Paninigarilyo Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo sigarilyo,, at nilalanghap at nilalasahan ang usok usok.. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga baga.. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng ritwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing gi nagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng kamay.. kamay
Mga sangkap ng sigarilyo? Acetaldehyde - pangunahing metabolic produkto ng ethanol sa proseso ng
conversion sa suka acid. Ito
ay isa sa mga ahente na responsable para sa hangover.
Acetone - nasusunog nakatutunaw.
Hydrocyanic acid - lubhang nakapipinsala syanuro (hinaharangan ang pagtangg ap ng oxygen sa dugo).
Acrolein
- Component na nagiging sanhi ng masamang hininga sa iyong bibig. Alkitran - nakakalason at
carcinogenic substansiya na tumutulong sa pagbuo ng addiction. Siya hinaharangan ang Airways.
Ammonia
- ginagamit sa kimiko mapanganib na mga produkto para sa paglilinis.
Arsenic - Component mataas na damaging - purong lason.
Benzopyrene - carcinogenic substansiya na tumutulong sa proseso ng combustion - ay gumagawa ng
sigarilyo ay hindi malinaw.
Butane - kulay, amoy ngunit mataas m ataas na nasusunog.
DDT
- Pesticides. Dietilnitrosamina - sanhi ng pinsala sa atay.
Penol
- karboliko acid na irritates at erodes aming mauhog membranes. Kung swallowed o inhaled ay
nakamamatay! Bilang karagdagan sa pagiging unti-unti din ang nakakaapekto ang aming central kinakabahan sistema.
Formol - pormaldehayd.
Malakas na metal - lead at kadmyum. Isa ng sigarilyo ay naglalaman ng 1 hanggang 2 MG, sa gayon ay
ang average na buhay ng mga sangkap ay 10 sa 30 taon, binabawasan ang kapasidad ng baga. Bukod sa iba pang mga problema rin maging sanhi ng: dyspnea, baga fibrosis, sakit sa baga, hypertension, baga kanser, prosteyt, bato at tiyan.
Methanol - metil ng alak ginamit bilang fuel para sa mga rockets at kotse.
Karbon monoksid - Gas nasusunog at balisang radioactive.
Naptalina - puting mala-kristal na substansiya, pabagu-bago ng isip, na may amoy antitraça. Nikotina -
isang alkaloyde na ito ay ginagamit din bilang insekto. Kahit na amoy ay ang aktibong sahog sa tabako, mga sangkap na nagiging sanhi ng addiction at kanser sa baga.
Nikelado - Warehousing sa atay at bato, puso, baga, buto at ngipin - nagreresulta sa kanggrenahin ng
paa, magdulot ng pinsala sa myocardium atbp ..
Pyrene
- Carcinogenic haydrokarbon - Ginamit bilang pampalasa.
Ploniumo
- Labis na radioactive.
Epekto
ng sigarilyo sa katawan?
Maaari kang magkaroon ng paninikip ng dibdib, pagbagal ng paghinga o shortness of breath.\ at pagkatuyo ng balat at worst kanser sa baga.
Interview epekto ng sigarilyo naaawa ako sa lolo ko. matanda na sya. sigarilyo na lang libangan nya. pero since may sakit siya pinagbabawal sa kanya yun paninigarilyo. hmmm ok l ang naman kaso hindi pwede yung lagi. pero diba matanda na sya. masama man sabihin konti na lang ang oras nya dito sa mundo. kailangan ng ibigay sa kanya ung mga hilig nya. dun na nga lang sya sumasaya eh. sa tuwing makikita ko sya, lagi sigarilyo hinahanap nya one time nga nakita ko sya naghahanap ng sigarilyo sa basurahan eh. naawa talaga ako gusto ko syang ibili ng sigarilyo. kaso baka ako pagalitan eh. hehe. g anun pala yun sobrang nakakaasik ang sigarilyo. hay never akong mag sigarilyo. diba tama naman ako? kailangan ng pagbigyan ung ganun? matanda na kasi eh. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika. B. PAG- AARAL
Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de
edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba·t ibang media.Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina. Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggang P400,000 at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrative sanctions. Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng info campaign at isama sa school curricula ang masasamang epekto ng p agyoyosi. Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor at siyang pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandang regalo daw sa kanya ng Pangulo ang pagkakalagda sa batas na ito. Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng Oktubre. Kaalinsabay ng temang ´Manila: Smoke-Free Cityµ, nagdaos ng isang forum ang kagawaran kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay, mga kagawad, at mga kinatawan ng anim na distrito ng Maynila. Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga nagsipagdalo ang ´Ang Anti-Tobacco Lawµ o ang Batas Republika 9211 na nagb abawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar partikular na sa nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin ang pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay. Kasama rin sa programa ang pamimigay ng mga leaflets at posters na nagpapakita ng mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga mamamayan, sa kanyang kapwa at sa kanyang lungsod. C. LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng gobyerno upang unti- unting mabawasan ang paninigarilyo sa bansang Pilipinas at ang masamang epekto ng paninigarilyo. D. HALAGA
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag b igay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo n g kabataan. E. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
F. METODOLOHIYA
Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo. Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base s a kanilang kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang ´internetµ balita at dyaryo upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik. G. SAKLAW/ DELIMITASYON Ang pananaliksik tungkol sa ´Epekto ng Paninigarilyoµ ay sumasakop lamang sa epekto ng paninigarilyo sa katawan ng mga tao sa bansang Pilipinas. Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo. H. DALOY NG PAG- AARAL
Negatibo lahat ang epekto ng paninigarilyo na nabanggit ng mananaliksik dahil ang paninigarilyo ayon sa mga natanungan ay masarap sa pakiramdam ngunit mali talaga. An paninigarilyo ay mapanganib sapagkat ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamang sa taong gumagawa nito kung hindi na rin sa taong naka paligid sa naninigarilyo mismo. Ayon sa mga suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik na tugunan at ipaalam sa mga mambabasa ang malaking epekto ng paninigarilyo sa mga Pilipin o. Layunin din ng pananaliksik na ito ang makatulong sa pamamahagi ng mga impormasyon tungkol sa masamang epekto nito. Gumawa ang mga mananaliksik ng mga paraan upang matagumpay na maipamahagi ng pananaliksik na ito ang impormasyon tungkol sa mga epekto ng paninigarilyo sa mga gumagawa nito. Gumamit ng mga kasanayan sa pagsulat ng akademikong papel at naghanap ng mga taong makakapanayam upang kunin ang sariling p ananaw ng bawat isa bilang representasyon ng publiko tungkol sa ppaninigarilyo at nangalap din ng karagdagang impormasyon sa mga internet sites bilang p ang-suporta sa pananaliksik na ito. II. INTRODUKSYON SA PAKSA ANG SIGARILYO
· Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser. · Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran. · Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito. · Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mg tambutso ng sasakyan. · Ang tar ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri. Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tob acco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas. III. KATAWAN
Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng b lood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng p aparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema. Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Ang Nicotine na nasa usok ng sigarilyo ay nagpapataas ng blood pressure. Dahil d itto, nagiging mas mabilis ang pagtibk ng puso, at mangangailangan ng mas maraming Oxygen, ngunit dahil s a Carbon Dioxode, ang kemikal na nasa usok ng sigarilyo, nababawasan ng 15% ang Oxygen na nakakaating sa puso. Ang Nicotine ay sanhi ng mga build up ng taba sa mga ugat, na nakapagpapababa ng blood pressure. Ang iba naming mga kemikal ay pumapasok sa agos ng dugo at humahadlang sa normal na sirkulasyon ng katawan. Dahil sa nababarahan ang mga ugat ay nagkakaroon ng mga sakit at atake sa puso. Maaari ring magkaroon ng pananakit ng paa, at pamamaga ng hita. Kapag ang mga ugat sa utak naman ang inatake nito, maari ring magkaroon ng problema sa paningin tulad ng pagkabulag.
Ano ang relasyon ng paninigarilyo sa Kanser? Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkamatay sa Lung Cancer ng hanggang 20 bese, ayon sa Lung Center of the Philippines. 9 sa 10 taong namamatay sa lung cancer ay naninigarilyo. Ang paninigarilyo rin ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa bibig, lalamunan at esophagus ng 2 hanggang 20 beses. Ang pagkakaroon ng kanser ay tumataas rin maging sa mga bahaging hindi diretkang apektado ng usok ng sigarilyo tulad ng pancreas, kidneys, urinary bladder at cervix. Ano pa ang maaring maidulot ng Paninigarilyo? Ang mga naninigarily ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, lagging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga. Nakaaapekto ba ang usok nito sa mga taong hindi naman naninigarilyo? Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. ANg mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser. Ang mga bata/ anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon. Nakalulungkot sa tao ang laging paninigarilyo Ang paninigarilyo ay hindi nakapagpapasaya - ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna ni Dr. Lain Lang hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay n akararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon pa rin sa kanilang pag-aaral, ang pleasure na nararanasan ng mga Smokers ay dahil lamang sa adiksyon sa patuloy na paghithit ng sigarilyo. Ipinapayo rin ng mga dalubhasa na kung nais ng
isang tao na makaranas ng kasiyahan, mabuting pangangatawan at satisfaction s a buhay ay mas maiging tigilan na ang paninigarilyo. IV. KONKLUSYON AT R EKOMENDASYON
KONKLUSYON Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.
REKOMENDASYON Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo s a tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng p agkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics. Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng mamamayang Pilipino.