Pamagat:
Rizal Sa Dapitan
Tauhan:
Albert Martinez bilang Jose Rizal - Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ay kinulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa mga Kastila. Amanda Page bilang Josephine Bracken – Ang Ang kasintahan ni Rizal na kanyang nakilala sa Dapitan. Roy Alvarez bilang Kapitan Ricardo Carnicero – Ang Ang gwardyang nagbabantay kay Rizal habang siya ay na sa Dapitan. Cris Michelena bilang Padre Obach – Ang Ang paring nabigo sa pagpapabalik loob ni Rizal. Candy Pangilinan bilang Maria Rizal – Ang Ang kapatid ni Rizal na nagsumbong sa pagtataksil ni Josephine. Tess Dumpit bilang Narcisa Rizal – Isa Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal na kanyang nakasama sa Dapitan. Rustica Carpio bilang Doña Teodora Alonzo – Ang Ang ina ni Rizal. Jaime Fabrigas bilang Padre Francisco Sanchez – Ang Ang kanyang Heswitang guro na tumulong sa kanya sa pagpapaayos ng bayan ng Dapitan. Paul Holmes bilang George Taufer – Ang Ang ama ni Josephine Bracken na nagtugno kay Rizal upang magpagamot.
Tagpuan:
Ang takbo ng istorya ng pelikula ay naganap sa Dapitan sa probinsya ng Zamboanga noong taong 1892. Ito ang mga panahong si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan.
Buod:
Ang pelikula ay nagsimula sa pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan probinsya ng Zamboanga. Ito ay dahil sa paglaban niya sa relihiyon at gobyernong Kastila. Nakilala niya si Padre Obach sa kanyang unang araw sa Dapitan. Dito ay pinilit siya ng pari na magbalik loob ngunit ito ay nabigo dahil sa kanyang matibay na paninindigan. Sa kanyang pagdating sa Dapitan, nakita niya ang bayan na kalunos-lunos. Siya ay nangako na siya ay gagawa ng mga pagbabagong ikakaunlad ng bayan. Kasama sa kanyang mga ginawa ay ang paglalagay ng patubigan gawa ng mga kawayan, ang papatanggal ng mga tubig sa mga ilat para mawala ang mga lamok dahil ito ang nagiging sanhi ng sakit na Malaria, kasama rin dito ang pagpapalagay ng mga lamparang gawa sa niyo para sa mga kalsada. Ipinaayos rin niya ang liwasang bayan sa tulong ng kanyang Heswitang guro na si Padre Francisco Sanchez. Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan. Hindi lamang siya naging isang ordinaryong bilanggo, siya rin ay naging guro, manggagamot at tagapamahala ng kanyang bukirin. Dumating sa Dapitan ang kanyang ina na si Doña Teodora kasama ang dalawa sa kanyang mga kapatid na babae, sina Narcissa at Maria. Si Teodora sa naging isa sa mga pasyente ni Rizal. Isa rin sa kanyang mga naging pasyente ay ang Amerikanong si George Taufer. Dumalaw si George kay Rizal dahil sa kanyang kalagayan, ngunit ito ay hindi kaya ni Rizal. Dito na niya nakilala si Josephine Bracken, ang anak-anakan ni George. Dahil sa hindi kayang gamutin ni Rizal ang ama nito, nagpaalam ito at nangakong babalik. Tinupad niya ang kanyang pangako at sila ay naging magkarelasyon ni Rizal. Ang kasunduan ng pagpapakasal nina Rizal at Josephine ay kinuwestyon ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang kapatid na si Maria. Naniniwala si Maria na si Josephine ay isang espiya. Hindi sila nagpakasal sa simbahan dahil sa pagsalungat ng mga lokal na n a prayle sa mga kasulatan ni Rizal, itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal kahit walang presensiya ng pari.
Naging masaya ang pagsasama ng dalawa hanggang sa malaman ni Rizal ang pagtataksil ni Josephine. Ito ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang magandang samahan at nagresulta ng pagkalaglag sa sinapupunan ng kanila sanang magiging anak na si Francisco. Ang pelikula ay nagtapos sa pag-iwan ni Rizal kay Josephine pati na rin sa bayan ng Dapitan. Kasabay dito ang kalungkutang bumalot sa mga mamamayan ng bayan dahil sa pag-alis ni Rizal. Siya ay nagtungo sa Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Halaga at Implikasyon
Ang halaga ng pelikulang ito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga naganap sa pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, ipinakita rito ang mga nangyari kay Rizal sa panahon na siya ay ipinatapon. Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng aral sa mga manunuod nito. Isa sa mga aral na ito ay ang pagtulong sa kapwa kahit ano pa ang iyong kalagayan. Ang pagtulong ay hindi lang para sa mga piling tao kundi ito ay para sa lahat. Ang pelikulang pinamagatang “Rizal sa Dapitan” sa direksyon ni Tikoy Aguiluz ang nagbigay linaw sa mga tagpong naganap sa buhay ni Rizal noong siya ay ipinatapon sa bayan ng Dapitan sa probinsya ng Zamboanga. Ipinakita ng pelikulang ito ang mga bagay na nagawa ng ating pambansang bayani upang buhayin ang bayan ng Dapitan.
Pamagat:
Jose Rizal
Tauhan:
Cesar Montano bilang Jose Rizal – Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ang ating pambansang bayani na ipinapatay dahil sa paglaban sa mga Kastila. Joel Torre bilang Crisostomo Ibarra / Simoun – Ang pangunahing tauhan sa nobelang isinulat ni Rizal. Siya ay inihalintulad ni Rizal sa k anyang sarili. Jaime Fabrigas bilang Luis Taviel de Andrade – Ang naging tagapayo ni Rizal upang pag-aralan ang kanyang kaso. Gloria Diaz bilang Doña Teodora Alonzo - Ang ina at unang guro ni Rizal. Ronnie Lazaro bilang Don Francisco Mercado – Ang ama ni Rizal. Gardo Versoza bilang Andres Bonifacio – Ang pinuno ng Katipunan na umaklas laban sa mga Kastila. Monique Wilson bilang Maria Clara – Ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra sa nobelang isinulat ni Rizal. Chin Chin Gutierrez bilang Josephine Bracken – Ang babaeng naging kasintahan niya ng siya ay ipatapon sa Dapitan. Mickey Ferriols bilang Leonor Rivera – Ang pinsan ni Rizal na kanya ring naging kasintahan. Pen Medina bilang Paciano – Ang lalaking kapatid ni Rizal na kasapi sa kilusan. Peque Gallaga bilang Archbishop Bernardo Nozaleda, OP – Ang Arsobispong naniniwala na si Rizal ang nagpasiklab ng rebolusyon sa Pilipinas.
Bon Vibar bilang Ramon Blanco – Ang dating gobernador-heneral na pinapalitan ng arsobispo. Tony Mabesa bilang Camilo de Polavieja – Ang gobernador-heneral na ipinalit kay Blanco. Dennis Marasigan bilang Marcelo H. Del Pilar – Ang punong patnugot ng pahayagan sa Espanya na La Solidaridad. Jhong Hilario bilang Alipin – Ang alipin sa bilangguan na nagdadala ng pagkain ni Rizal. Siya ay namangha sa katalinuhan ni Rizal noong ito‟y nagkukwento. Marco Sison bilang Dr. Pio Valenzuela – Isang doctor na kasapi ng Katipunan. Inutusan ni Bonifacio na kausapin si Rizal noong siya ay nasa Dapitan. Rowena Basco bilang Trinidad Rizal – Isa sa mga kapatid na babae ni Rizal. Siya lang sa mga babae ang nakakapagsalita ng Ingles.
Tagpuan:
Ang pelikula ay naganap sa bayan ng Calamba sa probinsya ng Laguna. Ang ilang mga eksena ay kinuhaan sa Fort Santiago kung saan siya ay nabilanggo at sa Bagumbayan na ngayon ay mas kilala sa Rizal Park kung saan siya ay pinatay. Nagkaroon din ng mga eksena mula sa ibang bansa tulad sa Ghent, Belgium kung saan nagsimula ang pelikula at mayroon din sa Espanya kung saan siya nag-aral ng medisina.
Buod:
Ang pelikula ay nagsimula sa Ghent, Belgium kung saan sinimulan ni Rizal ang nobelan El Filibusterismo. Habang si Rizal ay nagsasalaysay ay ipinakita rin dito ang mga bahagi ng kanyang unang nobela na Noli Me Tangere. Ipinakilala dito ang pangunahing tauhan ng kanyang nobela na si Crisostomo Ibarra na nagdalawang katauhan at naging si Simoun sa ikalawa niyang nobela.
Kumalat sa Pilipinas ang mga nobelang isinulat ni Rizal. Ang mga nobelang ito ang nagudyok kay Andres Bonifacio na magsimula ng isang rebolusyon, ang Katipunan. Sa kabilang banda‟y napansin ito ng arsobispong si Archbishop Bernardo Nozaleda kung saan niya sinabi at ipinilit na ang nagpasimula nito ay si Rizal. Binalaan ng arsobispo si Gobernador-Heneral Blanco na kapag hindi ito nagawan ng paraan ay papapalitan ito. Habang nagpapatuloy ang paghahanap kay Rizal, ang kanyang kapatid na si Paciano ay nadakip ng mga Kastila. Siya ay pinahirapan at binugbog upang magsalita kung nasaan si Rizal. Hindi siya nagsalita at nagbigay ng impormasyon tunugkol sa kanyang kapatid. Ipinagpatuloy ang pagpapahirap sa kanya hanggang sa malaman niya na nadakip na ang kanyang kapatid. Pinalaya rin siya at pinauwi. Umalis sina Paciano at ang kanyang ama na si Francisco sa kanilang tirahan. Si Rizal ay sinamahan ng mga gwardya sibil patungo sa kolonel upang imbestigahan. Naniniwala ang kolonel na sangkot si Rizal sa himagsikan dahil sa pagsulat niya tungkol sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora. Ang pagpatay sa tatlong pari ay nasaksihan ni Paciano noong siya ay bata pa. Siya Ay nakapag-aral sa isang pampublikong paaralan kung saan siya ay laging inaapi ng kanyang mga kamag-aral at ng kanyang guro. Habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang pagaaral, ang kanyang ina na si Teodora Alonzo ay dinakip ng mga gwardya dahil siya ay napagbintangan na lumason sa kanyang kapatid. Hanggang siya ay lumipat sa Ateneo Municipal de Manila at opisyal na niyang ginamit ang Rizal. Habang siya ay nasa bilangguan, ikinukwento niya sa isang alipin ang mga nangyari sa kanyang buhay. Ang alipin ay namangha sa angking talino ni Rizal. Sa bilangguan na rin niya nakilala ang kanyang abogado o tagapayo na si Luis Taviel de Andrade. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagkukwento tungkol sa kanyang buhay. Kabilang dito ang pag-aaral niya sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan kasama niya ang ilang mga Pilipinong estudyante na nagkaroon ng alitan laban sa mga estudyanteng Espanyol. Isinaad niya rin ang kanyang relasyon kay Leonora Rivera, ang kanyang unang pag-ibig at pinsan. Ngunit kailangan niya itong iwan dahil kanyang ipagpapatuloy ang pag-aaral sa
Madrid. Nakiusap ang kanyang kapatid na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Madrid at kumuha ng kursong medisina. Siya ay nag-aral sa Unibe rsidad Central de Madrid. Sa kanyang pagtungo sa Madrid, ay kanyang nakilala ang mga kababayan. Kasama rito si Marcelo Del Pilar. Itinatag nila ang La Solidaridad, sa umpisa ay nagtagumpay ito ngunit kalaunan ay nagkagulo. Nagkaroon ng alitan sina Rizal at Marcelo at dahil sa kakulangan ng pagkakaisa, umalis si Rizal sa Madrid at nagbalik sa Pilipinas. Sa kanyang pagbabalik ay kaagad niyang binuo ang La Liga Filipina, ngunit ito ay mabilis na bumagsak. Dahil dito, ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Doon niya nakilala si Josephine Bracken. Kahit na malayo na si Rizal, hindi pa rin nakuntento sa Archbishop Nozaledo. Napilitang ipatapon ni Blanco sa bilangguan si Rizal matapos paniwalain na maaari siyang magtrabaho sa Cuba bilang manggagamot. Gusto ng arsobispo na ipapatay si Rizal kaya‟t pinapalitan niya si Blanco bilang gobernador-heneral. Ang kanyang ipinalit ay si Camilo de Polavieja. Sa araw ng Kapaskuhan, siya ay binisita ni Taviel sa kanyang kulungan sa Fort Santiago dala ang isang bote ng alak. Sa paglipas ng mga araw, patuloy na inusisa ni Taviel ang mga gawa ni Rizal kung saan niya kinuwestyon ang El Filibusterismo pati na rin ang kanyang kredebilidad. Naniniwala si Taviel na hindi siya ang nagpasimula ng rebolusyon dahil sinasabi niyang nabigo si Rizal sa kanyang mga isinulat na nobela. Sa araw ng kanyang paglilitis, Nagkaroon siya ng pagbabalik-tanaw sa pag-uusap nila ni Pio Valenzuela sa Dapitan. Ipinadala ni Bonifacio si Pio upang kunin ang opinyon tungkol sa nagaganap na kilusan at himukin na sumali ngunit ito ay tinanggihan ni Rizal. Isinaad ni Taviel sa mga hukom na si Rizal ay walang kinalaman sa nagaganap na kilusan. Ito ay dahil sa kakulangan sa ebidensya laban sa kanya. Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at sinabing siya ay tumututol sa Ka tipunan. Ngunit ang pagsusumikap niya at ni Taviel na maipanalo ang kaso ay nabalewala. Ito ay dahil pinilit ni Nozaleda si Polavieja na ituloy ang pagpapapatay kay Rizal. Dahil sa mga pangyayari, nagalit si Taviel sa kanyang sarili at siya ay nahihiya kay Rizal dahil siya ay isang Kastila.
Itinakdang patayin si Rizal noong ika-30 ng Disyembre at dahil sito‟y may sapat pa siyang oras upang magpaalam sa kanyang ina at mga kapatid. Inihiling niya sa kanyang ina na kunin ang kanyang katawan at ito ay ilibing, lagyan ng krus at nakalagay dito ang kanyang pangalan, taon ng kapanganakan pati na rin ang taon ng kanyang pagkamatay. Ibinigay niya ang isang lampara kay Trinidad na kayang magsalita ng Ingles ay kanyang sinabi na “It has something inside.” Sa huling gabi ni Rizal sa kanyang bilangguan, siya ay nakatitig sa piraso ng papel at ang kanyang panulat sa mesa. Wala siyang maisulat para sa kanyang huling obra. Noong gabi ring iyon ay tumakbo ang imahinsyon niya at siya ay kinumpronta ng kanyang konsensya sa katauhan ni Simoun. Matapos ang ilang saglit, sinimulan na niya ang kanyang huling obra, ang Mi Ultimo Adios. Araw na ng kanyang kamatayan, matapos ang kanilang huling pag-uusap ni Taviel ay nagtungo na sila sa Bagumbayan. Inihiling ni Rizal sa namumuno sa pulutong na kung maaari ay nakaharap siya sa mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinahintulutan nito. Inihiling na lang niya na iwan ang kanyang ulo. Habang inaasinta ng mga sundalo ang kanyang likod, siya‟y ngumiti at nagwikang “ito‟y tapos na” sa wikang Latin. Ayon sa kanyang hiling, iniwan ang kanyang ulo at binaril siya sa likod. Sa kanyang pagkabaril ay pinilit ni Rizal na humaram at tuluyan na siyang natumba. Sa katapusan ng pelikula ay ipinakita ang Katipunan. Ang pag-atake nila sa mga sundalo at ang paglusob nila sa mga simbahan. Ang mga simbahan ang sumisimbulo ng kapangyarihan ng bansa.
Halaga at Implikasyon
Ang pelikula ay nagpapakita ng takbo ng kwento ng buhay ni Rizal. Ito ay nagbibigay kaalaman sa mga nangyari sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Kahit na ang pagsasalaysay ay direkta, sinamahan ito ng flashback , mga eksena sa kanyang mga nobela. Ito ay maaaring magbigay ng kalituhan sa mga manunuod lalo na sa mga walang alam tungkol sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang pinamagatang “Jose Rizal” sa deriksyon Marilou Diaz-Abaya ang nagbigay sa atin ng dagdag na kaalaman tungkol sa ating pambansang bayani. Ito ang nagbigay daan sa mga manunuod para malaman ang mga pangyayari sa buhay ni Rizal. Ang pagganap ni Cesar Montano bilang Rizal ay sadyang kahanga-hanga. Ito rin ay pumukaw sa mga damdamin ng mga manunuod nito.
Pamagat:
Bayaning Third World
Tauhan:
Ricky Davao bilang Filmmaker 1 – Siya ang gusting gumawa ng pelikula na tungkol sa pagkabayani ni Rizal. Cris Villanueva bilang Filmmaker 2 – Siya ay tumutulong sa pag-imbestiga tungkol sa pagkabayani ni Rizal para sa kanilang pelikula. Joel Torre bilang Jose Rizal – Siya ang ating pambansang bayani na gustong gawan ng pelikula ng mga film makers. Daria Ramirez bilang Teodora Alonzo – Siya ang ina ni Rizal. Joonee Gamboa bilang Paciano – Ang nakatatandang lalaking kaoatid ni Rizal na kasapi sa kilusan. Rio Locsin bilang Trinidad – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal. Kasapi rin siya sa Katipunan. Cherry Pie Picahe bilang Narcisa – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal. Siya ay nagtiwala kay Josephine Ed Rocha bilang Padre Balaguer – Isang prayle na nagsasabing siya ang testigo sa retraksyon ni Rizal.
Tagpuan:
Ang kabuuhan ng pelikula ay naganap sa opisina n dalawang film makers. Ang ilang mga eksena ay naganap sa bahy ng pamilya Rizal sa Calamba at ang ilan naman ay sa bilangguan ni Rizal sa Fort Santiago.
Buod:
Ang kwento ng pelikulang ito ay nagsimula sa pagatatanong ng dalawang gumagawa ng pelikula na kung kasalanan ba ang kwestyunin ang kaba yanihan ni Rizal. Sa simula ng pelikula ay isinalaysay nila ang mga katotohanan, kwento at mga opinion tungkol sa pagkabayani ni Rizal, sa pagkamatay nito at epekto nito sa medya, sa pera at sa mga negosyo. Nag-usap ang dalawa kung ano ang pwedeng nilalaman ng gagawing pelikula. Nadawit pa rito ang kasarian ni Rizal pero ang mas kontrobersyal na kanilang naisip ay ang katotohanan sa likod ng retraksyon nito. Ayon kay Villanueva, isa sa mga filmmaker, ito ay matagal ng nakalimutan at tinuturing na patay na isyu, pero ipinagpatuloy pa rin nila ang paghanap ng mga impormasyon tungkol dito. Ang pangunahin nilang suspect ay si Josephine Bracken. Siya ang huling kasintahan ni Rizal. Upang mailigtas ang kanilang kasal kailangan ni Rizal ang retraaksyon. Ang kanilang pagsasaliksin ay inilarawan sa pamamagitan n g paggamit ng imahinasyon upang makapanayam ang mga taong malapit sa buhay niya. Kabilang dito ang kanyang ina na si Teodora, ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Paciano, ang dalawa sa kanyang mga kapatid na babae na sina Trinidad at Narcisa at kasama rin ang huling babaeng inibig ni Rizal na si Josephine. Si Teodora ang unang kinapanayaman ng unang filmmaker at ito ay naganap noong bago ang pagpatay kay Rizal. Ayon sa kanya, siya mismo ay tutol sa ideya na si Rizal ay tutol sa simbahan. Tutol din siya sa pagpapakasal nina Bracken at Rizal. Sunod na ikinapanayam ay si Paciano ng ikalawang filmmaker. Siya ang nakatatandang kapatid ni Rizal at kasapi rin siya sa katipunan. Ikinuwento niya ang mga layunin ni Rizal, ang pagiging martir nito, ang buhay nila kung paano sila pinahirapan ng mga Kastila at ang pagkabagot nito sa Dapitan. Sinabi rin niya na hindi siya sang-ayon sa pagpapakasal nina Bracken at Rizal.
Ang sunod na ikinapanayam sa imahinasyon ng unang filmmaker ay si Josephine Bracken. Ipinagtanggol niya ang sarili sa mga paratang na siya ay espiya at tungkol sa pagtanggi sa kanya ng pamilya ni Rizal. Tinanong rin siya tungkol sa pag-uusap ni Rizal at Padre Obach kung saan isinumite ni Rizal ang kanyang retraksyon at ipinasa it okay Padre Balaguer kahit wala pa itong lagda. Ito ay nagpapahiwatig na si Josephine ay nagsisinungaling o di kaya naman ay naguguluhan dahil wala siya sa pinangyarihan. Si Narcisa ang isinunod na ikinapanayam ng ikalawang filmmaker. Siya ang natatangi sa pamilya ni Rizal na malapit kay Josephine. Ang takbo ng panayam ay tungkol sa pagkakadawit ni Rizal sa Katipunan. Sinabi rin niya na si Rizal ay biktima lamang. Sunod na kinapanayam ay ang isa pa nitong kapatid, si Trinidad. Siya ay pabagu-bago sa kanyang mga pahayag. Sa una niyang panayam noong 1922 itinanggi niya ang retraksyon ni Rizal. Sa kanyang ikalawang panayam noong 1949 sa paglabas ng kopya ng retraksyon, siya ay naniwala na si Rizal ay nag retraksyon. Napag-usapan din kung ano ang laman ng lamparang ibinilin sa kanya ni Rizal. Dito rin nalaman na siya pala ay namuhay mag-isa at ang mga bagay na may kasamang alaala ni Rizal ay kinuha sa kanya isa-isa. Kahit na marami silang nakuha sa kanilang mga panayam, hindi pa rin nasagot ang kanilang mga tanong tungkol sa kabayanihan ni Rizal at ang kangyang mga gawa na laban sa Simbahang Katoliko. Naisip ng ikalawang filmmaker na ang dapat na pamagat ng kanilang gagawing pelikula ay “Bayaning Third World” matapos na basagin ng isang filmmaker ang isang maliit na rebulto ni Rizal. Ang sabi pa nito ay marupok at nababagay sa third world. Naiwan sa kanilang listahan ang taong hindi nila gustong makapanayam tungkol sa usapin na ito. Siya ay si Padre Balaguer, siya ang responsable sa paglabas ng retraksyon ni Rizal. Sinabi ng prayle na si Rizal nga ay nagbalik sa pagiging Katoliko, nangumpisal ng maraming beses, binasa ang kanyang retraksyon sa harap ng ibang mga Heswita, humiling ng isang misa upang makapag komunyon at pinakasalan si Josephine Bracken.
Tulad sa kanilang inaasahan, nakuha nila ang sagot na inaasahan nilang marinig mula kay Padre Balaguer. Narinig ng dalawang filmmaker an g pag-uusap ni Trinidad at Narcisa sa pagtingin sa lamparang ibinigay ni Rizal. Doon nila nakita ang huling tula na ginawa ni Rizal ang “Mi Ultimo Adios.” Biglang dumating si Josephine at sinasabing sa kanya d apat ang labi ni Rizal. Ipinahayag niya ang pagpapakasal nila ni Rizal at dahil dito‟y sinabihan siya ni T rinidad na “Hongkong Bitch”. Muli siyang tinanong ng dalawang filmmakers, ngunit sa pagkakataong ito ay puro personal na katanungan. Ito ay kung totoo nga bang pinagsamantalahan siya ng kan yang amaamahan o kung kay Rizal nga ba talaga ang dinadala niyang anak. Dahil sa sobrang kaba ni Josephine ay hindi niya kayang patunayan ang naganap na pagpapakasal nila ni Rizal. Nasabi ng isa sa mga filmmaker na dapat ang gawan na lang nila ng pelikula ay ang buhay ni Josephine. Naisip nila na dapat mas bigyan nila ng tuon ang huli nilang panayam. Ang panayam sa nag-iisang pambansang bayani, Jose Rizal. Ang kanilang mga tanong kay Rizal ay sinasagot nito sa mga malalalim nitong mga salita. Ang pana yam na ito ay imbis na maging isang imbestigasyon ay naging labasan ng emosyon. Ang nagawang Rizal ng mga filmmaker ay halos tulad din nila na galit, nalilito at naninigarilyo. Sa katapusan ng pelikula, ang dalawang filmmakers ay nakatayo sa monument ni Rizal. Nagtatanong kung dapat ba nilang ituloy ang paggawa ng pelikula tungkol kay Rizal. Sabi ng isang filmmaker na marami tayong pwedeng magawang Rizal sa ating isipan at ang buhay ni Rizal ay para sa mga libro lamang. Sa katapusan ng pelikula, ang isa naman ay nagwikang ito ay mahirap basagin.
Halaga at Implikasyon:
Ang pelikulang pinamagatang “Bayaning Third World” sa direksyon ni Mike de Leon ay ang nagpapakita sa mga kontrobersya sa buhay ni Rizal. Tinatalakay nito kung totoo ba ang retraksyong ginawa ni Rizal sa kanyang mga ginawa at isinulat. Kung totoo bang siya ay nagbalik sa pagiging isang Katoliko. Ang pelikulang ito ay maaaring magbigay ng mga maling persepsyon sa kung ano talaga ang tunay na nangyari bago mamatay si Rizal. Sa pelikulang ito ipinapakita ang mga kwento ng iba‟t ibang tauhan tungkol sa buhay ni Rizal. Kinuwestyon din dito kung bakit si Rizal ang naging pambansang bayani. Sa makatuwid, ang tunay na kwento sa likod ng buhay ni Rizal ay isa pa ring malaking palaisipan. Marami pa ring mga katanungan ang hindi pa nasasagot. Hanggang ngayon ang mga ito ay nagbibigay pa rin ng palaisipan sa mga tao.
Pamagat:
Ang Buhay ng Isang Bayani
Tauhan:
Joonee Gamboa bilang Tagapagsalaysay – Ang tagapagsalaysay ng dokyumentaryo tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Pen Medina boses ni Jose Rizal – Ang bayaning tinutukoy sa dokyumentaryo. Gabe Mercado boses ni Paciano – Ang nakakatandang lalaking kapatid ni Jose Rizal. Lea Chiu boses nina Saturnina at Narcisa – Dalawa sa mga babaeng kapatid ni Jose Rizal. Joonee Gamboa boses ni Ferdinand Bluentritt – Ang matalik na kaibigan ni Rizal na isang Austrian na iskolar. Eric Gomez boses ni Antonio Luna – Ang kababayang kaibigan na umiibig din kay Nellie Boustead. Rofel Brion boses ni Silvestre Ubaldo – Ang kanyang bayaw sa kanyang kapatid na si Olimpia.
Tagpuan:
Ang dokyumentaryo ay kinuhaan sa Luneta Park. Ang ilang lugar na nabanggit sa dokyumentaryo ay ang bayan ng Calamba kung saan isinilang si Rizal. Sa Madrid kung saan siya nag-aral ng medisina. Sa Dapitan kung saan siya ipinatapon. Sa Inglatera, Paris, Hongkong, Japan, Macau at Amerika kung saan siya naglibot-libot at namalagi.
Buod
Ang dokyumentaryong ito ay tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na isinalaysay ni Joonee Gamboa. Ang dokyumentaryong ay hinati sa limang bahagi. Ito ay ang mga sumusunod: Ang batang si Moy Mercado, Jose Rizal Mercado: Atenistang Probinsyano, Patungo sa Liwanag ng Dunong at Daigdig, Ang Lakbayin Patungo sa Ligalig at Dapithapon at Dilim.
Sa simula ng dokyumentaryo ay nagpakilala ang ating tagapagsalaysay. Itinanong niya kung ano ating naiisip kapag narinig ang pangalang Jose Rizal. Binanggit din niya ang pinakatanyag na mga salitang iniwan ni Rizal, “Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy samalansang isda.” Hanggang ngayoon ay taglay pa rin natin ang kwadernong may pamagat na “Memorias de un Estudiante de Manila” na naglalaman ng kanyang mga alaala hanggang sa kanyang unang pag-ibig. Ang unang bahagi ng dokyumentaryo ay ang “Ang batang si Moy Mercado .” Nakasaad dito ang kwento sa pagkabata ni Rizal. Siya ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng alas-once at alas-dose ng gabi. Ipinakilala rin ang kanyang ina na si Teodora Alonzo na mas kilala sa tawag na Lolay. Ayon sa kanyang mga tala, si Doña Lolay ay hindi ordinary. Ito ay dahil mahilig ito sa literatura at magaling sa Espan yol at siya rin daw ay isang Matematika. Dahil sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap, malaki ang nagawa ni Doña Lolaysa masigasig na paghuhubog ng pagkatao ng kanyang mga anak at ng kanilang pag-ibig sa karunungan.Tinuruan niya silang bumasa at sumulat. Sinanay sila sa pagdarasal at pagtulong sa gawaing bahay atkabuhayan. Dahil dito, lubhang malapit si Rizal sa kanya. Sunod na ipinakilala ay ang kanyang ama na si Francisco Mercado o tinatawag din na Kikoy. Mahigit 40 taon na siya nang isilang si Jose Rizal at siya‟y sensitibo kaya si ya ay malapit sa kanyang mga anak. Ayon kay Rizal, ang kanyang ama ang huwaran ng mga ama. Siya ay nagbigay ng edukasyong naaayon sa kanilang bahagyang kakayahan sa kanilang buhay. Dahil sa kanyang pagsisikap, siya ay nakapagpundar ng bahay na bato at nakapagpatayo pa ng isa.
Sa bahay kubo madalas maglaro ang isang batang kung tawagin nilay Moy. Ayon sa kanyang mga kapatid, tahimik na bata si Rizal. Bagaman madaling mahalata sa panlalaki ng kanyang mga mata kung siyay natutuwa o nabibighani sa isang bagay. Mahilig siyang mag pinta ng mga hayop, ibon atbulaklak gamit-gamit ang achuete, uling at iba pang katas ng halaman bilang pintura. Mahilig din siyanghumubog ng pigurin at busto ng mga tanyag na taong nababasa niya sa kanilang mahigit 1000 mga aklat. Matamis ang oras sa tahanang iyon kaya mauunawaan ang lungkot na nadama ni Rizal nang sanapakamurang gulang na 9 na taon ay nalayo siya sa kanyang pamilya upang mag-aral sa Biñan. Sa pamamagitan ni Maestro Justiniano Cruz, namulat si Rizal sa isang paraan ng pagtuturo nausong-uso noong panahong iyon. Babaha gya lamang ang sakit na nadama ni Rizal kung ihahambing sa mga sumunod na pangyayarina nag-iwan ng malalalim na sugat sa kanyang ala-ala. Sinubukan ni Doña Lolay na pagbatiin ang kanyang kapatid na si Jose Alberto at ang pabayangasawa nito na bukod sa nakiki-apid ay iniwan pa ang kanilang mga anak. Ikinagalit ng babae angpakikialam ni Doña Lolay at pinaratangan siyang kasabwat ni Alberto sa tangkang lasunin siya. Sa tulong ngtiniente ng guwardiya sibil, na kaibigan pa man din ng Pamilya Mercado, inaresto si Doña Lolay sa kanilangbahay. Tumagal ng 2½ taon ang pagkabilanggo ng ina ni Rizal. Ganoon na lamang ang lungkot na pinasan ni Rizal nang ihatid siya ni Paciano sa Ateneo Municipalsa Maynila na nakatirik noon sa Intramuros. At dito‟ y naranasan ng probinsyanong taga-Calamba angtagumpay, pait, at pag-ibig sa buhay ng isang estudyanteng Maynila. Ang sumunod na bahagi ay ang “Jose Rizal Mercado: Atenistang Probinsyano.” 11 taong gulang pa lamang si Rizal nang siya‟y magpatala sa Ateneo. Noong una‟y diskumpiyado pa ang mga pari na tanggapin siya dahil bukod sa alangang pan ahon siya nagpatala, sadyang napakaliitat napakatamlay ni Rizal. Kaya‟t, taliwas sa inaakala ng marami, hindi agad nakapagpakitang-gilas si Rizal bilang estudyante. Noo‟y hirap siyang magsalita ng Kastila, isang probinsyanong malayo sa kanyangbayan, napakaliit kung ikukumpara sa mga ka klase niyang Español at Meztiso, at malumbay dahil sakapalarang sinapit ng ina.
Napalaya na si Doña Teodora, nang magtapos si Rizal ng kursong sekondarya at bumalik saAteneo upang mag-kolehiyo. Nang panahong ito ay umusbong ang talino niya sa pag-aaral. Tuwing semestre ay nakakapag-uwi siya ng mga premyo. Sa ilalim ng matiyagang pamamatnubay ng propesorniyang si Padre Francisco de Paula Sanchez, pinatalas ni Rizal ang kanyang pagkatha sa wikang Español. Nang bumalik si Rizal sa Calamba, umasa si Doña Lolay na tutulungan na lamang niya si Pacianosa bukid. Pero nanghinayang si Don Kikoy sa talino ng kanyanganak kaya pinag-aral ito ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Kumuha din si Rizal ng kurso sa LandSurveying o Agrimensura sa Ateneo upang mapagbigyan ang kanyang ina. Pagkaraan ng 1 taon, nagpasiya si Rizal na mag-aral na lamang ng Medisina matapos matuklasang nabubulag na ang kanyang ina. Nooy nakilala ni Rizal ang kanyang unang pag-ibig, isang kolehiyalang kasamahan sa dormitoryo ng kapatid niyang si Olimpia, isang binibining nagngangalang Segunda Katigbak. Naudlot ang suyuan nang pauwiin si Segunda ng kanyang ina upang ala gaan ang sanggol na kapatid. Ilan pang mga dalagita ang pinagka-interesan o naging interesado kay Rizal bago niya natuklasanang pag-ibig sa kaanak niyang si Leonor Rivera. Sumali si Rizal sa isang timpalak-pampanitikan. Nanalo ng unang gantimpala ang lahok niyang “El Consejo de los Dioses”. Nang pumanhik siya sa entablado at nakita ng mga manonood na isang Pilipino - na isang Indio - ang nanalo, walang pumalakpak. Gayunpaman, hindi nasiraan ng loob si Rizal. Nang mapagtanto niya na hindi kikilalanin at hindi sasapat ang kanyang pag-aaral sa Sto. Tomasupang makapanggamot, nabuo ang kayang pasya na mag-aral sa España. Tinanggap ni Rizal ang hikayatng mga kaibigan, maging ng tiyo niyang si Antonio Rivera, ama ni Leonor.Pero walang kapantay ang ibinigay na suporta ng kapatid ni Rizal na si Paciano. Masinop niyangbinalak ang pag-aaral ni Rizal at ipinamana ang pangarap na laan sana sa kanya - isang pangarap naipinagpalit sa obligasyon ng panganay na lalake na pangasiwaan ang kabuhayan ng pamilya. Inilihim nila sa pamilya ang mga balak.
Sumunod ang ikatlong bahagi, “Patungo sa Liwanag ng Dunong at Daigdig”. Naglalaman ito ng kwento ni Rizal tungkol sa kangyang pag-aaral sa kolehiyo. Nagtungo si Rizal sa Maynila. Matapos humingi ng mga sulat ng rekomendasyon kay Pedro Paternoat sa mga paring Heswita, naglayag siya patungong Europa noong ikalawa ng Mayo sa edad na 20 taonggulang. Unti-unti ring naglaho ang lumbay ni Rizal, pinalitan ng pagkamangha sa pagtuklas ng bagongbuhay at daigdig sa kabila ng mga alon. Iniwan sa atin ng kasaysayan ang napakaraming larawan ng mga tao‟t tanawin, mga sulat sa magulang at kaibigan, at mga ala-ala tungkol sa kanyang mga paglalakbay namasinop niyang sinulat sa mga papel at kwaderno. Dumaong si Rizal sa Marseille, France at mula roo‟y sumakay ng tren patungong Barcelona, Spain kung saan siya namalagi ng ilang buwan upang palipasin ang bakasyong pang-tag-araw ng mgaunibersidad. Unang araw pa lamang, nawalan na ng amor si Rizal sa Inang España. Mula sa Barcelonay lumipat si Rizal sa Madrid at magkasabay na nagpatala sa Kolehiyo ngMedisina at Kolehiyo ng Pilosopiya at Letras. Nakuha rin niyang ipagpatuloy ang hilig sa pagpipinta, pagsusulat at pag-aaral ng mga wikang Europeo. Tinipid ni Rizal ang sarili sa maraming bagay, maliban salibro, tiket sa teatro, at kaunting paglilibang. Nakasama ni Rizal ang mga Filipinong intelektwal tulad ni Graciano Lopez-Jaena, isang datingestudyante ng Medisina na unti-unting kinikilala sa kanyang pagsusulat at pagtatalumpati at si GregorioSanciangco, may akda ng “El Progreso de Filipinas”. Sumapi siya sa Circulo Hispano-Filipino, isangsamahan ng mga Filipino at Español na nagtitipon sa isang bahay upang pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Filipinas at maglabas ng isang pahayagan o revista. Namatay ang Ciculo dahil sa kakulangan ng pondo at pa glaganap ng pulitikal na kulay na ikinailang ng matatandang Kastila. Di man nila napansin, tumatalab na ang mga liberal na ideya sakamalayan ng mga Filipinong intelektwal, isang proseso ng pagbubukas ng isip sa pagkakaiba ng buhay sakonserbatibong Filipinas at España kung saan napaka-liberal ng pagpapalitan ng mga ideya. Makikita ang pagsibol ng kamalayang-pulitikal sa isang talumpating binigkas ni Rizal bilangparangal sa pagkapanalo nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa isang timpalak sa pagpinta. Hindi inakala ni Rizal na mamasamain sa Pilipinas ang isang talumpating pinapurihan ng mga liberal na tao‟t pahayagan sa España.
