rizal, itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal kahit walang presensiya ng pari. Naging masaya ang pagsasama ng dalawa hanggang sa malaman ni Rizal ang pagtataksil ni Josephine. Ito ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang magandang samahan at nagresulta ng pagkalaglag sa sinapupunan ng kanila sanang magiging anak na si Francisco. Ang pelikula ay nagtapos sa pag-iwan ni Rizal kay Josephine pati na rin sa bayan ng Dapitan. Kasabay dito ang kalungkutang bumalot sa mga mamamayan ng bayan dahil sa pag-alis ni Rizal. Siya ay nagtungo sa Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay
.III. Talasalitaan
Naglibot – Umikot sa isang lugar Cuba – Bansa sa Europa Espanyol – Tao mula sa Espanya Prayle – Pari mula sa Espanya
IV. Pagtatalakay
Ang halaga ng pelikulang ito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga naganap sa pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, ipinakita rito ang mga nangyari kay Rizal sa panahon na siya ay ipinatapon. Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng aral sa mga manunuod nito. Isa sa mga aral na ito ay ang pagtulong sa kapwa kahit ano pa ang iyong kalagayan. Ang pagtulong ay hindi lang para sa mga piling tao kundi ito ay para sa lahat. Ang pelikulang pinamagatang “Rizal sa Dapitan” sa direksyon ni Tikoy Aguiluz ang nagbigay linaw sa mga tagpong naganap sa buhay ni Rizal noong siya ay ipinatapon sa bayan ng Dapitan sa probinsya ng Zamboanga. Ipinakita ng pelikulang ito ang mga bagay na nagawa ng ating pambansang bayani upang buhayin ang bayan ng Dapitan. V. Mungkahi Ang aking mukahi sa lahat ng makakabasa nito ay ang ating kalayaan ay hindi libre, ito ay pinaghirapan at binahiran ng dugo hindi lang ni Rizal. Normal na mamayaman man, nag aaral o hindi dapat nating alamin ang mga pangyayaring ating ginugunita. Sa mga paraalang pangkataasan, sana sa hindi lang Noli Me Tangre at El Filibusterismo o mga akda ni Rizal ang mas binibigyang pansin. Mas magandang kilalanin muna natin ang taong nag sulat ng mga ito upang mas lalo natin maintindihan ang paksa at kahulugang nakabalot dito. Sa mga nakapanood ng pelikula, iminumungkahi kong mag “reflect” tayo sa mga ebidensya na inilahad sa atin at tayo ay gumawa ng sarili nating imbestigasyon sa kung gaano ang nagawa at nai-ambag ni Rizal sa ating natatamasang kalayaan ngayon.
REAKSYON SA PAPEL
SA PELIKULANG RIZAL SA DAPITAN
Isinumite ni: Gonzales, Nikko Wilfredo V. BSIE – 5A