PANIMULA Ngayon Ngayon,, ang lis listah tahan an ng mga mga oport oportun unida idad d sa advert advertise isemen mentt sa kabu kabuua uan n nang nang iba' iba'tt-ib iban ang g mga mga form format at ng media edia ay halo halos s wala walang ng hanggan. Mapapanood sa telebisyon at maririnig mo sa radyo ang iba’t ibang uri ng mga patalastas na nagtatanghal sa iba’t ibang mga produkto at serbisyo. Nagkalat na rin ang mga posters at naglalakihang billboards na nagbibida sa mga produktong kanilang itinatampok. Hindi lamang dito nagtatapos ang mga lathala ng mga produkto, pati na rin sa internet at mga social networks ay karaniwang matutunghayan ito.
Nilal lalayo ayon ng mga naban abang ggit na medyu dyum ng pagla aglallath athala ala o advertisement na makakuha ng pansin at mahikayat ang mga konsumer na tangkilikin at bilhin ang kanilang mga produkto at serbisyo. Gamit ang mga marketing strategies na ito, napapalabas nila ang magandang panig ng kanilang mga produkto. Ngunit kadalasan, pawang mga huwad o di kaya’y kulang ang mga impormasyong ito para mabigyang tulong ang mga mamimili na makagawa ng mabuting desisyon sa pagpili at pagbili.
Sa pagkilala ng mga medya ng komunikasyon sa paglathala, mas magiging matalino at praktikal ang bawat desisyon ng mga konsumer sa kanilang pagbili at maiiwasan ang malawakang panloloko o pandadaya ng mga advertising media. 1
PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang mabuti at masamang epekto ng medya sa gawing pagbili ng mga konsumer partikular na ang mga U01 na mag-aaral ng FILBAS230.
Sa pananaliksik masasagot ang mga sumusunod na katanungan. 1. Anu-ano ang iba’t ibang medya ang ginagamit sa advertisement? 2. Anu-ano ang mabuting epekto ng medya para sa mga konsumer? 3. Anu-ano ang masamang epekto ng medya para sa mga konsumer? 4. Paano
lalabanan ang masamang epekto ng medya sa mga
konsumer?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mamimili o mga konsumer na mapagtanto at timbangin ang kanilang desisyon pagdating sa pagbili ng mga produkto o serbisyong bibilhin. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, tayo ay magkaroon ng kamalayan sa nakakakumbinsing kapangyarihan o convincing power ng medya sa iba’t ibang uri ng tagapanood at tagabasa ng mga patalastas.
2
Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring maging aid ng mga konsumer sa paggawa ng matalinong desisyon sa hinaharap. Hindi na sila madaling mahikayat sa pamamagitan ng mga depektibong mga pangako ng advertisement.
KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA •
Ang advertising ay isang uri
ng komunikasyon inilaan upang
manghimok ng isang madla (mga manonood, mga mambabasa o tagapakinig) upang kumuha ng ilang mga aksyon. •
Ang
online
advertising
ay
isang
anyo
ng
promosyon
na
gumagamit ng Internet at World Wide Web para sa mga layunin na ipinahayag ng paghahatid ng mga mensahe sa pagmemerkado upang maakit ang mga kustomer. Mga halimbawa ng mga online advertising na isama ang contextual ads sa mga resulta ng search engine na pahina, banner ads, Rich Media Ads, Social network ng advertising,
interstitial
ads,
online
na
inuri
sa
advertising,
advertising network at mga e-mail sa marketing, kabilang ang mga e-mail na spam. •
Ang isang social network ay isang sosyal na istraktura na ginawa ng mga indibidwal na (o organisasyon) na tinatawag na "nodes," kung saan ay nakatali (konektado) sa pamamagitan ng isa o mas tiyak na mga uri ng interdependency, tulad ng pagkakaibigan, pagkakamag-anak,
mga
karaniwang
interes,
pinansiyal
na 3
exchange, masuya, seksuwal na relasyon , o mga relasyon ng paniniwala, kaalaman o mabuting pangalan. •
Ang marketing ay ang proseso kung saan ang mga kompanya ay natukoy kung ano ang mga produkto o serbisyo na maaaring makakuha ng interes ng mga mamimili, at ang diskarte sa paggamit sa mga benta, mga komunikasyon at business development.