Naging mahirap ang kabuhayan sa Calamba nang bumagsak ang presyo ng asukal sa pamilihan.Dahil dito, lubhang nahuli ang pagpapadala ng salapi kay Rizal. Nagprisinta naman siya na umuwi nalamang sa Pilipinas, yaman din lamang at nakuha na niya ang lisensiyado sa Medisina at hindikakailanganing mag-aral ng doktorado dahil hindi naman niya balak magturo ng Medisina.Napagkasunduan ng pamilya na huwag pauwiin si Rizal at sundin ang mungkahi na magsanay muna siya saoptalmolohiya sa isang klinika sa Paris. Napagpasiyahan ni Jose na magtungo sumandali sa Heidelberg, Germany upang magsanay panglalo sa klinika ni Otto Becker. Pinagbuti rin niya ang pagsasalita at pagsulat ng wikang Aleman. Kahit kapos sa salapi, pinagsisikapanniyang bigyan ng aginaldo ang kanyang mga pamangkin. Isinalin niya at ginawan ng dibuho (sketch) angmga kwentong pambata ni Hans Christian Andersen. Sa panahong ito, nagsimula sa pamamagitan ng isang sulat ang matalik na pagkakaibigan ninaJose Rizal at Ferdinand Blumentritt, isang Austrian iskolar. Pinakilala ni Blumentritt si Rizal sa mga kilalang iskolarng Europa, mga higante ng karunungan at siyensya. Bagama‟t sa simula‟y siyensya at Filipiniana angnagbuklod sa kanila, sa pagtagal ng panahon, si Blumentritt ay naging ama-amahan, tagapayo, tagapagtanggol at tagahanga, ang tunay na kabiyak ng kanyang kaluluwa. Sa panahong ito‟y tinatapos na ni Rizal ang Noli Me Tangere pero nahirapan siyang maghanap ngpondo upang ipalimbag ito sa mga imprenta ng Berlin. Hindi pa nabebenta ang asukal sa kamalig ng mga Rizal at mahirap ang buhay ng pamilya. Sa kabutihang palad, nagpunta roon si Maximo Viola, isangkaibigang nakilala niya sa Barcelona. Agad na humanga si Viola kay Rizal dahil sa talino nito at dedikasyonsa mga gawain. Dinala niya si Rizal sa isang espesyalistang doktor na nagsabing nagkasakit ito d ahil salabis na pagtitipid sa pagkain. Inabonohan din ni Viola ang buong halaga ng pagpapalimbag ng Noli Me Tangere kahit na noong una‟y ayaw pumayag ni Rizal. Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas, sa kabila ng pagpigil ng lahat.
Ang sumunod na bahagi ay ang “Ang Lakbayin Patungo sa Ligalig .” Nang magbalik si Rizal sa Pilipinas, hindi pa gaanong napag-uusapan ang Noli Me Tangere.Bukod sa kakaunti ang kopyang nakapasok sa bansa, kasalukuyan pa lamang itong sinusuri ng mga prayle. Pero makaraan ang tatlong linggo, nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag siya ng gobernadorheneral sa Malacañang dahil sa reklamo ng mga prayle tungkol sanobela. Inilipat ng gobernador sa Komisyon ng Sensura ang pagpapasya sa nobela at nagtalaga ng isang militar kay Rizal na di umanoy mangangalaga sa kanyang kaligtasan ngunit sa katotohanay isang bantay. Sinundan ni Taviel de Andrade si Rizal saan man siya magpunta. Nagkasundo silang dalawa dahil siya ay edukado at liberal. Nang imungkahi ng Sensura na pigilin ang pamumudmod ng Noli Me Tangere, pinagkaisahan ngmga prayle na pilitin ang gobernador na gumawa ng marahas na hakbang tulad ng pagpapakulong kayRizal. Pinayuhan siya ng heneral at ng mga mahal sa buhay na umalis na lamang upang matahimik na ang lahat. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas. Tumigil muna siya sa Hongkong, Macau at pagkatapos ay sa Japan. Nahumaling si Rizal sa Japan at maging sa isang Haponesang pinangalanang O Sei San.Walang naiwang salaysay tungkol sa kanilang pagniniig. Pagkatapos ay sa Amerika naman naglakbay si Rizal mula California hanggang New York. Sa Inglatera susunod namalagi si Jose. Sa tulong ng isang sulat mula kay Blumentritt, nakilala niyadoon si Dr. Reinhold Rost na mabilis din niyang naging mabuting kaibigan. Bukod sa palagiang pag-iimbitasa kanya sa bahay upang mag-tsaa kasama ng kanyang pamilya, tinulungan siya nitong makakuha ngpermisong gumamit ng aklatan ng British Museum. Doon natagpuan ni Rizal ang isang libro tungkol sakasaysayan ng Pilipinas(Sucesos de las Islas Filipinas) na sinulat ni Antonio Morga, isang tagapayo nggobernador-heneral na namalagi sa Pilipinas ng 10 taon. Matiyaga niyang kinopya ang buongdokumento pagkatapos ay ikinumpara ang datos nito sa iba pang dokumento tungkol sa Pilipinas. Nang di tumupad ang kababayan niyang si Antonio Maria Regidor sa pangakong ipalilimbag ang aklat, nagtungo siRizal sa Paris upang makamura sa palimbagan.
Panahon din ito nang maging aktibo si Rizal sa La Solidaridad, ang pahayagang propagandistanginilalabas ng mga Filipino sa España. Nagsulat siya sa paanyaya ni Graciano Lopez Jaena, ang una nitongeditor at kahuntahan niya noong nasa España. Karaniwang tema ng mga artikulo ni Rizal ang pagtatanggolsa kultura at pagkatao ng Filipino laban sa panghahamak ng mga peryodistang Español. Nagkaroon ng kaunting intriga sa pagitan nina Rizal at Del Pilar tungkol sa organisasyon atpamamalakad ng gawain ng mga Filipino sa Madrid. Sinasabi na nagsimula lamang ito sa palagiangpagpapayo ni Rizal tungkol sa pamamalakad ni Del Pilar ng La Solidaridad. Bukod pa rito ang madalasniyang panunuligsa sa pagpapabaya at pambababae ng mga Filipino.Hindi niya naisip na posibleng naliligaw siya sa teritoryo ni Del Pilar na kinikilala din ng lahat, kasama na ni Rizal, bilang pangunahing tagapagsulong ng lahat ng gawaing pulitikal ng mga Filipino sa Madrid mula nang umalis si Rizal. Ganoon nga ang nadama niya nang magtungo siya sa Biarritz, isang maayang bayan sa Francemalapit sa dagat. Biniyayaan siya ng panahon upang haluhin ang sarili, upang ayusin ang kanyangikalawang nobela, upang umibig nang muli. Umibig siya kay Nellie Boustead na sinusuyo ng kababayanniyang si Antonio Luna. Noong lumaon ay natanggap din ni Luna angmga bagay-bagay bagamat minsan nang malasing siya ay muntik na silang mag-duwelo ni Rizal. Nang lumao‟y nagkabati rin ang dalawa at ipinaubaya ni Luna kay Rizal ang babae. Pero hindi maaaringmagpakasal si Rizal. Nakasangla ang puso niya sa kanyang mga gawain. Nagtungo si Rizal sa Belgium upang ipalimbag ang kanyang pangalawang nobela (ElFilibusterismo). Pero tulad ng dati, kinapos siya ng pondo. Pero tulad din ng dati, ma y kaibigan siyang Valentin Ventura nanagpaluwal ng salapi para sa nobela. Ang isa pa niyang kaibigang si Jose Basa ang nagpautang ng pamasahe patungong Hongkong. Dito‟y muling nakatagpo ni Rizal ang kanyang pamilya. Ang huling bahagi ng dokyumentaryong ito ay ang “Dapithapon at Dilim”. Nang mabalitaan ng mga Español na pabalik na si Rizal sa Asya, minabuti nilang iliban si Pacianoat ang kanyang mga bayaw sa Jolo. Sa kabutihang palad, nakatakas sila at nakapuslit patungong HongKong kasama si Don Kikoy. Sumunod na pinag-initan ang kawawang si Doña Lolay. Dinakip siya sabalighong paratang ng hindi paggamit ng tamang apelyido. Naawa ang
