IMPLUWENSIYA NG SOUTH KOREA SA MGA MAG-AARAL NG AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Agusan- Senior High School, STEM
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ng
Oktubre, 2017
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito. 1. Introduksiyon 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagahan ng Pag-aaral 4. Saklaw at Limitasyon 5. Depinisiyon ng Terminolohiya
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaal at Literatura
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik 2. Mga Respondents 3. Instrumentong Pampananaliksik 4. Tritment ng mga Datos
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon 1. Lagom 2. Kongklusyon 3. Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian
Kabanata I
INTRODUKSIYON
Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga kakaiba at malikhaing uri ng pag-iisip pagdating sa iba’t-ibang bagay, ngunit sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng mga produktong banyaga sa ating bansa ay marami na ang nagbago. Dahil sa globalisasyon at pag-usbong ng teknolohiya, lumaganap sa Pilipinas ang iba’t-ibang kultura, laloo na ang Kulturang Koreano. Taong 2002 nagsimulang pumasok sa ating bansa ang kultura ng Koreano. Mas sumikat ito ng dahil sa mga “digital natives” o “millennials” na sila ang gumagawa ng mga “social trends” na umaakit o umaanyaya sa mga kabataan na pasukin ang mundo ng Korea. Ang mga mag-aaral sa Agusan National High School ay kasali sa mga kabataang naimpluwensiyahan nga Kulturang Koreano lalong lalo na sa kanilang pisikal na kaanyuan. Ang ibang mga mag-aaral kung minsan ay napapalagay ng “bangs” sa kanilang mga buhok para tumulad sa kanilang mga iniidolo at ginagaya rin ng iba pang estudyante ang paraan ng pananalita pati ang wika ng mga Koreano na ang tawag ay “Hangul” sa sobrang impluwensiya sa kanila ng mga Koreano. Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng “Asian Fever” o “Asian Invasion’ o ang paglaganap ng mga produkto at kultura sa ating bansa maging sa musika, pananamit, mga palabas, ang paggamit ng mga kolorete sa mukha o “liptint” at ang pag-asam ng maputi at makinis na kutis kagaya ng mga Koreano. Mapa bata man o matanda, halos lath ng mga Pilipino ay hindi na maiiwasan ang “Korean Virus”. Kaya naman ang pag-aaral na it ay naglalayong talakayin sa mga mambabasa ang impluwensiya ng Kulturang Koreano sa ating bansa lalo na sa mga mag-aaral ng Agusan National High School.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ang naiisasagawa base sa mga obserbasyon ng mga tao, ang mga bata at matatanda ay higit na tinatangkilik ang mga bagay mula sa Timog-Korea kagaya nalang ng mga pagkaing Koreano na “Kimchi”, “Ramen” “Korean Spicy Noodles” na patok sa panlasa ng mga Pilipinong mamamayan; KDrama o Korean Drama na kadalasan na inaabangan at pinapanuod ng mga kabataan: K-Pop Music o Korean Pop Music na kadalasan ring pinakikinggan ng mga kabataan pati na rin ng mga nakakatanda. Ninanais naming gawin ang pagaaral na ito dahil gusto naming mabigyang-linaw ang totooong dahilan at salik kung paano at bakit Malaki ang impluwensiya ng mga Kulturang Koreano at hindi na nabibigyang-pansin ang mga gawang-pinoy.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang mapukaw ang mga kabataan na kahit tinatangkilik ang Kuturang Koreano ay nararapat ding bigyan ng pansin ang kahalagahan ang maka-Pilipinong gawa o produkto at higit sa lahat, pati na rin ang Kulturang Maka-Pilipino.
SAKLAW AT LIMITASYON Sabi nga ni Jose P. Rizal, “Ang tao na hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda”. Gaya ng pagtingkilik ng Pilipino sa kulturang Koreano, lalo na sa mga kabataang Pilipino. Nalimutan na nila ang kulturang atin, ang kagandahan at kaibahan nito. Ang kagandahan ng mga pelikula at teleseryeng Pilipino. Ang sarap ng mga pagkaing Pilipino na “Pang World Class”. Ang kagandahan at ang pagiging maka-bansa, sa paggamit ng sariling wika. Lahat ng mga ito ay kinalimutan na dahil sa pag-usbong ng kulturang, di atin, ang Kulturang Koreano. Ang Pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at epekto ng Kulturang Koreano sa mga estudyante sa Agusan National High School. Saklaw nito ang mga estudyante sa Agusan National High School na tumatangkilik sa Kulturang Koreano. Naniniwala ang mga mananaliksik ng kasalukuyang panahon ay pinakainam na magkaroon ng pag-aaral na ito upang masagot ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mamamayang Pilipino, lalong lalo na sa mga estudyante o kabataang Pilipino.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
K-Drama. K-Drama o Korean Drama ay mga pelikulang o palabas na ginagawa ng mga Koreano. Teleserye kumbaga.
K-Pop. K-Pop o Korean Pop Music na patok ngayon sa social media na mga Koreano ang kumanta.
South Korea. Isang bansa sa Asya na Malaki ang impluwensiya hindi lang Asya pati na rin sa Hilaga at Timog Amerika.
Kimchi. Isang pagkain na sumikat sa Korea. Putaheng gulay na mag “sauce”.
Ramen o Ramyeon. Pagkaing Koreano na ang pangunahing sangkap ay noodles na maanghang anghang ang lasa.
Bangs. Sikat na “Haircut” sa bansang Korea lalo na sa mga babae.
Hangul. Pambansang wika ng mga South Korea.
Liptint. Isang uri ng kolorete na nilalagay sa labi para magmukhang natural ang pagpula ng labi.
Digital Natives o Millenials. Mga tawag sa mga taong ipinanganak sa panahon ng pag usbo ng teknolohiya.
Social Trends. Mga usong bagay sa internet.
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA