HALIMBAWA NG ISANG TEXTONG NARATIVE Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa kanilang puso.
May Ginto sa Kapaligiran Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang tinatapakan…. Pansinin ang lawak at masasabing “Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang nilikha!’ Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng makukulay na kaanyuan. Paraisong kaysarap tirahan! Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng kanyang nilalang na may taglay na talinong paunlarin ang buhay. Hindi tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa magandang kalagayan. Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong nagaganap, napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang tahimik na biktima. Hindi ito kataka-taka… Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at mapakinabangan ng tao. Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa mga gusaling itinayo. Maging ang halaman at hayop ay naaapektuhan ng mga pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid. Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin ang taong pangalagaan ang mga ito para rin sa patuloy niyang kapakinabangan. Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng pagkamatay ng iba’t ibang bahagi ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit may polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig. Ang polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo ngayon ang maraming taong naoospital. Hindi tuloy nagiging epektibong mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda kayat nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa. Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa mga nasabing senaryo. Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May kakayahan ang taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng Diyos sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat pahalagaan. HALIMBAWA NG TEKSTONG EKSPOSITORI: Dumarami na ang mga batang kulang sa nutrisyon dahil ito sa kahirapan na marami sa atin ngayon ang dumaranas ngunit ano nga ba ang dapat nating gawin sa ganitong konsepto ?Ang paghirap ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang pagdidisisyon at ginagawa kaya naman may mga taong mabilis na tumatas at bumabababa dahil sa kanila ring mga ginagawa ito ang mga resulta ng kanilang pagpapabaya o pagpupunyagi. Ang tekstong ekspositori ay tekstong may layon na magbigay ng impormasyon ukol sa sanhi at bunga.Ito ay napapaliwanag ng mahahalagang impormasyon sa teksto.Ito ay kadalasang walang pinapanigan. Ang mga Produkto ng Pilipinas) Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon ding mais na ipinanghalili bilang kanilang pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at Lambak ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus ng mais. Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang Gitnang Kapatagan sapagka’t dito nagmumula ang pinakamarami’t pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa. Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit nangunguna ang
Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka,tabajo,asukal at iba’t ibang prutas gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba. Hindi ba’t dapat ipagpasalamat ang mga biyayang ito na handog ng Diyos? Gagawa ang mga mag-aaral ng isang tal;a ng impormasyon ukol sa pinabasang texto. Pagkatapo, tutukuyin nila ang mga bahagi ng texto batay sa nabasa. MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya. Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron. At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW. Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa. Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan. Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.