PAGSUSULIT YUNIT I ARALIN I Sagutin kung ano ang tinutukoy. 1. Ito ang katipunan ng iba't ibang paniniwala at mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa. 2. Mga kwento na ang palaging kumikilos o gumagalaw ay mga hayop. 3. May layunin itong mailarawan ang isang katotohanang moral o espiritwal sa isang matalinghagang paraan 4. Ito ay mga kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong- bayan at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. 5. Ito ay mga kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan palibhasa sila mismo ang pinagmulan. 6. tawag sa mga salaysay na sinulat ng mga paring Espanol upang magbigay ng halimbawa sa kanilang mga pangaral. 7. Tumutukoy ito sa maayos at kawing-kawing na mgapangyayari na kapag nakalas ay tapos na ang'kwento. 8. Ito'y mga taong nilikha ng may-akda na akala mo ay buhay-nagsasalita, nag-iisip, tumatawa, o di kaya'y nananaghoy 9. Lokasyon at panahon ng kwento 10. Tumutulong sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha.
ARALIN 3 Tukuyin ang mga sumusunod: 1. Karaniwang inaakay ng manunulat ang mambabasa sa malalim na pag-iisip, pinapaglakbay ang guniguni sa tulong ng matitipunong kuro at magagandang pananalita. 2. Malimit na nasusulat sa unang panauhan at palagay na palagay ang loob ng mayakda. 3. May kinalaman ito sa paraan ng pa sunod ng detalye upang matamo ang isang impormasyon o bisa.
4. Salita o katagang panghalili sa pangngalan 5. Tatlong uri ng panghalip panao
ARALIN 4 Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 2. Ito ang pagkakatulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod 3. Napapaloob dito ang talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro, at guniguni ng makata. 4. Upang mailarawan ito, gumamit ang makata ng mga piling-piling salita na nakagigising sa mayamang guniguni ngmambabasa. 5. Ibigay ang apat na elemento ng tula.
ARALIN 5 Ibigay ang tinutukoy. 1. Ito ang mahalagang tatak ng isang kathang pampanitikang naglalayong mapasigla ang diwa't kaisipan ng tagabasa. 2. Nagaganap sa pamamagitanng pananawagan sa ating mga pandama at paggising sa ating mga alaala. 3. Nararanasan pagkatapos makibahagi sa nadarama ng mga tauhan.Lilikha ito ng pilat sa sariling katauhan. 4. Tatlong pangunahing sangkap ng mahusay na nobela 5. Ito ay paghahambing ng pagkakahawig dalawang tao, bagay, o pangyayari.
YUNIT II ARALIN 1 1. Ito ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o sa iba pang pang-abay. 2. Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. 3. Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. 4. Naglalarawan kung paano naganapt nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. 5. Naghuhudyat ng di-katiyakan. 6. Nagsasaad ng pagsang-ayon. 7. Nagsasaad ng pagtanggi. 8. Nagsasaad ng timbang o sukat. 9. Nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. 10. Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkakaganap ng kilos ng pandiwa. ARALIN 2 Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod: Masasabing klasiko ang isang akda kapag: 1. hindi naluluma, hindi pinagsasawaan, at lalaging makabuluhan sa lahat ng panahon; 2. sumusunod sa mahigpit na tuntunin ng katwiran at mga pormal na utos o hatol ng retorika at poetika; 3. may mahusay na balanse ng mga sangkap intelektwal at senswal na sining; 4. mapauunlad ang pinakamababang na antas ng isipan ng tao 5. nakalilinang ito ng mga simulaing pilosopikal lamang.
ARALIN 3 Tukuyin ang mga sumusunod: 1. Ang minamahalaga sa pagsasalin ay ang kahulugan kaysa sa istruktura ng pangungusap. 2. NakaIukob na ang tagasalin sa estruktura ng pangungusap dahil ito ang nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag. . 3. Pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo na sa orihinal 4. Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal. 5. Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Iniaangkop ang salin sa natural na anyo ng wikang pinagsasalinan. 6. Pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural na tunog. 7. Nagtatakda itong maisalin ang eksaktong kontekstwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng mambabasa. 8. Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa impor-masyong sinasabi o iniuugnay sa paksa. 9. Ito ang pinag-uusapan o sentro o pokus ng usapansa pangungusap. 10. Ang pinakasimple at pinakamaikli ngunit pinakakumpleto ring uri ng pangungusap.
ARALIN 4 Tukuyin ang mga sumusunod: 1. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula 2. Ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog sa hulihan o dulo ng mga huling salita sa bawat taludtod ng tula. 3. Ito ang pangkalahatang tema o kaisipan ng tula 4. Ito ay tumutukoy sa lahat ng pamamaraang ginamit ng makata sa tula upang higit na maging mabisa at matingkad ang diwang inihayag niya.
5. May kinalaman sa organisasyon o pagkakabuo ng teksto, ang himig, o tono nito, ang mga sangkap na ginamit gayangmga imahen, mga tayutay, simbolismo, sukat, tugma, at ahg mga kaisipan o damdaming nakapaloob dito.
ARALIN 5 Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod: 1. Ang teoryang impresyonista ay isang kalakarang panglinggwistikia na sariling tugon ng mambabasa sa akda ang binibigyang-pansin. 2. Sa kasalukuyan hindi tinatanggap itong lehitimong dulog sa pag-aaral ng panitikan 3. Ang reader-response theory ay naglilinaw na may papel ang mambabasa sa pagbibigay ng kabuluhan sa akda. 4. Ayon kay Hans Robert Jauss, ang papel ng isang kritiko ay mamagitan kung paano tiningnan ang teksto sa nakaraan. 5. Ginamit ng tagabasa ang kanyang kaalaman, sensibilidad, karanasan, ugali, at damdamin sa pag-unawa at pagtalakay sa akda. 6. ARALIN 7 1. Bayani, martir, rebede, ang mabagsik na madrasta 2. Paghahanap, inisasyon o pagpapasimula, paglalakbay, pagbagsak, kamatayan, at pagkabuhay 3. Gumagamit ng tambalan 4. Ang teoryang arketipo o symbolic ay tinatawag ding mitolohikal o ritwalistiko. 5. Ang mga banghay, tauhan, tema, at imahe sa mga akda ay mga komplikasyon o interpretasyon ng mga magkakatulad na elemento ng mga matatandang mito at alamat.
YUNIT I ARALIN 1 1. Mitolohiya 2. Pabula 3. Parabula 4. Alamat 5. Kwentong bayan 6. Karaniwang kwento 7. Banghay 8. Tauhan 9. Tagpuan 10. Paningin ARALIN 3 1. 2. 3. 4. 5.
Maanyo o pormal na sanaysay Pamilyar o di-pormal na sanaysay Anyo at estruktura Panghalip panao Panauhan, Kaukulan, At Kailanan
ARALIN 4 1. 2. 3. 4. 5.
Sukat Tugma Makabuluhang diwa Kariktan Tunog, Talinhaga, Larawang Diwa, Simbolo
ARALIN 5 1. 2. 3. 4.
Bisa sa isip Bisa sa damdamin Bisa sa kaasalan ang kwento o ang kasaysayan ang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng sangkatauhan ang paggamit ng malikhaing guniguni 5. paghahalintulad o analogy
YUNIT II ARALIN 1 1. Pang-abay 2. Pang-abay na pamanahon 3. Pang-abay na panlunan 4. Pang-abay na pamaraan 5. Pang-abay na pang-agam 6. Pang-abay na panang-ayon 7. Pang-abay na pananggi 8. Pang-abay na panggaano 9. Pang-abay na kawsatibo10. Pang-abay na benepaktibo ARALIN 2 1. 2. 3. 4. 5.
Tama Tama Tama Mali Mali
ARALIN 3 1. Malayang pagsasalin 2. Di-malayang pagsasalin 3. Adaptasyon 4. Matapat 5. Idyomatikong salin 6. Saling semantika 7. Komunikatibong salin 8. Panaguri 9. Paksa 10. Batayang pangungusap
ARALIN 4 1. 2. 3. 4. 5.
Sukat Tugma Makabuluhang diwa Kagandahan o kariktan Teoryang pormalismo
ARALIN 5 1. 2. 3. 4. 5.
Mali Mali Tama Tama Tama
ARALIN 7 1. 2. 3. 4. 5.
Arketipong tauhan Arketiong pangyayari Arkettpong simbolo at kaugnayan Tama Tama