Republic of the Philippines Department of Education Region VIII Catbalogan City Division EASTERN VISAYAS REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL Catbalogan City, Samar
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 (Mga Kontemporaryong Isyu) Inihanda ni: MANUELITO S. UY BSED – IV (Social Studies) College of Education Samar State University I.
MGA LAYUNIN Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon; B. Nakakagawa ng isang discussion-web na nagsusuri tungkol sa prinsipyo ng Yogyakarta; C. Natatalakay ang mga Prinsipyo ng Yogkarta batay sa nnapag- usapan o napagnilayan sa klase.
II.
PAKSA AT MGA KAGAMITAN A. Paksa: B. Sanggunian: C. Kagamitan:
III.
Tugon sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan Mga Kontemporaryong Isyu (Batayang Aklat sa Ika-Sampung Baitang; K-12, pahina 310-314) laptop, projector, aklat, manila paper, marker
PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos, Amen… at Espiritu Santo, Amen. 2. Pagbati Magandang tanghali mga mag-aaral. 3. Pagtala ng mga lumiban May mga lumiban ba sa klase?
Magandang tanghali po, Ginoo! Wala po.
4. Pagbabalik-aral Ang tinalakay po natin noong nakaraang araw Mga mag-aaral, ano ba ang tinalakay ay tungkol sa Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan. ninyo noong nakaraang araw? Tama!
B. Pagganyak Ngayong umaga ay ating babasahin at susuriin ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa Prinsipyo ng Yogyakarta at ang pahayag ng UN Secretary General na si Ban Ki-Moon tungkol sa mga LGBT. Sa kasunod na discussion web isulat kung kayo ay sang-ayon o hindi sa kaniyang pahayag. Pagkatapos, humanap kayo ng iyong kamag-aral na taliwas o di kapareho ng iyong sagot at isulat sa discussion web ang kanyang sagot. Talakayin ang inyong konklusyon tungkol sa isyu at isulat din ito sa web.
C. Paghahalaw Ngayon na nalaman na natin ang mga dahilan kung sang-ayon o di sang-ayon kayo sa sinabi ni UN Secretary General Ban Ki-Moon tungkol sa LGBT Rights daw ay Human Rights ay dadako na tayo sa mga Prinsipyo na ipinahayag sa Yogyakarta. Bago tayo magpatuloy sa ating aralin ay ating muna aalamin ang tungkol sa United Nations.
Ano ang United Nations?
Tama Ang United Nations ay inilikha upang tumugon sa mga isyu na kinakaharap ng mga bansang kasapi nito mula sa iba’t-ibang aspeto ng lipunan.
Ang United Nations ay isang pandaigdigang samahan na tumatalakay sa mga isyu tungkol sa pang-ekonomiya, pampulitikal at panlipunan.
Sino si Ban Ki-Moon?
Si Ban Ki-Moon, ang dating United Nations Secretary General na tumalakay sa mga isyu tungkol sa kasarian na ginanap sa Yogyakarta, Indonesia noong ika 6-9 ng Nobyembre taong 2006.
Tama, Maraming Salamat. Ano ang Yogyakarta Principles?
Tama Winika ni UN Secretary General Ban Ki-Moon sa Yogyakarta na “LGBT rights are Human Rights.”
Ngayon ating isa-isahin ang ilan sa mga prinsipyo ng Yogyakarta:
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAYPANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Prinsipyo 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
Ang Yogyakarta Principles o Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.
Pakibasa ang unang prinsipyo.
Prinsipyo 1. ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Tama!
Ang ikalawang prinsipyo, pakibasa.
Prinsipyo 2 . ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Magaling! Basahin natin ang ikatlong prinsipyo.
Prinsipyo 4. ANG KARAPATAN SA BUHAY. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Tama! Magaling! Ang susunod na prinsipyo, ang pang-apat, pakibasa.
Tama!
Prinsipyo 12. ANG KARAPATAN SA TRABAHO. Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Pakibasa ang panlimang prinsipyo.
Prinsipyo 16 . ANG KARAPATAN SA EDUKASYON. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Salamat! At ang panghuling prinsipyo, pakibasa.
Prinsipyo 25. ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga kasapi, organisasyon at iba pa.
D. Paglalahat
Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ng seryosong aplikasyon ang mga bansa ng Prinsipyo ng Yogyakarta? Ipaliwanag.
IV.
PAGTATAYA
Isulat ang tamang sagot sa kalahating papel. 1. Siya ang United Nations Secretary General ng ilunsad ang Yogyakarta Principles noong 2006. 2. Isang pandaigdigang samahan ng mga bansa na tumatalakay sa mga isyu tungkol sa pangekonomiya, pampulitika at panlipunan. 3. Ang Yogyakarta ay makikita sa anong bansa?
Sa dalawang puntos, pakisagot ang katanungan ito: 4-5. Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyakarta? Ipaliwanag.
V.
TAKDANG ARALIN 1. Magsaliksik sa internet tungkol sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.