MGA KOMPONENT NG KOMUNIKASYON
Amur M. Mayor-Asuncion, Ed D
Ang komunikasyon ay isang prosesong nilalahukan o sinasalihan. At yamang ito ay isang proseso, ito ay kinapapalooban ng mga hakbang. Ayon kay Saymo (2001), ang mga hakbnag na ito ay nagsisimula sa pag-iisip o “pagsilang” ng ideya o mensahe sa isip ng ispiker. Sinusundan ito ng paglilikha ng ispiker ng mga simbolong kakatawan sa ideyang kanyang nais na ipahayag. Matapos mapagpasyahan ng isipiker ang mga simbolo, siya ay nagiging handa na upang ipahayag ang ideya gamit ang mga angkop na kilos at galaw. Sa bahaging ito, pumapasok ang paglilipat ng mensahe mula sa ispiker tungo sa tagatanggap. Ang ikalimang hakbang ay ang pagtanggap ng isa pang kalahok sa mensahe ng ispiker. Ito ay kanyang dinedekowd o binibigyang-kahulugan batay sa kanyang pagkaunawa. Matapos ito ay tumutugon ang tagatanggap. Ang huling hakbang ay ang pagmomonitor ng ispiker kung paano binigyang-kahulugan ng tagatanggap ang kanyang mensahe. Nakapaloob sa prosesong ito ang mga komponent o elemento ng komunikasyon na mahalagang maunawaan ng bawat indibidwal nakikibahagi rito. Ang pagsasaalang-alang sa mga komponent na ito ay nakapagtatagumpay ng anumang gawaing pangkomunikasyon.
ABUTIN MO! Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang: A. B. C.
naiisa-isa ang kahalagahan at kalikasan ng bawat isang komponent ng komunikasyon napaghahambing ang berbal at di-berbal na komunikasyon nakapagbibigay-halimbawa ng mga mensaheng ginagamitan ng iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon
SIMULAN MO! A.
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang ng proseso ng komunikasyon ayon kay Saymo (2001). Lagyan ng bilang 1-8.
__________
Pagpili ng simbolo na kakatawan sa mensahe
__________
Pagmomonitor ng ispiker sa kanyang tagatanggap
__________
Pagtugon ng tagatanggap
__________
Pagpapahayag ng mensahe
__________
“Pagsilang” ng ideya o mensahe
__________
Paglilipat ng mensahe
__________
Pagbibigay-kahulugan ng tagatanggap
__________
Pagtanggap ng mensahe
ALAMIN MO! Ang mga sumusunod ay ang mga komponent sa proseso ng komunikasyon na dapat isaalang-alang upang maging mabisa ito: A.
ANG TAO BILANG KALAHOK
Dalawa ang ginagampanan ng tao sa proseso ng komunikasyon. Kapwa ginagamapanan ng tao ang pagiging tagahatid (ispiker) at gayundin ang pagiging tagatanggap (awdyens) ng mensahe. Ang tagahatid (ispiker) ang siyang nagpapasimula ng mensahe samantalang ang tagatanggap (awdyens) ang target ng mensahe. Patuloy at halos sabay na ginagampanan ng isang indibidawal na kalahok sa komunikasyon ang pagiging tagapagbigay at tagatanggap ng mensahe. Ang kalahok kanyang sariling pagkakaiba-iba ng motibasyon at mga B.
ay maaaring makalikha ng kahulugan batay sa karanasan kaya’t posibleng magkaroon ng pagpapakahulugan dala ng kanyang nakaraan, katangiang personal.
MENSAHE
Ang mensahe ay ang anumang berbal at di berbal na anyo ng isang ideya, kaisipan o damdamin na nais iparating ng ispiker sa kanyang awdyens. Ang mensahe ang nilalaman ng komunikasyon. Ito ay kinabibilangan ng mga simbolong ginagamit upang maiparating ang mga ideya gayundin ang ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan, kumpas, tinig at iba pang di berbal na koda. Naniniwala ang mga eksperto na ang tunay na komunikasyon ay nagsisimula sa mga sinasadyang (intentional) na mensahe at may layunin. Subalit taliwas dito sina Pearson at Nelson (2000). Ayon sa kanila, mahirap patunayan ang intensyon ng isang komunikasyon, kaya’t naniniwala sila na ang tunay na komunikasyon ay maaaring maganap sa sinasadya o di sinasadyang mensahe. Samantalang sinabi nina Hybels at Weaver (2001), ang mga ideya at damdamin na ito ay kinakatawan ng mga simbolo.. Ang mga salita sa isang wika ay mga simbolong berbal na kumakatawan sa isang partikular na konsepto o ideya. Ang mga simbolong ito ay
limitado at kumplikado. Madalas may mga salita na maaaring kumatawan sa hindi lamang iisang konsepto. May dalawang uri ng simbolo: ang berbal at di berbal na simbolo: 1.
Ang mga berbal na simbolo ay mga salita sa isang wika na kumakatawan sa isang partikular na bagay, konsepto o ideya. Ang mga simbolong kumakatawan sa mga bagay ay mga simbolong kongkreto samantalang abstrakto naman ang mga simbolong kumakatawan sa mga konsepto o ideya. Ang mga berbal na simbolo ay maaaring sa paraang pasalita o pasulat.
2.
Ang mga di berbal na simbolo naman ay iyong mga simbolong hindi ginagamitan ng wika kundi ito ay iyong mga ginagamitan ng kilos o galaw tulad ng kumpas, ekspresyon ng mukha at iba pa.
Sinabi naman nina Beebe et.al (2004), ang mensaheng ibinibigay ay maaaring maiba sa pagkakaunawa ng tumatanggap nito sapagkat ang kahulugan ay nabubuo sa sa puso at isip na tumatanggap. C.
LAYUNIN
Ang layunin ay ang inaasahan ng bawat kalahok na magiging kalalabasan o resulta ng anumang interaksyon. Kung malinaw na natutukoy ng ispiker ang kanyang layunin, nalilinang ang kakayahang pangkomunikasyon nito at nakalilikha ng pokus ng interaksyon kaya’t nagagabayan ang kanyang sasabihin at ang kanyang pamamaraan ng pagsasabi nito. D.
TSANEL
(DALUYAN)
Ang tsanel ay ang daluyan ng mensahe mula sa tagapagbigay ng mensahe tungo sa tagatanggap. Ito sa pamamagitan ng airwaves sa telebisyon, soundwaves sa radyo, light at soundwaves sa kompyuterat gayundin sa harapang pakikipagkomunikasyon.
E.
FIDBAK
(TUGON)
Ang fidbak ay ang tugong berbal o di-berbal ng tagatanggap ng mensahe sa ispiker. Di limitado ang fidbak sa paggamit ng wika sa pagtugon sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Sapat na ang ekspresyon ng mukha o galaw upang maipakita ang katugunan sa isang mensahe. O maaari rin namang walang katugunan dahil maaaring di narinig ng kinakausap ang mensahe ng ispiker dala ng kaabalahan o ingay sa kapaligiran. Maging ito ay itinuturing na fidbak. Ang fidbak ay mahalaga sa komunikasyon dahil ipinakikita nito sa mga kalahok kung ang nais bang maibahagi ng ispiker ay nakarating sa pinatutungkulan nito ayon sa nais ipakahulugan (intensyon). Ayon pa rin kay Hybels at Weaver (2001), sa pangkalahatan, mas kakaunti ang kalahok, mas malaki ang oportunidad na magkaroon ng makabuluhang fidbak. Ayon naman kina Arrogante at Buenaventura (1999), bukod sa pagiging berbal at di berbal, ang fidbak ay maaaari rin namang nakikita o di-nakikita at intensyunal o di- intensyunal. F.
KODA
Ang koda ay ang sistematikong pagsasaayos ng mga simbolo na ginagamit upang makabuo ng kahulugan. Ang tuntuning sintaks at pambalarila ng isang wika ang nagiging resulta ng sistematikong pagsasaayos nito at nagiging koda. Ang dalawang uri ng koda na ginagamit sa komunikasyon ay ang kodang berbal at ang kodang di-berbal. Ang kodang berbal ay ang mga simbolo at ang ayos gramtikal nito. Samantala, ang kodang di-berbal naman ay ang tumutukoy sa mga simbolong nakikita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, layo at oras, pananamit at mga adorno at mga tunog maliban sa salita. Subalit di dapat ipagkamali ang kodang berbal sa kodang dioral. Lahat ng kodang di-oral tulad ng galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha ay kodang di-berbal. Ngunit kinabibilangan din ng kodang di-berbal ang mga kodang oral tulad ng tono, bilis ng pagsasalita at sambitla tulad ng ah at eh at mga katulad pa nito.
G.
PAG-EENKOWD AT PAGDEDEKOWD (ENCODING AT DECODING)
Yamang ang komunikasyon ay gumagamit ng koda, ang proseso ng komunikasyon ay maaaring encoding o decoding. Ang encoding ay ang akto ng paggamit ng koda ng komunikasyon upang kumatawan ng mga ideya at kaisipan. Samantala ang decoding naman ay ang pagtatalaga ng kahulugan sa ideya o kaisipan. Magkaminsan, nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan dala ng kakapusan ng kaalaman sa wikang ginagamit at ng mga salita ng paglalarawan. H.
INGAY O MGA SAGABAL
Ang ingay ay ang mga sagabal na matatagpuan sa proseso ng encoding at decoding. Ito ang nakapagpapalabo ng mensahe. Ang ingay ay maaaring pisikal, mental, sikolohikal o semantiko. Ito ay anumang nakasasagabal sa pagtanggap at pagbibigay –kahulugan at pagbibigay ng fidbak sa mensaheng natanggap. Ang ingay ay maaaring magmula sa mga kalahok. Nagbigay sina Hybels at Weaver (2001) ng mga nayo ng ingay: ang panlabas, panloob at semantiko. Ang panlabas na ingay ay iyong nagmumula sa kapaligiran kaya’t napipigilan nito ang pagkaunawa ng mensahe. Ito ay di lamang tumutukoy sa mga tunog na naririnig sa kapaligiran kundi gayundin sa iba pang mga sagabal sa paligid na nakaaapekto sa pagkaunawa ng mensaheng tinanggap. Ang panloob na ingay naman ay iyong mga nagmumula sa isipan ng mga kalahok, kung ang kanilang damdamin at kaisipan ay nakapokus sa iba pa maliban sa nagaganap na komunikasyon. Ang ingay-semantiko naman ay dala ng emosyunal na reaksyon ng tao sa salitang kanyang natatanggap.
I.
KONTEKSTO
Ang konteksto ay tumutukoy sa bilang ng mga kalahok at ang setting o tagpuan kung saan ginaganap o gaganapin ang komunikasyon. (Nuval,et.al) Nagkakaiba ang komunikasyon ayon sa bilang ng mga kalahok, pormalidad ng okasyon at tuntunin na nararapat at di-nararapat na kilos o gawi. Ang pakikipag-usap sa maliit na pangkat ay iba sa pakikipag-usap sa malaking bilang ng awdyens. May apat na konteksto ang komunikasyon. 1.
INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON
Ito ay ang komunikasyon sa sarili. Ito ay kinapapalooban ng mga kaisipan, damdamin at pagtingin sa sarili. At dahil ito ay nakasentro sarili, ang tagahatid at tagatanggap ay ang sarili. Ang mensahe ay ang sariling kaisipan at damdamin ng isang indibidwal. Ang tsanel ay ang utak na nagpoproseso ng naiisip at nadarama. Mayroong fidbak dahil nakikipag-usap ang indibidwal sa sarili. Ito rin ay nagaganap kung tinataya (evaluate) natin ang ating mga inteksyon sa kapwa. Bukod dito, kabilang din ang pag-aanalisa ng mga kasalukuyang suliranin, pagpaplano sa hinaharap at pagtataya ng sarili at ng pakikipag-ugnayan sa iba. Magkagayunman, may ilang mga dalubhasa na di sumasang-ayon sa pag-aaral ng komunikasyong intrapersonal bilang bahagi ng komunikasyon. Naninindigan sila na ang komunikasyon ay nagaganap lamang sa pagitan ng 2 o higit pang tao. Ayon pa sa kanila, mas nararapat itong pag-aralan sa mga disiplinang tulad ng Sikolohiya o iba pang larangan sa pag-aaral ng isip at utak. Bagamat itinuturing ng maraming iskolar ang intrapersonal bilang isa sa mga konteksto ng komunikasyon. (Nelson at Pearson, 2000) 2.
