Banghay aralin tungkol sa PangatnigFull description
TLE=Electrical/Electronics
TLE=Electrical/ElectronicsFull description
Full description
Full description
lesson plan of grade 2 in englishFull description
Grade 8 - Ang Katamaran ngm ga Pilipino ni Dr. JoseRizal
Lesson PlanFull description
free
EXAMPLE LESSON PLANFull description
Full description
planFull description
revit
Full description
Araling panlipunanFull description
world warFull description
not ownFull description
makato and the cowrie shellFull description
this is an lesson planFull description
Banghay Aralin sa FILIPINO 10 Modyul I Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan. I.
Mga Layunin: A. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng pangungusap. B. Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kwentong binasa C. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan. PANGKATAUHANG PAGPAPAHALAGA
II.
Paksa: Aralin 1.4 A. Panitikan: ANG KWINTAS Maikling kwento mula sa France Ni Guy de Maupassant B. Gramatika at Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Kagamitan: Kartolina, Manila Paper, Pentil Pen at Laptop Modyul 10 TG, at LM III. Pamamaraan: Panimula: Paglalahad ng impormasyon tungkol sa mga bansa ng Mediterranean A. Tuklasin: 1. A. Gawain I.Hanapin Mo Hanapin ang mga larawan ng mga kasuotang napapabilang sa sumusunod na bansa. a. Thailand d. Vietnam g. Spain b. France e. Greece c. India f. Russia 1.Nasasalamin ba sa uri ng kasuotan ang antas sa lipunan ng isang tao? 2. Nakikilala rin ba ang ugali o pagpapahalaga ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang pananamit? B.Gawain 2:Ilarawan Mo Para sa iyo, anu-ano ang katangian ng isang huwarang babae o lalaki? Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis puso.
2. Paghahawan ng Sagabal 1. Nais ni Mathilde na panuyuan siya panuyuan siya ng mga binata. (igagalang, kilalanin, liligawan) 2. Naghahangad ang mga magulang ng Dote dahil Dote dahil nais nilang umangat ang buhay. (bigay-kaya, abot-kaya, hindi-kaya) 3. Siya ay may taglay na alindog, alindog, nakahahalina si Mathilde. (ganda, akit, rikit) 4. Siya’y napuputos ng napuputos ng lumbay. (balot,puno, lipos) 5. Naglalaro sa kanyang balintataw ang balintataw ang lahat ng nangyari. (diwa, isipan, puso) Ipagagamit sa pagbuo ng pangungusap ang mga bagong salita.
B.Pagbabasa/ Paglalahad Basahin ang akdang “Ang Kwintas” nang tahimikan. Tanong Pagganyak
Ano kaya ang kinahihinatnan ng pangunahing tauhan pagkatapos dumalo sa isang pagtitipon? C.Pagtatalakay sa Akda 1. a. Pagsagot sa tanong pagganyak b. Paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan c. Isalaysay ang pangunahing suliranin ng tauhan? Bakit? d. Paano niya ito nasusulusyunan?Angkop ba ang kanyang ginawa? e. Kung kayo ang nasa kanyang katayuan, gagawin niyo rin ba ang kanyang ginawa? 2.Pangkatang Gawain Papangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo at ipagagawa ang sumusunod: Panuto:Bubuo ng sariling wakas sa kwentong binasa Pangkat I: Pagsasadula Pangkat 2: Pantomina
Pangkat 3: Pag-awit Pangkat Pangkat 4: Pagguhit
5: Pagsasalaysay
3.Pagbabahagi sa kalalabasan ng pangkatang gawain 4.Karagdagang Paliwanag May nalalaman ba kayong akda ng ating bansa na kahalintulad ng akdang ating nabasa? D. Pagpapahalaga Ano ang pagpapahalagang pangkatauhan ang binibigyang-diin sa akda? E.Pagsasanib ng Gramatika/Retorika 1.Magbibigay ang guro ng mga pangungusap na hango sa binasang akda. a. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang pranses sa Paris.Ito ang sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura. b. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland.Noong panahon ng Iron Age at Roman Era, ito ay tinawag na Gaul. c. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at alak.Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan. d.Labis ang kanyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay ni Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang kalagyan sa buhay. 2.Kunin ang mga salitang may salungguhit 3.Tanungin ang mga mag-aaral kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit. 4.Ano ang tawag sa panghalip na ginagamit bilang panuring?Ano ang Anapora? Ano ang Katapora? 5. Magpabigay ng sariling halimbawang pangungusap na ginagamitan ng panghalip na Anapora at Katapora. IV. Pagtataya A. Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salita 1.Siya’y isang abang tagasulat. 2.Sa balana ang proyekto ng gobyerno. 3.Siya’y pauntul-untol na sumagot sa tanong ng kanyang asawa. B. Gamitin ang wastong panghalip na angkop sa patlang ng bawat pangungusap. 1. Ang bata ay nanalo sa paligsahan at naiuwi ___ ang 2 libong piso sa bahay. 2. ____ay nakikinig sa talakayan ng tagapagsanay sa buong araw. Ang mga partisipanti ay aktibong nagpapalitan ng kuro ng paksang tinatalakay. 3. Dinalaw ____ ang maysakit. Nagbigay si Lalaine ng pera sa ina. C. Bumuo ng sariling wakas sa kwentong “Nagmamadali Ang maynila”. V. Kasunduan: Sa ¼ na bahagi ng papel, gumawa ng tiglilimang pangungusap na Anapora at Katapora. Inihanda ni: