“La Revolucion Filipina” Filipina” ni Apolinario Mabini Bungad Panawagan WALA AKONG katungkulan sa pamahalaan ng Pilipinas mula nuong Mayo 1899 hanggang sa sumunod na Deciembre, nang dakpin ako ng mga sundalong Amerkano. Ni hindi ako nakatira sa malapit sa pamahalaan, ngunit inako kong tungkulin na ipaglaban ang hangarin ng bayan. Paniwala ko rin na dapat ilahad ko sa usisa ng mga tao ang aking mga tinangka at mga ginawa sa aking panunungkulan, ngayon at nararamdaman kong patapos na ang aking mga pagsisikap. Mula nuong ako ay mabihag ng mga Amerkano, at bago nila ako ipinatapon dito sa Guam, naging karangalan kong makausap nang masinsinan at ilang ulit sina GeneralArthur MacArthur at General J.F. Bell tungkol sa pagwawakas ng digmaan at pagpapayapa sa buong kapuluan. Matatanto ang aking asal sa isang sulyap lamang sa aming pag-uusap, sinimulan ng 2 general sa pahayag na sabik silang umaasa na tutulong ako sa pagpapayapa ng kapuluan at sa ganoong paraan lamang lamang daw makakam makakamit it ng mga Pilipino ang kanilang kanilang ikabubuti. ikabubuti. Sinagot Sinagot ko na mahal mahal din sa akin ang hangaring ito ito at itinanong ko sa kanila kung paano ako makakatulong. makakatulong. Nuon nila sinabi na magtitiwala sila sa akin at tatanggapin ang aking paglilingkod kung tapat kong tatanggapin ang pagsakop ng America, lalo na kung tutulong akong magtatag ng uri ng pamahalaan na, sa palagay nila, ay ikaliligaya ng mga tao. Tumanggi ako. Oras na gawin ko iyon, ang sabi ko, mawawala ang tiwala ng mga tao sa akin, sa init ng kaluoban nila nuong mga panahong iyon, kaya magwawalang silbi ang aking pagpapayapa o ano pa mang gawaing subukin ko. Inakala ng 2 general na ang sagot ko ay pagtatakip lamang sa hangad kong matatag na tumuligsa sa mga pakana ng mga Amerkano. Ito ang dahilan, sabi nila sa akin, naniniwala sila na ang tigas ng ulo ko, at ni Ginoong Aguinaldo, ang tanging balakid sa pagpapatahimik pagpapatahimik sa bayan, katahimikang walang tigatig nilang makakamit makakamit kahit na umabot sa pagpapatapon sa akin at sa sinumang tumangging sumuko sa America. Ang himagsikan, sabi ko sa kanila, ay hindi nagmula sa pagnanasa ng iisang tao kundi sa pagkasawi ng mga hangarin ng lahat ng tao. Naniniwala ako na kapag lantad na sinalungat namin ni Ginoong Aguinaldoang mga hangaring ito, maglalaho ang pagtingin ng mga tao sa amin at wala kaming magagawa upang hadlangan ang muling pagsabog ng aklasan, sa madali o malayong panahon, sa pamumuno ng ibang tao.
Walang silbi ang pagpatapon Ang tunay na katahimikan, sabi ko, ay makakamit lamang kung mauunawaan ng mga Amerkano kung paano mahuhuli ang kalooban ng mga Pilipino, at ang paggamit ng dahas at pagparusa ay labag sa kalooban ng mga tao. Suriin ninyo ang karanasan ng yumaong pananakop ng mga Español, ang sabi ko, ang pagpatapon sa mga tao ay nagpasidhi lamang sa muhi at pakikibaka ng mga tao sapagkat kalupitan at hindi katarungan ang parusahan, ipiit at ipatapon ang mga bihag na hindi man lamang pinaharap sa hukuman. Sa halip na kalabanin ang mga balak ng mga Amerkano, sabi ko sa kanila, tinangka ko ngang ihayag nang malinaw ang hangarin ng mga naghihimagsik, pati na ang lahat ng mga tao, at nang sa gayon, maiwasan ng mga Amerkano ang pagpapairal pagpapairal ng mga tuntunin tuntunin na maaaring maaaring ikagalit pang pang lalo ng mga Pilipino. Pilipino. Kaya pinipilit pinipilit kong hindi hindi mawala ang ang tiwala ng mga tao sa akin, at patuloy akong magkaroon ng silbi hindi lamang sa mga Pilipino kundi pati na sa mga Amerkano. Maaari kayong magkamali, sabi ko sa mga general, sa tantiya niyong mahuhupa ang aklasan ng bayan kapag nabihag at naipatapon si Aguinaldo. Sa ganoong pangyayari, kakailanganin ninyo ang tulong ng mga Pilipino na pinagkakatiwalaan pa ng mga naghihimagsik upang makamit pa rin ang katahimikan ng kapuluan. Sinabi kong may mga higit na mahusay at may mga higit na pinagkakatiwalaan pinagkakatiwalaan ng mga mga naghihimagsik, naghihimagsik, kaya ako ako ay maghihintay na lamang lamang sa tabi upang ialay ialay ang aking tulong tulong kung sila man ay mangailangan o masawi sa pagpapayapa ng bayan. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
1 of 25
Sa matama kong pagsuri ngayon sa mga sumunod na pangyayari, wari ko ba’y walang katuturan ang pagpapatapon sa akin dito sa Guam, sa nangyaring pagbihag kay Aguinaldo at kay Vicente Lukban, o sa pagsuko ni Miguel Malvar at ng iba pang pinuno ng himagsikan. Kabaligtaran, paniwala ko na nagpatagal pa ng labanan at nagpadami pa sa mga napatay. Naturing na gawain ng mahina ang makipagkasunduan, makipagkasunduan, kaya walang nalalabing paraan na makapagpapayapa makapagpapayapa kundi pagpuksa sa mga naghihimagsik. Nagsikap tayo nang sukdulan sa panalig nating dapat ipagtanggol ang ating dangal at kalayaan sa abot ng ating kakayahan upang magkakaroon ng katarungan at pantayan sa lipunan ng mga tao at mga sumasakop na dayuhan, ngunit hindi karaniwang nagwawagi ang mahina laban sa malakas, kaya alam din natin na hindi magtatagal, mauubos ang ating lakas at tayo ay tiyak na matatalo.
Sumumpa ng pananalig sa America Nang sumuko ang daig karamihan karamihan ng mga tao sa pagsakop pagsakop ng mga dayuhan, nawalan ng katwiran ang magpatuloy ng pakikibaka pakikibaka sapagkat salungat na ito sa pasiya ng mga tao. Katotohanan, Katotohanan, sumanib na sa mga Amerkano ang maraming naghihimagsik nuong hindi sila nakalaya sa sariling kakayahan dahil sa lakas ng hukbong Amerkano, at umasa na lamang sa mga pangako ng America. Ang pagsuko ng mga kahuli-hulihang pangkat ng aklasan ay sinundan ng pahayag ng kapatawaran sa lahat, at nuong Agosto 24, 1902, sinabi sa aming mga naipatapon dito sa Guam na malaya kaming makakabalik sa Pilipinas kung aamin kami sa pagsakop ng America sa Pilipinas, at susumpa kami ng pananalig sa America nang tapat at walang pag-iimbot. Nadama kong hindi ako makakasumpa makakasumpa hanggang hindi ako tiyak na dapat kong gawin ito, kaya sinunod ko ang aking budhi at hiniling hiniling na ibalik ibalik ako sa Manila Manila bilang bilang isang bihag, bihag, ayon sa pahayag na ang ‘pagsu ‘pagsu mpa ay gaganapin sa anumang pook ng Pilipinas na may may Amerkanong may may sapat na kapangyarihang kapangyarihang tumanggap tumanggap sa sumpa.’ sumpa.’ Pumayag ang governador governador ng Guam na ipadala ang aking hiling sa mga maykapangyarihan, ngunit hindi niya sinabi sa akin na aabutin ito nang matagal at bandang katapusan na ng Deciembre nang mapagpasiyahan ang aking hiling. Naghintay pa rin ako nang buong tiyaga. Tapos, nuong Febrero 9, 1903, inabót sa akin ng pinuno ng bilangguan ang sulat ng governador na malaya akong makakapunta kahit saan maliban sa Pilipinas, na kailangan akong sumumpa ng pananalig sa America bago ako makabalik ng bayan. Humingi ako ng dagdag na panahong pag-isipan ito sapagkat mahirap para sa akin na magpasiya tungkol dito.
Upang makauwi sa sariling bayan Sa unang tingin, madaling sumumpa ngunit gaya ninuman, may mga paniwala akong sinusunod at isa rito ay, ang lahat ng kapangyarihang sumasaklaw sa mga tao ay likas na nakasalalay sa mga tao na rin, kaya ang pagsumpa ng pananalig sa pagsakop ng America sa Pilipinas Pilipinas ay maniwaring maniwaring labag labag sa batas batas ng kalikasan kalikasan na ipinataw ipinataw ng Maykapal Maykapal sa daigdig daigdig mula pa nuong simula ng panahon. Inukilkil ako ng aking budhi, kalapastanganan ang sumumpa sa ngalan ng Maykapal ng paglabag sa kanyang kanyang kautusan. kautusan. Isa pa, kung ang pag-iisip at pagsasalita ay kasama sa mga kalayaan ng mga mamamayan ng Pilipinas, makatarungan bang pilitan akong akong itatwa ang aking mga mga pinaniniwalaan, pinaniniwalaan, nuong sandali sandali mismong mangangako mangangako akong mamumuhay mamumuhay na ng marangal at mapayapa? At pagkatapos sumumpa, lalabag ba ako sa pananalig sa America kung iadhika ko na bawasan ang kapangyarihan ng America, paliitin ang pagsakop nito sa Pilipinas, at itanghal ang sariling pamahalaan ng mga Pilipino sa sandaling makayanan nilang ganapan ito, ayon sa pangako na rin ng pamahalaan ng America? Hindi ba pagtataguyod ng kasinungalingan ang pilitin ang mga Pilipino na sumumpa nang salungat sa batas ng kalikasan? Hindi ba mas mainam humanap ng ibang paraan upang mapairal ang kapayapaan sa Pilipinas? Totoong magiging sawi ang anumang tangkang mamahala batay lamang sa mga adhika sapagkat ang pangangasiwa sa mga tao ay likas na pagganap sa mga maaari lamang tuparin; ngunit totoo rin na ang pamamahala na walang batayan o labag sa mga adhika ay kalabisan, kalupitan pa, dahil nakakabulok sa lipunan. Ang tagumpay ng pamamahala ay nakakamit sa pagkakasundo ng maaaring tuparin ayon sa mga atas ng kalikasan, at sa mga kailangan ng mga tao. Ang pagsunod dito ay maaatim lamang sa tulong ng karanasan at ng mga adhika; ang pagkatalo ng pamahalaan pamahalaan ay sanhi ng mga paglapastangang bunga ng ganid at kawalang muwang. Kung matagumpay man ang pamamahala sa America, ito ay sanhi ng taimtim na pagsunod sa mga adhika ng kanilang Pahayag ng Kalayaan (Declaration of Independence), at ng Mga Karapatan ng Tao (Rights of Man), mga bunga ng pagsusuri ng mga alituntuning likas sa daigdig. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
2 of 25
Matapos ng mahabang pagtatalo ng aking damdamin, natanto ko ang dapat tuparin, at ako ay natahimik, nasiyahan ang aking budhi, at nagpasiya akong sumumpa ng pananalig sa America dahil ito ay hindi maiiwasan, dahil higit na mahalaga kaysa sa pagmamahal sa katotohanan ang pag-ibig na makabalik sa sariling bayan.
‘Isapi ang Pilipinas sa España’ Sa maraming kasaysayan ng digmaan at paghahamok sa daigdig, lagi nating nababasa na ang katarungan at katwiran, gaya ng mga lungsod at mga tanggulan, ay lagi nang sumusuko sa may lakas at kapangyarihan, dahil kailangang patuloy na mabuhay ang mga tao, kahit na sila ay masakop at mapasa-ilalim ng manlulupig. Sapagkat ang pagkawala ng buhay ay pagkawala na rin ng katarungan, ng lahat. Ngayong sumuko na ang mga Pilipino sa pagsakop ng America upang hindi sila mapuksa, ang manatili ako sa Guam ay pagsalungat sa kanilang kagustuhan, at pagpapatuloy lamang ng paghahamok na tinanggihan na nila. Nuong nagpasiyá ang mga tao na makibaka, inako kong tungkulin na makipaglaban sa tabi nila hanggang sa anumang kahinatnan; ngayong hapo at nanghihina na ang mga tao, inaako ko namang tungkulin ang tulungang kupkupin ang kanilang damdamin, payuhan silang huwag mawalán ng pag-asa at patuloy na manalig sa kanilang kakayaháng makamit ang katarungan at kalayaan sa mga darating na araw. Inaamin ko na duwag akong manawagan sa mga tao na mag-aklas, nuong sila ay nasisiyahan pang mabuhay nang mapayapa sa ilalim ng mga malupit na Español. Nagsikap ako kasabáy nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at iba pang nananawagan, matapos ibulgar ang mga kalabisán ng mga frayle, na isapi ang Pilipinas sa kaharián ng España bilang isang lalawigan. Para lamang hindi matuloy sa madugong pakikibaka ang paghahangad ng mga Pilipino na makaligtas sa kabuktután ng mga frayle. Para lamang hindi naisin ng maraming Pilipino na tumiwalag nang tuluyan at maging malaya na mula sa España. Para lamang hindi matatág ang mga marahás na lipunan, gaya ng Katipunan, o maganáp ang pakikihamok gaya ng himagsikan nuong 1896. Hindik sa dalamhati at pagdurusang magaganáp, hindi ako sumapi sa Katipunan at hindi ako kumampi sa himagsikan.
Kilalanin ang mga karapatan ng tao Nuon lamang 1898, nang matanaw ko sa buong paligid ang mahigpit na pagmamalupit ng mga Español, nuong parusahan pati ang mga nagmamahal sa España na nagtangkang lunasan ang mga kalabisan ng mga frayle, nuon ko lamang nabatid nang husto ang hangaring ng mga tao, at ang tungkulin ko na tumulong sa himagsikan upang ibagsak ang makaluma at walang silbing pagsakop ng mga dayuhan, ang kinailangang pagtatag ng bagong pamahalaang magkukupkop sa mga Pilipino at magdadala sa atin sa kabihasnan at pagbubuti. Sumanib ako sa himagsikan nuon bilang pagsunod sa mga tao; iiwan ko ang himagsikan ngayon sa dahilan ding ito, - ito ang pasiya ng mga tao. Ang mga ginawa ko sa nakaraan ang siyang maghuhugis sa mga gagawin ko sa mga darating na araw. Sa halip na magpakana ng pag-aaklas, sisikapin kong maiwasan ito sapagkat sa panahon ng payapa, ito ang tungkulin ng bawat mamamayang nagmamahal sa bayan. Ang bangis ng pakikihamok ko nuong himagsikan ay gagamitin ko ngayon upang makamit ang mga karapatan ng mga Pilipino, sapagkat sa ganitong paraan tiyak na mapagtitibay ang kapayapaan at maiiwasan ang himagsikan. Nakibaka tayo hanggang maubos ang ating lakas at katwiran, wala tayong napala kundi ipakita ang ating pag-ibig sa kalayaan. Ngayon, kinikilala na ng America na may karapatan ang mga Pilipino na magkaroon ng kalayaan, kahit na bahagya lamang, nang hindi masyadong maging supil ang ating mga buhay. Nasasa atin ang ipakitang ito nga ang mithi natin, ang kalayaang mapayaman ang ating lahi at kalagayan upang magkasapat na puhunan tayong singilin ang ipinangakong kalayaan mula sa mga Amerkano. Pagtitibayan ko na tutuparin ng America ang pangako nila ng kalayaan dahil batid nila na: Hindi ninais ng mga Pilipino, na katunayan ay sapilitan, ang ginawang pagsakop ng America Ang pagpatuloy ng payapa ay nakasalalay sa pagturing na gagawin sa mga Pilipino Ang pagsupil sa mga pulong ng Pilipino upang manawagan para sa kapakanan ng mga tao, gaya ng Liga Filipina, ang nagbunga ng mga lihim na lipunan gaya ng Katipunan na nawagan ng aklasan
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
3 of 25
Sa huli, ang pagsakop na hindi marunong humarap sa gumigising na hangarin ng mga tao na makipag-ugnay sa kabihasnan ng ibang bayan ay magsusulsol sa mga tao na tumiwalag sa pagsakop, habang ito ay nagpapalawak ng bulok at katampalasan sa pamahalaan ng sumasakop.