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
Ang interpersonal na komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawang indibidwal na kalimitan ay nasa imporamal na kapaligiran. Ang uring ito ay kadalasang kinabibilangan ng dalawang tao o kung minsan ay maaaring higit pa. Kaya’t ang uring ito ay maaaring hatiin
sa dalawa: ang una ay ang dalawahan o dyadic at ang ikalawa ay ang maliit na pangkat o small group na kinabibilangan naman ng hindi hihigit sa sampung kalahok na may isang pangunahing nilalayong matatamo. Ayon kina Nelson at Pearson (2000), ito ay proseso ng pagaayon ng mga kahulugan sa pagitan ng dalawang (o higit pa) tao sa isang sitwasyon na binibigyan ng oportunidad na makapagsalita at makinig. Sa pamamagitan ng interpersonal na komunikasyon, ang mga tao ay nakabubuo ng ugnayan sa iba tulad ng pakikipagkaibigan o romantikong pakikipag-ugnayan. 3.
KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
Sa komunikasyong pampubliko, ang ispiker ay naghahatid ng mensahe sa awdyens o madla. Kadalasan ang ispiker ay naghahatid ng mensaheng nasa pormal na istruktura at gumagamit ng mga katulad na tsanel ng interpersonal na komunikasyon- subalit sa mas eksaheradong paraan- tulad ng paggamit ng higit na malakas na tinig at mga galaw at kumpas. Maaari ring gumamit ang ispiker ng mga awdyo-biswal na kagamitan. Subalit sa pangkalahatan, limitado ang pagkakataon para sa mga berbal na fidbak. Kadalasan, may pagkakataon lamang ang awdyens na makapagtanong matapos ang talumpati ng ispiker. Magkagayuman, maaaring makapaghatid ang awdyens ng fidbak tulad ng pagtango, pag-iling o pagpalakpak. Sa pangkalahatan, ang komunikasyong pampubliko ay pormal. Ayon pa kina Nelson at Pearson (2000), iniaayon ng ispiker ang mensahe sa uri ng awdyens sa pagtatangkang matamo nito ang maximum na pag-unawa mula sa kanila. Epektibong nagagamit ito bilang pagbibigay-impormasyon at panghihikayat. 4.
MASS COMMUNICATION
Tulad ng pampublikong komunikasyon, ang mensaheng inihahatid sa mass communication ay higit na pormal ang istruktura at may malaking bilang ng awdyens ang nasasakop. Dito rin, higit na marami ang bumubuo ng mensahe. Tulad halimbawa sa isang TV show – ito ay binubuo ng mga manunulat, direktor, technical staff, producer, mga aktor at aktres.
Sa mass communication, pinagtatagpo ang tagahatid at ang malaking bilang ng di nakikitang awdyens o tagatanggap. Ang mediator tulad ng satellite o cable system ay ang tumatayong tsanel samantalang ang pamamaraan naman ay ang distribusyon. Ang komunikasyong ito ay tinatawag na mass dahil ang mensaheng dumaraan sa telebisyon, radyo, komputer, pahayagan at magasin ay umaabot sa milyong tagatanggap. MGA ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON “Action speaks louder than words”… Madalas nating marinig ang kasabihang ito lalo na kapag may mga bagay na hindi natin kayang isawika o di kaya naman ay may mga kilos o galaw ang mga tao sa ating paligid na nagmumungkahi ng mga kahulugan. Ipinapakita lamang ng kasabihang ito na ang diberbal na komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng ating pakikipag-ugnayan sa kapwa. May iba’t ibat anyo ang ang di berbal na komunikasyon: 1.
PROXEMICS
Ang proxemics ay tumutukoy sa layo o pagitan ng mga kalahok o participants. Maaaring mabago ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal ayon sa layo o lapit ng kanyang ugnayan sa kanyang kinakausap. Halimbawa na lamang ng usapan sa pagitan ng mag-ama. Sasabihin ng anak, “Dad, ang gwapo natin ngayon, ah!”. Mas madalas kaysa hindi ang nagiging sagot ng mga ama ay “Magkano ang kailangan mo?” na may himig ring pagbibiro. Nangangahulugang gayon magkalapit ang mag-ama na nalalaman kaagad ng higit na nakatatanda ang istilo ng anak kapag ito ay may gustong sabihin sa kanya lalo pa at ito ay may kaugnayan sa paghihingi ng dagdag sa allowance. Samantalang kung sasabihin ng anak ang katulad na dayalogo sa iba, maaaring makatanggap siya ng ibang tugon. Maaari rin namang ang pagitang tinutukoy ay iyong pisikal na layo. Bakit kakailanganing sumigaw kung ang kausap ay halos isang metro lang ang layo? Gayundin naman, mangangailangan ka ng mikropono kung ikaw ay kinakailangang magsalita sa isang malaking bulwagang may malaking bilang ng tao.
