KABA KA BANA NATA TA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Intr Introd oduk uksy syon on
Ang buhay kolehiyo ay hindi biro. Nandyan ang mga mahahabang mahahabang pagsusulit pagsusulit at maiimpluwensyang kaibigan. Sa pagpasok sa unibersidad ay siguradong mararamdaman ang kakaibang hamong dala nito. Isa sa mga kahaharapin sa buhay kolehiyo kolehiyo ay ang mabigat na gawain gawaing g pang-aka pang-akadem demiko. iko. Bukod Bukod dito dito ay nandya nandyan n din ang peer peer pressure pressure,, problemang pinansyal, at marami pang iba. Sa kolehiyo ay hinuhubog ang mga kakayahan at isipan ng mga estudyante upang maihanda sa mas mapanghamong kinabukasan. Gaya nang nabanggit, mapanghamon mapanghamon ang buhay kolehiyo kolehiyo at kaakibat kaakibat nito ang hindi National Sleep Foundation Foundation, animnapu’t sapat na pagtulog. Ayon sa pag-aaral pag-aaral ng National animnapu’t tatlong porsiyento (63%) ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay hindi nagkakaroon nang sapat na tulog. Para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, hindi na bago ang mga gabing walang tulog. http://www.sleepfoundation.org/
Sa pag-unawa sa sitwasyong ito ay mas mainam na mainitndihan ang pagtulog. Ang pagtulog ay isa sa mahalaga at likas na gawain na kinakailangan ng tao sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa Wikipedia, Wikipedia, ang pagtulog ay isang natural na estado ng pagpapahinga ng katawan na nagaganap sa mga hayop (kasama roon ang tao). Habang tumatanda ang isang tao, bumaba ang oras na ginugol ginugol nito sa pagtulog. Ang isang pangkaraniwan pangkaraniwang g matanda matanda ay nangangailangan ng pito hanggang walong oras na tulog. Mayroon namang isang artikulo na nagsasabi na ang ating utak ay patuloy pa ring nagdedebelop hanggang sa ika-dalawampu (20)
taong gulang kaya naman ang mga teenagers ay dapat na nakakatulog ng 9¼ na oras sa isang araw. Sa kasalukuyang panahon, lumiliit ang oras na iginugugol ng mga mag-aaral sa pagtulog. Ang hindi pagkamit ng nararapat na bilang oras ng tulog ay tinatawag na sleep deprivation. Malaki ang epekto ng kakulangan ng tulog sa buhay ng mga mag-aaral. Mapurol na memorya, maikling pasensya at mahinang pangangatawan ay ilan lamang sa mga naidudulot ng hindi pagkakaroon ng hindi sapat na tulog. Dahil dito ay nasasakripisyo ang mainam na pagkatuto ng mga estudyante. Samantala, sinuportahan naman ito ng National College Health Association. Ayon sa kanilang nakalipas na pag-aaral, 25 porsiyento ng suliranin sa pag-aaral ay isinisisi sa hindi sapat na pagtulog. Dahil sa kakulangan sa tulog, bumababa ang grado ng mga mag-aaral. Bukod sa lubos na epekto ng hindi sapat na pagtulog sa academic performance ng mga magaaral, marami pa itong epekto lalo na sa kalusugan—nakakaapekto ito sa mental, pisikal, at emosyonal na aspekto ng tao. Sa isang banda, bagama’t alam ng nakararaming mag-aaral ang dahilan ng kanilang pagkapuyat, hindi pa rin naiiwasan ang ganitong pangyayari. Sa katunayan, maraming mapagkukuhanan ng mga epektibong solusyon at payo upang malutas ang suliraning ito. Ang pagtulog ay mahalaga sa buhay ng tao lalo na sa mga mag-aaral na lubos na kailangan ito. Sa kasanayan ng mga mag-aaral na magpuyat ay nasasakripisyo ang kanilang pag-aaral at maaring mauwi ang ganitong pamumuhay sa mga mas malalang sakit na lubos na pagsisihan. Isang malaking suliranin ang hindi pagkakaroon nang sapat na tulog ng mga mag-aaral sa kolehiyo at hindi ito dapat ipagwalang-bahala. Dahil sa mga naidudulot nito sa buhay ng mga mag-aaral ay nararapt itong bigyang pansin at lunasan. 2. Layunin ng Pananaliksik
Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay ng impormasyon hinggil sa epekto ng hindi sapat na pagtulog ng mga mag-aaral sa kolehiyo at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong: 1.
Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyante hinggil sa hindi sapat na pagtulog?
2.
Anu-ano ang mga epekto at sanhi ng hindi sapat na pagtulog?
3.
Nagdudulot ba ito ng mas malalang karamdaman?
4.
Sapat ba ang kaalaaman ng mga kabataan ukol sa nasabing paksa?
Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing suliranin ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng hindi sapat na pagtulog ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga epektong ito ay may kaugnayan sa mental, pisikal, at emosyonal na aspekto ng mga mag-aaral na lubos na nakakahadlang sa mainam na pagkatuto. Upang masagot ang suliraning ito ay kinailangang pag-aralan ng mga mananaliksik ang mga bagay na nakapaligid sa nasabing suliranin. Kasama sa mga tatalakayin ang mga pagtulog at kahalagan nito, sanhi ng hindi sapat na pagtulog, at ang mabisang solusyon at rekomendasyon ukol dito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Pinaniniwalaang malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod: Mag-aaral sa kolehiyo - Ito ay kapupulutan ng mga mag-aaral ng mga susing
impormasyon upang kanilang malaman ang pagtulog at kahalagahan nito at ang sanhi, epekto at solusyon ng hindi sapat na pagtulog. Higit sa lahat, ito ay may katuturan sa mga mag-aaral sapagkat maaring maging hakbang ang pag-aaral na ito upang mabago ang kanilang pamumuhay ukol sa hindi sapat na pagtulog. Magulang ng mga mag-aaral sa kolehiyo - Dito ay kanilang malalalaman ang
karanasan at sitwasyon ng kanilang anak nang sa gayon ay mainitndihan nila ang mga kinikilos nito at matulungan ang mga ito upang malutas ang kanilang suliranin. Samkatwid, magsisilbing ugnayan ang pananaliksik na ito sa pagitan ng mga magulang at kanilang anak. Propesor/Guro - Ito ay magsisilbing gabay sa mga guro upang makita ang suliranin na
kinakaharap ng kanilang mga estudyante nang sa gayon ay maintindihan din nila ang mga kinikilos nito at matulungang malutas ang suliranin. Mananaliksik – Ang kontribusyong ito ay makakaragdag sa mga katulad ng mga pag-
aaral na ito (lokal o nasyonal). At maaring makatulong sa kanilang nasabing pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na mayroong maiaambag sa lipunang ginagalawan ang pananaliksik na ito. Sa mga nagnanais na ipagpatuloy ang mga pag-aaral. Umaasa na ang resulta nio ay magiging basehan ng mga paglikha ng batas at sa pagkakaroon ng reporma.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Sa pananaliksik ng riserster ay minabuting limitahan ang saklaw ng pag-aaral. Bagama’t nangangahulugan ang limitasyon ng hangganan ng maraming impormasyon na maaring isama upang mapaunlad nang lubos ang napiling pag-aralan ay ginawa ito upang maging mas realistik at mas komprehensibo ang pagtalakay sa mga paksang may kaugnayan sa pananaliksik. Sakop ng pag-aaral na ilahad at ipaliwanang ang pagtulog. Saklaw din nito na ipagbigay alam sa mga mag-aaral sa kolehiyo ang sanhi at epekto ng hindi sapat na pagtulog at ang mga solusyon sa suliraning ito. Isa sa mga metodolohiyang ginamit sa pananaliksik ay ang pagsasabey. Ang mga respondents ng sarbey ay limitado. Ito ay kinabibilangan lamang ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng Kolehiyo ng Agham ng Pamantasang De La Salle- Dasmariñas at ang kanilang kabuuang bilang ay tatlumpu’t siyam. Ang pananaliksik na ito ay limitado sapagkat nakapokus ito sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Tinitignan lamang ng pananalisk na ito ang mga maaring sanhi at epekto ng hindi sapat na pagtulog sa mga mag-aaral sa kolehiyo at hindi sa lahat ng uri ng tao. Bagamat limitado ang pananaliksik ay sisikapin nitong mailahad at maipaliwanang nang buong husay ang mga nabanggit na paksang tatalakayin.