N I SA NG SAMBAYANAN A ISA ANG G M MISA PASIMULA Awiting Pambungad PARI (P) : Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. BAYAN (B) : Amen! P:
B:
Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat…
At sumaiyo rin!
PAGSISISI SA K KASALANAN ASALANAN P:
Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. P & B:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (ang lahat ay dadagok sa dibdib)
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P:
B:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Amen.
A PANGINOON K KAAWAN AAWAN MO K KAMI MI P: B:
Panginoon, kaawaan mo kami.
P: B:
Kristo, kaawaan mo kami.
P: B:
Panginoon, kaawaan mo kami.
P:
B:
Panginoon, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Amen.
043 – A – P PANUNUMPA NUNUMPA Ikaw lamang ang pangakong mahalin sa sumpang sa ‘yo magpakailan pa man. Yakapin Mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang alay at mapapawi ang takot sa ‘kin pangakong walang hanggan. Ikaw lamang ang pangakong susundin, sa takbo sakdal, liwanagan ang daan. Yakapin Mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang alay at mapapawi ang takot sa ‘kin pangakong walang hanggan. Ikaw ang siyang pag-ibig ko. Asahan mo ang katapatan ko. Kahit ang puso ko’y nalulumbay, mananatiling ikaw pa rin. Ikaw lamang ang pangakong mahalin sa sumpang sa ‘yo magpakailan pa man. Yakapin Mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang alay at mapapawi ang takot sa ‘kin pangakong walang hanggan. At mapapawi ang takot sa ‘kin ‘pagkat taglay lakas Mong angkin.
044 – – SIYA Buhay ko’y may kaguluhan ang landas walang patutunguhan. Kaibigan, ano kaya ang kahahantungan? Ngunit salamat ako’y natagpuan binigyan N’ya ng kapayapaan. Tanging kay Hesus, mayro’ng tagumpay. (Koro) Koro: Siya ang aking patnubay, Siya ang aking gabay. Siya sa aki’y nagbigay buhay. Si Hesus ang katotohanan, si Hesus ang daan. Siya ang tanging Panginoon, magpakailan pa man. At ngayon sa aking buhay sa tuwina Siya’y nagbabantay. Ang pag-ibig Niya’y tunay na walang kapantay. Hinding-hindi na ako mangangamba si Hesus laging kasama. Siya ay akin at ako’y sa Kanya. (Koro)
P PAGHAYO AGHAYO SA P PAGWAWAKAS AGWAWAKAS P: B:
Sumainyo ang Panginoon.
At sumaiyo rin!
P:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos (†), Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
B:
Amen!
P:
Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
B:
Salamat sa Diyos!
Awiting Pangwakas