Pagtupad lamang sa aking tungkulin May sariling dangal ang mga Amerkano dahil batid nila ang kanilang lakas, at maalam sila sa mga gawi ng mondo, kaya idadagdag kong payo na walang dahilang maghinalaan ang magkabilang panig, sa panahong ito na kailangang kalimutan na ang mga nakaraang puot, dapat waksi at palitan ng kasunduan at pakikipag-isa ng Pilipino at Amerkano. Hindi lamang ipinangako ng America na ang ganitong samahan ang tiyak na siguro ng ating pagligaya, sapilitan pang pinaniwala nila tayo nang akuin nilang mangasiwa sa ating kapalaran. Harinawa, ngunit sa kasalukuyan, pagsikapan nating mapagbuti ang ating kalooban at pag-iisip nang maging angkop sa anumang marangal at karapat-dapat na matamasa natin sa buhay, sa pag-asang mahahawi sa mga darating na araw ang takip sa tunay na ligaya at luwalhating naghihintay sa atin. Ngayon, dahil hinihingi ng hina ng aking katawan na mamuhay nang tahimik, bumabalik ako sa pinanggalingang bayan upang magkubli, naitaboy ng mga pangyayari sa hindi pagpansin ng madla, at itago ang aking kahihiyan at dalamhati hindi dahil nagkulang ako sa dangal kundi nagkulang ako sa paglilingkod. Hindi ako ang makapagsasabi kung mainam o bansot ang mga ginawa ko, kung ako ay tama o mali, ngunit ipipilit kong sabihin ngayon, sa huli, na wala akong ginhawa sa pait at lungkot ng aking nalalabing buhay maliban sa kasiyahang lagi kong tinupad ang aking tungkulin. Nawa’y idulot ng Maykapal na masabi ko uli ito sa oras ng aking pagpanaw.
KABANATA I: Ang Politica Ng Pagbabago, At Ng Himagsikan SA AKING pag-unawa, ang himagsikan (revolucion) ay ang unos ng mga tao upang bigla at sukdulang ibahin ang 3 kapangyarihan ng bayan - ang pamunuan, ang batasan, at ang litisan o hukuman. Kung ang pag-iiba ay mahinahon at mabagal, ito ay tinawag na pagbabago (evolution). Sa turan kong unos ng mga tao, sinadya kong kinakailangang daigkaramihan ng mga mamamayan ang maghangad at magsikap ng pag-iiba. Ang panawagan at pagsisikap ng pangkat pangkat lamang, para sa ikauunlad ng sila-sila na rin, ay hindi dapat tukuying himagsikan, ni hindi pagbabago. Minimithi ng lahat ng nilalang, kanya-kanya o sama-sama, na mapagbuti ang kanilang kalagayan, kaya masasabing ang himagsikan ay karaniwang tinatangka ng mga taong mahigpit na kailangang tulungan ang mga sarili. Ngunit laban sa mithing ito ng pagbubuti ang kailangang pagtatanggol sa sarili at mga kasama, na sadyang sumusuway sa karahasan ng mga tao, nagpa- pakita sa kanila ng pagdurusa at dalamhati na nagiging bunga nito, at nagpa- pagunita sa kanila na may mga sinungaling at taksil na gumagamit ng dunong at yaman upang magsamantala sa mga dukha at walang muwang, mapagbuti lamang ang mga sarili nila, kahit na ikalunos sa halip na ikabuti ng mga tao. Malulunasan itong paghahamok sa mahinahong pag-iisip, na pipili sa dahan- dahang pag-iiba na mabagal man ay makakaiwas naman sa dusang ibubunga ng karahasan, at gaya lamang ng unti-unting paglaki ng tao. Karaniwang pasiya ng mga mamamayan na maghintay nang matagalang pagbubuti dahil, una, tugma ito sa kanilang mga hangarin, at pangalawa, ang mga ligalig na nagmumungkahi ng aklasan upang maging sikat sila ay laging nagkukubli at lumilitaw lamang kapag galit na ang mga tao.
Pagsupil sa mahinahong pagbabago Ngunit ang paghihintay ng mahinahong pag-iiba ay hindi maaaring ganapin kung sinusupil ng pamahalaan, tulad ng pagkalanta ng mga tanim sa mabato at tigang na lupa. Kapag kinusa ng pamahalaan na panatiliing aba ang mga tao, sa anumang dahilan, hindi maiiwasan ang himagsikan. Ang mga nilalang na lumalaki ay kailangang may layang makarating sa abot ng kanilang mga kakayahan; kung hindi, sila ay tutubong may kapansanan, mga pilantod at paralitico pa, kalagayang katumbas ng kamatayan na rin. Labag ito sa atas ng kalikasan, na piliin ng mga tao ang sariling pagyao, kaya sisikapin nilang itumba ang anumang pamahalaan na humadlang sa kanilang pagbuti. At kung ang pamahalaan ay palakad ng mga tao rin, at hindi ng langit, ito ay tiyak na mabubuwag. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
4 of 25
Ang dayuhan, kung makapangyarihan, ay maaaring sakupin nang sapilitan ang mga tao, labag man sa hangarin ng mga tao, ngunit ang dayuhang pamahalaan ay daranas ng palagiang aklasan hanggang masalanta nang husto ang sigla at pagiisip ng mga tao sa mahaba at walang patid na pakikipaghamok. Kung ang hanap ng sumasakop na dayuhan ay kalakal lamang at hindi ang pagdanak ng labis nilang mga mamamayan, sila na rin ang tutuligsa sa kanilang layunin sapagkat sa pakikibaka sa mga tao, pinupuksa nila ang mga bibili mismo ng kanilang kalakal.
Malalansag ang lipunan ng dayuhan Kung ang lipunan ng mga dayuhan ay likas na mapagpalaya at mapagbiyaya, ang pagmamalupit at patuloy na pagpuksa sa mga sakop na tao ay magbubunga ng pagsalungat sa mga dayuhan mismo at ang pagkalansag na rin ng kanilang lipunan. Sa ganitong pangyayari, ang mga sakop na tao ay maaaring magwagi, bagay na maniwari ay hindi maaasahan sa simula ng paghahamok. Ang mahinahong pag-iisip na nagpapayo sa mga taong maghintay ay nagpapayo rin sa mga sumasakop na magmunimuni. Walang silbi na asahang pagbutihin ng mga sumasakop ang kalagayan ng mga tao kung ito ay salungat sa ikabubuti ng mga sumasakop sapagkat ang mga hayag ng mga sumasakop ng pagkalinga sa mga tao ay takip lamang sa tunay nilang hangad. Ngunit walang katuturan na kalabanin ang mga batas ng kalikasan kaya magiging matalino ang mga sumasakop kung makikipagkasundo, sa halip ng makipagdigmaan, sa mga tao. Yabang ang laging dumadaig sa damdamin ng mga sumasakop, at nagsusulsol na tanggihan nilang ang lahat ng hiling ng mga tao, na kahinaan ng loob ang makinig sa pagsamo ng mga sinakop. Kailangang isaisip lagi na sariling dangal man ang pinagmulan ng magiting na pagsisikap at pagganap ng matayog na gawain, ito naman ay laging taksil na tagapagpayo sa pagmumuni kung ang hinaharap na panukala ay mainam ganapin o hindi. Makikita sa pagsuri sa kasaysayan ng himagsikan ng Pilipinas kung may katuturan o wala ang mga pahayag kong ito.
KABANATA II: Bago Binuksan Ang Suez Canal BAGO-BAGO lamang ang himagsikan ng Pilipinas, at masasabing nagsimula ito sa pagbukas ng Suez Canal nuong 1869. Ang mga aklasang naganap bago nito ay saklob lamang sa maliliit na bahagi ng Pilipinas, udyok ng kawalang-hiyaan sa iba’t ibang pook o ng paglapastangan sa pailan -ilang tao. Wala nuong aklasang nagmula sa malawak na pagnanasa ng pagbabago, kaya masasabi na ang mga aklasan nuon ay munting away-away lamang. Pati na ang aklasan ng mga sandatahan sa Cavite nuon 1872 ay ganitong uri ng labanan. Sina Padre Jose Burgos, Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora, ang mga pinalabas na may pakana ng pag-aaklas at binitay nuong Febrero 1897 sa paratang na ito, ay humihingi lamang ng kabayaran o kapalit ng mga paroco na inagaw ng mga frayleng Español mula sa mga Pilipinong pari. Ang adhika nila ay pang-kanila lamang, na kilalanin ang karapatan ng mga Pilipinong pari na magpalakad sa mga simbahan dito sa kapuluan. Kanya-kanya ang mga adhika nuon, maging nuong simula’t simula pa, sapagkat nang sakupin ng mga Español ang kapuluan nuong kalagitnaan ng ika-16 sandaang taon, nagsisimula pa lamang ang pagbuo ng mga lipunang Pilipino. Bawat pangkat ay may sariling wika at mga gawi, at sariling mga pinuno na hindi nanagot sa iba pang mga pinuno. Sa malalaking purok, kahit na iisa ang wika at magkakahawig ang gawi, hati-hati at hiwa-hiwalay ang pumumuno at ang lipunang sinasaklaw, gaya sa Manila, ang mataong kabayanan, ay may 2 pamunuan, tinawag na mga rajah, isa sa hilaga ng ilog Pasig at isa sa timog. Hindi tinangka ng mga pinuno duon na pag-isahin ang mga pamahalaan at pagsama-samahin ang kabayanan sa pamamagitan ng kasunduan o kahit na sa dahas at paglusob, kaya hindi nagkaroon kailan man ng malawakang pagkakaisa o pagsasamahan. Kaya naman agad silang nasakop ng mga Español na nakipag-kaibigan at kampihan sa mga pinunong nakitungo sa kanila, at sa tulong ng mga ito, nilusob at ginapi ang mga pinunong laban sa kanila. Nang pagtagal-tagal at naunsiyami ang mga kaibigan nilang mga pinuno, nang naging pagsakop at paghahari ang huwad na pakikipag-kaibigan ng mga Español, isa-isang inalis sa kapangyarihan ang mga pinuno o sila ay lubusang binura na, sa anumang dahilan na naisipan ng mga Español. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
5 of 25
Kunyari pagpalawak ng catholico Pinahina o pinatay pati na ang sinumang may sapat na kapangyarihan o mga kakampi upang lumaban o mag-aklas. Ipinagbawal din ng mga Español ang dating gawi ng mga katutubo ng paggamit ng mga sandata, at naiwang walang lakas o pananggalang ang mga tao laban sa mga Muslim mula Mindanao na ilang ulit lumusob at dumukot ng mga maa-alipin sa Luzon at Visaya. Ni hindi sila naipagtanggol ng mga Español, nuong bago nagkaroon ng mga barkong de-makina ang mga ito. Kunwa’y pagpapalawak ng simbahang catholico ang tuntunin ng pagsakop ng mga Español, iligtas ang mga tao mula sa mga pakana ng mga talipandas at ni Satanas upang magkaroon sila, ang mga tao, ng pagkakataong mamuhay nang matiwasay sa kabihasnan, at nang walang hanggan sa kabilang buhay. Napaka-inam na tuntunin, wala ng kapantay pa. Ngunit ang mga sumakop, ang mga conquistador, ay nagtaya ng kanilang buhay sa ligalig ng malawak na dagat at sa pakikibaka laban sa mga mababangis na tao, sa pagtahak sa mga hindi kilalang lupa at pagdurusa sa init at lamig ng hindi nakasanayang panahon. Ang mapagbuti ang kapakanan ng mga hindi kilalang tao ay hindi sapat na dahilan upang makipag-sapalaran ang sinumang nilalang. May iba at higit na madaliang layunin ang mga conquistador, - ang magpayaman. Ang ginto sa America, at ang pagka-ganid ang nagsulsol sa mga sumakop na maglagalag. Ano ba, at ang pagsakop sa mga bagong lupa ay humantong sa mga malalawak na pag-aari, limpak- limpak na kayamanan. Tinuruan nila, pinilit pa, ang mga katutubo na matuto ng kanilang gawi at pagsamba nang lubusang masakop nila ang katawan at kaluluwa ng mga tao. Mistulang pinaamo upang mas madaling mapag-samantalahan. Maging sundalo, padre o nagkakalakal, ang mga conquistador ay nagparit-parito dahil sa paghanap ng kayamanan, at anumang kabutihang loob nila ay balatkayo lamang upang makamit, sa anumang paraan, ang kayamanang minimithi nila. Matapos sakupin ang Luzon at Visaya, pinaghati-hati ng mga Español ang kapuluan sa mga bahagi na tinawag nilang mga encomienda. Ang mga sumikat sa paglupig ay binigyan ng kanya-kanyang encomienda na maaaring manahin ng kanilang mga anak, upang gamitin sa pagpapayaman. Lahat ng tao sa bawat encomienda ay ginawang alipin, at upang bumilis ang pagyaman ng mga encomendero, kinalkal bilang buwis ang malalaking bahagi ng kanilang ani at pag-aari.
Nawalan ng pagsisikap ang tao Walang naiwan sa mga tao matapos mabuwisan taon-taon, at nawalan sila ng ganang magsikap pa dahil kinukuha rin namang lahat ng mga encomendero. Kaya nilimot nila ang mga galing at gawaing natutunan nila mula sa mga ninuno, mga Intsik, Hapon at iba pang dayuhan na nakipagkalakal sa kanila nang daan-daan taon sa nakaraan, at inasikaso na lamang ang kailangan upang mabuhay sa kasalukuyan. Mabuti na lamang, nuon, maunti pa ang mga tao at may sapat na mga tanim at bungang kahoy sa gubat-gubat, at mga isda sa ilog at dalampasigan, upang ikabuhay ng mga alipin, ngunit biglang-bigla, naging isang kahig isang tuka ang pamumuhay ng mga katutubo. Itong pamumuhay, saliw sa kawalang pag-asang makaahon sa paghihirap, ang tinawag ng mga Español na katamaran ng mga Pilipino. Sa kabilang dako, masugid na pinuksa ng mga frayle ang mga lumang gawi ng mga tao sa malupit na pag-uusig ng mga hindi-binyagan, bahagi ng tinawag na Inquisition, upang mapalawak ang pagsambang catholico, at naglaho ang mga nakagawian, ang mga awit at mga kasaysayan ng mga ninuno tungkol sa pinagmulan, paglibot at pagdanak ng mga tao sa kapuluan, - napalitan ng mga gawi at paniniwala ng mga dayuhan. Napaka-laki ng mga pagbabago, napaka-hapdi at napaka-gimbal, ano ba’t sinabayan pa ng hindi masukat na pagmamalupit at pagbihag sa mga tao hanggang, lunos na sa paghihirap, nagapi ang mga ito at yumuko sa ang mga aral ng dayuhan. Dito makikita kung paanong naging musmos uli ang isang lipunang natuto na at patuloy pa sanang umunlad, ngunit naantal ang paglaki at mistulang nawalan ng malay, walang pagkakilala sa sarili bilang isang lipunan, nang 300 taon. Upang mapatagal ang kanilang pagsakop, pinanatili ng mga Español ang pagka-mangmang at pagka-mahina ng mga tao. Ang kaalaman at kayamanan ay kapangyarihan kaya ang mga dukha at mga walang muwang ay mahina. Maka-diyos ang mga tao at hindi naiwasan na nababad sila sa mga aral ng pagsamba ng mga frayle. Sadyang sinanay silang tumingala sa langit nang makalimutan nila ang pagsikap upang mapagbunyi ang buhay nila dito sa lupa. Tinuruan ang mga tao na magbasa ng mga dasal, isinalin sa iba’t ibang wika ng kapuluan, ngunit ipinagbawal na turuan sila ng wikang Español. Baka maunawaan nila ang mga batas at panukala ng mga maykapangyarihan at hindi na nila kailanganin Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
6 of 25
ang mga frayle, baka hindi na nila sundin ang utos ng mga ito. Ipinagbawal ang pagbasa ng mga aklat, maging galing sa ibang bayan o limbag dito sa kapuluan, na hindi sang-ayon sa panukala ng mga frayle. Ipinagbawal ang kalakal sa mga katabing bayan. Ipinagbawal ang pagdayo ng mga Hapon. Inipit ang pagdanak ng mga Intsik. Pilit inilihim, sinupalpal pati ang alingawngaw ng mga himagsikan sa hilagang America ng mga Amerkano laban sa mga British, sa Europa ng mga Frances laban sa kanilang hari at mga maharlika, at sa timog America ng mga sakop duon laban sa mga Español. Ayaw hayaang magising ang mga Pilipino mula sa kanilang pagkakaidlip sa kawalang muwang, kahit binabangungot paminsan-minsan. Sa madaling salita, nagtulong ang mga Español, ang maykapangyarihan at mga frayle, upang ihiwalay ang mga Pilipino nang lubusan mula sa ibang bahagi ng daigdig, nang hindi mahawa ang mga tao sa mga alituntunin at pag-iisip mula sa labas, maliban sa mga sinang-ayunan ng mga sumasakop.