gobernadorsilyo, pinawalan ang matanda. At pagkaraay pinahintulutang pumunta sa Hong Kong. Maligayang-maligaya na sana ang pamilya pero hindi mapalagay si Jose sa kapayapaan,ngayong alam niyang napakaraming dapat gawin. Sinulat niya, inilimbag at ipinadala sa Maynila angkonstitusyon ng isang samahang tinawag niyang Liga Filipina na naglalayong himukin ang mga Filipino namagtulong-tulong upang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago sa bayan. Bagaman panandaliang nagpuspos ng kalungkutan nang ipatapon siya sa malayong bayan ng Dapitan na nasa probinsiya ngayon ng Zamboanga del Norte. Tumirasi Rizal kasama ng komandanteng militar at ng kanyang maybahay na kapwa niyang nakagaanan ng loob. Noong tumagal ay nagtayo siya ng klinika na bukas sa mayaman at mahirap at nagtatag ng maliit na eskuwelahan. Dito ay Europeo ang istilo ng pag-aaral. Itinuturo skasama ng wikang Español ang Ingles, palakasan at mga kakayanan sa paghahanapbuhay. Hindi siya pinabayaan nina Blumentritt sampu ng mga kaibigan nitong iskolar sa Europa. Lagi siyang nakakatanggap at sumusulat ng liham sa ibat ibang wikatungkol sa ibat ibang bagay. Dumating din ang panahon na pinayagang tumira kasama niya ang kanyang ina at ilang kapatid na babae. Naibsan ang pangungulila ni Jose nang dumating si Josephine Bracken. Sinamahan ni Josephine saklinika ang kanyang nabubulag na ama-amahang si Mr. Taufer. Nahulog ang loob nila sa isat isa. At sinasabi na sa dalampasigan ipinagtapat ni Rizal ang nilalaman ng kanyang puso. Pinagkaitan sila ng kasal hanggat hindi pormal na nagbabalik-loob si Rizal sa simbahang Katoliko. Gawin man ni Rizalang lahat ng paliwanag, ikinahiya ng ilang miyembro ng kanyang pamilya ang kanilang pagsasama. Ayonkay Josephine, kung minsay pinagduduldulan pa ito sa kanyang mukha sa harap ng kanilang m gapamangkin. Gayunman, tiniis niya ang lahat ng pasaring. Sadyang mahirap takasan ang mga kamay ng kasaysayan. Tinanggihan man ni Rizal angplano ng mga Katipunero na itakas siyat gawing haligi ng himagsikan, hindi maikakaila na malaki ang nagawa ng kanyang mga sinulat, ginawa at sinabi sa kamalayan ng mga taong nagpasyang makibaka. Pinili niya ang kapayapaan, ang buhay na sa wakas ay tahimik, angbuhay
na sa unang pagkakataon ay kanyang-kanya. Sinunod niya ang payo ni Blumentritt na mag boluntaryo bilang manggagamot sa Cuba sa ngalan ng España upang mawak asan ang kanyang pagkakatapon at kalauna/y makabalik sa kalayaan ng Europa. Mala yo na siya sa Pilipinas nang maibaba ang pasya na pabalikin siya sa Pilipinas upang humarap sa kortesa paratang na rebelyon at pagbubuo ng mga ilegal na samahan. Ipiniit siya sa Fort Santiago noong mga unang araw ng Nobyembre. Nilitis siya noong ika-26 ngDisyembre. Pagkaraan ng 3 raw, binasa sa kanya ang hatol ng kamatayan.Pinakaunang dumalaw ang kanyang ina. Humingi si Rizal ng tawad para sa lahat ng paghihirapna idinulot niya sa pamilya at hiniling na kunin nito ang kanyang bangkay. Gusto siyang yakapin ngkanyang ina ngunit pinaghiwalay sila ng mga guwardiya sibil. Sumunod na dumalaw ang kanyang mgakapatid na babae at mga pamangkin. Isa-isa niyang ipinamigay ang kanyang mga nalalabing gamit.Ipinagbilin niya kay Trining ang isang lamparang inihandog sa kanya ng mga Pardo de Tavera. “There is something inside,” ibinulong ni Rizal sa Ingles upang „di maunawaan ng mga guwardiya. Doon niya isiniksikang kanyang huling tula. Disyembre 30, 1896, binaril si Rizal sa Bagumbayan. Ang kanyang huling sinabi bago siya barilin ay “Consummatum est” na ang ibig sabihin ay “Tapos na.” Nakabili ng kabaong ang pamilya Rizal pero ipinagkait sa kanila ang bangkay.Inilibing ito ng lihim sa sementeryo ng Paco. Walang kabaong, walang pangalan.
Halaga at Implikasyon
Sa domyumentaryong ito na pinamagatang “Ang buhay ng Isang Bayani” mula sa deriksyon ni Butch Nolasco ipinakita ang detalyadong mga pangyayari sa buhay ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Sa dokyumentaryong ito‟y ginamit ang kwadernong isinulat ni Rizal ng naglalaman ng kanyang mga alaala. Gumamit din ito ng mga liham na nagmula sa mga taong malalapit sa buhay niya upang mas maagbigay ng detalye sa buhay ni Rizal. Isang magandang dokyumentaryong ito upang madagdagan ang ating mga kaalaman tungkol sa ating mga bayaning si Dr. Jose Rizal.
Pamagat:
The Count of Monte Cristo
Tauhan:
Jim Caviezel bilang Edmond Dantes – Siya ang pangunahing tauhan sa palabas na ito kung saan siya‟y ipinabilanggo sa salang di niya ginawa. Nagdalawang tao upang siya ay makapaghiganti. Guy Pearce bilang Fernand Mondego – Siya ang malapit na kaibigan ni Dantes ngunit siya ay pinagtaksilan. Richard Harris bilang Abbe Faria – Ang kasamang bilanggo ni Dantes na nagturo sa kanya at angsabi tungkol sa nakatagong kayamanan. James Frain bilang J.F. Villefort – Ang taong nagpakulong kay Dantes at nagpahayag na siya ay patay na. Dagmara Dominczyk bilang Mercedes Iguanada – Ang babaeng inibig ni Dantes ngunit ang pinakasalan ay si Fernand. JB Blanc bilang Luigi Vampa – Ang pinuno ng mga kontrabando na tumulong kay Dantes. Alex Norton bilang Napoleon Bonaparte – Ang taong nag-utos kay dantes na magpadala ng sulat na naging mitsa ng pagkakulong nito. Patrick Godfrey bilang Morrell – Ang taong nagmamay-ari ng isang negosyong pagpapadala sa Marseille. Albie Woodington bilang Danglars – Ang kasamahan nila sa barko na tumulong kay Fernand upang ipakulong si Dantes.
Tagpuan:
Ito ay naganap sa France noong mga panahong ito‟y humihiwalay sa mga kamay ni Napoleon Bonaparte.
Buod:
Sa panahon kung saan ang Pransya ay humuhiwalay mula sa mga kamay ni Napoleon, Si Edmond Dantes at ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernand Mondego, ay naghangad ng parehong bagay. Ito ang maging susunod na kapitan ng isang barko ni Morrell sa kanyang negosyo ng pagpapadala sa Marseille at ang kamay ni Mercedes Iguanada. Sina Dantes at Mondego ay inilihis papunta sa Elba sa isang misyon sa pagpapadala dahi ang kanilang kapitan ay nangangailangan ng medikal na atensyon. Ang tulong ay dumating nang hindi inaasahan, isa sa mga personal na manggagamot ng ipinatapon na si Napoleon. Kapalit ng pagtulong ng kanyang mga doktor, kinailangan niya si Dantes upang maghatid ng sulat para sa kanya at ang misyon na iyon at ang sulat ay panatilihing isang lihim. Lingid sa kaalaman ni Dantes na ang liham ay naglalaman ng impormasyon para sa mga Bonapartist sa Marseille upang mailigtas si Napoleon. Isa pa‟y hindi rin niya alam na nabasa ng kanyang matalik an kaibigan na si Fernand ang nilalaman ng liham.
