Filipino News Script 8- Justice News Falcons Members: Pamela Urbiztondo Steffi Espigadera Francheska Calo Carmel Coyoca Czarina Olandria Pia Albaniel Johanna Bacus
Carmel [News Anchor]: Magandang araw po sa inyong lahat mga kababayan! Nandito po ang News Falcons para maghatid sa mga nagbabagang balita ngayon. At ito po ang mga balitang ihahatid naming ngayon: Plastic, styrofoam, ipagbabawal sa Boracay Island Lumago ng 6.6 porsyento noong nakaraang taon ang ekonomiya ng bansa Field trip, 'di aalisin ng DepEd, pero hihigpitan ang patakaran Loveless PNoy, paborito rin ang 'Pusong Bato,' ayon mismo kay Kris Pacquiao-Marquez V, gagawin sa Sept. 15 – Arum Sisimulan natin ni Steffi para maghatid sa news na Plastic, styrofoam, ipagbabawal sa Boracay Island. Steffi: Ipagbabawal na sa isla ng Boracay ang paggamit ng mga plastic bag at styrofoam container alinsunod sa ipinasang ordinansa doon. Kasabay nito, isang mambabatas ang naghain ng panukalang batas para ipagbawal ang paggamit ng styrofoam container sa mga establisimyento sa buong bansa. Sa ulat ng Radyo Mo Nationwide nitong Miyerkules ng gabi, inihayag ng mga miyembro ng Konseho ng bayan ng Malay na nakasasakop sa Boracay, na malaking banta sa kalikasan ng isla ang mga plastic at styrofoam.
Sinabi sa ulat na hihikayatin ang mga bakasyunista at bibisita sa Boracay na magdala ng sarili nilang "bag." Magkakabisa ang ordinansa pagkaraan ng anim na buwan matapos itong malathala sa mga pahayagan. Sa hiwalay na artikulo sa Philippine Information Agency, nakasaad na ang mga hindi susunod sa ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang paglabag; P1,500 sa ikalawang paglabag; at P2,500 sa ikatlong paglabag na may kasamang pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan. Ang mga establisimyento na lalabag ay sususpindihin ang permit sa loob ng isang taon. At ito po muli nagbabalita si Steffi Espigadera. Narito po si Carmel para sa Balitang Ekonoymiya. Balik sa iyo, Carmel. Carmel: Salamat, Steffi. Lumago ng 6.6 porsyento noong nakaraang taon ang ekonomiya ng bansa Sa isang briefing nitong Huwebes, sinabi ni NSCB chief Jose Ramon Albert na ang paglago ng ekonomiya ay lagpas pa sa inaasahan ng mga ekonomista, lending institutions, institutions, at ng gobyerno mismo. Aniya, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa paglakas ng mga sektor sa serbisyo, kalakalan, real estate estate at construction. construction. Gayun din, ang paglago umano ng ekonomiya noong 2012 ay 'di hamak na mas mataas kung ikokumpara sa 37 porsyentong paglago nito noong 2011, at bahagyang mas mataas sa inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 6.5 porsyentong GDP growth. Mas mataas din ang 2012 growth sa media market forecast na 6.2 poryento. “The increase was fueled by the robust performance of the services sector led by trade and real estate,
renting and business activities as well as the substantial improvements of manufacturing and construction,” construction,” ayon sa NSCB sa isang hiwalay ng pahayag.
Nandito naman si Pamela para sa weather report. Pamela: Magandang araw po mga kababayan kababayan at ito na po ang lagay ng panahon ditto sa Pilipinas para sa araw na ito. Silipin natin ang lagay ng panahon sa Cebu. Dito sa Cebu ay karamihang maulap at pwedeng magkaroon ng pag-ulan na may mga pagkidlat sa umaga. umaga. 40% ang chanca ng pag-ulan. At sa gabi gabi naman ay may posibilidad na magkakaroon din ng ulan na may pagkidlat. Ang temperatura temperatura ay babagsak sa 24°C.
At silipin naman natin ang lagay ng panahon sa Manila. Ang Manila naman ay magiging bahaging bahaging maulap at mahangin sa umaga. 0% ang chanca ng pag-ulan. At magiging malinaw at maaliwalas ang gabi. Ang temperatura naman doon ay 23°C. Silipin din natin ang lagay ng panahon sa Davao. Pwedeng magkaroon ng bagyo at pag-ulan sa hapon. At sa gabi naman ay karamihang maulap at pwede ring magkaroon ng pag-ulan. 40% ang chanca ng pagulan. At ang temperatura ay babagsak sa 22°C. At ito po ang lagay ng panahon sa araw na ito. -------advertisement------Johanna: Balik naman tayo sa news. Field trip, 'di aalisin ng DepEd, pero hihigpitan ang patakaran Dahil sa magkasunod na aksidente na may kinalaman sa field trip, inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na paiigtingin nila ang patakaran kaugnay sa sistema ng "Lakbay-Aral" sa mga eskwelahan. Noong nakaraang Pebrero, nasangkot nasangkot sa aksidente ang bus na sinakyan ng mga mag-aaral sa field trip sa Tanay, Rizal kung saan dalawang high school students ang nasawi. Bukod sa safety requirement, sinabi ni Luistro na pinag-aaralan na rin ang educational component ng mga field trip. “Ang problema, ano yung guidelines para siguraduhin na educational s iya (field trips), hindi masyadong
magastos, that it is voluntary, at lahat ng safety requirements mula pa sa school hanggang pagbabalik ay hindi makakalimutan," paliwanag ng kalihim. Sa kabila nito, tinutulan ng opisyal ang ilang mungkahi na tuluyang alisin ang Lakbay-Aral program. “Ang pagtatanggal totally ng field trips ay over -done… ‘Yung ating mga panukala rito sa mga field trips,
ang field trips ay pwedeng educational," educational," aniya. Dito naman tayo sa showbiz update na ihahatid ni Francheska.
Francheska: Para sa showbiz news. Loveless PNoy, paborito rin ang 'Pusong Bato,' ayon mismo kay Kris Mismong si Kris Aquino ang nagsiwalat na paborito at kabisado ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang paboritong kanta ngayon ng bayan na "Pusong Bato." Iniulat ng host na si Butch Francisco Francisco sa Startalk TX nitong Sabado, na mismong si Kris ang nagsabi kay Renee Dela Rosa na paborito ng kanyang mga anak na si Joshua at Bimby, at maging si Pangulong Aquino Aquino ang kanyang kanta.
Nagkita ang dalawa sa isang pagtitipon at doon ikinuwento ni Kris na nalaman ni PNoy ang Pusong Bato nang minsan iwan niya ang dalawang bata sa pangulo nang magpunta siya sa abroad para sa isang proyekto. "They keep singing it to him (PNoy). Hindi pa niya kilala nung time na 'yon, but because Bimby memorized, at si Josh memorized si Pusong Bato, so pati ang Presidente alam na ngayon ang Pusong Bato," ayon sa TV host-actress. host-actress. Idinagdag pa ni Kris na ang bersiyon ng kanta ni Renee ang plakado sa utak ni Kris na tinawag niyang "my superduper favorite." Iyan po ang showbiz news para sa araw na ito.
Czarina: Punta naman po tayo dito sa sports news. Pacquiao-Marquez V, gagawin sa Sept. 15 – Arum Nasa kamay na umano ni Top Rank Promotions big boss Bob Arum kung ano ang magandang solusyon para maisakatuparan na ang Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez Part V fight Sina Arum at Marquez ay nagpulong sa Mexico para sa sinasabing laban ngayong taon. Ayon sa Top Rank president, bagama't hindi naman umano binanggit ng Mexican champion ang premyong tatanggapin tatanggapin sa laban pero mas malaki ang kikitain nito ngayon. Sinabi ni Arum, posibleng aabot sa mahigit $6 million ang fight purse ni Marquez sakaling matuloy ang Pacquiao fight. “He never mentioned a figure but he wants more than what he got the last time,” wika ni Arum. “He won the last time so he is entitled to get more.”
Para naman kay Pacman, inihayag ni Arum na mababawasan ang guaranteed $23 million na premyo nito Kumpiyansa ang batikang promoter promoter na maaayos na nila ni Marquez ang laban sa Abril 6 sa susunod nilang pagkikita sa Venetian Hotel sa Macau. Sakaling maayos na ang lahat, naka-schedule ang Pacquiao-Marquez Pacquiao-Marquez fight sa Setyembre Setyembre 15. Ito po si Czarina para sa sports news. Carmel: At yan po ang lahat ng nababagang balita na inihatid namin sa iyo. Muli, kami po ang News Falcons naghahatid sa mga balita 24-oras. Magandang araw po sa inyong lahat.