KABANATA I
KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula
Usap-usapan ngayon ang pagbabago ng academic calendar o ang paglipat ng pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto sa halip na Hunyo. Ito ay ginagawa bilang paghahanda sa Asean Economic Community 2015 o ang integrasyon ng mga bansang miyembro ng Association of South East Asian Nations (Asean) upang mas mapalakas at mapadali ang pagbabahagi ng mga serbisyo, produkto at trabaho sa rehiyon. Malaki ang implikasyon ng Asean 2015 sa sektor ng edukasyon. Kailangan itaas ang antas at kalidad ng sistema ng edukasyon sa bansa upang makasabay ang Pilipinas sa ibang bansa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naisakatuparan ang K to 12 Basic Education Program, nang sa gayon ay maging sapat ang bilang ng mga taon na iginugugol ng mga estudyante sa paaralan at hindi na nila kailangan pang mag-ulit ng dalawang taon kung mag-aaral o mag-tatrabaho sa ibang bansa.
Kabilang din dito ang pagbabago ng schedule ng pagbubukas ng klase para makasabay sa kalendaryo ng mga kalapit bansa na karamihan ay nagsisimula ang pasukan sa buwan ng Agosto.
Ilang unibersidad na ang nagpahayag na pabor sila sa naturang panukala. Kabilang dito ang University of the Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas. Ang ilan sa kanila uunti-untiin ang pagbabago hanggang tuluyang buksan ang klase sa Agosto sa taong 2015. Sa darating na pasukan, sa halip na Hunyo magbubukas ng klase, sa Hulyo na at Agosto sa susunod na taon. Ginagawa ito upang mas mabigyan ng oras na masanay ang mga paaralan sa bagong sistema at kalendaryo. Ito rin ay upang hindi masyadong matagal mabakante ang mga guro na mawawalan ng sweldo kung masyadong tatagal ang bakasyon habang naghihintay ng muling pagbubukas ng klase.
Ang ilan naman na nagpapatupad ng trimestral system ay hindi raw masyadong mahihirapan dahil ilang linggo lamang ang gagawing adjustment at ang 1st semester ay magiging 2nd semester na. Ngunit kahit na magbabago ang trimester, maaari pa ring mag-enroll ang mga estudyante sa kolehiyo kahit hindi 1st semester ng taon.
Sa pagbabago ng kalendaryo sa mga unibersidad, inaasahan na mas mapapalakas at mapapalawak ang pagkakataon para sa "exchange" ng mga estudyante at maging mga guro.
May ilang unibersidad na tumatanggap ng exhange students kung kaya't mas magiging madali kung sabay ang schedule ng pasukan sa ibang bansa. Maging ang exchange at kolaborasyon ng mga guro ay mapapadali, yung mga dumadayo sa Pilipinas mula sa ibang bansa, o kaya naman ang mga guro natin na lumalabas ng bansa para sa research. Ngayon kasi ay hirap ang ibang unibersidad na makahanap ng mga katuwang mula sa mga kalapit bansa upang mas mapalakas ang research dahil sa magkaibang school calendar.
Kapag nangyari ito, ang pagtataas ng antas ng edukasyon at pagbabago ng kalendaryo sa mga paaralan ay mas magiging madali para sa mga graduate ng Pilipinas na kilalanin ang kanilang degree saan man sila magpunta. Dahil layunin ng Asean 2015 na magkaroon ng "mutual recognition" sa mga kurso at degree na kinukuha ng mga estudyante sa kolehiyo. Ibig sabihin rin nito ay mas magiging madali para sa mga Pilipino na makakuha ng maayos na trabaho sa mga karatig nayon na hindi na kailangan pang magbuno ng karagdagang taon sa paaralan.
Sa larangan ng edukasyon, maaari nang makapag-aral ang isang ASEAN national sa bansa na may pinakamurang tuition ngunit mataas na kalidad ng edukasyon. Ito ang dahilan kung bakit dinadayo tayo ng mga Korean. Mura ang matrikula sa bansa para mag-aral ng Ingles kumpara sa kanilang mga unibersidad doon. At sa mahabang panahon ng bugso ng pagdating nila sa Pilipinas, naisipan na rin nilang mamuhunan dito.
Kailangang sumabay ang mga unibersidad sa takbo ng academic calendar sa rehiyon dahil talo tayo kapag mayroong faculty at student exchange program. Kung saliwa ang ating kalendaryo sa kanila, mas pipiliin nilang pumunta sa ibang unibersidad sa ibang bansa. Kung naka-synchronize naman, maaaring pumunta ang isang faculty researcher ng DLSU halimbawa sa University of Malaya para makapagturo roon ng isang term. Ang isang faculty naman ng Physics sa National University of Singapore ay maaaring magturo sa UP College of Science. Malaki rin ang bubuksang oportunidad nito sa mga research project tungkol sa rehiyon. Puwede nang talakayin ng isang research team na binubuo ng magagaling na researcher mula sa mga bansa sa rehiyon para talakayin, saliksikin o tuklasin ang hinggil sa renewable energy, nanotechnology, megacities, family planning, diaspora at marami pang iba.
Gayundin ang para sa mga undergraduate at graduate students. Maaari silang magpa-credit transfer o credit equivalence ng mga kursong gusto nilang kunin sa mga unibersidad dito sa Pilipinas. Sa tulong ng bawat bansa, may potensiyal na maging international university ang DLSU, UP at ADMU. Ibig sabihin, posibleng sa loob ng 10 taon, 30% o higit pa ng populasyon ng mga estudyante ng mga unibersidad na ito'y galing sa iba't ibang bansa sa rehiyon. Bukod sa sampung bansa na binubuo ng Mynmar, Laos, Vietnam, Thailand, Cambodia, Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, Pilipinas kasama rin ang Japan, South Korea at China o kilala sa tawag na Asean Plus Three (APT). Kung kasama pa ang tatlong higanteng ito, napakalaki lalo ng mga oportunidad na magbubukas para sa lahat.
Teoretikal na Balangkas
Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang mapag-aralan ang epekto na kakaharapin sa pagpapalit ng kalendaryo sa kolehiyo.
Pinagsikapan ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Ano ang mga dahilan sa likod ng panukalang pagpapalit ng kalendaryo sa kolehiyo?
Ano-ano ang ikabubuti at ikasasama ng panukalang ito sa mga mag-aaral at guro sa kolehiyo?
Ano-ano ang mga bagay na dapat paghandaan ng mga mag-aaral at mga guro ng pamunuan ng iba't ibang unibersidad sa ating bansa?
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagpapalit ng kalendaryo sa kolehiyo:
Ang mananaliksik ay nagbigay ng talatanungan sa mga mag-aaral ng Rizal Technological University. Ang nakapaloob sa talatanungang iyon ay kung saan sila mas pabor na magsimula ang pasukan sa kolehiyo. Pinapili ang mga respondante sa buwan ng Hunyo at buwan ng Agosto. Ang sumagot sa talatanungang ito ay dalawang daang mag-aaral (200) na may edad 16-19 taong gulang. Binubuo ito ng isangdaan at tatlumpu't walong babae (138) at animnapu't dalawang lalaki (62).
Hunyo
Agosto
Lalaki - 43 -----------------------21.5%
Lalaki - 19------------------------9.5%
Babae - 106---------------------53%
Babae - 32----------------------16%
Kabuuan - 149------------------74.5%
Kabuuan - 51------------------25.5%