2.
CHRONEMICS
“Ang oras ay ginto”, ang sabi nga. Ito ang isang malaking kahinaan sa mga Pilipino kaya’t nagkaroon ito ng pangit na impresyon ng pagiging palaging huli. At yamang palasak ang Filipino Time (being not always on time), tila nagiging manhid na ang Pilipino rito at tinatanggap ito bilang normal na penomenon na lamang. Subalit ang gawing ito ay nagpapakita ng kawalan ng interes o di kaya naman ay kawalan ng disiplina. Ang palagiang pagkahuli sa pagpasok sa eskwela, sa pagpasa ng mga proyekto o maging sa pinakasimpleng pagkahuli sa pakikipagtapo ay naghahatid ng mensaheng kawalan ng interes sa gawain o sa kung sino mang pinaghihintay ng matagal na oras. Ang paglalaan din ng mahabang oras sa isang kaibigan ay pagpapakita ng interes at kawalan naman nito kung sa ilang minutong pakikipag-usap pa lamang ay kakikitaan na ng pagkabagot. 3.
KINESICS
Ang kilos ng katawan ay maaari ring maghudyat ng mensahe. Ang palagiang paghihikab sa kalagitnaan ng pakikinig sa klase, ang di maayos na pag-upo, ang pagkamot ng ulo ang madalas Ang palagiang paghihikab sa kalagitnaan ng pakikinig sa klase, ang di maayos na pag-upo, ang pagkamot ng ulo nang madalas habang nagpapaliwanag ay mga halimbawa ng kinesics o body language. 4.
HAPTICS
Bakit may nagdedemanda ng sexual harassment samantalang ang taong nagsagawa naman ng paghaplos o pag-akbay kaya ay nagsasabing “wala naman itong malisya”? Ang haptics o paggamit ng sense of touch ay isang pamamaraan ng paghahatid ng mensahe. Ang paghawak sa kamay ay maaaring pagpapakita ng pangangailangan ng karamay o di kaya naman ay pagdamay. Ang paghampas sa likod ay maaaring pagbati o pagpapakita ng galit. Ang tapik sa balikat ng isang manggagawa mula sa kanyang iginagalang ng superbisor dahil sa isang mahusay na paggawa ay sapat na upang makawala ng kanyang pagod.
5.
ICONICS
Sa paglaganap ng information technology, parami ng parami ang mga simbolong nagagamit ng tao upang ipakita ang kanyang nararamdaman o ang mensaheng kanyang nais na ipahayag. Sa mga mobile phones na lamang nabigyan ng makabuluhang partisipasyon ang dati naman ay hindi pansining mga simbolong panaklong, tutuldok at tuldok-kuwit. Ngayon ay nakapagbibigay na ito ng saya o kundi man ng inis sa mga pinatutungkulan. Hal: :-) 6.
;-)
:-(
:-\
B->
:’(
:-I
8-)
8-(
PARALANGUAGE
Ang paralanguage ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Kung kaya’t minsan ang sorry ay hindi nagiging katanggap-tanggap mula sa nagsasabi nito sapagkat ang paraan ng pagbigkas ay tila hindi nangangahulugang bukal ang paghingi ng paumanhin. Kasama rin dito ang pagbibigay-diin sa salita, lakas o hina ng tinig, intonasyon at maging ang nilis o bagal ng pagbigkas. Nahihinuha mula sa mga ito ang intensyon ng mensahe.
7.
KULAY
Paanong naging palasak ang kulay dilaw noong panahon ni Cory Aquino at sumagisag ng LABAN! Bakit sa kulturang Pilipino, ang itim ay nagbabadya ng kalungkutan samantalang sa iba ito ay pormalidad? Ang kulay ay maaaring magpahayag ng damdamin o di kaya ay oryentasyon ng isang indibidwal. Kaya nga sa bawat organisasyon o institusyon, maingat na pinipili ang mga kulay na kakatawan sa kanila. Tulad ng sa bandila ng Pilipinas… hindi maaaring nasa itaas ang pula at sa ibaba ang asul, masamang senyal iyan. Ito ay nangangahulugan ng paghihimagsik. Ang pagwawagayway naman ng putting bandila o tela o panyo ay nagpapakita ng pagsuko o kapayaan.