KABANATA III: Pagbitay Sa 3 Pari: Burgos, Gomez At Zamora NAGTAGAL lamang ang ganitong pagkukubli hanggang kinakailangan pang umikot sa paanan ng Africa o ng America ang mga taga-Europa na nais maglakbay sa Dulong Silangan, nuong bago nagkaroon ng corriente at mga barkong dimakina, nuong mabagal at malayo pa ang pagpunta sa Pilipinas. Nang buksan ang Suez Canal, nabuksan din ang Pilipinas sa kalakal ng buong daigdig. Kabilang ang España sa mga malayang kabihasnan kaya hindi nito naipagpatuloy na hadlangan ang pakikipag-ugnayan ng mga taga-Europa sa mga Pilipino. Isa pa, walang sapat na lakas at hukbo ang España upang labanan ang anumang bansa sa Europa na nagtangkang magkalakal sa kapuluan. Dahil naman sa paggamit sa corriente, bumilis ang balitaan at pakitunguhan ng mga Pilipino at ng mga taga-Europa, at nagising ang mga taga-Pilipinas sa mga makabago at kakaibang pag-iisip na nagpasukan sa kapuluan. Naging ganap ang paggising ng mga Pilipino nuong manawagan ang mga Pilipinong pari, sa pangunguna ni Padre Burgos, sa hari ng España at sa Papa sa Roma na ibalik sa kanila ang mga paroco na inagaw sa kanila at ibinigay sa mga frayle ng pamahalaan sa Manila. Hiningi nilang ibigay sa mga pari, hindi sa mga frayle, ang lahat ng paroco, ayon sa inuutos ng batas ng catholico. Dahil tiyak ang pagkatalo nila sa asunto, pinalabas ng mga frayle na ang mga nanawagan ay mga naghihimagsik na nais sakupin ang mga paroco upang labanan ang pagsakop ng España sa Pilipinas. Inangkin ng mga lipunan ng mga frayle na sila lamang ang nagpapatibay ng pagsakop ng Español sa Pilipinas, at kapag inalis sila sa kapangyarihan, matatapos ang paghahari ng Español sa kapuluan, gaya daw ng nangyari sa Mexico, na nakatiwalag mula sa pagsakop ng España sa pangunguna ng mga paring paroco.
Sa mga pari, huwag sa mga frayle Habang nagtatalo ang mga frayle laban sa mga pari, nag-aklas ang mga sundalo ng sandatahang Español sa Cavite. Hinayag ng mga frayle na ang mga may pakana ng aklasan ay ang mga pari na umaagaw sa mga paroco. Ang mga pinuno ng mga nanawagang pari ay hinatulang mabitay. Ang paglitis sa kanila ay ginawa nang lihim, mabilis na tinupad ang pagbitay, at ipinagbawal sa lahat na pag-usapan ang pangyayari. Dahil dito, walang Pilipinong naniwala na kasangkot ang mga pari sa aklasan sa Cavite at hanggang ngayon, panalig ng mga tao na walang sala sina Burgos, Gomez at Zamora. Totoong bibitayin na, hindi pa rin nakapaniwala si Burgos na uutasin ang buhay niya dahil sa panawagan niya para sa mga Pilipinong pari. Subalit sila ay mga paring christiano at sila ay namatay tulad ni Christo, itinatwa sa mga kasinungalinan ng mga frayle dahil tinangka nilang kunin ang mga paroco, ang sandigan ng kapangyarihan at paghahari ng mga frayle sa mga tao. Kaya, kahit nagsikap sina Burgos, Gomez at Zamora para lamang sa kanilang mga kauri na mga Pilipinong pari, itinatanghal pa rin sila ng lahat ng tao at pinagpipitagan bilang mga martir. Nasawi sila dahil sa paghangad ng katarungan, at dahil sa kataksilan ng mga mananakop na Español.
Nagmulat sa mga Pilipino Ang kaharian sa España ay walang muwang, at sadya namang ayaw malaman ang mga kagagawan ng mga frayle sa Pilipinas at pagpapahirap sa mga Pilipino. Unang una, ang mga frayle na pulos mga Español ang naghahari sa bawat paroco sa kapuluan. Sila ang nagsusuplong sa sinumang nakaaway nila, ipinadadakip sa mga Guardia Civil upang pahirapan at saktan, at ipinapatapon ng pamahalaan sa labas ng bayan. Ang mga sumuway sa utos ng mga frayle ay Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
7 of 25
tinatanggal sa tungkulin, - kahit na ang mga ministro sa España. Pati na ang mga mapagpalaya ay sunud-sunuran sa utos ng mga frayle. Ipinabitay ng mga frayle sina Burgos, Gomez at Zamora, upang turuan ng ‘leccion’ ang mga tao at matakot ang mga ito na kumalaban sa kanila. Ngunit kabaligtaran, ang pagpatay nang walang katarungan ay nagpaalab hindi ng takot kundi ng pagkamuhi sa mga frayle, at ng dalamhati at pakikiramay sa mga pinaslang. Mistulang himala, ang pagbitay ang siyang nagmulat sa mga Pilipino sa kalagayan nila, kung anong uri ng buhay ang dinaranas nila. Mahapdi ang paggising na ito, at lalong naging mahirap ang mamuhay pagkatapos. Subalit kailangang magsikap ang mga tao na mabuhay. Paano? Hindi nila alam, at ang hangarin nilang malaman, ang matuto, ay lumaganap sa kapuluan at sumakop sa damdamin ng mga kabataan. Ang tabing ng kawalang muwang, hinimay at ginamit na pantakip nang daan-daang taon, ay nalaslas na, sa wakas, at hindi na nagtagal ang pagsinag ng liwanag. Ang bukang-liwayway ng panibagong araw ay malapit na.
KABANATA IV: Palakad Ng Español Bago Naghimagsikan DATI-RATI, may mga paaralan sa Manila na nagturo ng kaunting Latin at Español, mga tanging kailangan upang makapasok sa Universidad ng Santo Tomas, palakad ng mga frayleng Dominican, at mag-aral ng pag-aabogado, ng pagpa-pari at ng filosofia. Ang Pilipinong naging mga pari at mga abogado nuong panahon ni Padre Jose Burgos ay natutong maigi ng Latin ngunit bahagya lamang nakaunawa ng Español, maliban sa mga anak ng mga Español, dahil pulos religion ang itinuturo sa kanila. Kaunti lamang ang mga Pilipino na may sapat na yaman upang makapag- aral sa Manila. Karamihan ay nag-pari sapagkat mababa ang tingin ng mga frayle sa mga abogado, samantalang ikinarangal ng mga tao ang sinumang Pilipinong naging pari. Pagtagal-tagal, binago ng mga frayle ang tuntunin ng aralan sa Manila upang masaway ang pagdayo ng mga Pilipino sa España o iba pang bayan sa Europa upang mag-aral ng mga hindi itinuturo sa Manila. Napupulot kasi ang mga makabago at mapagpalayang pag-iisip sa labas ng bayan, lalo na ang mga panukalang labag sa palakad ng simbahan. Nagbukas ang mga frayle sa Manila ng mga paaralan ng medicina at ng pharmaceutica, pangga-gamot at pagbu-botica, upang mapili nila ang mga aklat at mga guro na sang-ayon sa mga tuntunin ng Español, upang manatiling masunurin sa simbahan ang mga Pilipino, at upang matigil ang pagpasok sa Manila ng mga makapag-palayang panukala. Subalit lubusang uhaw sa kaalaman ang mga anak mayaman sa Pilipinas at patuloy ang pagdanak nila sa Europa upang mag-aral at matuto. Sa mga lumikas upang matutuhan kung paano mapagbubuti ang kalagayan ng mga tao, dapat itanghal sina Jose Rizal, mag-aral ng panggagamot, at Marcelo H. del Pilar, abogado sa Bulacan na inusig ng frayle sa kabayanan niya. Kung politica ang pag-uusapan, karumal-dumal ang kalagayan ng Pilipinas nuon. Dahil pag-aari lamang, at hindi kasapi sa kaharian ng España, walang mga karapatan ang mga Pilipino bilang mamamayan. Kaya maaaring gawin ng hari, at ng kanyang mga ministro, ang anumang nais nila. Dahil walang mga batas, kahit sinong hukom ay nailuluklok, o natatanggal, sa Pilipinas. Ang hari ng España ay kinakatawan ng isang governador, na laging general sa hukbong Español, at mistulang dictador sa kapuluan. Pati ang mga utos ng hari ay maaari nilang ibinbin, ibahin o kalimutan nang lubusan kung sa tingin nila, mapapahina ng mga ito ang paghahari ng España sa Pilipinas. May kapangyarihan din silang ipatapon sinuman nang walang laban o paglitis, ang ipagbawal ang pagbasa ng anumang aklat o pahayagan, ang pasukin nang walang pahintulot at saliksikin ang anumang tahanan, ang supilin ang anumang pagpupulong ng mga tao, at ang pagsamba maliban sa catholico. Sa madaling salita, supil ang anumang karapatan ng mga mamamayan, mga kalayaan na likas na sa mga katutubo mula nuong unang panahon pa. Samakatuwid, ang kapuluan ay sadlak sa paghahamok, kahit na lawak ang katahimikan sa lahat ng dako nang mahigit 300 taon.
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
8 of 25
Ang governador ay pinuno rin ng hukbo sa Pilipinas. Bilang kinatawan ng hari, siya rin ang nagpapasiya kung sinu-sino ang nagpapalakad sa mga paroco, at kung sino ang magiging mga kawani ng simbahan. Katulong niya sa pamamalakad ang pang-2 pinuno ng hukbo, ang ingat-yaman ng Pilipinas at ang director civil na nangangasiwa sa pulis, paaralang bayan, pagkakalakal at mga gawaing bayan. Tinutulungan ang governador ng isang kalihim tagapagpaganap na tumutupad sa mga tungkuling hindi sakop ng pang-2 pinuno ng hukbo, ng ingat-yaman at ng director civil. May consejo ng pangangasiwa na nagpapayo sa governador sa mga mahalagang paksa, at natatawag ng governador upang tumulong ang isa pang pulong, ang consejo ng kapuluan, na kinabibilangan ng mga pinunong nabanggit na, at ng pinuno ng hukbong dagat sa Pilipinas, ng arsobispo ng Manila at ng pangulo ng hukuman sa Manila.
Walang Pilipino sa pamahalaan Lahat ng pangunahing kawanihan at pamahalaan ng mga lalawigan ay pinamumunuan ng mga Español na ipinanganak sa España, hindi ng mga Español na isinilang sa Pilipinas. Ang mga pinunong ito ay walang alam tungkol sa kapuluan at pinababalik agad sa Madrid tuwing may bakanteng katungkulan sa España. Iilang Pilipino lamang ang napiling manungkulan sa hukbo, sa mga kagawaran ng pamahalaan, o bilang mga hukom at abogado sa litisang bayan. May ilang mayayamang Pilipino na kasapi sa consejo ng pangangasiwa subalit tagapagpayo lamang at walang bayad. Lahat ng naging kawani sa pamahalaan ay nagsamantalang nagpayaman upang hindi maging dukha kapag natanggal sa tungkulin. Sila-sila ay nagtatakipan upang hindi matutop at mabulgar ang kanilang mga kagagawan, na nagiging kahihiyan nilang lahat. Kaya sinumang Pilipino na nagsumbong ng pagnanakaw at kalabisan ng mga frayle at mga kawani ng pamahalaan ay pinaratangan at pinarusahan bilang subersibo, kalaban ng bayan. Walang kinatawan ng kapuluan sa Cortez, ang batasan ng España, kahit na sa pamahalaang municipal maliban sa lungsod ng Manila. Ang mga alcalde ng kabayanan ay mga tagapag-kalkal lamang ng buwis at tagasunod sa utos ng mga pinuno ng lalawigan. Sila ang nagpapa-ayos ng mga lansangan, gamit ang sapilitan at walang bayad na paglilingkod ng mga taong bayan. Hindi sila binibigyan ng salapi o kapangyarihang magpaganap ng iba pang gawain, kaya ang mga alcalde ay hindi pinuno ng kanilang mga kabayanan kundi utusan lamang ng mga frayle at ng Guardia Civil sa kanilang purok.
KABANATA V: Mga Panawagan Ng ‘La Solidaridad’ TIGATIG, hindi nakalingos ang mga Pilipino na tumatangkilik sa kinabukasan ng bayan. Naaninaw nila na sa bumibilis at lumalawak na ugnayan ng i ba’t ibang bayan, hindi magtatagal at magigising sa puso ng mga Pilipino ang paghangad sa mga kalayaang tinatamasa ng mga tao sa ibang bayan, at kapag naunsiyami ang mga kalayaang ito sa kawalan o pagpigil sa pagbuti ng kalagayan ng mga tao, lahat ay madadala ng agos sa aklasan at pakikibaka, gaya ng nangyari sa Europa at America. Walang alingawngaw na nakarating sa España tungkol sa mga abuso na ginaganap sa Lopez Jaena Pilipinas, pati na ang mga angal at panawagan ng mga Pilipino, dahil wala silang mga kinatawan sa Cortes na nagsalita sana para sa kanila, at dahil ang mga frayle at mga namamahalang Español sa Manila ay masigasig na itinatago at pinagtatakpan ang mga kalabisang nagaganap, upang patuloy na maniwala ang mga taga-España na matiwasay na namumuhay ang mga nasa Pilipinas, at magkakagulo duon kung sakaling baguhin ng España ang palakad sa kapuluan. Sa kabilang dako, anumang pagpupulong at pagsusumamo ng mga Pilipino sa Pilipinas ay iniipit at marahas na pinarurusahan kaya walang lumalabas na balita o bulong man lamang tungkol sa mga tunay na kalagayan at pagnanasa ng mga Pilipino. Upang mabulgar ang lahat ng ito, nagpasiya ang ilang mga taga-Manila na maglathala ng isang pahayagan sa España, kung saan hindi makakahadlangan ng mga frayle. Nag-ipon sila ng pangtustos sa isang babasahing ililimbag tuwing ika-2 linggo, at itinatag ng mga Pilipino sa España ang pahayagang La Solidaridad (Solidarity, Ang Pagkaka-isa) Ang unang patnugot ay si Don Graciano Lopez Jaena; hindi nagtagal, ang naging patnugot ay si Marcelo H. del Pilar. Isiniwalat sa pahayagan ang tunay na paghihirap ng Solidaridad mga Pilipino at ang hangarin nilang mapagbuti ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng mga pagbabago na hinihiling nilang iutos ng pamahalaan sa Madrid, mga pagbabago na unti-unting magpapatamasa sa kanila ng mga biyaya ng kabihasnan. Ibinulgar din ng La Solidaridad ang Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
9 of 25
pagsupil sa mga hangaring ito sa pamamagitan ng pagpapahirap at pananakit, pagpapatapon at pagpipiit, mga kalabisan na lalong nagpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino na makaligtas mula sa mapaglupig na pamamalakad.
Unang pahayagan ng Pilipino Binigyang tinig ng ilan-ilang Pilipino sa España ang panaghoy ng mga tao sa Pilipinas, mga panaghoy na pinarusahan ng mga Español sa buong kapuluan. Subalit ang pagpipiit at pagpapahirap ay hindi nagpatahan, bagkus nagpapalakas pa, sa mga panaghoy na lalong lumawak. Hiningi ng mga ulat sa pahayagan na baguhin agad-agad ang pamamahala sa Manila upang masansala ang pag-aklas ng mga Pilipino sakaling maniwala sila na walang lunas silang makakamit sa iba pang paraan, kundi sa pagiging malaya at paghiwalay nang lubusan mula sa España. Ang pagmamahal lamang ng mga Pilipino sa España, hayag ng La Solidaridad, ang tanging batayan ng patuloy na paghahari ng Español sa kapuluan, pagmamahal na hindi nagmaliw sa mga gipit at mapanganib na panahon. Sinundan ang mga pahayag na ito ng pagsumamo na baguhin ang pamamahala upang mapa-hinahon ang mga tao. Hiningi ng La Solidaridad ang mga pagbubuti na: 1. 2. 3. 4. 5.
Gawing civilian sa halip ng militar ang pamahalaan sa Pilipinas Itakda ng mga batas at saklawin ang lawak ng kapangyarihan ng governador-general Ibigay rin sa Pilipino ang mga karapatan at mga kalayaang tinatamasa ng mga Español sa Pilipinas Paalisin ang mga frayle, o isalin ang kanilang mga paroco sa mga pari. Maliban sa governador at pinaka-mataas na pamunuan sa Pilipinas, kalahati ng mga tungkulin sa pamahalaan ng kapuluan ay ilaan sa mga Pilipino, at kalahati lamang, sa halip ng lahat, ang ilaan sa mga Español na galing sa España 6. Gawing takda ang tagal ng panunungkulan sa pamahalaan, sa halip nang palit-palitan kahit kailan maisipan ng mga ministro sa España. 7. Bawasan ang kapangyarihan ng Guardia Civil at supilin ang kanilang pagmamalupit May iba pang hiling ang La Solidaridad na agad sinagot ng mga frayle sa Pilipinas. Naglimbag din sila ng pahayagan upang kalabanin ang mga Pilipino, idiniin na walang kayang gawin ang mga tao dahil sa kanilang kamangmangan at katamaran. Hinayag nilang sanay lamang ang mga tao na gumawa habang hinahagupit ng palo, at magiging layaw ang mga ito kapag nabigyan na pagbubuti. Masisira lamang daw ang katauhan ng mga Pilipino dahil likas silang mga primitivo. Kapag ibinigay ang mga hiniling na pagbabago, sabi ng mga frayle, hihingi lamang nang hihingi ang mga Pilipino, at lalong magiging hayok at hindi masisiyahan kahit kailan. Pinagtibay ng mga frayle na masayang namumuhay ang karamihan ng mga tao at walang pumapansin sa La Solidaridad na pakana lamang ng ilang subersivos. Sumagot ang La Solidaridad, mangmang ang mga tao sapagkat hinadlangan silang matuto ng mga frayle na siyang nangangasiwa ng mga paaralang bayan sa Pilipinas. Sa kabila nito, at salungat sa mga pahayag ng pamahalaan, malaking bahagi ng mga mamamayan ang marunong bumasa at sumulat, nag-aral nang lihim upang hindi maparusahan ng mga frayle. Walang ginagawa ang mga tao, sabi sa La Solidaridad, hindi dahil sa tamad kundi dahil walang sasakyang nagagamit upang maglibot at magkalakal. Ang mga pagbabagong hinihingi sa España mismo ang titikwas sa pagkahilata ng mga tao at babalikwas sa kanila sa pag-unlad. Hinayag sa pahayagan ng mga frayle na ang mga kalayaan sa España ay nakamit sa pamamagitan ng dugo, hindi ng tinta. Walang kibo ang pamahalaan sa Madrid ngunit lantad ang pasiya nilang kampihan ang mga frayle, at pabayaan ang mga tao sa pamamahala ng mga nasa Manila kahit na paminsan-minsan, may mga mapag-palayang pinuno na natanyag sa España sa mga pangako ng pagbubuti sa mga sakop. Ngunit ang mga ito, kapag naluklok na sa pamahalaan, ay masugid na nililimot ang mga pangako nila ng pagbubuti.
KABANATA VI: Ang 2 Nobela Ni Rizal ANG MGA pahayag na inilathala tuwing ika-2 linggo ay hindi sapat upang matawag ang pansin ng pamahalaan ng España. Magaling na patnugot si Marcelo del Pilar, at mainam ang mga pahayag na ipinapasok ng mga katulong na manunulat, kaya tumiwalag si Rizal upang kumatha ng Jose Rizal higit na mapapansin at mabisang hayag sa kanyang mga panawagan. Kinakailangang isalarawan nang mas makulay ang dalamhati ng mga Pilipino upang tunay na makita ang Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
10 of 25
mga kalabisan, at ang paghihirap na nagmumula sa mga kalupitang ito. Sa isang aklat lamang magaganap ito kaya nagpasiya si Rizal na sumulat ng nobela. Ang pambungad ng ‘Noli Me Tangere’ (‘Huwag Akong Salingin’) ay naghayag ng hangarin ng sumulat, walang iba kundi ang pagbunyag sa tanaw ng lahat ng mga paghihirap ng mga Pilipino, tulad ng pagbibilad ng mga maysakit nuong unang panahon, upang makapagpayo at makatulong sa pagpapagaling ang mga nagdaraan na nais dumamay. Ang pangunahing tauhan sa nobela ay si Ibarra, kaisa-isang anak at tagapagmana ng isang mayamang familia ng mga mestizo, halong dugo ng Intsik at Español. Pinag-aral siya ng mga magulang mula pagkabata sa Ateneo sa Manila, ang paaralang palakad ng mga frayleng Jesuit; pagkatapos, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Europa, sa kahilingan ng kanyang ama. Lumaki si Ibarra na hiwalay sa mga kapwa Pilipino, walang karanasan sa Pilipinas, at bahagya lamang niyang alam ang sariling bayan nang bumalik mula sa Europa. Kaya hindi siya napaniwala ni Elias, nang lumapit ito sa kanya upang humingi ng tulong para sa mga naaapi at pinagmamalupitan. Sa halip, sinabi ni Ibarra, ang palakad sa Pilipinas ay ang pinakamainam at angkop sa kasalukuyang katayuan ng lipunang Pilipino. Hindi pa oras upang palitan ang pamahalaan ng bayan, ang sagot ni Ibarra kay Elias.
Dahil sa pag-ibig ni Maria Clara Mahal ni Ibarra ang kanyang bayan, at hindi siya bulag at bingi sa nadatnang paghihirap ng mga tao, ngunit tapat siyang naniniwala sa sinabi niya kay Elias dahil siya ay maligaya, at umiibig sa isang dalagang kababata niya, anak ng frayle sa paroco ng kanyang nayon, at iniibig din siya ng dalaga, si Maria Clara. Sa isang tula na karaniwan sa mga umiibig, ipinangako ni Ibarra sa kasintahan - ang katauhan ng minamahal niyang bayan - na tutustusan niya ang pagpagawa ng mga kailangan sa kabayanan, gaya ng isang paaralang bayan. Ngunit ang frayle ng paroco ay salungat sa ibigan, at damdamin niyang tungkulin na pigilan ang kanyang anak na babae na magpakasal kay Ibarra sapagkat hinahamak ang mga Pilipino at higit na mainam mag-asawa si Maria Clara ng isang Español nang mamuhay siya nang tahimik sa piling ng kanyang mga magiging anak. Isa pa, isang pangahas si Ibarra na ni hindi humahalik sa kamay ng frayle at ang turing sa frayle, kahit na magalang, ay hindi ang paluhod na pagsumamo na karaniwang inaasahan mula sa mga katutubo. Siklab ang luob niya nang ibalita sa kanya ng alcalde ng kabayanan na balak ni Ibarra na magpatayo ng isang paaralan, at sinumpa niyang maghihiganti siya sa ang sinumang tumulong kay Ibarra. Napilitang lumapit si Ibarra sa alcalde-mayor (governador ng lalawigan), sa director ng pamamahalang civil, pati sa governador general ng Pilipinas mismo. Tinulungan naman siya ng mga ito, ngunit sa pagdiriwang nuong simula ng pagtatayo ng paaralan, naganap ang isang ‘sakuna,’ at si Elias lamang an g nakapagligtas kay Ibarra sa kamatayan. Lalong pumait ang kalagayan ni Ibarra nang isa pang frayle ang napaibig kay Maria Clara, at 2 frayle ang naging kalaban niya. Nangyari naman na biglang nagkaroon ng aklasan upang patayin ang frayle na, hindi inaasahan, ay wala sa kanyang convento. Hindi rin inaasahan, nanduon ang mga Guardia Civil na dumakip sa ilang kasapi sa aklasan. Pinilit ang mga bihag na ituro si Ibarra bilang pinuno ng pag-aklas. Ang mga tumanggi ay pinahirapan at pinatay. Ang iba ay hindi nakatiis sa pahirap at pumayag na paratangan si Ibarra. Nabalaan naman ni Elias at nakatakas si Ibarra sa Manila at duon nagpadakip sa mga maykapangyarihan. Ikinulong siya sa Fuerza Santiago at minsan pa uli, sinagip siya ni Elias. Pagkatakas sa fuerza, hinayag niya kay Ibarra na ibinaon niya sa isang lihim na pook ang salapi at kayamanan ni Ibarra. Maaari niyang gamitin iyon upang mamuhay sa labas ng Pilipinas at magsikap mapagbuti ang kalagayan ng mga Pilipino mula duon. Dahil sa mayaman si Ibarra at nakapag-aaral, higit na mahalaga at mabisa si Ibarra, kaya nang malapit na silang masukol ng humahabol na Guardia Civil, nilansi sila at iniligaw ni Elias. Napatay siya ng mga sundalo. Maraming tunay na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino ang lakip sa aklat.
‘El Filibusterismo’ Nagpatuloy ang kasaysayan ni Ibarra sa pang-2 aklat, ‘El Filibusterismo’ (‘Ang Subersivo’). Nakalabas si Ibarra ng Pilipinas at yumaman sa kalakal, nanirahan sa Cuba bilang mag-aalahas at nakaibigan ang governador duon sa pamamagitan ng mga mamahaling handog. Nagpa-utang pa siya ng salapi upang mabigyan ng pahintulot na lumipat sa Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
11 of 25
Pilipinas, gamit ang ibang pangalan at balatkayo. Tinupad niya, pagkabalik sa kapuluan, ang sumpa niyang maghiganti. Inudyukan niya ang lupit at pagpamamalabis ng mga may-kapangyarihan sa mga tao upang mapilitan ang mga itong magaklas sa puot at takot mamatay sa pagpapahirap. Abot langit ang panaghoy ng mga tao dahil sa dalamhati, subalit hindi sila naghimagsik. Ang tiyaga nila ay higit kaysa kay Ibarra na hindi na nakapaghintay pa. Naghanda siya ng isang pagdiriwang na dadaluhan ng mga pinuno ng pamahalaan at ng mga pangunahing familia sa Manila, at naglagay siya sa ilalim ng bahay ng dinamita na pasasabugin niya sa kalagitnaan ng kasayahan. Sa gulong inaasahan niyang maghahari pagkasabog ng bomba, balak ni Ibarra na lusubin ang Intramuros, kasama ang mga kasapakat na mga tulisan, upang agawin si Maria Clara sa convento ng mga mongha ni Santa Clara, at tatakas silang dalawa. Ngunit may isang Pilipino na pinagsabihan ni Ibarra ng kanyang mga balak. Magimbal ito at hinadlangan siya hanggang sa tuluyang natuklasan ang mga pakana ni Ibarra. Sugatan, agaw-buhay at hinahabol ng Guardia Civil, nagkubli si Ibarra sa bahay ni Padre Florentino na nagmulat sa kanya ng kanyang mga kamalian. Hindi nagtagal, namatay siya nang nagsisisi na hindi niya nagamit ang kanyang panahon sa mabuting gawain. Ang baul ng mga alahas at kayamanan na ibinigay ni Ibarra ay itinapon ni Padre Florentino sa dagat upang hindi na magamit uli sa masamang tangka.
Kaunti lamang ang bumasa Sa 2 nobela, tinangka ni Rizal na ihayag ang 2 payo hindi lamang sa mga Español kundi pati na sa mga Pilipino. Sa una, ipinaalam niya sa pamahalaan na kapag hindi sinupil ang pagmamalabis ng mga frayle, mapipilitan ang mga nagdurusang tao na maghimagsik at maghangad ng kalayaan upang maputol ang kanilang paghihirap. Sa mga Pilipino, ang payo ni Rizal ay lalo lamang lalala ang pagdurusa ng bayan kung makikibaka sila para lamang sa sariling mga hangarin. Sa katauhan ni Elias, inihayag niya na tunay na pagka-makabayan at pagpa-pasakit lamang ang makakatulong sa bayan. Naunawaan ba ng mga Español kung paano magagamit ang payo ni Rizal? Dininig ba ng mga Pilipino ang payo sa kanila? Kung susubaybayan ng bumabasa itong kasaysayang isinusulat ko, na tatangkain kong walang kampihan upang maging higit na malinaw, maaaring masagot ang mga tanong na ito pagdating sa dulo. Sa kasalukuyan, sasabihin ko na lamang na iilang mga Español lamang ang bumasa sa mga sula t ni Rizal dahil sa siya ay isang ‘filibustero,’ at hindi maraming Pilipino ang nakabasa dahil ipinagbawal sa kapuluan ang mga aklat ni Rizal. Sang-ayon na nga sa isang kasabihan, ang magkasala ay siyang parusa na rin.
KABANATA VII: Ang ‘Liga Filipina’ At Ang Katipunan HINDI naipagkaila, naging masidhi at lawak na sa Pilipinas ang hangad ng pagbubuti. Ito lamang ang tunay na paliwanag sa nagsimulang alinlangan at pagkamuhi sa mga frayle ng mga tao, mula sa pinaka-educado hanggang sa pinakamangmang na Pilipino, dahil sa hinala nilang laban ang mga ito sa anumang pagbabago na kailangan ng bayan. Nuong unang panahon, ipinagtanggol ng mga frayle ang mga tao laban sa kasakiman at lupit ng mga encomendero dahil wala pang mga pag-aari nuon ang mga frayle, at bahagya lamang natatag sa kapuluan ang simbahang catholico. Kailangan nila nuon ang tulong at kalinga ng mga katutubo, pagtitiwala at katapatan na sinamantala ng mga frayle hanggang sa sila ay yumaman, nagka-kapangyarihan at naging palalo. Bakit nawa nalimot nila ang tamis at hinahong sumaliw sa mga himalang napaganap nila? Ang dahilan ay sinumang mapagkunyari ay inaagnas ang sarili, at ang mga sakmal ng agnas ay hindi nakikinig sa tuwiran, kundi sunud-sunuran sa takot at dahas. Malinaw na ipinahayag ng mga Pilipino ang hangad nilang mapagbuti ang kalagayan nila sa giliw at parangal na ibinuhos ng lahat kina Rizal, Marcelo del Pilar at iba pang makabayan na sumaliw sa kanilang mga panawagan sa ikabubuti ng mga tao. Nabunyag ding tunay ang mga adhika ng La Solidaridad nang tustusan ito ng mga Pilipino sa kapuluan, sa harap ng sindak at panganib sa kanilang buhay.
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
12 of 25
Nuong simula pa, nang unang ilathala ang pahayagan, maraming taga-Manila ang nagtaguri sa mga sarili na maka panawagan, nagpuslit sa lungsod at ipinamudmod ang La Solidaridad, at nag-ipon ng mga bayad at ambag mula sa mga kapwa makabayan sa Manila at mga karatig lalawigan. Pati ang mga maykaya at mga nakapag-aral na lumuwas sa Manila mula sa malalayong lalawigan ay kumampi at nagbigay ng tulong. Ang mga mayayaman lamang sa Manila ang tumanggi, o maliit lamang ang inambag, dahil wala silang tiwala sa mga nagtitipon ng salapi, at takot silang matutop ng mga may-kapangyarihan. Nang natanto ni Rizal na ang mga munti at sali-salibat na panawagang nagawa na ay walang kinahinatnan, nagpasiya siyang magbuo ng isang lipunan. Tinawag niyang Liga Filipina, itinatag ilang araw lamang bago siya ipinatapon ng mga may-kapangyarihan sa liblib ng Dapitan, sa Mindanao. Ang nabuong batas ng lipunan ay ang ukol lamang sa pagtatag, sa pamamagitan ng halalan ng mga kasapi sa Liga, ng consejos o mga pulong ng mga kinatawan sa bawat kabayanan, sa bawat lalawigan, at isang pang-unang pulong na sasaklaw sa buong kapuluan. Hindi banggit sa batas ng lipunan ang mga hangarin ng Liga. Kung pinag-usapan at tinukoy ang mga hangarin sa unang pagkikita ng mga kasapi sa Liga, pinamunuan ni Rizal mismo, hindi ko nabatid sapagkat hindi ako naanyayahan. Hindi ako kailan man naging malapit sa dakilang manggagamot. Masasabi ko lamang na naglaho ang Liga ilang araw pagkaraan ng unang pagkikita dahil sa pagdukot kay Rizal. Nang muling itatag ang Liga sa pasimuno ni Don Domingo Franco, Andres Bonifacio at iba pa, ibinigay nila sa akin ang tungkulin ng pagiging kalihim ng pang-unang pulong. Tinunton namin nuon ang mga hangarin ng lipunan: 1. Tustusan ang La Solidaridad nang maipagpatuloy nito ang mga panawagan sa pagbubuti 2. Mag-ipon ng sapat na salapi upang makatagpo at maghikayat ng mga abogado at mga kinatawan ng Cortes, ang batasan sa España, na handang tumulong sa pagbabago sa Pilipinas 3. Pag-ibayuhin ang pagsigasig sa lahat ng paraang ayon sa batas, mistulang maging isang partido ng politica ang Liga sa halip ng isang lipunan lamang Ngunit madaling nasawi uli ang Liga, naglaho pagkaraan ng ilang buwan, bagaman at mainam ang pasimula nito. Ang karamihan ng mga kasapi ay tanghal sa lipunan, kilala sa dunong at pagiging makabayan. Sa pagsisikap ni Andres Bonifacio at ng mga kasama Andres Bonifacio niya, nakapagbuo ng mga consejo ng mga mamamayan sa Tondo at sa Trozo. Nagsimulang magtipon ng mga consejo din sa Santa Cruz, Ermita, Malate, Sampaloc, Pandacan at iba’t ibang purok sa paligid ng Manila. Humingi sa bawat kasapi ng maliit na ambag buwan-buwan upang makatulong magtustos sa La Solidaridad, ang pangunahing adhikain ng Liga. Nuong una, maagap na nagbigay ang mga kasapi ngunit hindi nagtagal, tumigil sila at sinabing hindi sila sang-ayong tustusan ang pahayagan sapagkat hindi ito pinapansin ng pamahalaan sa España, at hindi papansinin, paniwala nila, ang anumang gawain na hindi labag sa batas. Sa pagsuri sa kung ano ang nangyari, napag-alaman na hindi hiningi sa mga sumasapi ang pananalig nila sa mga adhika at alituntunin ng Liga Filipina. Kabaligtaran, lumabas na si Andres Bonifacio, ang pinakamasugid sa mga nagtatag ng mga consejo at nakapag-amuki ng pinakamaraming kasapi, ay naniwalang walang silbi ang anumang mapayapang adhika. Ang pangunahing consejo ng Liga ay tagapag-amuki lamang at hindi tunay na pulong sapagkat hindi sila napili sa pamamagitan ng halalan ng mga kasapi. Nuon nila nabatid na kapag nagkaroon ng halalan ng mga kasapi upang piliin ang kanilang mga pinuno, mag-iiba ang alituntunin ng Liga. Sa kauna- unahang panahon, nakita ng mga nasa pang-unang consejo na ang mga tao, sa halip na walang muwang at sunud-sunuran lamang, gaya ng paniwala ng mga Español, ay siyang nangunguna sa pag-adhika ng politica sa bayan. Dahil balintuna ito sa hangarin ng mga pinuno ng Liga, mabilis nilang kinitil ang lipunan nang hindi umalingawngaw ang pagtatalo ng mga kasapi, pagtatalo at ingay na maaaring mabulgar sa mga maykapangyarihan. Naghiwalay ang samahan; ang mga sang-ayon sa mapayapang pag-aadhika ng pagbabago, at sa pagtustos sa La Solidaridad, ay nagbuo ng kanilang pangkat na tinawag nilang Compromisarios dahil nagbayad ang bawat kasapi ng 5 piso buwan-buwan. Si Andres Bonifacio at ang mga nag-adhika ng kalayaan, hindi pagbabago, ay tumiwalag at nagbuo ng sariling lipunan, tinawag na Katipunan Ng Mga Anak Ng Bayan. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
13 of 25
Mabilis na lumaki ang Katipunan dahil panghal na ang mga tao sa sigasig ng mga frayle na pigilan ang mga panawagan at anumang tangka ng pagbabago. Kung napayagan sana ang pagpulong political ng mga Pilipino, at kung ang mga maykaya at mga may pinag-aralan ay hinayaang naglibot, maaaring napahinahon nila ang puot ng mga tao at napigil ang paglawak ng Katipunan, dahil ang mga sumapi duon ay sang-ayon din naman sa mga alituntunin ng Liga, kahit na matapos magdanas ng pinaka-mahapding pagdurusa, lalo na pagkatapos ng kasunduan sa Biak-na-Bato.
KABANATA VIII: Unang Yugto Ng Himagsikan HINDI nag-isang taon, narinig ko na lumawak na ang Katipunan sa buong lalawigan ng Manila at nagsimula nang lumaganap sa Cavite at Bulacan. Napagkinita ko ang pagdurusang magaganap sakaling matuklasan ito ng mga Español ngunit wala akong nagawa upang hadlangan sila nuong una, at lalo nang wala akong nagawa nuong ako ay maysakit na at nanghina ang katawan. Isa pa, balisawsaw na makabayan ang tingin sa akin ng mga pinuno ng Katipunan. Nangyari nga na nuong Agosto 1896, natuklasan ng namamahala sa limbagan ng pahayagang Diario de Manila na ilan sa kanyang mga kawani ay kasapi sa lihim, at bawal, na samahan at madali niyang ipinadakip ang mga ito sa Guardia Civil upang usigin. Dinaan sa pagpapahirap at pananakit, ibinulgar ng mga bihag hindi lamang ang Katipunan kundi pati ang mga samahan ng mga mason at ang mga lipunang naglaho na, gaya ng Liga Filipina at ang Cuerpo de Compromisarios. Nabigyan ng babala si Bonifacio at ang kanyang mga kasama, kaya hindi sila nadakip kasama ng marami, at nakatakas sa bundok at duon, nanawagan sila na mag-aklas na ang mga tipon ng mga tao at sumama na sa kanila sa bundok upang hindi madakip ng Guardia Civil. Sinulsulan ng mga fr ayle ang mga maykapangyarihan na ‘turuan ng leccion’ ang mga kumakalampag at ipinadakip lahat, hindi lamang mga katipunero kundi pati ang mga kasapi ng iba’t ibang lipunan at ang mga mason. Sa paniwalang hindi kayang magbuo ng samahan ang mga mangmang na hindi marunong bumasa o sumulat, pati ang mga educado at ang mga tanghal sa lipunang Pilipino sa bawat lalawigan ay pinagdadakip. At pinahirapan. Karamihan sa mga katipunero ay nabalaan at nakatakas, at ang mga hindi kasapi sa Katipunan ang siyang nakulong at pinagmalupitan. Pilit na pinaamin sa hindi nila alam, bihira ang nakatakas sa pagpapahirap na ginawa sa piitan. Marami ang namatay, marami ang binitay matapos litisin ng hukumang militar. Marami ang binaril at pinatay nang walang paglilitis kahit na ano. Marami ang basta namatay na lamang sa kawalang hangin sa mga kulungan ng Intramuros. Mapalad na, kung masasabing magandang kapalaran ito, ang mga napiit lamang at ang mga naipatapon sa labas ng bayan. Binitay si Rizal, binaril nuong Deciembre 30, 1896, sa salang pumumuno sa himagsikan, samantalang ang mga tunay na maysala, ang mga nagbigay ng dahilang mamuhi ang mga Pilipino sa Español, ay pinuri at itinanghal sa kanilang pagiging makabayan. Hindi pa sumasabog ang aklasan, sinikap na ni Rizal ang tapusin ang kanyang pagkakasadlak sa Dapitan. Inalok niyang magsilbi bilang manggagamot sa sandatahang Español na nakikipagdigmaan nuon sa mga naghihimagsik sa Cuba. Pumayag ang pamahalaan at ibinarko siya mula sa Dapitan at naghihintay siya duon ng barkong magdadala sa kanila sa España nang sumabog ang himagsikan. Gayon pa man, pinayagan ng governador general na magtuloy sa España si Rizal ngunit ipinabalik siya sa Manila ng hukumang militar upang managot sa mga sakdal sa kanya ng mga frayle. Kahit na walang sala - wala siyang pagkakataong magpakana dahil sa pagkasadlak sa Dapitan - hinatulan siya ng bitay. Kung hindi raw niya isinulat ang mga siwalat sa La Solidaridad, at kung hindi niya inilimbag ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, hindi sana nagkaisip ang mga tao na mag-politica at mag-aklas laban sa Español. Maling-mali ang hatol na ito, dahil mayroon nang politica ng protesta bago pa ipinanganak si Rizal at masasabing ang politica ng protesta ang ‘lumikha’ ng sagisag na nabaon sa katauhan ni Rizal. Kung wala si Rizal, ibang tao sana ang naging sagisag ngunit magkakaroon at magkakaroon ng sagisag sapagkat ito ang kailangan ng bayan. Sadyang mabagal at mahinahon ang politica ng protesta, naging marahas lamang ito dahil pilit na pinigilan at hinadlangan. Hindi si Rizal ang nagsimula ng paghihimagsik ngunit siya ang pinagbuntunan at pinarusahan ng kamatayan - isa siyang martir sapagkat wala siyang kasalanan. Kaiba kay Padre Burgos, na lumuha dahil pinatay siya nang walang sala, mahinahong hinarap ni Rizal ang kanyang kamatayan, nakangiti pa upang ipakitang giliw niyang hinandog ang kanyang buhay sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino, tiwalang lagi siyang maaalaala nang may pagmamahal at utang na loob ng madla na hahanga at susunod sa kanyang Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
14 of 25
halimbawa. Totoong ang giting ni Rizal ay nakasalalay sa kusa niyang pagpakasakit. Batid niya na kapag isiniwalat niya ang mga kalabisang ginaganap sa Pilipinas, hindi tutugot ang mga Español hanggang hindi siya napupuksa. Ngunit pinili pa rin niyang gawin ito sapagkat sa ganitong paraan lamang malulunasan ang mga sakit na dinaranas ng Pilipino. Mula nang maunawaan ni Rizal ang kasawian ng kanyang tinubuang bayan at nagpasiyang magsigasig upang malunasan ito, lagi na lamang niyang naguguni-guni ang takot ng magiging pagpatay sa kanya. Sa tagal ng panahon, natutunan niyang huwag katakutan ang kamatayan, at hindi siya nasindak nang dumatal ang oras nito, sapagkat ang buhay niya, mula nuong araw na nagpasiya siyang magsilbi sa bayan, ay isang mahaba at patuloy na pagpanaw na tiniis niya, sa laki ng pagmamahal niya sa mga kabayan, hanggang sa katapusan. Pabuya ng Maykapal na malaman nating mga Pilipino kung paano siya alayan ng lapat na parangal - ang tularan ang kanyang mga kabutihan. Ang kalupitang gaya ng pagbitay ay walang ipinagbunga kundi ang galit ng lahat, at kaysa pagdusahan nila, minatamis pa ng mga naghimagsik na mamatay nang nakikipagbaka kahit na mga itak lamang ang sandata nila. Pinakamalawak ang Katipunan sa Cavite dahil sa paunti-unti lamang ang mga sandatahang Español duon, kalat- kalat pa sa iba’t ibang kabayanan ng lalawigan, maliban sa daungan at sa imbakan ng mga sandata, kapwa hindi nasukol ng mga naghimagsik. Ang malawak na kilusan ay nahati sa 2 pangkat sa Cavite, ang pangkat ng mga Magdalo sa Kawit at pali-paligid, pinamunuan ni Don Baldomero Aguinaldo, at ang isa pang pangkat, ang mga Magdiwang sa bandang Noveleta na pinamunuan ni Mariano Alvarez. Mayroon silang mga kakamping mga katipunero sa San Francisco de Malabon. Pagsigaw ng aklasan ni Andres Bonifacio, lumusob ang mga katipunero at ang mga kasama, nilupig ang mga himpilan at cuartel ng mga Guardia Civil at mga sundalong Español, pinagpapatay ang mga pinunong Español duon. Sa Noveleta, ang mga naghihimagsik na pinamunuan ni Artemio Ricarte ay nakakamal ng mga sandata mula sa mga Español. Ito ang mga ginamit upang talunin ang mga sandatahan ni General Ramon Blanco nuong Noviembre 9, 1896.
Kataksilan sa Tejeros Sa Kawit naman, nabawi ng mga sundalong Español ang imbakan ng pulbura ng Binacayan ngunit pagkaraan ng ilang araw, nilusob muli at nagapi sila ng mga katipunero nuong Noviembre 11, 1896, sa pamumuno ni Candido Tirona, na napatay sa labanan, at ni Emilio Aguinaldo, ang alcalde ng kabayanan ng Kawit. Dahil sa magkahiwalay, at walang tulungang panalo ng 2 pangkat, pinaghatian nila ang lalawigan ng Cavite. Napasailalim ng mga Magdalo ang mga kabayan ng Kawit, Imus, Bacoor, Perez Dasmarinas, Silang, Mendez Nunez at Amadeo, habang nahanay sa mga Magdiwang ang iba pang mga bahagi ng lalawigan. Hacienda Tejeros Naanyayahan ng mga kaibigan, nagtungo sa Cavite si Andres Bonifacio upang pag-isahin ang magkaribal na pangkat ngunit hindi pinansin ng mga Magdalo ang mga mungkahi niya. Mabuti na lamang, nagkusa si Edilberto Evangelista na tumulong sa himagsikan duon, kahit na siya ay taga-Manila. Isang ingeniero, nakapagtapos sa Pamantasan ng Ghent, Belgium, sa Europa, pinamunuan niya ang paghukay at paglatag ng mga tanggulan sa Cavite. Nang pasukin ng libu-libong sandatahang Español ni General Camilo Polavieja ang Cavite, sinupalpal sila ng mga katipunero sa ilog ng Zapote hanggang napatay si Evangelista nuong Febrero 17, 1897. Mula nuon, mabilis na sinakop ng mga Español ang mga kabayanang hinahawakan ng mga Magdalo, na napaurong hanggang sa San Francisco del Monte, kung saan sila napilitang nakipag-ugnay sa mga kasapi ng Magdiwang upang maipagtanggol ang lalawigan. Nagpulong silang lahat, kasama ng mga pangunahing pinuno ng Katipunan sa hacienda ng Tejeros nuong Marso 12, 1897. Nangulo si Bonifacio sa pulong na nagpasiyang maghalalan ng mga pinuno ng pamahalaan ng himagsikan na itatatag upang maging isa ang pamunuan ng laban sa Español. Si Emilio Aguinaldo ang nahalal na pangulo at si Mariano Trias ang nagwaging pang-2 pangulo. Si Andres Bonifacio ay nahalal na pang-3 pinuno, director ng kagawarang panloob ngunit nilibak siya ng ilang kasapi sa pulong dahil wala siyang natapos na pag-aralan.
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
15 of 25
Panting ang tenga, iniwan ni Bonifacio ang pulong at nagsisigaw, siya pa rin ang supremo ng Katipunan at hindi niya kinikilala ang kagaganap na halalan. Nagpasiya si Bonifacio na mamundok sa San Mateo, kasama ang 2 kapatid na lalaki, samantalang nagsimulang manungkulan ang mga nahalal sa Tejeros. Inutusan ni Aguinaldo ang 2 pangkat ng mga tauhan niya na bihagin si Bonifacio. Lumaban ang pangkat ni Bonifacio at napatay ng mga tauhan ni Aguinaldo ang isang kapatid at 3 katipunero ni Bonifacio. Si Bonifacio mismo ay nasugatan at, kasama ng isa pang kapatid, kinaladkad ng mga tauhan ni Aguinaldo hanggang Naic, tapos sa Maragondon. Kinaladkad muli sila sa kalapit na bundok ng Buntis at duon pinatay ang magkapatid na Bonifacio. Kuro sa buong bayan na walang katwiran, walang kapatawaran, ang ginawa ni Ginoong Aguinaldo na pagkalaban at pagpatay kay Bonifacio. Katumbas ang napag-aralan ni Bonifacio sa ibang mga nahalal sa Tejeros, at kilala ang dunong niya sa pagtatag niya ng Katipunan. Ngunit mga kaibigan ni Aguinaldo at ni Trias ang karamihan ng mga naghalal sa Tejeros at nagkaisa sila laban kay Bonifacio na bagama’t magiting at kilalang mabuting tao, ay inalinlangan nila dahil hindi taga-Cavite. Ito ang iginagalit ni Bonifacio, bagama’t pinigilan ang sarili at nang makitang walang nagnanais na magkaisa ang Katipunan, nagkusa na lamang na lumisan papuntang San Mateo. Ang pagpatay kay Bonifacio ay karumaldumal na kawalang-hiyaan ni Aguinaldo, at ang unang pagwawagi ng sariling kapakanan at ang pagkatalo ng tunay na pagkabayani.