•
Ang konsumer ay isang malawak na label para sa anumang indibidwal o kabahayan na gamitin ang mga kalakal at serbisyo na nabuo sa loob ng ekonomiya.
•
Ang konsumer behavior ay ang pag-aaral ng kung kailan, bakit, paano, at kung saan ang mga tao ay bumibili n o hindi bumili ng produkto.
•
Ang infomercial ay isang patalastas sa telebisyon na tumatagal ng limang
minute
impormasyon
o
higit
pa.
Nilalayon
sa mga manonood
nitong
tungkol
magbigay
sa mga
ng
adhikaing
panlipunan. •
Ang commercialism ay isang konsepto kung saan nilalayon ng mga negosyante na gamitin ang mga imahe, serbisyo at iba pa upang pagkakitaan.
•
Ang
radio
advertising
ay
isang
form
ng
advertising
sa
pamamagitan ng daluyan ng radyo.
4
•
Ang billboards ay malaking istruktura na matatagpuan sa mga pampublikong lugar na kung saan ipinapakita patalastas sa paglipas naglalakad at motorists.
SAKLAW NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay base sa mga reaksyon at panayam sa 40 na mag-aaral ng FILBAS, seksyon U01 ukol sa masama at mabuting epekto ng medya sa kanilang gawing pagbili o buying habits. Sa 40 estudyante ng U02, kalahati lamang dito ang aming isinurbey. Ang mga karagdagang mga impormasyon ay nanggaling sa internet, aklat at iba pang mga nalathala na may kaugnayan sa pag-aaral.
Nakakatiyak na ang paggawa ng surbey ay sinunod sa sayintipikal na pamantayan upang makasiguro na anumang data na nakalap ay mapagkakatiwalaan. 5
PAGLALAHAD NG MGA DATOS
Isa sa palatandaan ng isang mabisang merkado ay sapat na pagkalat ng impormasyon at mahusay na sistema ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng lathala of advertisement mapupunan ang pangangailangang ito.
Ang medya ay isang mabisang pwersang
nagdadala ng ninais na mga resulta sa pamamagitan ng pag-engganyo sa tagapanood, tagabasa o tagapakinig na tumugon ayon sa ibig na sagot ng advertiser. Nilalayon ng isang lathala na makuha ang atensyon ng mga
inilaang
konsumer
at
mapilitan silang
tangkilikin
ang
mga
iniendorsong produkto o serbisyo.
6
Porsyento ng mgaRespondent na Nahihikayat Bumili ngProdukto dahil saLathala
38%
Nahihikayat Di Nahihikayat 62%
Base sa aming pag-aaral, humigit kumulang 62% o mayorya
ng
mga konsumidor ang nahihimok na sumubok ng isang bagong produkto o brand ng isang produkto kapag ito ay inilathala. Ang mga lathala ay karaniwang binubuo upang maragdagan ang konsumpsyon ng mga mamimili sa isang tiyak na klase ng
produkto sa pamamagitan ng
pagtatatak. Gumagawa sila ng imahe ng isang produkto upang mapukaw ang kyuryusidad ng isang pangkaraniwang tao. Sa pamamaraang ito, nakamtan ng mga advertiser ang kanilang unang layunin na pukawin ang interes ng publiko at kalaunan ay makumbinsi sila na subukan ito.
Ang aktwal na nilalaman at structuring ng mensahe sa isang patalastas
ay
nakapahahatid
ng
epekto
ng
mapanghikayat
na
komunikasyon. Ang mga mensahe na malinaw na nakasaad at simple ang konstruksiyon ay magkaroon ng mas mahusay na pagkakataon na ilahad
7
ang atityud at kagustuhan ng nagpadala o pinagmulan. Sa gayon, malaki ang posibilidad ito ay magdadala ng ninanais na pagtugon (Markin, 1974).
Ayon sa aming panayam, ang mga TV o radio commercial at lathala sa pahayagan at mga magasin ang maituturing na pinakaepektibong mass-market advertising format.
Kabilang sa iba pang instrumento ng
medya, ang mga ito ang madaling ma-access ng mga tao. Kaya hindi na nakapagtataka na kapag tayo ay nanonood ng telebisyon hindi natin maiwasang mapansin na mas mahaba pa ang takbo ng mga patalastas kung ihahambing mo takbo ng oras ng isang palabas. Karaniwang ang mga patalastas ay itinatapat sa mga high-rating na mga palabas upang masigurong marami ang maaabot ng mensaheng ipinababatid. Sa mga pahayagan naman, mapapansing mas marami ang lathala na nakalimbag sa mga pahayagan at magasing nasa nasyonal na sirkulasyon o di kaya’y may maraming mambabasa.
Isa ding mabisang aparato sa advertisement ang mga poster, billboard, fliers at mga leaflets. Mapapatunayan ito sa mga naglalakihang mga billboards na nakatayo sa gilid ng mga kalyeng palaging dinadaanan ng mga motorist.
Ang iba naman ay namamahagi ng mga fliers at
leaflets sa mga matataong lugar katulad ng mall, plasa, labas ng simbahan at iba pa. Nakapaskil rin ang mga nakakatawag pansing mga 8
poster sa mga pook na palaging dinadaanan ng mga tao. Hindi na katakataka na hindi mo na makikita ang tunay na pintura sa pader dahil sa dami ng poster na nakadikit dito.
Sa pag-usad ng makabagong teknolohiya, hindi na rin maiiwasan na umusad din ang pamamaraan ng paglalathala. Hindi na lamang ito limitado sa mga telebisyon, radio at mga nakalimbag na ads, usung-uso na rin ang paglalathala sa internet, lalo na sa mga social networking sites tulad ng facebook, friendster, twitter, myspace at iba pang site kung saan madalas bumisita ang mga internet user.
Ngunit hindi lahat na nakasaad sa isang advertisement ay totoo. Ang iba ay may kasamang pagmamalabis o exaggeration sa paglalarawan at pagbibida ng kanilang mga produkto. Pawang mga magagandang katangian ng isang produkto ang inilalagay sa lathala at ang mga masamang epektong dulot ng produkto ay nilalaktawan. Sa kadahilanang ito, nadadaya ang mga mamimili at hindi nila nakukuha ang karapatdapat na benepisyo kapalit ng kanilang pera.
Bukod sa masamang epekto, mayroon din naming mabuting dulot ang lathala. Sa pamamagitan ng advertisement, malalaman ng mga tao ang iba’t ibang mga produktong maaari nilang pagpilian. Maiiwasan ang 9
monopolyo sa merkado dahil maitatatag ang kompetisyon sa pagitan ng mga prodyuser. Malalaman din ng mga konsumer kung may bagong labas na produkto at madaragdagan ang kanilang mga pagpipilian.
Sa huli, ang pagpapasya kung paano tumugon sa isang lathala ay nasa kamay pa rin ng konsumidor ngunit hindi maipagkakailang malaki ang impluwensya ng advertisement sa desisyon ng mga konsumer. Kaya dapat mahubog ng isang konsumer ang analitikal at mapagtanong na pag-iisip upang hindi agarang maengganyo ng mga mababaw
na
advertisement. Bilang ngmga Respondent na Naniniwala saIba't Ibang Porma ng Lathala 14 12 10 Bilangng 8 Respondent 6 4 2 0 Telebisyon
Radyo
Internet
Newspaper o Magazine
Poster
Porma ng Lathala
PAGLALAGOM
10
Para mas maunawaan ang isang bagay, dapat muna nating kilalanin ito para magkaroon tayo ng malawak na pagbabasehan ng ating mga hinuha. Sa ating pananaliksik nakilala natin ang iba’t ibang uri o porma ng lathala at natutunan rin natin ang intensidad ng impluwensya ng bawat isa. Ang mga advertisement sa telebisyon, radyo, internet, pahayagan, magasin, billboards, fliers at leaflets ay mga halimbawa lamang ng kumakalat na medya na nakaaapekto sa mga desisyon ng mga konsumidor.
Atin ding nahinuha na ang lathala ay parehong may inihahatid na mabuti at masamang epekto sa mga tugon ng mga konsumer. Ang pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng advertisement ay isa sa mga mabuting dulot nito. Nabibigyan din ng mas maraming pagpipilian
ang
mga
mamimili dahil
mayroon silang malawakang
kaalaman. Nag-uudyok rin sa mga negosyante ang advertisement na pagbutihin ang kanilang mga produkto at serbisyo dahil sa mahigpit na kompetisyon sa merkado.
Ngunit kung minsan ang mga advertisement rin ang dahilan kung bakit nadadaya ang mga tao. Hindi lahat na sinasabi sa lathala ay pawing mga katotohanan, halos sa lahat ng pagkakataon may pagmamalabis
11
itong kalangkap o di kaya’y kinukubli ang masamang epekto o side effect ng isang produkto.
KONGLUSYON
Ang isang lathala ay hindi palaging nagreresulta sa agarang pagbili ng produkto ngunit nahihikayat nito ang mga mamimili na subukan ito. Sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng patalastas, ang mga mamimili ay nagkakaroon ng ideya kung ano ang maaaring kapakinabangan ng isang produkto. Kung ang ginagamit na medya sa paglathala ay kapanipaniwala mas malaki ang tsansa na mahikayat ang isang mamimili.
Base sa aming pag-aaral, nakarating kami sa isang kongklusyon na ang mga mamimili ay bulnerable sa makapangyarihang paghihikayat ng advertisement. Labingtatlo sa 21 na respondent
ang nagpatunay na
susubukan nila ang isang produkto kapag ito ay may kalakip na lathala. Bukod dito, sa gitna ng mga iba't-ibang paraan ng advertisement, ang telebisyon at mga pahayagan ay may pinakamalawak
na saklaw ng
impluwensiya.
12
REKOMENDASYON
Ang pagkamulat mula sa pagkamangmang ay isa sa mga hakbang upang tayo hindi agarang maloko o malinlang ng mga naglipanang mga patalastas. Aming inirekomenda na kilalanin mabuti ang isang produktong inilathala bago ito subukan. Dapat maging mapaghanap ang mga konsumer ng impormasy6on at hindi lamang nakadepande sa mga kaalamang ibinibigay ng telebisyon, radio at iba pa. Subukan ninyong tanungin ang mga taong nakasubok na sa mga produktong nais ninyong bilhin
upang
magkaroon
kayo
ng
ideya
kung
ito’y
angkop
at
matutumbasan ba nito ang halaga ng perang iyong binayad. Huwag maging padalos-dalos sa inyong desisyon sa pagbili.
Maaari niyong i-tsek o basahin ang mga review at komentaryo ng mga
ekspertong
mapagkakatiwalaan
manunuri ito
kung
ukol
sa
ihahambing
isang sa
produkto.
mga
mababaw
Mas na
13
advertisement. Ngunit sa huli nasa ang ating desisyon ay nakasalalay sa ating mahusay na paghatol at pagtitimbang.
TALASANGGUNIAN
Schiffman, Leon G. at Leslie Lazar Kanuk. Konsumer Behavior. Jurong, Singapore : Pearson Education Asia Pte Ltd., 2001.
Malkin, Rom J. Konsumer Behavior: A Cognitive Orientation. USA: Macmillan, 1974.
Sternthal, Brian. Konsumer Behavior: An Information Perspective. USA: Prentice Hall College Div, 1982.
Processing
Hawkins, Del I. et al. Konsumer Behavior: Building Marketing Strategy. Boston: McGraw-Hill Irwin, 2004.
Olson, Jerry C. at J. Paul Peter. Konsumer Behavior and Marketing Strategy. USA: Irwin Professional Pub, 2007.
“Marketing” Encyclopedia Britannica. 2009 ed.
Advertising. Nakuha noong Mayo 13, 2010 mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Advertising 14
Trosclair, Carroll. Advertising. Nakuha noong Mayo 15, 2010 mula sa http://advertising.suite101.com/
APENDIKS Sample Ng Mga Nasagutang Surbey
15
16
17
18