SUBUKIN MO! A.
Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA O MALI. Kung TAMA, isulat ang salitang TAMA at kung mali, salungguhitan ang bahaging nagpamali at isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________1.
Ang pagpapakahulugan ng tagatanggap sa mensahe ng ispiker ay nakasalalay sa kanyang karanasan at kaalaman.
__________2.
Ang ispiker ang siyang nagdedekowd ng mensahe.
__________3.
Posibleng iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga tagatanggap sa iisang partikular na mensahe.
__________4.
Tatlong ang ginagampanan ng tao sa isang pakikipagkomunikasyon.
_________5.
Ang pagsusulat ay isang mensaheng di-berbal.
__________6.
Ang tsanel ay posibleng maging sanhi ng sagabal sa isang komunikasyon.
__________7.
Ang anumang ginawa/sinabi o hindi ginawa/hindi sinabi ng kalahok sa isang komunikasyon ay maituturing na fidbak.
__________8.
Ang kawalan ng komon na wika sa pagitan ng mga kalahok ay nagiging sagabal sa isang komunikasyon.
__________9.
Ang pagmumuni-muni, pagpapasya at pag-aalaala ay isang halimbawa ng komunikasyong interpersonal.
_________10.
Kinakailangan ng labis na pag-iingat sa pagpapahayag sa pamamagitan ng mass communication sapagkat milyong awdyens ang maaaring makatanggap nito.
B.
Ipahayag ang mga sumusunod sa pamamagitan ng: 1. berbal na komunikasyon 2. di-berbal na komunikasyon
1.
pagkainip sa paghihintay
2.
kagalakan sa natanggap ng regalo
3.
pagkabigo na makapasa sa pagsusulit
4.
pagnanais na makasama sa isang outing
5.
pagkatakot dala ng isang pagbabanta
6.
pagkalito sa mga direksyong sinusundan
7.
pagkapahiya dahil sa isang alanganing sitwasyon
8.
pagkabigla dahil sa isang di inaasahang panauhin/pangyayari
9.
pagkayamot dala ng isang gawaing paulit-ulit
10.
pagkasabik na makita ang isang kaibigang matagal na nawalay
C.
Bigkasin ang mga sumusunod na pahayag na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
1.
Hindi ako galit.
2.
Ayoko ngang sumama.
3.
Ang ganda mo naman ngayon.
4.
Okey lang ako. Sige, umalis na kayo.
5.
Hindi ka naman masyadong gutom, ano?
D.
Gumupit ng mga simbolo sa magasin o pahayagan. Ipaliwanag ang mensaheng kakabit ng bawat simbolo. SIMBOLO
PALIWANAG
E.
Tukuyin ang lebel ng komunikasyon na ginamit sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot: a. b. c. d. e.
_______
1.
intrapersonal interpersonal-dalawahan interpersonal-pangkatan komunikasyong pampubliko o pangmadla mass communication/mass media
Pangangampanya para sa darating na eleksyon ng student council
_______
2.
Pagbabahagi ng isang karanasan sa mga kapwa kabataang miyembro ng Legion of Mary
sa inyong
parokya ______
3.
Pangangamba habang hinihintay ang kaanak na hindi pa dumarating
______
4.
Pakikipag-usap sa dekana hinggil sa proyekto ng inyong organisasyon para sa Buwan ng Wika
______
5.
Pag-aanalisa ng tulang iuulat sa klase
______
6.
Paghingi ng tulong sa librarian hinggil sa aklat na tutugon sa pkasa ng iyong pananaliksik
______
7.
Anunsyo ng trabaho sa pahayagan
______
8.
Pakikipag-usap sa iyong matalik na kaibigan na nasa Amerika sa pamamagitan ng broad band
______
9.
Pagpapadala ng iyong aplikasyon sa trabaho sa pamamagitan ng e-mail
______
10.
Pagpapalathala ng isang anunsyo sa pahayagan hinggil sa gagawing reunion ng iyong mga dating kamag-aral sa hayskul.