Sinuhulan si Aguinaldo ng 400,000 Pesos Ang kasuklaman ay nagpalanta ng sigasig ng Katipunan, at lalong napadali ang pagkatalo ng himagsikan sa Cavite sapagkat marami sa mga lumalaban, mga taga-Manila, Laguna at Batangas, ay napanghal, nasiraan ng loob at nag-uwian. Hindi nagtagal, ang kunyaring pamahalaan ng himagsikan ay napilitang tumakas sa mga bundok ng Biak-na-Bato sa Bulacan. Duon nagtago ang pamahalaan ni Aguinaldo, ayaw lumusob duon ang mga Español dahil sa kapal ng sukal ng mga gubatgubat. Hindi rin naman nakipaglaban sina Aguinaldo dahil wala na silang sapat na mga tauhan upang harapin ang mga Español. Kaya agad-agad nilang tinanggap ang alok ni Pedro A. Paterno, mula kay General Primo de Rivera, ng ‘marangal’ na pagsuko ng himagsikan. Si Ginoong Paterno ay hindi kasapi sa pamahalaan o ng himagsikan, kundi karaniwang mamamayan na nagkusang maging tagapagkasundo. Nais ni General Rivera na ipatapon sa labas ng bayan ang mga pinuno ng himagsikan dahil maagap na masusundan sila duon ng mga alagad ng España. Mahahadlangan nila ang pag-iimbak ng sandata, lalo na ang anumang tangka ng mga pinuno ng himagsikan na makabalik sa kapuluan. Kaya inalok niyang suhulan ng salapi sina Aguinaldo upang umayaw na at tahimik na umalis sa Pilipinas. Pakiwari ng kunyaring pamahalaan ng himagsikan na susuko na rin lamang sila pagkaraan ng madaling panahon, dahil sa kulang sila sa sandata at wala na silang mga tauhan, tinanggap nila ang alok na 400,000 piso ni General Rivera, kapalit ng panawagan ni Aguinaldo sa lahat ng naghihimagsik na sumuko sa mga Español. Sa unang tingin, nakaligtas ang kunyaring pamahalaan ng himagsikan mula sa pagkatalo, ngunit hindi sapat ang kasunduan upang mapahinahon ang himagsikan sapagkat walang turing ito tungkol Pedro Paterno sa mga pagbubuting hinihingi ng mga tao. Inakala ng mga Español na matapos mabayaran sina Aguinaldo, tatahimik na sa kapuluan ngunit kabaligtaran ang nangyari. Ang mga pagbabago lamang na panawagan sa La Solidaridad ang maaaring nakapagpayapa sa Pilipinas, ngunit tinanggihang lahat ng mga Español, gamit lahat ng galing nila sa pakikipag-kasunduan at kataksilan. Kaya marami sa mga tao ang nanatiling nakikibaka sa mga bukid, at walang nakapagsabi kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.
KABANATA IX: Ang Paghugis Sa Himagsikan DAHIL kasapi ako sa Liga Filipina at naging isa sa mga representante o compromisario nito, ako man ay isinakdal at ipiniit ng mga Español bilang isa sa mga consentidor ng aklasan. Datapwa, 6 buwan bago sumabog ang aklasan, inatake ako sa puso at ako ay naging lumpo. Dahil sa kapansanan kong ito, hindi ako ginulpi at binitay kasama nina Domingo Franco at iba pang nasangkot sa Liga. Nangyari pang nasali ako sa pangkalahatang pagpapatawad na ipinahayag ni General Primo de Rivera, at ako ay pinalaya matapos ng pagkapiit nang 9 buwan sa kulungang bahagi ng ospital ng San Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
16 of 25
Juan de Dios sa Manila. Pagkaraan pa ng ilang buwan, lumipat ako sa Los Baños, tapos sa kabayanan ng Bay, sa lalawigan ng La Laguna, kung saan ko isinulat ang paraan sa pagbuo ng himagsikan ng bayan na wari ko ay malapit na dahil sa malawak na kaguluhan, at alumpihit na ang mga tao. Naganap ito 2 buwan bago nagsimula ang digmaan ng America laban sa España, na madaling sinundan ng pagdurog ng hukbong dagat ng mga Español sa Pilipinas nuong Mayo 1, 1898, at ng pagbalik ni Ginoong Aguinaldo sa kapuluan. Pagdating na pagdating, ipinahayag niya na handa ang America na tulungan ang mga Pilipino na bawiin ang kanilang mga likas na karapatan. Dito inakala ng lahat na kinilala ng pamahalaan ng America si Aguinaldo bilang kinatawan ng mga Pilipino at mayroong na silang kasunduan. Ang pag-akalang ito ay pinagtibay ng mga malabo at pahele-heleng pahayag ng mga Amerkano. Kaya itinanghal ng mga tao sa bawat lalawigan ang pamumuno ni Aguinaldo at pinag-igi nila ang pakikibaka at pagpapalayas sa mga Español mula sa kani-kanilang purok.
Nang-lansi ang mga Amerkano Nangyari naman na napasakamay ni Ginoong Aguinaldo ang isang copia ng isinulat ko tungkol sa pagbuo* ng pambansang pamahalaan ng himagsikan. Sinulatan niya ako, gayong hindi kami magkakilala, at hinimok akong tulungan ko siya. Bagaman at wala akong alam kahit na ano tungkol sa kanya, ninais kong makatulong ng anumang kaya ko sa hinahangad ng bayan, kaya nagtungo ako sa kanya sa daungan ng Cavite nuong Junio 12, 1898, kung kailan ihahayag na sa kabayanan ng Kawit ang kalayaan ng Pilipinas. Agad ko siyang tinanong tungkol sa kasunduan niya sa pamahalaan ng America at, kagimbal-gimbal, nalaman kong wala palang kasunduan, walang kasulatan, at mga sabi-sabi lamang pala ni Admiral George Dewey at ng kinatawan ng America sa Singapore, si Pratt. Wala daw balak ang America na sakupin ang anumang bahagi ng Pilipinas at, ayon sa kanila, ang hangad lamang ay tulungan ang mga tao na ibuwag ang kalupitan ng mga Español nang matamasa ng mga Pilipino ang biyaya ng isang malayang pamahalaan. Nuon ko natanto na sinadya ng mga Amerkano na gawing malabo ang kanilang mga pangako, na madali namang tinanggap ni Ginoong Aguinaldo kahit na walang kasulatan o katibayan dahil sabik na sabik na siyang makabalik agad sa Pilipinas. Takot kasi na baka ibang sikat na Pilipino ang kasunduin ng mga Amerkano at nakawin sa kanya ang karangalan ng pamumuno at pagpalaya sa bayan. Natanto ko rin na ang paghahayag ng kalayaan na gaganapin nuong araw na iyon ay adelantado, hindi pa panahon, dahil itinatago ng mga Amerkano ang kanilang mga pakana habang inilalahad natin ang lahat ng ating mga hangarin. Naghinala ako na dahil walang ingat ang mga galaw ng mga tao, magiging mailap at alinlangan ang hukbong Amerkano. Hahadlangan ng mga kinatawan at alagad ng America sa Hongkong at iba pang daungan sa China ang pagbili natin ng mga sandata at gamit digmaan.
Magtatag ng pambansang pamahalaan Ngunit huli na nang dumating ako, at hindi na mahadlangan ang gagawing pagpapahayag, kaya tumahimik na lamang ako at inasikaso ang mga dapat gawin sa harap ng mga mabilis na pangyayari. Sa biglaang bulwak ng himagsikan, madaling nawarak ang buong pamahalaang pinagyayaman ng mga Español sa bawat kabayanan at lalawigan ng sangkapuluan, kaya nararapat na magtatag agad ng kapalit na pamahalaan upang hindi maghari ang gulo at paglapastangan na magdudulot ng dalamhati sa lahat. Iminungkahi ko na magtatag ng pinakamalayang pamahalaan na magagawa namin sa harap ng gulo at karahasang nangyayari nuon at pumayag naman si Ginoong Aguinaldo, kaya’t mabilis na naitanghal ito sa iba’t ibang lalawigan. Sunod kong iminungkahi na magtatag ng mga kagawaran upang pangasiwaan ang pamahalaan ng buong bayan. Isa pa, dapat magtipon ng mga kinatawan, 2 bantog na tao mula sa bawat lalawigan, upang bumuo ng isang pulong o congreso na magpapayo kay Ginoong Aguinaldo ng mga dapat gawin upang mapagbuti ang kalagayan ng mga tao, at mapatatag ang pamahalaan ng bayan. Ang pulong na ito ay dapat walang kapangyarihang magpairal ng mga batas dahil laganap pa ang digmaan at kinakailangang manatiling buo ang kapangyarihan ng bayan sa kamay ng mga pinuno ng himagsikan, ngunit kailangang tipunin na ang mga kinatawan upang hindi maghinala ang mga taga-lalawigan na maghahari si Ginoong Aguinaldo. Sumang-ayon sa lahat ng aking mungkahi si Ginoong Aguinaldo at inalok niyang pamunuan ko ang isang kagawaran sa binubuong pamahalaan. Tumanggi ako dahil sa Arellano aking kalagayan, maysakit at mahina ang katawan. Inako ko lamang na pangasiwaan ang pakikipag-ugnayan sa mga ibang bayan hanggang mapalitan ako ni Ginoong Cayetano Arellano, ang nahirang na mangasiwa nito dahil sa kanyang tanyag na kakayahan sa mga ganitong gawain. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
17 of 25
Nangyari na nuon, nakarating na sa kapuluan ang hukbong Amerkano ni General Thomas Anderson, at nagsisimula nang dumaong sa Cavite ang iba pang sandatahang Amerkano na dala ni General Wesley Merrit. Kaya naging magulo ang pakikitungo ng Pilipino sa America. Sa kabilang dako, napaligiran na ng mga sandatahang Pilipino ang buong Manila bagaman at naantal dahil hindi maayos ang tulungan ng iba’t ibang pangkat na nagkalat duon. Si Aguinaldo, dahil tanyag siya at kinilala ng lahat bilang pinuno, ay nakapagbuo sana sa mga pangkat-pangkat ngunit hindi niya napagpasiyahang pumunuan mismo ang paglusob sa Intramuros.
‘Wala munang batas, constitution o republica’ Kung nasakop ng mga Pilipino ang Intramuros bago dumating ang hukbo ni General Merritt, naging malinaw sana ang ugnayan natin sa mga Amerkano mula nuon. Ngunit hindi ito nangyari. Dumaong sa Parañaque ang mga Amerkano at nilusob ang Manila, binale wala ang mga sandatahang Pilipino. Marami sa mga pinuno ng hukbong Pilipino ang nagmungkahi na sapat na dahilan ang kataksilang ito upang bakbakin namin ang mga Amerkano. Sinalungat ko sila, ipinayo ko kay Ginoong Aguinaldo na iwasan ang paghamok sa mga Amerkano sapagkat magiging 2 ang ating kalaban at malamang magkampihan ang mga Español at mga Amerkano at paghatian nila ang Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerkano ang Manila, tumalilis mula sa Bacoor, Cavite ang pamahalaang Pilipino lumayo at humimpil sa Malolos, Bulacan, kung saan unang nagpulong ang mga kinatawan ng bagong congreso. Ang unang paksang pinagkayarian nila ay ang pagpapatibay ng pahayag ng kalayaan na hinayag sa Kawit, Cavite. Tapos, sinimulan nila ang kasulatan ng katauhan ng bayan, ang constitution, na magtatatag ng Republica ng Pilipinas. Dapat kong sabihin na nuon, hindi pa ako pinapalitan ni Ginoong Arellano bilang kalihim panlabas, ngunit inako nang lahat ng kanyang pang-2, si Trinidad H. Pardo de Tavera, ang mga tungkulin kaya ako ay pangkaraniwang tagapagpayo na lamang ni Ginoong Aguinaldo. At bilang ganoon, ipinayo ko sa kanya na paalalahanan ang congreso na hindi sila dapat magbuo ng isang constitution dahil hindi sila kinatawan upang maghubog ng kasulatan ng katauhan ng bayan. Ni hindi sila dapat magsulat ng batas, sapagkat hindi sila batasan. Na ang tanging tungkulin nila ay magpasiya kung paano pinakamaiging makabuo, at matustusan, ang hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerkano, at payuhan si Aguinaldo tungkol sa kanilang pasiya. Ipinayo ko rin kay Ginoong Aguinaldo na sabihin sa congreso na hindi pa panahon upang magka-kasulatan ng katauhan ng bayan sapagkat wala pang kumikilala ng Pardo de Tavera kalayaan ng Pilipinas, at kapag nabuklod na sa kasulatan ang kalayaan ng bayan, ang pamamahala na ginagawa namin ay magiging paglabag sa kasulatan mismo. Dahil dito, sapantaha at payo ko, mas mainam na pabayaan ang pamahalaang magpasiya kung ano ang mainam na ganapin sa kasalukuyang digmaan nang walang nilalabag na kasulatan. Aking palagay na dapat magka-laya ang pamahalaang makipag-kasunduan sa America tungkol sa pagtigil ng digmaan, kung mayroong mabuting makakamit ang mga tao sa kasunduan, at kikilalanin ang mga karapatan nila bilang mga mamamayan.
‘Tagapagpayo ng infierno’ Ipinahatid ni Ginoong Aguinaldo ang aking mga payo sa kanyang bagong cabinete at nabatid ko pagkatapos na hindi lamang nila sinansala ang aking mga panukala, pinagalitan pa nila ako sa pagiging makahari at paghikayat kay Ginoong Aguinaldo na maging dictador. Dahil dito, sinimulan akong tawagin n g mga sitsit na ‘tagapagpayo ng infierno kay presidente’. Natanto ko na walang nakinig sa aking mga payo, nainggit sa akin ang bagong cabinete. Baka ibunton pa sa akin ang kanilang mga pagkakamali, kaya tinangka kong humiwalay kay Ginoong Aguinaldo at lumipat sa ibang bahay, labag sa kanyang kahilingan, ngunit mabilis siyang nagpakabit ng telefono sa 2 bahay kung kaya’t alumpihit akong nagpatuloy na maging ‘tagapagpayo ng infierno.’ Pinigil ko ang sarili sa pagpayo na lamang kay Ginoong Aguinaldo na tungkulin niyang makinig sa kanyang mga kalihim at kampihan ang mga ito habang sila ay gumaganap nang marangal at tapat sa kanilang mga tungkulin, at hindi nila inaabuso ang kanyang pagtitiwala. Pagkaraan ng matagal, hinayag ni Ginoong Arellano na hindi niya magagampanan ang pagiging kalihim panlabas, at pinilit ako ni Ginoong Aguinaldo na tanggapin ang katungkulan. Pumayag ako nuong Enero 2, 1899, upang mag-amuki ng kasunduan sa America bago mapagtibay ng congreso ang binubuo nilang kasulatan ng katauhan ng bayan. Nasawi lahat ng balak ko nang nuong Deciembre 10, 1898 pa lamang, naganap na ang Kasunduan sa Paris at inako ng batasan ng America ang karapatang magpasiya tungkol sa mga karapatan at pagiging mamamayan ng mga Pilipino. At, dagdag pang mariin ni General Elwell Otis, hindi paiiralin ang mga karapatan at pagiging mamamayan Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
18 of 25
hanggang nag-aaklas ang mga Pilipino. Bagaman at tiyak na pagtitibayin sa America ang Kasunduan sa Paris, dapat ipagpatuloy natin ang pakikibaka, sa aking tingin, sapagkat ang biglaang pagsuko, hayaan ang America ang magpasiya tungkol sa ating kinabukasan, ay magpapatunay sa mga Amerkano na wala tayong kakayahang mamahala sa mga sarili, na kung ayaw nating ipaglaban Malolos Convention ang ating mga kalayaan, tunay na wala tayong pag-unawa at pagmamahal sa kalayaan. Ang pagpipiliang nalalabi nuon ay digmaang walang tagumpay, o kapayapaang walang laya dahil sumuko ng walang dangal.
