Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas
Unang Yugto ng Kasiglahan
Ang aktwal na pananakop o kolonisasyon ng Espanya ay nagsimula noon lamang 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong pinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi, kasama ang sunadalong pari na si Fr. Andres de Urdaneta. 333 taon na napasailalim ng kapangyarihan ng bansang Espanya ang Pilipinas.
2 Layunin:
-Kristyanisasyon
-Hispanisasyon
Urong -sulong ang naging sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila sa Pilipinas.
Mga Dahilan
Higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng mga wika ng mga katutubo
Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika.
pangamba na baka kng matuto ang mga "Indios" ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang pulitikal at sila ang balikan.
Lumaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas at unti-unting itnakwil ng mga paganong katutubo ang kinagisnang paniniwala at niyakap ang Kristiyanismo.
Mga Salin sa Tagalog ng mga Akdang Panrelihiyon na hinalaw sa Lathalain na Tagalog Periodical Literature ni Teodoro Agoncillo (nagtipon)
209 na lahat ang nakatalang Religious Works na karamihan ay salin o adaptasyon mula sa mga manuskrito, pamphlet, aklat atbp. na orihinal na nasusulat sa wikang Kastila.
POKUS
-Tungkol sa mga materyales na panrelihiyon, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
(Pananakop ng Mga Amerikano)
Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay na pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Kinailangan ng mga panahong iyon na isalin sa Tagalog at iba pang katutubong wika sa kapuluan ang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana.
Kasangkapan
KRUS O RELIHIYON
Pagsasalin
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang salin (paglilinaw).
Ang pagsasalin[1] (pagsasalinwika)[2][3] ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik (teksto), at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na tinatawag na salinwika[2] – na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika. Tinatawag na pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang patutunguhang wika ay tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay tinatawag na puntiryang teksto.
Isinasaisip sa pagsasalinwika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto), ang patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipaugnayan ang bawat dalawang (ang literal na salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga gawi, at kawikaan.
Puno ang pagsasalinwika ng mga kaipala (o posibilidad) ng pag-apaw ng mga wikain at paraan ng paggamit mula sa isang wika patungo sa isa, sapagkat kapwa wika ay nakasalalay sa nag-iisang utak ng tagapagsalin (o tagapagsalinwika)[2]. Madaling makasanhi ang pag-apaw na ito ng mga pinaghalong wika (ang mga haybrid) katulad ng "Prangles" (Pranses-Ingles), "Espanggles" (Kastila-Ingles), "Pogles" (Polaka-Ingles), "Portunyol" (Portuges-Kastila o Portuges-Espanyol), "Taglish" (Tagalog-Ingles), at "Englog" (Ingles-Tagalog).
Kasingtanda ng panitikan ang sining ng pagsasalinwika. Ang mga bahagi ng tulang-bayani ng mga Sumeryan – ang Epika ni Gilgamesh – na isa sa mga pinakamatandang mga akdang pampanitikan, ay natagpuan sa anyo ng mga salinwika na nasa iba't ibang mga wikang Asyano (mga wikang ginagamit noong ikalawang milenyong BCE). Maaaring nabasa ng mga isinaung may-akda ng Bibliya at ng Iliad ang Epika ni Gilgamesh.[4]