Sa kanyang pagbabalik sa Pransya, umabot sa tuktok ang swerte ni Dantes. Pinangalanan siya ni Morel bilang isang kapitan ng isa niyang mga barko at isang pianbuting buhay na nagtulak kay Dantes na alukin ng kasal si Mercedes, na tinanggap ang alok. Dahil nakamit na ni Dantes ang kanyang mga pangarap, nainggit ang kanyang kaibigan na si Fernand. Alam niya ang laman ng sulat na dala-dala ni Dantes. Kinasabwat niya ang isang kasamahan na si Danglars at pianaalam nila sa mahistrado na si Villefort ang laman ng sulat. Ito raw ay ang maaaring tawagin na pagtataksil para sa bayan. Hinuli sa Dantes ng mga lokal na awtoridad sa harap ni Villefort. Sa kabila n g kanyang determinasyon na si Dantes ay inosente sa krimen, siya ay naging kabado sa pagtuklas na ang
sulat ay para kay Noirtier Villefort. Si Villefort ay isang kilalang Bonapartist at kasabay nito ang pagiging masamang ama sa kanyang anak an gustong maging abogado sa bagon g Pransya. Para mawala lahat ng ebidensiya na magdadawit sa kanyang ama sa balak na pagtakas ni Napoleon. Sinunog niya ang liham at ipinakulong niya si Dantes at dinala sa Chateau D‟If, isang kulungan na may mataas na seguridad, kung saan si Dante ay mabubulok ng isang dekada na walang inaasahang siya ay makakalaya. Kinaibigan ni Dantes ang kasama niyang bilanggo na si Abbe Faria. Siya ay isang magaling na mag-aaral at ang bumago kay Dantes na ginawang matalinong tao. Matanda na si Faria, dahil dito, naisip niya na malapit na siyang mamatay. Dahil dito, sinabi niya kay Dantes ang isang kayamanan at kung saan ito nakalibing. Lihim na nilagay ni Dantes ang kanyang sarili sa sakong paglalagyan ng bangkay ni Faria, na kung saan ito ay itatapon sa bangin at papaanurin sa ilog sa tabi ng bilangguan. Pagkatapos ng mapanganib na pagtakas, nakihalubilo siya at sa huli ay nakipagkaibigan sa isang grupo ng mga kontrabandista sa pamumuno ni Luigi Vampa. Nakagawa si Dantes ng paraan para makabalik sa Marseille at nalihis ang kanyang atensyon sa paghanap ng kayamanan na tinutukoy ni Abbe. Pagkatapos mahanap ang nakatagong kayamanan, ang yaman ni Dantes ay walang katapusan, ngunit sa halip na siya‟y huminto sa isang buhay ng paglilibang, ang kanyang bagong dahilan ay paghihiganti kina Fernand na isa ng konde, Danglars na isa ng baron at kay Villefort na isa ng punong piskal, lahat sila‟y namamalagi sa Paris. Dahil sila ay napapabilang n a sa mataas na lipunan sa Paris, napagtanto ni Dantes na upang makalapit siya dito ay kailangan niyang baguhin ang sarili. Gamit ang kanyang yaman, bumili siya ng isang malaking lupain malapit sa Paris. Matapos nito ay inihayag niya ang kanyang sarili bilang Konde ng Monte Cristo at kahit na walang masyadong nakakakilala sa kanya, ang kanyang proklamasyon na isang konde ay kapani-paniwala dahil sa kanyang mga yaman. Ang konde ay nagplano ng isang kasiyahan sa kanyang bagong lupain at kanyang inimbitahan niya ang matataas sa lipunan ng Paris, kasama ang lahat ng mga taong gusto niyang paghigantihan. Ngayong mayroon na siyang kakayahan na mak alapit sa kanila upang magawa ang kanyang paghihiganti. Si Danglars ay niloko sa isang gawa ng pagkalustay at si Villefort
naman ay inuto upang sabihin lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa sabwatang naganap upang ang sariling ama ay mapapatay. Ang pag-amin na ito ay naganap sa harap ng mga lokal na awtoridad. Ang konde ay naging malapit kina Fernand at Mercedes, na ngayon ay mag-asawa na. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabayad kay Luigi Vampa na dukutin ang anak nito na si Albert. Nagbigyan ng pagkakataon si Dantes na iligtas ang bata, kaya ngayon ang konde ay malugod na tinanggap sa tahanan ng mag-asawa. Dahil sa kanyang kinagawian, Gumaan ang loob ni Mercedes para sa konde sa maikling panahon. Ngunit ang konde ay mayroon pa ring lakas ng loob up ang kunin si Mercedes, kahit na ito ay nagpakasal kaagad pagkaraan ng kanyang pagkakaaresto at nagkaanak kay Fernand makalipas ang sandaling panahon. Ito ay tila isang palatandaan ng kanyang pagtataksil, ngunit nalaman ng konde na ipinahayag ni Villefort na si Dantes ay namatay na makalipas ang simula ng kanyang pagkakabilanggo. Nakipagkasundo si Fernand kay Villefort upang mapangasawa si Mercedes kapalit ang pagpatay sa ama ni Villefort. Ngayong nalaman na napaniwala si Mercedes na patay na si Dantes. Dahil dito bumaba ang galit niya tungkol sa pagpapakasal ni Mercedes kay Fernand. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala dahil sa mabilis na pangyayari. Napagpasyahan na ng konde na siya‟y magbabalik loob kay Mercedes. Ngunit ang yaman ni Fernand ay naubos dahil sa pagsusugal at nagdulot ito ng pag-alis nila sa Paris para maiwasan ng kanyang mga pinag-utangan. Dahil sa ayaw sumunod ni Mercedes kay Fernand kasama ang kanilang anak, nagtapat ito sa konde. Sinab niya na kaya lang siya nagpakasal ay dahil nabuntis siya ni Dantes bago ito makulong. Gusto lang niya na magkaroon ng ama ang batang kanyang dinadala. Sa katotohanan, samakatuwid, ang tuna y na ama ni Albert ay ang konde mismo. Sa wakas, handa na niya itong mapatawad. Ang konde ay muling nahulog sa pagmamahal niya kay Mercedes. At ngayon na ang mga taong nagtraydor sa kanya a y wala na, naayos na niya ang kanilang buhay kasama ang kanilang anak na si Albert. Sila ay nabuhay na masaya upang punuin ang mga nanakaw na sandali na dapat sila‟y magkasamang masaya.
Halaga at Implikasyon
Ang pelikulang pinamagatang “The Count of Monte Cristo” sa deriksyon ni Kevin Reynolds, ay tungkol sa isang lalaki na ikinulong dahil sa kasalanang ibinintang sa kanya. Ang pelikulang ito ay hinango mula sa isa sa mga paboritong basahin na nobela ni Rizal. Ipinapakita ng palabas na ito ang hindi maayos na patakaran pagdating sa hustisya. Na lagi ang mayayaman ang nagwawagi. Ang pangunahing tauhan ay ang siyang naglagay ng batas sa sarili niyang mga kamay. Ito ay marahil naisip niya na hindi matutugunan ito kung siya ay dudulong sa pamahalaan dahil siya‟y mahirap lamang. Ginamit niya ang yamang nahanap upang mag dalawang anyo at maghiganti. Marahil dito ibinase ni Rizal ang katauhan ni Simoun na isang tauhan sa kanyang nobelang El Filibusterismo. Tulad ni Edmond, si Crisostomo Ibarra ay angdalawang an yo upang makapag higanti. Ngunit dapat nating iisipin, lalo na sa panahon ngayon, na ang batas ay hindi natin maaring ilagay sa ating mga kamay.
.