Minadaling umpisahan ang digmaan Sa gitna ng lahat nang ito, pinagtibay ang constitution, ang kasulatan ng katauhan ng bayan, ng pulong sa Malolos at ipinadala sa pamahalaan upang tuparin. Pinipigilan ko pa sana dahil sa mga nakaambang mga panganib ngunit pumayag na rin ako matapos kong nakita na, sa isang panig, buo ang pasiya ng mga kinatawan at nagbantang mag-escandalo sila kapag hinadlangan, at sa kabilang panig, matibay ang pagtanggi ng mga Amerkano na kilalanin ang ating pamahalaan at ang pagpilit nila na sumuko ang mga Pilipino. Isa pa, si Ginoong Aguinaldo man ay sang-ayon sa pagtupad sa kasulatan. Hindi ko pa batid nuon, walang hinala kahit na ano, na ang mga pinakamasugid na pambato ng kasulatan ang siyang naging pinakaduwag na tumakas sa halip na ipagtanggol ang kasulatan, nang dumating ang panahon ng panganib sa kanilang katawan at yaman. Nuon, sa pangamba ko sa dumarating na digmaan, tiniyak ko na lamang na hindi magsimula sa ating panig ang gulo. Napakahina ng ating hukbo nuon upang subukan nating duruin ang mga Amerkano.
Naging ‘ari-arian’ ang Pilipinas Samantala, sa silangang gilid ng dagat, sa pamahalaan ng America, binibinbin ng mga senador ng partidong Democrat, karibal ng partido Republican ni President William McKinley, ang pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris kaya napilitan ang president na ipaganap ang matatawag na pakana. Nuong gabi ng Febrero 4, 1899, sinimulan ng hukbong Amerkano ang digmaan laban sa hukbo ng himagsikan, at ang balita nito ay madaling itinelegrama sa America. Dahil baka pa magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa España at ibang bayan sa Europa, minadali ng mga senador ang pagpapatibay sa kasunduan nuong Febrero 6, 1899. Ang 20 milyon dolyar na bayad sa España ay mabilis na ipinalabas ng batasan ng America nuong Marso 2, 1899. At nuong Abril 11, 1899, naging tatag na ang kasunduan, at ang pag-ari ng America sa Pilipinas. Hinayag ng isang senador ng America, si Ginoong McEnery, na ang balak ng America ay sakupin ang Pilipinas hindi nang palagian kundi hanggang makapaghanda lamang ang mga Pilipino na mamahala sa mga sarili sa isang pamahalaan na mag-aalaga ng kapakanan ng Amerkano at kapwa Pilipino. Nagmungkahi sa batasan ang isang karibal, si Senator Bacon, na itatwa ng America ang anumang pagsakop sa Pilipinas kung tutuong pansamantala lamang ang pamamahala ng mga Amerkano, at hanggang maging handa na lamang ang mga Pilipino. Nagbotohan ang mga senador at nanalo, sa isang balota lamang, ang patuloy na pagsakop sa Pilipinas. Ayon sa ganitong batas, hindi maaaring isapi ang kapuluan sa America bilang isang state o kahit bilang territorio. Naging ari-arian lamang ang Pilipinas, binili mula sa España at maaaring dispatsahin kung anuman ang maisipan ng America. Sa ibang salita, hindi saklaw ang Pilipinas ng constitution, ang kasulatan ng katauhan ng America. Walang mga karapatan ang mga Pilipino maliban sa naisin ng batasan ng America na igawad sa mga tao. Lumalabas na pinutol ni President McKinley ang paghahari ng mga Español, upang mapalitan lamang ng paghahari ng mga Amerkano. Kapansin-pansin na ang partido Republican, pinamunuan ni Abraham Lincoln nuong buhay pa siya, ang nagpalaya sa milyon-milyong mga alipin sa America, at sa pamumuno naman ni President McKinley, sa higit na mayaman at makapangyarihang bahagi ng kasaysayan ng America, ang nagmay-ari sa milyon-milyong Pilipino. Sinabi ng pamahalaan sa Washington tungkol sa constitution ng America, na hanggang hindi naglalaho nang lubusan ang mga kabutihan sa lipunan ng hilagang America, ang pagbabahagi ng kapangyarihan sa kasulatan ng katauhan ng Bayan ay hadlang sa pagiging palagian ng anumang malupit na pamamalakad. Sa awa ng langit, nawa’y huwag kalimutan ng mga Amerkano ang isang bayani ng kanilang bayan, o linlangin ang kanyang mga hangad!
KABANATA X: Ang Pagbagsak Ng Himagsikan GAYA ng aking inaasahan, hindi nainda ng samot-samot na sandatahan natin ang unang dagok ng mga disiplinadong sundalong Amerkano. Ni hindi handang makipagbakbakan ang mga Pilipinong nakapaligid sa Manila nuong gabing iyon Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
19 of 25
si General Ricarte, pinuno ng mga sandatahan sa timog, at si General Luciano San Miguel, pinuno naman sa silangan, kung saan nagsimula ang bakbakan, ay kapwa nasa Malolos. Wala kasing alam sa digmaan, hindi minahalaga ng mga pinuno ng sandatahang Pilipino ang mga aral ng labanan at disiplina, kaya magulo at walang silbi ang kinalagyan at ugnayan ng aming mga sandatahan. Hindi sinuri, ni hindi inisip ng aming mga general kung ano ang mga dapat gawin, kung saan tutungo o paano magsasama-sama, sa pagtanggol o paglusob, kung sakaling sumabog ang labanan. Gaya ng nangyar i nga. Walang nakahandang balak kung paano makakausap o mababalitaan man lamang ang iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino kung sakaling maputol ang telegrama o biglang mapaurong ang mga nakapaligid sa Intramuros. Dapat sana ay may isang tagapagpaganap duon mismo sa Manila na mabilis na makakapag-ugnay sa lahat ng pangkat, ngunit tinanggihan ni Ginoong Aguinaldo na bumuo nito, ninais niyang siya lamang ang mag-utos-utos mula sa bahay niya sa Malolos ng tindig at galaw ng lahat ng mga sandatahan sa Manila. Wala naman siyang sapat na panahon mangasiwa sa mga sandatahan dahil abala siya sa pagpapatakbo ng pamahalaan. At duon man, nadaig siya ng yabang, siya ang nagpasiya sa lahat, pati sa mga maliliit na bagay na dapat asikasuhin ng iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan. Nuon lamang sumabog na ang digmaan, nang wasak na ang mga kawad ng telegrama, nang nagtatakbuhan na ang mga sandatahang Pilipino, malabo o lubusang naglaho na ang ugnayan at balitaan ng kalat-kalat na mga pangkat, nuon lamang itinanghal ni Ginoong Aguinaldo si General Antonio Luna bilang pinuno ng mga sandatahan sa Manila. Huli na, wala nang panahon upang mapigil ang pagkatalo, at pagpalayas mula Manila ng aming mga sandatahan. Madali pang nagbitiw ng tungkulin si Luna dahil kinalaban siya ng isang tauhan ni Aguinaldo, nakialam sa pagtatag ng mga pangkat ng sandatahan sa hilaga ng Manila. Ngunit nag-alsa balutan ang buong pamahalaan, napilitang umalis sa Malolos, lubusang iniwan ang lalawigan ng Bulacan mismo at lumipat sa kabayanan ng San Isidro, sa Nueva Ecija. Napilitan si General Luna na pamunuan muli ang mga sandatahang sasagupa sa sumusugod na hukbong Amerkano, upang hadlangan sila sa kabayanan ng Calumpit. Duon, nakapagtatag si Luna ng mga mainam na pangkat na magtatanggol. Hinikayat niya ang mga Pilipino na dating sundalo ng hukbong Español, mga sanay makipag-digmaan. Ginamit niya ang mga ito bilang buto ng buong sandatahan. Hinigpitan din ni Luna ang disciplina ng mga sundalo upang mapigil ang pagkasira ng luob ng mga ito. Nagselos naman ang maraming pinuno ng iba’t ibang pangkat, ayaw bitawan ang kanilang pagmamando sa kanilang mga sundalo, ayaw sumunod sa mga utos ni Luna. Kaya umiral ang pakyawang pag-alis ng maraming pinuno ng sandatahan. Sinisante ni Luna ang mga ayaw sumunod sa kanya, ipinadakip ang mga tumakbo nang lusubin ng mga Amerkano, tinanggal ang mga sandata at pinalayas ang mga lumabag sa kanyang mga utos. Mga Naghihimagsik Liban sa mga gulong ito, maaaring nagtagumpay si Luna sa pagbuo ng may disiplinang hukbo kung kinampihan at sinapo siya ni Aguinaldo, ngunit si Aguinaldo man ay nagsimula na ring magselos at mainggit sa lumalawak na tanyag ni Luna dahil sa tapang, dunong at giting ng general. Lahat ng nagalit kay Luna ay nagsumbong kay Aguinaldo, nagpapakana daw na siya, si Luna, ang papalit kay Aguinaldo bilang supremo ng himagsikan. Nuong natalo ang mga Pilipino sa bakbakan sa tulay ng Calumpit, tinalo ng mga Amerkano dahil naubusan ng bala ang mga Pilipino, nagtungo sa akin si Luna sa San Isidro at nakiusap. Tulungan ko raw siyang hamukin si Ginoong Aguinaldo na dapat nang mag-guerrilla na lamang ang hukbong Pilipino. Ipinangako ko sa kanya ang tulong ko ngunit inuna ko na wala akong magagawa sapagkat walang pumapansin sa mga payo ko tungkol sa pakikipagdigmaan, hindi naman ako sundalo at wala akong muwang tungkol sa hukbo. Hindi ko pa mandin natupad ang aking pangako kay Luna sapagkat hindi ko na nakausap si Ginoong Aguinaldo nang matagal na panahon, kundi nuong nilapitan na lamang ako upang tanungin kung payag ako kung ayusin niyang muli ang cabinete. Hindi ko napaglabanan ang aking damdamin na tupdin ang nararapat gawin kaya pumayag ako at nagbitiw ako ng tungkulin. Nuong mga unang araw ng Mayo 1899, isinuko ko ang aking tanggapan sa aking kapalit, si Pedro A. Paterno, at lumisan ako papuntang kabayanan ng Rosales, malapit sa Bayambang.
Patibong ni Aguinaldo sa Cabanatuan Pagkaraan ng ilang linggo, nagpadala si Ginoong Aguinaldo ng telegrama kay General Luna, niyakag na makipagkita sa kanya sa Cabanatuan at mayroon silang pag-uusapan. Ngunit nang dumating sa Cabanatuan si Luna, hindi si Aguinaldo ang nakaharap niya kundi kamatayan, kataksilan sa kamay ng mga sundalo mismo na sinisante niya dahil hindi tinupad Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
20 of 25
ang kanyang utos at sa halip, tumakas mula sa labanan. Pati ang kasama ni Luna, si Coronel Francisco Roman, ay pinaslang din ng mga sundalo na naghintay sa kanila sa Cabanatuan. Habang pinapatay si Luna, si Ginoong Aguinaldo ay nasa Tarlac, inaangkin ang pumumuno ng mga sandatahan na binuo ni Luna. Bago siya pinaslang, nagtatag ng himpilan si Luna sa Bayambang at inusisa ang pali-paligid ng Bangued kung mainam duong magtanggol kung sakaling mapaurong sila uli ng mga Amerkano. Sinimulan na niyang ipalipat duon ang mga kanyon at iba pang mga gamit sa digmaan. Kahit na, binale wala lahat ito ni Aguinaldo at itinatag ang kanyang pamahalaan sa Tarlac at inubos ang kanyang panahon sa politica at mga balagtasan. Nang natunugan ni General Otis ang kapabayaan ni Aguinaldo, sinamantala niya ang pagkakataon. Pinalaot niya ang kanyang mga sundalo at lumapag sa San Fabian habang pinaikot niya ang kanyang hukbong nakakabayo (cavalry) sa San Jose at Umingan, tapos sinakop ang mga kabayanan ng San Quintin at Tayug. Napaligiran niya nang husto ang ating sandatahan, naputol na ang lahat ng landas na matatakasan ng mga Pilipino. Nuon napatay ng Amerkano ang himagsikan.
Bakit ipinapatay si Luna Hanggang ngayon, hindi ako naniniwala na nagtangka si Luna na agawin ang pumunuan mula kay Ginoong Aguinaldo kahit na alam ko na ninais niyang siya ang pumalit sa akin bilang pinunong ministro, sa halip ni Ginoong Paterno na karibal niya. Laban si Luna sa uri ng pagsasarili na mungkahi ni Ginoong Paterno, na labag pati sa kasulatan ng katauhan ng bayan, ang constitution at sa ganuon ay dapat parusahan ng batas. Napatunayan ito ng ulat na inilathala sa pahayagang La Independencia ilang araw bago pinaslang si Luna, na ang cabinete na pinamunuan ni Paterno at Felipe Buencamino ay papalitan at pamumunuan ni Luna bilang pinunong ministro at ministro ng digmaan. Si Luna na rin ang may pakana ng ulat na ito. Nang natanggap niya ang telegrama ni Ginoong Aguinaldo, inakala niya na ang pagbabago ng cabinete ang kanilang pag-uusapan. Hindi niya inasahan na ipapatay siya sa kalagitnaan ng paghahamok laban sa Amerkano, kung kailan pinaka-kailangan ang kanyang galing sa pagkikipag-digmaan. Hindi rin niya inakala na masisindak si Aguinaldo ng mainam at magiting na hangarin niyang maging pinuno ng cabinete, - si Aguinaldo na naghirang sa kanya bilang pinuno ng hukbong Pilipino. Totoo, ilang ulit narinig nagsabi si Luna na mahina ang loob ni Aguinaldo at hindi lapat maging pinuno, ngunit ito’y bugso lamang ng kanyang maalab at tigas ng loob na tuwi nang nauunsiyami dahil sa kawalan ng pagkampi at pagsapo ni Aguinaldo. Lahat ng ginawa ni Luna ay nagpatunay ng kanyang pagkamagiting at pagiging Antonio Luna makabayan, hinaluan ng walang pagod na pagsikap na malutas ang mga suliranin at kakulangang hinarap ng bayan. Kung siya man ay paminsanminsan naging marahas o naging malupit pa, ito’y bunga ng kahabag -habag na kalagayan at kahinaan ng hukbong Pilipino, nasiraan na ng loob at nawalan na ng bala ng baril. Ang tatag at lakas ng loob lamang ni Luna ang humadlang sa lubusang pagkawatak ng hukbo.
Kung bakit nasawi ang himagsikan Ang pagpatay kay Andres Bonifacio ang nagpakita na sukdulang hayok sa kapangyarihan si Ginoong Aguinaldo, at itong kahinaan ang sinamantala ng mga kaaway ni Luna upang udyukan siyang ipapatay din si Luna. Mali na sabihing maaaring nagwagi ang himagsikan kung hindi ipinapatay ni Aguinaldo si Luna, ngunit wala akong alinlangan na mas mataas sana ang pagtingin at paghanga ng mga Amerkano sa kakayahan ng mga Pilipino kung buhay pa si Luna. Tiyak ko na nasangga sana niya ang pamatay-dagok ni Otis at malamang napagtakpan ang kawalan muwang ni Aguinaldo sa pamumuno ng hukbo. Isa pa, upang burahin si Luna, ginamit ni Aguinaldo iyong mga sundalo mismo na pinarusahan ni Luna sa pagkaduwag at kawalan ng disciplina sa pakikipagdigmaan. Kaya nang bumagsak si Luna, ang pinakamatibay na gabay ng aklasan, nagwakas na rin ang himagsikan, at ang sala at kasawian ng pagkabuwag ay nakapatong na lahat kay Aguinaldo. Siya na rin ang nagkusa ng kanyang hamak na katapusan, kamatayan ng kanyang pagkatao, sanlibong mas mapait kaysa kamatayan ng kanyang katawan. Isinadlak siya ng sarili niyang mga pakana. Ganito siya pinarusahan ng tadhana. Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
21 of 25
Sa madaling sabi, nasawi ang himagsikan dahil hindi mainam ang pamunuan nito, dahil nakamit ng pinuno ang kapangyarihan sa kabuktutan, hindi sa kagitingan, dahil sa halip na kampihan niya ang mga taong makakatulong sana sa himagsikan, ipinapatay niya dala ng kanyang pagseselos. Sa tingin niya, ang kabutihan ng tao ay nakasalalay sa kanyang pagiging tanghal. Hinatulan niya ang mga kasama hindi batay sa kanilang galing, pagkatao at pagka-makabayan, kundi batay sa kung sino ang sunud-sunuran at sipsip sa kanya. Dahil sabik siyang patuloy tanghalin ng mga ganitong tao, pinabayaan ang mga layaw nila, pinatawad pati na ang kanilang mga kasalanan. Dahil binale wala niya ang kapakanan ng bayan, iniwan siya ng bayan. At dahil isinadlak na siya ng mga mamamayan, natakda ang kanyang pagbagsak, tulad ng kandilang natunaw sa init ng paghahamok. Harinawang ipaubaya ng Diyos na hindi natin malimutan ang mapait na aral na ito, na natutunan natin sa napakalaking pagdurusa.
KABANATA XI: Pangwakas PATAWARIN ako kung, dala ng pagtahak sa mga pangyayari, napaka-pait ng mga dinatnan kong mga pagtanto, hinangad ko lamang na maging tunay na mag-usisa at maglahad ng totoo. Aking nasa sa pagsulat ng mga karanasang ito na tuntunin ang mga mahahalagang aral ng mga lumipas upang maunawaan ang mga nagaganap sa kasalukuyan at sa mga darating na araw. Sinikap ko sa aking pagsulat na walang kampihan at walang tuligsain, at hatulan ang mga pangyayari at hindi ang mga tao, ngunit sa pagsuri ko sa himagsikan, hindi ko naiwasang usigin ang isang lalaki, hinatulan ko siya na hindi nakiming magpapatay upang angkinin at masarili niya ang himagsikan mula sa una hanggang katapusan. Tiyak ko na aking inilahad ang mga pangyayari ayon sa pagka-saksi o sa pagkarinig ko sa mga ito, at ang aking mga pahayag ay sapat at walang pakana, subalit kung mayroon akong pagkamali, o mayruon akong nakaligtaan, handa akong isaayos ang mga ito. Sa aking mga pahayag, madalas kong binanggit ang sarili hindi upang maging tanghal at iangat ang sariling upuan kundi upang ipahiwatig lamang na kasama ako sa mga gumanap ng mga pangyayari, bagaman at kung minsan ay bilang saksi lamang sa makahalagang dula ng himagsikan, upang matanto ng bumasa hanggang saan mapagkakatiwalaan ang aking mga pahayag. Hindi masama ang magsuri ng lumipas upang timbangin ang dami ng ating mga pagkakamali, ng ating pagkukulang, ng saan tayo mahina; sinumang nagkusang umamin ng mga kasalanan ay nagpapakita ng katapatan at pagsang-ayong iwasto ang mga pagkakamali at ng hilig matututo sa mga pagkakamali. Ang masama ay ang itago ng mga mali, nagpapalakas loob sa mga masasamang budhi at, kapag natuklasan ng ibang tao, nagbabahid sa karangalan sa halip na mapagbuti ang katauhan. Nais ko sana na gawing taginting ang pahayag na ito ng kasaysayan ng Pilipinas, pagtabihin ang mga kakayahan at kakulangan ng mga gumanap, ang mainam at ang masagwa sa bawat samahang nasangkot, upang ipakita na dito sa daigdig, kahit ang pinaka-mahusay ay may dungis. Ngunit hindi sapat ang aking kakayahan upang tupdin ito. Una na, ang ganitong pagsusuri ay kailangang gawin sa mahabang panahon, at ang panahon ko ay maigsi na. Kaya nagkasiya na akong isiwalat na lamang ang aking mga alam upang magbigay daan, sa mga darating na panahon, sa mga ibang higit na mahusay magsuri at sumulat ng salaysay ng Pilipinas.
Mapatay sana si Aguinaldo Mabalik ang paksa kay Ginoong Aguinaldo, ang aking mga inulat nang walang galit at pagtupad lamang sa nadama kong tungkulin, sana ay huwag makadagdag sa kanyang sama ng loob at, sa halip, ay makagising sa kanya upang magsikap maiwasto at mapagbayaran ang kanyang mga kasalanan, nang siya ay mabalik sa karangalan at pagtangkilik ng mga tao. Nuong ako ay bilanggo na ng mga Amerkano sa Manila, pinasintabi ko kay Ginoong Aguinaldo, sa isinulat ko sa El Comercio, na ang tanging pag-asa niya ay mamatay nang magiting sa pakikihamok sa himagsikan. Pagkatapos, sa isa pang isinulat ko, sa La Fraternidad naman, inulit ko ang pasaring nang mas maliwanag, at inihambing ko siya kay Mister Kruger. Alam kong nainis ang mga Amerkano sa mga isinulat ko, ngunit paniwala ko na ang Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
22 of 25
kamatayan ni Aguinaldo sa pagtatanggol ng ating kalayaan ay makapagbabalik ng kanyang dating pagiging tanghal, at makapagbibigay pa ng dangal sa mga Pilipino. Walang pumansin sa aking mga pasaring, subalit wala akong angal dahil sundin man ni Ginoong Aguinaldo ang aking mungkahi, alam kong mahirap ganapin ang mga nais nating mangyari. Baka pa, na sukdulan ang mga kasalanan niya, ang Maykapal mismo ay nagpasiyang hindi siya karapat-dapat na tanghaling isang bayani, na higit maiging makita at marinig niya ang sumbat at paratang ng mga tao, nang magkaroon siya ng pagkakataong pagsisihan ang kanyang mga kagagawan.
Ang hatol sa kasaysayan ng bayan Madalas sabihin ni Andres Bonifacio nuong buhay pa siya, sa harap ng kanyang walang patid na pagkatalo, na wala tayong dapat katakutan maliban sa kasaysayan ng ating bayan. At tunay na walang patawad ang kasaysayan sa pagbibilad ng katotohanan, at buong lupit nito sa mga nagkasala. Sa kabila ng lahat na ito, hindi dapat mawalan ng pag-asa si Ginoong Aguinaldo sapagkat mapagbabayaran niya kahit kailan ang kanyang mga kapangahasan at maaaring maging tanghal muli, bata pa siya at nakapag-pakita na ng galing niyang gamitin ang anumang mga pagkakataon upang mapaganda ang sarili, kahit na karumal-dumal ang mga paraang ginagamit niya dahil sa wala siyang pinag-aralan at walang pagkatao na lapat sa kanyang katungkulan. Paniwala ni Ginoong Aguinaldo na sa mataas na tungkulin lamang maaaring makapag-silbi nang marangal sa bayan, mapanganib sa kinabukasan ng bayan ang maling paniniwalang ito sapagkat ito ay nagbunga ng bakbakan ng mga magkababayan, na ikinahirap ng maraming lalawigan at nakatulong nang malaki sa pagkatalo ng himagsikan. Ang tunay na makabayan ay ang tumutupad ng pagbubuti ng kanyang mga kapwa, gaano mang ka-aba ang kanyang katungkulan. Anumang munting kabutihang nagawa sa mababang katayuan ay marangal at tanghal, habang kapag maliit na kabutihan lamang ang nagawa sa makapangyarihan at mataas na katungkulan, ito ay kapabayaan at kawalang-kusa. Nakikita ang tunay na dangal ng isang tao sa kanyang mga galaw at salita, hindi sa mga palamuti at magandang damit na nagbabalatkayo ng kabuktutan ng isang tao. Ang tunay na dangal ay nakakamit sa pagsasanay sa ating mga pag-iisip na makilala ang katotohanan, at pagtuturo sa ating mga puso na mahalin ito. Ang katotohanan ang maghahatid sa atin sa katarungan at kung anu-ano ang ating dapat gawin. Dapat nating alalahanin na tayo ang nasa unang hakbang ng buhay pambayan, na tungkulin nating akyatin ito, at makakayanan lamang natin sa kabutihan at pagpapakasakit. Huwag nating kalimutan na kapag hindi natin naakyat at hindi tayo lumaki, tayo ay papanaw nang walang katuturan, walang naabot at isang abang lahi.
Nanggahasa ang ilang Katipuneros Hindi ko maiwawaksi sa ulat na ito sa aking mga kabayan ang pandidiri na nararamdaman ko tuwing marinig ko ang paglapastangan sa mga Pilipina ng mga sandatahang Pilipino. Kahit na iilang ulit lamang nangyari, at aamining kong mahirap hadlangan sa magulo at walang pitagang mga panahon ngayon, ngunit ang paggahasa sa mga dalaga natin ay maniwaring mapipigil at hindi na sana naulit-ulit pa kung pinarusahan ng mga pinuno ang mga kawal nilang nanggahasa. Paano natin maaasahang igalang ng mga dayuhan ang mga Pilipina kung tayo mismo ay walang pitagan sa kanila? Tayo bang mga Pilipino ay igagalang ng iba kung tayo ay walang paggalang sa mga Pilipina? Nuong mga unang panahon ng mga magiting, ang pangunahing tungkulin ng mga maginoo ay ipagtanggol at igalang ang mga babae sapagkat sa ganitong gawi ng pagtatanggol sa mga mahina naaaninag ang karangyaan ng loob at karangalan ng pagkatao. At ito ay dapat sundin ngayong mga panahong ito at sa mga darating na araw upang magkaroon ang mga babae ng dangal at tiwala sa hinahon ng kanilang pamumuhay, na maituturo nila sa kanilang mga anak nang sa gayon, lumaki silang may tapang at tiwala na maaari nilang makamit ang mga magiting na hangarin.
Karapatan ng mga Pilipino Pahuli, umaasa ako na ang salaysay kong ito ay maglalantad ng hangarin ng mga Pilipino na magkaroon ng malayang politica at pamahalaan. Ang mga Español at ang mga Amerkano ay kapwa mababa ang tingin sa mga tao, tinuring nilang mga walang pinag-aralan at mga balasubas na hindi kayang mamahala sa mga sarili, dahil nakita nilang walang karanasan Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
23 of 25
sa politica ang mga Pilipino. Kapwa sila nalansi. Ang mga tao na walang kakayahan sa kabihasnan ay hindi umaasang makamit ito dahil hindi nila kailangan, gaya ng mga Igorot at mga Aeta na maligayang namumuhay sa bundok-bundok sa halip na sa mga kabayanan. Ang mga Español ay nagparatang na iilan-ilang mga Pilipino lamang, ang mga nakapag-aral, ang naghangad ng kalayaan at hindi ang daig-karamihan ng madla, ngunit ang madla ay naghimagsik, sa pamumuno nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo, kapwa bahagya lamang nakapag-aral, dahil pinipilan ng mga Español ang kanilang nasang makalaya. Ang mga Amerkano ay naniniwala rin na ang mga nakapag-aral lamang ang nagnanais mamahala sa bayan; hinahangad ko sa pagsulat nitong kasaysayan na makita ng America ang kanilang kamalian, at hindi mangyari ang isa pang madugong himagsikan. Sa mga adhika na unang hiniling sa mga Español, iilan lamang mga karapatang iginawad ng batasan ng America, at ang mga ito ay iniipit pa ng pamahalaan ng mga Amerkano dito sa kapuluan, pamahalaang sinasarili ang lahat ng kapangyarihan ng pamumuno at ng batasan, at siya ring pumipili ng mga hukom. Kalat din ngayon sa pamamahala ng mga Amerkano ang hindi pantay na sahod na pina-iral dati ng mga Español nuong panahon nila, at kinamumuhian din ngayon gaya nang nuon, kaya hindi mapaganap ang pakiki-isa ng mga Pilipino at mga Amerkano. At ang mga constabulario, karaka-raka, ay alinsunod sa pagmamalupit ng Guardia Civil nuong panahon ng Español. Itinanong ko kay Governador William H. Taft, bago ako ipinatapon sa Guam, nuong pinuno pa lamang siya ng Philippine Commission at hindi pa siya governador, kung hanggang saan aabot ang pagsakop ng America sa Pilipinas. Tapatang inihayag ni Ginoong Taft na gagawin ng America ang uri ng pagsakop na gagawin ng Russia o ng Turkey kung ang mga ito ang naka-angkin ng kapuluan. Ang tanging kaibahan ng America, sabi niya, ay lumaki sa laya ang mga Amerkano kaya mas maluwag ang magiging palakad nila sa Pilipinas. Idiniin ko sa kanya na mapanganib para sa pamahalaan ang kalabanin nang lantaran ang mga hangarin ng mga tao, ngunit pinutol agad ni Ginoong Taft ang aming pag-uusap, sinabing hindi siya maaaring makipagtalo tungkol sa paksang iyon dahil sa mga utos sa kanya ng pamahalaan ng America. Maliwanag, sa aking pagmuni-muni, na sumusunod lamang si Taft sa adhika ni McEnery at mga pakana ng pamahalaan sa Washington. Dahil dito, isip ko ay walang silbing ulatin ang paksa sa ngayon. Kukuruin ko lamang na walang karanasan ang mga Amerkano sa paghihigpit at pagmamalupit na sinisimulang pairalin ngayon ng pamahalaan sa Manila, kaya hindi nila maaaring sabihin na mas maalam at mas may kakayahan sila kaysa sa mga Pilipino. Kung higit na nakapag-aral man ang mga Amerkano, ang mga Pilipino naman ay higit na maraming karanasan sa malupit na pamahalaan. Isa pa, higit na alam ng mga Pilipino ang kanilang mga hangarin at pangangailangan. Inaamin ko na napatunayan na ng mga Amerkano ang galing nila sa pamamahalang democratico, ngunit kaibang-kaiba ang malupit at mahigpit na pamahalaan at hindi maaaring subukin sa America dahil tutol ang mga tao duon at labag sa kanilang ginagisnan. Kaya ang mga Amerkano ay higit na walang alam tungkol sa malupit na paghahari at hindi nila kayang pairalin ito sa Pilipinas; ang tanging kaya nilang itatag ay ang democraticong pamahalaan na alam nila, at nais matutunan ng mga tao. Kung ipagpapatuloy nila ang malupit na paghahari na sinisimulan nilang pairalin, kinakailangan nilang humanap ng mga malupit at makaharing dictador upang mamuno rito, at malamang wala silang makita sa America na may ganoong kakayahan.
Naki-apid sa mga Amerkano Tatapusin ko itong kasaysayan sa isang tanong. Tatanggapin ba ng mga Pilipino ngayon ang mga pagbubuti na dating hiningi mula sa mga Español? Sa tingin ko ay hindi, sapagkat ang hangaring maging malaya, na hindi pinag-iisipan nuon, ay tatag na ngayon sa puso ng lahat. Ang paghadlang dito, sa pananakot at amba ng dahas ng pamahalaan sa Manila, ay nagsisilbi lamang na palakihin ang lagablab ng pagnasa ng mga tao. Hindi tayo nakibaka at nagdusa para sa wala. Ang mga nakikiapid lamang, ang ilang nagsasamantala upang mapagbuti ang mga sarili nila, sila lamang ang nasisiyahan sa paglaho ng pag-asang makalaya ang bayan. Maunti lamang sila, at kinamumuhian ng madla dahil ikinakatwiran nilang walang muwang ang mga tao upang magkamit ng kalayaan gayong, sa katunayan, pinapatunayan nilang sila ang walang muwang, ipinapakitang wala silang hangad kundi maging sagana sila-sila lamang. Bago ako napatapon sa Guam, nagbuo ng isang partidong politica ang mga tao na nakikiapid sa mga Amerkano. Tinalikuran nila ang hangaring makalaya ng mga tao at ginawang adhika ng kanilang partido na isapi ang Pilipinas sa Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
24 of 25
America. Ang katotohanan ay ito: Walang may ibig sa America na maisapi ang Pilipinas, at walang Amerkano na naniniwalang maaaring maging mga Amerkano ang mga Pilipino. Paniwala ng mga nakikiapid na walang muwang ang mga tao tungkol sa mga bagay na ito, kaya sinabi ko nang may kabastusan, na nangangarap sila nang gising, na kung nais nilang magkamit ng tunay, hiyakatin nila ang pamahalaan sa Manila at sa America na magpatawad nang kaunti, at ipangako ang kalayaan ng Pilipinas sa mga darating na araw. At tutulungan ko sila, pangako ko, na tanggapin ng mga tao ang ganitong kasunduan, at kalimutan na muna ang kalayaan hanggang sa kahit matagal na panahon. Kahit na inaamuki ko sa magkabilang panig na magtawaran upang magkasundo, ang tanging batayan ng kapayapaan, hinatulang akong matigas na ulo at ipinatapon sa Guam, kung saan ako mistulang bilanggo at hindi pinayagang makipagugnay sa Pilipinas nang mahigit 2 taon. Ang bawat paglabag sa katarungan ay nakakagulo ng isip at nagpapasiklab ng damdamin, ngunit handa akong kalimutan ang paglapastangan sa akin sapagkat sa pakiramdam ko, tungkulin ko ang maging mapilit na naman, at imungkahi muli na magkasundo ang mga Amerkano at mga Pilipino.
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Page
25 of 25